Parang sabil

"The Fighting 21" - From a Facebook Post of Col. Harold Cabunoc (PA)

2023.06.27 17:41 scandinavianhunger "The Fighting 21" - From a Facebook Post of Col. Harold Cabunoc (PA)

BAYANING MGA MORO
Alam ko na bihira kayong nakakabasa ng istorya tungkol sa bayaning Moro.
Dalhin ko kayo sa kasaysayan tungkol sa pakikidigma ng mga Jolohano laban sa mga Hapon.
Kagaya ng mga 'Parang Sabil' (mujahideen) sa panahon ng mga Espanyol (Moro Revolts against Spain 1578-1898) at sa mga Amerikano (Moro Wars 1904-1913), mapapa-sanaol ka sa kanilang katapangan.
Noong Disyembre 1941, nagapi ng Hapon ang mga Amerikano sa Sulu at di maisalarawan ang pahirap ng Hapon sa mga tao lalo na sa mga Chinese-Tausugs na sumuporta sa mainland Chinese sa labanan kontra Japanese invaders sa Manchuria at Nanking (Sino-Japanese War 1937-1945).
Dahil dito, binuo ng Tausug brothers na sina Lt Abdulrahim Imao, Lt Abdulmuim Imao, at Lt Abdulhali Imao ang "Fighting 21" at inatake ang Japanese garrison sa Jolo noong December 1942. Kandarapa at duguan ang mga Hapon sa labanang ito. Doon nila nalaman ang katapangan ng mga Tausug!
Sa taong 1943, naging parte sila sa binuong Sulu Guerilla Force na pinamunuan ni Lt Col Alejandro Suarez, isang PC officer. Di kalaunan ay ginawa itong Sulu Area Command ayon sa utos ni Gen. Douglas Mac Arthur. Mula sa kampo nila sa Bato-Bato, Tawi-tawi, inaatake nila ang mga Hapon sa Sulu at karatig na mga isla. Sa isang madugong labanan ay napatay nila si General Suzuki ng Imperial Japanese Army.
Sa dami ng casualties ng Japan sa kamay ng mga Moro warriors ng SAC, lupaypay na sila at di na kayang labanan ang American Forces na dumating noong March 1945 na nasa larawan.
Kasama sa mga mandirigma ng Sulu Area Command sa WWII ay sina MAJ Luis Frayna, CPT Kalingalang Caluang, 1LT Ismael Kiram, 1LT Abdulhamid Lukman, 2LT Adjidin Bahjin, 3LT Romulo Espaldon, at kanyang kapatid na si. 3LT Ernesto Espaldon.
(Iilang British at Australian military officers na umeskapo mula sa Borneo ay sumanib din sa guerilla force na ito.)
submitted by scandinavianhunger to FilipinoHistory [link] [comments]


http://swiebodzin.info