Tulang pilipino

Tulang Pilipino

2022.12.19 17:21 MattHealyFan102 Tulang Pilipino

Ang pagmamahal ay pagtitiis.
Ang pagmamahal ay ang paghintay.
Ang pagmamahal ay ang pigtimpla ng kape sa umaga.
Ang pagmamahal ay ang pagmasahe sa masakit mong likod.
Ang pagmamahal ay pagtangis
Ang pagmamahal ay ang pagiging balnurable mo sa kanyang piling
Ang pagmamahal ay ang pagkwento ng iyong mga kawalan at ang pag-ngiti sa inyong mga tagumpay.
Mahal ko, kahit di mo man ako ibigin sa kinabukasan ay iibigin kita.
Mahal ko, kahit wala ka sa aking piling ay pilit ko aalalahanin ang lahat ng saya at lungkot na tayo'y magkasama
Mahal ko, kahit na may mahalin ka mang iba ay di ako magagalit sapagkat ang pagmamahal ay ang pagbitaw at pag intindi na hindi ka mamahalin habambuhay ng inyong minamahal.
Hindi ko mapipilit ang pagmamahal, mahal ko, sapagkat karapatan ko mang mahalin ka ay hindi ko hihingin ang katumbas na pagmamahal pabalik.
Kung heto man ay ang paghihiwalay ng ating landas, mahal ko, ay masaya ko naman titignan ang ating paglalakbay.
Paalam, o mahal ko
Inspired by works of Jerry Gracio
submitted by MattHealyFan102 to Philippines [link] [comments]


http://activeproperty.pl/