Tula tungkol sa kagandahan ng kalikasan

Batang 90's lang "sakalam" daw

2024.05.19 13:06 CollectorClown Batang 90's lang "sakalam" daw

I have seen a lot of posts and memes tungkol sa pagiging "strong" daw ng mga batang 90's dahil naranasan na mabato ng eraser ng teacher, masabihan ng masasakit na salita, maparusahan and all, pero dedma lang at ok lang unlike yung generation daw ngayon na sobrang "snowflake".
Batang 90's din ako at naranasan kong matrato ng hindi maganda ng teacher ko during Prep. Pitong taon lang ako nung mga panahon na ito, pero hindi ko na yata makakalimutan lahat ng naranasan ko sa kanya hanggang tumanda at mamatay ako. Natatandaan ko, since paborito niya yung isang student sa amin na palaging nagta-top, palaging nandun ang pabor niya. Ako kasi noon ay nagra-rank din pero hindi ko napapantayan yung top student na paborito ni Mam, pero for some reason, pinag-initan niya ako. May time na nagulat kaming lahat ng mga ka-table ko dahil bigla na lang niya akong pinagduduro ng stick niya sabay sabi, "Ikaw, Ikaw marunong ka lang magbasa pero mahina utak mo!" Hindi ko na yata makakalimutan pati itsura ng mukha niya nung sinasabi niya sa akin yang mga salitang yan, kasi wala naman akong maalala na ginawa ko para ikagalit niya. Hindi naman ako dumadaldal sa katabi ko, at hindi din naman ako takbo ng takbo sa room. As in nakaupo lang ako kasama ng mga kaklase ko sa palibot ng table at nakikinig sa kanya habang nagtuturo siya tapos bigla siyang nagalit at ginanun ako. Napahiya ako nun sa mga ka-table ko at pati dun sa ibang classmates ko na tumingin sa amin pero hindi pa ako nagsumbong kasi natakot din ako, baka mamaya pag-initan ako lalo kapag ginawa ko yun at kinausap siya ng mama ko eh.
Pero yung pinakamalalang ginawa niya sa akin ay yung pinagbintangan niya akong nag-poops sa school. Yun kasing katabi ko eh biglang nagsisigaw na may tae daw sa ilalim ng table namin. Nung tinignan ko yung tinuturo niya, nakita ko na mukhang crumbs lang naman ng biscuit na choco flavored, saka wala naman kaming naaamoy. Kasi kung poops nga yun eh di sana umamoy na, kaso wala eh. So going back, natawag ang atensiyon ni Mam dahil sa ingay ng katabi ko. Pinuntahan niya kami at sinabi agad ni Mam na ako daw yun. Si Mam nakapandilat na kaagad sa akin, at tinanong ako kung tumae daw ba ako. Siyempre hindi ang sinabi ko at talagang itinanggi ko yun dahil wala naman akong ginagawa talaga. Pero si Mam, nagsisigaw na at sinabing, "Hindeh!! Sinungaling ka! Bata ka pa sinungaling ka na! Ikaw yun! Umamin ka na na ikaw yun ng matapos na tayo dito!" without even checking man lang kung may mantsa nga ba ng dumi sa puwitan ko. Basta nagsisigaw na lang siya na ganun at ang natatandaan ko, iyak na ko ng iyak habang pilit ko na itinatanggi yung bintang niya. Nung mag-uwian kami, pinilit kong punasan yung mukha ko kasi ayaw kong makita nung yaya ko na umiyak ako dahil makakarating kay Mama, kaso pagkakita ko kay Yaya naiyak ako ulit at napayakap ako sa kanya. Hindi ko na namalayan kung ano yung mga sumunod na nangyari basta ang natatandaan ko, sumugod si Mama sa school para kausapin si Mam.
Pagdating namin sa school at pagkakita ni Mam sa nanay ko, yung nakakatakot niyang mukha habang sinisigawan ako at pinapahiya sa kasalanang hindi ko ginawa ay nawala, instead napakabait niya kausap at siyempre itinanggi niya na pinagbintangan niya ako at yun daw kasing katabi ko ang nagsabi na tumae ako. Sinabi niya pa kay Mama na ililipat daw niya ako ng upuan para daw hindi na ako guguluhin nung mga katabi ko, pero pasimple niya kong pinandilatan nun nung napatingin ako sa kanya kaya hanggang matapos silang mag-usap ni Mama, yumuko na lang ako.
Pagkatapos ng insidenteng yun, sa awa ng Diyos eh hindi na ako masyadong pinagtripan ni Mam kaso, ibang kaklase ko naman ang napili niyang pag-initan. Pinaupo niya sa harapan mismo tapos palagi niyang ipinapahiya tuwing class discussion, na "bobo at mahina daw ang utak" kaya daw hindi nakakasabay. Naaalala ko, nakikita kong umiiyak yung kaklase ko tapos pinagagalitan siya ni Mam kapag umiiyak siya. Paminsan-minsan nakakatikim pa rin ako ng hindi magandang salita kahit na wala akong ginagawa, pero hindi kasinglala nung mga una na tipong ipinapahiya niya ko sa mga kaklase ko. Sa totoo lang hindi ko din alam bakit ganun si Mam noon eh, kasi hindi naman ako pasaway na bata na tipong nandidistract o hindi nakikinig sa lecture dahil dumadaldal sa katabi. Nasa top pa nga ako kahit na paano, kaya hindi ko alam bakit ganun siya sa akin.
Kaya yung mga nagsasabi na, "Batang 90's lang sakalam..", "Ang hina ng generation ngayon compared sa batang 90's..", mag-isip din po kayo. Totoo na kung minsan sumosobra din ang entitlement ng generation ngayon, pero maganda na may awareness sila sa issues such as abuse dahil yung mga pinagdaanan nating mga batang 90's noon, madalas akala natin normal pero wala tayong kamalay-malay na abuse na pala. Itong mga dinanas ko sa teacher ko nung Prep, sa totoo lang hindi ako naging strong dahil doon. Yung ginawa niya na pagtitrip sa akin na tipong lagi akong pinag-iinitan, tapos in time humanap din siya ng ibang "kapalit" ko dahil nga kinausap siya ng mama ko, diba abuse yun? Kasi kahit na mga bata kami nun, malamang may impact sa amin hanggang ngayon yung mga pinaggagawa at pinagsasabi niya. Ako, kahit na lahat na ng tao sa paligid ko ay sinasabing tama ang ginagawa ko, nagdududa pa rin ako sa sarili ko. Not to mention yung mga insecurities na nadevelop ko. Minsan naiisip ko, kung hindi siya kaya kinausap ni Mama, baka hanggang matapos ang school year noon eh hindi niya ko tinigilan. Saka sa lahat ng naging teachers at professor ko sa buong panahon ng pag-aaral ko, siya lang yung ganun. Siya lang yung for some reason init na init ang ulo sa akin.
Hindi lahat ng batang 90's, "sakalam". Hindi pagiging "sakalam" para sa akin yung nalampasan o natiis ko yung ganung trato sa akin noon. Hanggang ngayon hindi ko mapatawad yung teacher ko na yun lalo na kapag naaalala ko yung mga ginawa at pinagsasabi niya sakin. May tamang paraan para magturo at magdisiplina ng bata kung kinakailangan, pero hindi yung aabot sa puntong ida-down ang morale nung bata at pagsasalitaan ng kung anu-anong pamemersonal at masasakit na salita dahil lang sa katwirang "tinuturuan ang bata".
submitted by CollectorClown to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.19 12:20 CreativeSource1209 Sino ba talaga ang traydor sa bayan?

Hindi lang on “official leave,” si Vice Admiral Alberto Carlos na hepe ng Armed Forces of the Philippines o AFP Western Command ay opisyal at tuluyan nang sinibak.
Ito ay matapos makaladkad sa recorded phone conversation tungkol ‘new model agreement on South China Seas’ para i-manage ang sitwasyon sa Ayungin Shoal. Mariing itinanggi nila National Security Adviser Eduardo Año at Defense Secretary Gilbert Teodoro na nakipagsundo sila sa China.
Ayon naman sa liderato ng AFP, ang pag-alis sa posisyon kay Carlos ay bahagi ng “administrative decision” at walang kinalaman sa leaked conversation. Isa si Carlos sa 38 military officers na pinag-aral sa China bilang exchange students.Bago pa man nangyari ang pagsibak kay Carlos, nagrelease rin ang PMA Makatao Class 1989 ng pahayag ng suporta standing in solidarity with their mistah who is a distinguished Filipino military officer of unwavering integrity, patriotism and honorable service throughout his professional career.”Ang pagiging Vice Admiral ay katumbas ng 3-star general sa Army.
Ang Western Command naman ng AFP ay kasalukuyang pinaka-controversial dahil ito ay located sa disputed islands sa pagitan ng Pilipinas at China. Ano ba ang laman ng “new model agreement” and why did it cost the head of Vice Admiral Carlos?
Sa transcript na isinapubliko kamakailan, sinabi ni Carlos na aprobado na ng apat niyang immediate heads na sina Secretary Año, Secretary Teodoro, Gen. Brawner at isang hindi pinangalanan, ang kasunduan na "New Model" upang tigilan na ang girian, banggaan at buhusan ng water cannon sa may Ayungin Shoal.
1 + 1 ang model na napagkasunduan. Isang barko ng Philippine Coast Guard at isang civilian supply ship ay okay na at nangako ang Chinese Coast Guard na papayag sila.
Sa madaling salita, “nilaglag” ng mga opisyal natin si Vice Admiral Carlos nang walang matinong dahilan o paliwanag. Dinownplay pa nila ang audio recording na ito umano ay dulot ng “deepfake” at walang katotohanan.
Nakakalungkot isipin na ang isang patriot tulad ni Carlos ay ginawang ‘fall guy’ para pagtakpan ang isang pagkakamali na maaring mag-escalate pa ng tensions between the Philippines and China.
Sino ba talaga ang traydor sa bayan?
submitted by CreativeSource1209 to u/CreativeSource1209 [link] [comments]


2024.05.19 09:52 Content-Tip-7221 Will you accept someone’s follow request to your dump acc?

Minsan nahihirapan akong i-accept yung follow req ng “acquaintance” ko. Lalo na, dump yon. Kahit naman siguro may shared moments and interactions kami (super few lang), hindi talaga ako comfy maging part siya ng priv life ko.
Pero, at the same time, nag-ooverthink ako sa iisipin niya tungkol sakin. How will I handle this situation?
submitted by Content-Tip-7221 to AskPhilippines [link] [comments]


2024.05.19 08:06 prinxe02 ABYG kung palalayasin ko yung kuya ko?

I have an older brother (35) who is a freeloader sa bahay. Mind you, he have a job and same kami ng role and level, but he earns more than I do since sa metro siya nagwowork while I work sa province. They said hate is loud kaya I opt posting it here baka kasi sumabog na ako anytime soon. There are multiple instances which triggers this hate:
1: During college, he spent his tuition fee sa barkada and sents fake receipt sa parents ko until finals came. After learning this, kinausap ako ng parents ko to stop college kasi priority sya makagraduate. I started school early naman so stopping for a year is okay. Hindi din sya nakagraduate.
2: When he went abroad for work, my parents loaned a lot since he went there with tourist visa and need magexit bago makakuha ng working visa. I worked for years para mabayaran yung mga loans na yun whereas di siya nagabot since nakapagwork na siya dun. I also need to shoulder yung expenses sa bahay since ako lang ang may matinong trabaho nun, so I haven’t had a chance to continue my college.
3: I decided to move out sa bahay for personal reasons and since siya yung nasa bahay, I’m assuming that he’ll cover for the bills since never talaga ako umuwi for years. However, for emergencies and pag walang wala na daw silang groceries, sa akin pa din tumatakbo yung mga tao sa bahay. There was one time when my mother needs to be rushed sa ER and sobrang aligaga sya but when we are about to settle the bills na, he went MIA. This is not the first time, FYI. I don’t mind spending for my mother and brothers, but not him.
4: I went back during pandemic since naawa na din ako sa mga kapatid ko at kay mama na wala silang panggastos, I have enough savings naman for college and some left for home renovation. We agreed na hati kami sa renovation cost. Dumating na yung contractor and all wala pa yung materials and budget, as usual he went MIA. So I have to shell out para matapos na din yung project. He went back after the renovation and wala na akong nabalitaan tungkol sa parte nya sa cost. Also, since WFH nun, sa bahay sila nagwowork ng friend niya and they upgraded the internet multiple times kasi need daw sa work, without even consulting me maski ako ang nagbabayad ng bills.
5: When my father died and we sold his properties, he volunteered na siya ang uuwi sa province to settle it with the existing tenant. Ang usapan is for him to deduct all expenses sa mapagbebentahan and the remainder will be used for renovation nung house extension namin. The same thing happened, nandyan na yung contractor and materials pero mapupurnada kasi ayaw niya ibigay yung napagbentahan which will be used pang pasahod. He was able to give around 100k lang then the rest wala na. I begged him na ipadala na yung iba kasi we need it to complete yung project and I told him na di din ako makakapagabono this time kasi di pa ako nakakabawi sa last renovation and reserved for tuition ko yung savings ko. I have no other option but to take out loan para lang matapos yung bubong namin na inopen kasi dapat ipapa2nd floor.
After that event, umuwi siya ng bahay na parang walang nangyari. Recently, parang nangiinis na lang din talaga kasi ngayong, summer araw gabi syang naka aircon and iniiwan pang bukas yung fans and lights. Nakakapikon din kasi na ako ang nagbabayad ng electricity pero naka fan lang ako. Anyway, gusto ko siyang pagsabihan though I have history kasi na sobrang sakit ko magsalita and may tendency akong manuntok if triggered, kaya I remained silent all these years. All these times I kept telling myself na middle-child syndrome lang to, but I feel the hate growing each day. I asked my mother na pagsabihan siya but she insists na hayaan na lang. ABYG kung palayasin ko yung kuya ko sa bahay since wala naman siyang ambag?
ps: sa bunsong kapatid ko nakapangalan ang bahay at lupa
submitted by prinxe02 to AkoBaYungGago [link] [comments]


2024.05.19 07:27 ReplacementFun8387 [UPD] BA JOURNALISM info please

Hello po. I just want to ask if ano mostly ang ginagawa sa program na 'to? Baka may makapag kwento po sa inyo tungkol sa mga gawain or sa program itself po. What are the possible jobs po with this degree? Mataas po ba ang salary ng mga journalist?
I'm intersted po kasi sa program na ito. SALAMAT!!
submitted by ReplacementFun8387 to peyups [link] [comments]


2024.05.19 06:34 knowchilichil ABYG for wanting to leave my grandmother kahit sya gumagastos para sakin?

hi! F(19) ako at nakatira sa province with my lola. its been 9 months since tumira ako sakanya, and all i can say is ang lala na ng anxiety ko dahil sakanya.
backstory: sa manila ako nakatira for the past 10 years kasama mom ko, stepdad ko, and my siblings and ako yung panganay. my mom is overly strict, to the point na bilang lang sa kamay yung times na gumala ako with my friends. lahat ng socials ko hawak nya, as in LAHAT. pag may nababasa sya sa messenger ko na hindi nya nagustuhan (kahit wala naman akong kinalaman don) ako yung pinagagalitan nya. nakakasakal tbh. as for my stepdad naman, i was sexually harassed by him for 3 years. told my mom about it pero idk why pinalipas nya. umabot sa point na napuno na ako at doon ako sa pinsan ko nagsabi na i was getting sexually harassed.
after ko magsabi sa pinsan ko, nalaman na ng family ko yung nangyari, at pinauwi ako dito sa province against my wishes tapos yung lola ko magssustento sakin. nakiusap ako na ayokong umuwi sa province, gusto ko magstay sa manila. the main reason why gusto ko magstay sa manila and ayoko umasa financially sa lola ko is dahil sa mga kwento ng mga anak ng lola ko tungkol sa ugali talaga ng lola ko na yun.
my lola is super narcissistic. ayaw nyang nasasapawan sya and gusto nya lahat ng oras mo nasa kanya. pag nagmessage sya sayo dapat right this instant mareplayan mo sya. sya lang dapat tama, kung nakakaramdam ka ng anxiety sasabihin nya mas malala ang anxiety nya. pag nagreklamo ka na pagod at nahihirapan ka sa school, sasabihin nya mas pagod sya at tumigil ka nalang sa pagaaral. college student po ako at premed ang course ko. ganyan na ganyan din ginawa nya sa mga anak nya, wala syang napagtapos sa apat nya na anak. once na sya gumagastos para sayo, good luck sayo at you’re gonna get manipulated and controlled ng malala. hindi ka pwede magkaroon ng sarili mong buhay at dapat nakafocus ka lang sakanya kasi sya nagsusustento sayo. issumbat nya pa sayo yung pera na ginagastos nya para sayo at ipagkakalat sa lahat ng tao kung magkano na nagagastos nya sayo.
mayaman syang tao kasi may napangasawa shang afam. as in sobrang mapera sya, pabalik balik yan from the us to the ph every 2 months pero lahat ng pera na ginagamit nya is galing sa asawa nya. super yabang nya din, kumabaga show off. bumibili ng kung ano anong gamit sa america tapos iuuwi nya dito sa pinas para iyabang saming lahat. lagi nya din sinasabi sa mga taong nakapaligid samin yung gastos nya sakin, like sa tuition, sa dorm, sa allowance and all. ako yung nahihiya para sakanya tbh kasi ibang klase yung yabang nya, hindi naman nya pinaghirapan yung pera at sa asawa nya naman galing yon.
sobrang layo ng loob ng mga anak nya sakanya, kasi buong buhay nila inabuso sila ng lola ko. ngayon na adults na sila, makikita mo yung effect ng pagpapalaki ng lola ko sakanila. di ko din masisi yung mom ko for her parenting style knowing na hindi sya magkakaganon if lumaki sya sa matinong environment. ni isa sa mga anak nya, walang napagtapos yung lola ko despite having the money for it, and yung pera na yon ay galing sa mga kabit nya.
may one time na sinugod ako ng lola ko sa school kasi i have a masc na tropa, which my lola doesnt like. super homophobic. andon sya sa hallway sa tapat ng room namin pinapahiya ako just for having a masc friend. may time din na 30 mins before my exam tapos tumawag sya kasi hindi ako nakasagot agad sa message nya. sinigaw sigawan nya ako kasi hindi ako nakareply agad, and umiyak nalang ako silently kasi sa stress na bigay nya sakin and the fact na mageexam ako sa major subject ko that day. ayaw nya din bayaran in full yung tuition ko kasi gusto nya hinahabol at nakikiusap sakanya every time na need ko magbayad . shes actually fully capable of paying it in full, lagi nya nga niyayabang na almost 100k ginagastos nya tuwing magpapaparty sya sa bahay e. lagi nya din ako tinethreaten na bibitiwan nya ako financially, kahit wala naman akong masama na ginagawa saknya. 9 months plang ako nakatira saknya pero kung sumbatan nya ako akala mo sya gumastos para sakin for 19 years. si mama nagpalaki at gumastos para sakin buong buhay ko pero never nya ako sinumbatan
i just wanna go home sa manila kila mama kahit may mga nangyari doon na hindi maganda. naiintindihan ko naman na kung bakit ganoon si mom ko, and pinapatawad ko sya. theres always room for improvements naman e, and i believe na kaya pa nya magbago. i fully believe na maaayos pa namin yung relationship namin.
ako ba yung gago for wanting to leave my grandmother?
submitted by knowchilichil to AkoBaYungGago [link] [comments]


2024.05.19 02:18 xoxefo3952 Dangerous Love PDF at Novel Online ni KhioneNyx na Babasahin nang Libre - Romance Mga Kuwento Tagalog

Napapalibutan ng tungkol sa politika si Marina Hidalgo, isang vice mayor ang kanyang ina at isa namang attorney sa public attorney’s office ang ama niya. Galing siya sa pamilyang matagal nang nagseserbisyo sa gobyerno, ngunit iba ang tumatakbo sa kanyang isipan at plano niya sa kanyang buhay. Siya lang ang sumalungkot sa generation ng pamilya nila nang kumuha siyang kursong journalism dahil gusto lang niya ng tahimik na buhay, hindi rin niya gaanong pinangangalandakan sa buong unibersidad niya na galing siya sa pamilya ng mga Hidalgo. Marami siyang iniiwasan at isa na roon ang pamilya Sanchez, ang namamayagpag ngayon sa municipality nila lalo na’t Sanchez ang nakaupo na mayor sa lugar nila at isang dahilan na kaaway na pamilya sa politika ng mga Hidalgo ang Sanchez. Pero kung anong iniiwasan niya iyon naman ang lumalapit sa kanya, nang makilala niya sa isang press conference si Filan Sanchez, ang pangalawang anak ng mga Sanchez, bilang journalism student siya ang naatasang mag-interviewed nito para sa kanilang school newspaper. It all started in the interview, press conference at ang mga tanong na kailangan niyang ibato sa batang Sanchez, akala niya roon lang matatapos ang lahat, but nag-uumpisa pa lamang ang lahat. Read more
submitted by xoxefo3952 to Novelideas [link] [comments]


2024.05.19 00:01 AutoModerator hello y'all, anu pa gusto niyo na makita sa subreddit?

hello olet, maliban sa mga madalas na nakikita nyo dito sa gulong, anu pa ba mga gusto niyo na makita dito sa subreddit?
examples could be:
mas mataas na antas ng usapan
roadtrip scheduled posts
mas madaming post tungkol sa car culture
gulong "top picks of the month"
gulong "Feature of the week"
etc.
Anyway, hahayaan namen na manatili hanggang isang linggo ang post na to tapos e pag uusapan namin kung pano i-implement yan.
yun lang!
Maraming Salamat, You humble us.
-gulong mod team.
submitted by AutoModerator to Gulong [link] [comments]


2024.05.18 19:07 Augustine800 23 [F4A] kausap maybe until 3am?

Ello, kausap sana palipas oras tapos if we vibe maybe we can bee friends hemhe
About me: - busy clinician studentista, lubog litaw - shy - minsan may topak, minsan may toyo, minsan ubos na char
Kausap lang to kaya di ko na lalagay ano tsura ko hmp
About you: - yung malapit lapit na age range sana. Ayoko kumausap ng nakababatang kapatid kskwjskwk - yung di ginagawang personality pagiging sad
Yon bahala na kayo thanks. Baka gusto niyo rin magbigay ng chismis tungkol sa kapitbahay niyo, lapag niyo na rin jk
submitted by Augustine800 to PhR4Friends [link] [comments]


2024.05.18 16:57 Rauffenburg TAGALOG: Isa. 43:5-6, Mt. 24:6: Paglilinaw sa Mga Pangangatuwiran ng Iglesia Ni Cristo

TAGALOG: Isa. 43:5-6, Mt. 24:6: Paglilinaw sa Mga Pangangatuwiran ng Iglesia Ni Cristo submitted by Rauffenburg to exIglesiaNiCristo [link] [comments]


2024.05.18 16:54 LongjumpingGold2032 Help me decide kung anong gagawin

We are currently renting mag 4 years na. Gusto ko sana masunod naman yung design ng bahay na gusto ko para naman masarap gumising kada araw hahaha at ang sikip kasi ng paupahan na to. Ang kagandahan dito, accessible sa lahat malapit sa mall, ospital, palengke, malapit sa magulang ko.
Ngayon, gusto kong magkaroon ng maayos na bahay. Meron kaming lupa kaso sa bukid pa. Ang layo as in 1 hour bago ka makapunta sa sibilisasyon hahaha. Di pa rin naman kami makapagpatayo ng bahay dun dahil ayun nga, may budget constraints at iniisip pa namin kung kaya namin yung ganun ka liblib.
If you were to decide. Anong pipiliin niyo? Magrent na lang forever kasi mas tipid at accessible sa lahat kaso walang freedom at peace of mind kase magulo at hindi maganda OR mag ipon na lang kahit matagal basta masunod yung dream house kaso liblib yung lugar??? Thanks
submitted by LongjumpingGold2032 to adviceph [link] [comments]


2024.05.18 14:33 Anurakki Hello Po, tungkol Po sa ShopeePay. Ano Po kaya ibig Sabihin pag grayed out Yung ShopeePay option? Hindi Po ba pwede kahit sapat Yung laman ng shopee wallet Po? need help po.

Hello Po, tungkol Po sa ShopeePay. Ano Po kaya ibig Sabihin pag grayed out Yung ShopeePay option? Hindi Po ba pwede kahit sapat Yung laman ng shopee wallet Po? need help po. submitted by Anurakki to ShopeePH [link] [comments]


2024.05.18 12:22 JuanitoPablito1434 Help, any recommendations badly need huhu.

Hi, maari po ba sana makahingi akong opinyon ninyo about dito kung saan maganda mag-aral.
Ako ay nakapasa na sa Tatlong School, yung dalawa ay University, at isa naman College lahat naman ito ay private kasi sa private school naman, makikita ang course na ito. Di ko na ilalagay ang mga name ng school para walang bias. Iniisip ko sana ngayon na kung gusto sana makatulong sa magulang sa kanilang gastusin at makabawas na ako.
Option 1: Sa college na ito matatagpuan sa Manila, sa program ko na ito, scholar kami lahat ngunit may babayaran pa ang aking magulang na estimated 15k para sa miscellaneous per sem, tapos 2k per month dahil para sa food allowance, so 10k per semester, and other 5k para sa uniform. Libre naman kami sa tuition, and board and lodging kasi scholar kami dito. So stay-in ako sa school na ito and kami na luluto.
Option 2: Sa university na ito, matatagpuan sa aming rehiyon ngunit malayo ito dahil nasa isla kami. Ito yung nagtotop sa mga rank top 1, nag-apply ako sa academic scholarship since yung mga requirements and guidelines nila nakapasa na ako. Subalit hanggang ngayon hinihintay ko response nila. Di ko alam kung covered pa nila yung board and lodging and 100% tuition fee, pero pagkakalam ko, oo ata. Isa pa maghahanap pa ako ng dorm na malapit sa school.
Option 3: Sa university na ito, ay makikita din sa Manila. Sa program na inapplyan ko ang kagandahan dito donation lang babayaran ng parents ko sa lahat, mula sa tuition, board and lodging, food allowance, uniform since stay in kami. But ang problema lang dito, kasalukuyan open lang daw ang dorm nila sa babae, and di pa nila makiki cater ang lalake, but paguusapan daw. Isa pa pag vacant namin, magiging student assistant kami sa office ng school.
ChatGPT Siyempre! Narito ang iyong mensahe na pina-paraphrase at pinalawak:
Kumusta, nais ko sana humingi ng inyong opinyon tungkol sa kung saan magandang mag-aral.
Ako ay nakapasa na sa tatlong eskwelahan: dalawang unibersidad at isang kolehiyo, lahat ito ay pribado dahil ang kursong gusto ko ay available lamang sa mga pribadong institusyon. Hindi ko na babanggitin ang mga pangalan ng mga eskwelahan upang maiwasan ang bias. Ang iniisip ko ngayon ay kung paano makakatulong sa gastusin ng aking mga magulang at makabawas sa kanilang pinansyal na pasanin.
Option 1: Ang kolehiyo na ito ay matatagpuan sa Manila. Sa program na ito, lahat kami ay scholars, ngunit may kailangang bayaran pa rin ang aking mga magulang na tinatayang nasa 15,000 PHP para sa miscellaneous fees bawat sem, dagdag pa ang 2,000 PHP kada buwan para sa food allowance, kaya 10,000 PHP bawat sem, at 5,000 PHP para sa uniporme. Libre naman kami sa tuition na nagkakahalaga ng 40,000 PHP, at pati na rin sa board and lodging dahil scholars kami. Stay-in ako dito sa eskwelahan at kami ang nagluluto ng aming pagkain.
Option 2: Ang unibersidad na ito ay matatagpuan sa aming rehiyon ngunit malayo dahil nasa isla kami. Ito ay kabilang sa mga top-ranking universities. Nag-apply ako para sa academic scholarship at nakumpleto ko na ang mga requirements at guidelines nila. Subalit, hanggang ngayon ay hinihintay ko pa rin ang kanilang tugon. Hindi ko pa tiyak kung saklaw ng scholarship ang board and lodging at 100% tuition fee, pero ayon sa pagkakaalam ko, oo. Kailangan ko ring maghanap ng dormitoryo na malapit sa eskwelahan.
Option 3: Ang unibersidad na ito ay matatagpuan din sa Manila. Sa program na inaplayan ko, kailangan lang magbayad ng donation ang aking mga magulang para sa lahat—mula sa tuition, board and lodging, food allowance, at uniporme dahil stay-in kami. Ang problema lang ay kasalukuyang bukas lang ang dormitoryo nila para sa mga babae, at hindi pa nila ma-accommodate ang mga lalaki, ngunit pag-uusapan pa ito. Isa pa, magiging student assistant kami sa opisina ng eskwelahan tuwing vacant ang aming schedule.
submitted by JuanitoPablito1434 to CollegeAdmissionsPH [link] [comments]


2024.05.18 11:49 Sleepy_Yael Got tested with Personality Inventory for Youth and got high on FB, ibig sabihin ba non OA lang talaga ako?

For background, I'm currently undergoing a course in my degree wherein it is basically to get used to using tests and interpreting the results (Psych Assessment) and we were tested PIY recently
I got curious kasi, since hindi masyado sa amin nadiscuss yung mga scales under PIY at onti lang public info na available sa public (mahirap lang ako).
For results, nakita ko kasi na I got high in both INC and FB scale, medyo nag aalingan lang ako kasi hindi ko alam kung paano ako nakakuha ng mataas in both
For FB (I'm assuming it's malingering) kasi I'm really sure that every item I answered yes to is something that actually happens to me, so OA lang ba talaga ako haha 😭 kasi I've personally had crises talaga but I never let anyone else know kasi nga mabigat magsabi ng mga ganon
For INC, hindi ko na masyado sure kasi makakalimutin rin ako kung ano pinagsasagot ko
So ayon lang, I really need help regarding info about kasi it's been bothering me a lot.
I don't really have the money to afford for formal assessments (kaya nga ako nag aral sa pub uni HAHA) at wala rin ako masyado makwentohan sa mga kaklase tungkol sa results ko kasi baka iba na isipin nila sakin kasi mataas FB ko
Ayon lang, hopefully may makasagot sa tanong ko 🙏​
submitted by Sleepy_Yael to MentalHealthPH [link] [comments]


2024.05.18 08:42 brdknk ABYG for not supporting my brother's relationship

for context, may gf yung younger brother ko and halos ilang months na din naman na sila nag d-date. kilala nadin naman na nung fam ko yung gf pero hindi pa nallegal sa both sides ng fam so hanggang ngayon ni llowkey padin niya yung gf.
kaya ko lang naman nasabi na hindi ko support relationship nila kasi my brother is a huge asshole. sobrang disrespectful niya sa bunso kong kapatid na wala namang ginagawa sa kanya, naririnig ko minsan na sinasabi na to k*ll himself or minumura niya, syempre hindi ko naman hinahayaan na ganunin kapatid ko kaya mostly dinedefend ko siya tapos pagsasabihan ako na im not fun daw kasi masyado ko daw sineseryoso yung sinasabi niya sa bunso naming kapatid e he's 8 palang tapos siya nasa teens na. tamad din sa bahay yan, kailangan pa na kuhanan siya ng pagkain, mind you 14 years old na yan ha at kayang kaya niya na kumuha ng sarili niyang pagkain pero ayaw, need pa tawagin yaya para lang makakain, kapag kasi hindi pinagbigyan mapapagalitan ang yaya kasi hindi daw binigyan pagkain e hindi naman na responsibilidad nung yaya yon kasi malaki na siya. kung sa paglalaro ganadong ganado, bakit sa simpleng pagkuha ng pagkain hindi magawa? maski nga mga gawaing bahay hindi rin, kung uutusan mo parang nawalan ng kulay sa buhay.
disrespectful din yan sa akin, kapag pinagsasabihan ko minsan pilosopo makasagot sa akin kaya nung napuno na ako, hindi ko na siya pinapansin. kaya tuwing inaaya niya ako na makipaglaro or anything at all lagi kong tinatanggihan. i don't want to be associated with him anymore and wala din akong pake if malaman niya na i despise him that much kasi bakit ko pa siya kailangang pakielaman kung ganon trato niya sa akin. naririnig ko nalang minsan na sinasabi niya na im the worst daw since kapag siya daw nag aaya sa akin lagi kong tinatanggihan pero wala talaga, kung may pake ako non katulad nung dati ma gguilty ako pero hindi e, ginago niya pasensiya ko kaya bahala siya sa buhay niya.
wala akong problema sa gf niya and wala akong pake din kung ano mangyari sa relasyon nila. i haven't showed any support either sa relationship nila since nung naguusap fam ko non tungkol sa kanilang 2, deadma lang ako. ive been keeping it sa sarili ko baka kasi maisip nila na against ako sa relationship nila pero hindi naman, ayoko lang talaga na makielam sa kanila.
kaya if ever man na ilegal na ng kapatid ko gf niya, hindi ko sila papakaelaman, i don't have interest either na makipagusap both sa kanila since hindi alam nung gf niya kung ano yung kapatid ko and hindi ko naman puede sabihin sa gf na kung ano ugali nung younger brother ko, edi ang dating is parang pinapahiya ko siya when in fact hindi naman kasi ganon talaga siya.
so ABYG for not supporting my brother's relationship?
submitted by brdknk to AkoBaYungGago [link] [comments]


2024.05.18 07:28 beingeyc Nakaka frustrate.

Pa rant lang ha.
Meron akong nakilala online last year tapos naging kaibigan ko siya. Sa ilang buwan naming magkausap sa araw-araw jusko laging sa kanya lang umiikot usapan. Laging tungkol sa love life niya. Sawang-sawa na ako mag advice. Tuwing susubukan kong magkwento lagi siyang may say at iko- connect sa sarili niya like bro, pwede bang patapusin mo muna ako. Hanggang sa nasapawan na yung kwento ko. At puro sa kanya na naman ang topic. Sobrang drained na drained na ako sa kanya. Gusto lagi sa kanya lagi umiikot usapan, pa main character kumbaga.
Kaya ngayon tamad na tamad na akong kausapin siya. Ang tipid na rin ng mga replies ko hindi katulad dati kasi sobrang ubos na ubos na energy ko sa kanya. Minsan gusto kong mag open up pero hindi na lang kasi alam kong kada may sasabihin ako meron na naman siyang i-kwento tungkol sa kanya. Tapos noon kada mag share kasi ako ang dry ng reply niya like halatang ’di interested. SHUTA KAAA.
Wala namang kaso sa ’kin kung mag share rin siya ng tungkol sa kanya pero shuta pwede bang kapag ako patapusin mo ako. Matuto kang makinig hindi puro sayo lang. Ginawa mo naman akong therapist.
submitted by beingeyc to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.18 04:38 Cheolie0808 Anxiety and Panic Attacks

Hello everyone. Ask ko lang if may iba na nakakaexperience ng anxiety and panic attack kapag nakikita mo ung isang tao?
Story time. Bago lang ako sa company and before joining may mga naririnig na ako tungkol sa isa senior about sa attitude niya. Binalewala ko lang kasi baka mamaya kaya siya ganun kasi sa mga kasama niya dati. So nung andun na ako, ilang days palang ako naninindak na siya sakin. Yung tipong magtatanong ka lang naman sasagutin ka pabalang or pagalit minsan naman hindi ka talaga papansinin. So okay hinayaan ko nalang kahit na almost everyday siya ganun ndi lang naman sakin sa lahat ng nakakausap niya. Meron pa ung naghahanap tlga sya ng mali mo? Okay lang naman eh pagsabihan ako kc ndi naman tau perfect sa work pero gagalit siya kapag may mali ka na process. Nakakatawa lang kasi hindi ka naman nya tinuturuan eh ayaw ka nya nga sagutin. Dumating ako sa point na even yung pag bagsak nya ng mga bag/gamit sa table, tlga nagugulat ako at ung nanenerbyos na? Magkatabi kc kami sa table and ramdam mo tlga ung paggalaw ng table. Kapag badtrip sya sa kausap nya sa phone, ingay magtype sa keyboard pati mouse. Kahit baunan lang pag lalapag nya sa table ang lakas tlga. Sobra moody siya like need mo timplahin mood nya tas lagi pa nagagalit. Kaya dumating ako sa point na nasagot ko na tlga sya.
Im actually waiting lng sa hmo ko kasi gusto ko na rin magpatingin sa doctor. May mga same ba na nakaexperience ng tulad sakin? 6 mos palang ako sa company actually pero evryday yaw ko pumasok gusto ko ung work ko as in. Pero pag naiisip ko na mikita ko na naman sya nagpapalpitate na akosaka bigat ng pakiramdam. Kapag leave sya ang gaan ng atmosphere sa office. Masaya kami kapag naka leave sya.
submitted by Cheolie0808 to MentalHealthPH [link] [comments]


2024.05.18 04:02 watashiwaanniedesu my balimbing co-worker getting on my nerves.

dati ko syang close friend pero ngayon tinatrato ko nalang syang colleague for the sake na gusto ko nalang maging matured and professional kasi kasama ko sya work. noon kasi si patol girl ako when someone irritates me dahil sa character and attitude nila sa work nagiging straightforward ako kaso napapasama ako kasi ang toxic daw so nag adjust ako dahil ayoko na din ng drama.
so balik tayo kay two faced, bwisit na bwisit na ako sakanya na minsan sarcastic na ako di pa rin nya magets. triggered na ako sakanya kasi whenever may issue ung isa nyang bff tungkol saakin nagbubulungan sila na parang bubuyog. yes, bff sila nung kawork ko rin sa office na grabe inggit saakin na puro hate nalang naririnig ko sakanya abt me.
one time sinita ko sya if kausap ba nya sa phone bff nya tapos si gaga biglang nag change topic. ilan beses ko na syang nahuhuli binabackstab nya ako at alam nya naman na ayoko ng ganon. kinonfront ko pa sya pero walang epek, wala pa rin kaba si ate. so dahil nga two faced sya, parang walang nangyari. shes acting genuine person na walang bahid na kapekean sa sarili. tapos ako binuburyo nya sa kabet story nya? Na walang nakakaalam sa office kundi ako lang kahit na alam kong ganito sya saakin. wala akong pinagsabihan sa office. minsan napapaisip ako while working na paano nya nagagawa sakin to? di nya ba alam na nasasaktan na nya ako pero tuloy pa rin sya sa pagtitake advantage sakin?
di nya masabi dyan sa bff kuno nya tungkol sa pinoproblema nya dahil alam nya huhusgahan sya non and take note di nya mapagkatiwalaan yon kasi minsan na rin syang tinarantado tungkol sa personal life nya dinuvulge sa office kaya di sya makapag shoulder to cry on, so ako na si tanga handang makinig at naging gatekeeper ng dirty skeleton nya, ang isinukli sakin eh nakipag jamming na rin sya ng hate with this so called friend of her behind my back. nagugulat ako alam lahat ng bff nya ung ganap ko tapos mali pa nya nadedeliver parang nangyayari dinadagdagan pa nya ung kwento. sobrang sama talaga ng loob ko sakanya na noon nagiging honest ako pero now hindi na eh. dumating pa sa point na parang mas pinili ko nalang maging ganito walang pake, di nya inisip na wala na syang makikilalang kaibigan na handang makinig with no judgement. yung kahit anong gawin nyang kacheapan support ako. but this time i had enough. friendship over nalang tayo pero tuloy pa rin laban ko sa work.
submitted by watashiwaanniedesu to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.18 03:37 Agreeable-Cat-7161 Pahingi po ng advice tungkol sa dpi :))

Ano bang magandang dpi ng mouse pagdating sa gaming?
Nag window shopping po ako ng mouse nung nakaraang araw. Ang nakita ko ay Crown CMM-222 may 3000 DPI (Di ako sure sa dpi niya hehe) tas WEIBO M-32 may 1600 DPI. Balak ko kasing magpalit ng mouse ngayon, kasi loko loko na yung mouse ko. (Intex IT-M010) Madaming beses kasi nag di-disconnect yung mouse ko tas maya maya mag co-connect nanaman. Baka di ata bagay yung mouse ko sa gaming or baka sa katagalan na ito hehe.
submitted by Agreeable-Cat-7161 to adviceph [link] [comments]


2024.05.18 03:11 Responsible-Weird-99 Did I made the right decision on taking college course?

Hi po! Gusto ko lang po manghingi ng advice tungkol sa course na kukunin ko.
I'm an upcoming freshie at DLSU-D heheh, nakapasa na po ako and everything. So, ang plano ko kasi is to take Bachelor of Forensic Science there, but my mother kept insisting me to take up medicine instead kasi in demand nga daw sa ibang bansa. Lagi nya akong pinuputakan na mag nurse nalang o doktor ako kasi malaki daw ang pera which is a good point naman, but I really want to pursue forensic science kaya nga nag DLSU-Dasma ako eh.
Anyways gusto ko lang po ng advice kung tama po ba talaga ang course na kukunin ko. What is studying Bachelor of Forensic Science like? How much money does a Forensic Scientist make? Are they in demand sa ibang bansa din? Gusto ko po i-prove sa nanay ko na yayaman ako chareng. Salamat po in advance!!
submitted by Responsible-Weird-99 to CollegeAdmissionsPH [link] [comments]


2024.05.17 18:36 JGMG22 28 [F4M] your average girl

Ang hirap yung hindi ka naman kagandahan, hindi maputi, hindi matangkad pero hindi rin naman maliit para masabing cute size. Kumbaga, average lang sa lahat ng aspects ng pretty things in life. HAHAHA. Hoping I can still find someone who I can vibe with here and magsasabi if hindi na sya interested, hindi yung puro breadcrumbs nalang ititira sakin. HAHAHAHA.
ME: • Average looks (title speaks for itself) • Morena • 5’2”, normal BMI • Can’t sing, can’t dance HAHAHA pero mahilig sa music • Kalog (eto nalang yata pambawi ko, pero hindi rin e) • other stuff, to be discussed nalang kapag nag DM ka hehe • Slowburn romance trope enjoyer hehehe
YOU: • Please be chatty, not only sa chat but also in person IF EVER we meet. Pero sana may sense pa rin eno hahahaha is it too much to ask • Mas matangkad po sakin hehehe • may meme collection (the darker the better charot) • nagva-Valorant (optional HAHAHAHA pero please, buhatin mo ko ksks) • +9999 sa attributes if you know how to play the guitaaaaaar 😩
What’s your love language? I’ll wait for your dm hehe
————
edit: wag nyo naman akong i-hi lang or hey. Nugagawen ko huhu atleast answer my postscript question or a short intro abt you hays hehe
submitted by JGMG22 to PhR4Friends [link] [comments]


2024.05.17 15:22 magnificatcher_99 Changing another form of government will not solve traffic woes in PH cities

Well before the 2016 elections, naalala ko na marami ang nagpost tungkol sa ideya na palitan ang sistema ng gobyerno into a federal form of government para maibsan ang problema ng trapiko sa Metro Manila at ma-spread out ang mga opportunidad sa mga probinsya.
Good concept sana, but I realized later on, hindi talaga ang solusyon para maibsan ang problema ng trapik hindi lang sa Metro Manila, pati na ang mga ibang siyudad sa ating bansa.
Even today, hindi lang Metro Manila ang may matinding problema ng trapik, pati ang ibang malalaking siyudad tulad ng Cebu at Davao problema rin ang trapik.
Hindi ako transport expert ha, pero sa aking opinyon, there is urgent need to improve our transport system and build infrastructure to benefit people, not just cars.
Hindi lahat ng Pilipino, maka-afford ng kotse. Gusto nila na magkaroon na ligtas na mass transport system at ligtas na daanan o sidewalks para sa mga pedestrians pati rin ang mga nagbibisikleta.
Good thing nowadays, they are now building new railway lines (eg. NSCR, MRT 7, LRT 1 extension) at mga bus systems. Pero hindi ito sapat, there should be POLITICAL WILL among our public servants para maimprove pa lalo ang mass transport system at hindi na basta2x magtayo ng mga car-centric infrastructure.
We, as commuters, deserve a much improved mass transport system, safe bike lanes, and safe walkways or sidewalks in cities and towns across the country.
Kailangan mahalaga na iboto ng mga kandidato na may malasakit sa mga commuter at may political will na maimprove ang ating mass transport system ng ating bansa.
Hindi talaga solusyon ang palitan ng sistema ng gobyerno if we keep on voting the same-old politicians and keep implementing those car-centric infrastructures.
Reminder, the United States has a federal form of government but most of their infrastructure are car-centric.
submitted by magnificatcher_99 to Philippines [link] [comments]


http://activeproperty.pl/