Maikling tagalog talumpati

Won Minutes Luzon 2 Review (Part 2/2)

2024.05.13 20:07 easykreyamporsale Won Minutes Luzon 2 Review (Part 2/2)

Part 1
Magkakaroon ng Leg 3! Pero sabi ni Anygma, kung talagang suportang lokal ka, hindi mo na kailangang hintayin pang makatapak sa FlipTop yung mga emcees. Walang katapusang dyamante ang matutuklasan sa underground.
7th Battle. Keelan def. Dave Denver. Dikit ang laban hanggang sa dulo. Mas naging entertaining lang siguro overall si Keelandagdag mo pa yung pagkalaglag ng kanyang pustiso HAHA.Pwede mapunta kahit kanino yung laban pero preference ko na lang siguro si Keelan.
Content Flow Performance
Keelan 4 5 5
Dave Denver 4 4 4.5
8th Battle. Bisente def. BLZR. Sobrang dikit ulit ng laban. Lamang sa aggression, energy, at stage presence si Bisente habang sa angles, multis, at wordplay naman lamang si BLZR. Nakatanggal lang siguro sa momentum yung summoning technique rebuttal ni BLZR dahil medyo laylay ang pagkakaspit ng kanyang pinalabas.Kung hindi ka talaga preparado, lalamunin ni Bisente ang kaluluwa mo. Ibibigay ko kay Bisente 'to pero kahit sino pwede rin talaga manalo.
Content Flow Performance
Bisente 4.5 5 5
BLZR 4.5 4.5 4
9th Battle. Supremo def. Philos. Masyado sila maraming 3rdy references at sa tingin ko na-didillute nito ang kanilang performance kung nagiging center of attention yung kanilang kagrupo. Anyway, wala namang duda na malakas sila pareho at obvious naman na bitbit nila ang Motus brand ng pag-battle. Kahit magkagrupo sila, hindi sila prumeno sa mga bara nila. Kahit sino pwede rin manalo. Tabla 'to para sa akin pero parang natahimik yung crowd nang ideklara na 3-0 Supremo ang nanalo.
Content Flow Performance
Supremo 4 4.5 4.5
Philos 4 4.5 4.5
Last Battle. Eveready vs Carlito. Sobrang FlipTop-ready na sila pareho. Sa sobrang lakas ng battle, ginawa na lang promo ni Anygma. Nasa ilalim sila ng poster pero ginawa silang main event. Ganun sila kagaling. Nakakapangilabot si Carlito at nakakatakot ang kanyang stage aura. Nahahaluan niya ng internals mapa-Tagalog or English. Si Eveready naman napakahusay mag-rebut at umanggulo. Para magawa nila 'yon sa maikling format, talaga namang handa na sila sa big stage at hindi nakakapagtaka kung makita na natin sila agad sa Ahon. Promo dahil masyadong malakas walang gusto mag-judge.
Notes:
-Halimaw si Bisente. Mas malupit pa raw aggression nito sa Zaki ng Kumugan.
-Mas madaling makipagkwentuhan sa mga emcee sa ganitong mas intimate na venue gaya ng 88Fryer.
-Based sa perspective ko ang review na 'to. We may agree to disagree. Feel free to comment or DM kung kailangan ng paglilinaw.
Battle of the Night (excluding Eveready vs Carlito kasi ibang lebel na sila): Bisente vs BLZR
Runner-Ups: Kalixs vs Razick, Don Rafael vs Ets
Performance of the NIght: Aubrey
Runner-Ups: Bisente, Don Rafael, Keelan
submitted by easykreyamporsale to FlipTop [link] [comments]


2024.03.06 16:38 EcstaticLake Mga maikling kwento, dula, o nobela na nakasulat o mahusay na naka-translate sa Tagalog

Puro Ingles na lang ang binabasa ko ngayong nasa kolehiyo na ako kasi hindi na required magbasa ng Florante at Laura o mga sulat ni Rizal o kaya ay Ibong Adarna. Hindi ko alam kung saan magsisimula. May mga natatandaan ako noon, tulad ng "Sa Pula, Sa Puti". At yung isang kwento tungkol sa isang babaeng nag-cheat sa asawa nya, kasama yung kaibigan ng asawa nya, tas sa huli ay nilason nung asawa yung lalaking kaibigan nya habang alam nung babae at nagmamakaawa (di ko matandaan kung nakasulat sa ingles ito o nakasulat sa Tagalog pero Pinoy ang may likha at parang script sya ng isang dula, kung may nakakaalam ng pamagat, paki-comment na lang po). Syempre marami rin akong natatandaan na mga kwentong alamat. Nabasa ko rin MacArthur ni Bob Ong at ilang mga Kikomachine komiks ng ate ko. Nabasa ko rin ang The Woman who Had Two Navels noong 13 ako, para akong nagka- fever dream pero nagustuhan ko sya ng sobra. Kaso Ay nakasulat naman sa Ingles. Gusto ko yung ganun, surreal o kung may alam kayo na-contemporary filipino writer na nagsusulat ng magical realism. Comment na lang kayo kung ano mga marerekomenda nyong mga (huwag naman po yung pang-elementary reading o galing wattpad na cliche romance).
submitted by EcstaticLake to Tagalog [link] [comments]


2023.10.31 15:17 FlechD Bai Manisan

Ang maikling kwentong ito ay requirement sa aming asignaturang Filipino. Kung mayroon kayong mga komento, suhestiyon, at mga puna ay maaari niyo lang pong ipagpaalam sa akin.

Bai Manisan
akda ni Flechero, D.

Ang pag-ibig ay isang kamangha-manghang bagay na nagbubuklod sa mga tao. Ito’y hindi mapaliwanag na pakiramdam na maaaring magdulot ng kasiyahan, kalungkutan, pagmamalasakit, at pag-asa sa bawat isa sa atin. Ako ay si Datu Sakaluran, prinsipe ng aming kaharian sa kalagitnaan ng isang malawak na kapatagan sa lugar ng Mindanao. Ito’y nababalot ng mga malilinis na ilog, lawa, masasaganang taniman at napapalibutan ng mga mayayabong na puno sa matitikas na bukirin. Isang paraiso sa lugar ng silangan na kung tawagin ng nakararami. Lahat ay namuhay ng malaya at ligtas dahil sa dami-rami ng mga batas na ipinatupad ng aking amang hari para sa kapakanan ng aming mga mamamayan. At dahil sa pagmamahal nito sa buong kaharian ay mayroon siyang isang nakatataas na utos na mahigpit na ipinapatupad at hindi dapat na labagin ninuman. Ito ay ang pagbabawal na lumabas sa hangganan ng nasasakupan ng emperyong ito. Maliban sa aking ama, walang iba pang nakakaalam sa rason kung bakit mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas ng kaharian at walang sinuman ang nangahas na labagin ito maliban sa aming dalawa ng kapatid ko.
Isang araw, noong ako at ang aking kapatid na si Datu Merhan ay nangaso sa malayong kagutaban sa likod ng mga bundok, kami ay nakakita ng isang kakaibang hayop. Isang usa ngunit hindi lamang isang ordinaryong usa, ito ay higanteng usa na kulay tanso at may ginintuang mga batik-batik sa katawan. Hindi ito kayang patumbahin ng daladala naming palaso kung kaya’t maingat namin itong sinundan buong maghapon hanggang sa naabutan kami ng takipsilim. Kahit na madilim ay nananatili pa rin ang kinang ng engkantadong ninalang na ito na tahimik na nahiga sa ilalim ng punong kahoy. Ito na ang senyales na pinakahihintay namin. Dahan-dahan namin itong nilapitan habang hawak-hawak ang aming kampilan upang hatawin sa leeg ang halimaw na ito. Sabay naming naiwasiwas ang aming patalim ngunit biglang nawala ang ninalang. Sa isang iglap ay ang mga kinang nito sa kanyang balat ay kumalat sa hangin na parang isang batalyon ng alitaptap na lumipad papalayo sa amin at patungo sa mga puno upang mamalagi. Biglang nagdilim ang paligid.
Nakabibinging ingay lamang ang aming naririnig habang pilit na tinutuklas ang daan tungo sa aming kaharian. Kami ay nawala sa gitna ng kagubatan sa labas ng aming lupain. Ngunit bigla kaming nabuhayan nang mayroong nahagip na liwanag ang aming mga mata. Sa gawing timog na kungsaan ay may isang matayog at artistikong Torogan, mayroong isang babae ang nananalagi roon kasama ang alaga nitong maalamat na Sarimanok. Habang umaalingawngaw ang tunog ng paghahabi nito, dali-dali naming tinahak ang daan patungo sa torogan ngunit may nakapaligid ditong mga matitinik na halaman kaya naman ay hindi kami makalapit ng aking kapatid. Sa labas ay pinagmasdan ko ang babaeng malumanay na kumakanta habang naghahabi habang katabi nito ang alagang mistiko. Sa hindi mapaliwanag na kadahilanan ay nabighani ako sa gandang taglay nito.
Nanalagi kami ng aking kapatid sa labas ng torogan ngunit may isang babae ang dumating at nagbigkas ng isang kataga sa harap ng mga matitinik na halaman. Nagulat na lamang kami sa aming nasaksihan nang biglang nagsi-alisan ang mga halaman at pinadaan ang babae patungo sa torogan. “Prinsesa Bai Manisan! Maaari mo bang ibaba ang iyong buhok?” sigaw nito. At ibinaba nga ng Prinsesa ang buhok nito sa bintana ng torogan at umakyat ang bisita sa silid. Hindi kami makapaniwala ni Merhan nang aming nakita ang mahabang buhok ng prinsesa. Kakaiba ito sapagkat ito’y kakulay ng isang matingkad na tanso. Ang buong kagubatan ay nabalot ng mahiwagang boses ng prinsesa habang inaawitan nito ang kanyang bisita kung kaya at ako’y lubusang nahumaling sa kanya. Nababagay lamang sa kanya ang kanyang ngalan. Manisan na ang kahulugan ay maganda.
Kinabukasan ay umalis agad ang babaeng bisita. Pagkatapos nitong bumaba at bumitaw sa buhok ng dalaga ay agad itong tumalikod paaalis at binigkas ang mga kataga upang mabuksan ang mahiwagang tarangkahan ng mga matitinik na halaman at makaalis nang biglang sumigaw ang prinsesa mula sa torogan ng “Paalam Bai Norah! Salamat sa mga prutas na dala mo!”. Napangiti ang nagngangalang Bai Norah at nagmadaling humakbang papalayo. Doon namin napagtanto na ang bisita ay isang alalay na tagapag-alaga ng prinsesa.
Sa umaga ring iyon ay naghanap kaming magkakapatid ng mga kahoy na maaaring gawing palaso at saka nagpasyang mangisda sa ilog at kumain. Nangangamba ang aking kapatid na maaaring nalulungkot umano ang amang Hari sa aming pagkawala kung kaya’t nagpasya itong bumalik na sa kaharian at nangakong hahanapin ako at babalikan dito sa ilog na ito makalipas ang isang lingo. Siya lamang ang may lakas ng loob na bumalik dahil sa nais ko na makuha ang prinsesa bilang aking kabiyak. Umalis si Merhan at tinungo ang daan pahilaga, nawa’y matunton nito ang daan pabalik sa aming tahanan.
Bumalik ako sa pinaroroonan ng aking prinsesa at inaalala ang mga mahiwagang kataga na isinambit ng ulipen. “Ginintuang kapangyarihan ay nasa sa iyo, ako’y paraanin at nang mapasaakin ang pagpapala mo” bigkas ko ng marahan sa harap ng matitinik na halaman. Bumaon ang mga tinik at gumalaw ang mga sanga nito upang buksan ang daanan papasok ng torogan na walang hagdan. Inakyat ko ang gusali nito at dumaan papasok sa bintana at biglang may humampas sa akin ng kahoy na kutyapi at ito ang naging dahilan ng pagkawala ng aking ulirat. Nagising ako at namalayang ako’y nakagapos sa isang upuan. Nakagapos sa mga hinabing tela na kay ganda at may detalyadong mga disenyo. Humarap ako at bumulagta sa akin ang isang malaking karayon na panghabi. Gamit ang isang matapang na ekspresyon ng mukha, itinutok sa akin ng prinsesa ang kanyang karayom. Napakaganda pa rin nito kahit na siya ay galit. Pinagmasdan ko ang buong mukha nito at ang kaniyang nagliliwanag na buhok. Napangiti ako at nagsalita ng marahan. “Magandang binibini, huwag mo akong saktan sapagkat ako ay naliligaw lamang at napunta rito sa torogan ng isang nakakaakit at napakatalentadong prinsesa”. Pinuri ko ang kaniyang kagandahan at ang kaniyang mga ginawang tela na nakasabit sa mga sulok ng silid nito.
Dito nagsimula ang lahat. Buong maghapon kaming nag kwentuhan tungkol sa kung ano ang buhay sa labas ng torogan. Pilit niyang ipinapalarawan sa akin ang lahat ng detalye ng pamumuhay sa labas. Agad ko namang tinugunan ang kaniyang pagkamausisa sa pamamagitan ng paglahad ng aking mga karanasan sa pangangaso at mga paglalakbay sa mga katubigan at kagubatan ng aming kaharian. Nakikita ko sa kaniyang mukha ang pagka-aliw at pagkamangha sa lahat ng aking tinuran kung kaya ay akin siyang inalok na maglakbay sa mga kabukiran malapit sa torogan nito. Biglang nabago ang ekspresyon ng mukha nito at sinabing hindi siya maaaring lumabas at umapak sa lupa dahil ipinagbabawal ito sa kanilang kultura. Turan pa niya na ang lahat ng anak na babae ng Raja o hari ay hindi maaaring umapak sa lupa bilang pagkilala sa kanilang kabunyian. Isang makalumang paniniwala na sa aking pagkakaalam ay iwinaksi na sa mga kaharian sa buong Mindanao. Gayun pa man ay ramdam ko na gustong gusto pa rin nitong lumabas kaya’t nangako ako na ipapasan ko siya sa aming buong paglalakbay. Di naglaon ay pumayag naman itong sumama at agad nitong kinalas ang mga tela sa aking mga braso at binti. Gamit rin ang mga telang ito ay itinali ko ang dilag sa aking likuran at binalot ang kaniyang mga paa upang siguraduhin na hindi nito malalabag ang kanilang tradisyon. Kasali na rin ang kaniyang mahabang buhok ay nabalot na rin ng tela.
Naiwan ang Sarimanok sa torogan habang pasan ko ang prinsesa sa aking likuran paalis doon, sa pagpapasyal namin ay napuno ng galak ang damdamin ng dalaga sa kaniyang mga nakita dahil sa wakas ay ang mga kwentong naririnig lamang niya ay kaniya nang na saksihan. Mga ibon na ngayo’y malapitan na niyang nakikita, mga puno, halaman at ilog na dati ay di pa niya nahahawakan at marami pang iba. Bago gumabi ay binalik ko na siya sa kanyang tahanan.
Pagkatapos ng araw na iyon ay pinaalis niya ako at hiniling sa akin na ipangako kong araw-araw ko siyang ipasyal sa kabukiran, at dahil sa mahal ko ang dilag na ito ay agad naman akong sumang-ayon. Pagkatapos ay nagpapalipas ako ng gabi sa silong ng mayabong na puno ng kamagong at gabi-gabi ko ring nakikitang bumibisita si Bai Norah kay Bai Manisan at muling kinakantahan naman ito ng mahiwagang prinsesa.
Sa ika-anim maliligayang araw ng pamamalagi ko sa kagubatang ito ay dumating si Bai Norah kinagabihan sa torogan na galit. Nagsisigawan ang dalawang babae sa torogan na parang nagkakaroon dito ng mainit na diskurso. Hindi ko kayang hayaan na malamang inaapi ang aking sinisinta kung kaya ay agad akong lumapit rito, binigkas ang mga mahiwagang kataga at umakyat sa torogan.
Galit ang siyang namuno sa aking buong katawan na para bang nilamon ang bawat dugo ko ng apoy dahil sa aking nasaksihan. Sinasaktan ng ulipen ang aking iniirog. Agad kong itinutok ang aking palaso sa mapangahas na si Bai Norah at dahil doon ay binitawan nito ang prinsesa na napaunalan na nito ng mga pasa at gasgas sa katawan. Unti-unting lumapit si bai Norah sa akin at itinutok ang dalawa nitong mga kamay sa akin at sumigaw. Sa di mapaliwanag na pangyayari ay tumilapon ako palabas ng torogan at nahulog sa mga halamang balot ng matutulis na tinik. Gumalaw ang mga ito at niyakap ang aking buong katawan na siyang nagdulot ng daan-daang sugat sa akin at nagtuklap sa aking mga mata. Ako’y nagpumiglas. Gamit ang aking kampilan ay tinabas ko ang mga ito kahit hindi ko nakikita. Gumapang akong duguan papalayo sa gusali. Pumunit ako ng kapirasong tela sa aking kasuotan at aking tinakpan ang natuklap kong mga mata at nagpatuloy sa paggapang. Hangang ako ay makarating sa isang ilog at rinig ko ang pag-agos ng tubig nito. Lumapit ako rito at uminom ng tubig. Lungkot at pagkadismaya ang aking nararamdaman. Ako ay nahiga sa ugat ng isang puno sa tabi ng ilog na ito. Hindi ko namalayang kasabay ng pag-agos ng tubig sa ilog ay ganoon rin ang magpatak ng aking luha. Binigo ko ang aking prinsesa, hindi ko siya kayang ipagtanggol dahil ako ay isang mahinang ninalang.
Makalipas ang ilang mga oras ay nakarinig ako ng isang malakas na ingay. Boses ng babaeng sinisigaw ang aking ngalan at ang sunod-sunod na tilaok ng tandang na unti-unting lumilinaw. “Datu Sakaluran! Mahal ko! Nasaan ka?” hagulgol nito habang tumatakbo. Sumigaw ako at sinabing narito ako sa tabi ng ilog. Bigla itong lumapit at napaiyak ng malakas. Ako ay nahiga sa kaniyang mga binti at tinanong ang dalaga gamit ang paos na tinig ko kung siya ba si prinsesa Manisan at agad naman nitong sinabing siya nga ito. Totoo nga ang alamat, na sa kalagitnaan ng pagkaulila sa minamahal ay tutulong ang mahiwagang tandang na ito upang magkatagpo ang mga pusong sabik sa isa’t isa kagaya ng tinuran sa kwentong-bayan tungkol sa Sarimanok at ang pagmamahalan ni Indarapatra at ng diyosa ng buwan. Agad kong hinawakan ang kanyang ulo at nanibago ako sa kaniyang buhok ramdam ko na ito ay naputol na at umikli. Patuloy pa rin siya sa paghagulgol at halos hindi ko na marinig ang pinagsasabi nito dahil sa ako’y nahihilo at nanghihina na. Ang tanging nararamdaman ko na lamang ay ang pagdampi ng mga patak ng luha nito sa aking noo, mata, at buo kong mukha.
Nagmilagrong nawala ang sakit na aking nararamdaman sa aking nasirang mata at aking tinanggal ang telang pinantakip ko rito. Abot langit ang aking saya dahil sa nanumbalik na ang aking paningin. Pagmuklat ko ng aking mga mata ay agad kong nakita ang aking kaawa-awang prinsesa na may maikling buhok at mga galos sa katawan. Niyakap ko siya ng mahigpit at nagpasiyang ipagpatuloy ang pag-alis sa lugar na iyon. Tinulungan niya akong maglakad sa buong gabi hanggang sa lumiwanag ang araw.
Sa aming paglalakad tungo sa ilog na pinagkasunduan namin ng aking kapatid. Ngayon ang araw na iyon.sa aming pagdating ay nakita ko ang aking kapatid na kasama ang higit sa sampung mandirigma ng aming kaharian na nakasakay sa kani-kanilang kabayo. Agad itong bumaba sa kabayo at niyakap ako ng may ngiti sa kaniyang mukha. Dahil dito ay nakauwi kami ng ligtas kasama ng aking minamahal na Bai Manisan. Dinala ko siya sa aming tahanan at pinakilala ito sa aking amang hari. Ikinuwento ko sa kaniya ang lahat ng detalye ng aming pagkikita ngunit bigla siyang nabigla nang nalaman niyang prinsesa ng kabilang kaharian si Bai Manisan. Agad nitong kinuha ang mensaherong uwak. Itinali niya ang sinuat na mensahe sa binti nito at pinalipad ito. At sa makalipas na tatlong araw ay may mga bisitang maharlika ang dumating sa aming palasyo at nakipagpulong sa aming pamilya kasama na rin si Bai Manisan.
Sa pagpupulong ay aming na tuklasan na noong limang taong gulang pa lamang ang mahiwagang prinsesa ay dinukot ito ng ulipen na si Bai Norah na isa palang malakas na mangkukulam. Pinaniwala nito ang munting prinsesa na isinasabuhay pa rin ng kaharian ang makalumang tradisyon ng pagbabawal sa mga prinsesa na umapak sa lupa kung kaya ay simula pa noon ay hindi na nito nakita ang kaniyang mga magulang. Mahigit sa sampung taon na siyang pinaghahanap ng kanilang emperyo ngunit hindi matuklasan kung sa papaanong paraan ito naitago ng ulipen. May mahiwagang kakayahan ang prinsesa, siya ay nakakapagpapabata sa sinumang humahaplos sa buhok nito habang kumakanta kung kaya ay napag-interesan ito ng mangkukulam. At dahil sa natuklasan ng prinsesa ang pagkagahaman ng bruha ay sa kalagitnaan ng pag-aaway ng dalawa ay pinagpasyahan ni Bai Manisan na putulin ang buhok nito. Kwento pa niya na matapos niyang gawin ito ay nagsisisigaw sa hinagpis ang mangkukulam habang napupudpod ang laman at buto nito sa ihip ng hangin.
Noon pa man, sa loob ng ilang siglo, ang dalawang kaharian ay hindi na magkasundo at dahil dito ay matagal nang pinagbabawal ang paglakbay sa lupain ng magkabilang kaharian at pakikipaghalobilo sa mga tao rito. Dahil sa matagal nang hindi pagkakasundo ay isa rin sa pinaghihinalaan ng kabilang emperyo sa pagkawala ng kanilang anak ay ang aming kaharian. Ang pagmamahalan namin ni Bai Manisan ang nakita ng aking ama bilang isang pagkakataon upang makipagkasundo sa kanilang kaharian. Ito ay ang pagpapakasal naming dalawa ng prinsesa.
Sa kabila ng mainit na diskusyon ay napapayag namin ang mga magulang nito at malugod na ibinigay ng ama ni Bai Manisan ang kamay ng anak nito sa akin sapagkat nabawi namin ang kanilang kaisa-isang anak mula sa mapanlinlang na mangkukulam.
Ang araw na ito ay isang napakahalagang pangyayari na magaganap sa buong kalupaan sapagkat ito rin ang araw na ginanap ang seremonya ng aming pag-iisang dibdib. Bago matapos ang araw na ito ay nais kong gunitain ang aming mahiwagang pagmamahalan na nabuo sa kalagitnaan ng madilim na karanasan ng aking magiging asawa sa kamay ng mangkukulam.
Ako, si Raja Sakaluran, isang dating datu o prinsipe ng ating kaharian sa Mindanao, ako ay nangangakong pagbubuklorin ang buong kalupaan ng dalawang emperyo at aalagaan ang buong mamamayan nito kagaya ng pagmamahal ko sa aking magiging asawa na si Bai Manisan.
Matapos ang mahalagang talumpati ng bagong Raja ng mas pinalawak na emperyo sa Mindanao ay nabulabog ang buong seremonya nang biglang dumaan sa pasilyo ng kastilyo ang mahiwagang usa. Hindi namalayan ng mga kawal ang pagpasok ng ninalang na ito na para bang isang ispiritu na lumitaw sa hangin. Inihanda ng mga kawal ang kanilang mga palaso ngunit pinigilan ito ni Raja Sakaluran kung kaya’t hinayaan ito ng mga tao na limapit sa Reyna. Walang imik si Bai Manisan at nakatingin lamang ito sa mga mata ng higanteng usa.
Humarap ito sa reyna at namahinga sa tabi nito. Pinagmasdan ni Raja Sakaluran na himas-himasin ni bai Manisan ang namamahingang ninalang na para bang alam na nito ang susunod na mangyayari. Ang mga nagliliwanag at matitingkad na tanso nitong batik-batik sa katawan ay lumipad sa hangin na para bang mga alitaptap na may mga mayayabong na ilaw. Namangha ang mga tao sa kanilang nakita. Nagpaikot-ikot ang mga ito sa buong silid ng kastilyo, at pagkatapos ay nagkumpol-kumpol habang tinahak ang pasilyo at lumipad patungo sa ulo ni bai Manisan. Ang kulay itim nitong buhok ay nanumbalik sa kaniyang tunay na kulay mula noong unang nagkita ang dalawang mag-asawa. Kasabay ng paglaho ng usa at ng pagkawala ng mga alitaptap sa buhok ni Reyna Manisan ay ang pagbabalik ng kapangyarihang taglay nito.
Sa taglay na talino at kadakilaan ni Raja Sakaluran at sa biyayang kapangyahiran ng Reyna Manisan, ang buong kalupaan ay naging mapayapa at maunlad gaya ng pangako nito sa mga taong nasasakupan. Ang pag-iibigang ito’y nagpapatunay na ang pagmamahal ay nagdudulot ng kabi-kabilang emosyon at karanasan sa isang tao. Maaaring may saya, lungkot, galit, pangamba, at pag-asa. Anumang hiwaga ang dulot ng pag-ibig sa ating buhay ay nararapat natin itong ipaglaban. Matapos ang mag-umpisa ang mahabang kwentong pag-ibig nina Raja Sakaluran at Bai manisan, sila ay namuhay ng maligaya magpakailaman. Wakas.

Part II: https://www.reddit.com/useFlechD/comments/17km585/bai_norah_ang_ulipen_mangkukulam_at_diwata/?utm_source=share&utm_medium=web2x&context=3
submitted by FlechD to u/FlechD [link] [comments]


2022.11.03 12:14 Wrong_Bit_2361 Talumpati valedictorian

Ano pong magandang pambungad sa talumpati ko or any quotes po na makakahook sa manonood. About sa valedictorian speech po, tagalog, salamat po.
submitted by Wrong_Bit_2361 to Philippines [link] [comments]


2022.04.25 12:57 chaenginamo Hello po and goodevening. Sasali po kasi ako sa patimpalak na dagliang talumpati and hindi po ako confident kasi hindi ako fluent in Tagalog. Pwede po humingi ng tips on how can I improve and say the things i wanted to in filipino?

submitted by chaenginamo to Philippines [link] [comments]


2020.11.16 13:12 adobo_cake Unsolicited Advice to the Opposition

Gusto ko munang linawin na hindi ako communications expert o marketing guru. Gusto ko lang mag suggest base sa mga nakikita ko sa socmed, lalo na recently nitong bagyong Ulysses.
Kung lagi kang tambay sa socmed lalo na nung madaling araw na nagbaha sa Cagayan, makikita mo talaga na si Leni ang nag lead ng response. Sya ang nag coordinate sa rescue efforts habang wala kang naririnig sa side nina Duterte, nagsalita lang sila kinabukasan na.
Pero bakit ang dami pa rin nauuto at nag defend sa admin, matapos ng incompetence nila. Sabihin na natin marami don ay troll, pero meron rin talagang totoong tao na kakilala mo.
Ito yun eh: the opposition has a messaging and branding problem.
Kapag nagsalita sila o nag post, ang maaalala mo ay yung bibo mong kaklaseng first honor na ilang taon mong kinainggitan at kinamuhian. Katunog nila yung mga laging napupuri ng teacher, hindi mo makita sa kanila yung katulad mong madalas napapagalitan o katulad mong hindi nakapagaral. Kung mag post sila, kumpleto ang punctuation, walang jejespeak, correct grammar din lagi.
Kapag nag post sila ng pictures, masyadong maayos ang kuha, nasa gitna sila na mukang bida, mukang staged, mukang nangangampanya. Parang may kasama silang professional photographer. Kahit totoong nagtatrabaho sila, mukang palabas lang. Si Mar Roxas noon,kahit ang daming trabahong ginawa noong Yolanda, na kuhanan lang na nagtatrapik, nag mukang try hard. Samantalang si Duterte saglit lang bumisita, nag mura sa kamera, nagmukang awang awa, mukang may puso, mukang flawed katulad mo.
Si VP Leni nagpapicture, pero masyadong photogenic, masyadong mukang masaya. Hindi mukang haggard. Kung nanay kang hindi na nakakapagayos, posibleng kainggitan mo pa. Madaling paniwalaan na ang dami nyang alalay kahit sa totoo wala naman. Hindi sya mukang puyat. Muka syang matalino, mukang matalino mga anak nya. Ikaw mukang magtitinda ng sago o maglalaba. Minsan may mga post silang hindi mo ma intindihan, masyado mahaba, o masyadong malalim ang tagalog, parang reaction paper sa Filipino. Si Duterte, mukang tambay, hindi intimidating ang dating sa tao. Mukang pwede mong kausapin. Kamuka lang ng tatay mo na minsan walang silbi pero mahal naman kayo talaga, o kaya yung kapitbahay mong lasenggo na madalas tambay pero maaasahan mong repairman.
Si Chel Diokno, mukang masungit na teacher. Hindi sya yung tipong parang pwede mong makakwentuhan.
Si Bam naman, mukang cosplayer ni Ninoy. Kung hindi mo tutukan yung mga senate hearing, hindi mo malalaman na sya yung pinaka may sense mag tanong sa mga iniimbestigahan, hindi katulad nina Pacquiao na laging napapasok yung Diyos sa usapan. O yung iba na may bibitawan na mga catchphrase para mabalita.
So pano yun, ano na dapat? Ang tingin ko, good example e yung socmed manager ni Vico Sotto. Baka pwede na nila pagbasehan. Simple ang language pero kapag nag post, nandun pa rin lahat ng mahalagang info. Hindi mukang recitation, hindi mukang talumpati. It gets the message across while not sounding intimidating. Parang post mo lang, o post ng kaibigan mo. Yung mga picture, tamang dami lang, saka hindi sya mukang nangangampanya: iniiwasan nila yung mga direct shot na nasa gitna lagi si Vico, laging nahagip lang ng kamera habang nakatayo, wala sa aktong nagaabot ng bigas o relief goods. Hindi mukang peke, hindi magamit ng mga troll na black propaganda o disinformation material.
Hindi naman kailangan lumangoy sa basura o magswimming sa baha, pero sana at least magmukang gagawin mo talaga yun kung kailangan. Nung sinabi ni Duterte na mag jet ski sya, mukang gagawin nya talaga eh. Nabenta nya. Di ko alam pano tamang gawin pero ganito na yata talaga ang labanan ngayon, kelangan mo ibenta sarili mo eh. Hire kayo ng mga marketing consultants please, wag DIY. O kung meron na please fire them.
Please lang natuto na sana kayo sa nangyari kay Mar Roxas.
EDIT: Salamat sa mga insightful replies! Sana mas maraming ganitong discussions sa sub kesa puro tayo one-liner, punchlines, at memes.
Linawin ko lang na hindi ito tungkol sa kesyo DDS ka o Dilawan. Ang usapin e bakit walang appeal sa ordinaryong tao ang opposition kung totoong nagtatrabaho naman sila at hindi corrupt. Ibang diskusyon pa yung tungkol sa paid trolls at sponsored misinformation/disinformation.
Hindi ko sinasabi na dapat mag rebrand si Leni bilang si Ms Talipapa or someting. Ayusin lang yung language at pictures para huwag ma alienate yung mga botante. Ang sana lang wag nila padaliin para sa mga trolls yung trabaho nila. Wag mo sila bigyan ng material.
Kung hindi nagtrapik si Mar o kung mas inayos nya yung wording tungkol sa Romualdez/Aquino, baka hindi sya nag mukang masyadong tanga o namumulitika. Hindi maging kapanipaniwala na kumain sya ng kanin sa baso o uminom ng tubig sa plato.
submitted by adobo_cake to Philippines [link] [comments]


2016.10.11 13:30 TheSeaIsRadioactive Foreigner student who has run out of options, help!

Like the title says, I'm a half-american half-pinoy who is studying in an international (kind of) school, here in Zambales. I was given a task of making a talumpati, which I understand is a speech, about climate change. While I can speak decent tagalog, mostly cut-up grammar, I've had a hard time trying to make one, hell, I don't even know how to start one. So I'm here asking for help, if anyone can make me a speech, or at least a portion of it that I can understand and write the rest from there. I won't hesitate to delete this post if it's inappropriate or against the rules, just tell me. Salamat :)
submitted by TheSeaIsRadioactive to Philippines [link] [comments]


2009.07.05 01:10 baspren Ang Maikling Paglalarawan Ng bay Tungo Sa Pag-unawa Sa Islam_tagalog

submitted by baspren to reddit.com [link] [comments]


http://activeproperty.pl/