Mga epiko ng pilipinas: biag ni lam-ang

Pls tell me na pwede tayong maging successful

2024.05.19 22:23 Extension_Pitch7166 Pls tell me na pwede tayong maging successful

I've been feeling so negative lately. Andami ko na iniisip at naiinis pa ko sa family ko to the point na gusto ko na bumukod. Right now I'm imagining a lot of scenarios in my head and nakakabaliw pala. I've been feeling depressed lately at di na ko nakakausap ng family ko ng maayos and I don't want them talking to me kaya lagi akong pabalang sumagot sa kahit kanino. Wala ako pinapansin dahil galit talaga ko.
I actually feel bad. Pero wala naaawa na ko sa sarili ko. Like taga nuod lang sila ng pagod ko while pinapaboran lang nila yung hindi nag eeffort. Fuck.
Kaya gusto ko na mapag-isa at maging mag-isa kasi ganun din naman. Kasama ko sila o hindi, parehas lang yun. Hindi na din ako nagpapakita sa relatives or kahit kanino dahil wala talaga kong energy. Lumalabas na din kamalditahan ko sa immediate family kasi triggered talaga ko at madaming resentment sa kanila.
I don't have friends sa current residence kaya wala talaga ko makausap din. My childhood friends is nasa childhood home ko at college friends are in Manila. So u know, in my 4 yrs of working from home, sa family lang sana ko makakapag rely ng emotional support pero wala. Mentally draining din job ko pero ni isa walang nagsabi saking magpahinga, my 1st job I was working till fucking 3 am, I gained weight, napabayaan ko sarili ko, lagi akong kulang sa tulog but no one even said to me na magpahinga or hanap na lang ng ibang work. No one cared as long as I am earning. Sobrang generous ko pa that time na lagi ako nagrogrocery sa fam tas nagbbgay pa ng pera then minsan may gana pa sila magpautang or bumili ng bagay para sa ibang tao habang ako nagkakandakuba kuba kakatrabaho sa trabahong hindi ko din naman pangarap. Alam kong pinangarap kong hindi mahirapan mga kapatid ko pero nakakainis pala na nagpapakasaya lang sila pero di man lang nila maisip na tulungan ka in a way kasi sa edad nila nagstart na ko magwork. At madami pang iba.
Actually mabigat puso ko lately dahil nabuhay nanaman yung hatred ko. Gusto ko na mapag-isa. Pero pls tell me kaya ba natin umunlad mag-isa? Kaya ba natin maging successful habang lumalaban mag-isa? Siguro pag humupa na galit ko tutulong pa din ako sa kanila pero yung fixed na lang. Pero with this hatred in my heart alam ko nakaapekto talaga to sa social life ko. I couldn't make myself trust anyone and I always deny myself na magrely sa ibang tao. Hindi ko na din alam pano ko aayusin buhay ko kasi sa totoo lang dko na naiintindihan sarili ko. Alam ko lang never na ko nagpost sa fb at nagreact sa kahit anong post from anyone , I never chatted anyone for yrs. So sobrang wala nako social life parang cinut off ko lahat. I rejected a lot of invites kasi ayoko magpakita or makipag usap kahit kanino.
submitted by Extension_Pitch7166 to PanganaySupportGroup [link] [comments]


2024.05.19 20:59 ZoneActive3429 Bill ng kuryente

Pa-vent out lang. Grabe naman yung bill ng kuryente this month. Kahit same usage as last month and the previous months, ang laki ng dinagdag. Nakaka-stress yung mga bayaring bills and mahal ng mga bilihin. Tapos, magkano lang ang pasahod dito sa Pilipinas? Paano nalang yung mga minimum wage earner na may pamilya? Ako ngang medyo above minimum, umaaray na sa gastusin eh. What more sila? Kailan kaya tayo uunlad? Haaayyy buhay
submitted by ZoneActive3429 to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.19 20:49 OneFun5685 ABYG kasi iniwan at tiniis ko yung nag ampon sa akin?

Hi. First time ko dito, wala lang talaga akong mapaglabasan ng sama ng loob, im F(25) callcenter agent. Isa akong ampon, inampon ako ng mag partner na lesbian, 3yrs old ako nung namatay yung isa sa mga nanay ko, sya din yung nakapangalan sa birthcert ko. Natira yung isa ko pang "nanay" na nakasama ko habang lumalaki ako, actually kilala ko rin mga magulang ko eh. Di ko parin talaga alam kung ano yung totoo bat nila naisip na ipamigay ako, basta ang kwento lang sakin e after manganak ng nanay ko sa bahay ng umapon sakin umalis nalang syang psrsng walang nangyare. So fast forward nung 5yrs old ako, may nakilala yung nanay ko na lalaki, pinapasok nya sa buhay namin, kinalaunan namolestya ako, nag try ako mag sumbong mga 9yrs old na ata ako nun, pero di ako pinaniwalaan. Ang sabi nya pa sakin "malandi ka kasi!" Para sa siyam na taong gulang na bata hindi ko alam bakit nasabi nya yun, ano bang alam ko? Sobrang sakit. Hanggang sa nag tuloy tuloy, hinayaan ko nalang para bang naging parte na sya ng buhay ko. Tapos nung graduation ko ng grade 6, pinasok nya akong katulong, all around, laba, linis, bantay sa matanda sa totoo lang di ko nga alam pano ko nasurvive yun hanggang 2nd yr hs haha. Minsan sinasama nya kong maglako ng paninda sa mga construction site at ayos lang sa kanyang bastusin ako, customer is always right daw eh. Alam ko namang mahirap ang buhay at mahirap mag palaki ng bata ng mag isa, pero putangina ang sakit kasi, ninakawan nila ko ng kabataan. Paulit ulit narin yung chismis sa brgy namin noon na pokpok ako, malandi, mabubuntis ng maaga dahil hinahayaan nya kong gaguhin ng lalaki nya!. May long time bf ako noon na ayaw nila, kasi ang sabi nya para daw akong namamangka sa dalawang ilog kung pagsasabayin ko yung bf ko at yung lalaki nya. Di ko talaga maintindihan yung logic nya tangina. Wala akong magawa noon kasi sabi ko hindi ko pa kaya.
Dumaan yung mga taon pinilit kong makatungtong ng kolehiyo, di ako nakapag tapos pero sapat na yun para mapunta ako kung nasaan man ako ngayon, lumayas ako iniwan ko sya, iniwan narin sya ng lalaki nya. Sumama ako sa bf ko at nakipag live in. Sa wakas naranasan kong sumaya, maging malaya. Makain mga gusto kong pagkain, pumunta sa mga lugar na noon pinapangarap ko lang puntahan. Maswerte ako kasi mabuting tao yung sinamahan ko, mabuti rin ang pamilya nya.
Pero parang ayaw ako tantanan ng nakaraan ko, matanda na yung nanay kong umampon sakin, senior na. Nag papadala naman ako pag kaya ko pero minsan tinitiis ko kasi nalalaman kong sinasabi nya pala sa iba na pabaya ako at ni minsan di ako nag bigay, kaya tinotoo ko na yung kwento nya. Ang sabi nya pa sakin nung huling tumawag ako e wala akong utang na loob, pinalaki nya daw ako para mabayaran ko sya sa lahat. Ang sabi ko kung tutuusin quits na kami sa lahat ng pinagdaanan ko sa kanya, sa kanila. Ngayon pati mga kamag anak nya inaaway at sinumbatan narin ako, kaya sabi ko kung kaya nya palang mag sumbong sa kanila at gumawa ng kung ano anong kwento bat di nya ring subukan manghingi ng tulong tutal ang lakas naman ng loob nilang pag salitaan ako ng kung ano ano.
Til now kinukulit parin nila ako, kesyo pambayad daw ng bills nya sa bahay, mga gamot, pag kain etc. Kaya ko naman mag provide kung tutuusin pero ewan ko ba pag dating sa kanya ang bigat ng loob ko mag labas ng pera. Siguro dahil sa trauma. Minsan di ko nalang alam kung matatawa ako sa mga kamag anak nya e kasi ang lakas nilang ganunin ako e sila nga di naman natulong. Kadugo pa nila yun mismo.
ABYG? Di ko alam bakit ko sya natitiis ng ganito, pakiramdam ko wala na akong awa sa kanya, puro sakit nalang. Pero tuwing naaalala ko sya umiiyak parin ako, iniiyakan ko lahat. Nasasaktan ako pag naiisip kong mag isa sya, pero hindi ko rin kaya na magkasama kami, sobrang sakit nyang kasama to the point na gusto ko nalang mamatay kesa makasama sya. Di ko na alam nararamdaman ko, ano ba to? Ano na ba ako? Tulungan nyo naman ako.
submitted by OneFun5685 to AkoBaYungGago [link] [comments]


2024.05.19 20:39 Extension_Pitch7166 Pa advise po - US accountant sa International firm (offshore)

Hi! Is 55k pesos with gov mandated benefits and hmo a reasonable pay for someone with 4 yrs relevant work experience sa US Acctg firm? I know naghihire sila dito para makatipid pero ang rate sa US is like minimum 200k per month same role. I was hoping around 70k minimum sa PH, tbh I think 100k dapat ang rate pag experienced na tapos acctg firm international or mali ba ko?
Actually I worked before sa BPO company and client ni BPO itong firm. I resigned and then nabalitaan ko na nag PH based na din sila so they are hiring na din dito sa PH. The workload is ok naman dati and sabi nila same pa din naman. Actually mabilis ako dito magwork , one reason I resigned is dinadagdagan load ko dahil mabilis ako which is nakakainis hahaha. Pero iba na mgr now. I signed the offer letter but nagdadalawang isip na'ko kasi nabababaan ako sa 55k :( . I already signed the letter, but I'm planning na mag-apply na lang sa iba and I might burn bridges and madisappoint yung kawork ko dati but I think it is really low. I wasn't able to negotiate na kasi slightly higher na yan sa nashare sakin ng TLs na salary ceiling.
I'm targetting to have 6 digits income na kasi kahit mag part time pa ko. But in the long run baka pagsisihan ko pag di ako nagtry sa iba for the full time job. So, I'm asking here some insights sa mga may experience na din?
Pro: If matuloy ako dito, mejo ok naman workload pero constant ang deadline. Alam na alam ko na process bec 2 yrs din ako nagwork dito dati before I resigned. For promotion na din sana ko kaso dko natiis yung baba ng sahod kasi bpo company nagpapasahod samin dati. May 12k increase na to sa current sahod ko sa isa pang offshore company , I resigned na din here and nagrerender na ko. I like most of my coworkers.
Baka mas magaanan ako na isabay to pag nag part-time ako sa iba.
Cons Super basic ng benefits, maliit pto days, naliliitan ako sa offer. Walang growth kasi same position as before but kinda hoping sa promotion pero dko talaga sure.
Also iniisip ko din if maghanap na lang kaya ko ng iba pang opportunity saka ako magdecide? Ang napapaisip ako is baka mahirapan ako ulit sa adjustement kasi nga new job nanaman tapos hahanap pa ko part time pero ba it might be worth it? Ewan minsan baka alam ko sagot pero indenial lang ako huhu
I still have 1.5 months kasi I can't start pa naman agad due to their contract with the bpo company I worked for before.
submitted by Extension_Pitch7166 to buhaydigital [link] [comments]


2024.05.19 20:38 NotHisGreatestLove I'm not his greatest love.

I am with my husband for a couple years now. Okay naman kame, but sometimes nabobother ako kasi alam kong hindi ako ang greatest love ng husband ko. They've been together for 7yrs. Di sinasadyang nakita ko yung convo ng bf ko at bestfriend ni exgf nung bago pa lang kame. He was supposed to propose to her that year na nagbreak sila. He was asking the friend for help na magkaayos sila. He was saying na hindi naman totoo yung pagfiflirt nya sa ibang mga babae and he was just doing it to get a reaction from her. After that, para akong baliw na chineck yung messages nya. I found out that he tried to get back to her 2months before we became official. He sent flowers to her work, a cake for her birthday, and even a letter just because she blocked him everywhere. I don't know how to feel back then. Pero pinili kong manahimik, mahal ko na eh, ako naman na ang present nya eh. Pinopost ako sa socmed, lagi kameng nagdedate, lagi syang nagbibigay ng flowers, eventually I felt more secured in our relationship and we got married. But sometimes, he would look at lilies and smile, I never got one, it's always roses for me. He still has some shirts from 10yrs. ago, I don't know if these have something to do with her but napalitan na lahat ng nasa wardrobe nya but those shirts are still there. Sometimes when we buy deserts he will look intently at the creme brûlée or matcha flavored anything, or dark chocolate anything but in the end choose something else. Sometimes, while looking for books in a bookstore at mapapadaan sa stationaries section titigil sya sa notebooks and pens, but we don't journal. Hindi ata nya napapansin, at hindi ko din pinopoint out. Ramdam ko namang mahal nya ako, but I know if he is in a room filled with all the girls who had connection with him, I think he'll run to her.
submitted by NotHisGreatestLove to u/NotHisGreatestLove [link] [comments]


2024.05.19 20:32 Wide-Poetry3239 I just had a kdrama moment with one of my ex-crushes. Aasa na ba ko uli or delulu lang?

So netong Friday lang, me (F) and my friends were supposed to go out na museum date ganun. There were originally 6 of us na pupunta, but last minute nag cancel yung apat so isa nalang natira. And itong isang to, he was an ex-crush of mine back when we were in SHS. Aware naman siyang naging ex-crush ko siya HAHAHAHAAH kasi I confessed to him around 2020 pero dahil friends naman kami even before ako nagkacrush sakanya, it became awkward man for a short while pero di siya naka-bother kumbaga sa friendship namin.
Anyway, balik sa gala, so kaming dalawa lang yung natuloy, and first after four years to na kumbaga, kaming dalawa lang uli gumala together, pero instead na museum pinuntahan namin, nag BGC nalang kami kasi nag aya siya na photoshoot nalang daw HAHAHAHA
Edi ayun, while we were there, it was really fun, and he's the type of guy kasi na ang hilig makipag deep talks, and since we walked around a lot, nakapag catch up kami with a lot of things. Then around 9:30 pm, nag aya siya na sponty inom daw. Mag bar daw kami ganun, eh napaka kaladkarin ko kasing tao kaya edi go HAAHAHAHAH
So ayun, while we were there at dahil marami siyang pera, naghati kami sa iisang bote ng Cuervo para masulit HAHAHAHAHA and we're celebrating lang din talaga since parehas mga thesis defended yarn. Pero all throughout the evening, medyo iba na rin makatingin ang bwiset, na di ko malaman kung ano bang nais. like em having some intrusive thoughts na that time na mag make ng move pero kasi HAHAHAHAH BAKA AFTER NAMAN NG GABING YUN, DI NANAMAN KAMI MAG USAP ULI. pero I have some self control naman kaya chill lang.
Then mga bandang 1 am ganon, since siya yung mas extroverted saming dalawa, he started befriending yung mga katabi namin. Then one of the girls dun sa kabilang table said "we actually want to ask for your consent earlier kung pwede namin kayo i-vid kasi you look so sweet together. Gaano katagal na kayo?". At that point medyo nagkatinginan kami and nagpapatagalan kami na ewan sumagot HAHAHAHAAH so sinabi ko nalang na "ay di po, we're good friends lang". Tapos tong other girls pa sa table na yun nagdagdag pa ng "sayang, ang cute niyo pa naman" pero siyempre, forda segway nalang ako ng ibang topic kasi ang tagal tagal niyang sagutin. Pero ayun, may mga kasama rin kasing mga guys yung nasa kabilang table na yun, and one of them were trying to make a move na ganun. Eh medyo hilo na ko that time but still conscious naman HAAHAHAH he held my hand that time na talagang pang-jowa holding hands, na medyo kinainisan ko, sabi ko sakanya "kaya walang lumalapit eh, bakod na bakod ka masyado", sinagot niya nalang ako na "iba na rin kasi hilo mo, I'm just looking out for you lang din."
So fast forward, lumabas kami ng bar kasi nahilo na ng tuluyan ang ate niyo HAHAHAHA tapos habang yakap yakap niya ko dun kasi nagpapa-sober up nalang talaga ako dun, after an hour siya naman tong nahilo hilo't nagsuka HAHAHAHAHAH NAKAKAINIS. Eh parehas pa kaming may mga klase sa morning that time kaya with all my power (and with the help ng mga iba dun sa bar, thank God), nag-grab nalang kami pabalik ng dorm ko kasi di niya na rin keri umuwi.
To add to that, habang nasa biyahe kami, ibang level of lamig yung car tapos parehas pa naman kaming hilo hilo na talaga sa likod, tapos tanungan pa ni kuyang driver, "lasing na lasing po asawa niyo ma'am ha", at that point, nananakit na nga ulo ko kaya sabi ko kay kuya "ay di po kuya, kaibigan lang po. grabe kayo, di pa nga po nakakagraduate, pinag asawa niyo na hahaha" tapos dumaldal pa si kuya na sa ganto raw kasi sila nagsimula ng asawa niya pero di ko na rin napakinggan ng matino kasi di na maprocess ng utak ko yung hilo HHHAHAHAHAH
So pagkarating ng dorm, akbay akbay ko siya kasi mas hilo na talaga siya sakin at that point, and nung nakarating dorm, edi I laid him down sa sofa, eh nagkatinginan na ang landi pa rin ng bwisit para i-push back yung hair ko like KSKSKSSKSKSKSK tapos sabi pa ng bwisit "cuddle tayooo", sabi ko nalang sakanya "ayoko, amoy suka ka, sira". Mga after nun, I just went ahead na palitan damit niya (pang-itaas lang aba), then gave him some meds para mawala hilo niya. And nung I'm all setup for bed na, nanghihingi siya hugs kasi sama raw pakiramdam niya, edi sige, mga 30 mins kaming magkayakapan dun na naabutan pa kami ng roommate ko HAHAHAHAH pero after that, may another sofa pa kasi samin, so dun nalang ako nahiga para kahit papano may kasama siya.
Morning came, tapos medyo sober na kami and buti nalang parehas kami nakareceive notif sa mga class gc namin na malelate daw mga prof namin HHHAAHAHA pero ayun, he said lang na uwi na raw siya, and medyo nagsosorry siya kasi alam niyang ibang level of wasted version of him ang nakita ko HAHAHAHAH edi ayun, he booked for a grab para uwi raw muna siya sakanila then saka siya pupunta school. Nung pagkababa namin ng condo, he hugged me bago umalis and said, "next time uli?" with a smirk, and I just nodded.
So ayun, it was a really nice evening kasi akala ko di na kami makakauwi HAHAHAHAHA DEFINITELY A CORE MEMORY, pero ewan ko ba kung mixed signals or delulu lang talaga ako sa pinaggagagawa netong friend ko, eh medj marupok pa naman ng slight ang ate niyo HAHAHAHAH anyway, just wanted to share this for fun lang din
submitted by Wide-Poetry3239 to CasualPH [link] [comments]


2024.05.19 20:31 mylifedamn ABYG? kung nasasaktan ako ngayon.

Di ko alam bat ako nasasaktan at nalulungkot sa situationship na to. nakilala ko sya sa litmatch, nag match kami. Naging okay kami Jan 2024 till now May 2024. Hnd naging smooth yung situationship namin. Kasi nung feb nag kaaminan kami ng mga kanya kanya namin sikreto since online nga lang kami nag kakilala. May GF sya na in real life then ako nag panggap ako dun sa Litmatch as ibang face ng babae. Inshort poser ako that time. Pero tinanggap nya ako at tinanggap ko sya. Naging okay kami after non. Naging mag M.U o situationship kasi pero di nag tagal kasi alam ko may gf sya. Pero lagi dami nya problema sa GF nya na kinukwento nya sa akin. Na dati na nag cheat gf nya at lagi sya minamanipula ng gf nya tuwing may kasalanan gf nya sakanya, btw LDR sila. At lagi sya inuutangan ng GF niya kahit may work naman yung babae. Then eto lang march nahuli nya one time yung gf nya na gumagamit ng dating apps din at nakikipag sendan ng NUDES sa mga afam at nakikipag vc para sa small amount and totoo yon kasi may proof talaga sya. Dahil nasakanya yung email na ginagamit ng gf nya for that apps. Then nag away sila ng gf nya. As in away tas yung babae nakikipag break na tas pumayang na tong ka situationship ko sa break up. Alam nyo yun grabe yung iyak nya grabe yung sakit na nararamdaman nya kasi halos 1 year na sya niloloko ng gf nya. Taena ako yung nasasaktan kasi nasasaktan sya. Tipong mahal ko sya pero di ko sya inaaagaw kasi alam ko na mahal nya gf nya. Kaya lagi ko sinasabi sakanya noon na ilaban nya hanggat kaya nya kasi sayang. Pero ngayon na nag hiwalay sila ng gf nya. Kita at ramdam ko yung sakit na nararamdaman nya. Tapos hnd pa nya masisingil yung utang ng gf nya sakanya. Ngayon etong si lalake ang baon na baon sa utang dahil sa mga kagagawan ng GF nya dahil lagi nya pinapautang at nakapag loan pa dahil sakanya. Then now sabi saken ni guy na aayusin daw muna nya mga problema nya kasi baon na baon na tlaga sya sa utang at need nya ng time. So ending na ako taga pakinig nya maiiwan din nya. Which is ang sakit kasi alam kong di sya okay at wlaa man lang ako magawa. Idk pero ang sakit pala kasi minamahal ko na kahit di pa akin eh. Naramdaman ko rin naman na minahal nya ko. Pero taena tlagang broke sya eh financial at puso nya wasak.
ABYG Kasi nasasaktan rin ako at kahit gusto ko umiyak wala akong maiiyak kasi di ko na alam kung paano ko sya makkalimutan kahit sinabi nya na babalik sya once na okay na sya at ok na mga problema nya.
Di ko alam pero ang sakit sakit pala.
submitted by mylifedamn to AkoBaYungGago [link] [comments]


2024.05.19 20:25 godzileuton What is your “useless talent” as a doctor that you’re proud of?

I’ll start. When I was an intern, ang mga patients namin sa hospitals are all called by their bed or room number. All of my co-interns and residents call them just by numbers, and everyone had to check the census who’s who.
One time, habang naglalakad kami ng duty partner ko for that day, may nakasalubong kaming patient relative and nagtanong “Doc, alam niyo po ba saan room ni Juan Dela Cruz?” And I answered instantly “Opo, sa 205 po, sa 2nd floor”. A few moments later, a resident approached us. “Doc, pacheck naman si 310”. And without checking the census I answered, “ah nalipat na po siya sa coronary care unit, doc”.
Nagulat yung kaduty ko bakit nasasagot ko daw agad yung mga questions without looking at the census. For context, our patients sa IM and Surgery umaabot ng 80-100. Memorize ko daw ba sino yung mga patients sa bed/room numbers. And I replied “medyo. Mga 80% haha” and explained that I didn’t like the feeling of regarding our patients by mere numbers only so I always try to memorize their names and their corresponding bed/room number.
Just wanted to share that kase sa hospital na yun parang ako lang gumagawa nun hahaha 😂
submitted by godzileuton to pinoymed [link] [comments]


2024.05.19 20:18 OneFun5685 Ang sama sama ko!

Hi. First time ko dito, wala lang talaga akong mapaglabasan ng sama ng loob, im F(25) callcenter agent. Isa akong ampon, inampon ako ng mag partner na lesbian, 3yrs old ako nung namatay yung isa sa mga nanay ko, sya din yung nakapangalan sa birthcert ko. Natira yung isa ko pang "nanay" na nakasama ko habang lumalaki ako, actually kilala ko rin mga magulang ko eh. Di ko parin talaga alam kung ano yung totoo bat nila naisip na ipamigay ako, basta ang kwento lang sakin e after manganak ng nanay ko sa bahay ng umapon sakin umalis nalang syang psrsng walang nangyare. So fast forward nung 5yrs old ako, may nakilala yung nanay ko na lalaki, pinapasok nya sa buhay namin, kinalaunan namolestya ako, nag try ako mag sumbong mga 9yrs old na ata ako nun, pero di ako pinaniwalaan. Ang sabi nya pa sakin "malandi ka kasi!" Para sa siyam na taong gulang na bata hindi ko alam bakit nasabi nya yun, ano bang alam ko? Sobrang sakit. Hanggang sa nag tuloy tuloy, hinayaan ko nalang para bang naging parte na sya ng buhay ko. Tapos nung graduation ko ng grade 6, pinasok nya akong katulong, all around, laba, linis, bantay sa matanda sa totoo lang di ko nga alam pano ko nasurvive yun hanggang 2nd yr hs haha. Minsan sinasama nya kong maglako ng paninda sa mga construction site at ayos lang sa kanyang bastusin ako, customer is always right daw eh. Alam ko namang mahirap ang buhay at mahirap mag palaki ng bata ng mag isa, pero putangina ang sakit kasi, ninakawan nila ko ng kabataan. Paulit ulit narin yung chismis sa brgy namin noon na pokpok ako, malandi, mabubuntis ng maaga dahil hinahayaan nya kong gaguhin ng lalaki nya!. May long time bf ako noon na ayaw nila, kasi ang sabi nya para daw akong namamangka sa dalawang ilog kung pagsasabayin ko yung bf ko at yung lalaki nya. Di ko talaga maintindihan yung logic nya tangina. Wala akong magawa noon kasi sabi ko hindi ko pa kaya.
Dumaan yung mga taon pinilit kong makatungtong ng kolehiyo, di ako nakapag tapos pero sapat na yun para mapunta ako kung nasaan man ako ngayon, lumayas ako iniwan ko sya, iniwan narin sya ng lalaki nya. Sumama ako sa bf ko at nakipag live in. Sa wakas naranasan kong sumaya, maging malaya. Makain mga gusto kong pagkain, pumunta sa mga lugar na noon pinapangarap ko lang puntahan. Maswerte ako kasi mabuting tao yung sinamahan ko, mabuti rin ang pamilya nya.
Pero parang ayaw ako tantanan ng nakaraan ko, matanda na yung nanay kong umampon sakin, senior na. Nag papadala naman ako pag kaya ko pero minsan tinitiis ko kasi nalalaman kong sinasabi nya pala sa iba na pabaya ako at ni minsan di ako nag bigay, kaya tinotoo ko na yung kwento nya. Ang sabi nya pa sakin nung huling tumawag ako e wala akong utang na loob, pinalaki nya daw ako para mabayaran ko sya sa lahat. Ang sabi ko kung tutuusin quits na kami sa lahat ng pinagdaanan ko sa kanya, sa kanila. Ngayon pati mga kamag anak nya inaaway at sinumbatan narin ako, kaya sabi ko kung kaya nya palang mag sumbong sa kanila at gumawa ng kung ano anong kwento bat di nya ring subukan manghingi ng tulong tutal ang lakas naman ng loob nilang pag salitaan ako ng kung ano ano.
Til now kinukulit parin nila ako, kesyo pambayad daw ng bills nya sa bahay, mga gamot, pag kain etc. Kaya ko naman mag provide kung tutuusin pero ewan ko ba pag dating sa kanya ang bigat ng loob ko mag labas ng pera. Siguro dahil sa trauma. Minsan di ko nalang alam kung matatawa ako sa mga kamag anak nya e kasi ang lakas nilang ganunin ako e sila nga di naman natulong. Kadugo pa nila yun mismo.
Di ko alam bakit ko sya natitiis ng ganito, pakiramdam ko wala na akong awa sa kanya, puro sakit nalang. Pero tuwing naaalala ko sya umiiyak parin ako, iniiyakan ko lahat. Nasasaktan ako pag naiisip kong mag isa sya, pero hindi ko rin kaya na magkasama kami, sobrang sakit nyang kasama to the point na gusto ko nalang mamatay kesa makasama sya. Di ko na alam nararamdaman ko, ano ba to? Ano na ba ako? Tulungan nyo naman ako.
submitted by OneFun5685 to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.19 19:56 silvallann Fubu (me) problem

Hello! Just a quick rant. So there’s this college fubu of mine that i met on grindr that i think is giving way too much mixed signals (in a romantic sense). We became fubus and made some arrangements just recently. So, to continue, yeah we flirt and shts pero we already had some prior arrangements na ‘yong flirts namin is for fun lang talaga. So here’s the deal kung paano ko nasabing he’s giving way too much signals. 1st is nagpaparinig na siya sa ig notes and twt (confirmed na for me ang parinig). 2nd, is he’s updating me on a daily basis (delulu ako sa part na to). 3rd, naattached na siya sa mga friends ko. 4th, he’s saying na he misses my presence raw (like in an oa way). And for those reasons, nag-aassume na ko kasi ang oa magbigay ng mixed signals ni fubu.
Anw, bago kami maging fubu talaga ay we became friends after our first encounter — hanging out and shts. So ayon na nga, tbh, i have this side na nararamdaman kong na fafall in-love ako sa kanya. Kasi he got the looks, good attitude and behavior, and he’s sweet. Pero there’s this side of me na content na on the thing that we have rn. And i don’t wanna lose it. To add on, i know na he’s on his playing phase na he’s g kahit kanino even if it’s not me (idk na lang if he’s entertaining pa ngayon now that we had an arrangement na, di ko na tinanong eh). Kaya ayon, i got no plans to be in a serious relationship w/ him kasi may doubts pa ako.
So ayon, this girlie is confused sa nararamdaman niya sa kaniyang fubu. Anw, one thing is for sure, this is gonna end up badly with myself getting hurt.
Anw, i feel like ur here. Kaya if nababasa mo man to, edi at least u know what i feel hahidnsk
Tldr: This guy is getting stressed because of (assumed) mixed signal from his fubu.
submitted by silvallann to phlgbt [link] [comments]


2024.05.19 19:44 Fit_Review8291 ABYG kung tinanggihan ko ang ate ko na abonohan muna ang pambayad ng wifi sa bahay NILA?

I (30M) and my sister (32F) got into a heated argument last time kasi ako ang sinisingil nya sa nahiram na pera ng nanay namin. So nagalit ako. Unang una, may mga nahiram din syang pera kina mama pero ni piso wala syang binayad. Ngayon, sya pa ang may gana na maningil kina mama. Masyadong mabait kasi mga magulang ko sa kanya. Kaya nag-asawa’t nagkaanak na’t lahat lahat, todo pa rin kung iasa nya mga responsibilidad nya sa mga magulang namin. Halos atakihin na ang nanay amin sa kakaiyak at sa sama ng loob. Kaya ang ginawa ko, binayaran ko na lang ang “utang” ng nanay namin at sinumbatan ko sya ng “Parang hindi mo mga magulang ang ginaganyan mo!” At sinabi ko na rin na wala na silang aasahan sa akin magmula sa araw na ‘yun.
Andami ko ring nabigay sa kanila pag may naitatabi naman akong pera. Nung nanganak nga sya, binigyan ko na lang sya ng 20K kasi wala daw silang perang mag-asawa. Hindi ko sinumbat yun sa kanya. Pati yung mga gamit ng mga anak nila sa pag-aaral, nagbibigay din ako kung meron lang din naman akong maibibigay. Kaso sa 10 years na pagtatrabaho ko, parang wala naman silang balak mag-asawa na umayos ang finances nila. Sobra sila kung sumandal sa mga magulang namin pati sa akin. Minsan na di ko napagbigyan, pinaringgan pa ako sa social media na “walang utang na loob”. Anong utang na loob ko sa kanya? E nung nag-aaral ako, nagsikap lang din ako para makatapos dahil sya na dapat magtapos ng pag-aaral, inuna pa ang pagbubulakbol kaya hindi nakatapos.
Sa totoo lang, masama ang loob ko kasi pati ang responsibilidad namin sa mga magulang namin, ako na sumalo. Magmula ng bumukod ako ng bahay, sumama sa akin yung mga magulang namin. Yung mga maintenance meds ng mga magulang namin, ako na nagshoshoulder. Nung naospital ang nanay namin after ng New Year, ako lang ang nagshoulder. Hindi ko nga naramdaman na may ate ako noon. Ultimo pangungumusta, wala. Ako yung gumawa ng paraan para makalabas ang nanay namin. Gising ako ng umaga at gabi kasi kailangan ko magtrabaho sa gabi at bantayan ang nanay namin sa umaga. Yung bahay na tinitirhan ngayon ng ate ko at ng pamilya nya, bahay yun ng mga magulang namin. Napunta lang sa kanila kasi sila na lang ang naiwan doon. Pati mga gamit na napundar ko, hindi na nila pinakuha sa akin. Nakapalan nga ako sa mukha nilang mag-asawa noon e. Pero dahil ayoko na ma-stress at magsisimula ako ng panibagong buhay, hinayaan ko na lang. Na naman.
Ngayon, bumili ako ng aircon kasi nasira yung aircon sa kwarto. Siguro naman deserved ko naman gastusin ang perang pinaghirapan ko para sa comfort “ko” naman. Nalaman ng ate ko. Biglang nagchat na abonohan ko daw muna yung pambayad ng wifi sa bahay nila. Napakarandom nya samantalang ako tandang tanda ko pa ang sinabi ko nung last na away namin na wala na silang maaasahan sakin.
ABYG kung tinanggihan ko yung gusto ng ate ko at sinabi kong may iba pa akong binabayaran? GBK kung tumigil na akong mag-aksaya ng pagbibigay ng care sa mga taong kilala ka lang pag may kailangan?
PS: nung nakakuha ng bonus ang tatay, sya pa ang pinuntahan sa bahay para bigyan ng pera. Samantalang ako na anak din at kasama sa bahay, hindi din naalala ng mga magulang. Siguro akala nila strong and independent talaga ako kaya di rin nila ako naconsider. Yun lang.
submitted by Fit_Review8291 to AkoBaYungGago [link] [comments]


2024.05.19 19:33 PrestigiousLimee Just want to put my thoughts out there

I (25M) been feeling down most of the time since the past few years. I’m from a family na magulo, like as in magulo. I grew up without my parents, dad (eldest child) died when i was still months old out of the womb and my mom left me sa family ng dad ko. So I basically grew up with my lolo. (First grandchild)
My lolo is good naman but he has anger issues, if you can call it that. He gets angry most of the time even with the most smallest things, during those moments na he is angry he says things that really hurt you. We all experience this, family namin and even mga people na who works with him. Parang common thing na siya and accepted na ng tao around him.
Si lolo meron siyang 4 children, not including my dad and other aunt who passed away na. They all have their own problems that we, people around them(me and my cousins), have to deal with.
The 2nd eldest sa mag siblings was a former addict. Leeching off sa status ni lolo. Very pangit ang ugali. Mayabang. Most toxic traits na you can think off he probably have those. (All of them have) And most of my cousins are his children from different partners he had and we still have some cousins na we don’t know of or di lang namin kasama cos he has a lot of children. He currently is living with his partner, they have 2 kids but of course meron siyang another partner on the side, he even brought the other girl with us during our family vacation. Has 5 kids that i am close to but has more na we aren’t with
3rd eldest nothing much but has anger issues as well and that causes them to fight with each other most of the time. Has 2 kids
4th eldest well known from where i am living, has lots of issues and such that people from here know. I sometimes hear things that she did from other people that i get embarrassed about being associated with her. No kids
Their youngest has anger issues too but not that much. Chill siya sa amin ng mga cousins ko but of course toxic traits as well, i guess it runs in the family. No kids
Mga ugali nila causes them to fight with each other most of then time and we get caught in the crossfire. We listen to them badmouth each other and we can’t do anything about it. There’s one thing they get along with each other though, hating our lola. Not their birth mother. They even say bad things about her in front of us or even our relatives. Lola just doesn’t mind thm cos she doesn’t want to go down their level.
Basically this family is real fucked up and it’s really taking a toll on me. I wont list everything cos it will take a while if i do. Basta it really is fucked up. Whenever i hear something from them or they get mentioned I automatically feel sad and anxious. I live with my mom na now btw so i am not with them na everyday.
They even ask my mom why I don’t go to see them or even magparamdam man lang. I can’t even say the truth kasi i know they’ll get really pissed and might do something to me. This just happened kanina lang.
Also, it’s been 5 years since I graduated and still no job. I tried to study again during pandemic but online classes sucked so i stop and has since been looking for a job. I have a degree but its not something you can find a job right away with. It’s one of those uncommon degrees.
The thing is i just want to have a job so i can have an excuse like a legit one para i cant go whenever they want to gather or something. I just want to earn money too so i can get away from here so they won’t meddle with anything i want to do. I’ve followed what my lolo wanted all my life. Finished studying the right time. No vices. Studied again.
Now i just want to do what i want and don’t want then gorcing things on me anymore. They want me to work with them or study again and things like that.
It makes me sad that i can’t get the opportunity for me to start my own life after applying so many times. It feels like things are gonna go well for me, that i just have to suck it up and do what they want.
Thanks for letting me vent out.
submitted by PrestigiousLimee to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.19 18:57 BitterSavings9030 PAANO NAGAWA NG ISANG MAHINHING DALAGANG PILIPINA ANG GANOONG BAGAY? KASI AKO DI KO KAYA

May kapitbahay kaming dalaga, maganda at magalang naman. Mahinhin, laging may po at opo tuwing makikipag-usap. Prepandemic nagkaroon siya ng engagement party with his fiance that time. Iglesia Ni Cristo yung lalaki at Born Again Christian naman yung babae. Okay naman sila hanggang sa nalaman na lang namin iniwan na siya nung guy, nagpakasal daw sa iba at nasa America na, hanggang sa nagkaanak na yung guy sa asawa niya. Nung pandemic namin, biglang nagbuntis si Ate, wala dito yung fiance niya kasi nga nasa America na. That time naman, nag-OJT siya sa isang government agency na ang kulay ay green at yellow at may nameet siyang officer don na pamilyanado na rin at ang asawa nung officer na yon ay isang konsehal sa isang municipality na malapit sa lugar kung saan may masarap na puto. Yon ang nakakasama niya madalas dahil hinahatid siya nung officer tuwing gabi, nakikita na lang namin dahil nga kapitbahay. Nanahimik lang kami. Hanggang sa nanganak at nagulat na lang kami nandon na ulit sa eksena si fiance na may anak na sa iba, pinatayuan ng bahay, binilhan ng sasakyan, pinakabitan ng CCTV ang lahat ng sulok ng pinatayong bahay pero nagugulat pa rin kami dahil kung wala yung fiance ni Ate na may anak sa iba, pumupunta naman yung officer ng green at yellow na government agency at hindi pa yan, nakikita pa rin ng mga kapitbahay at kabaranggay na bumaba pa si Ate mong mahinhin sa sasakyan ni officer. Pero kung nandyan si fiance ni Ate mong mahinihin na may anak na rin sa iba, tahimik lang siya at ang buong pamilya niya.
Paano nagagawa ng isang babae yon? Paano mo magawang magtago at magsinungaling?
Paano ang mga bata, malalaman ba nila kung sino ang tunay nilang ama?
submitted by BitterSavings9030 to cheating_stories [link] [comments]


2024.05.19 18:46 Dry_Manufacturer5830 Bahay ni Kuya motto

Dream, believe, survive.
Gud lak sa mga papasok pa lang sa bahay ni kuya. Tiisin nyo ang mga ilusyon ng pastor dyan para magtagal kayo.
Dream, believe, survive.
submitted by Dry_Manufacturer5830 to ExAndClosetADD [link] [comments]


2024.05.19 17:54 cndycrnr Larrt Alcala's slice of life

Larrt Alcala's slice of life
Nostalgic itong slice of life illustrations ni Larry Alcala kasi it speaks so much of what it means to be a community lalo na kapag Pasko at Bagong Taon.
Ito yung gusto ko siguro kapag Holiday season dati, parang matic generous at mabait mga tao (mas madali rin siguro kasi ang buhay noon). Dami ring traditions na sinusundan noon na nagbibigay ng identity sa Paskong Pinoy.
submitted by cndycrnr to PaskongPinoy [link] [comments]


2024.05.19 17:53 AdHumble5094 Sa totoo lang, minsan mas mahirap pa pagkasyahin yung budget kesa mag trabaho...

Sa totoo lang, minsan mas mahirap pa pagkasyahin yung budget kesa mag trabaho...
Saw this on online and suddenly had to check my wallet. Super hirap na talaga mag budget ngayon, kahit anong gawin mong pagtitipid at pag sisipag sa trabaho... I'm a stay at home wife, a TikTok seller and affiliate, my husband is a factory worker scheduled to fly to Japan sa August. Di ako makapag trabaho sa mga kompanya due to health reasons pero maayos naman ang kita online. Dalawa kami ni mister na kumikita pero kulang pa rin talaga sa sobrang mahal ng mga gastusin. Tinaas nga ng gobyerno ang sahod dito sa Cavite, tinaas din naman nila ang presyo ng mga bilihin... Sa totoo lang, minsan mas mahirap pa mag budget kesa mag trabaho...
submitted by AdHumble5094 to adultingph [link] [comments]


2024.05.19 17:36 NoFocus1911 Am I the bad guy - Friendship Breakup

Am I the bad person - friendship breakup Sorry for the long post.
Anim kameng mag kaibigan na couple couple. Sa group namen,.kame ng bf ko ung matanda (mid 30's) while yung dlwang couple nasa late 20's. We've been friends for more than 7yrs and super close tlga namen na tipong kahit simpleng sunday lunch sa bahay nag sasama sama kame, or pupunta sa mga bagong food parks, outings etc.
Sobrang mahalaga sakin ung friendship namen na everytime na lalabas kame ng bf ko we always make sure to invite them kung gsto nila sumama. And napaka supportive namen sa businesses nila. Customer nila kame and at the same time we promoted yung businesses nila.
So eto na yung nangyare. January 2024, we invited them to go to boracay ng March. My bf and I even told them na we will pay for the hotel accommodation bsta kanya kanya na sa airline tickets at foods. Inoffer namen na kame na sasagot sa hotel because we wanted to spend time sakanila, again we value our friendship with them.
Nung una hesitant sila, naisip ko cguro wala rin sila budget so sabi namen pag isipan nila.
Then dumating yung February hindi sila nag confirm so I thought negative na yung gala and told them na ok lang kahit hindi matuloy, mag plano nalang ng ibang outing.
Dumating yung March, birthday ni BF, may onting salo salo sa bahay, we invited them, pero laking gulat namen they posted sa instagram na nasa Boracay silang apat. Sobrang nasaktan kame. And to be honest nalungkot ako para sa BF ko. Kase witness ako kung gano siya kabait sa mga kaibigan namen, na tipong kahit mahal yung benta nila sa paninda nila, sakanya pa rin sya bibili kase he wanted to support them.
So nag heart to heart talk kame ni BF, I told him, 'alam kong malungkot ka pero wala tayong magagawa kung ayaw nila tayong kasama.'
Na realize ko, nag plano sila ng hindi kame ksma. Ayaw nila kame kasama at higit lahat hindi mag kasing level ang pag papahalaga nila sa friendship namen. Kaya pala Hindi sila mka Yes sa invite namen kase nka plano na sila na pupunta doon.
Ni let go ko ang friendship namen. I didnt communicated, no confrontation, no response sa mga msgs nila at invite nila. Tingin ko naramdaman nila ung ginawa nila because after that incident they started inviting us pero si BF ang nag dedecline sa invite nila. Ako hindi ko sila nirereplyan.
So tell me am I the Bad Guy?
submitted by NoFocus1911 to CasualPH [link] [comments]


2024.05.19 17:33 damsawiz Ang OG POGO enabler

Ang OG POGO enabler submitted by damsawiz to Philippines [link] [comments]


2024.05.19 17:21 johnschw2 Dapat Gawing Protected Area ang New Bilibid Prison Reservation

Dapat Gawing Protected Area ang New Bilibid Prison Reservation
... at hindi basta-basta na lamang ibigay sa kung sinong interesadong “developer” na nagnanais na gawing isa nanamang panibagong business district, patayuan ng condo, or another subdivision, ang buong lugar na sakop nito (context). Magkaroon sana sila ng public consultation kapag natuloy na ang balak na decongestion at relocation ng NBP. Marami nang nawalang puno sa Muntinlupa, gaya ng sa paligid ng Tunasan malapit sa Susana Heights, gawa ng panibagong condo ni SM at ilan pang mga panibagong residential/commercial projects na itinatayo malapit doon.
Hindi pa ba sapat iyan? Naiintindihan ko naman ‘yung argumento nila na kailangan ng pondong pantustos para sa pagtatatag ng small localized prisons sa buong bansa (totoo na kailangan talaga natin ng reporma sa ating prison system) pero sana’y huwag nilang tingnan ang reservation sa land and commercial value lang nito. Ikonsider din sana nila na maraming naging gampanin ang NBP sa kasaysayan ng ating bansa (na hindi rin gaanong dokumentado o lantad sa publiko, gaya ng mga abusong ginawa sa Camp Sampaguita noong panahon ng Martial Law) at bukod pa roon, ito na lang din ang isa sa mga huling santuwaryo ng kalikasan sa Muntinlupa.
  • Nandito ang Jamboree Lake, ang pinakamaliit na lawa sa buong Pilipinas.
  • Memorial Hill, na itinatampok ang isa sa mga kanyong nagamit noong WWII.
  • Sunken Garden, na matagal nang naging pook-pasyalan.
Maraming oportunidad sana na gawing para sa komunidad, para sa mga taga-Muntinlupa ang NBP Reservation. Bago ang pandemya, at bago naghigpit nang sobra-sobra si ex-BUCOR Director Bantag, bukas ito para sa marami. Nakakapasok pa dati ang mga jeep sa loob, na malaking tulong para sa mga estudyante ng IES, MNHS, at PLMUN (na ngayon ay naging pahirap na, napalitan ng ilang sakay ng traysikel na masakit din sa bulsa). Naglagay rin dati ang City Gov’t ng ilang mga kubo at upuan sa palibot ng Jamboree Lake, na noon ay nagpapa-film showing pa nga sila. At higit sa lahat, maraming-maraming puno sa loob, para bang may konting probinsiya sa gitna ng siyudad – ganun.
Maraming mawawala sa’ming mga taga-Muntinlupa kung pati ‘to, kukunin sa’min. Kailangan ba talaga natin ng isa pang Alabang sa Muntinlupa?
https://preview.redd.it/90rryy03pe1d1.jpg?width=4624&format=pjpg&auto=webp&s=c01760f7c4845ac0fe392ac0b91f970f623de5b2
Jamboree Lake
https://preview.redd.it/kv4nt813pe1d1.jpg?width=4624&format=pjpg&auto=webp&s=1e457cec376de31052789779aaa50a56c9d4c926
Statue of Lady Justice near Sunken Garden
submitted by johnschw2 to Philippines [link] [comments]


2024.05.19 17:15 aikidooo Against ang parents ko sa relationship namin ng bf ko

Hello everyone! need some advice:( So, my parents are against my bf and I's relationship, reason is sakin inaasa lahat in the future gusto nila tumulong ako sa pagbayad ng bahay and lupa na kinuha nila and tumulong sa pagpapa aral sa mga kapatid ko. Also, nag iisa na lang sa buhay yung bf ko, paano raw pag may nangyari sa kanila raw kami tatakbo lagi.
Nag usap kami ngayon ni mama kung may nangyari na sa amin ng bf ko and I answered honestly na, oo meron na. Nag ask siya if ano gamit namin protection and sabi ko condom pero nagpupull out din kami kahit nakacondom.
Nagmesssage siya sa'kin na disappointed daw siya and isipin ko raw ano mangyayari sa buhay ko.
Alam ko naman ano priority ko sa life and alam ko na kailangan ko magwork hard para sa future ko pero to the point na sabihin na disappointed siya sa'kin dahil nalaman niya na may nangyari na samin ng bf ko:( Nakakalungkot.
Need ko lang ilabas 'to hahaha kasi hindi ko alam kung kanino ko sasabihin or ilalabas nararamdaman ko.
submitted by aikidooo to adviceph [link] [comments]


2024.05.19 17:12 kyoji_way Crazy Family

Just want to share my story haha( sorry but not sorry). May auntie ako na ang asawa is abroad and ang problem is lagi siyang nanghihinge ng pera after magdala ng money ng husband. Siguro let's say na I'm interfering sa buhay nila pero just imagine kakapadala lang ng 20k sayo and kinabukasan wala na tas later chachat niya nanaman na babayad ng ganiyan ganto ganon eh ang hindi alam nung asawa lubog sa utang asawa niya, almost 20 years na rin asawaa ni tita abroad and until now ket isa wala man lang naipondar. One time sinabihan siya na kumuha ng kotse and motor pero ang sabi niya wala naman daw gagamitin like for the sake lang na pag-uwi ng asawa niya is may sarili silang bahay and sasakyan pero wala talaga.
Tas one time kumuha siya ng ref uhmm pandemic and after 1 year nahatak ung ref niya and nagalit siya sa mga humatak kase bakit wala naman daw naniningil sa kanila eh if magbabayad ka magbabayad ka talaga kahit walang naniningil. Kapos na kapos nangabit pa siya and reason niya "dahil sa sakripisyo" let say na closeminded ako pero nonsense kase eh pwede naman siya mag work and sideline pero naghihintay lang na may palamonin sila ng kabit niya.
Idk if ako lang nakakapansin nito ha, surrounded me by people na ang asawa is abroad like parang umaasa nalang sila doon sa nag abroad ? yung di na sila mag-tratrabaho naghihintay nalang sa padala and if kulang ang padala nagrereklamo kase "bat kulang" makapagsalita parang walang expenses ung kapamilyang nag-abroad.
for now ito nalang muna kase I has a lot to say sa fam ko.
submitted by kyoji_way to pinoy [link] [comments]


2024.05.19 17:11 kyoji_way CrazyFamily

Just want to share my story haha( sorry but not sorry). May auntie ako na ang asawa is abroad and ang problem is lagi siyang nanghihinge ng pera after magdala ng money ng husband. Siguro let's say na I'm interfering sa buhay nila pero just imagine kakapadala lang ng 20k sayo and kinabukasan wala na tas later chachat niya nanaman na babayad ng ganiyan ganto ganon eh ang hindi alam nung asawa lubog sa utang asawa niya, almost 20 years na rin asawaa ni tita abroad and until now ket isa wala man lang naipondar. One time sinabihan siya na kumuha ng kotse and motor pero ang sabi niya wala naman daw gagamitin like for the sake lang na pag-uwi ng asawa niya is may sarili silang bahay and sasakyan pero wala talaga.
Tas one time kumuha siya ng ref uhmm pandemic and after 1 year nahatak ung ref niya and nagalit siya sa mga humatak kase bakit wala naman daw naniningil sa kanila eh if magbabayad ka magbabayad ka talaga kahit walang naniningil. Kapos na kapos nangabit pa siya and reason niya "dahil sa sakripisyo" let say na closeminded ako pero nonsense kase eh pwede naman siya mag work and sideline pero naghihintay lang na may palamonin sila ng kabit niya.
Idk if ako lang nakakapansin nito ha, surrounded me by people na ang asawa is abroad like parang umaasa nalang sila doon sa nag abroad ? yung di na sila mag-tratrabaho naghihintay nalang sa padala and if kulang ang padala nagrereklamo kase "bat kulang" makapagsalita parang walang expenses ung kapamilyang nag-abroad.
for now ito nalang muna kase I has a lot to say sa fam ko.
submitted by kyoji_way to CasualPH [link] [comments]


2024.05.19 17:08 Silent-Prize5272 Abyg if tinanong ko yung mu ko about what he thinks abt his gbf??

So this is my first time writing here, idk how the process work. Btw, very taglish ‼️
In context, i like this one guy in school and took the chance to confess. He liked me eventually til naging may clingyness and prang trato na may rs. We cleared it up na mu kami. Corny din namen, may onting asaran tas away bata tas paghihingi ng attention sa isat isa ganern.
And this guy, may gbf sha before me. The guy was a nerd and a loner bc prang awkward daw sya makipag interact and doesnt know how fo connect with ppl. Don sha nagkaroon ng gbf, dahil ung gbf nya loner din sha. Si gbf ksi plgi din napagiiwanan kapag lunch or recess, so in that way nakilala nila isat isa. When i barged in, i cleared up with his gbf kung meron ba nangyayare sakanila. Sabi ni gbf wala naman daw.
So earlier this day, kating kati lang ako sa curiosity ko abt kay guy and sa gbf nya. So i asked “jokingly” what if sya and his gbf magsama (ik it wasnt a good thing to joke abt). So I eventually asked him what he thinks abt his gbf. He said that he connects more to her and relates between their situations.
I have a friend that has a connection with the gbf (dating classmate and bff) so she confronts gbf on behalf of knowing what she knows about the guy. So gbf has been saying to my friend that the guy rants me na sumosobra na daw ang pagjojoke ko.
I confronted this to guy, he said that sometimes i joke when hes being serious. That im not taking the situation seriously that leads to my misunderstanding (thats another story).
Now im here ranting and thinking if this guy is still worth it. Hes really nice but my friend says na pakawalan ko na sha. I keep on saying na i dont hate the gbf bc i dont want any enemies. This may look like im being a hypocrite but im just making it clear that ill respect the guy and his gbf.
Edit : I think ako ang gago because i think im being needy for him or pavictim ang tingin sakin. Ik u guys would hate this, but maybe nakakasira ako sa kaisa isang kaibigan ng mu ko. That he will think bc he has a connection with me, meaning ung mga girls na napapansin nya he shouldnt talk to them
submitted by Silent-Prize5272 to AkoBaYungGago [link] [comments]


2024.05.19 16:35 Wild-Hovercraft5564 Mas malaki pa ng worth ng laptop ko kesa saken

I 18f have a laptop, usually ino-open ko sya gamit fingerprint ko (and hindi ko palagi syang ginagamit, usually lang kung may papa-encode sakin si mama), then suddenly nalang, PIN yung hinhingi ng laptop ko, pero nakalimutan ko na PIN ko kasi nasanay ako na fingerprint and pinalitan ko lanng PIN ko last month (dahil sa galit din kasi palagi hinihiram ng kapatid ko ang lptop ko ng walang paalam and masama pa ugali saakin) . Nag hesitate ako sabihin sa mama at papa ko na nakalimutan ko PIN ko and decided na sabihin nalang kasi kala ko konting sermon lang and its a problem na madali lang ayusin.
So ayun na nga, umuwi sila then habang naghuhugas ako pinggan sinabi ko kay mama, biglang nag 180 si mama at pinagalitan ako syempre with sigaw di sya naniniwala sa akin na nakalimutan ko tlga yung PIN tas marami pang sinasabe na 'wala ka nga ambag' 'may report pa ako na ippasa', while kapatid ko nman sabi ng sabi "bobo" wala lang sakin yun, pero narinig ni papa yung mga sigawan then lumabas then nalaman nya rin at sinigawan din ako, parang pinush-off ako sa lababo, then parang hinawakan sa leeg at chin ko at tinataas at patuloy sa pagsisigaw malapit sa mukha ko. Pinigilan naman ni mama , dun na ako umiyak. Bat parang grabe na grabe ba yung kasalanan ginawa ko? Ako naman nag eencode lahat ng report and cards ni mama, literal na lahat kahit ang dami at di naman ako nagreklamo. Nakaka iyak lang hindi lang na i feel unappreciated. Deserve ko ba to dahil lang nakalimutan ko PIN ng laptop ko? bat ganon sila lahat maka react? Bat parang mas malaki pa worth ng laptop kesa saken? Bat parang mas mahal pa nila yung laptop kesa saken. Nag aral nman ako mabuti (graduating with highest honor and top 1 sa class). And ngayon parang ayoko na umattend ng recognition and graduation ko.
*Currently na unlock ko na lptop ko nanood lang ako ng mga YT vids pero naiiyak paren ako ngayon 🥲
submitted by Wild-Hovercraft5564 to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.19 16:28 selfless_jai Funny story about you getting caught masturbating or doing something na including sex.

Mine is we were group of women my childhood friends tapos nag watch kami ng porno. That time dvd pa. Sa bahay ng friends ko is my malaking tv tapos dvd nila e yung tatlohan so dalawa nilagay namin isang porno tapos isang Chinese movie. That time nanuod kami kasi walang tao sa bahay nila so nuod kami mahina boses namangha kaming 6 tas narinig namin bumukas ung gate tapos nag salita si mama niya so nag change cd kami so kala namin safe na ng pag pasok ni mama niya umongol ung video ung Chinese movie pala ay porno din pala tae na nasigawan kami ng "mga babae pa naman kayo tapos ganyan pinanunuod niyo mga bastos!" kanya kanya kami ng labas subrang nahihiya pero natatawa na lang din haha Ang fresh pa ng memories na un pero is like 18 or 20 years na haha.
Subrang taboo ng words na sex sa mga batang 90s at early 20s kaya lumalaking mga maria clara o mabuti ijo pero pag nakalabas palihim na umaano lol
Kayo ano entry niyo?
submitted by selfless_jai to adultingph [link] [comments]


http://activeproperty.pl/