Mga pambanat na jokes

Sinabihan ako ng kawork ko na boring daw buhay ko kasi hindi ako umiinom

2024.05.17 13:22 anndomi Sinabihan ako ng kawork ko na boring daw buhay ko kasi hindi ako umiinom

Di ko maintindihan kung bakit parang na judge na yung pagkatao ko dahil lang di ako sumasama sa kanila uminom hahahahaha. Nakakainis lang din kasi yung other reason nya is hindi daw kasi ako masyadong nagpopost/story sa instagram and facebook? Anong klaseng dahilan yon.
Halos every week kasi silang umiinom at twice lang ako nakasama, hindi talaga yun para sakin.
Hindi rin ako komportable sa mga topic nila (one of them is yung pinaglilink nila yung dalawa naming kawork knowing na in a relationship yung isa)
Sana magets nila na hindi lang naman sa pag inom pwedeng mag enjoy, i like music kaya mahilig ako pumunta sa music fest at concerts.
Nakakalungkot lang din na parang di na kami ganon kaclose tulad ng dati, di na rin ako makarelate sa topics nila
Di ko alam if san pwede magpost ng rants/ share ng story, pa inform ako para dun na ko magpost next time hahahaha
submitted by anndomi to CasualPH [link] [comments]


2024.05.17 13:21 Brilliant_Seaweed848 If VUL is that bad bakit wala ginagawa gobyerno regarding this?

Just checked my son’s supposedly educational plan na pinush nung financial agent kuno samin before way back 2014 Philam’s Bright future invest. Initially ang gusto kunin ng parents ko para sa son ko is katulad ng educational plan ko noon, na wala naman naging problema hangang maka graduate ako. Pero as per agent sa philam wala na daw ganung educ plan at ito ang pinush nila not knowing that time na VUL pala.
We went on their branch to get an edicational plan to secure sana yung college ng son ko hindi naman kami interesado sa investment kuno na yun that time dahil yun lang nman ang purpose educational plan. pero ayun nga ito ang inoffer so ok lang kase parang bonus na daw yun and “sure” na tutubo ang pera pag maging 17 yrs old na son ko.
This May, 10 years na yung policy and chineck ko lang sa online dahil for the past 5 years honestly hindi na namin chinecheck after namin ma settle yung 50k anually in 5 years total of 250k premium. so kampante naman na kami. ayun 160k nalang haissstttt.. face palm tlga…
Share ko lang lalo na ngayun mga sinasabi ng agent na to na after 10 years pa daw makikita kesyo long term daw. oh eto saktong 10 years and almost 100k na nawala sa fund value.
Ang dating kasi para syang scam, nakapanlulumo lang na sana kung banko nalang andun padin yung pera. bakit kaya wala ginagawa gobyerno regarding this? bakit hindi padin ito na bbroadcast ng mainstream media? haisttt nalang tlga ..
submitted by Brilliant_Seaweed848 to phinvest [link] [comments]


2024.05.17 13:21 yaoisenpaijin kasalanan ng ulan to

shutaenang ulan naman to, nakikisabay sa sama ng loob ko. nagawa ako ng parts ko sa group activity namin tapos biglang bubuhos yung ulan!!! paepal!!! salip na tuloy tuloy lang paggawa ko ngayon nahagulhol na ko. ewan ko ba, nung nakaraan nagmamakaawa ako na umulan kasi init na init na ko tas ngayon sisirain yung productivity ko at papaiyakin ako!!! 😾😾😾😾
keme lang. di naman kasalanan ng ulan na ang dami kong hinanakit sa buhay. kapag naulan lang din ako malakas loob umiyak kasi di naririnig ng pamilya ko mga hagulhol ko hahahahahah
submitted by yaoisenpaijin to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.17 13:19 Zealousideal-Goat130 Question about baha

Hi guys. Recently biglang naulan. And konting ulan lang may news na agad ng bahay sa mga lugar. And papalapit na rin naman ang tag ulan in few months.
Gaano kataas na baha ang maituturing na “safe” pa sa kotse natin? Best practice din sa pagdaan sa baha and what’s our aftercare?
Thanks in advance!
submitted by Zealousideal-Goat130 to Gulong [link] [comments]


2024.05.17 13:19 Alternative_Cut_765 General Exam - Gov. hosp - Job App.

Di ko expect na may mga questions about laws and dates sa exam parte sa history ng hospital...lol...skl
submitted by Alternative_Cut_765 to MedTechPH [link] [comments]


2024.05.17 13:15 imasimpleguy_zzz Sa mga may anak na ginusto talagang magka anak...why?

This is a "reverse" of another post na ang tanong naman ay targeted sa mga nagdecide na ayaw magka anak
To parents out there: why?
I'm a parent as well, so I'll also give my answer down in the comments.
submitted by imasimpleguy_zzz to adultingph [link] [comments]


2024.05.17 13:12 Researcher_7564 Ano yung ginagawa niyo to improve your English skills?

I really like this post about English Communication. Feeling ko totoo. Perception is key talaga. https://www.reddit.com/buhaydigital/comments/1ct9lel/communication_skill/
Ganda ng diskurso sa thread na to about English Communication Skills sa digital freelancing. May mga ginagawa ba kayo para ma-refine ang English Skills niyo?
submitted by Researcher_7564 to buhaydigital [link] [comments]


2024.05.17 13:10 Double_Inside_1331 Tamang Tame Impala dahil slow ang rainy Friday na ito sa Manila

Tamang Tame Impala dahil slow ang rainy Friday na ito sa Manila
Yung maaga ka umuwi ng Friday, swabe lang, walang masyadong work today. Nag-breakfast with colleagues after mag-shoot ng ganap ng mga employees, nag-yosi, nag-edit, binalikan yung project sa Google Sheets na naghihintay pa ng inspiration.
Nag-kape. Namahagi ng kape. Nag-soundtrip.
Umuwi sa bahay-umulan-nahiga-kind-of-day.
submitted by Double_Inside_1331 to SoundTripPh [link] [comments]


2024.05.17 13:08 WanderingLou Need advice…Hindi paboritong anak

Pa rant lang po.. pasensya na..
Bata pa lang kami ramdam ko na hindi tlga ako ang paboritong anak.. Sad to say, dalawa lang kami ng kapatid ko kaya ramdam na ramdam na may pinapanigan..
Nung mag cocollege na kami, sinabi ko sa nanay ko na gusto ko mag nursing. Pero syempre, kung ano anong masasakit na salita pa nadinig ko “Kaya mo ba yun?” etc..
Single mom sya simula nung second year HS kami at never na uli namin nakita ung tatay namin
Fast forward, I.T ang naging profession ko at kapatid ko nman yung nurse na.
Syempre, successful na yung kapatid ko nasa abroad na din
Ako? eto kasama yung nanay namin at kahit anong try ko na unawain sya, ubos na ubos na talaga ako. Nasa malayo nga yung kapatid ko pero sya pa din ang paborito at bukambibig sa mga katrabaho at kapamilya namin
Ayaw ko magtanim ng sama ng loob sa kapatid ko, hndi nya kasalanan na sya yung paborito.
Minsan hindi ko maiwasan icompare yung sarili ko sa kapatid ko, engaged na sya.. nasa malayo.. nakakagala ng walang inisiip na mag aalaga sa nanay namin. Maayos na ang career. Ang hirap sa totoo lang.
Hindi ko na alam saan ako lulugar, hindi ko magawa yung gusto ko kasi walang kasama yung nanay namin. 🥲 Patong patong na yung problema ko.. work, pera at sa bahay.
submitted by WanderingLou to adultingph [link] [comments]


2024.05.17 13:07 InvestigatorBusy4596 BPI Sensible Credit Card

BPI Sensible Credit Card
Hi po. I received an email from BPI offering me a credit card application. I chose the BPI Sensible Credit Card with 10k credit limit since it is the one recommended when I am choosing cards. After applying, I received a text na it will be delivered after 5 banking days. Pero I can use na po the Ecredit card. Hindi ko po nascreenshot ung perks nitong card after pumili.
I have no ideas pa po on using credit card. And now ko lang din narinig itong BPI Sensible Credit Card. Iba pa po ba ito sa mga credit cards?
Hoping po makakuha ng ideas dito sa mga meron din pong ganitong card and where can I use it po. Thank you po. 🙂
submitted by InvestigatorBusy4596 to PHCreditCards [link] [comments]


2024.05.17 13:02 over3o Privilege

Bakit ang daming privileges ng mga inc?
Short story...
Currently renting in one of low key subdv. Here in Pampanga.
So majority is may mga flag ng Italy. IYKYK. So ayun lagi ako bumibili sa isang store and tinanong nia ko magkano rent ko. Sabi ko 4500 ++. Sabi nia dapat daw kumuha na ko. Kasi 2k lang monthly payment.
Samantalang nag iinquire ako. Ang laki ng dp and monthly pmnt. Plus mga qualifications like minimum net salary and sum proofs. Samantalang sila naka move in ng 60k in 3 months. Dahil member sila. Pero pag normal Filipino citizen. Hirap sila i grant. Hinahayaan mag rent at mag hirap.
++ So na kwento ko sa Partner ko (ex inc) sabi nia ganun talaga. Way back ondoy daw nabaha sila sa Marikina. Then, lahat ng member na grant ng mga ayuda and lipat bahay sa laguna na 400 pesos lang bayad monthly. Parang Hoa lang binayaran mo. Ganun. Tapos dahil hawak ng inc ang govt. Kinatok na daw mga yan bago palang mag bigayan sa brgy. At may list na. Kaya kung kinuha man pangalan mo as beneficiary ng govt. Assistance. Eme nalang yun. pag hindi member ng cult na to wala kang makukuha.
Sadly. Kaya naghihirap lalo ang mahihirap. Politika na pinopolitka pa ng kulto.
Sa offmychest ko dapat ipost to. 😅 Anyway, Ang daming eye opening na hindi naman talaga nalalaman ng normal na tao.
submitted by over3o to exIglesiaNiCristo [link] [comments]


2024.05.17 13:00 syeinx how to enroll in tesda or join seminars?

Hello po! I'm a fresh grad educ student. And buong student life ko, hindi ako sumasali sa any extra curricular activities.or org na pwedeng mailagay sa aking resume. And ngayon, gusto ko sana mag-apply at mag ipon ng certs sa tesda and sa mga seminars. kaso hindi ko alam kung paano!! anything na pwede maka-help or advice?? thank u so much po!! 🥹
submitted by syeinx to adviceph [link] [comments]


2024.05.17 12:59 krfzilla All of sudden everything was vanish and nothing was left

Ang mama at papa ay hindi nakapag tapos ng pag aaral pero, nung bata ako sagana kami. Wala pa kasi akong kapatid nun dati, linggo linggo nasa mall kami. Nasanay ako na pag may ipapabili e hindi kailangan pag ipunan kasi kaya ibigay lahat. I would say may kaya kami dati, kahit nung dumating na ang pangalawa kong kapatid. Sunod luho kumbaga walang pag titipid sa pagkain. Hanggang sa nagbago lahat. Nung nawala ang company na pinapasukan ni papa para kaming natangay ng malakas na hangin at ang natira lang sa amin is sarili namin. Pero, nagkakaroon ng trabaho nun si papa. Pakyawan kumbaga minsan nga quotation namin is nasa 500,000 pero hindi pa rin sapat kasi mas mahaba ang walang trabaho ang papa kesa sa meron. Lalo na yung dumating ang Pandemic. Pagkain namin inuutang na namin e wala sa bokabolaryo namin dati ang mangutang sa pagkain. Fast forward, mag ca college ako at ang gusto kong kurso ang Nursing. Kinausap ako ng parents ko kasagsagan kami ng pandemic (2020) nung mag 1 1st year ako at ang sabi nila "Kung gusto mo talaga mag nursing tumigil ka muna ng isang taon at pagtapos nun doon ka mag aral ulit" pumayag ako. Pandemic kasi nun at ayoko rin naman mag aral na thru online lang. Hanggang sa bumalik ako sa pag aaral. Ang saya saya ko. Nasa dream course ako pero may isang rason para mag hinto ako. Yung ang walang pang tuition. Alam naman natin na magastos ang mga nasa health allied course. Hindi ko nga inaasan na akala ko okay yun pala palihim nila inuutang yung pang tuition ko. Dumating sa point na umuwi si mama pagod na pagod at sinabi nya "nag tra-trabaho ako pero wala akong pera puro ako bayad ng utang" which is yung utang nga pang tuition ko. Hindi ko alam kung dapat ba mainis ako sa papa kasi nag aantay lang sya na isang araw may darating na magpapagawa sa kanya. Totoo, yung sinabi ng mama na mas maraming araw pa ang patay at wala syang trabaho kesa sa meron. Pinapapasok siya ng tito ko sa company nila pero ang taas ng ihi ng papa. Ayaw niya. Ngayon 2nd yr ako, at ang laki pa ng balance ko sa school. Ngayon pag pumapasok ako palagi sinasabi ni papa na walang pera. Kaya I was thinking, na mag stop muna. Nasa punto na kami ng buhay na pati pagkain titipirin, nagagalit si papa pag kumakain o umiinom kami ng gatas sa hapon kasi dapat sa umaga lang kami iinom. Iniisip ko na hindi talaga kaya, lalo na may summer class at mag 3rd yr na pero walang wala talaga kami. Hindi ko nga mawari na mapupunta kami sa ganitong sitwasyon. Yung dati sagana ngayon para kaming nakabaon sa hukay at hindi na makabangon. Kung ako pag pipiliin, ayoko mag stop kasi mag 3rd yr naman e kaso hindi talaga kaya hindi sapat ang isa lang ang nag tra trabaho sa amin. Nasa punto na ako ng buhay ko na magiging masaya ako kung mag stop ako sa pag aaral at mag tra trabaho muna.
submitted by krfzilla to confession [link] [comments]


2024.05.17 12:55 MaplessWanderer inatake ata sa superhighway ung driver

Kanina mga bandang 3PM nasa superhighway kami papuntang QC sakay ng grab. Moving naman ang lanes pero slow. Tapos biglang ung lane namin d umuusad so akala namin nag banggaan ung nasa harap namin. Nag ready na sumingit si kuya grab sa kabilang lane para lumipat when we noticed lilipat din ng lane ung nasa harap namin na akala namin nag banggan.
Oh my god nung nakalipat na kami pagtingin namin sa gilid to see anong nangyari namin nakita namin na yung nasa stop na sasakyan parang walang malay na ung driver sa loob oh my god parang gusto kong bumaba at sumigaw humingi ng tulong at isugod sya sa ospital. Mukha kasing inatake tlga sya eh hindi lang basta nakatulog. D ko alam ano nangyri. Isa sa mga fear ko un . Knock on wood lord keep My family safe. Sobrang kinatatakutan ko un ung mga mahal ko sa buhay eh mangyari un habang magisang nag mamaneho. Grabe ayaw na ayaw kong pinag ddrive ng malayo lalo’t mag isa ang dad ko at senior na. Oh my god talagang pipilitin ko na sya magpa check up ang tigas ng ulo eh. Nangyari un sa taxi driver ng dad ko, grabe ung trauma. Nakaka awa sila. Oh my god :( Grabe d ko alam gagawin ko. Sobra sobra ung anxiety ko. I guess another thing to tell my therapist this week. Oh my god. Lord please please keep my loved ones safe. Keep everyone here and their loved ones safe.
Ingat lahat please. Alagaan ang health please :(
submitted by MaplessWanderer to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.17 12:52 anony-49 Checklist before buying a house

Hello! I really need help kasi if ever, eto po magiging first big purchase namin. May ichecheck po kaming bahay (RFO) but hindi ko sure anong mga importanteng bagay ang need icheck and iconsider bago namin kunin. Baka po may checklist kayo na you can share? May mga na-research na rin naman kami, pero natatakot ako na baka may ma-miss kaming important details.
Thank you po.
submitted by anony-49 to adultingph [link] [comments]


2024.05.17 12:48 Unniecoffee22 Hirap ako magsabi..

I am currently on a battle with my gynecological disorders(PCOS, Myoma, Endometrial Hyperplasia, Infertility). Hirap na hirap ako magsabi sa asawa ko nung nasa mga first few appointments palang ako sa ob ko. Hindi ko siya sinasama, hindi ko sinasabi kung ano mga resulta. Nagsabi naman ako mga 2 weeks before ako maraspa. Kase kailangan ko ng bantay at mag aasikaso sa bills. Ngayon heto na naman ako, lumabas na yung biopsy and nagfollow up ako sa ob ko kase may findings na hindi nya maconclude talaga kaya nirefer nya ako sa oncologist. Ngayon hindi ko alam paano ko sasabihin sa asawa ko na umabot sa ganito. Na kailangan na ng espesyalista sa cancer. Self pity ba ito? Ayaw ko kasing maging burden. Alam ko naman hindi nya ako pababayaan financially pero hindi ko talaga alam paano. Bakit ba ako hirap na hirap? May ganito ba sa inyo? Minsan iniisip ko dahil ba tumanda akong strong at independent kaya ba hirap ako magexpress ng nararamdaman ko? Please don’t get me wrong, mabuting tao ang asawa ko pero ako kase hindi ko agad masabi sa kanya, paano at bakit. Hindi pa naman confirmed pero all I ask for kahit di ko kayo kilala pagpray nyo lang po ako. Ayaw ko pang mamatay kase gusto ko matupad ko makatapos ang anak ko. Salamat po.. 🙏🏻
submitted by Unniecoffee22 to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.17 12:48 theBlackPrince014 Need Advice - PRC Requirement under Approval by BOARD

Hi,
Any one out there who has the same experience? Mga ilang days or weeks po kayo na-contact?
I just processed my files sa PRC for board exam po sana. Graduate po ako sa isang university na wala pong SO number kaya need ko po ng CAV as one of the requirements. No problem with that. Very helpful naman yung registrar namin in compiling all documents na need and yung endorsement letter. Enclosed po lahat ito sa isang sealed enveloped with signatures sa paligid for extra security. I managed to go sa nearest CHED office samin and only took about 7 business days without issue para makuha yung necessary CAV and other documents.
In any case, na process ko naman po ng maayos si CAV. Pero ang binigay ni CHED na CAV ay isang pirasong papel na May CERTIFICATION sa taas at contents na 'I hereby etc. etc..
Meron din po pala na version ng CAV si school na naka-attached na mas detailed. No doubt galing yun dun at isa sa mga compilation ng documents from registrar sa seal enveloped.
So ayan na nga po. Pending approval daw ako from board kasi yung binigay na CAV ni CHED ay di daw tulad ng CAV na binigay ni school. Dapat daw po kasi same. Detailed. Since yung CAV ni CHED ay Certification lang without much details, need pa daw po ng 'approval' ni BOARD.
Pinakamatagal na daw ang one week before exam (that's almost 3 months from now). So need to wait.
It just irks me the wrong way... Magkaka NOA na po dapat sana ako today since wala naman po ako mali sa mga records and documents. All of them are complete and compliant. Even the GMCS (nagpa-sobra talaga ako dito para if ever man na di tanggapin yung isa meron na ako back-up). The only thing wrong in the eyes of the processor ay yung 'format' ng papel galing sa CHED. I mean, I don't have the power to change and even demand sa CHED na gawin nila yung Certification issue nila ng same format ng sa school. I can't control that. According sa batchmate ko na kakaexam lang last year, yung format ng CHED CAV ay ganun na daw talaga. Same lang kami. Kahit siya nagtataka bakit kailangan same ng format.
Pati ba naman format?
Wala na ako magawa... So need ko pa maghintay at bumalik ulit for my NOA.
Sabi kasi mag-contact daw sila.
submitted by theBlackPrince014 to adviceph [link] [comments]


2024.05.17 12:47 xoxefo3952 Love Beyond Sundown PDF at Novel Online ni Tearsilyne na Babasahin nang Libre - Romance Mga Kuwento Tagalog

Labag sa kalooban ni Jeush ang makasal sa isang babaeng ni minsan ay hindi pa niya nakilala sa personal. Ngunit dahil sa takot na mawalan ng kompanya ay pilit niyang tinanggap ang pinagkasundong kasal ng kanyang mga magulang. Sa unang araw ng kanilang pagsasama ay naging malupit ito sa dalaga. Nagtalaga pa siya ng kasunduan dito. Hindi naman naging mahirap kay Jireah ang sundin ito. Sa mga panahong nakasama niya ang binata sa iisang bubong ay mas lalong nahuhulog ang loob niya dito. Ngunit suntok sa buwan kung magustuhan rin siya nito gayong may babaeng minamahal na ito. Don't ever dare to love me because I will never be able to love you back. Read more
submitted by xoxefo3952 to Novelideas [link] [comments]


2024.05.17 12:45 easykreyamporsale Raptype Event. May 25.

Dahil matagal na hinihiling ng community members, magkakaroon ng Raptype event ang FlipTop sa May 25.
Ano ang raptype?
Sa madaling salita, parang rap battle lang siya na nasa written form.
Paano sumali sa May 25 raptype event ng sub?
I-pm lamang ako. Cutoff sa May 19. Sa May 18-19 niyo rin malalaman kung sino ang makakalaban.
Paano ito gaganapin sa FlipTop subreddit?
Magkakaroon ng dedicated chat channel sa araw na 'yon ang raptype.
Ano ang magiging rules?
Batay sa konsultasyon sa mga sub members na may kaalaman sa raptype, magkakaroon ng tatlong rounds na may 16 lines each at pwede magsingit ng 2-4 lines na rebuttal kada round. Bibigyan ng tig-5-10 minutes ang bawat kalahok para i-send/i-type ang bawat round.
May premyo ba sa mga sasali?
Yes! Tatlong Zoning 17 tickets at free entrance sa lahat ng Motus events ngayong 2024 ang up for grabs. To be determined pa kung paano ito mapapanalunan depende sa bilang ng sasali.
Maraming salamat kay Saint Ice, u/creditdebitreddit, at M Zhayt sa pag-sponsor ng prizes. Kung may nais pang mag-sponsor o tumulong sa ibang paraan gaya ng pag-moderate sa event sa May 25, i-PM lamang ako.
submitted by easykreyamporsale to FlipTop [link] [comments]


2024.05.17 12:44 Hpezlin "Na" sa harap ng mga salita

Lately, napapansin ko na dumadami ang gumagamit ng "na" sa harap ng words to express action. Tulad ng nakain, instead of kumakain. Natakbo instead of tumatakbo.
Saan ito galing? From a specific dialect ba? Generational difference sa languange?
submitted by Hpezlin to CasualPH [link] [comments]


2024.05.17 12:43 waveitdowninside Full Face of Makeup Summer MVPs

Full Face of Makeup Summer MVPs
I attended an outdoor wedding as part of the entourage (with outdoor photoshoots at different times of the day), and did my own makeup so I wanted to share the MVPs of my look.
I applied it at around 10am and went home at around 2am na the next day, and I spent most of the day outdoors, and the temperature was mga 40 degrees. I am super oily and super pawisin sa mukha, as in BEADS of sweat talaga dripping down my face. Unfortunately, I don't have close-up shots of my face for makeup comparison b/c I was too preoccupied with not dying from the heat lol.
1. Biore Perfect Milk - I always use this sunscreen when I'm doing a full face of makeup during the day because of how intense its oil-control properties are. It also helps prevent my makeup from slipping. Same reason I don't use it everyday is because it can be drying even for someone as oily as I am. Around P500
2. La Roche-Posay Effaclar Matt - After years of searching I have found my HG replacement for my dead and discontinued Becca Ever Matte Primer! Absorbs really, really well without drying out my face. No silicone-y or slippery feeling left afterwards. A cheaper alternative that works about as well is the Spotlight Skin Mattifying Primer. Only difference is it doesn't feel as comfortable kasi mas may silicone feel yung finish niya sa skin ko even after nag-absorb na. Bought at duty free which converted was just around P1K
3. BLK Life Proof Airy Matte Foundation - Bought this coz none of my full coverage foundations (ELDW, Maybelline, Revlon) were playing well with my Ben Nye Final Seal. Provided medium coverage until mga 3pm (that's about 5hrs of wear), then I needed to retouch na with my Pond's BB Powder. It looked more like a skin tint na lang after that point. Still photographed really well though until the afterparty. Tbh MVP ko siya coz it works with my Ben Nye. Applied with a flat kabuki brush. Around P700? Don't remember na exact price
4. Pond's Magic BB Powder - HG!! I used this to set my foundation, then used it to touch-up late in the afternoon. Oil control is amazing no matter how sweaty I get. Really great at removing that hulas look. I even use this on its own on light makeup days. Also works well under sunscreen spray. AND SUPER CHEAP. I'm on my second bottle na. Applied with a powder puff. P149-199
5. Ben Nye Final Seal - Sa sobrang HG ko nito, bumili ako ng foundation that can play well with it. Expensive but so worth it. I've tried other setting sprays (UD All Nighter, Nichido, Vice, Revlon), but they've all transferred EXCEPT for this one. This one talaga ZERO transfer no matter how many hours I'm out or how oily and sweaty I get. This literally forms a seal on your face so your makeup does not budge. Not advisable for dry skin though because it is really drying. Cheaper alternative would be Revlon Lock It. Very minimal transfer when I was testing it out, not drying, and worked well with my full coverage foundations. P1830 discounted to P1593 with shop voucher for 4oz (around 118ml)
6. Kiko Milano Long Lasting Eyeshadow Stick - New HG! This did not budge AT. ALL. Kahit tumulo yung pawis ko sa may eyes ko, this didn't fade, melt, or transfer. I had this all over my lid and it's a bright color so halata talaga if mawala siya. Color payoff is also amazing; no need for multiple swipes unless you're extra like me. Got compliments for my eye makeup even during the evening. Now I want to buy this in every color lol. Around P700
7. Y.O.U. Sunbrella Outdoor Sunscreen Spray - I use an active so I knew I had to get a touch-up sunscreen that wouldn't mess up my makeup. Bought this coz this dried down the best on my skin, and worked really well for me. Nung humahapdi na mukha ko from the prolonged sun exposure, I sprayed this and it helped. Sprayed on my face and shoulders twice, and it didn't disturb my makeup or make me overly oily. Worked really well even my guy friends were borrowing it. P399
8. Revlon Oil-Absorbing Volcanic Roller - HG. Tbh I really thought gimmick lang toh, but I was desperate to get my makeup to last throughout the whole wedding na nagpa-budol na ko when the SA said you can use this on top of my makeup. Wedding day I learned that some products are really worth the budol. Did not disturb my makeup at all, and absorbed my oiliness completely. I was able to do 3 full passes throughout the day before bumigay siya and I had to wash it na (yes, that's how oily my skin is lol). Mahal lang compared to other oil control sticks, but I've tried the Sassy Cosmetics (P200), and after 1 full pass, I had to wash the Sassy Cosmetics one na. So may difference din talaga sa quality based on the price. Around P800
Other things to note:
  • DO A WEAR TEST. And make sure to include the whole skincare routine you'll be doing during the wedding every time. I was doing wear tests for 2 weeks leading up to the wedding. Make sure to simulate the environment as much as you can, e.g. outdoor wedding = no AC wear tests, go outdoors
  • Labas pasok ako sa aircon so I experienced a lot of drastic temperature changes during the day as well.
  • I was very strict with my skincare routine leading up to the wedding because the best base is still a solid skincare regimen.
  • I didn't use any actives week of the wedding because I knew I'd be exposed to the heat the whole day.
  • HAND HELD FANS WILL SAVE YOUR LIFE. I had 2 para pag namatay yung isa, I had a back-up. Lo and behold, I did need the backup. Also helped the sunscreen spray dry faster
https://preview.redd.it/8zbwcdppyy0d1.jpg?width=1179&format=pjpg&auto=webp&s=dfe42e2925f087fbdf84c7454b7d786d4bddab0c
https://preview.redd.it/h8zt70oqyy0d1.jpg?width=554&format=pjpg&auto=webp&s=bfb241b3360cecdd6ab80929394b657cce2430e4
https://preview.redd.it/w35czfmryy0d1.jpg?width=554&format=pjpg&auto=webp&s=6513d082985a1bc7f534c6d72c1178495aeb4ca4
submitted by waveitdowninside to beautytalkph [link] [comments]


2024.05.17 12:40 chickenadobo_ Question about HJC CS-15

So, medyo naluluma na yung LS2 Storm (v1) ko na helmet. nagcacanvass na ako ng mga pwedeng kapalit, Years ago, yung friend ko bumili ng CS-15 and pinasuot sakin dati and ok naman. so Nagtingin ako ng CS-15 lately, kaso ECE 22.05 pa rin sya,
Ask ko lang kung may balak pa i upgrade ng HJC yung rating nya to 22.06, like new version?
Tumitingin rin ako ng iba pang brands, like sa Nolan NHK saka Spyder.
Estimated time to buy ..... 13th month pay
rpha 12 sana kaso , di talaga kaya haha
submitted by chickenadobo_ to PHMotorcycles [link] [comments]


http://rodzice.org/