Maikling kwentong trahedya

Isang Napakagandang Delubyo

2024.02.01 07:17 tsongkoyla Isang Napakagandang Delubyo

Isang Napakagandang Delubyo

https://preview.redd.it/oxf3x1eyywfc1.jpg?width=1536&format=pjpg&auto=webp&s=7fd16dc33c6b2d2346f58f985ea152e402566f74
https://preview.redd.it/bg5683eyywfc1.jpg?width=1536&format=pjpg&auto=webp&s=6c4c6ba0fa6ee557a4b4b9a119a83fb565cf0a32
Ikalawang libro na natapos ko ngayong taon. Ito na ang ika tatlong libro na nabasa ko mula kay Vivo, lahat magaganda at walang tapon. Sinuwerte at naka iskor pa ng autograph mula sa author. Tamang buntong-hininga lang talaga ang magagawa mo tuwing matatapos mo ang isa sa pitong maikling kwento sa librong to.
Bastos, malaswa, at immoral ang mga kwento, pero napakaganda. Tinamaan talaga ako doon sa kwento ng 'Dianson Park' at 'Walang Imik Ang Mga Puno Ng Saging'. Nakakagago talaga ang kwento, pero ewan bakit hindi ko siya mabitaw-bitawan. Umabot sa puntong naihagis ko ang libro sa dingding at napasigaw nalang ng PUTANGINA NYO! Ganyan siya ka ganda.
Ang masakit lang dito ay nangyayari talaga sa totoong buhay ang mga kwentong nakapaloob dito.

submitted by tsongkoyla to PHBookClub [link] [comments]


2023.10.31 15:22 FlechD Tanikala at rehas ng buhay sa mapaghusgang lipunan

Ang maikling kwentong ito ay requirement sa aming asignaturang Filipino. Kung mayroon kayong mga komento, suhestiyon, at mga puna ay maaari niyo lang pong ipagpaalam sa akin.

Tanikala at rehas ng buhay sa mapaghusgang lipunan
Akda ni Flechero, D.

ANONG GINAWA KO SA BUHAY KO!? Tanong ko sa sarili ko habang ang aking mga palad ay nakabalot nang mariin sa rehas ng presinto, pilit na ginugunita ang lahat ng mga pangyayari sa mahigit 30 taon kong namuhay sa mundong ito. Ako ba ang may sala? Kasalanan ko bang lumaking ganito? Pinili ko ba ang ganitong buhay? Marahil hindi, ngunit sa mata ng batas at lipunan, ako ay ang siyang nagkamali. Maari nga bang mas kabisado pa nila ang aking personalidad kaysa sa akin? O sadyang ako’y nagbubulag-bulagan lamang?
“Bert! Bert! Gising! Alas otso na ng umaga at tinatawag na tayo ni Clarisse”- ang pangbubulabog sa akin ng pinsan kong si Mark noong walong taong gulang pa kami upang akayin ako na makipaglaro kina Clarisse. Agad naman akong nagmumog at kumaripas ng takbo kasama ang pinsan ko. Gustong-gusto kong kalaro si Mark. Masaya akong kasama ito sapagkat pinapalakas nito ang loob ko sa tuwing nalulungkot o nasusugatan ako mula sa aming paglalakwatsa. Di kami mapaghiwalay ng pinsan ko, magbestfriend kami. Si Mark at ang nanay nito ay nakikitira sa amin sapagkat iniwan na ito ng ama niya noong sanggol pa lamang ito at mag-isang nagtatrabaho si Auntie Isabel bilang nars sa isang pribadong klinika sa syudad kung gayun ay dalawang beses lamang sa isang buwan ito kung umuwi sa bahay.
At nang pagkarating namin sa bakanteng lote, naroroon si Clarisse, naglilinis ng aming gawang bahay-bahayan. Sa aming laro, ako ang nagkukunwaring ama, si Clarisse naman ang nanay, at si Mark naman ang alalay sa munting tahanang iyon. Masaya akong kasama ang mga kababata ko, lalong lalo na ang matalik kong kaibigan at pinsan na si Mark. Ngunit ang mga araw na ito na inakala naming panghabang buhay na ay biglang nagkaroon ng hangganan noong nagpasya ang ina ni Mark na mamuhay sa abroad. Simula noon ay kaming dalawa na lamang ni Clarisse ang magkalaro.
Isang araw ay dinala ni Clarisse ang kanyang mga manika sa aming bahay-bahayan upang paglaruan ngunit ayaw ko sa mga ito. “Pambabaeng mga laruan naman ang mga dala mo. Pinagbabawalan ako ng ama kong humawak niyan” sabi ko. Umpisa pa lamang ay nabalot na ng mga pangaral at gabay ng aking ama ang aking buong pagkabata. Ginagawa niya raw ito upang maging tunay at maginoo akong lalaki pagdating ng araw. Tumahimik lang si Clarisse at inilagay ang isang Ken doll sa aking kanang kamay at sinabi nito na okay lang naman ito, hindi naman babaeng manika ang ipapahiram niya, ang lalaking manika talaga ang para sa akin.
Matapos ang ilang lingo naming paglalaro ni Clarisse ng mga manika, kahit wala si Mark ay masaya pa rin kami kahit papaano. Pag-uwi ko sa bahay ay lasing ang ama kong pulis kasama ang kaniyang mga kumpare, magmamano sana ako nang biglang sinalubong ng sampal sa aking kaliwang pisngi at pinikot ang aking tainga, hinila ako papasok sa kwarto ko at tinulak ako habang mangiyak-ngiyak na inaawat ng aking ina si papa. Di mapigil si papa sa paghablot ng sinturon nito saka pinaulanan ng palo ang aking katawan. At hindi pa ito kinulang sa ginawa niya at binunot pa nito ang baril sa aparador at tinutok sa akin at dahil dito ay napilitan ang aking ina na yakapin ako habang ako ay nasa bingit ng kamatayan sa mga kamay ng aking ama. Hinagpis ang aking nararamdaman sa hindi malilimutang gabing iyon na mismong sarili kong ama ang nanakit sa akin. Simula noon ay di na ako masyadong lumalabas para maglaro at naging sunod-sunuran sa aking ama. At nabalitaan ko na lamang na lumipat na ng bahay ang pamilya ni Clarisse.
Pagkaraan ng mahabang panahon, hanggang sa ako ay pumasok na sa sekundaryang paaralan, si papa pa rin ang may kontrol ng lahat. Pinasali niya ako sa Basketball varsity team ng paaralan at agad naman akong nakapasok dahil kumpare niya ang coach namin at sinunod ko naman ito. Lumaki akong matipuno at may magandang hubog ng katawan kahit na ako ay menor de edad pa lamang. Bago pa ako naging kasapi ng koponan, isa na akong red belter sa Taekwondo. Pinagsabay ko ang mga training at buhay estudyante simula pa noong elementarya pa ako para lamang matumbasan ang gusto ng aking ama. Kaya sa tuwing wala akong training sa basketball ay sinasamahan niya ako upang mag-ensayo sa Taekwondo gym.
Hindi matatanggap na rason ang pagod sa buhay kong walang kalayaan. Naging honor student ako taon-taon at aktibo sa mga pampalakasang kompetisyon kung kaya’t naging mainit ako sa mga mata at puso ng mga kababaihan at mga binabae. Naging sikat ako sa buong paaralan at naitanghal ring mukha ng paaralan noong nanalo sa pageant noong foundation day. Maraming mga nagpapapansin, campus crush nga kasi. Hay naku pogi problems nga naman.
Mayroon na rin akong mga naging kasintahan, ngunit walang nagtagal. Una kong naging girlfriend ay si Joan. Katrabaho ng tatay ko si uncle Jun na isa ring pulis at ama ni Joan. Nagkakilala kami sa isang pagtitipon sa isang organisasyon na kinabibilangan ng aming mga ama. Sa loob ng makinang na silid na iyon na puno ng mga pekeng bulaklak, mga chandelier at mga ilaw sa itaas ng mga lamesang hugis bilog, nagkasalubong ang aming pamilya at malugod na binati ang isa’t isa at sa pagkakataong iyon ay inalok ng aking ama na samahan ko ang kanilang tanging anak na babae sa salu-salong iyon. Nagsama kami at masayang nag-usapan sa eleganteng pagtitipong iyon at naging magkaibigan hanggang sa umabot ang ilang buwan at hiningi ko ang pahintulot ng kaniyang pamilya upang maging kasintahan si Joan.
Malambing at mabait si Joan bilang girlfriend. Mapag-unawa at mapagmahal kahit na minsan ay wala na akong oras sa kanya. Sinasamahan at inaalagaan niya ako sa aking mga laro. Humihiyaw ito sa bawat 3-points shot ko sa basketball at niyayakap ako pagkatapos kong mapatumba ang bawat kalaban ko sa Taekwondo. Subalit may mahinang bulong sa aking damdamin na nagsasabing ako ay hindi lubusang masaya sa piling ni Joan at ito ang siyang naging dahilan ng aming paghihiwalay.
Si Joan ay maganda, matalino, mapag-aruga, at mabait. Kahit sinumang lalaki ay magkakagusto sa kaniya ngunit may sa kung anumang kadahilanan sa akin na di ko maintindihan na kahit anong gawin ko ay di ko mawari. Hindi ko nagampanan ang tungkulin ko bilang kasintahan ni Joan sapagkat wala akong nailaan na oras para sa kanya na tila ba binabalewala ko siya. Mas ninais ko pang kasama ang mga lalaki kong mga kasamahan kaysa sa kanya. Mga masasayang kwentuhan sa loob ng locker room, sa sauna hot bath, at sa mga inuman pagkatapos ng aming mga panalo. Masaya ako lalong lalo na kapag kasama ko si Steve, ang aking matalik na kaibigan sa koponan. Siya ang mas higit na lagi kong kasama at tinagurian nga kaming best duo ng team sapagkat nagkakaintindihan kami hindi lang sa loob ng court. Siya ang kayakap ko sa tuwing nananalo kami sa game at karamay na rin sa mga problema.
Isang gabi matapos ang graduation ceremony namin noong Senior High School, nag-aya ang aming mga kasama upang magkipag-inuman sa isang sikat na Bar sa lungsod. Tinakas ko ang kotse na regalo sa akin ng ama sa aking ika-18 na kaarawan at sinundo si Steve sa 7/11 convenience store malapit kanilang subdivision. Dumaan muna kami sa isang resto at doon nakipagkita kasama ang iba pa naming mga kaibigan. Habang kami ay kumakain, hindi ko nagustuhan ang mga pinag-uusapan ng mga hinayupak. “Excited na ako pre! Maraming Chicks doon pre. Pagpipiyestahan tayo!” at bigla ko naman siyang sinagot na kasiyahan ang punta namin doon at hindi makipaglandian ngunit sumagot naman ang isa pang kasama namin, “Hayaan mo kami Bert, at doon kami masaya, alam mo sa gwapo mong iyan, hindi mahirap sa’yo na makahanap ng chikabeybs!”. Natahimik na lang ako at nadismaya sa pag-uugali nila at nauna na kaming umalis ni Steeve upang i-reserve ang isang VIP table para sa amin.
Nag-umpisa ang gabi at unti-unti na kaming nalasing at binging-bingi na sa naglalakasang ispiker. Punong puno ng kulay ang lugar. Kulay ng bahaghari na mabilis na gumagalaw sa paligid ang nakikita ng aking mga mata habang may hawak-hawak na baso ng rum sa aking kanang kamay at bahagyang sumasayaw. Nasisiyahan ako sa pagsasayaw nang bigla kong nasagi ang dibdib ng isang babaeng may mahabang buhok at tanging ang kaniyang tube na bra na lamang ang sumasalo sa halos maligwak na nitong naglalakihang suso. Humingi ako ng paumanhin sa dilag ngunit bigla niya akong niyakap na para bang walang nangyari at bumulong sa akin, “Kanina pa kita tinititigan, hindi mo ko pinapansin kaya ako na ang lumapit sa’yo”. Biglang naghiyawan ang aking mga kasama dahil sa ang isang maginoong Roberto Pascual ay nakakuha ng magandang chicks. Dahil sa kalasingan ay di na ako umalma pa at nakisabay nalang sa aking mga barkada at sa babaeng nakabalot sa aking braso. Siya si Samantha, dating kamag-aral namin noong high school ngunit lumuwas ito ng ibang lugar at makalipas ang ilang taon ay bumalik ito. Habang lumalalim ang gabi ay nagiging wild ang mga naganap. May mga halikang nangyari sa bawat sulok ng Bar at kabilang na rin ang ibang mga barkada ko sa mga nakikipaglandian sa mga estrangherong dilag. Biglang idinampi ni Samantha ang kaniyang kamay sa aking ulo at inangkin rin ang aking labi. Ayaw ko sanang gawin ito ngunit gumanti rin ako ng halik sa kanya.
Tumigil ito at hinila ang aking kamay. Dinala niya ako sa labas ng Bar at tumabi sa isang madilim na eskinita at pinagpatuloy ang mainit naming laro. Gamit ang nangangamoy alak nitong bibig ay hinalikan niya ang aking leeg habang hinihipo ang aking buong katawan at pagkalalaki. Sinubukan niyang lumuhod at hubarin ang aking pantalon ngunit mahigpit kong hinawakan ang kanyang mga kamay at hinila ito upang siya ay makatayo at diniin ang ang mga ito sa pader na nasa likuran nito. Limang segundong tumahimik ang paligid bago ko siya iniwan sa eskinita at pumunta sa palikuran ng Bar. Nagkasalubung kami ni Steeve at nagpasyang umalis na at humanap ng malapit na Lodging house upang mamahinga dahil malayo pa sa sentro ang aming tahanan. Nagpaalam kami sa aming mga kaibigan bago umalis, tutol sila noong una ngunit nilibre ko sila ng isang bucket ng beer kaya pumayag na lamang sila.
Sa mabagal na takbo ng aking kotse, di naman kami natagalan upang dumaan muna sa isang malapit na nagbebenta ng bulalo upang makahigop ng sabaw, bago dumiretso sa lodging house. Pagkatapos naming magchek in sa FO, ugod-ugod at magka-akbay kaming lumakad patungo sa kwarto. Pareho kaming pagod at balot ng pawis ang katawan. Umupo si Steeve sa kama at sumandal sa pader at hinubad ang kaniyang polo at pantalon. Nilabas nito ang kaniyang vape at humithit sa isang tahimik na gabi kasama ako. Napatingin ako sa kaniyang makinis at matipunong katawang lalaki na bugbog sa training. Natulala ako rito at sa loob ng ilang segundo ay bumalik ako sa aking kamalayan at naglakad patungo sa palikuran dahil sa hiya. Naghubad ako at tanging boxer shorts ko na lamang ang aking itinira. Sinimulan ko ang panghihilamos sa aking mukha habang patuloy na iniisip ang kataka-takang kilos na aking ginawa. Naakit ba ako sa katawan ni Steeve?
Kinakabahan ako habang papalapit sa kama at nahiga katabi ng pa-chill-chill na si Steeve na boxer shorts lamang rin ang suot. Tumalikod ako sa kanya habang pinipilit na makatulog at di naglaon ay tinablan na ang aking kaibigan ng antok at tumugil na ito sa pagvape at saka nahiga na rin. Bahagya kong hinarap ang aking katawan at nakaw-tingin kong sinulyapan ang mukha nito at napansin ang nunal nito sa kaliwang bahagi ng noo nito na dati’y di ko napapansin. At noong tinatangka ng aking kamay na mahipo ang katawan ng binata at sana’y halikan ito ay agad kong pinigilan ang aking sarili at tumalikod.
Kinabukasan ay hinatid ko na si Steeve sa bahay nila at nagpaalam sapagkat sa papalapit na pasukan sa kolehiyo pa kami muling magkikita. At matapos ang ilang buwan, sabay kaming pumasok sa aming klase. Parehong Arkitektura ang kinuha namin ni Steeve sapagkat pangarap niya na maging arkitekto at ang pagiging arkitekto rin ang pangarap ng aking ama para sa akin. Naupo kaming dalawa sa likurang bahagi ng silid nang bigla kong nakita ang isang dilag na nakaupo sa dakong harapan. Kamukha nito si Clarisse, at yun nga si Clarisse ang aking kababata. At halos sa anim na taon na ang nakalipas na kami’y ay magkaklase, kaming tatlo ay nakabuo nanaman ng mga alaala at pagsasama bilang magkaibigan. Kasama ko sila sa saya, hinagpis, at pagsisikap. Lalong lalo na noong namatay si papa dahil sa stroke noong ikalawang taon ko pa lamang sa kolehiyo. Nakalaya na ako sa mahigpit na pagbabantay ng aking ama subalit ako pa rin ay nalulungkot sa kaniyang pagkawala. At sa huling taon namin sa kolehiyo ay naging magkasintahan kami ni Clarisse. Masaya ang buhay naming tatlo hanggang sa nakapagtapos kami.
Lumipas ang mga taon, nakapagtrabaho, nakapasa sa board exam, at naging isang lisensyadong arkitekto na kami ni Clarisse subalit si Steeve naman ay nagpasyang magtayo muna ng negosyong resto. At kasabay na rin ng aming mga tagumpay ay ang aming nalalabing kasalan. Bago naganap ang kasal ay nag-inuman muna kami ng aking mga dating kasama sa koponan noong high school. Tinamasa ang nalalabing buhay binata. Natapos ang gabi, umuwing lasing ang aking mga kasama at naiwan si Steeve. Hinatid ko ito sa kaniyang bahay na langung-lango sa alak. Inakay ko ito patungo sa kaniyang kwarto at hinubad ang kaniyang polo at pantalon nang biglang hinalikan nito ang aking labi. “Alam ko na may nararamdaman ka rin sa akin noon pa man Robert, kitang-kita kita noon”, sambit nito bago ibalik ang labi nito sa pagkakahigop sa aking labi. Nagulat ako sa ginawa ng aking kaibigan. Alam kong mali ang aming ginawa ngunit dahil sa muling nanumbalik ang aking pagnanasa sa kaibigan kong ito, aking napagtanto na ang lambot ng kaniyang labi ang siyang labis na hinihintay ng aking puso noon pa man. Ang init ng kaniyang haplos sa aking buong katawan at pagkatao ay ramdam na ramdam ng aking buong kaisipan na siyang nagpapatigas ng aking mainit na katawan. Hinayaan naming dalawa na mamuno ang aming pagnanasa na siyang kumontrol sa bawat galaw ng aming mga katawan sa buong magdamag na kami ay magkasama sa isang kama na walang anumang iniisip na iba. Matapos ang makasalanang pangyayaring iyon, kahit pagod na pagod man ay agad akong umalis at iniwan ang isang liham paanyaya para sa nalalapit na pag-iisang dibdib namin ni Clarisse.
Maliwanag ang araw at may masaganang hihip ng hangin ang panahon sa araw ng kasal naming at ang ingay lamang ng kampana ng simbahan ang siyang nangingibabaw. Nakangiti akong pinagmasdan si Clarisse na naglalakad habang katabi ko ang aking best man na si Steeve. Maayos na naisakatuparan ang kasal kasama ang aming mga pamilya, kaibigan, at katrabaho.
Makalipas ang ilang araw, buwan, at ang mga buwan ay naging mga taon ng aming pagsasama ni Clarisse ay kasabay rin nito ang namumuong patagong relasyon namin ni Steeve. Alam kong mali ito ngunit hindi ko masisisi ang aking sarili sapagkat ay mahal ko silang dalawa ngunit sa kung ako ay papipiliin ay mas nanaisin ko pang makasama si Steeve. Minsan ay napapabuntung hininga na lamang ako at naisip na sana noon ko pa nadiskubre ang aking tunay na kasarian. Ang aking tunay na pagkatao na siyang dapat na unang hinubog simula pagkabata. Pagkatao na batayan ng ating kasalukuyan at hinaharap upang gampanan ang ating buhay. Kung maaari ko lamang na ibalik ang nakaraan upang sana’y ipinaglaban ko ang aking sarili laban sa pagkakagapos mula sa aking amang ninais na takpan ang makulay kong personalidad. Buong buhay kong hindi ipinakita ang tunay na ako. Nakakasakal… Nakakamatay…
Hindi ko na alam kung ano ang maaari kong gawin upang ituwid ang kwento ng aking buhay kung kaya’t pinagpatuloy namin ang maling pagmamahalang ito kahit sa pasekretong pamamaraan man. Sa bawat mga maliligayang araw na kasama ko ang nabuong pamilya namin ni Clarisse, ay may mga gabing kay saya at sarap ang aking nadarama at naituturi kong malaya kong naipapamalas ang aking totoong pagkatao kasama si Steeve. Sa bawat yakap ng aking mga anak ay ganoon rin ang halik na alay ko sa aking kaibigan habang patuloy naming nilalasap ang mga nakaw na sandali. Yakap-yakap namin ang isa’t isa sa kalagitnaan ng bilog na buwan nang hinalikan ko ang kaniyang noo at sinabi kong mahal na mahal ko siya kaya ay handa akong ipagtanggol siya sa abot ng aking makakaya nang biglang bumukas ang pinto. Si Clarisse at ang kapatid nito ang bumugad sa amin. Mangiyak-ngiyak na nag-eskandalo ang aking asawa nang nakita nito ang masayang pangyayari sa aming dalawa ni Steeve.
Ilang minutong umugong sa buong bahay ang hagulgol ng aking asawa ngunit tahimik lang kaming dalawa ng aking minamahal sapagkat alam namin ang aming malaking pagkakamali. Pinakinggan namin ang pang-iinsulto at ang lahat ng mga matatalim na pananalita galing sa dalawang babae habang hawak-hawak ng kapatid ni Clarisse ang selpon nito. Nagpatuloy ito hanggang sa maubusan ng tinig si Clarisse. Sa huli ay pinakausapan ko sila na pag-usapan ang pangyayari kinabukasan at umalis sila ng gabi ring iyon. Nakabibinging katahimikan ang pumairal sa lugar matapos ang eksenang maaaring magdahilan ng aming paghihiwalay. Pareho kaming magkayakap at mangiyak-ngiyak habang nilalasap ang natitirang panahon na magkasama pa.
Kinabukasan, umulan ng malakas habang tinulungan kong mag-impake si Steeve at pagkatapos ay nag-almusal kaming magkasama. Ang tanging napakalungkot na pag-aalmusal na aking naranasan sa buong buhay ko. Ang huling almusal na kasama si Steeve at kasabay ng pagpatak ng ulan ay ang pag-agos ng aming mga luha. Manginig-nginig kong binuksan ang pintuan at iniabot sa kaniya ang kaniyang bagahe at isang itim na payong. Kidlat ang matatanaw sa labas habang naghihintay ang taxi sa daan. Agad tumalikod si Steeve at inumpisahan ang ilang mga mababagal na hakbang papalayo sa akin at sa hindi ko namalayang paghabol ko sa kaniya upang yakapin siya. Nabitawan nito ang payong nito at inilipad ng hangin na siyang dahilan ng pagkakabasa naming dalawa sa ulan. Hindi namin alintana ang lakas nito dahil mas nalulunod na kami sa masasakit na emosyon na aming nadarama noong mga oras na iyon at biglang bumusina ang drayber ng taxi at nagmamadali ito kaya kahit sa mabibigat na hakbang namin ay nakarating kami sa taxi at binuksan ko ang pintuan nito. Kinuha ko na rin ang bagahe nito at inilagay sa kompartment ng taxi. Nakatingin ako sa mga mata ni Steve at umandar na ang makina ng sasakyan at umusad na ito habang humahagulgol kaming dalawa. Basang-basa ako habang pinagmamasdang umalis ang taxi subalit bigla itong tumigil at lumabas ang aking mahal at madaliang tumakbo patungo sa akin. Nawalan na rin ako ng pake sa maruming agos ng tubig sa kalsada at tumakbo hanggang sa nagbunggo ang aming mga labi na para bang kaming dalawa na lamang ang tao sa mundong ito na kung saan ay malaya kaming magmahalan. Pagkatapos ng huling matamis na halik namin ni Steeve ay nangako kami sa isa’t isa na muling magkikita upang ipagpatuloy ang naudlot naming pagmamahalan at pagkatapos ay bumalik na ito sa taxi at umalis.
Bumalik ako sa apartment. Nilinis ang aking sarili at nagpalipas ng ulan bago sana umuwi at kausapin ang asawa ko ngunit may bigla nanamang hindi inaasahang bisita sa apartment. “Warrant of Arrest para kay mister Roberto Pascual” sambit ng isa sa mga pulis na dumating. Nagulantang ako sa aking narinig at tarantang napatanong sa kung anong kaso ang naihaharap sa akin. “Roberto Pascual, ikaw ay nahaharap sa kasong Violence Against Women and Children” sagot nito habang pinakiusapan akong sumuko at sumama sa presinto. Natulala ako habang ako’y pinosasan at hindi makapaniwala sa mga dagok ng kapalaran na sunod-sunod na naihambalos sa akin ng tadhana. Lumabas ako ng bahay habang escort ako ng mga pulis at nakita ko ang mga mapanghusgang mga mata ng mga kapitbahay. Tila ba nilalamon ako ng hiya dulot ng mga mahihinang bulong ng kanilang haka-haka at chismisan na para bang pinapaulanan ako ng bato.
Sa lipunang ito na kungsaan hindi tanggap ang mga katulad ko, nahihirapan kaming umayon sa moralidad na sinang-ayunan na ng nakararami. Lumaki akong hindi namuhay sa sariling pagkakilanlan. Sa buong buhay ko ay nabulag ako sa katotohanan dahil sa ideolohiyong itinanim sa akin ng aking ama at ng lipunan noon pa man upang makapasa lamang sa pamantayan ng mga mapaghusgang mga mata at makikitid na isipan. Hindi ko maipagkakaila na ako’y nagkasala sa aking pamilya ngunit hindi ko ito pinagsisisihan dahil sa huli na noong ako ay namulat. Alam kong marami ang nadamay at nasaktan kung kaya ay lubos akong humihingi ng tawad. Napapaisip na lamang ako na sana’y masagi sa isipan ng aking mga anak na ang kanilang ama ay isang matapang na tao. Matapang na hinarap ang mga kinahihinatnan ng aking mga ginawa upang matamasa at maipaglaban ang tunay kong pagkatao at pagkakakilanlan. Sa aking paghimas sa malamig na rehas ng prisintong ito ay maaaring maging ikakapanatag ng loob ng aking mga biktima, aking mga anak at asawa. Patawarin niyo sana ang daddy.
Matapos dumaan ang bagyo makalipas ang tatlong malalamig na gabi ay mayroong sinag ng araw ang mapagmamasdan. Sa mga araw na narito ako sa presinto, namumuhay sa buhay na hindi malaya. Mga araw na hindi naman bago sa akin, noon ay malaya man ang aking katawan ngunit nasasakal naman ang aking damdamin. “Pascual, may bisita ka!” sabi sa akin ng pulis habang binuksan ang pinto ng kulungan. Lumabas ako at naupo sa upuan at may lumapit sa akin na isang transekswal at nagpakilalang si Mark. Ang kaibigan kong hindi ko malilimutan sapagkat siya ang kauna-unahang nagustuhan kong lalaki. Hindi ko man maamin noon, walang ibang nakaalam dahil takot ako na malaman ng aking ama na nagkakagusto ang tanging anak nitong lalaki sa kaniyang pinsan na kapwa rin nito lalaki at ito ang naging hudyat ng unang pagsibol ng aking pagkatao. Sa aming muling pagkikita ay maluha-luha kong niyakap ang babaeng-babae na nitong katawan na nangangahulugang buong buhay niya ay naging malaya ito hindi tulad ko.
Tinulungan ako ng pinsan kong si Mary na noon ay Mark upang makalaya at mabawasan ang aking sentensya. Anuman ang kahahantungan ng buhay ko sa hinaharap ay malugod ko itong tinatanggap. Hangga’t kaya pa ng aking katawan ay tutuparin ko ang pangako ko okay Steeve na ipagpapatuloy ang aming nasimulang kwento. Kwentong labag sa moralidad ng lipunan at taliwas sa kanilang paniniwala. Lakas loob kong puputulin ang anumang tali upang gampanan ang aking pangako. Sa mahigit na 30 taon akong nakatali sa pamantayan ng lipunan ay panahon na siguro upang kalasin ito. Ako si Roberto Pascual, 32 taong gulang, nangangakong hindi na magbubulag-bulagan at magpapakatotoo na sa aking sarili. Isa akong biseksuwal at wala kayong magagawa doon!
submitted by FlechD to u/FlechD [link] [comments]


2023.10.31 15:19 FlechD Bai Norah ang ulipen, mangkukulam, at diwata

Ang maikling kwentong ito ay requirement sa aming asignaturang Filipino. Kung mayroon kayong mga komento, suhestiyon, at mga puna ay maaari niyo lang pong ipagpaalam sa akin.
part1: https://www.reddit.com/useFlechD/comments/17km32e/bai_manisan/?utm_source=share&utm_medium=web2x&context=3

Bai Norah ang ulipen, mangkukulam, at diwata
Akda ni Flechero, D.

Baaangg!!! Mga malalakas na dalugdog ng kidlat at kulog ang maririnig sa isang maulang gabi sa Mindanao. Gumuguhong mga lupa, nangingitim na mga lawa, sumasayaw na mga puno, at mga nagliliparang sanga ng kahoy sa himpapawid ang nahahagilap ng mga mata ni Bai Nhoraya sa kaniyang pagsulyap sa labas ng bintana sa gabi ng panganganak ng kaniyang ina. Ang mga mata nito’y mulat na sa kahirapan ng buhay sa munting gulang pa lamang sapagkat ang pamilya nila ay kabilang sa mga mabababang uri. Mga ulipen. Mga taong walang-wala sa buhay at sunod-sunuran sa mga utos ng mga mayayaman.
Umiyak ang sanggol. Tiyak ay natapos nang manganak ang ina nito kaya agad siyang pumasok sa silid at nakita niya ang kaniyang inang hinang-hina at puno ng pawis kasama ang kaibigan nitong nagpaanak sa kaniya. Dahil dito, bigla nitong naalala ang isang umagang umuwi ang ina nito na may mga pasa sa katawan at duguan ang ang noo habang punit-punit na ang kasuotan nito. Ang sabi-sabi ay ginahasa umano raw ito at si Bai Norah ang bunga. Pinangalanan ito ng kaibigan ng ina ni Nhoraya na siyang tumulong sa panganganak sa bata.
Lumaki ang bata na may natural na angking ganda na parang mga bituin sa langit – nagliliwanag sa dilim. Hindi nararapat ang kaniyang kutis sa gawaing pang ulipen ngunit kinakaya nito ang pang-araw-araw na buhay. Sa murang edad pa lamang ay natuto na ito sa gawaing mahihirap. Subalit hindi perpekto si Bai Norah. Kung gaano kaganda ang kaniyang wangis ay ganoon rin kapangit ang kaniyang ugali. Makasarili ito at mataas ang pagkamangha sa kaniyang mukha. Sa tuwing nagagalit ito sa ina at kay bai Nhoraya ay hindi ito mapakalma sa sobrang galit. Kinakahiya niya ang mga ito sapagkat hindi raw sila maganda tulad niya. Siya pa mismo ang may lakas ng loob na itakwil ang sariling kapatid at ina. Umalis ito sa munting tirahan nila at nakitira sa palasyo na kungsaan siya nagtatrabaho bilang ulipen.
Isang dapit hapon sa kalagitnaan ng kagubatan malapit sa ilog ay may lumapit kay Bai Norah na isang uugod-ugod na matanda at humingi ng tulong. Dahil nga maitim ang budhi ng batang ito ay sinigawan at tinadyakan niya ito pagkatapos ay tumakbo at saka pinulot ang isang dumi ng kalabaw at itinapon ito sa matanda. Tumalikod ito at nagpatuloy sa paglalakad nang sa di malamang dahilan ay biglang nawalan ito ng ulirat. Pagising nito, Nakita niyang siya ay nasa isang maruming kubo na puno ng mga bagay na hindi niya maipaliwanag. Mga patay na hayop, ugat ng halaman, at buto-buto ng tao ang mga nakapalibot sa kaniya habang siya ay nakagapos sa iisang kahoy. Pumasok ang matanda at pinagtawanan si Bai Norah. “Malugod akong makita ka Bain Norah, ang iyong kagandahan at kalupitan ng pag-uugali ay gusting-gusto ko. Nararapat lamang na ika’y maging akin”, bulong ng mangkukulam sa bata.
Napaiyak si Bai Norah dahil ayaw niyang tumira sa mabaho at nakakatakot na lugar na iyon. Nagsisisigaw ito at humingi ng tulong ngunit walang nakaririnig dito. “Sinong nagsabi sa’yong ika’y mananatili sa lugar na ito? Kukunin ko lamang ang iyong katawan. Ang iyong batang katawan ay magiging akin, ang matanda kong katawan ay magiging sa iyo Bai Norah” sabi nito sabay tawa ng malakas. “Idagdag mo pa ang napakasama mong pag-uugali, gustong-gusto ito ng aking itim na mahika, mas napapadali at mas napapatindi nito ang bisa ng aking sumpa”, dagdag pa nito. Dahil sa maitim na budhing likas na kay Bai Norah, hindi mahirap para sa mangkukulam na gawin ang pagpapalit ng katawan sa sampung taong gulang na batang ito. Sa pagdating ng hating gabi ay sinimulan na nito agad ang orasyon. Pinausukan nito si Bai Norah at nagsambit ng mga katagang makademonyo. Walang nagawa ang bata sa buong pangyayari at nagising na lamang ito at nakaramdam ng matinding sakit sa buong katawan at agad itong pinalutang bruha gamit ng mahika at dinala sa pinakamataas na bundok sa lugar at saka itinapon. Hindi siya makakilos at halos nasa bingit na ito ng kamatayan. Pinagsisisihan nito ang lahat ng kababoyang ginawa nito sa sampung taon nitong pamumuhay sa mundo. Sa mahinang boses matanda nito ay humingi ito ng tulong sa bathala, “Bathala na diyos ng mga tao, ako’y gawin sanang kasangkapan ng kabutihan upang makabawi sa aking mga gawa noong ako’y nabubuhay pa” at saka pumikit.
Lumiwanag ang matanda nitong katawan at lumutang na parang isang matingkad na kulay tansong bituin sa kalangitan habang unti-unting nagbabago ang wangis nito. Naging isa itong diwata sa anyo ng isang usa na may matingkad na kulay tanso at may ginintuang batik-batik sa katawan. Siya ang diwata ng biyaya at buhay sa kagutabang iyon at inatasan itong ikalat ang mga biyaya sa mga taong karapat-dapat. Sa loob ng isang siglo, habang ang diwatang ito ay nagkakalat ng biyaya sa buong kalupaan samantalang ang mangkukulam naman sa katawan ni Bai Norah ay patuloy sa pagsabog ng kadiliman at pagiging gahaman sa kapangyarihan habang nagpapanggap bilang ulipen sa palasyo ng Rajah.
May isang gabi na nagpalit anyo ang diwata bilang isang batang marungis at palaboy-laboy sa kagubatan at nakita ito ng magkasintahang Rajah at ng asawa nitong buntis. Inaya ng dalawa ang batang diwata sa kanilang palasyo, pinakain, binihisan, at binalak na kukupkupin. Sa isang iglap ay lumiwanag ito at bumalik sa tunay na wangis usa nito at hinalikan ang tiyan ng reyna at pagkatapos ay ang mga ginintuang balik nito sa katawan ay lumipad sa buong silid at dumampi sa tiyan ng reyna. Pagkatapos nito ay Nawala na parang bula ang mahiwagang usa. Nakita ng mangkukulam ang buong pangyayari sa silid na iyon.
Pagkatapos ng mga buwan ay pinanganak ang prinsesa na may matingkad na tansong buhok, magandang kutis at mukha. Alam ng mangkukulam na mayroong kapangyarihan ang bawat hibla nito kaya’t sa pagtungtong nito sa edad na limang taong gulang ay ninakaw nito ang prinsesa. Pinaniwala nito ang mahiwagang bata na iniutos ng Rajah na itago ang prinsesa sa malayong torogan dahil sa kulturang pagbabawal sa mga anak na babae ng Rajah na umapak sa lupa subalit ito’y hindi totoo dahil matagal nang iniwaksi sa lahat ng kaharian ang makalumang batas na iyon. Binalot nito ng mga enkantasyon ang kagubatang nakapalibot sa torogan at nilagyan ito ng mahiwagang matitinik na halamang tarangkahan na mabubuksan lamang sa pamamagitan ng pagsambit ng mga katagang siya lamang ang nakaalaam. Sinigurado nitong hinding-hindi mahahanap ng Rajah ang kaniyang prinsesa. Natuklasan rin nito na kapag umaawit ang prinsesa, ang lahat ng nakaririnig rito habang himas-himas ang buhok nito ay gumagaling sa mga karamdaman, nawawala ang mga sugat sa katawan at bumabalik sa pagkabata ang mga matanda nitong katawan. Nasiyahan ang mangkukulam sapagkat ay hindi na ito magpapakahirap na magpanggap bilang ulipen sa palasyo para mapalapit sa mga tao, dukutin ito at nakawin na kabataang taglay nito upang mapigilan ang kaniyang pagtanda. Simula noon ay gabi gabi na itong bumabalik sa torogan dala-dala ang mga pagkain at kagamitang panghabi para sa prinsesa.
Sa loob ng sampung taon, lumaki si Prinsesa Bai Manisan ng masayahin at may matinding pagkahilig sa paghahabi kasama ang kaniyang alagang sarimanok. Sa bawat araw na lumilipas ay ganoon rin kabilis tumaas ang tansong buhok nito. Dahil sa haba ng buhok nito, ang kabuuan nito ay ginagamit bilang lubid makaakyat ng bruha sa itaas ng walang hagdang torogan. Samantalang ang mahiwagang ibon naman ay hindi mapaalis-alis ng bruha sapagkat mas makapangyarihan ito kung kaya’t hinayaan nalang nito na mamalagi kasama ang prinsesa sa torogan. Ang gusto lamang ng ninalang na ito ay samahan ang dilag at ni minsan ay hindi nito sinubukang itakas ang prinsesa.
Sakabilang banda, alam ng diwatang usa na inaabuso ng bruhang nagnakaw ng katawan nito ang prinsesang binigyan nito ng biyaya. Sa loob ng ilang taon ay siya’y nababahala ngunit wala siyang kakayahan upang lumaban. Siya ay tagapagbigay lamang, hindi isang mandirigma ng kabutihan. Isang araw ay naglakad-lakad ito sa kagubatan nang biglang may mga nagsisiliparang mga palaso sa hangin. Palaso na galing sa mga makikisig na prinsipe ng kabilang kaharian. Tumakbo ito nang tumakbo ng may ngiti sa mukha. Nakaramdam ito ng kabutihan na nagmumula sa puso ng dalawang lalaking ito na makakapagpapabago sa sitwasyon ng prinsesa. Naubusan ng palaso ang dalawa kung kaya ay tahimik na lamang nitong sinundan ang usa. Sinasadya talaga ng diwata na magpahabol upang maihatid ang mga ito sa torogan ng prinsesa. Dahil sa mahiwaga ang diwatang ito, ang mga enkantasyon na nagpapaligaw sa mga kawal na ninanais hanapin ang torogan ay hindi tumatalab kung kaya ay naihatid nito ng maayos ang dalawang prinsipe at nawala na parang bula sa harapan ng dalawa. Di naglaon ay hinanap ng nakababatang prinsipe ang daan pauwi at umalis samantalang nagpaiwan naman ang isang prinsipe matapos mahulog ang loob nito mula nang masulyapan ang mukha ni Bai Manisan sa labas ng torogan. Pagkatapos ng isang araw ay nangyari nga ang inaasahan ng diwata, pinasok ng panganay na prinsipe na si Datu Sakaluran ang torogan at matagumpay na nagtagpo ang landas ng dalawa. Dahil sa pakiusap ng prinsesa, anim na araw na naulit ang kanilang mga masasayang pamamamasyal sa buong kagubatan. Pasan-pasan ng binata ang dilag sa buong maghapon saka binabalik sa torogan pagkadapit-hapon.
Isang araw, maingat na tinahak ng mapagpanggap na bruhang Bai Norah ang tabi ng sapa sa kagubatan nang bigla nitong nakita ang prinsesa na pasan-pasan ng isang makisig na lalaki. Napuno ng galit at pangamba ang ulipen. Pangamba sa banta na maaaring mawala sa kaniya ang dilag na nagpapanatili ng ganda at buhay nito. Kinagabihan, galit itong umakyat sa torogan. Nagsagutan ang dalawa. Kaliwa’t kanang sigaw ang naririnig sa buong lugar at idagdag mo pa ang napakalungkot na hagulgol ng prinsesa. “Mahal ko siya bai Norah! Napapasaya niya ako at ayaw ko na manatili dito sa madilim na torogan!” sigaw ni Bai Manisan sa ulipen habang tahimik lamang sa isang tabi ang Sarimanok nitong lagi namang walang imik. Gamit ang kapangyarihan ng bruha, may isang tungkod ng kahoy ang lumitaw sa pader at binunot niya ito. Gamit ang tungkod, pinaulanan nito ng hampas ang dilag na nagdulot ng mga pasa sa katawan nito. Sa pamamagitan ng kaniyang kamay at kapangyarihan sinakal niya ito at saka ibinitin pa itaas. Nanlilisik ang mga mata nito na parang gusto nitong ipatikim sa prinsesa ang marahas nitong galit nang biglang may pumasok na lalaki at tinutukan siya ng palaso. Hindi ito natakot kay datu Sakaluran. Binitawan niya ang dilag at saka lumapit sa lalaki bago nito itinutok ang mga kamay nito sabay bigkas ng engkantasyon.
Sumigaw ito bilang hudyat ng pagkabisa ng engkantasyon nito at tumilapon ang prinsipe sa labas saka nahulog sa kasumpa-sumpang matitinik na halamang tarangkahan ng torogan. Napangiti si bruhang bai Norah. Lumingon nito sa prinsesa ngunit hawak na nito ang isang gunting na gamit nito sa mga telang hinabi. “Matagal ko nang alam na may kapangyarihan ang aking mahabang buhok Bai Norah! Halatang-halata na inaabuso mo lamang ito, walang katuturan ang pagkulong sa akin dito! Binanggit sa akin ni Sakaluran na hindi totoo ang iyong turan tungkol sa pagbabawal sa mga prinsesa na umapak sa lupa! Naniwala ako noon sa’yo bai Norah!” sigaw ni Bai Manisan na may halong galit at tapang.
Natakot si Bai Norah sa gagawin ng dalaga kung kaya ay tumakbo ito patungo kay Manisan para pigilan ito. Ngunit huli na ang lahat. Unti-unti na nitong nararamdaman ang pagpudpod ng kaniyang balat at buong katawan. Nabalot ng sakit at hinagpis ang pandama nito. Nagsisisigaw ito sa sakit. Wala itong nagawa sa pagkalusaw ng nakaw na katawan nito. Bumulagta sa sahig ang gunting at ang walang siglang buhok ni Bai Manisan. Ang dating matingkad na tansong buhok ay naging itim.
Lumabas ng torogan ang dalaga ngunit di nito matagpuan ang prinsipe kaya’t umalis ito kasama ang Sarimanok at naghanap Tunay nga ang alamat tungkol sa Sarimanok na nagsasabing may kakayahan itong mapagkita ang magsing-irog sa gitna ng mga oras na kinakailangan nilang magsama sapagkat sa pagkakatong ito ay tinulungan nitong mahanap ng dalaga ang binata. Sa mga oras na iyon ay matinding lungkot ang nadama ng dalawa dahil sa masaklap nilang kapalaran sa kamay ng bruha. Umiyak si Bai Manisan at napatakan nito ng mga malalamig na luha ang mga natuklap na mata ng datu. Natuklap mula sa pagkakahulog sa mga matitinik na halaman. Matapos ang ilang minuto, biglang nanumbalik ang paningin ng binato dahil dito ay naghalikan ang dalawa sa sobrang saya. Milagrong dahilan ng matinding pagmamahal ni Bai Manisan sa prinsipe. Kinaumagahan ay bumalik ang nakababatang kapatid ng ng datu at sinundo sila papauwi sa kabilang kaharian. Nagkaroon ng pagpupulong mula sa dalawang emperyo at dahil rito, nagkasundo ang dalawang kaharian at naging isa. Ang dating magkaaway na emperyo ay naging isa dahil sa pag-iisang dibdib ni Datu Sakaluran at Bai manisan.
Nasaksihan ng diwatang usa ang lahat ng pangyayari kung kaya binalak nitong muling biyayaan ang prinsesa at ang buong kaharian. Alam nitong karapat-dapat ang dalawa sa biyayang galing kay bathala dahil sa taglay nilang kabutihan ng loob. Siya ay marahang tumahak sa buong kagubatan, mga sapa, at talon hanggang sa makatungo sa pasilyo ng kastilyo kungsaan ginaganap ang kasalan ng dalawa. May iilang natakot, may iilang namangha, ngunit sinunod ng lahat ang utos ng Rajah Sakaluran na hayaan lamang ang higanteng usa na lumapit sa kanila. Humiga ito sa tabi ni Manisan. Hinimas ng babae ang matingkad na tanso nitong balahibo na may mga ginintuang batik-batik nang biglang ang mga liwanag nito ay lumutang sa hangin na parang mga alitaptap sa gabi. Umikot-ikot ito sa silid at biglang ginunita ng diwata ang kaniyang nakaraan bilang tao. Siya ang tunay na bai Norah na napakaganda ngunit ubod ng sama. Nanghihinayang ito sa mga oras na dapat ay tinuon niya sa kabutihan. Kasamaan ang namuno sa kaniyang dating buhay kung kaya ay ninakaw ito sa kaniya. Gusto niyang mabuhay muli, hindi bilang isang diwatang kasangkapan lamang upang ibahagi ang mga biyaya ng bathala, kundi isang tunay na taong may mabuting puso at magandang kalooban.
Ang mga naglulutangang maliliwanag na alitaptap ay mabilis na tumungo sa ulo ng reyna na mistulang pumasok sa bawat hibla nito at naging dahilan ng pagbalik ng kapangyarihan ni Bai Manisan. Ang pagbalik ng kulay ng maikling buhok ng reyna ay kasabay ng pagpikit ng diwatang usa na tila ba handang-handa na sa isang mahabang pagkakatulog. Biglaan itong lumiwanag at nawala.
“Bai Hadara… gumising ka na anak dahil isang maliwanag na umaga ang nakaabang sa’yo”. Malambing na tinig ng isang ina ang unang narinig nito sa pagbalik ng kaniyang ulirat. “Hadara? Sino iyon? Ako?” sambit nito sa isipan. Sa muling pagmulat ng kaniyang mga mata ay nagising siyang nakahiga sa isang malaking kwarto na may malambot na kama. Tumayo ito at naglakad patungo sa salamin ng pinakamalapit na tokador. Bumulagta sa kaniya ang isang magandang bata ngunit buhaghag ang buhok dahil sa ito’y kakagising lamang sa masarap na pagkakatulog. Sa kabuuan, masaganang buhay prinsesa. Pagbukas ng pinto ay nakita nito si Bai Manisan, nakangiti at inaya ito sa hapagkainan kasama ang Rajah Sakaluran. “Magandang umaga anak” sambit pa ng Rajah.
submitted by FlechD to u/FlechD [link] [comments]


2023.10.31 15:17 FlechD Bai Manisan

Ang maikling kwentong ito ay requirement sa aming asignaturang Filipino. Kung mayroon kayong mga komento, suhestiyon, at mga puna ay maaari niyo lang pong ipagpaalam sa akin.

Bai Manisan
akda ni Flechero, D.

Ang pag-ibig ay isang kamangha-manghang bagay na nagbubuklod sa mga tao. Ito’y hindi mapaliwanag na pakiramdam na maaaring magdulot ng kasiyahan, kalungkutan, pagmamalasakit, at pag-asa sa bawat isa sa atin. Ako ay si Datu Sakaluran, prinsipe ng aming kaharian sa kalagitnaan ng isang malawak na kapatagan sa lugar ng Mindanao. Ito’y nababalot ng mga malilinis na ilog, lawa, masasaganang taniman at napapalibutan ng mga mayayabong na puno sa matitikas na bukirin. Isang paraiso sa lugar ng silangan na kung tawagin ng nakararami. Lahat ay namuhay ng malaya at ligtas dahil sa dami-rami ng mga batas na ipinatupad ng aking amang hari para sa kapakanan ng aming mga mamamayan. At dahil sa pagmamahal nito sa buong kaharian ay mayroon siyang isang nakatataas na utos na mahigpit na ipinapatupad at hindi dapat na labagin ninuman. Ito ay ang pagbabawal na lumabas sa hangganan ng nasasakupan ng emperyong ito. Maliban sa aking ama, walang iba pang nakakaalam sa rason kung bakit mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas ng kaharian at walang sinuman ang nangahas na labagin ito maliban sa aming dalawa ng kapatid ko.
Isang araw, noong ako at ang aking kapatid na si Datu Merhan ay nangaso sa malayong kagutaban sa likod ng mga bundok, kami ay nakakita ng isang kakaibang hayop. Isang usa ngunit hindi lamang isang ordinaryong usa, ito ay higanteng usa na kulay tanso at may ginintuang mga batik-batik sa katawan. Hindi ito kayang patumbahin ng daladala naming palaso kung kaya’t maingat namin itong sinundan buong maghapon hanggang sa naabutan kami ng takipsilim. Kahit na madilim ay nananatili pa rin ang kinang ng engkantadong ninalang na ito na tahimik na nahiga sa ilalim ng punong kahoy. Ito na ang senyales na pinakahihintay namin. Dahan-dahan namin itong nilapitan habang hawak-hawak ang aming kampilan upang hatawin sa leeg ang halimaw na ito. Sabay naming naiwasiwas ang aming patalim ngunit biglang nawala ang ninalang. Sa isang iglap ay ang mga kinang nito sa kanyang balat ay kumalat sa hangin na parang isang batalyon ng alitaptap na lumipad papalayo sa amin at patungo sa mga puno upang mamalagi. Biglang nagdilim ang paligid.
Nakabibinging ingay lamang ang aming naririnig habang pilit na tinutuklas ang daan tungo sa aming kaharian. Kami ay nawala sa gitna ng kagubatan sa labas ng aming lupain. Ngunit bigla kaming nabuhayan nang mayroong nahagip na liwanag ang aming mga mata. Sa gawing timog na kungsaan ay may isang matayog at artistikong Torogan, mayroong isang babae ang nananalagi roon kasama ang alaga nitong maalamat na Sarimanok. Habang umaalingawngaw ang tunog ng paghahabi nito, dali-dali naming tinahak ang daan patungo sa torogan ngunit may nakapaligid ditong mga matitinik na halaman kaya naman ay hindi kami makalapit ng aking kapatid. Sa labas ay pinagmasdan ko ang babaeng malumanay na kumakanta habang naghahabi habang katabi nito ang alagang mistiko. Sa hindi mapaliwanag na kadahilanan ay nabighani ako sa gandang taglay nito.
Nanalagi kami ng aking kapatid sa labas ng torogan ngunit may isang babae ang dumating at nagbigkas ng isang kataga sa harap ng mga matitinik na halaman. Nagulat na lamang kami sa aming nasaksihan nang biglang nagsi-alisan ang mga halaman at pinadaan ang babae patungo sa torogan. “Prinsesa Bai Manisan! Maaari mo bang ibaba ang iyong buhok?” sigaw nito. At ibinaba nga ng Prinsesa ang buhok nito sa bintana ng torogan at umakyat ang bisita sa silid. Hindi kami makapaniwala ni Merhan nang aming nakita ang mahabang buhok ng prinsesa. Kakaiba ito sapagkat ito’y kakulay ng isang matingkad na tanso. Ang buong kagubatan ay nabalot ng mahiwagang boses ng prinsesa habang inaawitan nito ang kanyang bisita kung kaya at ako’y lubusang nahumaling sa kanya. Nababagay lamang sa kanya ang kanyang ngalan. Manisan na ang kahulugan ay maganda.
Kinabukasan ay umalis agad ang babaeng bisita. Pagkatapos nitong bumaba at bumitaw sa buhok ng dalaga ay agad itong tumalikod paaalis at binigkas ang mga kataga upang mabuksan ang mahiwagang tarangkahan ng mga matitinik na halaman at makaalis nang biglang sumigaw ang prinsesa mula sa torogan ng “Paalam Bai Norah! Salamat sa mga prutas na dala mo!”. Napangiti ang nagngangalang Bai Norah at nagmadaling humakbang papalayo. Doon namin napagtanto na ang bisita ay isang alalay na tagapag-alaga ng prinsesa.
Sa umaga ring iyon ay naghanap kaming magkakapatid ng mga kahoy na maaaring gawing palaso at saka nagpasyang mangisda sa ilog at kumain. Nangangamba ang aking kapatid na maaaring nalulungkot umano ang amang Hari sa aming pagkawala kung kaya’t nagpasya itong bumalik na sa kaharian at nangakong hahanapin ako at babalikan dito sa ilog na ito makalipas ang isang lingo. Siya lamang ang may lakas ng loob na bumalik dahil sa nais ko na makuha ang prinsesa bilang aking kabiyak. Umalis si Merhan at tinungo ang daan pahilaga, nawa’y matunton nito ang daan pabalik sa aming tahanan.
Bumalik ako sa pinaroroonan ng aking prinsesa at inaalala ang mga mahiwagang kataga na isinambit ng ulipen. “Ginintuang kapangyarihan ay nasa sa iyo, ako’y paraanin at nang mapasaakin ang pagpapala mo” bigkas ko ng marahan sa harap ng matitinik na halaman. Bumaon ang mga tinik at gumalaw ang mga sanga nito upang buksan ang daanan papasok ng torogan na walang hagdan. Inakyat ko ang gusali nito at dumaan papasok sa bintana at biglang may humampas sa akin ng kahoy na kutyapi at ito ang naging dahilan ng pagkawala ng aking ulirat. Nagising ako at namalayang ako’y nakagapos sa isang upuan. Nakagapos sa mga hinabing tela na kay ganda at may detalyadong mga disenyo. Humarap ako at bumulagta sa akin ang isang malaking karayon na panghabi. Gamit ang isang matapang na ekspresyon ng mukha, itinutok sa akin ng prinsesa ang kanyang karayom. Napakaganda pa rin nito kahit na siya ay galit. Pinagmasdan ko ang buong mukha nito at ang kaniyang nagliliwanag na buhok. Napangiti ako at nagsalita ng marahan. “Magandang binibini, huwag mo akong saktan sapagkat ako ay naliligaw lamang at napunta rito sa torogan ng isang nakakaakit at napakatalentadong prinsesa”. Pinuri ko ang kaniyang kagandahan at ang kaniyang mga ginawang tela na nakasabit sa mga sulok ng silid nito.
Dito nagsimula ang lahat. Buong maghapon kaming nag kwentuhan tungkol sa kung ano ang buhay sa labas ng torogan. Pilit niyang ipinapalarawan sa akin ang lahat ng detalye ng pamumuhay sa labas. Agad ko namang tinugunan ang kaniyang pagkamausisa sa pamamagitan ng paglahad ng aking mga karanasan sa pangangaso at mga paglalakbay sa mga katubigan at kagubatan ng aming kaharian. Nakikita ko sa kaniyang mukha ang pagka-aliw at pagkamangha sa lahat ng aking tinuran kung kaya ay akin siyang inalok na maglakbay sa mga kabukiran malapit sa torogan nito. Biglang nabago ang ekspresyon ng mukha nito at sinabing hindi siya maaaring lumabas at umapak sa lupa dahil ipinagbabawal ito sa kanilang kultura. Turan pa niya na ang lahat ng anak na babae ng Raja o hari ay hindi maaaring umapak sa lupa bilang pagkilala sa kanilang kabunyian. Isang makalumang paniniwala na sa aking pagkakaalam ay iwinaksi na sa mga kaharian sa buong Mindanao. Gayun pa man ay ramdam ko na gustong gusto pa rin nitong lumabas kaya’t nangako ako na ipapasan ko siya sa aming buong paglalakbay. Di naglaon ay pumayag naman itong sumama at agad nitong kinalas ang mga tela sa aking mga braso at binti. Gamit rin ang mga telang ito ay itinali ko ang dilag sa aking likuran at binalot ang kaniyang mga paa upang siguraduhin na hindi nito malalabag ang kanilang tradisyon. Kasali na rin ang kaniyang mahabang buhok ay nabalot na rin ng tela.
Naiwan ang Sarimanok sa torogan habang pasan ko ang prinsesa sa aking likuran paalis doon, sa pagpapasyal namin ay napuno ng galak ang damdamin ng dalaga sa kaniyang mga nakita dahil sa wakas ay ang mga kwentong naririnig lamang niya ay kaniya nang na saksihan. Mga ibon na ngayo’y malapitan na niyang nakikita, mga puno, halaman at ilog na dati ay di pa niya nahahawakan at marami pang iba. Bago gumabi ay binalik ko na siya sa kanyang tahanan.
Pagkatapos ng araw na iyon ay pinaalis niya ako at hiniling sa akin na ipangako kong araw-araw ko siyang ipasyal sa kabukiran, at dahil sa mahal ko ang dilag na ito ay agad naman akong sumang-ayon. Pagkatapos ay nagpapalipas ako ng gabi sa silong ng mayabong na puno ng kamagong at gabi-gabi ko ring nakikitang bumibisita si Bai Norah kay Bai Manisan at muling kinakantahan naman ito ng mahiwagang prinsesa.
Sa ika-anim maliligayang araw ng pamamalagi ko sa kagubatang ito ay dumating si Bai Norah kinagabihan sa torogan na galit. Nagsisigawan ang dalawang babae sa torogan na parang nagkakaroon dito ng mainit na diskurso. Hindi ko kayang hayaan na malamang inaapi ang aking sinisinta kung kaya ay agad akong lumapit rito, binigkas ang mga mahiwagang kataga at umakyat sa torogan.
Galit ang siyang namuno sa aking buong katawan na para bang nilamon ang bawat dugo ko ng apoy dahil sa aking nasaksihan. Sinasaktan ng ulipen ang aking iniirog. Agad kong itinutok ang aking palaso sa mapangahas na si Bai Norah at dahil doon ay binitawan nito ang prinsesa na napaunalan na nito ng mga pasa at gasgas sa katawan. Unti-unting lumapit si bai Norah sa akin at itinutok ang dalawa nitong mga kamay sa akin at sumigaw. Sa di mapaliwanag na pangyayari ay tumilapon ako palabas ng torogan at nahulog sa mga halamang balot ng matutulis na tinik. Gumalaw ang mga ito at niyakap ang aking buong katawan na siyang nagdulot ng daan-daang sugat sa akin at nagtuklap sa aking mga mata. Ako’y nagpumiglas. Gamit ang aking kampilan ay tinabas ko ang mga ito kahit hindi ko nakikita. Gumapang akong duguan papalayo sa gusali. Pumunit ako ng kapirasong tela sa aking kasuotan at aking tinakpan ang natuklap kong mga mata at nagpatuloy sa paggapang. Hangang ako ay makarating sa isang ilog at rinig ko ang pag-agos ng tubig nito. Lumapit ako rito at uminom ng tubig. Lungkot at pagkadismaya ang aking nararamdaman. Ako ay nahiga sa ugat ng isang puno sa tabi ng ilog na ito. Hindi ko namalayang kasabay ng pag-agos ng tubig sa ilog ay ganoon rin ang magpatak ng aking luha. Binigo ko ang aking prinsesa, hindi ko siya kayang ipagtanggol dahil ako ay isang mahinang ninalang.
Makalipas ang ilang mga oras ay nakarinig ako ng isang malakas na ingay. Boses ng babaeng sinisigaw ang aking ngalan at ang sunod-sunod na tilaok ng tandang na unti-unting lumilinaw. “Datu Sakaluran! Mahal ko! Nasaan ka?” hagulgol nito habang tumatakbo. Sumigaw ako at sinabing narito ako sa tabi ng ilog. Bigla itong lumapit at napaiyak ng malakas. Ako ay nahiga sa kaniyang mga binti at tinanong ang dalaga gamit ang paos na tinig ko kung siya ba si prinsesa Manisan at agad naman nitong sinabing siya nga ito. Totoo nga ang alamat, na sa kalagitnaan ng pagkaulila sa minamahal ay tutulong ang mahiwagang tandang na ito upang magkatagpo ang mga pusong sabik sa isa’t isa kagaya ng tinuran sa kwentong-bayan tungkol sa Sarimanok at ang pagmamahalan ni Indarapatra at ng diyosa ng buwan. Agad kong hinawakan ang kanyang ulo at nanibago ako sa kaniyang buhok ramdam ko na ito ay naputol na at umikli. Patuloy pa rin siya sa paghagulgol at halos hindi ko na marinig ang pinagsasabi nito dahil sa ako’y nahihilo at nanghihina na. Ang tanging nararamdaman ko na lamang ay ang pagdampi ng mga patak ng luha nito sa aking noo, mata, at buo kong mukha.
Nagmilagrong nawala ang sakit na aking nararamdaman sa aking nasirang mata at aking tinanggal ang telang pinantakip ko rito. Abot langit ang aking saya dahil sa nanumbalik na ang aking paningin. Pagmuklat ko ng aking mga mata ay agad kong nakita ang aking kaawa-awang prinsesa na may maikling buhok at mga galos sa katawan. Niyakap ko siya ng mahigpit at nagpasiyang ipagpatuloy ang pag-alis sa lugar na iyon. Tinulungan niya akong maglakad sa buong gabi hanggang sa lumiwanag ang araw.
Sa aming paglalakad tungo sa ilog na pinagkasunduan namin ng aking kapatid. Ngayon ang araw na iyon.sa aming pagdating ay nakita ko ang aking kapatid na kasama ang higit sa sampung mandirigma ng aming kaharian na nakasakay sa kani-kanilang kabayo. Agad itong bumaba sa kabayo at niyakap ako ng may ngiti sa kaniyang mukha. Dahil dito ay nakauwi kami ng ligtas kasama ng aking minamahal na Bai Manisan. Dinala ko siya sa aming tahanan at pinakilala ito sa aking amang hari. Ikinuwento ko sa kaniya ang lahat ng detalye ng aming pagkikita ngunit bigla siyang nabigla nang nalaman niyang prinsesa ng kabilang kaharian si Bai Manisan. Agad nitong kinuha ang mensaherong uwak. Itinali niya ang sinuat na mensahe sa binti nito at pinalipad ito. At sa makalipas na tatlong araw ay may mga bisitang maharlika ang dumating sa aming palasyo at nakipagpulong sa aming pamilya kasama na rin si Bai Manisan.
Sa pagpupulong ay aming na tuklasan na noong limang taong gulang pa lamang ang mahiwagang prinsesa ay dinukot ito ng ulipen na si Bai Norah na isa palang malakas na mangkukulam. Pinaniwala nito ang munting prinsesa na isinasabuhay pa rin ng kaharian ang makalumang tradisyon ng pagbabawal sa mga prinsesa na umapak sa lupa kung kaya ay simula pa noon ay hindi na nito nakita ang kaniyang mga magulang. Mahigit sa sampung taon na siyang pinaghahanap ng kanilang emperyo ngunit hindi matuklasan kung sa papaanong paraan ito naitago ng ulipen. May mahiwagang kakayahan ang prinsesa, siya ay nakakapagpapabata sa sinumang humahaplos sa buhok nito habang kumakanta kung kaya ay napag-interesan ito ng mangkukulam. At dahil sa natuklasan ng prinsesa ang pagkagahaman ng bruha ay sa kalagitnaan ng pag-aaway ng dalawa ay pinagpasyahan ni Bai Manisan na putulin ang buhok nito. Kwento pa niya na matapos niyang gawin ito ay nagsisisigaw sa hinagpis ang mangkukulam habang napupudpod ang laman at buto nito sa ihip ng hangin.
Noon pa man, sa loob ng ilang siglo, ang dalawang kaharian ay hindi na magkasundo at dahil dito ay matagal nang pinagbabawal ang paglakbay sa lupain ng magkabilang kaharian at pakikipaghalobilo sa mga tao rito. Dahil sa matagal nang hindi pagkakasundo ay isa rin sa pinaghihinalaan ng kabilang emperyo sa pagkawala ng kanilang anak ay ang aming kaharian. Ang pagmamahalan namin ni Bai Manisan ang nakita ng aking ama bilang isang pagkakataon upang makipagkasundo sa kanilang kaharian. Ito ay ang pagpapakasal naming dalawa ng prinsesa.
Sa kabila ng mainit na diskusyon ay napapayag namin ang mga magulang nito at malugod na ibinigay ng ama ni Bai Manisan ang kamay ng anak nito sa akin sapagkat nabawi namin ang kanilang kaisa-isang anak mula sa mapanlinlang na mangkukulam.
Ang araw na ito ay isang napakahalagang pangyayari na magaganap sa buong kalupaan sapagkat ito rin ang araw na ginanap ang seremonya ng aming pag-iisang dibdib. Bago matapos ang araw na ito ay nais kong gunitain ang aming mahiwagang pagmamahalan na nabuo sa kalagitnaan ng madilim na karanasan ng aking magiging asawa sa kamay ng mangkukulam.
Ako, si Raja Sakaluran, isang dating datu o prinsipe ng ating kaharian sa Mindanao, ako ay nangangakong pagbubuklorin ang buong kalupaan ng dalawang emperyo at aalagaan ang buong mamamayan nito kagaya ng pagmamahal ko sa aking magiging asawa na si Bai Manisan.
Matapos ang mahalagang talumpati ng bagong Raja ng mas pinalawak na emperyo sa Mindanao ay nabulabog ang buong seremonya nang biglang dumaan sa pasilyo ng kastilyo ang mahiwagang usa. Hindi namalayan ng mga kawal ang pagpasok ng ninalang na ito na para bang isang ispiritu na lumitaw sa hangin. Inihanda ng mga kawal ang kanilang mga palaso ngunit pinigilan ito ni Raja Sakaluran kung kaya’t hinayaan ito ng mga tao na limapit sa Reyna. Walang imik si Bai Manisan at nakatingin lamang ito sa mga mata ng higanteng usa.
Humarap ito sa reyna at namahinga sa tabi nito. Pinagmasdan ni Raja Sakaluran na himas-himasin ni bai Manisan ang namamahingang ninalang na para bang alam na nito ang susunod na mangyayari. Ang mga nagliliwanag at matitingkad na tanso nitong batik-batik sa katawan ay lumipad sa hangin na para bang mga alitaptap na may mga mayayabong na ilaw. Namangha ang mga tao sa kanilang nakita. Nagpaikot-ikot ang mga ito sa buong silid ng kastilyo, at pagkatapos ay nagkumpol-kumpol habang tinahak ang pasilyo at lumipad patungo sa ulo ni bai Manisan. Ang kulay itim nitong buhok ay nanumbalik sa kaniyang tunay na kulay mula noong unang nagkita ang dalawang mag-asawa. Kasabay ng paglaho ng usa at ng pagkawala ng mga alitaptap sa buhok ni Reyna Manisan ay ang pagbabalik ng kapangyarihang taglay nito.
Sa taglay na talino at kadakilaan ni Raja Sakaluran at sa biyayang kapangyahiran ng Reyna Manisan, ang buong kalupaan ay naging mapayapa at maunlad gaya ng pangako nito sa mga taong nasasakupan. Ang pag-iibigang ito’y nagpapatunay na ang pagmamahal ay nagdudulot ng kabi-kabilang emosyon at karanasan sa isang tao. Maaaring may saya, lungkot, galit, pangamba, at pag-asa. Anumang hiwaga ang dulot ng pag-ibig sa ating buhay ay nararapat natin itong ipaglaban. Matapos ang mag-umpisa ang mahabang kwentong pag-ibig nina Raja Sakaluran at Bai manisan, sila ay namuhay ng maligaya magpakailaman. Wakas.

Part II: https://www.reddit.com/useFlechD/comments/17km585/bai_norah_ang_ulipen_mangkukulam_at_diwata/?utm_source=share&utm_medium=web2x&context=3
submitted by FlechD to u/FlechD [link] [comments]


2021.01.17 12:50 R0n33 Song lyrics

Yeah, uh
Eba sakay na sa kalesa Gawa ng mga kwentong panghabang buhay Hindi lamang pangera Pag kasama parang perya Pag wala kalang eksena Ikaw gusto makasama magpahanggang mag sitenta
Turing ko sa buhay ko ay kumedya na may trahedya Ngayon ay gustong magpatuloy pahabain ang nobela Binuklat bagong libro, ako ang nobyo kaw ang nobya Sasabihin ko lahat di na kelangan ng serbesa
Gusto ba kita o giliw Tanong ko sa sarili habang ligaw sayong mata Baka mabunyag ang aking lihim Na tinago ng kay tagal baka ngayon marinig niya Palaban bakit sayo alipin Handang daanin ang napakarami na hadlang Kasama mo, kahit walang sabihin Kumportable na basta katabi at kapiling ka
Pangakong di magiiba, pag tingin ko sayo ay hindi maipinta Kahit na sabi nila pagmamahal ko sayo ay Mababaw daw at ikaw daw ay di iba sa kanila Sabi ko naman anong paki nila pag tingin ko sayo at sakanila ay iba Oh iba oh iba iba ka
Lam kong gutom ka kaw na magsuggest Turo mo sakin bibilhin ko iyong request Matagal na di nagkita sabik na kong bigkasin Na mahal kita hindi lang sa tawag at mga text Sinta, wag na wag ka magaalala Ipakita mo saakin tunay na ikaw di ko Tatapakan ang iyong mga paa kaya halika Gustong gawin para may nakatingin
Isasayaw ka parang disco Paborito ka parang El Bimbo at Baka pumayag pa ko magtiktok Walang tinatago di mabibisto aye Andito na ko sa inyong (ding dong!) May mangaagaw ba nasan ang pistol aye Di makatiis I miss you di mapakali Ikaw aking bisyo
Gusto ba kita o giliw Tanong ko sa sarili habang ligaw sayong mata Baka mabunyag ang aking lihim Na tinago ng kay tagal baka ngayon marinig niya Palaban bakit sayo alipin Handang daanin ang napakarami na hadlang Kasama mo, kahit walang sabihin Kumportable na basta katabi at kapiling ka
Pangakong di magiiba, pag tingin ko sayo ay hindi maipinta Kahit na sabi nila pagmamahal ko sayo ay Mababaw daw at ikaw daw ay di iba sa kanila Sabi ko naman anong paki nila pag tingin ko sayo at sakanila ay iba Oh iba oh iba iba ka
Iba iba iba iba iba iba
Ako yung tipong hindi basta hihinto Dire diretso walang biglang liko Buksan ang pinto kilalanin kung sino ba ako Tarantado ako dati pero sayo matino Nakakasilaw mga ngiti mo na tila ginto Sisingit ako na pilit walang bihis
Agad agad hindi na Agad agad hindi na Agad agad hindi na Agad agad hindi na
Gusto ba kita o giliw Iba ka iba ka
Eba sakay na sa kalesa Gawa ng mga kwentong panghabang buhay Hindi lamang pangera Pag kasama parang perya Pag wala kalang eksena
submitted by R0n33 to teenagers [link] [comments]


2017.09.04 16:55 dahon95 Aspiring Writers, SALI NA sa Taunang Patimpalak ng Saranggola Blog Awards 2017! (xpost from /r/Kwaderno for more visibility)

Direct link here: http://www.sba.ph/2017/09/saranggola-blog-awards-2017.html
Para sa mga baguhan at beteranong manunulat, at sa mga nagsisikap na makapaglathala ng mga akda, subukan niyong lumahok sa taunang patimpalak na ito.
Cross-Post from /kwaderno
https://www.reddit.com/Kwaderno/comments/6y0ngg/sali_na_taunang_patimpalak_saranggola_blog_awards/dmjslcz/
General Mechanics:
"Paliparin ang isip, abutin ang langit; bigkisin ang mga salita’t pakawalan sa hangin gaya ng Saranggola!”
Kategorya para sa Saranggola Blog Awards 2017
Kategorya
Petsa ng Patimpalak : Setyembre 1, 2017 - Oktubre 15, 2017
Kalahok
  1. Filipino citizen, 18 years old pataas - (18 years old bago mag Dis 16, 2017)
  2. nasa loob o labas ng Pilipinas
  3. matagal na o baguhang blogger (blogspot, wordpress, self-host, tumblr, multiply, *facebook note o kahit anong social media)
  4. Para sa mga baguhang blogger, kailangan munang may maisulat na 3 akda (alinman sa sumusunod: tula, kwento, kwentong pambata o sanaysay) bago ang iyong ipapasang lahok.
  5. Maaaring lumahok ang mga dati nang nagwagi sa patimpalak na ito.
More info here: http://www.sba.ph/2017/09/saranggola-blog-awards-2017.html
submitted by dahon95 to Philippines [link] [comments]


2017.02.14 10:51 hiraryakun Kanin Kronicles! - Chapter 5

Kanin Kronicles!

Kwentong Kanin uKol sa Kapamilya, Kaibigan, at Kung anu-ano pang KaloKohan!

CHAPTER 5

“Ilang siglo na ang nagraan, Bea? Ilang mga isla naang nabuo, at naglaho? Ilang mga sibilasyon na ang nagawa, at napabagsak? Ang alon ay dumadating, at nawala rin. Ang araw ay aangat ng isang segundo, at lulubog sa susunod. Hindi ko na alam kung ano ang konsepto ng oras, Bea. Kaya, sabhin mo saakin, pwede na ba tayo bumalik sa karinderia?”
“Dalawang araw pa, dong.”
…Bad trip.
Sa mga nakalipas na araw, nahanap ko ang sarili ko na nakikisama kay Bea. Dahil mga mabubuting kaibigan talaga ang mga aking kasama, iniiwanan nila ako sa mga nakaraang araw para maghanap ng sariling kakainan. Dahil naghahanap rin si Bea ng mga kainan, nag-pasya na lang kami na mag-sanib pwersa muna sa madidilim na araw na ito. Ngayong gabi ay nakahanap kami ng isang maliit na tindahan hindi may kalayuan sa call center. Nag bebenta sila ng samu’t saring mga inihaw, at siyempre barbecue rin. Nakatayo kami sa labas habang inuubos ang natitira naming stick ng barbecue.
Habang ngumunguya, nagsalita sa akin si Bea. “Alam mo ba kung ano na lang ang kulang dito?”
“Hindi ba obvious? Siyempre, masarap at mainit na kanin!”
“…Sasabihin ko sana sukang maanghang, pero sige, kanin rin.”
Napatingala si Bea sa langit, at tila ba binubulungan ang sarili. “Haay…kung meron lang sana akong tutong ngayon…”
“…Ang weirdo mo talaga, Bea.”
“Galing yun sayo?” sabi ni Bea, sabay kagat sa barbecue. “Pero, hindi mo maitatanggi na ang tutong ang llamado pag-dating sa barbeque.”
“Ha?! Kalapastangan. Laging panalo ang kanin, at kahit pag-dating sa barbecue ay ganoon din ang resulta.”
“Hay nako, eto nanaman tayo eh…” Humarap saakin si Bea at itinuro ang kaniyang barbecue stick sa akin. “Ipapakita ko sa iyo kung bakit panalo ang tutuong pag-dating sa barbecue!
“Una, dahil matigas ito, pwede mo siyang buhatin sa isang kamay, at ang barbecue stick sa kabila, kaya pwede mong kainin ito habang nakatayo! Ang tunay na street food!
“Pangalawa, ang barbecue, depende sa iyong pagbibilhan, ay magaan sa tiyan. Ang tutong ay mas mabigat sa normal na kanin, kaya mas llamado ka talaga.
“Pangatlo, ang tutong ay may kakaibang lasa na nagdadagdag ng bagong dimension sa barbecue pagdating sa lasa! At yun ang mga dahilan kung bakit mas masarap ang tutong pagdating sa barbecue.”
Pagkatapos ng kaniyang argumento ay yumuko siya, tila ba isang musikero nakakatapos lang ipresenta ang paborito niyang kanta.
Ang problema lang ang kanta na ginawa ng musikero na ito ay mali-mali.
“Hay nako…muli, Bea, ay nagkakamali ka!
“Una sa lahat, kung ang argumento mo ay tungkol sa pagkain ng nakatayo, gusto ko lang ipaalala sa iyo na may mga tindero na nagbebenta ng kanin na naka-balot sa dahon ng saging! Hindi lang ito pwede kainin ng nakatayo, mas masarap pa ito sa kahit pa anong tutong na pwede mong gawin.
“Pangalawa, kung mas mabigat nga ang tutong, ang kanin naman ay mas mainit. Pag hindi ka maingat masusunog mo ang iyong dila. Pero, pag ito na ay naluok mo at napunta sa tiyan, ang kaniyang init ay lalawak sa buo mong katawan! Hindi lang nabusog ang tiyan mo, kung hindi ang iyong diwa!
“At pangatlo! Hindi ko alam kung anong dimension yang pinagsasabi mo. Ang dimension lang na nararamdaman ko pag kumakain ng tutong ay di ko na mine-mention yung pangit ng lasa, dahil makikita mo na sa mukha ko pa lang.”
“Dapat talagang hindi i-mention yang mukha mo. Kahit sinong tao makarinig non mawawalan ng gana kumain.”
“Anong—“
Pero bago pa ako maka-patuloy sa sasabihin ko, biglang tumunog ang aking cellphone.
“Ah, saglit lang ah.”
Kinuha ko to at tinignan kung sino ang tumatawag.
Hmm, kakaiba. Si Kuya Rene ang tumatawag.
“Hello?”
“Ah, Jason, ikaw ba yan?”
“Oo, Kuya Rene. Bakit ka napatawag? At sino nagbigay sayo ng karapatan na tumawag sa akin? Pinatawad na ba kita sa pagtataksil na ginawa ninyo saakin?”
“Pagtataksil?” tumahimik ang kabilang linya ng saglit, bago ako may narinig na ‘aha!’ at mahinang pagtawa. “Pasensya na, Jason, pero usapan ay usapan. At isa pa wala ako ngayon sa karinderia.”
“Hmm?” bihira lang wala si Kuya Rene sa isang lugar, lalo na kung may pagkain na kasama sa usapan. “Edi nasaan kayo ngayon?”
“Nasa bahay ko. Birthday kasi ng nakababatang kapatid ko kasi eh.”
“Ah, pasabi ng happy birthday, ah!”
“Ano, Jason, tumawag ako kasi kailangan ko ng tulong dito sa birthday ni Nina.”
Si Nina yata ang nakababatang kapatid ni Kuya Rene.
“O sige, ano bang nangyari?”
“Nag-pasya kasi kami na maghawak ng potluck bilang selebrasyon. Yung nanay at tatay ko yung nagdala nung mga spaghetti at chicken, at yung iba naman dating gawi.”
“Teka, kung dating gawi…”
“Mukhang alam mo na nga kung saan papunta to. Dala ni Omar yung mga imported niya na tsitsirya, si Nestor nagdala ng gulay, tapos si Arthur nagdala ng ice cream…”
“…at dapat ako magdadala ng kanin.”
“Yun na nga ang problema. Di namin na pansin na hindi ka nga namin kasama hanggang kanina lang.”
Mga tunay na kaibigan.
“Ayaw niyo bumili na lang kala Mylene?”
“Sarado ang karinderia ngayon.”
“Ha? Ano nangyari?”
“Huling balita ko may sakit si Mylene eh. Dahil walang makaka-bantay ng ganong oras bukod siya, sinarado na lang muna. Hindi rin naman kami dapat pupunta ngayong araw.”
“Hmm…” problema nga ito. “Hindi pa ba sapat yung spaghetti para doon sa kapatid mo?”
“Mapili din kasi yung kapatid ko eh. Kailangan may kanin talaga.”
…!
Hindi kaya…! Ito’y isang magandang pagkakataon! Kung ako ay makakaluto ng pinaka-masarap na kanin na natikman niya, pwede ko siya maging disipulo! Isang napakagandang pagkakataon!
“Sige, Kuya Rene, hayaan mo na saakin, ako na bahala diyan sa problema niyo!”
At bago pa man makasagot si Kuya Rene, binaba ko na ang telepono.
Tatakbo na sana ako pa-uwi ng napigilan ako ng isang boses. “Huy, saan ka pupunta?”
Sa sobrang pagmamadali ko, nakalimutan ko na kasama ko nga pala si Bea.
“Pasensya na, Bea, pero—“
Teka…
Napangiti ako. Isang plano ang unti-unting nabubuo sa utak ko.
“Bea…paano kaya kung magkaroon tayo ng kaunting…paligsahan?”
“Paligsahan? Ano pinagsasabi mo diyan?”
“Kaarawan ngayon ng kapatid ng kaibigan ko, at naghanda sila ng maliit na handaan. Pero, may isang malalang aksidente na nangyari! Nakalimutan nila ang kanin! Isang napakalaking trahedya! Isang kasalanan sa mata ng Diyos!”
“Oo na, oo na, diretso na sa punto.”
“Ang punto ko, ay papunta na ako doon ngayon para mag-luto ng kanin. Kaya ito ang hamon ko sa iyo.” Itinuro ko ang daliri ko sa kaniya. “Tayong dalawa ay gagawa ng kanin para sa party na ito. At ang pinaka-nagustuhan ng birthday celebrant, ang masasabi natin ang mas nakakalamang sa dalawa. Ayos ba yun sa iyo?”
Tahimik si Bea habang iniisip ang aking proposal. Sa wakas ay ngumiti siya at tinignan ako, ang mga mata puno ng apoy.
“Alam mo namang hindi ako basta basta mag-papatalo, diba?”
“Yan ang gusto ko marinig!”
Nilabas ko ang aking kamao, at ganoon din naman ang ginawa ni Bea. At, nang walang oras na masayang, tumakbo na kami papunta sa tindahan para bumili ng bigas, at masimulan ang paligsahan.
Pagdating naming ni Bea, ang sumalubong saamin ay ang nanay ni Kuya Rene. Nang nagkaharap kami, ang unang pumasok ang sariling nanay ko. Pareho silang may kunot sa may bandang mata sa kakangiti, at pareho silang may amoy ng sabong panlaba.
Bigla ko tuloy na-miss ang sarili kong tahanan…
“Ah, kamusta. Kayo ba ang mga kaibigan ni Rene?”
“Opo.” sagot ko sa kaniya.
“Ay, pasensya na talaga kayo, di pa nga sumisikat ang araw eh nandito na kayo…maraming salamat talaga…”
“Ay, hindi po, ok lang, ok lang,” agad kong sabi, dahil mukhang talagang nag-aalala si nanay na naabala kami. “Mabuting kaibigan lang talaga naming si Kuya Rene, kaya wala to saamin.”
“Ah, ganoon ba? Maraming salamat sa inyo.” Humarap naman siya kay Bea. “Kasama mo rin ba si Rene sa trabaho niya?”
“Ah, hindi po,” agad linaw ni Bea, “Hindi nga po kami masyado magkakilala eh. Pero gusto ko rin pong tumulong.”
“Ganoon ba? Grabe naman, ang swerte talaga ng anak ko ang dami niyang kakilalang napakababait na tao!”
Ngumiti siya ng napakalaki, at pati ako naramdaman ang pagmamahal na nanggagaling sa kaniya. Pati si Bea napangiti dito.
“Halika, pasok kayo, pasok kayo. Tahimik lang, ah, tulog pa si Nina eh. Nandoon sila sa may kusina ngayon.”
Agad kaming nagtungo sa may kusina, kung saan ang buong kuwarto ay punong puno ng buhay. Si Kuya Nestor ay naghuhugas ng plato habang si Kuya Arthur naman ang nagtutuyo nito. Sa kabilang dulo ng kusina nakikita ko si Kuya Omar na nag-lalagay ng mga palamuti sa may bintana. Si Kuya Rene naman ay nakaupo sa may la mesa at nagtutusok ng mga hotdog.
“Ah, Jason, buti nakarating k—“
Nagtataka ako kung bakit naputol ang sinasabi niya ng mapansin ko na nakatingin siya sa aking katabi.
H-H-H-Ha?!
Muntik na manginig ang buong gusali sa lakas ng sigaw ni Kuya Rene. Agad akong tumalon at tinakpan ang bunganga ni Kuya Rene.
“Baliw ka ba brad?! Magigising mo kapatid mo niyan!”
Mukhang andaming sinasabi si Kuya Rene, pero wala akong maintindihan. Malamang dahil sa kamay ko.
Ng mapansin niya wala sa sinasabi niya ang nakakarating saakin, tumahimik din siya at tinignan na lang ako ng masama.
“So, Jason, mag-kabati na pala kayo?” si Kuya Nestor din ay mukhang intersado na nandito si Bea.
“Sinong gustong makipag-bati sa isang pagano?”
“Tawagin mo pa ako ng ganiyan ng isang beses at susunugin na kita sa isang tukod.”
Si Kuya Arthur naman ay tinignan ako ng may pag-hanga, “Grabe pala itong si Jason…matinik…hindi lang tayo nakasama ng ilang araw nakikipaglapit na sa isang magandang binibini…”
“Guys may narinig akong sumigaw, anong nangyar—h-h-ha?!”
Bumaba na si Kuya Omar mula sa may upuan niya, at mukha pati siya nagulantang ng makita si Bea. Narinig ko si Bea na nagpakawala ng tahimik na ‘Haaay’ habang minamasahe ang noo.
“Ganoon ba talaga nakakagulat na nandito ako…?”
“Pag-pasensiyahan mo na sila, hindi sila masyado nakakakita ng mga babae.”
“B-Bastos ka Jason!” sigaw ni Kuya Omar.
“O-Oo nga!” habol ni Kuya Rene. “Lagi kaya naming nakikita si Miss Mylene!”
“Miss Mylene? Yung babae sa karinderia?” tumawa si Bea. “Grabe, Jason, tama ka nga.”
Ito ba ang paghihiganti na nilalasap ko? Sa wakas, sinagot rin ng Panginoon ang mga panalangin ko! Maraming salamat Bea!
Pero, kung tutuusin, ang dalawang babae rin naman na kilala ko ay si Bea at Mylene lang din. Dapat ba talaga akong maging mapag-pasalamat…?
“Di bale na,” Humarap si Bea sa kanila, “Nandito ako dahil rinig ko mayroong kayong problema, at nandito ako para tumulong, hindi tanungin ng mga walang kwentang bagay. Comprende?”
Tumango ang lahat. Pati si Kuya Arthur, na doble yata ang laki kay Bea, ay mukhang natatakot.
“Mahusay,” bulong ko sa kaniya.
Ngumiti naman si Bea, “Kailangan mo talaga maging mapamilit, lalo na sa mga makukulit na kustomer.”
Pwede mong sigawan yung kustomer sa call center…?
Nagtungo kaming dalawa sa may lababo. Mukhang naalog naman ang mga iba sa kanilang gulat at bumalik na kaagad sa trabaho nila. Nakangiti lang naman ang nanay ni Kuya Rene habang nangyayari ang lahat ng ito.
Nilabas ko ang aking mga kasangkapan sa maliit na grocery bag na dala ko. Isang kilong bigas, dahon ng pandan, at konting mga herbs. Simple lang, pero itong mga kasangkapan na ito lang ang kailangan ko para gumawa ng mahika.
Tumingin ako sa mga binili ni Bea na mga gamit. Napatawa ako sa nakita ko.
“…Ano problema mo?” tingin saakin ni Bea, naiinis sa aking tawa.
“Wala, wala naman…pero yoghurt? Mantikilya?! Sa kanin?! Nako, Bea, lahat yata ng panahon mo sa call center naprito na yang utak mo.” Ngumiti lamang si Bea sa mga sinabi ko. “Manood ka lang.”
At mula doon ay nagsimula na kami.
Nagtakal ako ng mga tatlong tasa ng kanin mula sa aking bigas. Dahil magluluto din si Bea ng kanin, hindi ko na kailangan gumawa ng ganoon ka rami. Dinala ko ang aking caldero sa may lababo at sinimulan banlawan ang bigas. Pinaga ko lamang ito ng dahan dahan. Gusto ko lamang matanggal ang mga dumi sa bigas. Pag masyado kasi nilinis ang bigas, mawawala ang lasa at nutrisyon nito. Ang gusto kong marating na punto ay yung kung saan ang tubig ay kasing linaw na ng isang batis.
Sinilip ko muna ang ginagawa ni Bea habang nililinis ko ang kanin ko. Kinuha niya ang mantikilya at ipinahid ito sa may loob ng kaldero. Ganoon din ang yoghurt. Tsaka niya nilagay ang bigas sa may loob ng kaldero. Kasabay ng tubig ay naglagay siya ng asin at paminta.
Parang medyo alam ko na ang gustong gawin ni Bea.
Ang mantikilya at yoghurt ay paraan upang madaling matangal ang tutong sa may kaldero. Isa din siyang paraan para hindi masunog kaagad ang kanin. Ang asin at paminta ay siyempre kaunting pampalasa. Ang gusto sigurong abutin na lasa ni Bea ay isang halo sa matamis, may konting lasa ng mani, at malasa na tipo na kanin.
Isang marangal na subok, Bea, pero ikaw ay papalya pa rin. Dahil mali ang pagkakita mo sa kanin.
Ang kanin ay hindi ang bida ng pelikula. Hindi siya ang lead na actor sa entablado. Hindi umiikot ang mundo sa kaniya.
Hindi, ang kanin ay parang ang sidekick na tumutulong sa may bayani upang mag-tagumpay laban sa kasamaan. Siya ang lalaking nasa likod ng kamera para makita ng lahat ang ginagawa ng artista. Hindi umiikot ang mundo sa kaniya, ang mundo umiikot dahil sa kaniya.
Magiging matamis ang pag-bagsak mo, Bea.
Sa wakas malinis na rin ang tubig ng bigas na ginagawa ko. Pagkatapos ko tanggalin ang madumi na tubig at palitan ng bagong malinis at malamig na tubig, nilagay ang pandan, inilagay ko ang kaldero sa may kalan, at binuksan ang apoy sa pinakamalakas na lebel.
Ang maganda sa kanin ay hindi mo siya kailangan bantayan basta tama ang pagkagawa niya. Kaya, habang hinihintay na kumulo ang sinasaing, pinuntahan ko si Bea.
“Musta naman pagluluto mo? Pwede na ba itapon?”
“Kung meron mang kanin na itatapon sa ating dalawa, yun ay yung sayo!”
“Hindi pwede yun, dahil malalaman na ng mga anghel na ako ang kumuha ng recipe nila!”
“Ang anghel lang na pupunta sa yo ay ang anghel ng kadiliman.”
“Anak?” rinig ko tinanong ng nanay ni Kuya Rene sa kaniya, “Lagi ba talagang nagaaway yang dalawang yan?”
“Hayaan niyo na sila, ma,” sabi ni Kuya Rene ng di man lang tumitingala, “Pareho lang talaga silang baliw.”
Sa wakas ay kumulo rin ang aking kanin. Tinangal ko ang takip at tinignan ang laman. Ah, naayon sa plano! Napaka-puti ng kanin, parang gatas, o kaya nama’y ulap. Tinakpan ko ito ulit at binabaan ang lakas ng apoy.
Naka-salang na rin ang kaldero ni Bea, at matiyaga niya itong inoobserbahan. Isa nanamang malalang kahinaan ng tutong. Mahirap din siyang gawin. Pag-mali ang oras ng pagluto, masusunog ang buong kanin at masisira ang lahat ng bigas na sinaing mo. Kaya mas maganda kung ang tutong ay aksidente lamang, para bang sorpresa na makikita mo sa dulo ng kaldero. At tulad ng lahat ng aksidente, dapat ito ay kinakalimutan na lamang.
Dahan-dahang napuno ang kuwarto ng amoy ng kanin. Tila ba lahat ng tao sa loob ng kusina ay napatigil sa ginagawa nila, at nilanghap ito ng isang saglit. Ito, mga kaibigan ang amoy ng langit!
…Na may halong amoy ng sunog na kanin. Ano ba naman yan kasi, Bea.
Pinatay ko ang apoy at binuksan ang kaldero. Nakatambad ang nakaputi at puro na kanin, na perpektong perpekto ang pagkaluto. Meron din siyang mga butas butas sa gitna, ang senyales ng napakagandang kalidad ng pagluto ng kanin. Kumuha ako ng plato para paglalagyan ng kanin. Tinanggal ko ang dahon ng pandan, at dahan dahang binuhos ang kanin sa plato. Sa inaasaan, walang kadiri na tutong na namuo, puro lamang na kanin.
Pagkabuhos ko ng lahat ng kanin, kinuha ko ang mga herbs at inilagay ito sa ibabaw. Ito’y hindi lamang pampadagdag ng lasa kung hindi pati ng kulay.
Sa mga oras kung saan tapos na ako mag disenyo ng plato ko, natapos rin ang pagkaluto ni Bea. Kumuha siya ng isang plato, at dahan dang binuhos ang kanin sa may isang banda. Sa kabilang banda naman, nilagay niya ang mga tostadong parte ng kanin. Ang amoy ay sobrang sarap, para bang amoy ng latin America. Kailangan ko bigyan ng konting parangal si Bea, napakagaling ang pagkakagawa ng kanin niya.
Ng makita ng mga kasama naming ang nagawa naming mga obra maestra, sila ay napa-‘wow’ at pumalakpak. Lumapit si Kuya Nestor at tinignan ang kanin naming dalawa.
“Seryoso, Jason,” sabi ni Kuya Nestor, “Ayaw mo talaga mag-kulinarya?”
“Naku, magiging sobrang tuwa ni Nina pagnakita niya ito!” sabi naman ng nanay ni Kuya Rene.
“Ito ang magiging best party na mararanasan niya!” sabi ni Kuya Rene, “At hindi ito magiging possible kung wala kayo, guys!”
“Tigil na drama, Rene,” sabi ni Kuya Omar, “Tawagin mo na lang at makakain na tayo!”
Pinosisiyon naming ang mga ulam at kanin sa may salas. Tumaas naman si Kuya Rene at ang nanay ng dahan dahan, at nag-hintay kami sa dilim.
Sa may bintana, unti-unting pumapasok ang liwanag ng araw na ngayon pa lang bumabangon. Sa ere ang amoy ng samu’t saring aroma ng mga pagkain. Lahat kaming natira ay nagtago sa likod ng supa. Nag-gitgitan ang mga katawan namin, para magkasya kami.
Sa kanan ko ay si Kuya Arthur, na ang mga kalamnan sa braso ay para bang mga bato. Agad kong naalala ang sarili kong mga braso na para bang walis tingting.
“Huy, usog, hindi ako kasya,” bulong ni Bea. Umusog naman ako, at gumitgit si Bea saakin. Kabaligtaran ng braso ni Kuya Arthur ang braso ni Bea. Sobrang lambot nito at sobrang kinis.
Pero bago pa ako maka-iling, narinig naming ang dahan dahang pagbaba ng hagdanan ng tatlong pares ng mga paa.
“Ang aga masyado kuya…ano meron…” isang boses na di pamilyar ang narinig kong bumababa. Ito na ang birthday celebrant.
Pag-kababa niya ay binuksan niya ang ilaw. Ito na ang hudyat!
Pag-kabukas na pagka-bukas, tumalon kami mula sa likod ng supa. “Happy Birthday!”
Si Nina, na mukhang pito o walong taong gulang pa lamang ay nagulat sa amin. “Wah! Birthday ko na ba?!”
Tinignan niya ang relos para i-konpirma. “Oo nga, oo nga, birthday ko na talaga! Yehey!”
“Anak,” sabi ng nanay ni Kuya Rene, “Ito ang mga kaibigan ni Kuya Rene. Alam mo ba, sila ang naghanda ng lahat ng ito?”
“Wow!” sabi ni Nina. “Ang dami naman!”
“Alam mo ba? Nagising sila ng sobrang aga para lang maluto lahat ng yan para sa yo!”
“Maraming, maraming, maraming salamat! Kuya! Ate!”
Napangiti na lang kaming lahat at napatawa. Mukhang lahat ng pagpapagod naming ay nagkahalaga rin sa huli.
At mula doon ay nagsimula na ang kainan.
Nagpasahan pasahan ng mga plato, at pumila na ang lahat. Siyempre si Nina ay agn birthday girl, kaya siya ang pinaka-una.
“Nanay,” tanong ni Nina, mukhang nagtataka, “Bakit dalawa ang kanin natin?”
“Ah, si Kuya Jason at Ate Bea mo nagluto niyan. Rinig kasi nila na mahilig ka sa kanin, kaya nag-luto sila ng dalawang klase.”
“Wow! Oo nga, oo nga, sobrang hilig ko sa kanin!” Tumingin siya sa akin at ngumiti.
…Cute…
“So, Nina, anong gusto mong kunin na kanin? Itong malambot, luto yan ni Kuya Jason mo, at yung matutong naman ay yung kay Ate Bea.”
…!
Ito na ba ang panahon para sa desisyon? Tinignan ko si Bea, at mukhang parehas rin ang iniisip namin. Tumango kami, at hinintay ang sagot ni Nina.
“Hmm…” nag-isip ng malalim si Nina, “Gusto ko silang tikman pareho! Luto kasi ni Kuya Jason at Ate Bea ito para sa akin!”
Nakita kong ngumiti si Bea. “Ang bait mo namang bata…”
Dahan dahan ding umusog ang pila, at sa wakas na puno ko rin ang plato ko ng samu’t saring ulam. Spagheti, hotdog, at siyempre, ang bida ng gabi, ang luto kong kanin! Kahit na pagod na pagod na ako, di ko mapipigilang tikman itong luto ko! Ngayon, ang kailangan ko na lang gawin ay mag-hanap ng upuan…
“Psst…” may narinig akong tumawag saakin, pag-ka talikod ko, nakita kong sumesenyas saakin si Bea. Nakaupo siya sa may supa, katabi si Nina.
Pag-lapit ko naman ay pinakilala ako ni Bea. “Ah, Nina? Ito naman si Kuya Jason mo, siya yung nagluto nitong kanin na to, na mabasa basa at mukhang hilaw pa.”
Ah, Bea? Yan ang talagang itsura ng kanin. Ang delikado ay yung mukhang sunog, tila ba yung niluto mo?
“Hello, Kuya Jason! At hindi po yan hilaw Ate Bea, ganyan lang po talaga itsura niya.”
Tumingin ako kay Bea at bumelat. Kala mo ah.
Umupo ako sa tabi ni Nina at nilapag ang plato sa may la mesa. “Nasorpresa ka naman sa ginawa namin, Nina?”
“Opo! Nakalimutan ko nga po na birthday ko po ngayon eh!”
“Ilang taon ka na ba, Nina?”
“Six po!”
“Six? Grabe ang bata mo pa pala…” Ano nga ba ginagawa ko ng six ako?
Naalala ko tuloy ang itsura ni mama at papa, at di ko alam kung bakit, pero bigla ko nagustuhang umuwi...
“Natikman mo na baa ng mga luto namin?” naalis ako sa mga iniisip ko ng tinanong ni Bea si Nina.
“Hindi pa eh…”
Nagka-tinginan kami ni Bea. Ito na talaga ang pagtatapos. Kung ano man ang sagot, siya ang panalo ng gabing ito. Kaya sige na, Nina, ano ang mas masarap na kanin?!
“Kung sabagay, yun naman talaga ang sasabihin ng isang bata eh…” sabi ni Bea. Kailangan ko sumangayon sa kaniyang sinabi.
Nasa labas kaming pareho ni Bea, umiinom ng soft drinks, at pinakikinabangan ang malamig na simoy ng hangin ngayong umaga.
Kanina ay pinatikim naming kay Nina upang sino Manalo. Ang resulta ay…
“Grabe! Ang sarap nilang pareho, Kuya Jason, Ate Bea! Ito na siguro ang mga pinaka­-masarap na kanin na natikman ko! Ito na nga ata ang best birthday ever!”
“Alam mo naman Bea na sinabi lang ni Nina yun kanina para di ka mapahiya, diba?”
“Edi bakit niya dinura yung kanin mo nung hindi ka nakatingin?”
“Tumahimik ka na nga lang diyan.”
Tinignan ko ang araw habang umaangat sa malayo. At nung panahon na iyon, nakita ko nanaman ang dalampasigan sa may bayan namin…at paano ko pinapanood ang pag-angat ng araw kasama si—
“Hoy,” nawala nanaman ako sa iniisip ko, dahil kay Bea. “Yan nanaman yung mukha mo eh.”
“Wala na tayong mag-gagawa, pinanganak na guwapo, mananatiling gwapo.”
“Hindi yun, loko,” sinabi niya at siya’y umupo sa aking tabi.
“Ang lapit mo…”
“Paki ko?”
Putik naman, Bea, kahit na demonyita ka, babae ka pa rin! Alamin mo mga hangganan mo!
“So,” sabi ni Bea bago pa man ako makasalita, “Ano naalala mo?”
Paano…
“W-Wala akong inaalala.”
“Hmm? Ang mga sinungaling pumupunta sa impyerno. Kung sabagay, didiretso ka naman talaga doon eh, kaya wah mo na lang alahanin sinabi ko. Mag sinungaling ka lang ng magsinungaling.”
Nakasulat na talagang pupunta ako sa impyerno…?
“Pero,” sabi ko, “Paano mo nalaman may inaalala ako?”
“Gumagawa ka ng kadiring mukha eh. Parang pag tinitikman mo yung sarili mong kanin?”
“Hindi ako gumagawa ng mukha pag-kumakain ng kanin, dahil nag-hihiwalay ang aking espiritu at lumipad ito sa ere sa sobrang galak.”
“…Weirdo.”
“Bayaan mo na. Wala ka namang kinalaman sa inaalala ko eh.”
“Kung sabagay…”
Nanatili kaming naka-upo doon, tahimik lamang, habang inuubos an gaming mga soft drinks.
“Mauuna na ba tayo?” tanong ni Bea. Tumango ako at sabay kaming pumasok sa loob.
Nagpaalam kami sa mga Kuya at kay Nina. Ang huli akong nag-paalam ay sa nanay ni Kuya Rene.
“Mag-ingat kayo sa biyahe, ah?”
“Opo, wala pong problema.”
“Atsaka, iho?”
“Po?”
“Wag mo na siyang pakawalan ah?” sabi niya, sabay kindat.
…Anong ibig-sabihin non?
“Hoy, lika na, gusto mo ba ma-iwanan?” rinig kong sigaw ni Bea mula sa pintuan.
“Teka, saglit lang,” sagot ko. Nagpasalamat ako muli sa nanay nila Kuya Rene, at tumakbo papunta sa may kusina. Kinuha ko ang natitirang bigas at ang mga iba kong pamilihin mula sa lababo, at tumungo na sa may pintuan para samahan si Bea.
Sabay kaming nag-lakad, walang sinasabi. Sobrang antok ko na rin, kaya di ko alam kung may masasagot pa ba ako pag-nag usap kami.
“Ah,” humarap ako kay Bea ng makita ko ang pamilyar na berdeng sign post. “Hanggang dito na lang ako.”
“Diyan ka ba nakatira?”
“Hindi, hindi, may bibistahin pa ako bago ako umuwi. Kaya mo na ba mag-isa?”
Tumango si Bea, kaya tumalikod na ako at kumaway.
“Sige…kita na lang tayo bukas.”
“Teka…”
Pinigilan ako ni Bea bago pa ako makalayo. Humarap ako muli sa kaniya. “Bakit? May problema ba?”
Ng una ay wala siyang sinasabi, at nakatingin lamang sa lupa, habang niyayakap ang sarili. Sa wakas ay huminga siya ng malalim. Tinaas niya ang ulo niya at tinignan ako diretso sa mga mata.
“Pag meron mang umaabala diyan sa isip mo, wag mong kalimutan na may mga kaibigan ka na nakapaligid sayo. Tandaan mo yan.”
“Ha? Pinagsasabi mo diyan?”
Wala muling sinabi si Bea. Pero, makalipas ng ilang saglit, sumagot na naman siya. “Wala naman. Baka sakali lang.”
“…Ok? Weirdo…”
At muli akong tumingin pa layo sa kaniya.
Ano meron doon sa babaeng iyon…?
<<<-Previous Chapter Next Chapter->>>
submitted by hiraryakun to Kwaderno [link] [comments]


2015.01.08 02:50 dahon95 Maikling Kuwento: "Tulak, Higit, Hay Pag-ibig!" (Unang Karangalan sa Saranggola Blog Awards 2014)

Para sa mga interesado sa mga Filipino short stories, eto ang nanalo sa katergoryang Maikling Kuwento, na may temang "Kilig Pag-ibig" -- "Kwentong magpapangiti, magpapakilig at magsasabing masarap ang umibig. Ang layunin ay mapakilig ang mambabasa lalo na ang mga hurado." -- www.sba.ph
1st Prize - http://justmainey.blogspot.com/2014/11/tulak-higit-hay-pag-ibig_14.html (Charmaine Lasar)
submitted by dahon95 to Kwaderno [link] [comments]


http://rodzice.org/