Nakakatawang linya

Bakit si Loonie ang GOAT ng Battle Rap sa Pinas?

2024.02.04 06:22 Alert-Respect-562 Bakit si Loonie ang GOAT ng Battle Rap sa Pinas?

Para sa akin ay..

- Bukod kay Zaito eh isa sya sa pinaka-nakakatawang Emcee kapag bumanat ng linya, tas lahat pa ng mga jokes nya eh classic at quotable yung tipong kabisado ng utak mo.
- Napaka flexible nyang emcee, na tipong kaya nyang mag switch ng style na sobrang swabe na hindi mo namamalayan (tas yung tulay nya is yung swabeng multis)
- Kaya nya gawing simple ang mga komplikadong linya, tas lahat yun talagang tumatatak at madaling ma-digest ng tao. Yung tipong sobrang siksik ang bara at hindi ka mabibitin.
- Bukod dun eh meron syang solid charisma sa stage at napaka entertaining na boses at delivery na talagang di mo siya maiiwasang pakinggan.
- At syempre ang makulay at detalyadong multis na hindi kayang tapatan ng ibang emcees.
Ikaw bakit si Loonie ang GOAT?

submitted by Alert-Respect-562 to FlipTop [link] [comments]


2023.12.19 01:01 easykreyamporsale Ahon 14 Day 1 Review (Part 1)

Alam mong inangat ng FlipTop ang production nila ngayong Ahon 14. Tatlong LED screens ang nasa venue. Dalawa sa likod at isa sa mismong stage. Recorded yung boses ni Anygma sa simula about dos and don'ts para raw maipreserve ang boses niya hanggang dulo. Nagsimula ang unang laban bago mag-6pm.
Unang laban, CNine vs Karisma. Bitbit pa rin ni Karisma ang mga creative angles at rhyme schemes niya mula sa huling laban niya against Bagsik. Nakuha na rin niya ang timpla ng crowd. Pero nanaig si CNine dahil sa experience. Nagawa niyang i-offset ang ibang weapons ni Karisma gaya ng rebuttals at pamimigay ng pagkain sa crowd. Kinalamang din ni CNine ang pagiging huli niya bumara. Parehas silang namigay ng pares sa crowd pero sa magkaibang paraan haha. Magandang panimula sa Ahon. 5-0 ang boto ng hurado para kay CNine. Para sa akin, R1 Karisma gahibla, R2 Tie, R3 CNine gahibla. Rating: 4.5/5
2nd Battle. Prince Rhyme vs Ruffian. Naging Pistolero Lite si Prince Rhyme dito. Pinuna niya ang paggamit ni Rufffian ng iisang angle kada laban. Naging dragging din ang mga rounds niya dahil puro line-mockingkaya hindi naging effective ang ibang weapons niya. Pinakita pa rin naman ni Ruffian ang kanyang swabeng delivery ngunit mas unti (or wala) ang pinakawalan niyang gun bars. Nag-focus din siya sa pagiging mataba ni PR. 3-2 ang boto para kay Ruff. Maraming laban si Ruffian na mas mahusay siya. Para sa akin, R1 Ruffian R2 Ruffian gahibla R3 Ruffian. Rating: 4/5
3rd Battle. SirDeo vs Bagsik. Nakakatawang mga rounds mula kay SirDeo. Bumalik yung pagka-natural at hindi pilit na comedy niya noong Quarantine Battles (minus the Vitrum battle ofc). Namigay din siya ng Manggang Bataan sa crowd. Naglabas din siya ng tarp ng family pic ni Bagsik>! at ginupit niya ang ulo ni Bagsik.!< Ibebenta niya raw yung tarp kay Boss Toyo. Mukhang may sakit naman si Bagsik. Wala yung enerhiyang inaasahan ko sa kanya mula sa una niyang pagkapanalo. Natulugan ang mga rounds niya habang sobrang lakas ng crowd reaction kay Deo. 5-0 ang boto ng judges. Para sa akin, R1 SirDeo R2 SirDeo R3 SirDeo. Rating: 4.5/5 (5/5 sana kung may energy si Bagsik)
4th Battle. SlockOne vs Mastafeat. Niyabang ni SlockOne ang kanyang winning streak (nagulat ako true pala). Angat na angat si SlockOne dito kumbaga effective comedy at sinusundutan niya ng seryosong linya. Corny si Mastafeat. Di niya makuha ang crowd kahit anong attempts. Andami niyang masasakit na anggulo vs Slock pero di talaga umuubra. 5-0 ang boto para kay SlockOne. Para sa akin, all three rounds SlockOne. Rating: 3/5
5th Battle. JDee vs Vitrum. Ginaya ni JDee si Badang. Pero imbis na court decision, drug test ang dalang papel. Sinabihan pa si Phoebus na kunin siya sa PSP. Dragging mga rounds ni JDee parang battle niya kay Invictus. Nag-rely siya heavily sa mga pasingit niyang freestyle. Masyadong yatang naaliw ever since napuri siya vs JR Zero. Dala pa rin ni Vitrum ang swag niya mula sa Bwelta Balentong at nag-upgrade pa. Swak ang combo niya ng pangungupal at pagpapamulat. Nakakatawa yung "realtalk" angle niya na dating aktibista si JDee. Pwedeng maging sequel sa Vit vs Deo haha. 5-0 ang boto para kay Vit. Para sa akin, all three rounds for Vitrum. Rating: 4.75/5 (5/5 kundi dragging rounds ni JDee)
6th Battle. Zaki vs Mandabaliw. Nawili na si Zaki mag-rebut. Bumalik yung sakit niya sa laban nila ni Lanzeta. Anlaki ng nawawalang oras sa kanya kaya may mga rounds na dragging kagaya kay JDee. Pero hindi maikakaila ang halimaw na aggression niya at unique na mga naiisip. Ganun pa rin naman ang estilo ni Mandabaliw. One-liners at deadpan comedy. Nakakatawa yung paggaya niya>! sa immortalized BLKD meme.!< Nakadikit pa si Manda dahil dragging talaga rounds 2 and 3 ni Zaki. 3-2 ang boto ng judges. Mas durog sana si Manda kung mas maikli rounds ni Zaki. Para sa akin, R1 Zaki R2 Mandabaliw R3 Zaki gahibla. Rating: 4/5
Notes:
-Di pa yata maalis sa crowd ang kacornyhan ng Shernan vs Mastafeat. Patay talaga ang crowd sa rounds ni Masta.
-Sinabi raw ni Anygma kay Masta na miss na ng fans ang Quarantine Battles na Masta.
-Makabuluhan ang ilang mga salitang ginamit ni Vit na mas magegets mo kapag nag-research ka.
-I-follow niyo si u/imBLKD sa Twitter. Kapag umabot ng 4k followers, ipopost niya dito review niya.
-Hindi ako nag-mention ng mga quotables. Disclaimer: Biased ako kay Ruffian at Vitrum. We may agree to disagree. Feel free to comment or DM kung kailangan ng paglilinaw.
submitted by easykreyamporsale to FlipTop [link] [comments]


2023.12.07 12:25 8nt_Cappin FlipTop Bloopers

sa rap battle, hindi rin naman lagi puro paangasan at pagalingan ng linya ang nangyayari. may mga unexpected moments din na nangyayari sa mga emcee habang nagpeperform gaya ng pagpiyok, nakakatawang pagkabulol sa mga words etc. nagiging ice breaker din siya minsan sa mga intense at seryosong laban. ano yung mga fliptop bloopers na core memories na sa inyo? yung tipong nung una niyong napanood, hagalpak kayo sa tawa at nakarami kayo ng replay at hanggang ngayon di niyo malimutan.
submitted by 8nt_Cappin to FlipTop [link] [comments]


http://swiebodzin.info