Wikianswers mga halimbawa ng tula tungkol

my mom is badmouthing me because i told her i couldn't pay ALL my brother's loans

2024.05.14 20:01 zigizigizag my mom is badmouthing me because i told her i couldn't pay ALL my brother's loans

my brother (shs student, M21) got into a bad habit of online gambling. we don't know where he got the audacity to take out loans when he has no income apart from his 500-peso weekly allowance, but here we are.
matagal nang nagpaparinig yung kapatid ko na pautang daw sakin ng pambayad ng loans. (panganay ako sa apat na magkakapatid). binibiro ko lang na wala, pero bibigyan ko naman sana kung nasa 2-3k lang loans. mabait naman, maraming chores na ginagawa, di mahirap utusan. di rin bulakbol sa studies. pero may ugali talaga siyang naaadik sa kung saan-saan, e.g. computer games, mobiles games, and now yang scatter o kung anuman yan. mukhang mobile gambling naman ngayon nahanap niyang kakaadikan.
anyway, i totaled his loans and it went up to approximately 30k. halo-halo, almost 9-10 loan apps ata yun. yung iba overdue na, yung iba hindi pa.
di ako makapagsalita when i saw the total.
my mom is aware of his loans, lalo na dahil talamak ang OLA na mang-harass sa contacts kapag di ka nagbayad. every day kaming flooded ng spammers, mostly to threaten and harass everyone connected to my brother.
pinagalitan naman na, yes, pero anong magagawa, di ba?
itong si mom, lagi ako sinasabihan these days na "tulungan naman tayo ah" probably pertaining to my bro's loans, pero i told her konti lang kasi i have loans too. i recently bought a phone (my old is already 4yo kaya laggy na) because i landed a good job, so sabi ko deserve ko naman.
edi akala ko okay na. we'll come up with a proper payment plan, and then go from there.
while i was using my brother's phone to take note of his loan amounts, due dates, etc., of course i had to look up messenger too. sinearch ko lang yung keyword na "utang" just in case he's telling someone about his situation. tahimik kasi yung kapatid ko, so i figured if he wasn't blatantly telling us the amount, maybe he told someone else.
a particular message caught my attention.
it was from my mom, sent just yesterday. nung una nagagalit lang siya, she was reprimanding my brother ganon. tapos i got to the latter part, sabi ba naman dun, "tanong nang tanong si [me] kung magkano raw utang mo, akala ko naman babayaran niya. i told her to help naman, sabi niya may loans din daw siya."
as soon as i saw that message, i cried.
hindi ko alam kung bakit sa tingin niya may 30k ako na kayang ibagsak, e hindi nga ako makapagsimula ng savings dahil almost 40% ng sweldo ko sa bahay napupunta.
sobrang sama ng loob ko. kanina i was wondering pa sino sa mga kaibigan ko ang willing kaya magpahiram ng ganung amount without interest, tapos makikita ko na ganito niya 'ko pagsalitaan sa ibang tao lalo na sa kapatid ko.
her entitlement to MY money is crazy. ako ang hirap na hirap sa work, siya naman kung makasalita tungkol sa pera akala mo marami kami nun.
my heart is so heavy. my mind is blank, i suddenly don't know what steps to take next. i just know i had to write this down, kasi wala akong privacy sa bahay at pakiramdam ko sasabog na 'ko kapag wala akong nasabihan kahit anonymously lang...
submitted by zigizigizag to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.14 19:33 chicken_not_sea Obscure Celebrity of the Yesteryears Stories

Pinanood ko yung Stardoom ni Lino Brocka (available sa Cinema One Youtube page as 11 parter). Tungkol siya sa mabilis na pagtaas at pagbulusok ng isang newbie star - starring Walter Navarro, and Charito Solis. Na-obsess lang ako sa kay Walter Navarro kasi weirdly modern siyang tingnan. Nandun din si Hilda Koronel (parang teenager pa ata siya nun) at si Lotis Key, na mas kilala na as foster parent ni Wesley So(Filipino Chess Player).
Almost wala akong mabasa tungkol kay Walter Navarro except sikat daw siyang matinee star na biglang nawalan ng career mid-Seventies until nakito ko tong comment na to: <source>
Walter Navarro was around in the 1970s when I was involved in Television. When both of us were present in the studio, a lot of people mistook us for brothers. Maybe because we both speak Bicolano and both Eurasian as well.
Before he became an actor (it was Orlando Nadres and Tony Tenorio who put his photo at the cover of 16 Magazine) and later they introduced him to Mrs. Emilia Blas, producer of Lea Productions.
While he was busy in films, he was also doing the rounds of TV dramas and that's where we've worked together.
From what he had told me, he came from a very dysfunctional family. His mother who was from Bicol was never an inspiration for the young Walter. When he was young lad in Tondo, he was working as a factory worker, making holes for shoelaces. And when Nadres spotted him, he asked him if he wants his photo be placed on the cover of the komiks/magazine to which he acquiesed.
Without the guidance of his family, Walter became lost. He started drinking, despite the fact that he had a heart condition. He became an alcoholic. I even went to his rented house in New Manila a few times and his friends were there (mostly Tondo boys - his old stumping ground), playing mahjong and... you guess it, drinking.
Mrs. Blas lost all her patience and finally let him go. Once, he took his medication and accidentally OD'd. It paralyzed him partially and it took a while before he recovered. Then his heart ailment became serious. He ended up in the hospital and when I went to visit his house, he and the old couple who took care of him were no longer there. I had several roles written for him for TV dramas, but no one seemed to know where he was. I was already in north America when I heard that he had died.
Walter was a good person. Dysfunctional, indeed, but nevertheless a beautiful person. He gave me some of the records he cut under Vicor Music Corp. His voice was really excellent. I ripped them into DVD so I could listen to them whenever I go long driving. When I listen to his voice, I am always reminded of the generous Bicolano who once lived and made a lot of the Filipino public happy.
STARDOOM was almost prophetic. Like Joey in Orlando Nadres' story, his career and life were cut short by unfortunate circumstances. The psychological impact of his dysfunctional childhood was just too deeply embedded in his psyche and it took him to an early grave.
Unfortunately, the MAALAALA MO KAYA episode about his life (played by Alberta(sic) Martinez), didn't delve deeper into the reasons why Walter became what he was later (an alcoholic). The episode tells us what happens to a popular actor who didn't take care of his career and ended up tragically. That's all we saw in that episode.
Meanwhile, they have forgotten WALTER NAVARRO the person. Despite his weaknesses, he was a wonderful person and this side of the man was never told to us by the TV drama.
Meron ba kaung kilalang obscure star (na hindi na masyado kilala) at mga kwento about them?
submitted by chicken_not_sea to ChikaPH [link] [comments]


2024.05.14 19:32 Turbipbulb5722 cursed puppy love

Kaya ba mag move on ng fully kung first love mo? Di ko alam saan magsstart sa kwento ko. Minsan hate ko siya pero minsan miss ko rin siya. Miss ko lang yung time na nakalimutan ko siya pero life really has its ways.
We were childhood friends. Nagkakilala kami ni “Justin” nung preschool palang. Tapos nagkacrush ako sa kanya noong elementary. Of course yung sa puppy love, kilig kilig. Noong nag highschool kami, magka-iba ma kami ng school. We lost touch for a while pero since we had a similar circle of childhood friends we started talking again nung mga 3rd year na kami. Yun we clicked. Exact same footing nung bata pa kami. We talked everyday before going to school and falling asleep. Nagkakamustahan tungkol sa friends at family pati na rin sa mga school work. Minsan din we help each other to answer our homework. Feel ko I really fell for him at 15. He seemed so perfect to me. He understood me and my silences. Parang I didn’t have to explain my soul to him because he just got it. We never went out together na kami lang pag weekends kasi admittedly I felt like hindi ko kaya so lagi akong tumatanggi. As in parang nagrarambol yung mga butterflies sa tiyan ko when im around him. Somehow, parang yung common sense ko nawawala. Lahat pinagusapan namin hanggang sa future and mga trips for summer kahit wala naman kami label. Di ko rin alam if he felt the same way kasi never naman din kami nagshare ng feelings namin na ganon sa isat isa. Oo, bobita talaga. We went on like this until 4th year na kami. Nung prom ko, I brought one of my best friends as my dates kasi nag promise kami nung bata pa kami na kami mag kasama sa prom. I didn’t think of it much kasi Justin naman din told me he and his friends were planning to fly out for a grad trip around that time so I thought wala ding point if I asked him to go with me to prom. The night of prom sinabi ng friend niya na he kind of thought I’d ask him to prom. Shucks di ko alam pano magreact so kinalimutan ko nalang. Ayun so parang medyo nag on-off na contact namin.
When we reached the last half of 12th grade, we went back to where we left off pero deep inside alam ko na I shouldn’t make anything of this anymore. His friends would tease me about him when I’d pass them in the hallway. Tapos when I bumped into his bestfriend on a night out, tinanong niya kung ano kami ni Justin. Wala akong masagot so tumawa nalang ako at sinabi friends lang. One time nagkasama lahat kami ng mga friends namin from elementary for inuman, and that night he stuck close to me. Always walking right behind me kahit na nagpapaiwan ako from the group kasi ayaw kong makasama siya na kami lang. The whole time he was asking me about the guys I’ve talked to/dated in the past years. Our group was bar hopping and just so happens na madami akong friends na lumabas that night. So naghhi hello ako and he’d just stand right behind me. He asked me how I knew most of the boys. Tapos sabi oh friend of friends lang ganon. Actually that night talaga sobrang nagccringe ako sa sarili ko kasi in one of the bars we went to he asked me to cover his part eh I didn’t want to interact with him so much so I nodded my head and paid nalang. We went to another bar naman Tapos he sat beside me. I felt so uncomfortable kasi parang di na gagana utak ko kung magkatabi kami at padami na yung na iinom. Yun umuwi ako with a friend and the night ended at that. I told myself na dapat i-let go ko na yun kasi wala naman din mangyayari at nagiging bobo lang ako. So i started replying slower and slower till di na kami nag kausap ulit. Tapos nung mga last few weeks ng grade 12 nilapitan ako ng kabarkada niya tinanong niya yung nag-uusap ba daw kami ni Justin, bat daw di kami magtry, cute naman daw kami together, bigay niya daw number ni Justin sakin para magkausap kami ulit. Tumawa nalang ako at sinabi na wala friends lang naman din kami. Yun so it’s water under the bridge na. I went to college abroad and I left right after I graduated hs.
While I was settling down in a new place, tinawagan ako ng bestfriend ko. Pagkatingin ko ng mukha sa screen si Justin pala. Tinanong niya kumusta ko at dahil emotional ako at mag-isa sa ibang bansa sabi ko wag na tayo mag usap kasi alam ko may kausap or girlfriend ka na ganon. Sabi niya no wala pero yun din a week later nagpost siya na sila na ng kinakausap niya. Ok lang naman strong naman po ako. So kinalimutan ko na siya tapos masaya na ako. A few times lang rin during college nag dm siya sakin asking if may bf ako ganon pero yun lang.
Fast forward graduate na kami lahat ng college so lahat kami sa batch namin nag uwian sa hometown to catch up. Di kami nag pansinan buong night. Nilapitan niya nalang ako nung may mga kumakausap sakin na mga lalaki. Nainis ako dahil di ako makalandi well since lagi siya nangingistorbo tapos paulit ulit niya ako kinakamusta na parang gago. Alam ko wala naman siyang feelings sakin, lintik lang talaga minsan. May common friend kami na girl tapos sila yung magkasama at nagsasayawan the whole night except nung times na nagpapapansin siya. Yun lang after nalaman ko may nangyari pala between them dati. Gusto kong sabihin na wala akong pake at all pero sa totoo may konting pag-irap ng mata kasi close kami dati ng ate gorl mo. Yun pa sinabihan niya ako that night na gago si guy and all that bago kami pumunta sa inuman. Recently, pumunta sa current city ko yung close friend niya na guy na ka close ko rin. We met up a few times as friends. Yun lang after ng first meeting namin na stinory ng guy friend, lagi na siya nanonood and like sa mga story ko. Ginagago niya ba ako? Or gusto niya lang lagi akong maiinis sa kanya?
TLDR: bobo ako at minsan miss ko pa rin siya
submitted by Turbipbulb5722 to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.14 18:21 SeparateWord5098 Thoughts

Actually na ddown ako rn, and its because of my cof this college. So may naging issue na nag confess sakin and naging awkward kami sa isat isa to the point na nagkaroon ng changes sa pagtingin and pakikitungo ko sa kanya. But, di naman sakin nagsimula yung changes, he said na ever since the first time he met me nagkagusto siya akin and few months after being friends with him inamin naman nya (nasa iisang cof kami since wala ako idea at first). And yun nga may times na parang ang off nya sakin or iniignore nya ko so I did the same and may times naman na parang sobrang off to the na may sagutan na ganon (were both male, he admit he is bisexual). So yun nga dumating sa point na ganon and nagkaroon naman ng pagtatalo tungkol naman sa acads and may mga nasabi siyang di maganda na parang masakit masyado, but after that, Pansin ko ako naman nagbago, parang lagi na kong naiirita sa kanila (may issues din ako sa iba, parang di ko ka vibe or oa dating) then dumating na nga sa point na umiwas ako sa kanila, so naki grupo ako sa iba and dun sila nag tampo since selfish nga naman ginawa ko (May mga past prob narin). So ito na nga, nag leave na ko dun sa cof but I still have contact to 2 inside the circle since silang dalwa talaga pinagkakatiwalaan ko. However, these days feel ko ginagamit na lang ako for acads like if ever na may need sila nagrrespond ako but kung ako naman ang hirap nila asahan. I dont know if this is karma but I think resulta to ng toxic side ko rin (consequences ata talaga). I feel drifting apart from these two since nawawalan na ko ng tiwala sa kanila. And yung isa naman may contact din dun sa cof, feel ko nagsisinungaling lang siya pero based on my perspective naman pinapansin pa din siya don (nagsasabi kasi siya na di na raw siya pinapansin)
submitted by SeparateWord5098 to pinoy [link] [comments]


2024.05.14 10:48 Cheap-Mousse4806 Nakakafrustrate yung bayaw kong bum na enabler ng tatay nilang adik na muntik nang patayin yung bunso nilang kapatid

Yes, ganun kalala sa title yung pamilya nila. Nakakafrustrate kasi nawitness ko na sirain ng tatay nila yung buhay nila nang paulit ulit pero kinukunsinti pa din nila.
So ayun. Yung father in law ko, ex convict. Nakulong dahil sa drugs. Nagplead guilty para makalabas agad. Pero tumanggi magparehab. Twing may topak, sobrang sama ng pitik. Nakakafrustrate kasi wala akong karapatang magcomment dahil asawa lang naman ako ng kapatid nila. Pero kasi sa dalang ng beses na nakakasama ko sila, nawiwitness ko pa din kung gano kalala yung tatay nila pero ayaw nilang mag-take ng action para i-address yung problema.
Nung nakaraang tinopak yung tatay nila, inupakan yung bunso nilang kapatid. Take note, ang pinag-uusapan lang nila nun ay tungkol sa pagsasaing. Kahit nandon kami sa bahay pati na yung girlfriend ng bunso nila, inupakan nya pa din. Hindi sya nahihiya. Nung una, hindi ko na pinapansin kasi baka lalong hindi magpaawat. Kaso nung dulo, nagdala na ng itak at sinasabing papatayin yung bata. Nung una, kinukuha ko yung hawak nya, kaso itinutok sa akin at nakita ko na iba yung itsura nya nung araw na yun. Tapos sumugod dun sa bata, yung asawa ko, pumagitna. Sumisigaw yung tatay nila ng "papatayin kita". Buti naagaw ko yung itak nya. Tapos eventually, nade-escalate yung sitwasyon.
Kinabukasan nung araw na yun, ganun nanaman sya. Nagsisisigaw nanaman. Sa loob-loob ko, iba na to, ayoko na nasa paligid nya yung mga anak ko kaya sinabihan ko na yung asawa ko na ayoko na magstay sa kanila (padalaw-dalaw lang kami). Nung lumaon, pati yung mother in law ko, sinisigaw-sigawan na nya at kung anu-anong issue na ang nauungkat nya.
Nung araw na yun, nagdecide yung bayaw kong bunso at yung mother in law ko na umalis na sa bahay na yun. Tinulungan namin sila ng asawa ko. Bago umalis, sinabihan ko muna sila kung dadaan ba sa barangay para magfile ng complaint at eventually ay maidala sa korte. Ang sabi ng mother in law ko, wag na daw. Dun pa lang, alam ko na na walang mangyayari dito at mauulit-ulit lang uli yung cycle nila.
Enter itong bayaw kong isa. Kahit daw ganun yung tatay nila ay tatay pa din daw nila yun. Gusto daw ba ng bunsong kapatid nila na maging broken family sila? Sabi ng bayaw kong trenta anyos na may asawa't anak na.
At ito namang mother in law ko, eventually ay napatawad na din yung asawa nya kasi, kinukunsyensya sya nung bayaw kong middle child. So, nalulungkot ngayon yung bayaw kong bunso kasi parang na-invalidate yung nangyari sa kanya. Sya pa ngayon yung nabi-victim blame.
Ang lala. Kasi kung ako yung kadugo nung pinagbantaang patayin, ipapakulong ko yung gumawa eh. Pero yung offender pa yung na-baby.
Itong bayaw kong middle child, nagpapasadboi na kesyo hindi daw sya priority ng nanay nila. Eh hello? Trenta anyos ka na na may pamilya eh. Natural uunahin yung bunsong nag-aaral pa lang. Ang gusto nya kasi, magstay silang lahat dun kasama ng tatay nila kasi ayaw nya bumukod. Ayaw din nya maghire ng yaya, ayaw din nya dun magstay sa mga kamag-anak ng asawa nya.
Ito namang mother-in-law ko, di ko din maintindihan. Pinagbantaan na yung bunso mo ng anak, pinagtatanggol mo pa yang asawa mo, inuuna mo pa yang anak mo ng may sarili nang pamilya. Silang dalawa yung nagpeperpetuate sa sitwasyon nila.
Aanhin mo yung pamilyang buo kung ganyan naman? Akala ko sa mga badly written teleseryes ko lang makikita yung mga ganitong sitwasyon, masasaksihan ko pala nang malapitan.
Minsan, gusto ko na lang ireport anonymously itong father in law ko para madakip ulit. Pero naisip ko, baka masyadong invasive yun kung sa akin manggagaling yung intervention. Kaso tingin ko, kahit may mapatay na sa kanila yun, aabsweltuhin pa din nila eh. Ang lala!
submitted by Cheap-Mousse4806 to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.14 10:21 NewFaithlessness4611 Chismosa kong ex-friend.

Feeling ko kasalanan ko din na I tolerated my ex-friend's behavior. Matagal kaming magkaibigan at habang tumatagal yun lalo syang lumalala. Sa totoo lang madaming nakakapagsabi sakin na wala daw masamang tinapay sakin kasi kahit alam ko na masama ugali hanggat walang ginagawa sakin e ok lang ako. Itong dati kong kaibigan isa ding scammer ng mga afam online, pati sakin ginagamit nya yung pambubudol abilities nya pag wala na siyang pera. Payag din yung asawa nya sa ginagawa nya dahil nga hirap sila sa buhay. Araw-araw din kami nag-uusap noon at panay sya chismis ng kung sino habang ako nakikinig lang. Sobra na kong natotoxican kasi pati yung mga kamag-anak nya, animo sex life e kinukwento sakin. Mga secrets na sinabi sa kanya. Kung gano kapanget yung mga asawa ng mga kapatid nya. Lagi din syang napaoatawag sa barangay dahil sa ugali nyang ganun. So napaisip ako, pano kaya kung magsabi ako ng something about me na out of character ko? Ichichismis nya kaya sa iba? Kasi lagi nyang sinasabi sakin na yung usapan namin e sa amin lang. So nag-isip ako ng gawa-gawang kwento na kunyari may kinikita akong ibang lalaki o nagchicheat ako. Gumawa pa ako ng dummy account sa fb tapos nagkikipag exchange ako ng conversation na malalaswa sa main account ko. Para may kunyaring mga screenshots ako maipakita sa kanya, para makatotohanan kumbaga. Alam din 'to ng boyfriend ko. Nung sinabi ko sa kanya yun, aba yung gaga tuwang tuwa. Congratulations daw at first time in my life e gumawa daw ako ng kalokohan, atleast daw bago ako mamatay. 🤢🤮 Fast forward, nagkasira kami tungkol sa pera. Ayaw ko na kasi sya pahiramin dahil napakalaki na ng utang nya sakin at marami din akong responsibilidad at tinutulungang kapamilya. After several months, may nag reach out sakin na friend nagtatanong kung totoo daw ba yung sinasabi ni ex-friend. Tawa nalang ako ng tawa. Hindi ko alam kung gano pa karaming tao yung sinabihan nya nun pero wala na kong pake. Para sayo ex-friend, hindi ko parin sasabihin sa iba na pokpok ka at pumapayag yang asawa mo. Pakatino ka na. Dami mo nabubudol pero lubog na lubog kayo sa utang dahil sa asawa mong adik e. Tigil nyo na yan bago kayo matokhang.
submitted by NewFaithlessness4611 to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.14 08:50 CCD3O Lf college friends as a Uox Student 🥹

wala na yun lang HAUAHAHA wala na talaga ako makausap about school. parang ang sad lang ng college life ko kasi ang dami nag sasabi na sinayang ko lang buhay ko lalo na from relatives and past teachers. So kahit pa 4th term na ng acad year mag hahanap nako ng friends 🫵😔 ang hirap kaya maging frosh na walang makausap tungkol sa mga bwisit na prof 😟
submitted by CCD3O to mapua [link] [comments]


2024.05.14 08:06 Numerous_Okra_3883 Sa cheater ko na ex: Thanks for hurting me

Hello, kamusta kayong lahat? Medyo mahaba po itong ikukwento ko sainyo. Tungkol sa ex ko na 4 years kami (Tawagin nalang natin syang W). By the way, I am 24F and 25M naman sya. Nagkakilala kami nung college, same school magkaibang course nga lang. Nagmatch kami sa T 🔥- dating app kasi pinatry ako ng mga kaibigan ko eh ako uto-uto tapos di ko naman expected. Sa una syempre masaya kami. Hindi ako kagandahan pero sya chinito na maputi. Idk nga ano nagustuhan nya saakin eh.
During our 1st year na magbf/gf, okay naman sya. Siguro kasi 1st bf ko sya. Hindi pa ako marunong ng mga redflag redflag na yan noon kasi first time. Puro lang kasi ako crush crush nung college. In short bulag ang ate mo kasi inlove. Unang napapansin ko sakanya na akala ko normal, nahihiya sya na makita ng mga blockmates nya na kasama ako. Hindi naman ako ganun kapangit. Tapos naman napansin ko pag nasa mall kami napapalingon sya sa girls yun talaga nagalit ako sabi ko nakaka-bastos sa part ko eh ako marupok pinatawad.
Nung nagpandemic na, nagstart na sya mag-iba ng ugali. Meron pa akong nadiscover meron syang addiction sa p()rn. Yung 365 days nakailang ulit sya kasi nakita ko sa history ng account nya. Nadismaya ako kasi hindi ko alam na meron syang ganun side kasi nung mga previous years okay naman sya or baka bihira kami magkita kasi busy sa schoolworks? Nangungulit din sya magpasend ng video ko or pictures na nud3s pero ayoko talaga nagagalit sya bina block nya ako. Akala ko normal na tampuhan yun redflag na pala. Naalala ko pa nanunuod kami TV lumabas si Ms. Catriona Gray sa isang show sabi nya saakin "Kung ganyan kaganda GF ko buntis agad yan sakin ihi lang pahinga. Joke lang" nagtaasan balahibo ko sa sinabi nya sabi ko "G@go? Ano ba sinasabi mo? Saka sa itsura mong yan papatulan ka nyan?" sobrang inis ko kasi sakanya kaya ganun sinabi ko.
2021, una akong nagka-work saamin. Actually for experience lang kaya ako nag apply bilang JO kahit 6k sahod sabi ko okay lang wala pa naman ako ginagastusan. Kaya simula nung nagwork ako spoiled sya sakin, food, damit, or anything na request nya na afford ko binibili ko kasi mahal ko at tanga ako eh. Dumating sa time na nakaipon sya ng marami kasi binibigyan ko sya 500 or 1k depende sa budget ko monthly yan. Kada lumalabas kami sabi nya wala sya pera edi ako na naman taya pero marami sya ipon ayaw lang gumastos naintindihan ko ulit yun kasi alam ko wala sya work and nagrereview for board exam. Hanggang sa napapansin ko lumalala ang mga luho na umabot sa point nagka-utang utang ako mabili lang gusto nya at takot ako maiwan diba ako si tanga?
2022, dito na gumuho mundo ko. Mid-July right after my birthday I noticed na merong active reactor sa posts nya sa FB. I stalked the girl, hubadera and single mom. Nagduda ako and kinausap sya. Sabi ko "Hi kilala mo si W****?" Grabe kabog dibdib ko kasi alam ko something is wrong I can feel it. Sabi nya yes we're fubu. Grabe as in grabe gulantang ko nanlamig talaga ako di ako makapagsalita nakaramdam ako ng pagkahilo. Sunod sunod na iyak ko. Hindi ako nagkamali sa pagdududa ko. Sabi ko "I see kelan pa?" sinabi nya date and yun yung time na panay hingi sya sakin ng pera it turns out pang check in nila ni single mom and sabi ko "GF nya ko 4 years na kami" di nya raw alam na may GF ang sabi raw kasi "single na 2years ago".
Kinalma ko sarili and nagpasalamat pa sa honesty ni single mom. Chinat ko bf ko and sinabi ko lahat sakanya and ginaslight pako at nagalit na walang katotohanan lahat na sinabi ni single mom. Tinanong ko sya "bakit mo nagawa yun?" sagot nya sakin "Eh kasi nagsasawa na ko sayo." I'm so confused and lost di ko na alam. Durog na durog ako, I mean lahat ng kabaitan, pagmamahal binigay ko, suporta lahat and eto lang ipapalit saakin?
I ghosted him pagod na ko ayoko na. Blocked sa lahat ng soc med, deleted his number and started to move on sabi ko sa sarili ko tama na. After a month, narealize ko isang araw lang pala ako umiyak na malala, kasi kami palang nagmomove-on na ako. Hindi ako natrato ng tama, puro pala ako beg ni isang regalo wala ako natanggap sakanya. Gabi-gabi ko sya iniiyakan nung college bukod sa acads. Puro trauma dinulot nya saakin at problema and hindi ko narealize kasi mahal na mahal ko sya. Nung nakawala ako sakanya parang nawalan ako tinik sa dibdib naging peaceful tulog ko. Mr. Mechanical Engineer napatawad na kita, I'll take it as a blessing hindi ako marunong magtanim ng sama ng loob. Niligtas ako ni Lord sa kagaya mo. And ngayon, I'm so contented na sa buhay ko masaya na ako. Nagagawa ko na mga gusto ko. And si single mom? Last na balita ko sakanya ka-date nya yung classmate mismo ni Ex ko.
submitted by Numerous_Okra_3883 to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.14 06:45 blepleb Table (human) food vs dog food

I have this friend na ang pinapakain sa dog nya is mga lutong ulam na usually inuulam din ng fam nya. Hindi naman yung mga tira-tira. Like magluluto sila halimbawa ng ulam for lunch, tapos yun na rin yung papakain nila sa dog.
This friend also strongly believes na mas healthy ang lutong bahay sa dogs instead of feeding them yung mga usual dog food. When we had a discussion regarding this, parang medyo na-shame pa ako ng slight kasi hindi ko raw alam na puro processed food lang yung mga dog food na pinapakain ko sa dog ko. Ang stand ko naman, may mga seasoning kasi sa mga lutong bahay na hindi dapat pinapakain sa dogs. At kung sakali man na maglalagay ako ng human food sa bowl ng alaga ko, white meat like chicken lang na walang seasoning. 😅
Kayo ba, what do you guys think? Mas healthy nga ba ang table (human) food for dogs?
submitted by blepleb to DogsPH [link] [comments]


2024.05.14 06:01 zumbaout Night differential?

Paano ang dagdag ng night differential sa sahod? Eh diba taxable yan? eh di halos wala na matitira?
at kung halimbawa ang sahod mo ay 25k + night differential
Mga magkano kaya ang take home pay?
submitted by zumbaout to BPOinPH [link] [comments]


2024.05.13 21:20 Pure-Cable8632 Filipinos and their ignorance about social issues

Lately, napapansin kong bihira ang mga Pinoy celebrities magspeak-up tungkol sa Palestine and Israel issue. I mean, hindi dapat ito malayo sa atin bilang Pilipino na sinakop ng hundreds of years ng iba't-ibang banyaga. Yes we are a catholic country but we aren't supposed to be tolerant of land-grabbing and genocide. Sa USA, netizens are holding celebs and brands accountable sa hindi pagspeak up about it, bakit sa atin hindi magawa knowing that unjust occupation is something close to our cultural and heritage scars?
submitted by Pure-Cable8632 to AskPhilippines [link] [comments]


2024.05.13 21:11 Unbothered09 I don't really like building rapport!!!

I don't like building rapport with customers unless sila mismo magsisimula. Unang-una, mawawalan ako ng focus sa work process. Pangalawa, yung mga questions ko sa customer tungkol lang din sa concern nila (probing). Pangatlo, wala akong pake kumusta araw ng kausap ko sa call.
I understand it is to avoid dead air pero hindi siya yung concern dito. Building rapport lang kasi lack sa QA ko.
But I always find formality in call center a bit odd. Parang nagpaplastikan lang tayo.
If you have tips on how to build rapport, please drop it below.
submitted by Unbothered09 to BPOinPH [link] [comments]


2024.05.13 16:10 ningningdungie i don't like doing group projects with my cof

So may group project kami sa MIL na about sa mga Microsoft Office apps. Sabi ni ma'am, kami na raw bahala mag-group sa sarili namin kaya nagdecide kami ng cof ko na kami-kami na lang since sakto na yung bilang namin. Binigyan kami ng 1 week para gawin yung project. after ng uwian namin, nag-chat ako sa GC namin kung paano namin gagawin yung project, at lahat sila ang sumagot na "mamaya na 'yan, matagal pa naman ang deadline" at "paawat ka muna teh, kakauwi lang natin." kaya sabi ko, "sige." tapos, nung 3 araw bago ang deadline, ni-chat ko ulit sila kung kailan namin gagawin yung project, iniba nila yung usapan. Nakakainis kasi gusto ko nang gawin para hindi kami matambakan. Lahat ng mga kaklase namin tapos na, kami na lang hindi pa. Tapos kinabukasan no'n, ni-chat ko ulit sila tungkol dito, pero in-ignore lang nila yung chat ko. Noong nag-reply yung isa kong kaibigan na nagrereklamo kesyo ang dami raw pinapagawa ng teacher namin saka sila nag-chat sa GC, nainis na ako kasi parang wala talaga silang balak na gawin. Kaya tinanong ko yung teacher ko kung pwede ko na lang ituloy mag-isa kasi parang wala pa rin silang balak gawin. Sabi ng teacher ko magcha-chat daw siya sa GC namin. Ito yung chat ni ma'am: "I will remind you all about our project, the deadline is on Sunday. Make sure tapos na kayo ah." Tapos biglang nag-chat yung kaibigan ko sa GC ng cof namin ng "ayan na nagparamdam na si ma'am." kaya tinanong ko sila, "so kailan niyo balak gawin?" pero in-ignore na naman nila ako 😭😭😭. Nainis na ako, kaya nag-open up na ako sa kanila na naiinis na ako kasi malapit na yung pasahan at hindi pa rin kami tapos. Sinabi nila hindi daw kasi nila alam kung paano gawin yung project kasi tulog daw sila nung diniscuss ni ma'am yon. Sabi ko, "madali lang naman 'yon." Biglang sumingit yung isa, "edi ikaw na lang gumawa, alam mo pala e." tapos nag-agree at tumawa 'yong ibang friends ko. doon na talaga ako nainis kaya nag-beg na ako kay ma'am na ako na lang mag-isa gagawa, wala na akong kagrupo. buti na lang pumayag si ma'am. ngayon, no'ng nalaman nila na gumawa na ako at pangalan ko lang nakalagay, nagalit sila kasi ang selfish ko raw 😭😭👊🏻👊🏻
submitted by ningningdungie to studentsph [link] [comments]


2024.05.13 09:49 skuldice 25 [M4A] LF Active Members Working & Studying (Anime x Angas Discord Server)

Hi naghahanap kami ng mga makakausap pa tungkol sa Anime or kahit ibang bagay lalo na sa umaga at gabi. Season 6 na and new batch na ng members ang sumasali sa aming server.
Open sa mga Gen Z and Millenials. Sobrang safe space nito dahil kahit anong sabihin mo sa server na ito ay di ka ma jujudge.
Pwede ka din magsabi ng cancellable takes! Walang pakialaman.
Hindi na Anime mostly pinag uusapan dito pero ANIME ang common ground ng lahat.
Tambay nalang kayo kung gusto nyo maglaro ng PC games/ Mobile Games or kahit manood lang ng mga naglalaro. Pwede din sabay sabay nood Anime or Karaoke?
Kung interesado ka makigulo ka na kasi welcome ka. DM or Comment para sa server link!
submitted by skuldice to PhR4Friends [link] [comments]


2024.05.13 06:36 nicenice634 Job web dev careers

Sobrang laking pasamalat sa reddit sub na ito from studying advice, resume advice at job hunt advice. Finally landed a job sa web. Now moving forward... As entry level hindi ko afford maging choosy, I grab the job na kaagad pero not the role I really love pero web development is web development parin.. Sa mga seasoned web developers. Paano kayo lumilipat lipat ng mga techstack? I mean transferrable ba ang mga knowledges halimbawa kung react developer ka moving to vue o kaya nodejs express going to java or .net backend... In changing tech knowledge or switching web dev roles. Do you need to go back sa junior position? At totoo ba na mas dumadami years of exp. Nababawasan yung mala-leet code na technical exams? Kung papalarin gusto ko talaga magfocus as backend dev. Love to hear your thoughts!!
submitted by nicenice634 to PinoyProgrammer [link] [comments]


2024.05.13 05:40 non-n3urotypical 10 second rule

Laking pasasalamat sa generation ko ngayon, (23M) sa pageemphasize ng 10 second rule. For the longest time, hindi ako tinitigyawat kasi ewan ko genes siguro. Not until last November 2023 na until now nagbbreak out ako. Takot na akong humarap sa relatives dahil walang ibang binati kung hindi mukha ko na pumangit na raw compared dati na ang kinis kinis ko.
Pero kapag kaedad ko lang hinaharap ko, wala akong naririnig. Nawala kumpyansa kong mameet ang ibang tao tbh or kumausap ng kahit na sino kasi pakiramdam ko wala na lang ibang makikita kung hindi 'yung mukha kong madungis na ngayon. Salamat sa generation ko sa pagiinsist sa 10 second rule, hindi na ako masyadong nagwoworry sa face ko kapag ang kaharap ko former classmates or young colleagues.
At para sa mga boomers na mas mahalaga ang mukha at puro panlalait ang alam, putanginaniyong lahat. oo mga pakyu kayo. akala niyo naman kikinis ng mga mukha niyo. nauuna pang punahin mukha ko bago ako kamustahin o tanungin tungkol sa ganap ko sa buhay. oo kaya ayoko na nagpapakita sainyo kasi papangit ng mga ugali niyong mga matatanda pwe.
submitted by non-n3urotypical to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.13 02:56 jamesIbarraFraser Nagtanong lang pinalalayas na?

Nagtanong lang pinalalayas na?
Bakit nde na lang sagutin ang mga humihingi ng paliwanag sa mga issues like Area 52, Salut, Johns at Chloe’s? kung bakit nagtinda ng alak eh tinuro nila na bawal magbenta ng alak? Yung mga tanong tungkol sa pananampalataya dapat sagutin ni Daniel Razon kung tinuturing nya na taga akay cya? O TANGA-Akay?
submitted by jamesIbarraFraser to ExAndClosetADD [link] [comments]


2024.05.12 21:49 EPHYM0RPHY Panganay si Nanay

Hello. I just really need to vent out, and feel free to give me an advice but please do avoid "criticisms" because that is not what my troubled mind is needed right now. Sobrsng mahaba ito but if u could bear with me :)
I'd like to tell you about my Mama. Si mama siya lang yung napagtapos nina inay at itay (grandparents). Kaya guess what? Nakatatak na sa utak niya na tungkulin niyang tumulong sa mga kapatid nya dahil "siya lang ang may kakahayan." That she's the only one capable dahil sya lang ang may stable job. Si mama never siya nagmissed tuwing occassions -sa kanya lagi malalaking gastusin/ambag; she rents the place, pays for everyones accomodations, and/or foods. Wala kang maririnig na reklamo mula sa kanya. Why? Dahil sanay siya, and gusto niyang tumulong sa pamilya niya. Each and every "sahod" na marereceive nya lagi sya may bigay na material na bagay sa mga pamangkin and/or sa mga kapatid(8) niya (ages 30-50 na may kanya kanyang pamilya na din) especially sa youngest nila (30M)
Kaso lang.. Nastroke si Mama. Si mama na maingay, di na makapagsalita. Si mama na gala, di na maihakbang ung mga paa niya. Si mama na malakas kumain nangangayayat na. Hindi nya na manguya pagkain niya. Luckily I didn't have to stop schooling para maalagaan siya dahil kasagsagan ng online classes and asynchronous learning noon. I had to bathe and change her clothes/diapers right after magsagot, then feed her while having lunch myself tuwing break time namin of 30 mins. Never ako nandiri sa kanya, and I never will. But di ko maiwasang mag isip why I'm doing it. Ginagawa ko lang ba to as "utang na loob" kay Mama dahil ginawa niya rin para sa akin to nung bata ako? Or am I doing this out of my love for her? (Do tell me what you think about this din po)
Nastroke si Mama. Pero bat ganun? Ung mga kapatid niyang "tinulungan" niya di siya matulungan ngayon? Don't get me wrong. Hindi ko po nilalahat ung mga siblings niya. BUT some of them are. My tita (younger sister ni mama) bought her some fruits and kasama niya si inay, I saw them crying habang kausap si mama na nakangiti lang, then they prayed for her recovery habang hawak nila kamay ni mama. Now onto the main problem ko po. Dumalaw naman yung youngest bro ni Mama. Wala siyang dalang kahit ano. Ni hindi niya kinumusta si mama, tinitigan niya lang. Guess what? Binawasan niya pa yung mga dala ng bumisita kay mama that day. During her recovery, hindi muna nakakapagbigay ng "tulong" si Mama sa kanila. Hindi ko alam kung bawi ba to or what but after her recovery dumagsa bigla ang "may xtra k b dyan?" "pahingi nmn-" "bigyan mo nmn muna-" NI HINDI PA NAKAKALAKAD AT NAKAKAPAGSALITA NG TUWID SI MAMA.
Kaya naman si mama, bumalik na sa trabaho niya miski hindi pa siya fully recovered. Tinanggap siya ng supervisor nila magwork dahil he pitied her. San nalang kami dudukot ng pang kain and baon to go to school? Keri naman masustain ni ate and papa(stroke survivor din) ang pang araw araw namin, "paycheck to paycheck" kumbaga, kaso di matiis ni Mama na di tumulong sa kapatid niyang bunso na nakabuntis at need ngayon ng pera para sa pangsngsnak and pagpspakasal nya sa nabuntis niya.
Now after mamuhay ng paycheck to paycheck, thankfully unti unti n din nagrecover ang finances namin. Kahit 2 na sila mama and papa na need ng maintenance ngayon, at least they can go back to their normal lives na without being hindered "too much" ng physical disabilities nila. But nagulat kami dahil bigla nalang pumapayat na uli si mama and medj sumasakit ang ilang parts ng body nya, kaya binalik namin ang physical therapy niya every day, and ako namsn sng nagmamassage at night. Not until nslaman ko ns tinitipid nya psla sng maintenance niya. For what? PARA MAY MAITULONG SA YOUNGEST BRO NYA NA MAY SARILI NG TRABAHO PERO SA KANYA PA HUMIHINGI NG BAON. I also found out ns everyday na pala humihingi ng pang ulam ung pamilya nila ksy mama. KAYA PSLA SABAW LANG INUULAM NI MAMA SND DI NIYA KINAKAIN UNG MGA MEAT AND VEGGIES FOR HER, PARA AYUN SNG MAIBIGAY NIYA SA KSPATID NIYA. Pati pambaon ng anak nung girl (anak from ex bf) sa kanya din inihihingi. Ultimo pambayad sa mga clearance snd pampamedical nila kay mama sila humingi, tapos si msms di maksbili ng sarili niyang gsmot. How ironic diba?
Hanggang sa hindi na ako nakapagtimpi. Nung gsbing yon, nanghingi nanaman sils ng pang ulam at baon nila sa trabaho st bson na rin ng anak nila sa school bukod p ung meryenda nubg bunso nila (real anak nung bro ni mama). Kaya naman nung nabasa ko ung chat ns yun, dinala ko ung isang kalderong ulam na panghapunan dspat namin at saka ilang balot ng lava cake st dinala lahst yon sa bahay nila. Nagkataong wala ung kapatid nya at may bata kaya hindi ko nagswsng ilabas ung mga sama ng loob ko sa kanilang matagal kong kinimkim! At ang nasabi ko nalang ay "Last nyo na yan ha? Inaraw araw nyo na si Mama. Pati pambaon ng buong pamilya nyo kanya na. Maawa naman kayo please!" I know, ang anti climatic haha. Then lumabas ako and di mna ako umuwi dahil di ko mapigil luha ko sa galit. Then nspansin ni Inay dahil compound yung bahay nila snd narinig niya pala yung sigaw ko. Sino raw yung kaaway ko? Kaya nag open up ako sa kanya, thinking that she'll understand and help mama. But guess what? Sabi niya "Hayaan mo nalang kasi Mama mo ang may kayang tumulong eh" Nagpantig yung tenga ko. Saksi siya sa hirap ni mama nung nastroke sya. Matapos niya marinig mga pinaggagawa kay mama nung kapatid niya, ano? "Hayaan mo nalang-" ayun ang masasabi niya? Why did u shed tears nung nastroke sya? Was it because wala nang tutulong sa bunso niyo kapag hindi gumaling si mama? Paano naman si Mama? Si mama na panganay na mas kuba pa sayo dahil siya ang pinagpasan mo ng mga responsibilidad mo. Di ako nakaimik agad ...
"Inay. Anak mo rin si Mama-"
then biglang pumasok yung isa pang bro ni mama na puro online sabong at utang din kay mama. Pauwiin na daw ako. Chinat nya psla si mama nung nagpunta ko dun at nag iiyak. And pag uwi ko, ayun, nagpang abot nanaman kami.
Alam nyo ba, si mama ang nagpaaral sa bunso niysng kspatid. Kaso di sya nskatapos. Di siya nskatapos di dahil kinapos si mama, di siya nskatapos dahil nagbulakbol siya at naging tambay sa mga com shop. Pero binaliwala ni mama yung mga pinagpagursn niyang pera pang tuition nun. At dahil nga hilig nya sa comp shop, pinakiusapan ni mama yung kapatid ni papa para bigyan ng trsbaho yung kapatid niya na tungkol sa computer. Ksya nsman nagkatrabaho siya. Kaso ano? Hindi na pala pumapasok sa trabaho, kesyo may nsrsrsmdsmsng ganito ganyan, hanggsng ngayon sa bago niyag trabaho ayan lagi dshilsn. Samsntslsng si Mama na pipilay pilay maglakad sy nstitiis tumayo ng ilang oras para makapagtrabaho araw araw nang walang mintis? Tapos siya na walang kapansanan sipunin lang ay tetengga nslang buong araw at manghihingi ng kung anu ano kay Mama na nagsusumikap?
"Ako lang kasi ang nakatapos sa amin-" " Wala pa kasing suwerte yung kapatid ko nak-"
Gusto kong sabihin na wala talagang suwerte. Na yung pagtatapos niya? Pinagsikapan niya yun. Yung oportunidad niya makakuha ng magandang trsbaho? Nakuha niya yun kasi hinasa niya yung sarili niya at naghanda para dun. Gusto kong magalit kay Mama, pero naaawa ako kay mama. Akala ko binti ang problema, pero bakit pati sa mga mata niya may mali na? Hindi niya ba makita o nagbubulag bulagan siya sa mga pananamantalang ginagawa sa kanya ng sarili niyang kadugo?
Ang bait ni Mama... kaya nakakainis si Mama. Nakakainis makita siyang sinasamantala ng sarili niyang pamilya. Nakakainis na sa tuwing kinakausap at pinagsasabihsn namin siya tungkol dito sumasama ang loob niya. Nakakainis kasi di niya makita na kailangan niya unahin tulungan sarili niya bago ang iba. Nakakainis na kinampihan niya ang nanay niyang hinahayaan lang siya. Paano ko ipapaintindi sa kanya ang mga ito ng hindi sumasama ang loob niya? Nagiging kalaban bigla ang trato niya sa amin dahil pinipigilan namin siyang "tumulong" sa kapatid niya. Mahal ako ni Mama, at mahal na mahal ko siya. Pero bakit sa tuwing ito ang usapan ay nskakalimutan niyang anak niya ako at kami ang mga taong habang buhay ay nasa panig niya?
submitted by EPHYM0RPHY to PanganaySupportGroup [link] [comments]


2024.05.12 17:51 Lavenderofthevine r/ABYG para sa pagiging nalinggit ko sa aking ex-bff?

Hi, ako si Lavender. Hindi ko ibubunyag ang edad o pangalan, pero tawagin na lang natin ang ex-bestfriend ko na si Slime at ang boyfriend ko ngayon na si Bee. Pareho kaming nagkagusto ni Slime sa lisang lalaki, pero mas gusto lang pala niya si Slime. Handang gawin ni Slime lahat para sa akin, kahit alam niyang may gusto rin siya kay Bee. Hindi ako pumayag, pero ilang buwan pa lang, umamin si Bee sa akin. Masaya ako, pero may bahagi pa rin sa akin na naapektuhan dahil si Slime ang naunang nagustuhan ni Bee, hindi ako. May insidente na hinalikan niya si Bee sa pisngi, kahit alam niyang may relasyon na kami ni Bee. Hindi ko siya na-confront noon, pero sabi ng isang kaibigan namin, weird daw yun. Naiinggit ako sa closeness nila ni Bee; tuwing mag-uusap kami ni Bee, si Slime na ang nasasangkot, at sila na ang nag-uusap. Ilan buwan pa, naghiwalay kami ni Bee. Sinabi ni Slime na alam na niya noon pa at pinagsisisihan niya yun. Kinabukasan, sa klase, patuloy niyang sinasabi na ramdam niya ang sakit na nararamdaman ni Bee. Tumango lang ako pero sinabi ko rin sa isang kaibigan tungkol dito, at sinabi niya na pansinera si Slime. Sinabi ko na kung ganun rin lang, bakit hindi niya jowain si Bee? Pagkalipas ng isang taon, nagtapos ang pagkakaibigan namin dahil sa ugali niya. Nang sa wakas ay harapin ko siya tungkol sa halik na insidente, napansin ko ang napipilitang tono niya sa sorry. Hanggang ngayon, nakikita ko pa rin siyang nagpopost ng mga ganoon; hindi kasalanan niya kung nainggit ako.
Gago ba ako dahil iniisip ko na hindi talaga ako ang nauna at parang ako pa ang naninira sa kanilang pagkakaibigan?
submitted by Lavenderofthevine to AkoBaYungGago [link] [comments]


2024.05.12 16:24 Careful_Main_1057 Normal paba to na ganto bini bigay ng teacher

Guys my friend ako sa Ilocos babae siya grade 11 then yung teacher nila sa rws pinabili sila nang novel book at lahat ng title iba iba yung teacher ang nag bigay tapos page nabili na DAW need basahin buong book tapos ibibigay na sa teacher kasi gawan nila ng plot nagulat ako sa sinabi Niya Sakin tungkol sa laman nang librong yun na pinabili sakanila my word na mga bastos sobra malalaswa talaga yung salita meron pang can you be my sex slave Tama pa ba to ALAM BA NG DEPED TO MY MALI NA DITO
submitted by Careful_Main_1057 to Philippines [link] [comments]


2024.05.12 16:04 phantom-at-dawn82 Lost the love of my life to lust.

'Di ko alam paano ko ikukuwento nang buo at maayos pero basically I lost the love of my life, my bf for years, to lust because he cheated on me, hindi in a "romantic way" pero ayan, dahil sa spak0l.
We're in our mid 20's. Active naman kami sa sex and by active, I mean weekly. Minus lang yung isang linggo na may period. We're on birth control too so wala siyang awat sa pag-cum and wala rin kaming worries, for years na. Hindi rin naman ako tamad in bed, sadyang minsan I prefer taking a rest first bago mag-go. Ginagalingan ko rin naman, so much na pinapa-stop pa niya 'ko kasi ayaw muna niya labasan, mapa-on top man ako niyan or mapa-bj. Haha! It sucks how things like this make you so insecure. Ta's napansin ko kaya pala dumalang yaya niya sakin kasi may ganiyan nang ginagawa. Umabot sa point na nagtatalo na kami at minamasama ko na kasi di niya na nga ako hinahanap. E pa'no wala naman akong kaalam-alam.
He managed to hide it from me for months. Baka nga 1 year na. 'Di ko maintindihan kung bakit lalo na every week halos inask ko siya if may tinatago ba siya or may need ba ako malaman. I kept telling him na sana faithful pa siya sa akin/sa amin. Ewan. And now he kept saying dahil grabe daw kasi mga problema sa buhay, nakaka-stress ang work kaya after work do'n diretso since walking distance lang, tapos nagaaway pa kami. Alam ko naman may pinagdadaanan siya lalo na sa family niya na as in grabe rin problema. Alam ko rin naman na nagaaway kami at nagagalit ako sa kaniya lalo na may kutob na kasi ako. Naging sobrang magagalitin na rin ako at nasasaktan ko na rin siya sa pagmumura sa kaniya, kasi nga alam kong may tinatago siya lalo na pag ginagag0 niya ako pagdating sa oras ng uwi. Nafe-feel bad pa ako minsan pag nagooverthink ako. Kasi sweet rin talaga siya e saka na-gaslight niya talaga ako na parang isip-isip ko bigla na kung anu-ano nga iniisip ko. May mga time pa na nagso-sorry ako sa kaniya kasi nga like he said, "bantay" ko raw siya. 'Yun pala 1-2 hours lang sa mga spak0l na 'yan, labas ka lang kahit extra na 500, makakalusot ka na.
Kung usapan lang kasi ng k!nk, naging open naman ako sa kaniya. Ang tagal na rin namin kaya alam ko rin naman need i-spice up ang s3x life. Ako pa nga actually ang nagsimula / nag-open up since mahiyain rin talaga siya and parang go with the flow lang ganon. We even made a new reddit account for new things na ita-try sana namin pero siyempre kako dapat pag-usapan, uunti-untiin at pagpa-planuhan. At siyempre kailangan rin magpatest muna kami. Gulat ako na nauna na siya sa sarili niyang fantasies, oh 'di ba ayos na ayos.
Any thoughts? May nakalampas na ba rito? May same ba na ganito pinagdaanan? Kasi pucha sa dami ng nabasa kong posts ng mga lalaki tungkol diyan, na-realize ko dami pala talaga tumatangkilik diyan. Meanwhile di ko 'yan malalaman kung di ko pa nahuli bf ko. Mabasa basa ko pa na 'yung iba nagagawa rin talaga itago sa mga asawa / girlfriend nila. Abot ka lang pera pagtapos ng masahe, may blowj0b / handj0b / penetrati0n ka na. Lakas ng bf ko daming pera e. Sa tagal namin magkasama, 'di ko 'yan pinaggastusan sa akin except kung exchange gifts kami. Ultimo dates, nagbabayad ako ng para sa akin. Bukod kasi sa ma-pride rin ako, ayoko rin siya paglabasin ng pera o "i-spoil" ako kasi alam kong masinop talaga siya ultimo sa sarili niya hindi siya maluho or what. May mga gusto siya para sa sarili niya na it will take a lot of time and "window shopping" muna bago niya bilhin. Sobrang sinop talaga, pero sa ganiyang bisyo isang bulong lang, go lang kahit butas bulsa.
Sobrang broken-hearted ako ngayon kasi 'di ko akalain na pagdadaanan namin ito. Sa totoo lang, sa relasyon namin, bf ko ang mapag-pasensya. Ma-effort rin siya sa akin. Professional na rin at alam kong maraming gusto sa buhay although alam ko na sobrang pressured siya dahil sa family niya. Alam ko at naramdaman ko na mahal niya ako. Pero nitong mga huling months namin, ayun nga, napadalas away namin. And napagsasalitaan niya na rin ako masakit and nagagawa murahin. Even personalan na rin siya kung magsalita, about sa struggles ko sa buhay. Alam ko for sure na ipon ang galit niya sa akin dahil nga sa nasasaktan ko na rin siya sa pananalita at pagmumura, dagdag pati na rin sa mga galit at struggle niya sa iba pa niyang pinagdadaanan sa buhay. 'Di ko lang akalain na ganito na ito na solusyon niya, na ito na pala nagagawa niya at ganito ang mangyayari sa amin. All this time, napapaisip ako nagdududa na ako sa amin kasi nga ang lala na ng mga away. May reason behind rin pala na ganito kalaki.
Now na apart na kami, lagi ko naiisip sana siguro naging mas matatag pa ako. Sana 'di laging umiral 'yung galit ko kung sana lang rin kasi na alam ko rin na may ganito nang problema. Sana nagawa niya rin magsabi sa akin at mag-communicate. Kasi parang all this time, nanghuhula ako sa bagay na wala pala talaga akong idea. Alam mo 'yung galit ka kasi nga wala ka nang alam? Isip ka nang isip nang dahilan bakit ganito na 'yung nagagawa or nangyayari, 'yun pala kasi behind your back ganiyan na ang ginagawa. Sa mga pag-ignore niya sa akin lalo pag nag-aaway kami and I know ako rin naman kasi ang daming sinasabi (gaya nga sabi niya nasanay na raw siya sa nag ko), na-feel ko at naisip ko na wala na talaga siyang interes sa akin. Ayun pala nakahanap na siya uuwian niya at panandaliang sarap at solusyon sa pinagdadaanan niya.
Sana na lang kasi ay hiniwalayan niya na lang ako. All those times na nagta-try kasi kami ayusin, parehas naman kami nagdedecide and may hope na kaya pa. 'Yun ang nafeel ko. May times pa na nag-iiyakan kami. Full of hope pa kahit hirap at struggling na. Kaya ngayon talaga napapa-look back ako ano na ba ang totoo at ano ang hindi.
'Di ko na kaya hahaha akala ko kasi 'yung mga away namin, 'yun na 'yun eh. Ayun pala may mas malalang problema pa. Sabi ko nga sa kaniya, sana pinatay niya na lang ako.
Side note: Medyo matagal na rin since I found out. 'Di na rin kami naguusap. We also had ourselves tested and buti naman ayos resulta. He also denied having s3x, bl0wjob na raw and touch at most. Idk what to do anymore, nakakapagod sa pakiramdam. I can't function, araw araw na lang. I just want to move past this.
submitted by phantom-at-dawn82 to adviceph [link] [comments]


2024.05.12 15:23 Significant-Sail-120 Sa tingin nyo kaya may kukuha pa sa akin? gusto ko na kacng lumabas na at makatrabaho. "Living suspectedly with "visual tourettic ocd"

Im a failure... hindi ako nakagraduate, walang kaibigan at mostly walang trabaho. "NGSB". lagi lang nandito sa bahay. parang most of my life mula pagkabata hanggang pagtanda hindi ako naturing na lalaki sa mata ng ibang tao.
25 years old still a virgin. Ilang beses akong nabackstab at nabully at mas masakit pa don. sarili ko pang tinuring kong bestfriend ang nagdisrespect sa akin ng ilang beses. Suspected ko sa sarili ko na meron akong "VTOCD" isearch nyo nalang. famous ako dito sa barangay namin hindi dahil sa naging choir ako sa parokya dito. hindi rin dahil sa talent ko sa pagkanta kundi dahil sa unwanted staring ko sa ibang tao dito. I have this kind of illness which is uncontrollable tourettic staring sa ibang tao. Iniwan ko rin mga kaibigan ko dahil natatakot ako na baka sa huli sila ang umiwan sa akin dahil sa VTOCD ko na to. That's why Im working on myself to get respected be and be solo nalang sa buhay. but then I realized na may mga ibang tao dito na minamanipula yung tingin sa akin ng ibang tao dito.
Maraming nagwoworry sa akin pero natatakot ako makipagkita ulit sa kanila dahil ayokong mawala or magalit sila sa akin dahil sa baka biglang magkaroon ako ng uncontrollable tourettic staring reaction towards sa kanila kaya hindi ako nakikipagkita sa kanila. sa totoo lang malaki ang tingin ng ibang tao sa akin dito nong bata ako. Gwapo, laging section 1, may talent sa pagkanta pero lahat nagbago nong tumanda na ako natrauma ako through bullying like saying homophobic slurs tungkol sa akin nong highschool years ko.
Nagkaroon ako ng girlfriend nong grd 9 ako nanligaw pa nga sa akin ng 1 week lang. pero nagkahiwalay ka agad dahil may pagkaisip bata daw kac ako and I admit na minsan ganon talaga ako. hindi ko rin masasabi na naging girlfriend ko sya dahil its just a week lang tumagal relationship ko don sa babae. Hindi ako lumalabas dahil ilang beses na rin muntikang mapahamak dahil sa VTOCD ko na to. ilang beses na rin akong napaaway dahil iniisip nila na parang naghahanap ako ng away lagi dahil sa laging pagtingin ko sa kanila which is na hindi ko naman kontrolado.
takot din akong makapagtrabaho dahil nong inioffer ko sarili ko sa isang animation studio binackstab lang nila ako at pinaringgan ng mga homophobic slurs tungkol sa akin. Naguguilty ako na nagagawa ko yon sa ibang tao even though na hindi ko naman gustong gawin na magstare sa kanila ng ilang beses. kahit sa magulang ko ganon din ako pati din sa mga kapatid ko. pero happy ako sa mga kapatid ko dahil naiintindihan nila kong ano yung nangyayari sa akin. kaya hindi nalang din nila pinapansin.
sa totoo lang gusto ko parin magkaasawa at magkaanak kaya nagpromise ako sa sarili ko na pagnagkaasawa ako don ko ipapakita sa babaeng yon na magiging faithful ako at mamahalin ko yong babae na yon don ko ipapakita na lalaki ako at hindi ako magloloko katulad ng ibang lalaki. meron kacng mga ibang lalaki na nature na nilang maging faithful or trustworthy sa asawa nila. pero ako need kong laging magwork para don dahil sa unwanted na OCD ko na to.
which means every fuck#ng day need kong panatilihin na ganon ako na a man who can trusted and be worthy to be love by a girl. dahil sa VTOCD ko na to. pero im hoping parin makapagaral ako at mapagpatuloy ko na gawin yung gusto ng magulang ko sa akin na makapagkatapos ng pagaaral. naguiguilty ako sa bunsong kapatid ko dahil hindi ko mabigyan ng regalo man lang o pera yong kapatid ko dahil dito. gusto ko rin magtrabaho pero naghahanap ako ng more on solo lang. dahil nga mental illness ko na to.
Sa tingin nyo kaya may kukuha pa sa akin para makatrabaho ako?
Im actually aware tungkol sa self diagnoses ko but based on my experience for about 6 and half years na rin marami akong pangarap na hindi ko nagawa dahil sa ganito ako sa ibang tao. marami rin akong taong nameet sa social media na ganito rin yung experience nila. and this is usually rare at hindi masyadong kilala sa bansang to. kaya kong gugustohin kong magpacheck up need ko pang magibang bansa para lang sa diagnoses na to.
submitted by Significant-Sail-120 to MentalHealthPH [link] [comments]


http://rodzice.org/