Di masilip ang langit ni benjamin pascual

ang lungkot naman

2024.05.19 02:02 Express-Lab-1814 ang lungkot naman

today's my birthday pero puro ako iyak. i wanted to go out sana para magsimba kanina kasi that's the only reason i have para lumabas at mag-ayos, syempre i want to look good naman sa birthday ko pero parang mabigat sa loob ng jowa ko na lumabas kami. naiintindihan ko naman na worried sya na baka mapaano ako kasi halos pagaling pa lang kami sa flu, pero i really want to enjoy this day sana.
yes, mahaba pa oras bago matapos tong araw na to pero sa umaga kasi kami natutulog dahil night shift ang work. gising namin gabing gabi na for sure. di naman makakalabas kapag may araw na kasi mainit.
haaaaaays gusto ko lang naman maging masaya at enjoyin ang birthday ko. ang tagal kong ni-look forward to.
submitted by Express-Lab-1814 to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.19 01:12 Logical_Student_9215 bwiset. kahirap sa lokal maging closet

yung breaktime na dapat sana makapag pahinga ka eh uubusin ni worker at diakono sa pagbaba ng patarget. p0ht@enang wish concert yan di na natapos, tapos may volleyball patarget pa.. grabe tokahanm hindi na voluntary, magpapaikot ng listahan ililista mo commitment mo... yung paninda local store na overpriced ibang diwa ka pag sa labas ka pa bumili. hatinggabi matatapos pasalamat ang hirap umuwi ng bahay alanganin oras. tapos sunday since napuyat kagabi ang hirap bumangon maaga. tapos may kasambahay kapa na panatik tanghali na babangon. pag eeebeg!
submitted by Logical_Student_9215 to ExAndClosetADD [link] [comments]


2024.05.19 00:48 disismyusername4ever I have these friends.....

Pa rant lang po.
Nakakapikon. Nakakainis. Nakakabanas.
Nakakawalang pasensya talaga yung mga tao na last minute mag cancel ng lakad. Yung di nyo lang macontact yung isang kasama or may isa lang na di makakasama dahil may emergency, icacancel na yung lakad. Masama pa don, nakaayos kana lahat lahat. Lalabas ka na lang ng bahay.
May dalawang uri ako ng ganitong kaibigan.
Yung isa, ghoster. Magchachat na lang hating gabi na na "jwu hahahah" or "kagising ko lang hahahah" ni sincere na sorry wala man lang?
Yung isa naman, kung kelang naka ayos ka na, pinag madali ka pa mag ayos, in the end ayaw na pala umalis dahil kulang kayo or tinatamad na. Ang dami pa nyang idadahilan. May "eh wala nga si ganito. pano tayo aalis?" teh nasa kanya ba paa natin? meron pang dahilan na "ay may gagawin pala ako. next time nalang" at worst pipiliin pa sumama sa lalaki kesa ituloy lakad nyo. kung kelang nakaligo ka na, nakapag pang alis ka na, nakapag make up na, ayos ng bag. Ending, balik ka cr tanggal ka na ulit make up.
Take note. Ilang taon na kami, ganyan pa rin sila. Professional pa yang dalawang yan. I mean, technical jobs ang meron sila. They are licensed professionals.
Porket kaibigan i didisrespect na yung oras? Bakit kaya may mga ganitong tao. Maiintindihan ko naman if emergency. Pero wag ka mag cocommit if ganyan. Better say you'll try.
P.S I told them na about sa attitude nilang to pero tumawa lang sila. lol. we are okay naman it's just that pag lumalabas ganyang ugali nila sobrang nakakabwisit.
submitted by disismyusername4ever to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.18 22:57 AffectionateJoke8027 How to move on aning sitwasyona?

Paita bitaw na dayun na gyud ang buwag nako sa akong gf. Nakig buwag siya kay nakakita na sya ug bag o while kami pa. Yes, di ko perfect ug daghan pud kog sala pero sakit lang kaayo huna hunaon ba nga bag o pa nahuman akong bday nya nananghid siya nga mu uli siya sa probinsya kuyog iyang amigang bayot. Di man ta siya hinginom pero ni inom sya ug nahubog. Na meet daw niya iyang elementary crush sa discohan sa probinsya nila nya nag inom sila dayun ana siya nga na in love na siya kadtong nag holding hands siya pero di ko mu tuo nga holding hands ra sila kay kami man pud mag holding hands basta manuroy ug magkita mi. sakit lang gyud kaayo nga sa among 6yrs nga pag uban in ana ra ka sayon diay mawala.
submitted by AffectionateJoke8027 to Cebu [link] [comments]


2024.05.18 22:03 Open-Temperature9908 Naninirahan na yung mga aso ng kapitbahay sa bakuran ko.

It has been going on for almost 6 months. Si mama lang usually ang nakatira sa bahay (pero malimit din syang umalis almost week-long before umuwi) since nag iistay ako sa condo sa Manila with my partner. Then, nagpatayo ako ng kubo sa likod ng bahay namin 6 months ago. Wala pa kaming perimeter fence sa property namin.
Yung kapitbahay namin sa likod ng bahay ay may tatlong aso (1Dog and 2Puppies). At first Yung Mommy Dog palang ang napunta sa backyard namin at nung tumagal ay naging comfortable na sya na sa ilalim sya ng kubo namamalagi. Lagi naming binubugaw pero kami pa ang tinatahulan. Isang beses nagpunta ang mga pamangkin ko dito at naglalaro sa backyard ng pinagtataholan sya ng aso nila sa bakuran namin so kinausap ni mama yung may ari. Ang sagot sa kanya ay "wag nyo kasing papuntahin yung bata dito samin" wherein yung aso nya ang nasa bakuran namin.
After ilang months nagka 2 anak na yung aso nila and mas malala. Yesterday, kakauwi ko lang dito and pagpunta kong backyard at nakakalat lahat ng basura namin (naipon dahil sa pabago bagong schedule ng garbage pickup. lahat ng basura ay naka kahon at plastic.) at may mga tae sa frontyard at stairs sa back door.
Kinausap ko yung may ari, matandang lalaki ang lumabas at sinabi ko ang ginawa ng aso nila. Sabi nya, ipapa tali nya na daw. Sabi ko papaano yung mga kinalat ng aso nila sa bakuran namin. Ang sagot nya ay ipapalinis nya daw pasensya na daw. Nagpasalamat narin ako at umalis.
Pero the whole day passed, pagala gala parin ang aso nila sa bakiran namin, plus, hindi nila nilinis yung mga basura sa dating pwesto.
Anong action po ang pwede kong gawin if di nila gawan ng paraan? I got videos ng mga aso nila na nasa bakuran ko at nag ngangatngat ng basura.
submitted by Open-Temperature9908 to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.18 21:17 Kombustor Figlmüller Wien Referenz-Schnitzel

Figlmüller Wien Referenz-Schnitzel submitted by Kombustor to SchnitzelVerbrechen [link] [comments]


2024.05.18 19:38 Few-Bat4209 I tried to emulate my toxic father until I realized I don't need to. Since I changed, I felt distant to him.

Medyo mahaba ito so if you can spare 30 min, go ahead. This is also a throwaway account to keep anonymity.
Hi, I'm a M, in my late 20s.
My dad is an OFW, so our mom served as our father figure when he is away 9 months a year.
I have a tita who acted as my mother figure, and a sister.
Yung tatay ko naman ay responsable at malambing sa nanay namin.
Let's just say I always admired him, and always wanted to be like him, and fulfill his wishes.
Lagi niya kasi ako binubulungan na kapag lumaki na daw ako, bibilhan ko siya ng sasakyan. Utang na loob ba.
Well, I tried to be like him, think like him, act like him. Tingin ko kasi yun ang paraan para maging mabait siya sakin. Papaano kasi takot ang tinanim niya sa isip naming magkakapatid.
Until I realized my values don't align with his.
Balik tayo sa childhood. I always find him confusing since my childhood days.
Sa tuwing uuwi siya, pagbubuhatin lang niya ako ng bagahe niya habang malambing niyang binabati yung sister at mom ko.
Isa lang yan sa mga confusing na behaviors niya, kumbaga sa relasyon eh mixed signals lagi.
Pero inisip ko nalang eh kasi lalaki akong anak kaya siguro ganun, dapat tigasin ang trato.
Pero bakit nga ba confusing? Kasi kapag nandyan nanay namin ang bait bait ng tatay namin eh. Pero kapag pumapasok na si nanay sa trabaho, nag-iiba yung ugali ni tatay, nagiging hostile siya up to the point na unreasonable na. Tawag nga sa kanya ng kapatid ko, bully kasi ugaling bully talaga minus pagbubuhat ng kamay.
Paano nga ba siya naging hostile?
Una, hindi mo malapitan kasi nakasinghal palagi at nakasimangot. Tapos palagi may session yan na tuturuan niya kami magluto o papanoorin kami gumawa ng gawaing bahay, para lang punahin bawat galaw namin sabay mura, ad hominem at kumpara sa ibang mga bata. Tapos siya na tatapos ng gawain after niya kami pahiyain. The rest of the day, walang nagsasalita siya lang. He will always rant about anything, basta palagi siya "galit" mode.
Tapos uuwi na si nanay. Sa dinner table, kapag kinakamusta kami ni nanay, inuunahan kami sumagot ni tatay. Kahit kitang kita naman sa mukha namin na hindi kami okay kasama itong tatay namin, hindi namin masabi kay nanay. Nakakatakot magsumbong eh. Tapos ano pa yan, babalik siya sa pagiging mabait at malambing na tatay. Ganyan siya kapag kasama namin si nanay.
Maybe I always knew something is off, that's why it felt weird when he tried to gaslight us. He always says "alam ng magulang ang nakabubuti sa anak" pero hindi naman marunong magturo.
At kapag hindi niya nakukuha gusto niya sa amin (after all his antics and hostility), magiging passive aggressive siya. Kapag gusto niya kami gumising ng maaga, magpapatugtog yan ng stereo ng malakas. Gusto niya kasi probinsya style, eh that time todo puyat na ko sa school sa dami ng pinapasang requirements.
O kaya kapag nagkukulong ako sa kwarto studying, sisinghal uli yan ng "ano ba yan palagi nalang kayo nasa kwarto" na may kasamang mura syempre.
Nanay namin never nagmura sa harap namin.
Heck, there is even one time na nagising ako 11am because I slept at 4am doing schoolwork. Pucha pagising ko singhal agad itong tatay namin na palaging galit at sabi ba naman sa akin, "huwag ka na kumain" (mag alamusal). Edi pumunta nalang ako sa study table para ituloy yung assignment ko. Pero gigil na gigil ako sa galit nun at mangiyak-iyak ako. Sa isip ko, grabe naman 'to, first time ko lang magpuyat ng sagad galit na agad inabot ko. At first time na may nagalit sa akin dahil sa nag-aral ako? LMAO.
Then our aunt (na maglalayas later on kasi lagi siya sinisigawan ng tatay namin) said, "bakit naman ganun" as she tried to reason out how unreasonable our dad is.
Well, it took me years to realize na yung ginagawa niya sa amin, hybrid ng bully parenting at gaslighting.
Pero bakit nga ba siya hindi marunong magturo?
Ganito yon, I still remember when he tried to teach us how to cook but he didn't tell us the basics. Grade 1 ako na hindi marunog magbukas ng kalan. Edi hindi umapoy. Singhal agad si g*go. Sabay mura, panglalait, at ikukumpara ka na sa mga batang salat sa buhay, na hindi daw kasi kami lumaki ng probinsya.. yun pala may hinanakit siya kasi our mom insisted na bumukod sa fam ni tatay sa province, kasi ayaw ni mom na may in-laws na nangingialam. Eh itong tatay namin, obssessed sa pagiging probinsyano niya.
But, kasalanan ba ng mga bata yun? Kami pa talaga pinagbuntungan. Lol.
Lol kahit nga paraan ng pag-kain dapat daw "European"
yung naka fork at knife kahit sinigang ang ulam kasi pagtatawanan daw kami. Ewan, idol na idol niya siguro mga "puti" (yan tawag niya sa Europeans) kaka-cruise ship niya.
Oo, seaman siya.
At first I thought ganun lang siya samin kasi nga "alam ng magulang ang nakabubuti sa anak" until I found a pattern on how he treats people.
Sadly, I found out about it late and I just ignored all his antics all throughout my childhood.
So ganito. By default, palagi siya nakasinghal at hindi nakikinig sa opinyon ng ibang tao na tingin niya ay mas mababa sa kanya.
Oo, sobrang bait niyan kapag alam niyang mayaman yung tao o kaya may "narating sa buhay"
Else, mapanglait na at walang respeto.
Worst thing is, mahilig siya manlait towards lgbt, sa body shaming mahilig rin, dog lover daw pero nagbabanta na pumatay ng aso, maka Leni lang kasi si Mar Roxas talaga idol niya kasi ka-probinsya niya, etc.
Heck, there was even one time na may trabahador sa bahay namin na halos natutuliro na sa takot kasi lagi niya sinisigawan at palagi pinupuna pati personal life. Self-righteous catholic pero mapanglait sa kapwa.
There is also another time na lumayas yung auntie ko sa bahay namin kasi lagi rin niya sinisinghalan at pinupuna (sister in law niya si auntie, pero si auntie kasi helper ang trabaho so alam mo na bakit siya ganun kay auntie).
And many more..
Until one day, I realized na lumalapit na ako sa breaking point.
Papaano, tanda-tanda ko na (early 20s) pero minumura pa rin niya ako at pinupuna. Pangit daw pagkakalatag ng kable sa pc setup ko (paki mo ba lol), payat ko daw kaya dapat mag-gym ako kasi maganda daw bato-bato ang katawan sa lalaki (oo mahilig mangbody shame yan ng boksingero na payat na parang wala siyang alam sa weight class sa boxing lol)
at ang tanda-tanda ko na daw di pa daw ako marunong magdrive (who cares about age lol).
Eh siya? Tanda-tanda na niya hindi parin siya marunong magturo ng maayos.
Idol ko pa siya nito kaya nagpapaturo pa ko magdrive sa kanya. Kaso wala, puro mura lang inabot ko, pangkukumpara sa mga babae na mas mabilis daw magpatakbo (lmao sexist na insecure ata) at kung anu-ano pa.
Muntikan na nga sila mag-away ng nanay ko kasi sagot ng nanay ko "ano ba problema mo sa mga babae" kasi puro "babae kasi" ang sinasabi ng tatay namin kapag may mabagal na sasakyan, etc.
Mind you, I never gained confidence until I am forced to drive on my own kuha ng pandemic at dahil yun sa wala siya sa tabi ko na sinisinghalan ako kada sa galaw ko, witch matching na "p*** ka".
Worse thing is, "wala, wala talaga." tapos hindi ka naman icocorrect. Manghuhula pa ako san ako nagkamali lol. How can you build confidence on that?
Then the breaking point happened.
Komprontahan na.
Nung umuwi siya that year, nag breakdown na ako sa harap ng pamilya. Ayaw pa niya aminin yung mga ginagawa niya lol. He even tried to dismiss and invalidate me, the usual stuff you know. Buti nalang nandyan nanay namin to mediate.
Since then I realized that I will never please him, at nasa 20s na ako pero ganun pa rin siya sa akin. Actually, simula childhood ko hostile na siya sakin.
Heck, I should just walk my own path and stop emulating him. So I stopped imitating him. I dropped his toxic values that felt weird to me, and I followed my own. I felt happy, and at peace.
Then I started meeting people and connecting with them, the right people. Those people who corrected my bad values, and from there I slowly started to change.
I stopped connecting with my old friends of my old self, because not only I was imitating someone who I'm not, but I am chasing an identity that does not align with them.
I finally followed my passion (gusto ng tatay ko kasi mag seaman ako lol), embraced the affectionate side of myself (dati kasi bawal maging malambing hindi daw kasi trait ng lalaki yun), and became more open to people (kahit lgbt pa) and I never discriminated again.
I stopped caring on what others will view me (laging rason ng tatay ko sa mga turo is para hindi daw kami pagtawanan ng iba). Yung takot ko dati na mapagtawanan tinapon ko na. You do you.
I still remember my college days na mapanglait ako sa mga classmates namin na hindi marunong sa mga main subjects. Eh dahil ba sa magaling ako dapat ko na gawin yun? Namana ko pala yung ugaling yun sa tatay ko.
I stopped catcalling, I stopped thinking women as inferior gender, I stopped being a hypocrite Catholic (yes he is a solid Catholic na lumuhod kay virgin mary kada umaga pero ang baba ng tingin sa mga babae), I stopped all the toxic things na nakuha ko sa tatay ko.
I am still in the process of finding who I am and evolving my values, but I never felt this free kaya I am happy to break out of his shadow. Tuloy lang ang buhay at pag-eexplore.
Sarap pala sa feeling na magkaroon ng mga kaibigan. People who are really your tribe. Yung mga dati ko kasing kaibigan, kuhang-kuha rin yung values at ugali na nakuha ko sa tatay ko. I felt like I belonged there but there is always something off.
But not everything is good kasi ang naging kapalit ng breaking free from my father's shadow is, naging distant ako sa tatay ko.
Trauma na din siguro. First, ayoko lang na nasa paligid siya. Mixed emotions eh. Kung hindi anxiety, inis lang nararamdaman ko. Saka para bang nagiging defensive ako, I feel like he will say something bad everytime he comes near me to start a conversation.
Kapag naririnig ko siya na sumisinghal o kahit malakas lang boses eh naalala ko ang lahat. Kapag may minumura siyang mga holdaper sa balita o nagdadabog habang nanonood ng basketball, naalala ko lahat.
Second, I don't know how to express my real self to him. I just know he will never understand kasi salungat na mga values ko sa kanya.
Wala na kami ibang pinaguusapan kundi basketball and that's it.
Third, I consider myself geek and well-read. He is the opposite, and he is street smart (laking probinsya, worked blue collar jobs in Manila in his 20s), but at the same time I can feel his hostility towards smart people. Kasi palagi yan nagsasabi, "pag pinadala yan sa probinsya wala yan"
I get him, but I feel like I am walking on eggshells kasi baka matrigger siya at yung maging response niya mag-trigger din sa mga unresolved trauma ko from him. Mahirap imagine kapag nangyari yun, kasi baka magkagulo nalang talaga.
Fourth, it took 3 years before he become fully nice to me. In denial pa kasi siya sa "awkwardness" namin. Todo iwas kasi ako.
The first year nangpupuna pa rin siya, the second year he is still trying to insist his values. Those two years were hell though, kasi kapag ginagawa niya yan, silent treatment ginagawa ko. Hindi naman kasi siya marunong makinig sa palinawag ng isang taong mas "bata" sa kanya.
Also, he never changed his attitude towards others. Mabait lang sa akin kasi confronted ko na siya. Mapanlait pa rin siya sa iba, yung kapatid ko nga sinasabihan pa rin niyang mataba hanggang ngayon. Pero malapit na rin yun sa breaking point niya.
Until today, never kami nag-outing ng pamilya ko na buo since the confrontation happened.
I just can't stand hearing his voice. Naalala ko lahat eh.
Also, I need to match his energy at kapag hindi ko kaya, I just avoid him. Minsan walang kibo nalang talaga.
Look, days are good if I can match his energy. Para kasing machine gun yun dumaldal. Singhal agad tapos mabilis, tapos walang paki sa social cues dadaldalin ka agad. So matching his energy is exhausting.
Hindi kasi ako yung taong nangpaplastik. Magkaiba kami ng values eh, minsan may mga nasasabi pa yan na bigla nalang ako nattrigger.
So that's the aftermath.
One thing I realized is hindi ko naman pala siya dapat i-please para hindi siya maging hostile sakin.
But it feels staged at parang naging standoff lang.
Maybe I am still expecting some level of affection kasi wala eh, tatay ko pa rin siya. Baka naman kasi kaya ko pa rin maging affectionate sa kanya just like how I am with my tita (mother figure), mom (father figure), and sister.
How did I know that I can? Madali lang sa akin makipagkaibigan sa mga lalaking mas matanda sa akin, sa mga kuya, manong, at lolo. Kahit na same pa sila ng values sa tatay ko, kaya ko. Kaya ko makisama sa ibang tao, pero bakit sa kanya hirap ako?
Hindi ko alam, hindi kasi ako makaramdam ng peace to be affectionate sa tatay ko. Lalim kasi ng hugot at sugat eh. Ganun siguro.
Hindi madali but I am doing it for my mom. Kitang-kita ko kasi yung saya ng nanay ko kapag nag-uusap kami ng tatay ko. Kahit sandali lang, happy na siya na makitang may moments na "okay" kami ng tatay ko.
Well, I'll just give her that.
I still think of my mom as the father figure, siya kasi yung balance ng disciplinarian at affectionate traits. I respect her.
Yung tatay ko naman, I simlply can't think of him as a father figure anymore. I dropped it already. His hostility to me for 20+ years is not easy to forget. I stopped chasing his approval, at hindi ko siya dapat ginaya. I realized that I don't respect him the same as my mom, takot lang talaga ako sa kanya nung bata ako, at ngayon I still have unresolved issues with him.
I guess hindi na talaga maaayos ng tuluyan yung relationship namin. In the words of nanay "may lamat na ba talaga anak?"
Oo nalang talaga ang sagot ko, because my way to keep my sanity is by setting boundaries and part of it is by being distant to him when I need to.
Thank you for reading.
submitted by Few-Bat4209 to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.18 19:28 SeesawPowerful6858 ABYG na mas pipiliin kong magcelebrate ng anniversary with my boyfriend kesa mag family dinner?

EDIT: Family lunch talaga 'yong sa title hahaha
Background: So, actually orphaned na kaming magkakapatid. Ako yung bunso, lahat ng kapatid ko except sa panganay kong Kuya ay nasa UAE.
Yung Kuya kong to, he verbally and emotionally abused everyone in the family. Before mawala ang parents ko (separate years), parehas niyang pinagmumumura yan sila when things don’t go his way. He is a wife beater, and generally a very abusive person. I remember moments from my childhood na sa labas ng bahay pinapahiya niya ako at sinasaktan.
When our mother was sick, ako lang ang nag-aalaga sakanya kasi nga abroad lahat sila and si Kuyang panganay is may family, nasa ibang city sila. I took care of everything, check ups, medicine, her food intake— ages 16 to 18 years old ako n’on nung inaalagaan ko siya.
I was balancing school life, household chores, and taking care of my mother. At the time din ako na naghahandle ng mga perang pinapadala sa’min sa bahay. Ako, si Mommy, and yung isang pamangking babae ko lang na 5 years younger ang nasa iisang bahay.
After our mother died, nasa akin ang lahat ng sisi ng panganay naming Kuya, while the rest of my siblings comforted me saying I did a great job at such a young age. Pinoproject sakin ni Kuya na hindi ko daw inalagaan ng maayos, ako daw nangstress sakanya. etc.
Heck, ako nga ‘yong nag-asikaso miski burol at cremation ni Mommy kasi walang tumutulong sa’kin. Nung huling mga sandali ng buhay ni Mommy, ako ‘yong kinakausap ng mga nurse at doctor, ako ‘yong nagpupuyat at walang tulog na nag-aalaga sa ospital. I was 18!
All of that was just the tip of the iceberg, kaya siguro makikita niyo kung gaano ka-grabe ang galit ko at hinding-hindi ko siya mapatawad.
Ngayon, ‘yung Ate kong breadwinner na nasa UAE, same sila ng sakit ng mother ko but fortunately si Ate nasa better hands medically sa UAE and anlaki ng chance niya gumaling… So ayun, she had a stroke, got a brain surgery, and many more complications.
Dahil sa life and death situation niya, biglang gusto niya magreach out sa Kuya naming ‘yon. Gusto niya na lang patawarin lahat ng ginawa ni Kuya kahit na lagi din diyang minumura-mura at minamaliit palagi, kesyo bobo daw Ate ko, barya lang sahod, tanga, and the likes (Kahit hindi naman?? She was literally paying my mother’s medical needs and medicines while ako and yung pamangkin ko pinag-aaral niya sa private school!)
Bigla na lang nag-aaya ng family lunch with his wife and child itong Kuya ko after a year na walang paramdam, probably curious sa kalagayan ni Ate kasi wala namang kapatid na kumakausap sakanya because of everything he’s done.
Sabi ng Ate ko na nasa hospital bed ngayon, sumama na lang daw kami ng pamangkin ko (anak ni Ate) sa family lunch kasi baka magwala sa bahay at magsisisigaw kasi mapapahiya siyang hindi kami dadayo sa family dinner na inaya niya. Baka daw mura-murahin kami at magwala sa bahay ‘pag hindi pa ako sumama…
Ang akin naman, I don’t know if he’ll do that kasi topakin naman talaga siya, di ko matansiya kung anong mangyayari. But if ever naman na hindi ako sasama and hindi siya topakin na hindi ako kasama, di rin ako mababahala kasi mabait siya sa pamangkin ko sobra. Baby na baby ng lahat itong pamangkin kong to kasi she basically grew up as our “bunso” talaga.
3 days ago lang nag-aya ‘tong Kuya ko. However, yung boyfie ko last month pa kami nagplano ng late anniversary date namin kasi yung mismong anniv date namin e may trabaho siya.
Feeling ko ang gago ko kasi: iiwanan ko mag-isa ‘yong pamangkin ko sa Tito niyang uncomfortable siya with, she’d be dealing with the explanations and the uncomfortable situation. Saka yung Ate kong bed-ridden, gusto niya is makitang maging maayos kami. May part din sa’kin na ano uunahin ko ba anniversary date kesa sa family eme (ewwwww.)
Feeling ko din gago ako knowing na baka nga magwala-wala ‘tong taong ‘to sa bahay namin. Medyo hesitant ako.
(Also, yung wife niyang Kuya ko na ‘yan dati she was encouraging yung gf ng isa kong kuya na manguha na lang ng mga chocolates and gamit sa balikbayan boxes na dala ng mga kapatid ko, hindi naman daw namin mapapansin saka kumuha na din daw siya madaming chocolates… Hindi naman kami nagdadamot e, kung manghingi pa siya okay lang pero ninakaw talaga?? Nakita namin yung mismong convo hahaha.)
Idk what to do.
submitted by SeesawPowerful6858 to AkoBaYungGago [link] [comments]


2024.05.18 19:23 Designer_Baker_6089 PMCC 4TH WATCH IS A CULT!

Ilang years din ako sa church pero marami na akong nababalitaan. *From pastoteachers ng MCA na mga pedophile. Wala man lang 18 units pero nakakapagturo sa school kaya siguro hindi alam ang ethics ng pagiging guro. -Puro pabili ng ticket, halos may activity na sa churchhindi naman related sa school pero gusto ng sinbahan na sali din ang mga students. -Nasa church/MCA parin ang mga pedophile like Francis, Edwin Pascual mga tulonggess na taga payong ng sugo ng satanas. Si Christopher Canto, teacher Neri, Tony Angeles na tinapon na sa Grace Island Mindoro ng PMCC 4TH WATCH -Speaking of Grace Island, yes may Island na po tayo. Di po tayo titigil hanggat wala pa tayong private jets and properties sa iba't ibang bahagi ng mundo.
*Bishop Sulayao is the padre Damaso of PMCC 4th watch nagpalaki ng batang babae nong nag dalaga na binuntis still nasa church parin sila buong pamilya. -He's also involved sa issue na Dreamers Scheme (Dreamers Consumer Goods) na nag encourage sa mga members na mag invest may 15% to 20% after 30 days sa ininvest mo at umabot sa 200M ang nakuhang pera at hindi na nakita ang members pero still ayan nasa Iglesia pa rin.
Lavish Lifestyle ng mga leaders. -Palagi nila sinasabi na imatation lang, ClassA lang, Donate or bigay lang. Yes kase maniniwala naman talaga ang mga uto uto eh. Kahit mataas mga pinagaaralan ng iba dahil bulag sa katotohanan sabi nga *Walk by faith not by sight kahit mali na yung ginagawa ng iglesia mag stay parin sa Iglesia kase bulag na sa katotohanan. -Kaliwat kanang luxury items ang myembero ng 4th watch kala mo royalty, business class at iba pa. -Yung anak ni Bishop Osie na maraming pic na kala mo nasa Only fans, puro business class lang sila. Unbothered queen kase di naman niya pera. Sa business ng asawa niya na si Arnie hindi makakabili lang isang LV yan sa isang buwan.
-Retoke to da maxx ang ibang myembro. Dahil ang trademark ng pamilya ng apostol eh malalaki ang ilong ayan paparetoke kagit sobrang botched na tapos ayun yung myember tamang sampa lang sa bus sa ngalan lang ng panginoon.
-Sino nag claim na apostol siya? Sugo sya ng Diyos? Pag ganitong claim talaga red flag na simbahan. Walang sinabi ang Panginoon na may inuutusan siya dito para magkulambat ng malaking pera.
-EXCESSIVE TITHES. Mga myembro na nagbebenta ng lupa, nangungutang ginagawan ng video kase binigay sa Panginoon pag malaki ang bigayan mo maganda din ang pangalan mo sa simbahan. Gusto nila ng Free, Sponsor plus may certificate ka pa dahil nakapagbigay ka dahil may paganitong eksena naman gaganahan naman ang iba mag sponsor at bigay.
-Kayo ano ang kwentong 4th watch niyo?
submitted by Designer_Baker_6089 to ExKultoPH [link] [comments]


2024.05.18 19:22 arigatnx Mini rant for Chowking MOA

Chowking MOA may teknik regarding sa drinks nila, umorder kami ng friend ko tas ang inoffer na drink is either black tea or lemon. Inakala naming iced tea yung black tea na offer ni ateng cashier, so um-oo ako tas si friend ko ung lemon inorder. Sabi pa ni ate medium lang daw pwede for the drinks tas may additional, so go lang kami. Pagka-bayad antay na kami na matawag yung number ng order namin, pagka-tawag and collect ng order upo na kami sa table. Tas sunod naring sinerve yung drinks namin, tas ako medyo nagtaka kasi nakalagay siya dun sa cup ng Milksha, yung milktea brand ng chowking, with matching straw na pang milktea. Edi kami ng friend ko naka-huh na kasi bat naka-ganon ung lagayan samantalang ang daming naka-prepare na iced tea sa likod ng mga cashier. Ayon pagka lagay namin ng straw at pagka-higop, black tea nga, black tea na milktea 🤦🏻‍♀️ So ang lesson natin para dito ay wag um-oo agad sa mga offer ng cashier kasi baka strategy nila yon para mabenta mga items nila na di mabenta. Isipin niyo order ko sweet and sour pork tas milktea ung drink? Di compatible! 😭🤣
submitted by arigatnx to Philippines [link] [comments]


2024.05.18 19:19 PenSenior2654 What can you say with this kind of person?

We have this neighbor , F around 25 years old. Ewan ko ba sobrang naiirita ako sa kanya to the point na gusto ko siyang awayin dahil sa mga bullshit na pinagsasabi nya habang nakikipagkwentuhan with a fucking annoying loud voice sa kapitbahay/kamag-anak nya na mukhang wala namang pakealam sa pinagsasabi nya at mukhang hinahayaang na lang sya magsalita nang magsalita ng mga rant nya sa buhay, kahit eversince I was born wala pa akong issue at nakakaaway dito samin WAHHAAHHAHA ganto kase eksena ni anteh
Marami pa yan, di ko lang malista lahat BWAHHAHAHQ imagine nakikipagkwentuhan lang yan sya pero sa lakas ng boses nya makipagchikahan rinig ko lahat yan, tas marami pang iba.
Ewan ko hah, pero halos same lang naman kami. Hindi masyado nalabas ng bahay kaya walang masyado kausap or mapagkwentuhan. Pero iba sya 'pag nagkaron ng kausap. Parang non-ending yung kwento nya. Tas may point na parang napapaquestion na lang ako sa mga sinasabi nya if totoo pa ba.
submitted by PenSenior2654 to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.18 19:17 maruyafavko_321 Nahimatay eme lang...

HAHAHHAHA skl. Si ate mo girl naki fiesta sa Batangas kaninang umaga so maghapon siya sa Batangas eto na nga si girl di siya pinayagan ni kuya namin na umalis ng bahay, pero napilit sya ng mga tropa nya na sumama sa kanila sa Batangas. edi sige daw ang kain ni ate mo girl nung pauwi na sila panay reklamo masakit ang tyan sobra sakit daw naniniwala naman ako nasakit kase nagka lbm na nga sya nakailang balik na sa cr pag tapos nya mag cr naupo sya sa sofa ako nakaupo lang din kalma lang, sya mukang nanghihina tapos bigla sya natumba nahimatay kuno. ( Ang bad ko kase natatawa ako deep inside ) So tinitigan ko sya ng ilang segundo bago ko sya i check tapos di ako nag panic e kase alam ko want nya lang ng attention... Dba kapag nahimatay ka unconscious ka sa paligid at dapat masakit ulo after sya mga ilang segundo lang din nag mulat yung mata tas ako natatawa nako kase alam kong peke lang HAHAHAHAHHAHAHA tas tinawanan sya nung bf ni ate as in tawa natawa na din ako pota utas ako kakatawa kanina sya iniinda nya tyan nya binilhan naman namin sya ng gamot natatawa lang kami na humantong sa point na ganon mag peke sya para sa attention. Tho nag kakasakit din kami lahat pero di kami umabot sa point na kailangan i caught yung attention ng lahat, still binebaby sya like nilulutuan ng soap at ng gamot at bibilhan ng pocari sweat haysss ewan koba gusto bida sya ganon like pa importante, mas importante naman yung tito namin na inaalagaan kase na stroke pero sya lbm nahimatay eme emeee pag bagsak e ok na agad may edad na din sya highschool na alam na tama at mali pero yung mag fake ka ng pagkahimatay is a no sa family namin dahil may mas malaki issues kinahaharap family namin kesa lbm nya at pag peke nya ng himatay.
Ps. Cousin namin sya
submitted by maruyafavko_321 to pinoy [link] [comments]


2024.05.18 19:14 deleter_007 30 days unemployed

I just want this to be off my chest. I've been working to this company for the past 10 years started sa entry level role eventually tumaas sa corporate ladder. In 10 years na yun ni minsan wala akong absent and I rarely use my PTOs pa. Sobrang daming reports and system ang na update ko which increase the productivity ng lahat. Then halos lahat ng ka work ko sakin mag tatanung yun tipong out of scope na tapos tumutulong pa din ako.
2 months ago, nag ka call ako with HR and Isa ako sa mga aalisin nla due to redundancy daw. Iniyakan ko tlga ito to the point na 2 weeks ago walang tulog na maayus kasi daming questions na WHY ME? Eh madami akong ka work na puro kalokohan pero hindi naman sla yun inaalis at ni minsan hindi ako nag ka sanction sa work. Yung pala ayaw sakin ng Manager ko due to personal reason nya kaya siguro sinama nya ako sa mga maalis.
It's been a month na pero wala pa din akong work. Kahit papanu in demand naman yun field ko pero hirap na din pala mag hanap ng work Ngayon. Kahit nga 20% less sa current salary pinapatos ko na applyan wala pa din and mostly di man lang ako umaabot sa initial interview. Tried to optimize my resume and cover letter wala pa din. I even created a portfolio pero wala pa din swerte as of now.
The cherry on top? Yun mga former workmates ko hindi alam gawin ang work ko kahit maayus ang transition and properly documented yun reports / tasks ko dati. At least 2x a week ata tatawag sa messenger ko para mag tanung madalas sobrang simple na lang Hindi pa din nla alm kahit Ilan beses ko na tinuro and one time pa itong former workmate ko sinabihan pa akong "SANA WALA KANG MAHANAP NA WORK MUNA PARA MAY MATANUNGAN KAME." Like may sahod ba ako dyan? Feel ko tuloy sila tlga nag Evil Eye sakin para hindi ako makahanap ng work.
submitted by deleter_007 to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.18 17:49 Wonderful-Dirt-9766 Alitan sa pamanang bahay at lupa

Nag-iwan ng kasulatan ang great grandmother ko, nagpirmahan sa barangay kasama ang 2 witness na parehong yumao na rin sa katandaan. Ayon sa kasulatan, ang kalahati ng bahay ay mapupunta sa nag alaga sa kanya hanggang siya'y pumanaw habang ang kalahati nama'y gagawing bahay panuluyan para sa 8 niyang anak.
Ang aking Lola at Inay ang nag alaga sa Inana hanggang 2010 nang siya'y pumanaw. Walang perang padala ang kanyang mga kapatid kung kaya't pag nagtatrabaho si Lola para sa gastusin at gamot ni Inana, si Inay naman ang nag aalaga kay Inana(vice versa). Hanggang ngayon ay di pa rin naililipat ang titulo ng bahay at lupa dahil sa di pagkakasundo ng magkakapatid (isa'y pumanaw na rin maging ang asawa nito), isama pang magkakalayo ng tirahan kaya lalong di mapag usapan. Ang isa'y gustong gawing commercial space ang bahay habang ang isa'y gustong panatilihing panuluyan ang buong bahay. Ang ilan nama'y gustong ipagbenta ng buo ang bahay at paghatian ang pera equally sa magkakapatid (hindi kalahati ang mapupunta kay Lola kundi equal sa makukuha ng lahat).
Buong buhay ng Lola(early 70s), Inay(mid 40s), at maging ako(20s) ay dito na kami sa bahay nakatira. Si Lola rin ang nagbabayad ng buwis ng bahay noon pa man. Ang bahay ay lumang luma na at kalahati nito'y wala nang bubong. Tagpi tagping tarpaulin na lamang ang aming panangga sa araw at ulan.
Isang kahig isang tuka ho kami habang ang mga kapatid ni Lola ay nakakaangat na sa buhay. Gusto lamang namin makuha ang kalahati ng bahay na ipinangako ng Inana kay Lola, takot kaming gumastos (na manggagaling lang rin sa utang) upang ipaayos ang bahay. Ano ho kaya ang maaari naming gawin? Sana ho'y kami'y inyong maabisuhan, maraming salamat ho.
submitted by Wonderful-Dirt-9766 to LawPH [link] [comments]


2024.05.18 17:23 Efficient-Change3621 Nabaon sa utang dahil sa pagpoprovide sa family as a breadwinner

Good Evening
Hi mga ka OP, I'm currently 30 years old at biglang nabaon sa utang. Credit Card Outstanding Balance: 30k GGives, Gcredit: 14k Smart Postpaid SIM Plan: 10k Billease: 20k Sloan and Lazada Fast Cash: 8k total pag pinagsama
Nagamit ko lahat yan para mabigay mga needs ng family ko at may pinapaaral pko na Civil Engineering at gagraduate na sya this August then board exam na. Nagamit ko din ito sa mga emergency like pacheck up ni mother, bili ng medicines.
Now, yung sinasahod ko, ang natitira na lang ay 4k. Bale hybrid sched ako sa work once a week nasa office. Ayoko naman sabihin sa kanila na nabaon ako sa utang dahil magagalit sila sakin at wala din sila mapapahiram sakin para bayaran lahat yan. Ayoko ipaalam sa mother ko dahil may heart health problems sya.
Then naisip ko 2 weeks ago na mag apply ng loan sa banks. Na approved ngayon yung niloan ko na worth 200k pero di pa ako pumupunta sa head office to claim it.
Napapaisip ako na if kukunin ko pa yung pera para tapos agad lahat ng utang ko pero 3 years ko huhulugan yung inutang ko sa bank which is 8.9k a month.
Dapat ko pa ba kunin yung pera sa bank mga ka-OP? Dahil tulong ko din yun para sa board exam ng kapatid ko and other expenses namin. Or idecline ko na lang yung offer na bank na 200k at magtiis sa makukulit at mga letters na sinesend sakin ng mga collections team ng mga inutangan ko hanggang sa mabayaran ko lahat utang ko.
Maraming salamat sa makakasagot, team Panganay!
submitted by Efficient-Change3621 to PanganaySupportGroup [link] [comments]


2024.05.18 17:10 Laialeifa First job experience as a fresh grad

I started working this year. I am a fresh grad just passed the board exam. Idk. Nakakapagod yung workload pero I like learning. Pero yung pinaka napapagod ako yung mga kawork ko. Since they are tenured, di ba mas matagal tas lahat mas matatanda saken, they want me to follow all their demands. Kahit mas mataas ang posisyon ko sakanila.,they never called me ma'am like sa other supervisors. Naiisip ko nalang kasi baka dahil mas bata at bago ako. I greeted them every morning for as long as I remember pero ni once di ako pinansin. And there are people there that would totally ignore me. Okay lang sana yun kasi I'm an introvert naddrain ako. Pero they have this gc na di ako kasama tapos tumatawa sila palagi, magkukumpulan ganon. Ako kasi yung papalit sa friend nilang matagal na rin pero magreresign. Tapos lagi silang nagpaparinig na sana wag na umalis yung friend nila para mawala na ko ron pero pag nagreact ako I'll come off as sensitive. Ganon nalang palagi kahit di pa naman nila ako nakakausap talaga o nakikilala. Nalulungkot kasi first job ko to at excited ako. Akala ko after a month may magbabago pero 4 months na ko wala pa rin. Yun lang sorry for sharing wala kasi akong makausap dun e. Di ko na alam gagawin ko
submitted by Laialeifa to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.18 16:35 confoosedhooman Hahayaan ako ng pamilya ko na mamatay.

First time mag post sa Reddit after lurking for a long time, di ko na kasi kaya. Sana tamang subreddit to.
Nags-suffer ako (18F) sa chronic autoimmune disease at may mga gamot na kailangan. Mabuting estudyante ako, with honor student, masunurin, wala akong matandaan na sumagot ako sa pamilya ko. Wala akong matandaan na ni isang beses, binastos ko sila.
Kahit sa kondisyon ko, hindi sila gumagastos ng sobrang laki kumpara sa lifestyle nila. 5k/month at most kasi tinitipid ko gamot ko, alam kong makakapagpalala sa kondisyon ko, pero bahala na. Hindi naman ako ang gumagastos, kaya tipirin ko, their own words.
Walang wala na kong gamot. Nagchat ako sakanila na wala na akong gamot, na kung ayos lang, baka pwede sila bumili. Sinabi ko din yung fact na honor student ako sa upcoming recognition para ma proud sila.
"Di mo ba kayang tiisin? Tiisin mo nalang, sunod na linggo nalang. Bibilhan ko pa kasi ng cellphone si ________"
"Delikado po sakin yon, hindi po kakayanin ng katawan ko."
"tiisin mo nga. Kaka arte mo diyan di mo taaga kakayanin."
Wala na ko dito sa sunod na linggo, hindi ko kakayanin. Alam nila yon. Alam na alam nila yon. Hindi ko na alam gagawin ko, natatakot ako matulog, baka hindi na ko gumising. Baka mawala nalang ako hindi ko mamalayan. Magkano lang naman gamot ko na kinakailangan ko para mabuhay, 800 kada buwan. Isang buwan higit. Bakit ba kailangan kong magtiis? Anduga naman mabuhay.
submitted by confoosedhooman to CasualPH [link] [comments]


2024.05.18 16:32 ihaveadhdsoimyours How to deal with ADHD,STRESS and ANXIETY

Hello I just need some advice I'm a 15 boy di natuloy ang pag aaral dahil kailangan alagaan ang aking father na may rare skin disease, minsan lang ako lumabas ng bahay dahil walang mag babantay sa papa ko (kaming dalawa lang ni papa sa bahay as always) so may binili ako sa bayan ako lang mag isa, Hapon nung pauwi ako nakasalubong ko mga nag pra practice for graduation, dko lang alam kung pano pako lalakad ng maayos that time I was just sad because dapat ganon din ako kaso nagkasakit nga father ko at walang mag aalaga sa kanya and okay lang din nmn sakin kaso lagi kami ng aaway, alam ko nmn kung bkt sya laging galit dahil nahihirapan sya sa sakit nya at ako nmn gabi gabi nalang umiiyak ewan basta nahihirapan nako, I have step brothers but may work lahat and busy sa kanya kanyang family so ang naiiwan lang sa bahay ay ako si papa at step mom ko sya humahawak sa budget pang araw araw gusto ko man bumili ng mga gusto ko kaso mahigpit mga kuya ko ehh if walang event or something di ako nakakahawak ng pera also nag iipon ako kaso wala din ako mailagay dahil walang income gusto ko man makabili ng phone kaso for sure mahihirapan ako mag ipon,orry medyo magulo ako mag kwento ang need ko lang is advice kung pano ko I ha handle yung sitwasyon ko ng maayos, 1year nadin may sakit papa ko okay nmn kami kaso mental health ko palala ng palala, thanks
submitted by ihaveadhdsoimyours to adviceph [link] [comments]


2024.05.18 16:24 Hopeful_Poet562 Malaki sahod pero everyday harassment from client

Malaki sahod pero everyday harassment from client
I know po na Salary is more than enough and lahat tayo ay nangangailangan but please, paki iwasan kung ayaw niyo ng Micromanagement kahit may time tracker na. Sa job posting, 50 hours naka indicate pero they will ask you to work for more than 12 hours lalo na kapag malapit na ang sweldo kasi wala ka magagawa but to obey. The client who happens to be a doctor ay always nag b-blackmail and manipulate ng mga VA dahil lahat sa kanya ay issue. Tiniis ko ng one month kasi I need funds dahil mahirap mabakante pero di ko na kinaya talaga. Eto yung mga reasons:
• Hindi ka lang maka reply ng 2 minutes, he will say na you're sleeping/slacking even though may time tracke monitored kayo (hubstaff pa). Hindi lang sakin ito ginawa but sa lahat ng VA nya. kahit matisin ka, hindi mo sya matatagalan.
• pag dinefend mo sarili mo, for termination daw. Palagi niya sasabihin na for termination beh legit. • pag nag ff ng sahod workmates mo or nag ask ano yung MOP (for new hires) sasabihin wag daw makipag haggle, for termination daw • Will demand you to work during sundays pag tinopak siya kahit optional naman ang nakalagay sa job posting. He will say tapusin mo lahat ng text messages kahit hindi naman talaga matatapos yon kasi every minute and every hour may nag tetext • Ayaw niya mag create ng contracts kasi naka depende sa mood niya yung decisions
We tried kausapin siya pero ang sasabihin niya sayo ay nag la-lie ka. Ang gusto niya is tanggapin mo lahat ng sinasabi niya sayo kahit di naamn totoo. Ang malala pa, yung assistant nung doctor (secret gf nya) is sasabihin na okay lang naman yung phase mo and you're doing great pero iba yung sinusumbong sa mismong doctor and many more so please, I know nakakatuwa yung sahod pero grabe halos everyday guguluhin ka niya lalo na kapag wala siya sa mood hanggang sa ikaw na ang susuko and aalis sa work. Sa isang week apat kaming VA na sumuko sa kanya, 3 samin ay new hire. l've been a virtual assistant for years and I know paano ang pamamalakad pero grabe iba itong doctor na ito.🤮🤮🤮
Gustong gusto ko mag leave ng bad review sa clinic nila na NY based pero im holding it together kasi ayoko na uminit ulo niya and madamay ang mga kapwa fil VA kaya ni rant ko na lang dito🤬
submitted by Hopeful_Poet562 to buhaydigital [link] [comments]


2024.05.18 16:14 vanzerk Translation

can anyone translate this in İlocano?
sa ilocano naman, nakakaintindi naman ako konti kasi nung bata ako, palagi akong may exposure sa wikang ito. ang nakakainis lang e di ako tinuruan ni papa kaya inaaral ko to ngayon para may connection ako sa mga kamag-anak ko sa norte at di mabenta pag mag-travel man ako.
submitted by vanzerk to Ilocano [link] [comments]


2024.05.18 16:06 Ninja-Titan-1427 El Filibusterismo Concern

I just want to seek answer kung sino ba talaga ang kumuha ng lamparang naglalaman ng nitroglicerina sa El Fili?
Feeling ko kasi hindi si Isagani eh base sa mga clues na binigay. Ang binasa ko ay ang buod mg novel since nasa spanish ang original copy and di ako marunong magspanish, also wala akong copy ng libro.
Clues na si Basilio ang kumuha ng lampara.
  1. ⁠Habang nasa labas ng bahay ni Don Timoteo kung saan ikakasal si PG at JP, nagdalawang-isip si Basilio sa pagpapasabog ng bahay. Kasi nakita niya ang mga mababait na taong madadamay at mamamatay dahil sa plano ni Simoun.
  2. ⁠Ang tanging dala lang ni Basilio noon ay rebolber. Nang kunin na ng ‘anino’ ang lampara ang isinigaw ng mga panauhin ay “magnanakaw, magnanakaw”. Ang isa naman ay “rebolber”.
  3. ⁠Alam ni Basilio ang pasikot-sikot sa bahay ni Don Timoteo na dating bahay ni Kapitan Tiago kaya nakapasok siya nang hindi napapansin ng mga guardia civil.
  4. ⁠Hindi nakilala ng mga panauhin kung sino ang kumuha ng lampara. Kung si Isagani ito, may makakakilala sa kaniya since nasa loob na siya ng bahay at maayos ang hitsura. Unlike Basilio, na rugged ang hitsure dahil sa pagkakakulong at di nakadamit nang maayos.
  5. ⁠Sa bahay ng mga Orenda may binitawang line si Isigani na, “Kailanman ay kasalan ang kumaha ng pag-aari ng iba. Kung nalalaman lamang mg magnanakaw ang layunin at nakapag-isip muna, tiyak na hindi niya gagawin ang gayon at PANTAYAN MAN O BAYARAN MAN NG KAHIT GAANO’Y HINDI AKO LALAGAY SA KALAGAYAN NIYA.
So meaning, kahit bayaran siya or what di niya kukunin yung lampara kasi alam niyang sasabog yun at baka mamatay siya.
Please enlighten. Hehe
submitted by Ninja-Titan-1427 to FilipinoHistory [link] [comments]


2024.05.18 15:59 Few-Butterscotch8161 random rant lang

my boyfriend doesnt want to visit our house unless my papa reply to him. so this is what happened kung bat umabot sa ganto: we went on a date and lumagpas kami sa curfew and napagalitan ako, ang daming nangyari non, di niya ko nasamahan or nahatid mismo sa bahay dahil takot din siya and naintindihan ko yon. so just a heads up lang, nakakalabas naman talaga kami and nakakabisita siya sa bahay and okay siya sa parents ko, like naaaya siya or hinahanap siya pag may gatherings, that time lang talaga, lumagpas kami sa curfew. fast forward, he is trying to message papa asking how he is and yun nga asking for permission na magpunta ulit sa house para na rin humingi ng sorry in person, kumbaga yung reply ni papa ang hinihintay niya, pampalakas loob nga. kay mama naman, naoopen ko na yung topic na yon, kasi nga hinahanap niya na rin yung bf ko and sinasabi nga na pwede naman siya magpunta na sa bahay, one time kasi inask ako if nagkikita ba kami and syempre sinabi ko na oo, and sabi niya kung bat daw di sa house namin, and blah blah, ineexplain ko yung side namin ng bf ko, so sinabi niya na mas maganda raw na pumunta or bumisita na lang ulit sa house kesa naman nagtatago kami…
so going back sa pagmemessage niya kay papa, hindi naman like every day nagmemessage siya pero we can say na naging consistent yung bf ko sa pagmessage and pangangamusta, and eto na nga, inistop niya na yung pagmessage niya kay papa kasi nga medyo naaapektuhan na raw yung ego niya, so btw i forgot, kaya nga inistop niya na kasi di siya nirereplyan or kahit siniseen ng papa ko. triny ko na rin mag long message kay papa, ineexplain ko yung side namin pareho, pero di niya ata binasa kasi ang haba raw 😢 tinatry ko sila intindihin pareho and di ko na rin alam gagawin ko. gustong gusto na rin kasi ng bf ko magpunta kaso nga lang kahit anong gawin kong pag aassure na okay lang na magpunta na siya, ayaw niya pa rin since di pa nga nagrereply papa ko
submitted by Few-Butterscotch8161 to OffMyChestPH [link] [comments]


http://swiebodzin.info