Dula-dulaan script tungkol sa pamilya

I love my mother but...

2024.05.19 11:13 Ransekun I love my mother but...

I don't even know where to start.
When I first landed a job after I graduated, my initial salary was 10k. There were no benefits, but I accepted the job because I felt the need to help my mother. During those times, siguro yun yung mga panahon na nasa dark moments yung nanay ko. Kase , kamamatay lang lola ko na nanay nya. Yung papa ko naman, hindi ko na maalala if na-highblood o inatake sa puso... basta nacomatose them nung nagising, di na kami kilala. As in tulala nalang sya. Sabe ng nagkaron ng alcoholic encephalopathy. Sobrang mahal ng gamot. Pero nagkaron naman ng onting pagbabago sa papa ko nung ginagamot pero hanggang dun nalang sa part na ang pagkakakilala nya samin ay mga kapatid nalang. Si mama, nakikilala nya bilang nanay nya. Maliliit pa kami non. Ako yung pinakamatanda. Baon si mama sa utang dahil sa sunod-sunod na dagok sa buhay namin. Di na ni mama naipagpatuloy bumili ng gamot para kay papa dahil masyadong mahal. Tapos yung papa ko, siguro dahil nga alcoholic sya. Tumatakas para uminom ng alak. Tinatawag na nga syang "baliw" pero di sya baliw. Parang nagka-dimentia si Papa. Ang baliw yung mga kapitbahay namin na lasenggo rin na kainuman ni Papa noon. Kasi alam na nga nila na may sakit, pinapainom parin nila. Anim kaming magkakapatid at may mga kapatid pa akong maliliit. Kilala ko yung mama ko, di sanay sa hirap. Laking spoiled. Kaya mahirap sa kanya yung mga panahon na to. Kaya todo sikap din ako sa pagtulong sa kanya. 500 pesos lang yung tinitira ko sa sahod ko kada kinsenas. Tapos sa kanya na lahat para sya na magbudget.
Dumating sa punto na dahil halos ayaw na namin si Papa palabasin ng bahay dahil pag uwi, kundi lasing ulit eh may mababatukan na bata sa labas. Nagulat kami isang araw wala si papa sa bahay. Kinabukasan, tumawag yung mga tito at tita ko sa south. (taga north kami then yung family ni papa is sa south) nagtataka pano daw nakarating sa kanila si papa. Ang dungis daw. Nakapaa lang. Inexplain namin lahat. Nakiusap din kami na kung pwede, dun na muna sya. Kasi wala kaming kaagapay. Nagtatrabaho din kasi si mama. Mga kapatid ko lang na maliliit naiiwan. Yung mga kapatid ko na sumunod saken ang age, sila ang nagbabantay kay pala at mga kapatid kong maliliit. Pero di nila kaya si Papa. Wala kaming maasahan dahil wala kaming ibang kamag anak dito.
Mga time na to, nagtitiis kami minsan sa lugaw, kamote. Mahirap pero okay lang. Di ako pwedeng maging weak kase sino nalang ang kakapitan ni Mama?
Then nagulat ako, umuwing lasing si Mama. Kasama nya mga katrabaho nya. Ang saya daw pala sa Padis! Inintindi ko yun kasi alam kong problemado yung tao. Hanggang sa halos every week na rin syang ganun. Sabe ko sa kanya "Ako na dalaga, never pa nakapasok sa ganyan"
Nagulat nalang ako, may lalake na sya. Bago lang yung lalakeng yun samen, may small business. Di ko talaga masyadong bet kasi hindi maganda ugali. Mayabang at mukhang gustong alilain lang yun nanay ko. Kahit sinabe ko na kay mama na ayoko dun, di naman nya tinigil. Nagmumukha pa akong kontrabida.
Ang nakakainis lang, inisip nya agad humanap ng lalake, eh yung mga anak nyang lalake, di nya bigyan ng panahon. Ayaw na magsipag aral. Gusto nalang mag trabaho. Yung isa naman, nagiging gago. Natuto mag-solvent. Pero avoidant ang nanay ko sa problema. Ako naman, syempre pinapagalitan ko pero di naman ako magulang nung mga yon. Pano ako susundin?
Lumipat din naman ako ng work. Minimum na sahod ko. Tinuloy nya paren pakikipagrelasyon dun. Dahil ayaw nga namin sa kanya, nagrenta sila ng bahay. Iniwan kami sa bahay. Tapos dinadalaw-dalaw nalang kami. Malalaki na daw kami. At bahala na daw ako. Sabe ko okay lang naman, pero kung ganyan, edi wag na kita bigyan ng pera. Ako nalang bahala sa mga kapatid ko. Ayaw nya. Sa part na to, kalahati ng sahod ko kinukuha nya. Again, parehas kami mag trabaho. May jowa pa sya. Pero sige. Alam kong nagbabayad pa sya ng utang kaya tuloy parin ako sa pagbigay. Dahil lagi syang wala, di nya na talaga natutukan mga anak nya. Yung sumunod saken na lalake, natuto gumamit ng droga. Alam ko weeds lng naman yun. May hika kase sya nakakatulong talaga ng malaki sa kanya yung pag smoke nya. Lumaki ang katawan at nag construction. Sinasama nya minsan yung pangatlong lalake sa construction. Buti di natuto mag droga. Ayaw daw nya. Yung bunsong lalake, pariwara paren. May mga babae pa akong kapatid. Parang nakalimutan ng nanay ko yun. Kaya pag nasa bahay ako, inaalagaan ko yung dalawang babae. Kaso, dahil panahon ni d30, nabiktima kapatid ko. Wala sa listahan kapatid ko. Base sa nadicover namin, tinawag sya ng tropa nya para jam daw sila don. Wala yun sa plano nya. Ayaw nya na sana mag weeds kasi nagka gf na sya at pinagbabawalan na sya. Pero yung asawa ng tropa nya kasi naging best friend na nya. May problema daw. Yun pala, plinano na papuntahin sya don. Ang target ng tokhang ay yung tropa nya. Nakatakas tropa nya. Sya yung napatay. Sa police report, pangalan ng tropa nya ang nakalagay na namatay. Totoo ang palit ulo.
Sobrang depressed kami ng panahon na to. Nangako pa naman ako sa kanya na pag aaralin ko na sya sa sunod na pasukan. Para matulungan nya ako. Hindi adik kapatid ko. Wala syang inargabyadong tao kahit nagwi-weeds sya. May sakit lang sya pero di sya gago. Sobrsng daming nakiramay sa lamay nya dahil napaka friendly at matulungin ng kapatid ko. Malas lang sya ng namana sa papa ko, hindi makahindi sa mga barkada.
Lumipat ulit ako ng trabaho. Trabaho na ayaw ko. Pinilit ako lumipat ng nanay ko don sa trabaho nya bilang government employee. Ayoko talaga kase alam kong mahirap trabaho nila. Totoong mas malaki sahod. Pero ayoko dun. Kelangan passion mo yung trabaho na yun eh. Sabe nya saken, bigyan ko sya ng 3 years. Makabayad lang sya sa mga utang nya.
Nakapasok naman ako, malaki na sahod ko. Pero naging dependent na saken mga kapatid ko. Dahil laging wala si mama dahil busy sa trabaho tapos sa bago nyang asawa na gusto sya yung "baby" nawalan talaga sya ng panahon sa mga anak nya. Okay lng sana sa mga matatanda kong kapatid. Pero may mga minor pa akong kapatid.
Yung bunsong lalake, yun ang gago. Yun ang salot dahil nagsisiga-sigaan sa lugar namin. Yung kapatid kong babae na bunso, nahawa sa kanya. Di na umuwi ng bahay, sumama na sa mga barkada. Kahit anong pigil ko, tinatakasan ako. Yung nanay ko... ang pakiramdam nya nagawa na daw nya lahat. Suko na daw sya sa mga kapatid ko. Pero sa isip ko, di to mangyayare kung nandito ka. Wala na nga kaming tatay, iniwan pa kami ng nanay ko.
Sa kanila ng pagbibigay ko sa kanya ng pera, hindi guminhawa buhay namin. Ang laki ng binibigay ko. Oo nakakaluwag na kami pero di kami maginhawa. Okay nga kami sa pera pero sira na yung pamilya namin. Di ko alam anong gayuma yung napakain sa nanay ko at handa nya kaming talikuran para sa lalakeng di naman sigurado sa kanya. Minsan nahuhuli nya may kachat.. minamaliit pa yung pagkatao nya. May pinag aralan yun nanay ko. Sabi ko nga, laking mayaman yun. Ang tatay ko ang mahirap tapos lasenggo pa. Ewan ko ba sa nanay ko. Mukhang red flag.
Di ko alam na itong nanay ko, tuloy parin sa pangungutang. Isang beses, nakulong na sya. Ang ibabayad daw kasi dapat sa inutangan nya ay cheke. Pero paso na yung naibayad nya. Tapos may 8k pa na balance. Napyansahan naman namin kase di naman sya totally kinasuhan. Kumbaga, detained lang. Di ko na maalala ano tawag.
Pandemic, naaksidente kapatid kong gago. Lasing, tinakas yung motor at sumalpok sa poste. Buti nalang pandemic kase wala syang ibang natamaan dahil bawal lumabas nun. Patapos na sana ako sa loan, nagdagdag na naman ulit ako. Halos 50/50 sya eh. Bali ang binti, damage ang kidney, sumabog ang spleen at may tama rin ang ribs at baga. Nabuhay naman pero tsngina gago paren . Pati ako sinasagot sagot na.. ako na dahilan kung bakit sya buhay. Kaya nag start dito na ayw ko na sya kausapin. Di na sya nag eexist sa buhay ko. Walang utang na loob.
After 4 years, nagpakasal na ako. Natatawa ako kase di ako umiyak nung kasal ko dahil sa saya or emotional... naiyak ako kase late na dumating si mama sa kasal ko at galit pa dahil yung bagong bili daw nyang bag bakit di ko dinala! Masaya ako dahil sa wakas.. aalis na ako sa bahay namin.
Kinausap ko si mama, sabi ko di na ako mag aabot sa kanya. Malalaki na mga kapatid ko. Isa nalang nag aaral. Libre pa. Usapan namin, hahayaan na nya ako after 3 years. Pero 4 years na. Kung di ako aalis, di matututo magtrabaho mga kapatid ko.
Ngayon, may trabaho na sila. Yung bunso kong kapatid, balik aral na ulit sya.. kelangan nya magtapos dahil may anak na sya pero walang asawa. Ako naman... Sobrang swerte ko sa asawa ko, maalaga, walang bisyo at Princess treatment ang trato saken. Alam nya lahat ng pinagdaanan ko dahil nawitness nya lahat. Nung college, hinati nya yung tuition nya para makapag enroll ako kahit hanggang midterms. Desidido na ako nun na mag stop. Buti nalang andyan sya.
For the first time, sa buong buhay ko, ngayon ko lang naramdmaan yung PEACE. Hindi ako nag aalala na baka nakawan ako pag nakalimutan ko iligpit yung bag ko. Nagagawa ko lahat ng gusto ko. Nabibili ko yung kaya kong bilhin. Nakakapunta ako sa gusto kong puntahan. Kontrolado ko ang buhay ko. For the first time, naappreciate ko ang buhay ko. Wala pa akong anak sa ngayon pero gusto ko na rin. Sana bigyan na ako. Gusto ko alagaan yung sarili kong anak. Di ko sya maging katulad. Kasi mahal ko yung tatay nya. Hindi katulad ng nanay ko na laging sinasabe na pinagsisisihan nya na pinili nya si Papa eh sya itong inilalayo ng lola at mga uncle ko na kapatid nya sa papa ko. Hindi sya katulad ko dahil may responsable syang tatay. At higit sa lahat, lalaanan ko sya ng oras at panahon.
Pero, may hangganan talaga ang langit. Kahapon, nagchat ang nanay ko. Tandaan ko raw na pag nag retire na sya, isang taon daw syang walang sahod. Eto na naman.. magsusustento na naman ako sa kanya. Simula umalis ako, wala na naman halos matira sa sahod nya na. Nangutang na naman ng nangutang. Hindi daw kasi nagbibigay yung isa kong kapatid na lalake at dahil yung bunso ay nag aaral at walang asawa, pati apo suportado. Sana lang, kung dumating ang panahon na yan, kayanin ko.
Bibilhan daw nya ng cp yung bunso dahil nasira ng anak yung cp na ginagamit sa pag aaral. Sabi ko wag muna para marealize nya na kasama yan sa consequence ng ginawa nya. Di daw nya matiis anak nya. Bilisan ko daw magkaanak para maintindihan ko sya. Bakit ako natitiis nya mahirapan? Bakit ako ayaw nya maging masaya? Bakit sila di nya maobliga na magbigay? Bakit ako? Pwede. Sabi pa nya, ganun daw talaga kelangan nya mangutang . Dapat daw ang magkakapamilya, tutulong at di magkakalimutan. Wala akong maalala na tinungan ako mung panahon na walang wala ako ng mga kapatid ko. Sinasagot sagot pa nga ako eh. Bakit pag ako, walang choice kundi magbigay ng pera?
Hindi ako madamot, pero dahil sa mga pinaranas saken ng pamilya ko, natuto ako na di magtiwala sa kanila. Na hindi nila deserve tulungan dahil mga abusado sila!
Mahal ko mama ko, sobra. Pero bakit parang hinihila nya ako pababa?
submitted by Ransekun to PanganaySupportGroup [link] [comments]


2024.05.19 10:49 vivrelavie Can FB posts be counted as last will and testament?

I have a batchmate in college who’s ALWAYS posting sa FB na may kaaway sya. Lately she claims na somebody is threatening her life and wants her money/property. Her posts usually only has 1-2 likes with zero comments. Eto yung isa nyang post, “….dito ko na sasabihin mula ngayon kahit anong mangyare sa buhay ko. Walang may ibang karapatan sakin at sa maiiwan ko kundi boyfriend ko at sa pamilya niya. Kung ano man ang mangyare bukas walang may ibang may karapatan sakin kundi si bf lang at ang pamilya nya. Nakasulat at nakavideo meron ako. Mas okay nang handa lalo na may nagbabadya na naman.”
Just wondering if posts like these are valid in court pag nagkaissue in the future?
submitted by vivrelavie to LawPH [link] [comments]


2024.05.19 10:18 Apprehensive_Log_870 one year since graduation and i'm still unemployed.

I graduated June last year from a ""big 4"" university and until now, wala pa rin akong trabaho. I haven't been applying to any company at all kasi I chose to take a break since college took a huge toll on me and my mental health. I know most people would think negatively about it and I don't blame them. I know na ako rin naman yung problema.
The thing is, I don't think I'm lazy. Ako yung eldest child sa pamilya and I've been very much committed sa mga resposibilities ko. I'm in-charge of everything sa bahay since ako lang naiiwan at may mga pasok sila sa school at work. I clean, cook, take care of our pets, my siblings pati maging trauma dump ng lahat (jk 1/2) etc. Kung may nagtataka man sa kung anong tingin ng parents ko sa situation ko ngayon, they don't really pressure me naman pero alam ko sa loob-looban eh nagtataka na rin sila. Grumaduate ng may latin honors yung anak pero palamunin pa rin - my relatives probably. They've been talking about me too, and gusto nila na mag-abroad ako as if andali-daling kumuha ng visa. Gusto ko rin naman pero I think, need ko muna talaga ng experience.
Sa isang taon na wala ako trabaho, nagpahinga ako. I tried everything that I wanted to do na kaya ko at afford ko dahil I believe na once I join the workforce, magiging limitado na yung free time ko. Para di rin ako mangalawang sa mga natutunan ko nung college, I accepted design and creative commissions on the side to atleast earn money. My clients are mostly my friends and relatives and they seem satisfied naman with my outputs. Nakakatulong din naman lahat ng yon sa personal growth ko at sa pag build ng portfolio ko which I'm working on lately. Oo, lately lang. It took me this long to have the motivation to work on myself and finally move forward.
Hinding hindi mawawala yung feeling na you're being left behind since kada bukas mo ng social media accs mo, halos lahat ng ka-batch mo may trabaho na pero ikaw, stuck ka pa rin. Masyado ko kasi atang sineryoso yung taking my time... pero ewan ko. I'm still trusting the process. Atleast I'm making progress, I guess? Though goodluck nalang siguro sa akin once I start applying for jobs. I don't know what's to come. Takot ako pero kailangan. Feel ko kakayanin ko naman.
submitted by Apprehensive_Log_870 to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.19 10:00 AyamiSaito Ano po tingin niyo sa unpaid trial assignment na 'to?

Ano po tingin niyo sa unpaid trial assignment na 'to?
Unpaid. Tapos ang tining ko ang dami niyang pinapagawa kahit tig-1 minute lang na script. Kasi kailangan ng research at kung ano ano pang links, etc.
Medyo magtataka rin ako doon sa competitor analysis part lol. Pakiramdam ko nanghihingi lang sila ng free advice at content ideas para sa channel nila.
submitted by AyamiSaito to buhaydigital [link] [comments]


2024.05.19 09:52 Content-Tip-7221 Will you accept someone’s follow request to your dump acc?

Minsan nahihirapan akong i-accept yung follow req ng “acquaintance” ko. Lalo na, dump yon. Kahit naman siguro may shared moments and interactions kami (super few lang), hindi talaga ako comfy maging part siya ng priv life ko.
Pero, at the same time, nag-ooverthink ako sa iisipin niya tungkol sakin. How will I handle this situation?
submitted by Content-Tip-7221 to AskPhilippines [link] [comments]


2024.05.19 09:32 Business-Trip2279 Ano na yung goal mo simula ng maging Seataoo seller ka?

Ako gusto ko ng makauwi sa pinas para makasama ko na pamilya ko.konting tiyaga pa para pag okay na yung kapital ko, yun na ang pagkukuhaan namin ng pang everyday na konsumo🙏❤🥰
submitted by Business-Trip2279 to SeataooCommunity [link] [comments]


2024.05.19 09:28 hopelessbb23 May cancer si Papa

Di ko akalain na titigil ang buhay ko nung malaman namin na may cancer papa ko.
Tumigil siya in a way na yung supposed to be na mga plano ko tulad ng pagmasters degree o di kaya naman maumpisahan yung maliit kong business, mukhang medyo malabo na matupad, alam kong advance na tingin ko rito pero kasi bilang panganay, ako yung expected na tumayo at tumulong sa pamilya namin lalo na nag-aaral pa kapatid ko. So in a way, wala akong room para isipin sarili ko.
25 pa lang ako pero parang pasan-pasan ko na ang mundo just because hindi pinaghandaan ng mga magulang ko future nila.. walang insurance, walang property na maaaring i-let go para magamit sa pagpapagamot.. as in wala. May mga panahon pa na parang wala lang sa kanila yung nangyayari, parang di iniisip yung mga gastusin, nagagawa pa ngang pumunta at mag aya sa kung saan saan as if walang bawal..
Sobrang selfish ko ba kung sobra akong nasasaktan sa nangyayari? Sobrang selfish ko ba kung iniisip ko sarili ko kaysa sa lagay ng pamilya namin ngayon?
Ewan ko na talaga.
Mahal ko pamilya ko, sobra. Pero paano naman kaya ako?
Sobrang nakakadepress lang din kasi, ni hindi ko man lang nga maibalita sa kanila na na-promote ako kasi pakiramdam ko pag nalaman nila, sasamantalahin na ako eh. Baka mag-expect na may pera ako when in reality, kakaahon ko pa lang mula sa mga utang nila na ako rin nagbayad.. moment ko na dapat 'to ngayong taon eh, sarili ko na sana iisipin ko ngayong taon, future ko na sana eh.. pero bakit ganito na naman?
Nakakapagod.
submitted by hopelessbb23 to PanganaySupportGroup [link] [comments]


2024.05.19 08:45 Avenrin02 Hello Guys, Ang Lola ko kag Papa ko ga sturya sturya kis-a about sang Natabo during Marcos Era. Sa inyo ano ang estorya sang pamilya/clan ninyo?

submitted by Avenrin02 to Bacolod [link] [comments]


2024.05.19 08:23 DramaOk5699 Ang kapal ng mukha mo par. Bakit di na lang ikaw yung gawing bala ng west ph sea para magkasilbe ka sa mundo?

Putangina talaga nitong tatay ng anak ko. Walang kwenta eversince!!! Ni hindi ko sya hinihingian ng kahit na ano, yung hayop na consent lang para makapagtravel yung bata overseas papunta sakin kasi nga kasal pa kami. Wala ka na ngang ambag sa buhay, ang kapal pa ng mukha mo playing the victim tapos ako pa magmumukhang masama!!!! The audacity! Napaka cheater narcissist manipulative sadboi mo talaga! Bat di ka nalang manahimik kasama yung bago mong pamilya; pasalamat ka di ako makauwe uwe ng pinas pota ka . Nilalayo ko na sarili ko sayo at sa pamilya mo kasi sobrang mentally tortured ako na hinahabol ako ng bangungot kahit lumayas nako sa Pinas. Mag intay ka lang, bilog ang mundo, darating din karma mo. Once na makuha ko talaga yung anak ko, wala ni isa sa inyo makaka alam kung nasan kami!!! Gago ka!!!
submitted by DramaOk5699 to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.19 08:06 prinxe02 ABYG kung palalayasin ko yung kuya ko?

I have an older brother (35) who is a freeloader sa bahay. Mind you, he have a job and same kami ng role and level, but he earns more than I do since sa metro siya nagwowork while I work sa province. They said hate is loud kaya I opt posting it here baka kasi sumabog na ako anytime soon. There are multiple instances which triggers this hate:
1: During college, he spent his tuition fee sa barkada and sents fake receipt sa parents ko until finals came. After learning this, kinausap ako ng parents ko to stop college kasi priority sya makagraduate. I started school early naman so stopping for a year is okay. Hindi din sya nakagraduate.
2: When he went abroad for work, my parents loaned a lot since he went there with tourist visa and need magexit bago makakuha ng working visa. I worked for years para mabayaran yung mga loans na yun whereas di siya nagabot since nakapagwork na siya dun. I also need to shoulder yung expenses sa bahay since ako lang ang may matinong trabaho nun, so I haven’t had a chance to continue my college.
3: I decided to move out sa bahay for personal reasons and since siya yung nasa bahay, I’m assuming that he’ll cover for the bills since never talaga ako umuwi for years. However, for emergencies and pag walang wala na daw silang groceries, sa akin pa din tumatakbo yung mga tao sa bahay. There was one time when my mother needs to be rushed sa ER and sobrang aligaga sya but when we are about to settle the bills na, he went MIA. This is not the first time, FYI. I don’t mind spending for my mother and brothers, but not him.
4: I went back during pandemic since naawa na din ako sa mga kapatid ko at kay mama na wala silang panggastos, I have enough savings naman for college and some left for home renovation. We agreed na hati kami sa renovation cost. Dumating na yung contractor and all wala pa yung materials and budget, as usual he went MIA. So I have to shell out para matapos na din yung project. He went back after the renovation and wala na akong nabalitaan tungkol sa parte nya sa cost. Also, since WFH nun, sa bahay sila nagwowork ng friend niya and they upgraded the internet multiple times kasi need daw sa work, without even consulting me maski ako ang nagbabayad ng bills.
5: When my father died and we sold his properties, he volunteered na siya ang uuwi sa province to settle it with the existing tenant. Ang usapan is for him to deduct all expenses sa mapagbebentahan and the remainder will be used for renovation nung house extension namin. The same thing happened, nandyan na yung contractor and materials pero mapupurnada kasi ayaw niya ibigay yung napagbentahan which will be used pang pasahod. He was able to give around 100k lang then the rest wala na. I begged him na ipadala na yung iba kasi we need it to complete yung project and I told him na di din ako makakapagabono this time kasi di pa ako nakakabawi sa last renovation and reserved for tuition ko yung savings ko. I have no other option but to take out loan para lang matapos yung bubong namin na inopen kasi dapat ipapa2nd floor.
After that event, umuwi siya ng bahay na parang walang nangyari. Recently, parang nangiinis na lang din talaga kasi ngayong, summer araw gabi syang naka aircon and iniiwan pang bukas yung fans and lights. Nakakapikon din kasi na ako ang nagbabayad ng electricity pero naka fan lang ako. Anyway, gusto ko siyang pagsabihan though I have history kasi na sobrang sakit ko magsalita and may tendency akong manuntok if triggered, kaya I remained silent all these years. All these times I kept telling myself na middle-child syndrome lang to, but I feel the hate growing each day. I asked my mother na pagsabihan siya but she insists na hayaan na lang. ABYG kung palayasin ko yung kuya ko sa bahay since wala naman siyang ambag?
ps: sa bunsong kapatid ko nakapangalan ang bahay at lupa
submitted by prinxe02 to AkoBaYungGago [link] [comments]


2024.05.19 07:27 ReplacementFun8387 [UPD] BA JOURNALISM info please

Hello po. I just want to ask if ano mostly ang ginagawa sa program na 'to? Baka may makapag kwento po sa inyo tungkol sa mga gawain or sa program itself po. What are the possible jobs po with this degree? Mataas po ba ang salary ng mga journalist?
I'm intersted po kasi sa program na ito. SALAMAT!!
submitted by ReplacementFun8387 to peyups [link] [comments]


2024.05.19 06:44 Ok-Function-9157 Black sheep

Hello! Gusto ko lang ilabas tong nararamdaman ko kasi wala akong ma kausap or mapag sabihan man lang…
Panganay ako saming magkakapatid and syempre as panganay madaming expectations. And lahat ng expectations na yun nawala from the moment nagkaroon ako ng pagkakamali which is magka anak (pero never ko na consider as mali ang anak ko) simula no’n nag iba na tingin sakin ng pamilya ko at relatives namin parang pinakikisamahan nalang nila ko dahil sa mother ko at lahat ng attention at papuri ay sa kapatid ko na. Oo aminado ako na mas magaling at matalino kesa sakin kapatid ko at araw araw yun nila pinapa mukha saakin lagi akong nakakatanggap ng mga salitang tanga, bobo etc at binabalikan yung pagkakamali na nagawa ko lahat yan naririnig ko lagi kahit konting pagkakamali na nagawa ko yan agad sasabihin sakin, hanggang sa nakasanayan ko na pero masakit pa din tuwing naririnig ko yun lalo na kung sinasabi nila sa anak ko na “yang nanay mo kaya yan ganyan kasi uto uto pano tatanga tanga”
Nilalakasan ko nalang loob ko at tinatago lahat ng sakit kasi ayoko na makita ng anak ko na mahina ako pero parang sasabog na puso ko.. yun lang sorry kung mahaba
submitted by Ok-Function-9157 to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.19 06:34 knowchilichil ABYG for wanting to leave my grandmother kahit sya gumagastos para sakin?

hi! F(19) ako at nakatira sa province with my lola. its been 9 months since tumira ako sakanya, and all i can say is ang lala na ng anxiety ko dahil sakanya.
backstory: sa manila ako nakatira for the past 10 years kasama mom ko, stepdad ko, and my siblings and ako yung panganay. my mom is overly strict, to the point na bilang lang sa kamay yung times na gumala ako with my friends. lahat ng socials ko hawak nya, as in LAHAT. pag may nababasa sya sa messenger ko na hindi nya nagustuhan (kahit wala naman akong kinalaman don) ako yung pinagagalitan nya. nakakasakal tbh. as for my stepdad naman, i was sexually harassed by him for 3 years. told my mom about it pero idk why pinalipas nya. umabot sa point na napuno na ako at doon ako sa pinsan ko nagsabi na i was getting sexually harassed.
after ko magsabi sa pinsan ko, nalaman na ng family ko yung nangyari, at pinauwi ako dito sa province against my wishes tapos yung lola ko magssustento sakin. nakiusap ako na ayokong umuwi sa province, gusto ko magstay sa manila. the main reason why gusto ko magstay sa manila and ayoko umasa financially sa lola ko is dahil sa mga kwento ng mga anak ng lola ko tungkol sa ugali talaga ng lola ko na yun.
my lola is super narcissistic. ayaw nyang nasasapawan sya and gusto nya lahat ng oras mo nasa kanya. pag nagmessage sya sayo dapat right this instant mareplayan mo sya. sya lang dapat tama, kung nakakaramdam ka ng anxiety sasabihin nya mas malala ang anxiety nya. pag nagreklamo ka na pagod at nahihirapan ka sa school, sasabihin nya mas pagod sya at tumigil ka nalang sa pagaaral. college student po ako at premed ang course ko. ganyan na ganyan din ginawa nya sa mga anak nya, wala syang napagtapos sa apat nya na anak. once na sya gumagastos para sayo, good luck sayo at you’re gonna get manipulated and controlled ng malala. hindi ka pwede magkaroon ng sarili mong buhay at dapat nakafocus ka lang sakanya kasi sya nagsusustento sayo. issumbat nya pa sayo yung pera na ginagastos nya para sayo at ipagkakalat sa lahat ng tao kung magkano na nagagastos nya sayo.
mayaman syang tao kasi may napangasawa shang afam. as in sobrang mapera sya, pabalik balik yan from the us to the ph every 2 months pero lahat ng pera na ginagamit nya is galing sa asawa nya. super yabang nya din, kumabaga show off. bumibili ng kung ano anong gamit sa america tapos iuuwi nya dito sa pinas para iyabang saming lahat. lagi nya din sinasabi sa mga taong nakapaligid samin yung gastos nya sakin, like sa tuition, sa dorm, sa allowance and all. ako yung nahihiya para sakanya tbh kasi ibang klase yung yabang nya, hindi naman nya pinaghirapan yung pera at sa asawa nya naman galing yon.
sobrang layo ng loob ng mga anak nya sakanya, kasi buong buhay nila inabuso sila ng lola ko. ngayon na adults na sila, makikita mo yung effect ng pagpapalaki ng lola ko sakanila. di ko din masisi yung mom ko for her parenting style knowing na hindi sya magkakaganon if lumaki sya sa matinong environment. ni isa sa mga anak nya, walang napagtapos yung lola ko despite having the money for it, and yung pera na yon ay galing sa mga kabit nya.
may one time na sinugod ako ng lola ko sa school kasi i have a masc na tropa, which my lola doesnt like. super homophobic. andon sya sa hallway sa tapat ng room namin pinapahiya ako just for having a masc friend. may time din na 30 mins before my exam tapos tumawag sya kasi hindi ako nakasagot agad sa message nya. sinigaw sigawan nya ako kasi hindi ako nakareply agad, and umiyak nalang ako silently kasi sa stress na bigay nya sakin and the fact na mageexam ako sa major subject ko that day. ayaw nya din bayaran in full yung tuition ko kasi gusto nya hinahabol at nakikiusap sakanya every time na need ko magbayad . shes actually fully capable of paying it in full, lagi nya nga niyayabang na almost 100k ginagastos nya tuwing magpapaparty sya sa bahay e. lagi nya din ako tinethreaten na bibitiwan nya ako financially, kahit wala naman akong masama na ginagawa saknya. 9 months plang ako nakatira saknya pero kung sumbatan nya ako akala mo sya gumastos para sakin for 19 years. si mama nagpalaki at gumastos para sakin buong buhay ko pero never nya ako sinumbatan
i just wanna go home sa manila kila mama kahit may mga nangyari doon na hindi maganda. naiintindihan ko naman na kung bakit ganoon si mom ko, and pinapatawad ko sya. theres always room for improvements naman e, and i believe na kaya pa nya magbago. i fully believe na maaayos pa namin yung relationship namin.
ako ba yung gago for wanting to leave my grandmother?
submitted by knowchilichil to AkoBaYungGago [link] [comments]


2024.05.19 06:30 Nanami0925 Masama ba kong anak at Kapatid?

Ganito ang context. Me (25F) bread winner ng family. Im working WFH. Then my brother (24M) working also.
Ganito ang scenario, sugarol yung kapatid ko. For the longest time nababaon sya sa utang kaka sugal. Nung una naghehelp pa ako to the point na nagpapautang ako nag guarantor kung sino mautangan mahelp lang sya na mabayaran mga utang na nya dahil sa sugal pero dadating din pala sa point na nakakapagod na.
Sa hatian sa expenses. Ako nagbabayad ng loan kasi nagpagawa kami ng bahay, ako din sa Grocery and bigas monthly at kung may mga hingi sila mama ako din nagbibigay. Yung kapatid ko nagbabayad ng Kuryente, Tubig at Wifi.
Pero lately paulit ulit kasi yung sugal activities. Laging nag PM sa mga kamag anak namin na mangungutang kasi di ko na pinapansin. Alam mo yung nakakahiya? Tapos palagi pang paawa na kesyo wala syang pera eh may trabaho naman sya, wala syang pera kasi sinusugal nya. Tapos itong nanay ko laging pinagtatakpan kesyo 'kapatid ko daw, intindihin na lang' So sinasabi ko Harap harapan na kayong gina Gago pinagtatakpan nyo pa. Sagot lang ng nanay ko 'Hindi ka magulang, hindi mo maiintindihan' which is fucked up.
Napuno na ako kagabi kasi nalaman laman ko kumuha sa negosyo kong gcash ng pera w/o may permission. At yung binigay kong 5K na pangbayad ng bahay, pinautang pa pala ni mama sa kapatid ko para ipambayad sa utang nya ng dahil sa sugal.
So ngayon dahil napuno na ako pinapalayas ko na yung kapatid ko. Pero feeling ko ako pa yung masama sa pamilya ko. So sabi ko sa nanay ko either ako or yung kapatid ko. Kapag di yan lalayas ako yung aalis ng bahay. (NA SA AKIN NAKAPANGALAN AKO NAGPATAYO AT NAGBABAYAD NG DUES WTF DIBA???)
Advise naman I'm actually looking for an apartment or condo sharing near Pasig or Makati para dun na lang mag stay.
Feeling ko tama ako, pero Im also thinking masama ba akong kapatid at anak sa ginawa ko? 😭
submitted by Nanami0925 to adviceph [link] [comments]


2024.05.19 06:18 user4679072 Abyg dahil late akong nag sorry?

I'm a graduating SHS student from UST. Nung 1st term ng grade 12, nag ka line of 7 ako sa isang subject which is chemistry. Isang quarter lang naman yung line of 7 and ayos naman lahat ng grades ko sa ibang subject, sa chem lang talaga pumalya.
Wala akong excuses sa kapalyahan ko. Hindi talaga ako nag pursigi noong time na yon, burn out ako physically and mentally pero bumawi naman ako ngayong 2nd term.
Fast forward, sinabi ko sa mom ko na nag ka line of 7 ako. Hindi ako proud, I just told her the truth. She was very disappointed. Because back in elem and JHS I'm an honor student achiever ba ayun hahaha. Ramdam na randam ko pag ka disappoint niya. Well, I understand kasi naman naghihirap siya para ipag-aral ako dito sa UST eh. Talagang madidisappoint talaga sa line of 7 ko. Kaya it's understandable na magalit at mainis siya sakin kasi halos binigay na niya lahat for me and I couldn't even make her proud.
I have a dorm plus may allowance ako and hindi naman strict parents ko. So I have the freedom that I want. Don't get me wrong I'm not the type of student to party all night. Sadyang hindi ko lang ma-grasps yung subject na chemistry and hindi ko talaga forte ang Health Sciences. That's my biggest mistake I guess. Trying to pursue something that I'm not passionate about just to please my mother. Gusto niya kasi ng anak na doktor. Mahirap mama, masyado akong bobo para dyan haha baka in my next life.
Anyway, I took USTET. I passed my priority program, so it seems di naman ako bobo hahaha. When I passed, kahit one word of "Congrats" wala akong narinig from them. Hayst. Alam ko namang hindi na nila ako pag aaralin sa UST. One because the program that I'm qualified for ay hindi align with Medical field and two since nga nagkaline of 7 ako wala ng bilib sakin mga magulang ko. Tanggap ko naman na hindi na nila ako pag aaralin sa UST, pero syempre dahil medyo makulit ako parang biniro biro ko sila "Mama UST nalang ako ulit please". Yung tono ko biro biro lang pero I'm not sure how my mom took it.
After a few days, bigla akong minessage ng ate ko. Pinagalitan niya ako sa family GC. Sinabi niya na deserve ko talaga na di na mag aral ulit sa dream school ko dahil sa kapalyahan ko. At napaka selfish ko daw, hindi ko raw iniisip pag hihirap ng magulang namin. She told me na kahit anong gawin ko madidisappoint sakin si mama.
Masakit lang para sa akin, ikaw ba namang pagsabihan ng ganon. Pero I know na sinabi niya yon sakin para magising ako sa katotohanan which is gising na gising pa ako pero that added salt to the wound talaga. Parang napakalaki ng kasalanan ko for getting a line of 7 in one quarter in one subject.
Syempre hindi ko na nireplyan, nag seen lang ako. Ano bang sasabihin ko? Hindi ko alam nung mga time na yon what's the right word to say... Baka magalit lang siya pag nag reply ako. My sister is older and she's pregnant with her first child, ayoko namang dumagdag ako sa stress niya. Kaya hinayaan ko lang, baka naglalabas lang ng stress toh. For now I'll just be the punching bag. I can take it naman. Lagi naman silang ganito sa akin.
A few days after nag chat siya sa GC, "Bati na tayo" tas mention ng name ko. Akala ko nag jojoke lang yung message kasi ang sarcastic and finals namin nung chinat niya yon. Ayoko munang madistract at baka mag break down pa ako so hindi ko muna pinansin yung message sa GC. Pero I accidentally left it on seen. This is not on purpose and hindi ko rin alam irereply ko kaya hindi talaga ako nag reply. I was still processing everything and I felt kinda depressed that week. And a small part of me resent her dahil sa mga sinabi niya sa akin, fresh pa yung wound ganon.
So fast forward, this week gender reveal nila ate. And naturang mag ooverlap siya sa schedule ng graduation practice namin (Gragraduate pa rin naman haha). So tinanong ko sa isa ko pang kapatid paano ko pag sisiksikan yung schedule and nag chat si kapatid sa GC asking what time end ng gender reveal.
After nun nag reply si ate na kahit wag na daw akong umattend, di naman daw nila ako kailangan. Hindi ako nag seen sa GC pero nabasa ko sa notification bar yung reply niya. Then minutes after nun nag chat siya sa akin sa personal message naman. Sabi niya dadalhin ko daw lahat netong mga ginagawa ko hanggang sa pagtanda. She basically cursed me out. Asking bakit ko daw siya tinatarantado eh buntis nga siya. Nagkikipagbati siya tas ako I had the audacity to left her message on read.
After a day ng message niyang yon nag sorry ako sakanya sa personal message. Very sincere and genuine yung sorry ko. Tinanggap ko kahit it felt very unjustified nung pinapagalitan niya ako sa GC. Nagpakumbaba ako, I told her na syempre ayoko dalhin toh hanggang sa pagtanda ko and as expected hindi niya binuksan yung message ko. I deserve that for responding so late.
Ngayon sa tingin ko habangbuhay na siyang may sama ng loob sa akin. I don't even know what I did wrong (Maybe this is me being ignorant pero I'm genuinely confused) Bakit parang hindi ako pamilya sa sarili kong pamilya? Why do I have to walk on eggshells all the time? Bakit lahat nalang ng nakikita nila sa akin ay yung negative traits ko? Ansakit sakit lang. Naiingit tuloy ako sa mga kaibigan kong may healthy relationship sa family nila, bat pag ako parang stranger na trato sa akin.
Ako ba yung gago sa sitwasyon na toh dahil hindi ko nireplyan yung pakikipagbati niya sa GC?
submitted by user4679072 to AkoBaYungGago [link] [comments]


2024.05.19 06:12 iScalarNgBayan Required ba talaga magbayad kapag gagamit ng ambulance ng LGU or ng government hospital?

Hello,
An old relative of ours recently had an injury and hirap sya lumakad or sumakay sa pagcommute. Ngayon, need palaging ipacheck up due to complications, so we would like to avail yung ambulance services uli ng LGU.
Non emergency yung case. patient is indigent and senior citizen, walang sariling pamilya (i.e. matandang dalaga).
Ask ko lang kung required ba talaga magbayad para kapag gagamit ng ambulance ng government (LGU/gov hospital)? If required, magkano dapat yung standard fees?
Based on my previous experience kasi nung ako yung nagkasakit, ganito usually yung binabayad namin sa ambulance ng LGU namin kapag nakikigamit kami:
Minsan multiple patients kaming sabay sabay na hinahatid, kaya minsan doble yung narereceive nila na bayad. Sometimes may empleyado ng LGU na nakikisabay sa byahe pa Manila kahit hindi naman official agenda ng LGU pero hindi na sila pinagbabayad.
Ngayon nagsearch ako about policy regarding sa paggamit ng government ambulance wala akong nakitang guideline regarding sa fees, so hindi clear kung anoano ba talaga yung need bayaran and magkano yung dapat ibayad kapag makikigamit ng ambulance?
As per DOH ADMINISTRATIVE ORDER NO. 2010-0003, January 07, 2010:
Toll Regulatory Board a. Designates an emergency lane for ambulances, free of toll charge
Philippine Health Insurance Corporation (PHIC)
  1. Develops a scheme to ensure that ambulance service is part of PhilHealth reimbursable packages.
I asked din dati yung ibang pasyente na nakasama ko sa hospital, sa kanila daw free yung paggamit ng ambulance, as in wala daw silang binabayaran kahit na mas malayo pa sila kaysa samin, even yung food nung driver and staff. Pero most of the time madami silang pasyente na sabay sabay nakasakay (so minsan daw paunahan kung sino magpareserve nung stretcher).
Personally, I dont mind na multiple patients kami na ihahatid sundo, kaso nga lang i find na unstructured yung guidelines nung fees. Kaya ngayon I'd like to ask kung anoano ba dapat yung binabayaran pag magaavail ng services.
submitted by iScalarNgBayan to Philippines [link] [comments]


2024.05.19 05:33 ConstructionSoggy268 I kinda like you but di pwede

He's a nice person. Dedicated sa trabaho nya, as I could see in his fb posts. Mahal nya pamilya nya, iniispoil nya in fact when he do got a chance, and He just tend to be so ma-effort to help any students. He's around to his mid-twenties and I'm on my early twenties. Prof sya sa campus namin pero never ko syang naging prof like in my subjects since different dept sya. I met him only as an adviser of an org. Di ko alam if I only admire and respect him too much since hanga talaga ako sakanya, but It's just cute when he still in effort to help me as a president ng org namin kahit hindi naman na sya yung adviser. Anything that he does were just genuine. Ganon din kasi sya sa lahat. Please, he also tends to give gifts to anyone's birthday that he is close with. Ang cute lang din na most of his students also adores him like letters, messages even coming from both parents and students on how well-generous and good at his job in teaching. And in my generation, minsan ka nalang makakakita ng ganon. It still wonders me why kung bakit padin sya single, lol. If He were in my age, I would definitely grab the chance.
submitted by ConstructionSoggy268 to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.19 05:24 deal-breakr Nakakap*tang ina!!! My parents are demanding me to stop seeing the guy i’m dating!

Nakakagago yung rason ah! Ayaw na kilalanin kasi pangit daw siya kesho di ka level in terms of social standing. Bakit daw ako magdadala ng ganyan sa pamilya. Pinapahiya ko daw ang pamilya. Hindi daw ako marunong pumili?! What the actual f*ck?! Maiintindihan ko pa if yung reasons are character-wise or may family issues na di kaaya-aya pero napaka superficial ng rason! Syempre masakit! I’ve dated guys who treated me like shit but approve sa “standards” nila and ayoko na ng ganon. They refuse to see the potentials i see in this person and it pains me. Ayoko naman na pagdaanan niya to. No one deserves to be treated like this. Sa lahat ng mga taong dumaan sa buhay ko this is the very person na ayokong masaktan sa ganitong rason. Di ko na alam talaga.
submitted by deal-breakr to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.19 03:39 Routine-Disaster1887 Panganay

Magugutom ang pamilya pero ang jowa at mga kaibigan hindi. Pag sa kaibigan ang galante maglibre, pag sa pamilya ang bigat sa kanya. Hindi pa mag-asawa pero yung jowa nasa highest tier na ng priority ng kapatid ko.
May share din ako sa bills sa bahay and stuff. Pero bakit ganito tingin ko sa nakababata kong kapatid?
Observation ko lang sa kanya. Actually same sila ng ama ko. Ama ko pag may sideline nakatira sa jowa, kapag broke andito sa bahay.
Simula nagkawork ako, di na natapos responsibilidad ko dito sa bahay. Isang dekada mahigit na ako nagt trabaho.
Ama never gave us a good life btw. Lahat mahirap sa amin. Gapang kasi di nya kaya mag sacrifice for us. Kasi ayaw nya ng trabahong nahihirapan sya. He would rather see us starve, kesa pawisan sya at utus-utusan ng iba. Kaya please wag nyo ako sabihan maging grateful.
Ewan ko. Gusto ko na umalis. Sana ma afford ko na umalis dito.
submitted by Routine-Disaster1887 to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.19 02:56 JohannGoethe Earth 🌍 circumference = 𓊖⋅𓅃⋅𓃀 or 239,976,000 👣 (feet) Egyptians (4500A/-2545)

Abstract
The following is derived as the formula for the Egyptian cosmos:
Verified by the value of the earth’s 🌍 circumference reported to Aristotle (2280A), by “mathematicians“, a science Aristotle says was invented in Egypt; experimentally calculated by Eratosthenes (2210A); decoded as 360 x 1111 stades by Warren (42A); EAN decoded as omicron (ομικρον) [360] x iota (ιωτα) [1111] by Thims (7 Feb A68); and HieroTypes reduced as: ◯WX = ⨂ » 𓊖 by Thims (18 May A69).
Overview
The following is:
# Circumference 🌍 Person
1. τετταράκοντα [40] μυριάδας [10,000] Aristotle (2280A)
2. 40 x 10,000
3. M x 𓂭
4. Δ x 𓆐
Y x 𓆼
5. 400,000 stadia
6. 400,000 🏟️
7. 400,000 [600 👣]
8. 400,000 [600 𓃀]
9. 400,000 [X𓃀]
10. 252,000 stades Eratosthenes (2210A)
11. 360 x 1,111 stades Warren (42A)
12. 399,960 stades Warren (42A)
13. [ομικρον] x [ιωτα] Thims (7 Feb A68)
14. OW x IW x [X𓃀]
15. W x 𓅃W x [X𓃀]
16. W⋅𓅃W⋅[X𓃀]
17. 𓊖⋅𓅃⋅𓃀 Thims (18 May A69)
18. 239,976,000 feet Egyptians (Aristotle)
19. 151,200,000 feet Eratosthenes
20. 131,482,560 feet Modern value
Whence, we have:
Dividing through, we get:
A ΕΑΝ formula for the Egyptian cosmos (κοσμος) [600]!
Circle-X symbol 𓊖 [O49]?
In step #17, I have merged omicron (ομικρον) [360] symbol ◯ with the chi (X) = 600 symbol, to make the circle-X (⨂) symbol 𓊖 [O49], which is in the names of many Egyptian city or nome names, e.g. Heliopolis, as follows:
In other words, I am conjecturing that the chi X is merged into or inside of the ◯ circle, to form, similar to what Plato speaks about, the Egyptian circle-X or cosmos birth symbol 𓊖 [O49].
We also note:
Where epimixia {επιμιχια} [216] meaning: “intercourse“ (Barry, A44) or “admixture”, which seems to make sense, meaning that the phoenix 🐦‍🔥 egg 🥚, formed by Ptah, had to have been made or seeded by “intercourse”, meaning the new cosmos was born from an admixture of sexual genomes 🧬, or something along these lines.
Keys
Quotes
“Mathematicians who calculate the size of the earth's 🌍 circumference arrive at the figure 400,000 stades.”
— Aristotle (2280A/-325), On the Heavens (Περί Ουρανού) (translator: J.L. Stocks) (§2.14:298a15)
Posts
References
submitted by JohannGoethe to Alphanumerics [link] [comments]


2024.05.19 02:18 xoxefo3952 Dangerous Love PDF at Novel Online ni KhioneNyx na Babasahin nang Libre - Romance Mga Kuwento Tagalog

Napapalibutan ng tungkol sa politika si Marina Hidalgo, isang vice mayor ang kanyang ina at isa namang attorney sa public attorney’s office ang ama niya. Galing siya sa pamilyang matagal nang nagseserbisyo sa gobyerno, ngunit iba ang tumatakbo sa kanyang isipan at plano niya sa kanyang buhay. Siya lang ang sumalungkot sa generation ng pamilya nila nang kumuha siyang kursong journalism dahil gusto lang niya ng tahimik na buhay, hindi rin niya gaanong pinangangalandakan sa buong unibersidad niya na galing siya sa pamilya ng mga Hidalgo. Marami siyang iniiwasan at isa na roon ang pamilya Sanchez, ang namamayagpag ngayon sa municipality nila lalo na’t Sanchez ang nakaupo na mayor sa lugar nila at isang dahilan na kaaway na pamilya sa politika ng mga Hidalgo ang Sanchez. Pero kung anong iniiwasan niya iyon naman ang lumalapit sa kanya, nang makilala niya sa isang press conference si Filan Sanchez, ang pangalawang anak ng mga Sanchez, bilang journalism student siya ang naatasang mag-interviewed nito para sa kanilang school newspaper. It all started in the interview, press conference at ang mga tanong na kailangan niyang ibato sa batang Sanchez, akala niya roon lang matatapos ang lahat, but nag-uumpisa pa lamang ang lahat. Read more
submitted by xoxefo3952 to Novelideas [link] [comments]


2024.05.19 01:52 Document-Guy-2023 Nabaon sa utang dahil sa pagsusugal. I need genuine advice

Hello everyone,
So nabaon ako sa utang dahil sa pesteng pagsusugal na to, yung routine na natalo sa sugal, babawi ko yung natalo ko hanggang sa nagbebenta na ako ng items ko, nangungutang and everything. Ngayon month lang ako nag hit ng rock bottom as in walang wala na. May credit score ako na 750+ before this happened to me kaya nakakaloan ako sa mga apps.
Walang wala na ako and baka meron dito na naging same scenario with me. may exactly 30 days pa ako para makagawa ng solusyon to pay for my loans :( Ngayon naghahanap ako ng 2nd job ko to pay for these I even plan na magkaron ng 3rd job. Im new to freelancing so if may ma advice kayo how I can get one. Mostly skills ko ay for tech developer ganyan pero hindi pa senior level.
Hopefully wala naman mang bash sa akin kasi alam ko naman mali ko. I just want to pay all of my loans and I will never go back sa pagsusugal. Down na down na ako. Nasira buhay ko.. Wala naman akong pamilya, wala din akong maasahang iba and even if meron man, ayoko.. gusto ko akuin pagkakamali ko at itama lahat. Lahat ng trabaho papasukin ko na wag lang yung mababastos pagkatao ko.
Eto na yung pinaka down ng buhay ko. Lintik na sugal yan.
submitted by Document-Guy-2023 to adviceph [link] [comments]


http://rodzice.org/