Larawan kasuotan ng mga ifugao

Philippine Studies

2012.12.11 00:11 Philippine Studies

Lipunang F/Pilipino, kultura, politika at ekonomya, sining at panitikan
[link]


2024.05.17 00:14 First-Criticism-5505 "IGNORANCE IS BLISS" DAW

Meron akong katalking stage for 2 mos na. Medyo nagkakamabutihan na kami, not until na topic namin ay Politics. She said that she doesnt care about the PH Government because she knows Government Secrets daw HAHAHAHHH. Hindi ako naniwala kasi baka nakapanood lang niya sa mga videos online. Ang sabi nya e ang source daw ay her parents na from press.
Cut to the chase, she said na hindi daw worth it yung pagiging aware sa current issues lalo yung nangyayare ngayon with China. Her actual words are " I’m selfish kasi di ako nakikiramay sa downfall ng bansa?" tapos " Ignorance is bliss" daw.
Also, she is a devoted Christian pero ganun ang mindset at reasoning. Walang compassion or empathy.
Nakakaputangina lang sa pakiramdam kasi ang kapal at ang privileged niya magsalita. Medyo may kaya kasi sila. Anw, yung lang AHAHA sana malaman nya how stupid she sounds.
submitted by First-Criticism-5505 to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.17 00:05 Typical-Occasion1296 AKO LANG BA MAY LOLA NA GANITO?

AKO LANG BA MAY LOLA NA GANITO?
Lola ko na paborito ang lahat niyang anak ultimo mga ampon niya except sa panganay niyang anak.
Lola ko na lahat ng problema niya ibibigay niya sa panganay niyang anak at pag na ayos na, iiwan niya na ito sa ere at magpapakasarap kasama ang mga batugan niyang mga anak at sila pa ang makikinabang sa pinaghirapan ng iba.
Lola ko na hindi na nga pantay mag mahal sa mga anak niya ay pati sa mga apo niya di rin siya pantay magmahal.
Lola ko na mas mahal niya pa mga apo niya na ninakawan siya ng hindi lang isang beses kung hindi dalawang beses at binigyan pa ng sasakyan at paupahan.
Lola ko na isang salita lang ng tita ko susunod ito agad kahit na mali. e kasi paborito niya e.
Lola ko na sinisiraan ang apo niya sa ibang tao.
Lola ko na kami na nga na aberya e kami pa din ang masama.
Lola ko na pag nandiyan na ang pera ay akala mo kung sino na.
Lola ko na hirap na hirap mong hingan ng tulong pero pag sa iba niyang apo e go agad.
Lola ko na pinapangarap ko na sana hindi ko na lang naging lola.
submitted by Typical-Occasion1296 to adultingph [link] [comments]


2024.05.16 23:52 UrMatthijs House of Franchise, Siomai King, JC Premier is a BIG JOKE with bunch of LIARS.

I want to share experience lang tungkol dito sa siomai shit na to hahaha. Maybe u know about this and redundant already but yeah MLM at JC Premier yan *notoriously* known sa pyramiding at networking, disguising as a franchise naman baka kasi hindi na *siguro* gumagana yung yung pagbebenta at simpleng alok techniques nila haha kaya dinaan na sa "franchise".
So here's the story...
Sinamahan ko tita ko na umuwi dito sa pinas galing japan kaya I have been in their office almost a month na din last April 24, 2024 sa shaw tabi ng red planet hotel. Nung nandun kami at mineet yung coach nya, nagpakilala na dati daw syang ARKITEKTO na nagwowork sa dubai (taga baseco compound daw sya) at tumigil sa profession nya para nalang daw mag-focus sa HOUSE OF FRANCHISE na to dahil mas malaki daw kinikita nya kumpara sa pagiging arkitekto sa dubai (350k per month daw in peso kinikita nya sa dubai sa house of franchise daw mahigit doble lol). Inside my head was like "WTF?" my GF's uncle is an archi in dubai and he is actually earning really REALLY WELL at malabong ipagpalit ang propesyon nya sa pagbebenta ng siomai.
Another one, meron naman isa dun nagpakilala na babae na DOCTOR daw galing pa daw ng checkup kaya na-late daw ng dating, with that, pinakilala ako ng tita ko since I'm a medical student. I asked first itong babae na "doctor daw" kung ano ang specialization nya, aba ang sagot sakin ang position daw nya sa hospital is "stomach doctor" like nagulat ako and confused then she keeps saying na "stomach doctor" in which hindi ganun ang tawag sa hospital I was like waiting for her to say na kung stomach doctor sya I guess baka gastroenterologists sya, inaantay ko lumabas mismo sa bibig nya pero stomach doctor daw ang position nya hahahaha! Second question ko sakanya is kung ano ang pre-med nya before going inside of the med school, ang response: "Hindi ko na matandaan matagal na kasi yun" jusko! sinong gagong doctor ang malilimutan ang pre-med course nya?! Jan kami nagsisimula sa pre-med bakit nya makakalimutan? Dun palang huli na sobrang sinungaling and I hope she is not going to use yung pagsisinungaling nya para makakuha ng pasyente, to malpractice lol. Kaya hinayaan ko nalang halatang-halata na scripted silang lahat don in which hindi naman bago sa networking pero maawa naman kayo sa sarili nyo na hindi talaga kayo ganon ni simpleng knowledge sa claim nyo na profession wala kayong masabi at kaalaman.
Lahat sakanila pati dito sa wannabe architect na to from budai HAHAHA is may potential agad kahit hindi mo naman nakausap tungkol sa business or any ethics about negosyo.
Last one, meron isang tauhan sa pinto na nag-assist na naka JC Premier jacket na kitang-kita ko na nagpapicture sa harap at driver side ng sasakyan ko while nakapark sa office nila, not being judgmental pero pakiramdam ko gagamitin nya yun pang post para makapang invite at sasabihin na yung sasakyan ko is sasakyan nya at napundar siguro sa pagtitinda nya ng JC products hahahaha. Hindi ganun kagandahan sasakyan ko it's just a toyota hilux pero bakit magpapa pic at tatayo ka sa gilid at harap nun na naka pamewang pa? samantalang yung sasakyan ko is very common sa kalsada and kung kumikita kayo ng malaki sa pagbebenta nyo na yan hindi na kayo bibilib sa sasakyan ko dahil common yan at hindi naman mamahalin yan based sa claims nyo na daang libo ang income nyo panigurado baka mga naka land cruiser na kayo diba?
Hahahaha F'ING JOKES! Para makapanlinlang ng tao sa lakas nyo mambrainwash hindi na mamulat yung tita ko kinuhanan nyo pa ng almost 100k in an instant at shoplink nyo na worth 9k isang buwan na pwedeng kumita ng 90k. Tarantado ba kayo? Hahahaha! Paano kikita yan kung napakadami nyo ng franchisee? Saka yang ganyang hindi kasikat na siomai brand hindi na for franchise yan, hindi naman ka lebel ng henlin, david's teahouse o master siomai eh. That almost 100k na emerald, sapphire and any bullsh*ts nyo makakagawa na ng magandang business model o kahit panimula ng bigasan mas mainam pa dahil mas may bibili ng bigas kesa siomai.
Ingat po kayo baka madami pa din nabubukol tong mga hayop na to hahaha
submitted by UrMatthijs to phinvest [link] [comments]


2024.05.16 23:37 Temporary_Pop7095 Incident review at work because of my incorrect change verification

So ayun, di ako makatulog dahil sa kaba. 😭 I work as a release manager for a US electric company. We handle the system for their Nuclear site. Meron kaming deployment last Monday. There are two teams na mag aaply nung change - my team and the middleware team. Ang task ko is configuration change within the system once na matapos yung change ng middleware. I verified naman na tama yung change ko pero ako rin dapat magvavalidate ng change ng middleware if nagreflect sa system. Now, yung lead ko dapat magbibigay ng validation script but nag sick leave sya nung araw na yun kasi di rin nya alam na matutuloy yung change (wala kasi sa calendar nya). So I went ahead and do the validation in a way na alam ko and nirelease na yung system sa planta. Kinabukasan ako naman yung naka sick leave pero nagcheck ako ng Teams, nagkaroon ng incident, may mga functionality na hindi nagwowork at malaki yung impact lalo na at need ng outage ng system para mafix. This is a Nuclear plant so sobrang mahigpit when it comes to outages for the safety rin ng mga employees nilang nasa site. Wala ako during yung call nila to fix since naka sick leave nga ako. Pero ayun ito nangyari:
  1. May mali sa implementation ng middleware
  2. Mali validation na ginawa ko sa middleware change kaya hindi nalaman agad na may mali
  3. Same day nagset ng meeting for the deployment kaya akala ng TL ko, hindi tuloy at hindi sya nag iwan ng validation script
  4. Hindi ko dapat nirelease yung environment kasi may doubts na talaga ako 😭
Sa Monday, may interview kaming mga involved to review the event as part of their corrective action program. Merong questionnaire, kasama HR nila and kinakabahan ako kase takot ako sa manager ko sa client side. In my previous project kasi, nagroroll off sila ng resource kapag may incidents na nangyari.
Tell me how to move past this. 😭😭 Ma-istress ako buong weekend.
submitted by Temporary_Pop7095 to adultingph [link] [comments]


2024.05.16 23:37 bOysEENdiTapak Naalala niyo pa po ba yung ditapak na mapanaginipin? 😂🤣

May nag confess na isang ditapak kay beshy na may magtataas ng sakong sa kanyang pamamahala , dahil minsan nagkatotoo na daw kuno yung panaginip nung ditapak .. kaya naalarma si beshy at kuys na baka magkatotoo yung panaginip kaya sa harap ng kapatiran nagbabala sila sa mga magbabalak na magtayo ng paksyon paksyon 🤣😂
Naalala ko din dati si "ginagarantya ko po yan na iyan ay isang tunay na ditapak po beshie" 😂🤣 nasabon kasama si oblak na bakit daw sila nagpapakain sa unit nila ng mga ditapak at may mahiwagang meeting. 😅
submitted by bOysEENdiTapak to ExAndClosetADD [link] [comments]


2024.05.16 23:34 Mother-Fisherman-300 May attitude problem ako

May attitude problem ako
Hi guys, I’m M22, first time ko magpost dito pero palagi ako nagbabasa mga posts niyo sa sub na ito.
I want to share sana mga realizations ko about myself lately. Parang nagiging self aware ako na I really have attitude problems. May mga masasamang ugali ako and I am really noticing it sa sarili ko. Like naaware talaga ako na mali yung ginagawa or ginawa ko.
One example for that is yung kanina, sumakay ako ng bus pauwi galing sa bayan, nagpara naman ako kay kuya driver na “kuya, dyan lang po sa barangay hall” medyo hindi nya narinig kasi maingay so nailagpas nya ako ng konti, as in konti lang, nung pababa na ako nasabihan ko siya ng “bobo” pero hindi ko naman vinoice out ng malakas, sobrang hina lang na parang tenga ko lang makakarinig. Nairita kasi ako 😭 tapos after non naguilty ako and I asked myself bat ako ganon? Masama yon ah 😭 ilang beses ko nang ginawa yan guys, ilang beses na ako nilagpas ng mga bus drivers dito saamin dahil mga kaskasero sila or parang nagmamadali palagi, minsan finufuck u sign ko sila ng patago. Basta ang sama talaga, napaka bilis ko mairita sa mga tao.
Another example is yung misunderstanding namin ng tita ko.
And then, dito sa bahay naman hindi koo masyadong close papa ko, si mama, medyo lang. madalas ako mairita sa papa ko for no reason, hindi ko siya pinapansin, maybe dahil sa may mga galit ako sakanya na kinikimkim ko lang and never ko vinoice out. Even kay mama, may mga hinanakit din ako pero mas pinapansin ko siya.
Even may friends, pag nagsasama kami before nasasabihan akong May attitude pero in a pabiro way kasi feeling ko mahuhurt nila feelings ko pag sinabi nila straight to my face na may ugali nga talaga ako. Minsan nasasabihan din akong mapride/ma-ego.
Guys, dati hindi pa ako ganito ka-aware na may problem nga talaga ugali ko, recently lang and gusto ko siya iaddress talaga, gusto ko mag improve talaga and mas magkaroon ng empathy sa mga tao, gusto ko mas maging people person ako ganon and mas maging sensitive pa and mas understanding.
Yung main problem ko ata is sobrang liit ng pasensya ko sa mga tao, palagi akong naiirita sakanila. Unting inconvenience lang galit na ako agad ganon, parang feeling entitled? Alam mo yung aura ng mataporbe parang nagiging ganon na ako which I hate and don’t like to possess.
Dati hindi naman ako ganyan nung wala pa akong naachieve sa buhay, nung wala pa akong pera and wala pa akong trabaho. Feeling ko nga, nagstart ako magka attitude problem nung kumikita na ako ng malaking pera, nakakapagtravel na, nakapagpaayos na ng bahay, nabibili na mga gusyo ganon. Basta simula nung nagkaroon na ako ng mga ganyan doon ko nafeel na nagstart magbago attitude ko 😭
Ang shitty ko😭 pero gusto magimprove and baguhin lahat ito.
submitted by Mother-Fisherman-300 to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.16 23:29 notsforuu Happy that I resigned from my work

I finally muster the courage to finally resigned from my work. I thought I'd regret it, but I'm honestly feeling so relieved and at peace with my decision. Nakahinga ako ng maluwag. I've always been a firm believer na if your work costs you your mental sanity, then it's not worth it.
Skl, I was working with a Customer Service Manager from an e-commerce merchandise provider in the US. I was with them for a year, and all throughout my stay, I never felt connected to the team. There were initially three of us, but one left recently kasi nag abroad. Yung goal ko lang naman sa work is simple — pumasok, magtrabaho, hit my daily goals, and end my shift in peace. However, throughout my stay, I noticed that my client treats me differently than two of my co-workers. She treats them as part of the team, and ako spare tire lang. She always acknowledges them and shower them appreciation, tapos ako breadcrumbs lang. Whenever the two commits major mistakes, wala kang maririnig sa kanya. Pag ako, which is rare tapos minor lang, she loves to make an example out of me sa team. Nage-expect akong she would slide me a DM to inform me about my mistake and what should I do better next time pero hindi ganun. Pagalit always yung tono and she loves being shady about it. Whenever I attempt to reach out and open up about how I've been feeling, most of the time seenzoned ako or busy daw siya. Yet, ang ironic kasi she always says to us na "if you ever have problems, feel free to reach out to me."
For one year, tiniis ko yan. I didn't mind it even to a point na yung mga tasks nila e ako pinapagawa. Kahit I've noticed na hindi equal distribution yung workload, e tumahimik na lang ako. But I've had enough.
The past few month has been really hectic. Nagresign yung isang kasama namin and the client doesn't want to hire a replacement. So yung workload e mas dumami and sobrang busy na. Ang unfair lang na if I get to compare my daily tasks dun sa kasama ko, I have too much na di ko alam paano pagkakasyahin in a day. To quote what the client says, "isn't your workload too much for one person?" Alas, akala ko ibibigay niya sa kasama ko yung ibang tasks pero wala. Hanggang commentary na may pa additional pang "please try to complete your tasks within the day. manage your time wisely." Naknamputa. Ako busy pero yung kasama ko sitting pretty. Lately, she started to micromanage us. Pinapasend niya kami ng daily accomplisments in a day para alam niya if we're being productive and if may room pa daw for us for additional tasks. Loaded na nga ako, and guess what, dinagdagan pa ako and yung kasama ko nada. At one point, the client reached out to my manager from the agency side and pinapatanong bakit may days ako that week na di umabot sa daily goal of 50 Closed Tickets a day. On those days, I only closed 49 and 48 tickets. Pero wala silang say na on the rest of the days, umaabot ako ng 100+ closed tickets a day. So ayun, pinapa explain ako kung bakit di ko na hit yung goal and what steps should I take to ensure I hit my daily goal moving forward. Pero ang unfair lang na wala silang say dun sa kasama kong tenured na on bihira lang maka hit ng 50 Closed Tickets a day. Yung tipping point talaga is how the client loves to make a big deal out of my responses. Ang defensive ko daw if nag aapologize ako, pag nagfi feedback daw siya madami akong salit, etc. I love feedback, but it should come in a nice tone. Hindi yung nagbigay ka ng feedback tapos ang mafi feel ng tao is demoralized. I opened this up to my agency manager, but as always, ako yung mali.
To cut the story short, I resigned and surely the best decision I made this year. Deserve ko to work with a client who values my hardwork and input sa team. Ang funny lang kasi since I still have access my Slack, nagpa bonus si client dun sa kasama ko ng $250 at pinost pa yung screenshot sa channel namin tatlo. Ang laman ng email is "Please give XXX a $250 on her next cutoff for she's been working hard for us the whole month." Para naman may ginagawa si ate talaga e ako nga lahat gumagawa ng workload sa team tsaka bago lang ako umalis sa team lol.
My next move after this is to upskill and focus on myself. Nakaipon ipon naman so I'll go back to the gym, eat well, sleeep sleeep sleeeeeeeep, and enjoy the things I love. Hopefully, I'll land to a job where I can excel, grow, and feel valued. Ekis na sa akin mga VA agency.
submitted by notsforuu to buhaydigital [link] [comments]


2024.05.16 22:56 Hamu9807 “Love, nalulungkot ako.”

Nalulungkot ako ngayon. Bukod kasi sa kakagaling ko lang sa major operation from car accident, napapansin ko rin na parang ignored ako ng other half ko. It’s been two weeks since the accident and I appreciate him for immediately going to the ER on the night of the accident and for taking over 3 night duties para magbantay sakin. Sobrang natouch ako and I promised na babawi ako sa kanya pagka full recovery ko.
Naopen up niya recently na problemado daw sila sa bahay and for context, di niya talaga shineshare sakin kung anong klaseng mga problema ang meron siya. Kaya lang medyo takot ako since last month, he almost broke up with me kasi ayaw daw nya ako madamay sa mga problema niya. That happened a week before the accident and naiisip ko na naman what if yun na naman naiisip niya?
Yes, we talk everyday, pero saglit lang since busy siya sa work and if mag call kami di siya umiimik since on duty siya (madalas ako na lang tumatawag). Sa gabi naman, nakakalimutan niya na ako imessage or icheck up man lang and just ended up messaging me “good morning, love” the next day. Nakakatampo talaga kasi ganto ba lagi? Tuwing may pinagdadaanan ba siya, lagi niya ako iiwan? Isasantabi? Di na nga ako nangungusisa kung ano problema niya eh and I tried to be very understanding kahit sa sitwasyon ko I tend to be lonely and depressed (expecting 3 months of recovery since I have fractures).
I feel like ignored and neglected by someone I want to comfort me and nagbabadya yung takot na baka hiwalayan nya ako ulit since may pinagdadaanan ulit siya sa buhay. I salvaged our relationship the last time and I hope he won’t do the same again. Ayaw ko siya iconfront or tell him I’m feeling ignored kasi baka he’ll break up with me again and ayoko nun.
Naiisip ko tuloy yung kdrama na “Our Beloved Summer” kasi tumatak yung line na:
“I’m always the first thing you abandon when things get tough. Am I the easiest thing that you have that you can throw away?”
Kasi ramdam na ramdam ko siya ngayon.
submitted by Hamu9807 to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.16 22:55 artistheone How to commute from Las Piñas to Carlos Palanca St. Legazpi Village, Makati?

Helppppppp mag kakaroon ako ng bagong work and located siya sa Glass Tower Carlos Palanca St. Legazpi Village, Makati.
Hindi pa po ako nakakapunta ng makati ever since, pahelp naman ano mga sasakyan. Thank youuuu
submitted by artistheone to HowToGetTherePH [link] [comments]


2024.05.16 22:55 vousmevouyezz ABYG dahil iniwan ko sila kahit alam kong wala silang pera?

26F single mom to my 7years old son (not proud na nabuntis ng maaga wag gumaya), working since i was 16, and now earning 6digits a month, to be honest okay naman sakin na ako nagbabayad lahat ng bills sa bahay at bumubuhay sa mama, lola at kapatid kong lalaki 24M, hindi pa nag tatrabaho kapatid ko kasi nag-aaral pa (repeated 2times) hindi naman big deal sakin kasi kahit ako naka repeat ako ng isang beses nung college, so ayun nga walang problema sakin yung sitwasyon at pagbabayad ng bills kasi si lola at mama ko yung nag-aalaga ng anak ko kapag may work ako, sila din nag luluto ng food at si mama na yung nag la-laundry ng mga damit namin (wash and dry kaya hindi mahirap) so yung aatupagin ko lang talaga is work, bills, food and tuition ng kapatid ko at anak ko yun lang UNTIL, nakabuntis yung kapatid kong lalaki ng hindi niya girlfriend, sa totoo lang hindi masyado big deal sakin yun pero na disappoint talaga ako sa kanya kaya nilabas ko yung nararamdaman ko na sana hindi muna siya bumuntis or gumawa ng mga bagay na ganyan kasi alam niya naman na wala siyang perang ibubuhay sa bata, yun nga lang nagulat ako sa sagot niya sabi niya "ikaw nga ang agang nanlandi 18 tapos pagsasabihan mo ako na 24 na" eh hindi naman yun yung point ko? yung point ko is yung wala siyang perang ibubuhay sa anak niya, or isusustento. nasaktan talaga ako dun pero nung nabuntis ako ng 18 may trabaho na kasi ako nun at never ako nanghingi sa mama ko ng pambili ng diaper at gatas before, kaya nagalit ako sa kanya at nakapagsabi ng masakit na salita, nasabi ko din na "wag kang humingi sakin kahit piso pag lumbas na yung bata" dahil sa galit ko, akala ko sakin kakampi yung lola at mama ko PERO sumabat yung lola ko sabi tama daw yung kapatid ko, tapos wala nadaw magagawa kasi nandiyan na yung bata dun talaga ako naguluhan kasi yung unang sinabi ko lang sa kapatid ko is yung pagiging disappointed ko sa nagawa niya wala akong sinabing ipalaglag or hindi ko siya tutulungan, kaya napa sagot ako sa lola ko na saan banda yung tama sa sinabi niya? tapos sagot ng lola ko "parang nagmamalinis ka kasi eh mas maaga ka naman nabuntis kasi maaga ka nag landi" dun na ako nagalit kasi iniiba nila yung point ng sinabi ko sa kapatid ko, so nagagalit na ako dito tumataas na boses ko tapos sumabat na din si mama na wag na isipin para matapos na wala ng away, so hindi ko na inisip kinimkim ko nalang. so ngayon fast forward nanganak na yung babaeng nabuntis ng kapatid ko, laking gulat ko kasi nag tatrabaho ako nung time na yun at before pa siya nanganak napagkasunduan na namin na sa public lang siya ipapanganak kasi alam ko gaano ka mahal yung private ngayon 6digits talaga babayaran and sayang yung pera na ilalan sa hospital pwede naman yun sa bata deretso, nag chat sakin ng 9am na nanganak na daw, nag sabi pa ako ng congrats until nakita ko sa fb pinost ng kapatid ko pic ng baby nabasa ko yung hospital name and private yun! so nag chat ako agad sa gc namin sabi ko bakit sa private dinala? reply ng mama ko nung nag labor na daw yung babae sa public sila pero sobrang init daw kasi hindi aircon yung kwarto electric fan lang meron, sabi ko hindi naman sila mag s-stay dun ng isang buwan, konting tiis lang naman yung gagawin kasi libre don, tapos nagagalit na si mama sabi bakit bini-bigdeal eh kapakanan daw ng babae at baby yung inisip nila kaya napatanong ako kung sino magbabayad at kung ako ang iniisip nilang mag babayad ng bill tinanong ko kung hindi ba nila ako iniisip na baka mabigatan ako? wala silang reply sa gc, this time nagagalit na talaga ako parang yung emotions ko pumunta lahat sa utak ko feel ko that time hindi nila ako nererespeto kahit na may kasunduan na kami sa kung anong mangayayari sa bata knowing na ako yung mag susustento hindi yung kapatid ko, kaya this time nag rent agad ako ng apartment at kinuha ko lang yung damit, sapatos, computer at mga foam and pillows kasi gusto ko talaga muna mapag-isa, this time nasa hospital pa sila, dumating ako sa apartment at nag settle dun nagpalamig, 4pm kinuha ko na yung anak ko sa school at sinabihan na ilog out at huwag muna gumamit ng facebook at messenger sumunod naman siya, during that time na nasa apartment ako akala ko mag me-message sila turns out hindi pala sila umuwi ng 3days at 3days na din silang walang reply sa message ko until discharge na nagsend si mama sa gc ng resibo sa hospital, umabot ng 185k yung bill, nag sabi din siya na hindi sila naka uwi agad kasi hinintay pa nila yung mga family ng babae na makakita sa baby kaya nag extend sila ng 1day kahit na pwede ng umuwi after 2days, nag seen lang ako. turn of active status and turn off read receipts then deactivate , after mga ilang minuto andami na nilang missed call, kaya in-off ko phone ko at nag trabaho nalang, now it's been a week. isang linggo na din akong walang socmed activity kasi naka deact na fb and messenger namin both ng anak ko, pati instagram. may feeling of disappointment parin ako hanggang ngayon, feel ko parin hindi nila ako nirerespeto kasi ginawa nila yung gusto nila without my approval and expects na okay sakin ang lahat, diko alam anong nangyari sa kanila and i'm having the urge to open my facebook account and messenger, yung sim ko din na ginagamit ko for friends and family tinanggal ko yung pang work lang yung gamit ko, i'm kinda feeling guilty kasi feel ko masama ako sa ginawa ko, so AkoBaYungGago dahil iniwan ko sila knowing na wala silang pera?
submitted by vousmevouyezz to AkoBaYungGago [link] [comments]


2024.05.16 22:43 Ok-Conference-9760 What's the best piece of advice you can give to a newbie like me?

Hello everyone! Hindi ako makatulog. Ilang araw na lang, magsstart na ako sa new work (yaaayy!). I prayed hard and worked hard not to be in the same position that I was last year, pero sadyang hindi maiwasan na mapaisip ng kung ano-ano.
I'm a healthcare professional po, but my career was short-lived. It took me a while to gain courage to finally shift careers. It took me a lot of rejections and redirections to finally figure out what I truly wanted to pursue and where I truly believe I can start anew. By His grace, I was hired in my dream company and am about to embark on a new journey. I'm really looking forward to exploring a lot of opportunities, going to new places, meeting new friends, and building connections. But it's scary. I can't think of any other words to describe what I've been feeling lately. I'm probably overthinking things.
Sa mga ates and kuyas out there, what's the best piece of advice that you can give to a ✨newbie corpo girlie✨ like me? Any advice would be much appreciated po! 🥰
submitted by Ok-Conference-9760 to CasualPH [link] [comments]


2024.05.16 22:40 AdventurousWeakness7 Finally got a new client after losing 2 in the past 2 months as a working student

I've been a Virtual Assistant for 2 years now and have worked with 4 clients already. Generally, ang ginagawa ko lang is Social Meda Management, email, meetings, etc. Lahat sila flexible time and super dali lang talaga ng ginawa ko. I get paid for 4 hours pero I do my tasks in under 1 hour.
So yung time na 3 yung clients ko (lahat part time) super chill ko lang, gawa ng tasks. Kung ano kailangan nila, ginagawa ko. If may papa research, papaedit, papa email, go lang. So nung February, humingi akong raise kay client#1 since I have been working with her for more than a year na and I believe na consistent and satisfactory naman yung paggawa ko ng tasks niya. Pero after that, ni-let go niya na ako because di niya na raw kaya isustain yung sweldo ko. Syempre, wala na akong nagawa at that point kundi magsabi ng "thank you chuchuchu".
Then nung march naman yung isa ko pang client (client#2) (paying the same as my 2 part time clients combined), naging busy sa business niya - so dumami yung projects, meetings, programs, etc. Di niya nirespeto yung time ko in a way na, kahit out of my hours, may pinapagawa siya ganon. and NOTE na lahat sila alam na may iba akong clients and diniscuss ko na sakanila yung time in ko sakanila kasi alam kong mahirap pag nag overlap and at least alam nila na sila lang focus ko at specific times. Anyway, etong ngang si client#2 although nagaadjust ako for her - ginagawa ko na yung tasks niya out of my hours, nababagalan pa sa output ko. I explained to her uli yung agreement namin and yung respect sa oras ko - she said she understood naman and nagsorry. Pero syempre, walang nagbago, so ang ending, nabagalan siya sa output ko then niletgo niya nalang ako during our weekly meeting. Thankfully, binayaran niya pa rin naman yung mga hours na nirender ko that month.
Si client #3, dito ako pinaka-petiks. Super chill and dali lang kasi ng ginagawa. Literal repetitive work lang everyday na nakakasawa and he pays me less than the minimum (which is 5$). Since madali lang, I still worked for him kasi extra money naman. Very handsoff siya. Basta kita niyang may progress sa tasks, go lang. So siya nalang yung naging client ko after ako nilet go nung 2 clients ko.
So basically, naging 1/4 yung salary ko in a matter of 2 months.
So more than a month akong naghanap ng client tapos tinatamad pa ako. Na-enjoy ko kasi yung feeling na wala masyadong tasks na ginagawa. While passing applications, narealize ko na, NAPAKA HIRAP NG WALANG NICHE. General VA lang kasi talaga ako. Wala talagang pinagawa sakin na masasabi kong, "ah di to kaya ng ibang VA" or "may experience ako sa ganyang business".
Anyway, nung sumuko na ako sa OLJ, trinry ko uli yung Upwork account ko. Ang specialty ko kasi is mental health, so very specific na business talaga. Nung nasa upwork ako, sakto pagkita ko nung job post, business owner siya na in line sa mental health. So ang ginawa ko, nag pasok ako 500 for the connects, tapos binid ko kaagad ng 100 (may left overs pa sa upwork ko from before).
Thankfully, di siya masyado nagisip at kinuha niya ako kasi same kami ng passion sa mental health. Pumayag siya na flexi-sched and she's going to pay me as much as my 3 clients combined.
In short, thankful ako at nakita ko tong client na to. AND di ko siya mahahanap kung hindi ako nawalan ng 2 clients.
SORRY FOR THE LONG READ
tldr: lost 2 of my 3 clients. Naging 1/4 sweldo ko. Because of this, nakahanap ako ng client na same kami ng passion and she's willing to pay more than the 2 clients I lost combined.
submitted by AdventurousWeakness7 to buhaydigital [link] [comments]


2024.05.16 22:39 belleoved1299 OJT Company

Every 16th day tapos at the end of the day bibigay allowance ko. I was expecting my allowance na tapos sabi ng HR nila, "ma'am, baka pwedeng bukas nalang?" Sabi ko, "ma'am, hindi po ako makakauwi kase wala na po ako pera." Sabi ni HR, "Sa susunod, magtira ka kapag wala kaming maibigay." May point naman siya kaso in an attitude way niya sinabi. Hindi ko kasalanan na may allowance yung company. Hindi ko rin kasalanan na intern ako doon. Hindi ko kasalanan na may nanghihiram ng pera ko. Sana man lang maging totoo kayo sa mga salita niyo.
Also, hindi ko naintindihan kung bakit kailangan bad treatment ang ibigay sa amin na taga APC unlike sa PUP interns. Most incident that's happening is bullying sa APC interns na ginagawa ng ibang employees nila. Kapag may incident na ganyan, alam niyo kung kanino nagrraise, sa mga naging close nilang employee. Never kami nag raise sa HR as in kasi walang action na nangyayari.
Ako yung nahihiya para sa mga boss nila na APC alumni kasi junior nila yung mistreated sa company. What if APC cut their partnership to them because of this kind incident? They'll be disappointed, right?
submitted by belleoved1299 to WeAreRAMS [link] [comments]


2024.05.16 22:38 No_Station6577 LALAKI NGA NAMAN 💀

So may naka match akong guy from FEU Manila. He's 2nd year medtech student, and kaka-start pa lang ng conversation namin ang clingy niya na sa akin. Syempre at first I thought na ganon lang talaga siya, but after ilang days nag paalam ako sa kaniya na magbobonding lang kami ng mga friends ko. Binibigyan ko naman siya ng kaunting updates about sa whereabouts ko ganern! Kaso nung kauwi ko nagkita ko IG Notes niya na "Itutulog ko nalang to." then ayon ako pa last chat sa aming dalawa. Hindi na talaga ako nag chat sa kaniha that night na kauwi ko kase na off ako.
The next day nag chat siya saken na wala raw akong update kauwi ko, then I was like "Huh?" then sinabi ko na sakaniya na last night na off ako sa kaniya. Doon ko na lang din pala nalaman na nagtatampo siya sa akin kase HINDI DAW NAGING ENOUGH YUNG UPDATES KO. KESYO GANYAN DAPAT NAG INSERT PA AKO NG EFFORT! Eh hindi ko man nga siya suitor or jowa para mag send ng pictures tapos sa huli ako pa yung ma-ego? HAHAHAHAHA I get it naman na gusto niya ng updates and binigay ko naman yung kaya ko AND NAKAKALOKA LANG NA WALA NAMAN KAMING LABEL AND SYEMPRE MADALANG LANG KO LANG MAKASAMA FRIENDS KO AND AWARE SIYA RON KAYA SINABIHAN KO PA NGA SIYA NA HINDI KO GAGAMITIN CELLPHONE KO NANG MADALAS.
Wala lang tangina mga lalaki nga naman mag demand kala mo naman may status na sa buhay ko.
After non hindi ko na siya ni replayan talaga kase na off ako. Ang obsessive niya like gusto niya kahit umalis ako sa kanya pa rin oras ko, and ++ alam niyang takot ako sa pusa pero gusto niya akong bilhan ng pusa. BOLANG BA TO!????? NA TRAUMA NGA AKO SA PUSA NOONG BATA AKO TAS PIPILITIN AKONG MAG ALAGA!
Hays kung asan ka man ngayon sana masaya ka.
The End.
submitted by No_Station6577 to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.16 22:37 bwestle ask lang if this is some kind of manipulation ba

other 2xic bfs gets mad kapag nagpopost ng sexy pics gf nila 'di ba? my bf don't get mad but he gets sad.
kapag magsusuot ako ng gusto ko kasi i'm vv confident sa time na 'yon, and want ko ipost/ gawing display picture (e.g. my bikini outfit sa beach escapade namin) kasi i'm very proud sa result ng gym workouts ko. he's sad raw kasi someone might get attracted sa'kin, i assure him naman na kahit sino pang maattract sa'kin i'd still choose him and i also told him other kinds of reassurances. he'll eventually agree naman pero biglang magiging cold, so edi ako sasabihin ko na lang na hindi ko na gagawing display picture para hindi na siya magtampo. nakakasad lang din sa part ko kasi i am finally having my confidence na once in a blue moon lang mag-appear (and he knows it) tapos ayun ;(
ito rin, when i hangout with my friends. i tell him naman when, where, sino mga kasama, ano mga gagawin sa hangout namin (such as movie marathon, girls' pamper day, kakain sa labas). pero pag-uwi ko sad raw siya nagooverthink na baka may ibang lalaki na kasama, tapos ako like "???" kasi nagsesend naman ako ng pictures for updates, or need ba na kada kung anong gagawin ko is maupdate ko sakaniya? pero despite my pagkairita i assured him pa rin, kaso minsan lang it's tiring na parang palagi na lang akong kulang, i mean i know naman na getting tired is part of the rs pero para kasing ako lang may effort.
i love him and want ko sana na maclarify 'yung pagooverthink ko na he's manipulating me.
submitted by bwestle to adviceph [link] [comments]


2024.05.16 22:36 Intelligent-Cake_ AutoCAD Training

Hi po. Tanong ko lang po if may nakapagtraining center po dito ng CAD or self-taught po kayo? Kung nagtraining po kayo, saan po? And magkano? Maganda po ba? Ano po bang mas maganda? Magtraining po sa isang center or matuto na lang po through youtube? Para po kasing walang malapit dito ba training center dito sa antipolo?
Thank you po sa mga sasagot!
submitted by Intelligent-Cake_ to CivilEngineers_PH [link] [comments]


2024.05.16 22:34 mangosteen16 Got my MBA M2 (30 characters)

Hi guys, I got my MBA M2 8/256 13.6 inches from a friend. She bought it last week of Feb 2024 and pinapang Netflix lang, so she sold it instead.
Cycle Count: 8 Battery: 100%
So parang bumili na din me ng Bnew, super steal kasi with accessories pa. So I don’t need to buy na parang complete na din sya eh, haha.
I am almost done sa set up like add ng mga Google acc, install ng mga apps, and all. I am iPhone user naman kaya okay d ganon kahirap. Pero yung mga keys talaga 😭 Ewan sanay lang ako sa windows.
Guys pano po yung notes ni macbook. Kagaya ng sticky notes sa Windows. Yung auto-save, floating lang, since I need it always sa work. Also, aside from Krisp. Meron ba kayong cheap na noise cancellation na app for Mac?
Addition, Pano ba to? Dapat ba shut down or sleep lang? Any tips please 😭 I have clear na cover case. Recommended ba sya or no?
Yan talaga struggle ko bukod sa screen nya kala ko mejo malaki. I have an extra monitor naman.
I’m still wondering if this is worth it or if I should have stayed sa plan ko na nag HUAWEI D16 2024. LOL, OR BAKA BENTA KO SYA IF D TALAGA HAYS
For reference. I posted about choosing between Mac or Windows months back and most answer is go to Mac. https://www.reddit.com/buhaydigital/s/9KRITqLHqT
SEND HELP.
submitted by mangosteen16 to buhaydigital [link] [comments]


2024.05.16 22:33 aries-22- is being an ofw in japan worth it??

Ako (F21) na panganay sa pamilya ko, nagbabalak mag ofw after ko lang makakuha ng degree. bat nde ko pa gawin ung pag ofw ngayon?? ket gustuhin ko man nakakaguilty eh, gusto ko muna maramdaman ng mga parents ko na may nakapagtapos na silang anak nila, ngayon palang ramdam ko na na wala akong mapapala sa degree (bs interior design) ko hence why nagbabalak akong ituloy ung pag ofw ko.
last year kc nagsself study nako ng hangul while processing my requirements, all i need is to memorize vocabs kc marunong naman na ako sa sentence structure at kaya ko ding magbasa at magsulat ng hangul. kasama narin ung magddrop out ako sa college para mafocusan ko yung eps topik.
eh ayun nga kinausap ulit ako nila mama't papa na kung pede ituloy ko nalang daw pagaaral ko, para magka anak na daw sila na graduated na. so i agreed and here I am. kumakayod paren sa pagaaral.
kaya after ko malaman na mas madali pala process pag sa japan kesa sa korea, gusto ko magresearch muna kung mas worthwhile ba sa japan kesa sa korea. kc kung ganon man mas pipiliin ko nalang siguro sa japan kc don close to surebol kang magkakatrabaho agad.
so ayun nga, mababa na daw ang 1yen sa php?? pero kung sa Korea naman ako mago-ofw diko sure kung makakapasa ako sa exam since government to government yan pero sa japan agency agency lang daw kaya mas 'madali' daw makapasok.
pag bumagsak ako sa exam edi pano yan, nganga?? :<
pito kami sa pamilya ko, meron akong 2005, 2007, 2014, 2020 na mga kapatid tas ako panganay. mga magulang ko ('79 at '82) tumatanda na lalo na't may mga bisyo sila (sigarilyo) and onti-onti na sila sinisingil
tatay ko dalawang dekada ng cp technician until now, nanay ko converge agent, hanggang ngayon kumakayod parin mga magulang ko, ket gustuhin ko man magpart time yung course ko grabe maka time consuming
gusto ko sana mapakita sa kanila na reliable ako't matulungan ko sila ket papano habang kasama ko pa sila.
submitted by aries-22- to phmigrate [link] [comments]


2024.05.16 22:24 Great_Dot_8648 Printed receipts can cause CANCER

I saw a facebook video regarding printed receipts which is very harmful pala sa kalusugan and can even cause cancer. One of the doctor said na he once had a patient na nagka lung cancer pero di naman siya smoker and not a second hand smoker, turns out sa line of work pala niya is lagi gumagamit ng receipt. Medyo duda ako so napa research about dun and totoo nga pala yun, you can even try to ask co-pilot AI and will give you the same answer, main reason is yung chemical na ginagamit for printing is Bisphenol na ginagamit sa polycarbonate plastics and thermal papers, so kapag nahawakan nyo yung printed side ng receipt, naabsorb ito ng balat. Medyo nakakabahala yung ganito lalo na yung mga nagwowork as cashier or kapag nagwiwithdraw sa ATM. Inaamoy ko pa naman minsn to haha. Let's exercise precaution nalang pag maghandle tayo ng resibo just to be safe at ilayo ito sa mga babies.
submitted by Great_Dot_8648 to Philippines [link] [comments]


2024.05.16 22:22 HotAsIce23 Grumpy experience at grumpy joes

1st time ko pumunta and i was dissapointed with their service..Lakas makaservice charge pero the level of costumer service is subpar..these are the reasons.. 1. We asked for water and it wasnt offered outright..lumabas ng orders namin and the water was nowhere to be found. 2. The assigned waiter did not introduce himself and nalito kami kung sino ba talaga assigned waiter kasi kung sino sino ang nagcacater sa mga needs namin. 3. Nakalimutan nila ibigay yung dessert namin at the end of our meal. 4. Nagkamali pa sila sa billing namin.. 5. Only one menu was given for both of us..
Im just dissappointed kasi i believe that it is much expensive than shakeys and volantes..so far lahat ng experience ko sa shakeys and volantes are positive but i dont know what happened with grumpy joes..buti na lang yung isa sa mga waiter nila mabait..at tsaka fast service, yun na lang redeeming factor..
Food is okay..not bad but not blown away
submitted by HotAsIce23 to baguio [link] [comments]


2024.05.16 22:18 emijasbelony microcheating or nah? looking at sexy gurls lol

mahaba ‘to pls bear with it. badly needed lang some advice since most of my friends are still rooting for us. some says, its not a big deal but idk just pls be honest if im the one at fault or not ugh
(go to 8th paragraph if tinatamad u basahin ang backstory huhu)
so it all started shs g11, classmate kami. i have a HUGE crush on him sobra. close kaming dalawa kahit na we're not in the same circle. like ako yung girl na naging super close nya. pero im the type na magaling magtago and never nauuna magconfess. kapag gusto ko, gusto ko talaga. and the good thing is, gustong gusto nya rin ako pero nung malaman ko yun, huli na. when g12 came (same section) i have a new circle which is classmates ko rin, and don ako nagkagusto sa ex bf ko. alam ni ex ko that time na may crush ako kay guy bago pa maging kami. since tinanong ng two guy friends ko (kasama si ex don) kung sino crush ko. ako kase yung tipong magiging jowa lang kita kapag nag start tayo as friends, pansin ko lang. my ex was my first love. and ako rin yung first nya in everything. sobrang minahal ko si ex. basta sobrang love ko sya based sa diary ko na kapag binabasa ko ngayon parang di kaya ni 18y/o self mabuhay na wala si ex.
btw, friends din silang dalawa kasi parehas sila ng vibes. weird noh, di ko magets. like imagine, my ex knew i liked that guy before. and him? alam nyang nagkakadevelop-an na kami ni ex. so yun nga, nagconfess sya sa akin that time kaso nagkakaroon na ako feelings kay ex, ugh bish, sobrang torn ako that time kung alam nyo lang. bakit kasi ngayon lang sya nagconfess!! i liked him a lot, imagine nagconfess crush mo wow. like damn, sobrang gwapo nya im telling u and sobrang gustong gusto ko sya before. sobrang ilap nyan kapag may nagkakagusto sa kanya. basta laughtrip. anyways, di ko sya directly nireject kasi di ko kaya unlike sa mga naunang nagconfess sa akin na wala lang.
fast forward, si ex pinili ko that time. nagbreak kami ni ex after grad ng shs. GURL, parang gumuho ang mundo ko haha like bish pls ganun pala ang ‘heartbreak,’ sobrang sakit literal haha nagclosure pa kaming dalawa before we part ways, iyak kaming dalawa sobra kase love pa namin isa't isa.
after a month, nagchat sya sa akin. i was shocked kase different college na us pero nagchat pa rin sya wtf. kinumusta nya ako, sabi ko im sad ganern and sabi ko wala na pero im not pertaining to my ex directly. and fuck myself lang kasi sinabi ko rin that time na 'chat mo ko para di ako masad.' actually confused ako that time kasi di na sya nagreply pero little did i know na nahurt ko pala sya sobra :(( sorry talaga ah potek
then after ilang months, i heard the news na wala na si ex. guys haha, gumuho mundo ko that time. like muntikan na akong mairreg sa school. i thought end of the world na. pero yung last chats namin is yung nagpart ways kami with letters thru docs
nawalan ako gana sa lahat, basta lahat. di ko nga maimagine na ganun yung nafeel ko before unless binabasa ko yung diary. kaya im telling u, kung sino man ang naffeel 'to ngayon, pls maniwala kayo u will get through it promise!!
after a year living like a ghost, i tried to entertain some boys pero wala talaga hahah di ko talaga trip kahit for 1 week lang na chat chat haha. like sabi ko sa kanila, i dont want a relationship. NEVER. PERIOD. pero kinain ko yan lahat nang mag missed call sya sa akin haha and behold nagbabalik, my TOTGA. yup, u read it right. yung super crush ko before nag missed call sa akin. fast forward, naging kami. yup, u read it right again. and dito na ako hihingi ng advice, thank u kung nakaabot ka rito hahahahahha utas sorry na ang haba ko magkwento, daming commercial.
NGSB sya. ako lang yung girl na sobrang close nya, ako lang yung una nyang niligawan, sa akin lang sya nagconfess, and he's a date-to-marry kind of guy. no, scratch that, sa akin nya lang gustong ikasal. kung hindi ako, wag na lang. yup, ganun sya kung iddescribe. btw, im his first. first sa lahat, literal. and sobrang sya affected kapag di okay yung relationship namin.
mind you, sobrang love na love na love na love ko rin sya. so yun nga, smooth sailing ang aming relationship kahit na pandemic to post-pandemic. kaso nga lang, nagkaproblem.
nakita ko yung search list nya sa fb, mostly gurls na 'u know' malaswa idk. plus yung dati nyang crush nung g10. pero wait!! no chats, add, follow, likes, comments, hearts kahit san pa yan. walang ganun. as in. PERO KAHIT NA!!!
imagine, the betrayal i felt? tama nga yung mga nababasa ko, alam mo yung nanlalamig ka tas di makahinga wtf sobrang sama sa pakiramdam like pano pa kaya yung iba na physical cheat ah potek di ko maimagine
'1) is it microcheating ba???' kase even me, im fucking confused. anyways nung malaman ko yun, chinat ko agad sya. minura ko and all, SOBRA. like sobrang mura, lahat ng mura sinabi ko na at lahat ng masasakit at below the belt na salita, sinabi ko na rin. para akong bomba. tinadtad ko sya ng mga chats. yung cousin ko na pro-me, naawa sa kanya ng sobra. and even my bff told me na nakakatakot daw ako and kung sya daw yun is di nya kakayanin.
after ng chats ko, tawag sya nang tawag, sobrang daming missed calls, tapos chinat nya yung close friend ko nung shs, kase sobrang hiyang hiya sya sa akin. tapos after a while, naglong mess sya. super sorry sya and nagmamakaawa.
guys, mabait kasi ako. nagpupustahan pa mga tao kung nakita na nila akong magalit at sumigaw. plus never ako nagmura ng tagalog. i hate 'tagalog' cursing. eh that time talaga pinuta ko sya and tinanga plus bobo, landi, hayok na hayok, nakakadiri, plus sinabi ko pa na putahin nya yung g10 crush nya magsama sila, kantutin nya and everything. ramdam ko naffrustrate sya sa mga sinasabi ko pero sorry sya wala akong pake. sobrang sorry sya nang sorry and tangang tanga sya sa sarili nya
'2) tama ba yung reaction ko or too much?'
eto possible reason nya na naisip ko,
  1. kapag magkaaway kasi kami lagi raw ako nagagalit sa kanya, kapag nakakita sya ganun parang nakakaganti sya
  2. naaalala nya yung past (shs) and ginawa ko sa kanya (*pinaasa ko raw sya) '3) sa tingin nyo, pinaasa ko ba sya before?
  3. di sya first ko
  4. di sya makaget over na kung may gusto ako sa kanya nung g11, bakit pa ako nagkagusto sa iba. lagi nya yan tinatanong sa akin even now. sya kasi, hindi nya ako ippursue kung hindi ako yung nakikita nya in the future.
alam nyo one time, commercial break ulit, nakwento nya sa akin isang beses na sobrang nasasaktan sya before na nakikita nya kami ni ex magkasama kaya ginagawa nya di na sya pumapasok or nagdodota na lang.
pero sabi nya kahit anong reason pa yun, di pa rin majjustify yung ginawa nya, sobra. sobrang sorry na sorry sya. babawi sya, gagawin nya lahat kaya wag ko raw sya iiwan, di nya raw kakayanin, etc. wala akong balak reply-an sya, kahit araw araw syang nagcchat at tumatawag kaso natatakot ako eh, sobrang mahal na mahal na mahal ko ga yun. alam mo kung ibang tao yan? nablocked ko na plus di na ako paparamdam. kaya kong mag move-on, nakaya ko nga dun sa ex ko, yan pa kayang may ginawa sa akin? i hate cheating to the core of the universe. yan pinakaayaw ko. pero potek, sobrang mahal ko ga yan haha. literal na para sa akin, soulmate ko sya. and sya lang talaga ever nakita ko in the future. alam nyo yung tipong sya lang yung gwapo sa paningin ko, no bias 'to ha kahit na tunay na gwapo talaga sya, pero legit. sya lang nakikita ng mata ko. lahat ng makita ko, normal looking na like may mata, ilong, bibig. kaso wala eh, dahil sa ginawa nya naappreaciate ko na beauty ng iba. potek na yan.
back to the topic, kahit galit ako after a while nirereply-an ko pero pagalit, kasi natatakot ako na baka may gawin syang di ko kayanin. like sabi ko nga sa inyo, affected sya sobra kapag about sa akin. and naaalala ko yung kay ex, kaya from time to time titingnan ko kung nag oonline sya tas makakahinga ako maluwag.
pero yeah, inaccept ko sya. i gave him a second chance. kaso eto nga yung PINAKA PROBLEM. like kayo na mag judge if ako ba may fault or nah. skl, i hate myself kasi naging sensitive ako kahit isang poncio pilato na makarinig ako ng babaeng name, napipikon na ako.
pero alam nyo, advice ko lang, love urself first bago kayo pumasok sa relationship kase if ever may gawin yung guy, di bababa yung tingin nyo sa sarili nyo. kase guys never ko naisip na ano wala sa akin bat nya ginawa yun or kapag nakakakita ako like magandang girl, maiinsecure ako pero nope. kase alam ko maganda ako and alam ko yung worth ko. like bitch pls, lalaki talaga may kasalanan ugh landi kasi kainis.
4) im asking for advice kasi after 8 months, nabring up ko pa rin. promise, im trying. kaya nga nakagawa na ako ng sobrang habang ganto kasi nag away kami today hehe kasi nabring up ko ulit because he's asking for smth eh napikon ako. so okay lang ba once in a while na masabi ko ulit yun?
BTW, the 'microcheating' happened 8 months ago na, and so far, wala naman iba after nun and wala na akong pake kung gawin nya yun ulit, edi kapag nahuli ciao na for real hahaha. no third chances kasi para sa mga tang- na yun.
BTW, add ko lang, i never asked for his accounts. talagang pinilit nya lang ako magexchange kami ng insta. tho kagagawa nya pa lang ig, kase wala naman sya ganun. eh dun ko sya nahuli because of meta diba (fb&ig). after nun, nah di ko na hiningi kasi wala na akong pake hahah mastress lang ako.
*idk if eto na yung pinakamahabang post dito huhu sorry na
submitted by emijasbelony to adviceph [link] [comments]


2024.05.16 22:06 Daisiesarelovely Sent my firsr balikbayan box! Some tips and realizations. Eme

So ayun, nagpadala ako ng box sa PH. Before ako nag send nag ask ako dito ano ba mga maganda ibigay and it really helped. Just sharing my experience here:
Yun lang.
submitted by Daisiesarelovely to phmigrate [link] [comments]


http://rodzice.org/