Kwentong bastos

Isang Napakagandang Delubyo

2024.02.01 07:17 tsongkoyla Isang Napakagandang Delubyo

Isang Napakagandang Delubyo

https://preview.redd.it/oxf3x1eyywfc1.jpg?width=1536&format=pjpg&auto=webp&s=7fd16dc33c6b2d2346f58f985ea152e402566f74
https://preview.redd.it/bg5683eyywfc1.jpg?width=1536&format=pjpg&auto=webp&s=6c4c6ba0fa6ee557a4b4b9a119a83fb565cf0a32
Ikalawang libro na natapos ko ngayong taon. Ito na ang ika tatlong libro na nabasa ko mula kay Vivo, lahat magaganda at walang tapon. Sinuwerte at naka iskor pa ng autograph mula sa author. Tamang buntong-hininga lang talaga ang magagawa mo tuwing matatapos mo ang isa sa pitong maikling kwento sa librong to.
Bastos, malaswa, at immoral ang mga kwento, pero napakaganda. Tinamaan talaga ako doon sa kwento ng 'Dianson Park' at 'Walang Imik Ang Mga Puno Ng Saging'. Nakakagago talaga ang kwento, pero ewan bakit hindi ko siya mabitaw-bitawan. Umabot sa puntong naihagis ko ang libro sa dingding at napasigaw nalang ng PUTANGINA NYO! Ganyan siya ka ganda.
Ang masakit lang dito ay nangyayari talaga sa totoong buhay ang mga kwentong nakapaloob dito.

submitted by tsongkoyla to PHBookClub [link] [comments]


2017.02.14 10:51 hiraryakun Kanin Kronicles! - Chapter 5

Kanin Kronicles!

Kwentong Kanin uKol sa Kapamilya, Kaibigan, at Kung anu-ano pang KaloKohan!

CHAPTER 5

“Ilang siglo na ang nagraan, Bea? Ilang mga isla naang nabuo, at naglaho? Ilang mga sibilasyon na ang nagawa, at napabagsak? Ang alon ay dumadating, at nawala rin. Ang araw ay aangat ng isang segundo, at lulubog sa susunod. Hindi ko na alam kung ano ang konsepto ng oras, Bea. Kaya, sabhin mo saakin, pwede na ba tayo bumalik sa karinderia?”
“Dalawang araw pa, dong.”
…Bad trip.
Sa mga nakalipas na araw, nahanap ko ang sarili ko na nakikisama kay Bea. Dahil mga mabubuting kaibigan talaga ang mga aking kasama, iniiwanan nila ako sa mga nakaraang araw para maghanap ng sariling kakainan. Dahil naghahanap rin si Bea ng mga kainan, nag-pasya na lang kami na mag-sanib pwersa muna sa madidilim na araw na ito. Ngayong gabi ay nakahanap kami ng isang maliit na tindahan hindi may kalayuan sa call center. Nag bebenta sila ng samu’t saring mga inihaw, at siyempre barbecue rin. Nakatayo kami sa labas habang inuubos ang natitira naming stick ng barbecue.
Habang ngumunguya, nagsalita sa akin si Bea. “Alam mo ba kung ano na lang ang kulang dito?”
“Hindi ba obvious? Siyempre, masarap at mainit na kanin!”
“…Sasabihin ko sana sukang maanghang, pero sige, kanin rin.”
Napatingala si Bea sa langit, at tila ba binubulungan ang sarili. “Haay…kung meron lang sana akong tutong ngayon…”
“…Ang weirdo mo talaga, Bea.”
“Galing yun sayo?” sabi ni Bea, sabay kagat sa barbecue. “Pero, hindi mo maitatanggi na ang tutong ang llamado pag-dating sa barbeque.”
“Ha?! Kalapastangan. Laging panalo ang kanin, at kahit pag-dating sa barbecue ay ganoon din ang resulta.”
“Hay nako, eto nanaman tayo eh…” Humarap saakin si Bea at itinuro ang kaniyang barbecue stick sa akin. “Ipapakita ko sa iyo kung bakit panalo ang tutuong pag-dating sa barbecue!
“Una, dahil matigas ito, pwede mo siyang buhatin sa isang kamay, at ang barbecue stick sa kabila, kaya pwede mong kainin ito habang nakatayo! Ang tunay na street food!
“Pangalawa, ang barbecue, depende sa iyong pagbibilhan, ay magaan sa tiyan. Ang tutong ay mas mabigat sa normal na kanin, kaya mas llamado ka talaga.
“Pangatlo, ang tutong ay may kakaibang lasa na nagdadagdag ng bagong dimension sa barbecue pagdating sa lasa! At yun ang mga dahilan kung bakit mas masarap ang tutong pagdating sa barbecue.”
Pagkatapos ng kaniyang argumento ay yumuko siya, tila ba isang musikero nakakatapos lang ipresenta ang paborito niyang kanta.
Ang problema lang ang kanta na ginawa ng musikero na ito ay mali-mali.
“Hay nako…muli, Bea, ay nagkakamali ka!
“Una sa lahat, kung ang argumento mo ay tungkol sa pagkain ng nakatayo, gusto ko lang ipaalala sa iyo na may mga tindero na nagbebenta ng kanin na naka-balot sa dahon ng saging! Hindi lang ito pwede kainin ng nakatayo, mas masarap pa ito sa kahit pa anong tutong na pwede mong gawin.
“Pangalawa, kung mas mabigat nga ang tutong, ang kanin naman ay mas mainit. Pag hindi ka maingat masusunog mo ang iyong dila. Pero, pag ito na ay naluok mo at napunta sa tiyan, ang kaniyang init ay lalawak sa buo mong katawan! Hindi lang nabusog ang tiyan mo, kung hindi ang iyong diwa!
“At pangatlo! Hindi ko alam kung anong dimension yang pinagsasabi mo. Ang dimension lang na nararamdaman ko pag kumakain ng tutong ay di ko na mine-mention yung pangit ng lasa, dahil makikita mo na sa mukha ko pa lang.”
“Dapat talagang hindi i-mention yang mukha mo. Kahit sinong tao makarinig non mawawalan ng gana kumain.”
“Anong—“
Pero bago pa ako maka-patuloy sa sasabihin ko, biglang tumunog ang aking cellphone.
“Ah, saglit lang ah.”
Kinuha ko to at tinignan kung sino ang tumatawag.
Hmm, kakaiba. Si Kuya Rene ang tumatawag.
“Hello?”
“Ah, Jason, ikaw ba yan?”
“Oo, Kuya Rene. Bakit ka napatawag? At sino nagbigay sayo ng karapatan na tumawag sa akin? Pinatawad na ba kita sa pagtataksil na ginawa ninyo saakin?”
“Pagtataksil?” tumahimik ang kabilang linya ng saglit, bago ako may narinig na ‘aha!’ at mahinang pagtawa. “Pasensya na, Jason, pero usapan ay usapan. At isa pa wala ako ngayon sa karinderia.”
“Hmm?” bihira lang wala si Kuya Rene sa isang lugar, lalo na kung may pagkain na kasama sa usapan. “Edi nasaan kayo ngayon?”
“Nasa bahay ko. Birthday kasi ng nakababatang kapatid ko kasi eh.”
“Ah, pasabi ng happy birthday, ah!”
“Ano, Jason, tumawag ako kasi kailangan ko ng tulong dito sa birthday ni Nina.”
Si Nina yata ang nakababatang kapatid ni Kuya Rene.
“O sige, ano bang nangyari?”
“Nag-pasya kasi kami na maghawak ng potluck bilang selebrasyon. Yung nanay at tatay ko yung nagdala nung mga spaghetti at chicken, at yung iba naman dating gawi.”
“Teka, kung dating gawi…”
“Mukhang alam mo na nga kung saan papunta to. Dala ni Omar yung mga imported niya na tsitsirya, si Nestor nagdala ng gulay, tapos si Arthur nagdala ng ice cream…”
“…at dapat ako magdadala ng kanin.”
“Yun na nga ang problema. Di namin na pansin na hindi ka nga namin kasama hanggang kanina lang.”
Mga tunay na kaibigan.
“Ayaw niyo bumili na lang kala Mylene?”
“Sarado ang karinderia ngayon.”
“Ha? Ano nangyari?”
“Huling balita ko may sakit si Mylene eh. Dahil walang makaka-bantay ng ganong oras bukod siya, sinarado na lang muna. Hindi rin naman kami dapat pupunta ngayong araw.”
“Hmm…” problema nga ito. “Hindi pa ba sapat yung spaghetti para doon sa kapatid mo?”
“Mapili din kasi yung kapatid ko eh. Kailangan may kanin talaga.”
…!
Hindi kaya…! Ito’y isang magandang pagkakataon! Kung ako ay makakaluto ng pinaka-masarap na kanin na natikman niya, pwede ko siya maging disipulo! Isang napakagandang pagkakataon!
“Sige, Kuya Rene, hayaan mo na saakin, ako na bahala diyan sa problema niyo!”
At bago pa man makasagot si Kuya Rene, binaba ko na ang telepono.
Tatakbo na sana ako pa-uwi ng napigilan ako ng isang boses. “Huy, saan ka pupunta?”
Sa sobrang pagmamadali ko, nakalimutan ko na kasama ko nga pala si Bea.
“Pasensya na, Bea, pero—“
Teka…
Napangiti ako. Isang plano ang unti-unting nabubuo sa utak ko.
“Bea…paano kaya kung magkaroon tayo ng kaunting…paligsahan?”
“Paligsahan? Ano pinagsasabi mo diyan?”
“Kaarawan ngayon ng kapatid ng kaibigan ko, at naghanda sila ng maliit na handaan. Pero, may isang malalang aksidente na nangyari! Nakalimutan nila ang kanin! Isang napakalaking trahedya! Isang kasalanan sa mata ng Diyos!”
“Oo na, oo na, diretso na sa punto.”
“Ang punto ko, ay papunta na ako doon ngayon para mag-luto ng kanin. Kaya ito ang hamon ko sa iyo.” Itinuro ko ang daliri ko sa kaniya. “Tayong dalawa ay gagawa ng kanin para sa party na ito. At ang pinaka-nagustuhan ng birthday celebrant, ang masasabi natin ang mas nakakalamang sa dalawa. Ayos ba yun sa iyo?”
Tahimik si Bea habang iniisip ang aking proposal. Sa wakas ay ngumiti siya at tinignan ako, ang mga mata puno ng apoy.
“Alam mo namang hindi ako basta basta mag-papatalo, diba?”
“Yan ang gusto ko marinig!”
Nilabas ko ang aking kamao, at ganoon din naman ang ginawa ni Bea. At, nang walang oras na masayang, tumakbo na kami papunta sa tindahan para bumili ng bigas, at masimulan ang paligsahan.
Pagdating naming ni Bea, ang sumalubong saamin ay ang nanay ni Kuya Rene. Nang nagkaharap kami, ang unang pumasok ang sariling nanay ko. Pareho silang may kunot sa may bandang mata sa kakangiti, at pareho silang may amoy ng sabong panlaba.
Bigla ko tuloy na-miss ang sarili kong tahanan…
“Ah, kamusta. Kayo ba ang mga kaibigan ni Rene?”
“Opo.” sagot ko sa kaniya.
“Ay, pasensya na talaga kayo, di pa nga sumisikat ang araw eh nandito na kayo…maraming salamat talaga…”
“Ay, hindi po, ok lang, ok lang,” agad kong sabi, dahil mukhang talagang nag-aalala si nanay na naabala kami. “Mabuting kaibigan lang talaga naming si Kuya Rene, kaya wala to saamin.”
“Ah, ganoon ba? Maraming salamat sa inyo.” Humarap naman siya kay Bea. “Kasama mo rin ba si Rene sa trabaho niya?”
“Ah, hindi po,” agad linaw ni Bea, “Hindi nga po kami masyado magkakilala eh. Pero gusto ko rin pong tumulong.”
“Ganoon ba? Grabe naman, ang swerte talaga ng anak ko ang dami niyang kakilalang napakababait na tao!”
Ngumiti siya ng napakalaki, at pati ako naramdaman ang pagmamahal na nanggagaling sa kaniya. Pati si Bea napangiti dito.
“Halika, pasok kayo, pasok kayo. Tahimik lang, ah, tulog pa si Nina eh. Nandoon sila sa may kusina ngayon.”
Agad kaming nagtungo sa may kusina, kung saan ang buong kuwarto ay punong puno ng buhay. Si Kuya Nestor ay naghuhugas ng plato habang si Kuya Arthur naman ang nagtutuyo nito. Sa kabilang dulo ng kusina nakikita ko si Kuya Omar na nag-lalagay ng mga palamuti sa may bintana. Si Kuya Rene naman ay nakaupo sa may la mesa at nagtutusok ng mga hotdog.
“Ah, Jason, buti nakarating k—“
Nagtataka ako kung bakit naputol ang sinasabi niya ng mapansin ko na nakatingin siya sa aking katabi.
H-H-H-Ha?!
Muntik na manginig ang buong gusali sa lakas ng sigaw ni Kuya Rene. Agad akong tumalon at tinakpan ang bunganga ni Kuya Rene.
“Baliw ka ba brad?! Magigising mo kapatid mo niyan!”
Mukhang andaming sinasabi si Kuya Rene, pero wala akong maintindihan. Malamang dahil sa kamay ko.
Ng mapansin niya wala sa sinasabi niya ang nakakarating saakin, tumahimik din siya at tinignan na lang ako ng masama.
“So, Jason, mag-kabati na pala kayo?” si Kuya Nestor din ay mukhang intersado na nandito si Bea.
“Sinong gustong makipag-bati sa isang pagano?”
“Tawagin mo pa ako ng ganiyan ng isang beses at susunugin na kita sa isang tukod.”
Si Kuya Arthur naman ay tinignan ako ng may pag-hanga, “Grabe pala itong si Jason…matinik…hindi lang tayo nakasama ng ilang araw nakikipaglapit na sa isang magandang binibini…”
“Guys may narinig akong sumigaw, anong nangyar—h-h-ha?!”
Bumaba na si Kuya Omar mula sa may upuan niya, at mukha pati siya nagulantang ng makita si Bea. Narinig ko si Bea na nagpakawala ng tahimik na ‘Haaay’ habang minamasahe ang noo.
“Ganoon ba talaga nakakagulat na nandito ako…?”
“Pag-pasensiyahan mo na sila, hindi sila masyado nakakakita ng mga babae.”
“B-Bastos ka Jason!” sigaw ni Kuya Omar.
“O-Oo nga!” habol ni Kuya Rene. “Lagi kaya naming nakikita si Miss Mylene!”
“Miss Mylene? Yung babae sa karinderia?” tumawa si Bea. “Grabe, Jason, tama ka nga.”
Ito ba ang paghihiganti na nilalasap ko? Sa wakas, sinagot rin ng Panginoon ang mga panalangin ko! Maraming salamat Bea!
Pero, kung tutuusin, ang dalawang babae rin naman na kilala ko ay si Bea at Mylene lang din. Dapat ba talaga akong maging mapag-pasalamat…?
“Di bale na,” Humarap si Bea sa kanila, “Nandito ako dahil rinig ko mayroong kayong problema, at nandito ako para tumulong, hindi tanungin ng mga walang kwentang bagay. Comprende?”
Tumango ang lahat. Pati si Kuya Arthur, na doble yata ang laki kay Bea, ay mukhang natatakot.
“Mahusay,” bulong ko sa kaniya.
Ngumiti naman si Bea, “Kailangan mo talaga maging mapamilit, lalo na sa mga makukulit na kustomer.”
Pwede mong sigawan yung kustomer sa call center…?
Nagtungo kaming dalawa sa may lababo. Mukhang naalog naman ang mga iba sa kanilang gulat at bumalik na kaagad sa trabaho nila. Nakangiti lang naman ang nanay ni Kuya Rene habang nangyayari ang lahat ng ito.
Nilabas ko ang aking mga kasangkapan sa maliit na grocery bag na dala ko. Isang kilong bigas, dahon ng pandan, at konting mga herbs. Simple lang, pero itong mga kasangkapan na ito lang ang kailangan ko para gumawa ng mahika.
Tumingin ako sa mga binili ni Bea na mga gamit. Napatawa ako sa nakita ko.
“…Ano problema mo?” tingin saakin ni Bea, naiinis sa aking tawa.
“Wala, wala naman…pero yoghurt? Mantikilya?! Sa kanin?! Nako, Bea, lahat yata ng panahon mo sa call center naprito na yang utak mo.” Ngumiti lamang si Bea sa mga sinabi ko. “Manood ka lang.”
At mula doon ay nagsimula na kami.
Nagtakal ako ng mga tatlong tasa ng kanin mula sa aking bigas. Dahil magluluto din si Bea ng kanin, hindi ko na kailangan gumawa ng ganoon ka rami. Dinala ko ang aking caldero sa may lababo at sinimulan banlawan ang bigas. Pinaga ko lamang ito ng dahan dahan. Gusto ko lamang matanggal ang mga dumi sa bigas. Pag masyado kasi nilinis ang bigas, mawawala ang lasa at nutrisyon nito. Ang gusto kong marating na punto ay yung kung saan ang tubig ay kasing linaw na ng isang batis.
Sinilip ko muna ang ginagawa ni Bea habang nililinis ko ang kanin ko. Kinuha niya ang mantikilya at ipinahid ito sa may loob ng kaldero. Ganoon din ang yoghurt. Tsaka niya nilagay ang bigas sa may loob ng kaldero. Kasabay ng tubig ay naglagay siya ng asin at paminta.
Parang medyo alam ko na ang gustong gawin ni Bea.
Ang mantikilya at yoghurt ay paraan upang madaling matangal ang tutong sa may kaldero. Isa din siyang paraan para hindi masunog kaagad ang kanin. Ang asin at paminta ay siyempre kaunting pampalasa. Ang gusto sigurong abutin na lasa ni Bea ay isang halo sa matamis, may konting lasa ng mani, at malasa na tipo na kanin.
Isang marangal na subok, Bea, pero ikaw ay papalya pa rin. Dahil mali ang pagkakita mo sa kanin.
Ang kanin ay hindi ang bida ng pelikula. Hindi siya ang lead na actor sa entablado. Hindi umiikot ang mundo sa kaniya.
Hindi, ang kanin ay parang ang sidekick na tumutulong sa may bayani upang mag-tagumpay laban sa kasamaan. Siya ang lalaking nasa likod ng kamera para makita ng lahat ang ginagawa ng artista. Hindi umiikot ang mundo sa kaniya, ang mundo umiikot dahil sa kaniya.
Magiging matamis ang pag-bagsak mo, Bea.
Sa wakas malinis na rin ang tubig ng bigas na ginagawa ko. Pagkatapos ko tanggalin ang madumi na tubig at palitan ng bagong malinis at malamig na tubig, nilagay ang pandan, inilagay ko ang kaldero sa may kalan, at binuksan ang apoy sa pinakamalakas na lebel.
Ang maganda sa kanin ay hindi mo siya kailangan bantayan basta tama ang pagkagawa niya. Kaya, habang hinihintay na kumulo ang sinasaing, pinuntahan ko si Bea.
“Musta naman pagluluto mo? Pwede na ba itapon?”
“Kung meron mang kanin na itatapon sa ating dalawa, yun ay yung sayo!”
“Hindi pwede yun, dahil malalaman na ng mga anghel na ako ang kumuha ng recipe nila!”
“Ang anghel lang na pupunta sa yo ay ang anghel ng kadiliman.”
“Anak?” rinig ko tinanong ng nanay ni Kuya Rene sa kaniya, “Lagi ba talagang nagaaway yang dalawang yan?”
“Hayaan niyo na sila, ma,” sabi ni Kuya Rene ng di man lang tumitingala, “Pareho lang talaga silang baliw.”
Sa wakas ay kumulo rin ang aking kanin. Tinangal ko ang takip at tinignan ang laman. Ah, naayon sa plano! Napaka-puti ng kanin, parang gatas, o kaya nama’y ulap. Tinakpan ko ito ulit at binabaan ang lakas ng apoy.
Naka-salang na rin ang kaldero ni Bea, at matiyaga niya itong inoobserbahan. Isa nanamang malalang kahinaan ng tutong. Mahirap din siyang gawin. Pag-mali ang oras ng pagluto, masusunog ang buong kanin at masisira ang lahat ng bigas na sinaing mo. Kaya mas maganda kung ang tutong ay aksidente lamang, para bang sorpresa na makikita mo sa dulo ng kaldero. At tulad ng lahat ng aksidente, dapat ito ay kinakalimutan na lamang.
Dahan-dahang napuno ang kuwarto ng amoy ng kanin. Tila ba lahat ng tao sa loob ng kusina ay napatigil sa ginagawa nila, at nilanghap ito ng isang saglit. Ito, mga kaibigan ang amoy ng langit!
…Na may halong amoy ng sunog na kanin. Ano ba naman yan kasi, Bea.
Pinatay ko ang apoy at binuksan ang kaldero. Nakatambad ang nakaputi at puro na kanin, na perpektong perpekto ang pagkaluto. Meron din siyang mga butas butas sa gitna, ang senyales ng napakagandang kalidad ng pagluto ng kanin. Kumuha ako ng plato para paglalagyan ng kanin. Tinanggal ko ang dahon ng pandan, at dahan dahang binuhos ang kanin sa plato. Sa inaasaan, walang kadiri na tutong na namuo, puro lamang na kanin.
Pagkabuhos ko ng lahat ng kanin, kinuha ko ang mga herbs at inilagay ito sa ibabaw. Ito’y hindi lamang pampadagdag ng lasa kung hindi pati ng kulay.
Sa mga oras kung saan tapos na ako mag disenyo ng plato ko, natapos rin ang pagkaluto ni Bea. Kumuha siya ng isang plato, at dahan dang binuhos ang kanin sa may isang banda. Sa kabilang banda naman, nilagay niya ang mga tostadong parte ng kanin. Ang amoy ay sobrang sarap, para bang amoy ng latin America. Kailangan ko bigyan ng konting parangal si Bea, napakagaling ang pagkakagawa ng kanin niya.
Ng makita ng mga kasama naming ang nagawa naming mga obra maestra, sila ay napa-‘wow’ at pumalakpak. Lumapit si Kuya Nestor at tinignan ang kanin naming dalawa.
“Seryoso, Jason,” sabi ni Kuya Nestor, “Ayaw mo talaga mag-kulinarya?”
“Naku, magiging sobrang tuwa ni Nina pagnakita niya ito!” sabi naman ng nanay ni Kuya Rene.
“Ito ang magiging best party na mararanasan niya!” sabi ni Kuya Rene, “At hindi ito magiging possible kung wala kayo, guys!”
“Tigil na drama, Rene,” sabi ni Kuya Omar, “Tawagin mo na lang at makakain na tayo!”
Pinosisiyon naming ang mga ulam at kanin sa may salas. Tumaas naman si Kuya Rene at ang nanay ng dahan dahan, at nag-hintay kami sa dilim.
Sa may bintana, unti-unting pumapasok ang liwanag ng araw na ngayon pa lang bumabangon. Sa ere ang amoy ng samu’t saring aroma ng mga pagkain. Lahat kaming natira ay nagtago sa likod ng supa. Nag-gitgitan ang mga katawan namin, para magkasya kami.
Sa kanan ko ay si Kuya Arthur, na ang mga kalamnan sa braso ay para bang mga bato. Agad kong naalala ang sarili kong mga braso na para bang walis tingting.
“Huy, usog, hindi ako kasya,” bulong ni Bea. Umusog naman ako, at gumitgit si Bea saakin. Kabaligtaran ng braso ni Kuya Arthur ang braso ni Bea. Sobrang lambot nito at sobrang kinis.
Pero bago pa ako maka-iling, narinig naming ang dahan dahang pagbaba ng hagdanan ng tatlong pares ng mga paa.
“Ang aga masyado kuya…ano meron…” isang boses na di pamilyar ang narinig kong bumababa. Ito na ang birthday celebrant.
Pag-kababa niya ay binuksan niya ang ilaw. Ito na ang hudyat!
Pag-kabukas na pagka-bukas, tumalon kami mula sa likod ng supa. “Happy Birthday!”
Si Nina, na mukhang pito o walong taong gulang pa lamang ay nagulat sa amin. “Wah! Birthday ko na ba?!”
Tinignan niya ang relos para i-konpirma. “Oo nga, oo nga, birthday ko na talaga! Yehey!”
“Anak,” sabi ng nanay ni Kuya Rene, “Ito ang mga kaibigan ni Kuya Rene. Alam mo ba, sila ang naghanda ng lahat ng ito?”
“Wow!” sabi ni Nina. “Ang dami naman!”
“Alam mo ba? Nagising sila ng sobrang aga para lang maluto lahat ng yan para sa yo!”
“Maraming, maraming, maraming salamat! Kuya! Ate!”
Napangiti na lang kaming lahat at napatawa. Mukhang lahat ng pagpapagod naming ay nagkahalaga rin sa huli.
At mula doon ay nagsimula na ang kainan.
Nagpasahan pasahan ng mga plato, at pumila na ang lahat. Siyempre si Nina ay agn birthday girl, kaya siya ang pinaka-una.
“Nanay,” tanong ni Nina, mukhang nagtataka, “Bakit dalawa ang kanin natin?”
“Ah, si Kuya Jason at Ate Bea mo nagluto niyan. Rinig kasi nila na mahilig ka sa kanin, kaya nag-luto sila ng dalawang klase.”
“Wow! Oo nga, oo nga, sobrang hilig ko sa kanin!” Tumingin siya sa akin at ngumiti.
…Cute…
“So, Nina, anong gusto mong kunin na kanin? Itong malambot, luto yan ni Kuya Jason mo, at yung matutong naman ay yung kay Ate Bea.”
…!
Ito na ba ang panahon para sa desisyon? Tinignan ko si Bea, at mukhang parehas rin ang iniisip namin. Tumango kami, at hinintay ang sagot ni Nina.
“Hmm…” nag-isip ng malalim si Nina, “Gusto ko silang tikman pareho! Luto kasi ni Kuya Jason at Ate Bea ito para sa akin!”
Nakita kong ngumiti si Bea. “Ang bait mo namang bata…”
Dahan dahan ding umusog ang pila, at sa wakas na puno ko rin ang plato ko ng samu’t saring ulam. Spagheti, hotdog, at siyempre, ang bida ng gabi, ang luto kong kanin! Kahit na pagod na pagod na ako, di ko mapipigilang tikman itong luto ko! Ngayon, ang kailangan ko na lang gawin ay mag-hanap ng upuan…
“Psst…” may narinig akong tumawag saakin, pag-ka talikod ko, nakita kong sumesenyas saakin si Bea. Nakaupo siya sa may supa, katabi si Nina.
Pag-lapit ko naman ay pinakilala ako ni Bea. “Ah, Nina? Ito naman si Kuya Jason mo, siya yung nagluto nitong kanin na to, na mabasa basa at mukhang hilaw pa.”
Ah, Bea? Yan ang talagang itsura ng kanin. Ang delikado ay yung mukhang sunog, tila ba yung niluto mo?
“Hello, Kuya Jason! At hindi po yan hilaw Ate Bea, ganyan lang po talaga itsura niya.”
Tumingin ako kay Bea at bumelat. Kala mo ah.
Umupo ako sa tabi ni Nina at nilapag ang plato sa may la mesa. “Nasorpresa ka naman sa ginawa namin, Nina?”
“Opo! Nakalimutan ko nga po na birthday ko po ngayon eh!”
“Ilang taon ka na ba, Nina?”
“Six po!”
“Six? Grabe ang bata mo pa pala…” Ano nga ba ginagawa ko ng six ako?
Naalala ko tuloy ang itsura ni mama at papa, at di ko alam kung bakit, pero bigla ko nagustuhang umuwi...
“Natikman mo na baa ng mga luto namin?” naalis ako sa mga iniisip ko ng tinanong ni Bea si Nina.
“Hindi pa eh…”
Nagka-tinginan kami ni Bea. Ito na talaga ang pagtatapos. Kung ano man ang sagot, siya ang panalo ng gabing ito. Kaya sige na, Nina, ano ang mas masarap na kanin?!
“Kung sabagay, yun naman talaga ang sasabihin ng isang bata eh…” sabi ni Bea. Kailangan ko sumangayon sa kaniyang sinabi.
Nasa labas kaming pareho ni Bea, umiinom ng soft drinks, at pinakikinabangan ang malamig na simoy ng hangin ngayong umaga.
Kanina ay pinatikim naming kay Nina upang sino Manalo. Ang resulta ay…
“Grabe! Ang sarap nilang pareho, Kuya Jason, Ate Bea! Ito na siguro ang mga pinaka­-masarap na kanin na natikman ko! Ito na nga ata ang best birthday ever!”
“Alam mo naman Bea na sinabi lang ni Nina yun kanina para di ka mapahiya, diba?”
“Edi bakit niya dinura yung kanin mo nung hindi ka nakatingin?”
“Tumahimik ka na nga lang diyan.”
Tinignan ko ang araw habang umaangat sa malayo. At nung panahon na iyon, nakita ko nanaman ang dalampasigan sa may bayan namin…at paano ko pinapanood ang pag-angat ng araw kasama si—
“Hoy,” nawala nanaman ako sa iniisip ko, dahil kay Bea. “Yan nanaman yung mukha mo eh.”
“Wala na tayong mag-gagawa, pinanganak na guwapo, mananatiling gwapo.”
“Hindi yun, loko,” sinabi niya at siya’y umupo sa aking tabi.
“Ang lapit mo…”
“Paki ko?”
Putik naman, Bea, kahit na demonyita ka, babae ka pa rin! Alamin mo mga hangganan mo!
“So,” sabi ni Bea bago pa man ako makasalita, “Ano naalala mo?”
Paano…
“W-Wala akong inaalala.”
“Hmm? Ang mga sinungaling pumupunta sa impyerno. Kung sabagay, didiretso ka naman talaga doon eh, kaya wah mo na lang alahanin sinabi ko. Mag sinungaling ka lang ng magsinungaling.”
Nakasulat na talagang pupunta ako sa impyerno…?
“Pero,” sabi ko, “Paano mo nalaman may inaalala ako?”
“Gumagawa ka ng kadiring mukha eh. Parang pag tinitikman mo yung sarili mong kanin?”
“Hindi ako gumagawa ng mukha pag-kumakain ng kanin, dahil nag-hihiwalay ang aking espiritu at lumipad ito sa ere sa sobrang galak.”
“…Weirdo.”
“Bayaan mo na. Wala ka namang kinalaman sa inaalala ko eh.”
“Kung sabagay…”
Nanatili kaming naka-upo doon, tahimik lamang, habang inuubos an gaming mga soft drinks.
“Mauuna na ba tayo?” tanong ni Bea. Tumango ako at sabay kaming pumasok sa loob.
Nagpaalam kami sa mga Kuya at kay Nina. Ang huli akong nag-paalam ay sa nanay ni Kuya Rene.
“Mag-ingat kayo sa biyahe, ah?”
“Opo, wala pong problema.”
“Atsaka, iho?”
“Po?”
“Wag mo na siyang pakawalan ah?” sabi niya, sabay kindat.
…Anong ibig-sabihin non?
“Hoy, lika na, gusto mo ba ma-iwanan?” rinig kong sigaw ni Bea mula sa pintuan.
“Teka, saglit lang,” sagot ko. Nagpasalamat ako muli sa nanay nila Kuya Rene, at tumakbo papunta sa may kusina. Kinuha ko ang natitirang bigas at ang mga iba kong pamilihin mula sa lababo, at tumungo na sa may pintuan para samahan si Bea.
Sabay kaming nag-lakad, walang sinasabi. Sobrang antok ko na rin, kaya di ko alam kung may masasagot pa ba ako pag-nag usap kami.
“Ah,” humarap ako kay Bea ng makita ko ang pamilyar na berdeng sign post. “Hanggang dito na lang ako.”
“Diyan ka ba nakatira?”
“Hindi, hindi, may bibistahin pa ako bago ako umuwi. Kaya mo na ba mag-isa?”
Tumango si Bea, kaya tumalikod na ako at kumaway.
“Sige…kita na lang tayo bukas.”
“Teka…”
Pinigilan ako ni Bea bago pa ako makalayo. Humarap ako muli sa kaniya. “Bakit? May problema ba?”
Ng una ay wala siyang sinasabi, at nakatingin lamang sa lupa, habang niyayakap ang sarili. Sa wakas ay huminga siya ng malalim. Tinaas niya ang ulo niya at tinignan ako diretso sa mga mata.
“Pag meron mang umaabala diyan sa isip mo, wag mong kalimutan na may mga kaibigan ka na nakapaligid sayo. Tandaan mo yan.”
“Ha? Pinagsasabi mo diyan?”
Wala muling sinabi si Bea. Pero, makalipas ng ilang saglit, sumagot na naman siya. “Wala naman. Baka sakali lang.”
“…Ok? Weirdo…”
At muli akong tumingin pa layo sa kaniya.
Ano meron doon sa babaeng iyon…?
<<<-Previous Chapter Next Chapter->>>
submitted by hiraryakun to Kwaderno [link] [comments]


http://rodzice.org/