Bhabhi ko choda hindi story

Tara kape

2024.05.19 07:49 observer_Blanku Tara kape

Tara kape
Itong side na to ng circle ang gusto ko, tahimik, wala masyado tao tapos puwede na rin yung coffee if you wanted to chill. 😊
Sana wala ko friend na redditor haha nasa story ko lang tong other pics haha
submitted by observer_Blanku to ITookAPicturePH [link] [comments]


2024.05.19 07:37 PuzzleheadedFly8104 hindi ako pinopost ng bf ko sa socmed

3 yrs na kami ng bf ko. Ang dami na rin naming memories together, nag out of the country na rin kami. Pero nari-realize ko na wala sa mga social media niya mga pictures namin. Parang wala siyang balak ipost mga memories namin. E ako bilang gf, gusto ko pino-post ako. Then, I asked him kung bakit ayaw nya mag post, ang sagot niya “ayaw ko kasi ng commitment, lalo na lagi tayo magkaaway, paano kung nag break tayo edi idi-delete ko lang”. Nahurt ako kasi commitment na pala sakanya yun. So sa buong 3 yrs namin, araw araw niya iniisip na magbe-break din kami anytime?
submitted by PuzzleheadedFly8104 to adultingph [link] [comments]


2024.05.19 07:34 asteriaaaaaaaaa i'm so tired of weaponized incompetence

Since freshman year I've been grouping with the same people para sa activities whenever a group was necessary (kami yung may scholarships sa class so hindi pwedeng chill lang, and we're all on the same wavelength on that). I usually lead my usual group din and enthusiastic ako doing that because I know they'll deliver. But recently, biglang nagrandomize yung groupings, nahiwalay ako sa usual group ko.
I wouldn't mind in general naman kase nangyari na din na naghihiwalay yung usual group namin. But recently, ako lang yung nahiwalay sa groupings tapos ako yung ginagawa ng new group na leader and ako yung pinaga-assign ng mga gawain. May nagsabi pa nga samin na ako na lang daw magbuhat sa buong group.
As much as they make it seem to be a compliment, super nasstress na ako and to be honest, the "flattery" that they're trying to do, it's not all that flattering. I've always been the one to initiate everything. Kahit sa pagcha-chat or paggawa ng gc, ako ang nauuna kase ayaw nilang magstart.
Unrelated but there are also times na sakin nagtatanong most of my classmates ng gagawin (like dati sa calculus, kahit hindi ko din naman talaga naintindihan). So in the end, ako yung nagse-search ng videos and naghahanap ng solutions sa problems nila.
Now, nag-set na ako ng boundaries. Nagchat sila sa gc namin, sabi ko na lang na sila na ang bahala and ayoko nang mag-lead. May nag-message sakin privately nagtatanong ng gagawin, sabi ko hindi ko din alam.
I'd do this project solo if I can but it's a big one kase and malapit na ang deadline. Now I'm betting my everything (mostly grades) na they'll initiate the project on their ow and I'll just follow.
Hindi ako makapag-rant sa twt or ig kase baka makita nila so dito na lang
submitted by asteriaaaaaaaaa to studentsph [link] [comments]


2024.05.19 07:33 icarusc1313 HSBC NAFFL link/url has changed?

HSBC NAFFL link/url has changed?
Nagbago na ba URL ng NAFFL link? Sa mga nag apply, which url did you use (see pic) I remember when I tried to apply before, it directs to the 2nd pic where only few provinces/cities are listed as serviceable area (kaya di ko na tinuloy kasi hindi kasama lcoation ko sa dropdown list. Now it directs to the 1st pic (where all provinces in the PH are listed)
https://preview.redd.it/t2tcb8k0lb1d1.png?width=2034&format=png&auto=webp&s=b4f20e8820d3ed901fcf75ef4c398bf661abbe2f
https://preview.redd.it/a7otd6k0lb1d1.png?width=2196&format=png&auto=webp&s=bf7c412a72c19c65bf6d467ea3519cfed9f8415a
submitted by icarusc1313 to PHCreditCards [link] [comments]


2024.05.19 07:30 sesameseeds04 Masakit kahit hindi sa akin

Ang sakit makita siyang masaya at nasa piling ng iba. Pero wala naman akong karapatan kasi hindi naman na siya akin. Oddly, napaginipan ko ito the morning ng labas nila: he was with her in his car. He was grinning widely, just in pure bliss with her. Tapos ayun nga, magkasama nga sila somewhere that night. But then again, hindi naman na siya sa akin. Hindi naman nga ata siya naging akin. At ewan kung naiiisip pa niya ako. Baka hindi, baka oo. Doesn’t matter anyway. Dapat hayaan ko na kung saan siya masaya. Mukhang masaya na siya. Mukhang mas masaya na siya. I’m happy for him but I am not going to lie I am grieving for us. I wanted to ask him if may chance pa kami in the far future. If he even wants to have a chance in the future. Like he always says: problem for tomorrow. But that tomorrow most likely might never come and I have to be okay with this.
submitted by sesameseeds04 to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.19 07:29 justpsychopatty Naaalala niyo pa ba yung promo ng globe where they allow you to choose your own number for prepaid sims?

May nagpopup na telegram notification sa akin on how “My Name” recently joined telegram which is weird kasi may telegram na ako. Upon checking, it was actually my old number from ~10 yrs ago! I guess narecycle na yung number.
Habang tinititigan ko yung phone number narealize ko na ang weird niya kasi ang meaningful nung series of numbers sa akin personally para bang ako pumili nung numbers? Kaso 0905 siya so hindi postpaid, which led me to check (via Google) if may promo ba dati yung globe about this and meron nga! Apparently Globe allowed users to choose the last 2-4 numbers, I guess ganitong sim card yung nabili ko kaya ganun yung dati kong phone number. Mystery solved!
submitted by justpsychopatty to CasualPH [link] [comments]


2024.05.19 07:28 AppleCiderSoju ABYG kung sinisingil ko yung kapatid ng partner ko sa napagawang cr, kusina at sala na siya na yung nakikinabang?

Okay nangyari to last year. Nabuntis ako ng partner ko and tumira ako sa kanila. Malayo yung place nila parang province na so typical itsure ng mga house sa probinsya na bungalow pero malaki. So sa likod kami na part tumira dahil may kwarto dun na tinutuluyan ng byenan kong lalaki kpag umuuwi siya (every weekend kase sa manila nagwwork). So ayun nga kami na tumira at walang cr walang kusina may mga hamba na ginawa na siyang tambakan ng mga aquarium at kung ano ano pa tapos semento sahig then kwarto na. nung kinausap kami ng byenan kong lalaki ang plano niya ay papaayos daw niya bago lumabas yung baby. Gagawan niya ng sala at cr. Nung una okay lang eh pupunta ako sa harap sa cr nila para magcr pero nung lumalaki na tiyan ko at sa gabi ang work ko ang hirap jusko kase ang haba bg babaybayin ko tapos madilim pa eh bakuran yun so feeling ko baka may bigla na lang aswang dun (though di namn na yata uso to ngayon pero nakakatakot pa rin) at worse eh madapa ako habang naglalakad dahil hindi patag, puro bato. So naglagay ako ng portable toilet sa kwarto namin. Nakakahiya sa partner ko dahil siya magtatapon palagi ng ihi ko sa damuhan. Lumipas ang ilang buwan, going 7mos na tiyan ko at wala yatang balak tuparin yung sinabi ng byenan kong lalake dahil nagpagawa ng tatlong stall na papaupahan sa harap nila, pinagawa yung garahe nila. Nagpatiles ng sala at veranda tapos sabi wala na raw siyang pera. So ang ending kami ng partner ko na lang nagpagawa pero mostly sakin yung gastos 80% pera ko. Nawalan din ng work partner ko so lahat ng ako sumalo pati sa pregnancy ko. Fast forward to nanganak nako (4mos si baby) and may isang gabi na nagaway kami pumitik ako sa pagod, puyat, stress dahil ako lahat pati sa bahay kaya nagpangabot kami ng partner ko as in malalang away. Umabot ng umaga yung galit at di natapos agad hanggang sa pinalayas kami ng byenan ko at kung gusto ko raw ay gibain ko yung pinagawa namin. Itong bayaw ko naman sumingit at sabi siya na lang ang magpapabayad sa nagastos kase siya na ang titira dun. Nangako siya na magbabayad siya hindi man lahat pero yung makakaya niya basta dumating yung hinihintay niyang pera. Nakaalis na kami at lahat magiisang taon na anak ko at wala pang bayaran na nangyari puro excuses at ni hindi man lang nagiinform samin ng status ni ha ni ho wala. Tapos malalaman mo may dalawang motor, punta sa ganito ganyan. Di na siguro ako magtataka kase marami rin siyang utang na tinataguan.
150k inabot lahat at ang sakit dahil nnagkanda utang utang ako.
ABYG kung sinisingil ko yung kapatid ng partner ko sa napagawang cr, kusina at sala na siya na yung nakikinabang?
submitted by AppleCiderSoju to AkoBaYungGago [link] [comments]


2024.05.19 07:24 the_chubslumi Schedule for neuter today

Hi everyone. Does anyone know if normal lang na your cat has no food and water intake for more than 14 hours na? Ang alam ko 8-10 hrs lang yun.
The vet told me na my cat needs to withhold food after 7pm last night and water is only until 12midnight and so, i can drop off my cat at 9am today. I did naman and until now hindi pa sila nagstart. Right now its almost 2pm. They said they will update me before they start the procedure and after. Alam ko naman, they know better pero kasi I am just too worried because it will be my first cat’s surgery/operation and I’m so concerned if he will get dehydrated or I don’t know what will happen.
TIA
submitted by the_chubslumi to catsofrph [link] [comments]


2024.05.19 07:22 MrAvocado5000 gusto naman ninyo course ninyo? (hindi ako pinayagan mag shift)

wala talaga ako plano sa course ko dati pumasok ako HRM narealize ko ayaw ko pala magluto nagshift muna ako bago ako magpaalam . nagalit magulang ko hindi muna ako pinansin ng 6 month?
2010
submitted by MrAvocado5000 to adultingph [link] [comments]


2024.05.19 07:21 Ok-Pay-4685 Sunpeed Triton or Trek Marlin 4 Gen 2

Hello mga ka padyak, as per the title above, ask ko lang kung ano ang mas maayos gamitin in terms of the bike's performance, both when in stock and in long term usage (with upgrades)?
Take note, I'm planning to use both bikes in the roads only with no intention of going trails with the Marlin.
With that, state ko na din ang reason kung bakit itong 2 ang gusto ko ipag compare, let's start with the riding posture. I recently found out that the Triton belongs to the category of endurance road bikes, and correct me if I'm wrong, hindi daw gaano ka aggressive ang posture mo dito di gaya sa usual na RBs particularly aero ones. This is good news for me since alam ko sa sarili ko na di ako gaano flexible and baka magka problema lang ako sa riding experience ko even though the size fits me well on a normal road bike. As for the Marlin, currently kasi naka MTB lang ako and if I chose that, mostly magiging pareho lang ang riding posture ko compared sa MTB ko ngayon.
Next, brand reliability, particularly sa frame. Both bikes are aluminum if I recall correctly, tho gusto ko lang alamin kung alin sa kanila ang mas reliable gamitin in the long run. Dito palang eh medyo bias nako dahil usually ang mga MTB frames ay makukunat since designed sila sa mas harsh riding condition. In the case that I picked the Triton, do you think its durability is enough for long term use? mind you I will not abuse it naman kasi I typically take great care of my belongings, pwera nalang kung ma aksidente pero wag naman sana tho it's good to know yung magiging durability nga nung frame since isa din siyang safety feature. Siguro overkill na din yung sa Marlin since yun nga, road use lang naman eh hahaha
Speaking of long term usage, alin kaya sa dalawa any mas worth it i upgrade since balak ko din sila i keep sa possession ko for a while? Balak ko kasi sa Marlin is atleast 8 years before transitioning to the Madone if magkatrabaho ako ng malaki ang sahod through pag-iipon (I'm still a student btw).
As for their un-upgraded stock versions, alin kaya ang mas bang for the buck sa kanilang dalawa?
Lastly, ay yung aesthetics. Tho medyo bias nga lang ako sa Marlin nito since mas na p-pormahan ako sa dating ng frame niya kaysa sa Triton and naisip ko din na kung ipang r-road use ko lang naman ito ay lalagyan ko nalang ng rigid fork and sasalpakan ko ng slick tires to make it more resemble a gravel/hybrid bike and para mas mapabilis din sa kalsada syempre.
Ayun lang naman, I want to hear your experiences with both bikes, if you both have them then much better yun. Thank youuu🤗
submitted by Ok-Pay-4685 to RedditPHCyclingClub [link] [comments]


2024.05.19 07:20 mhinyunxy Loisa, wala kaming pinagdadaanan. Try mo din kasi mag-solo travel paminsan-minsan.

Loisa, wala kaming pinagdadaanan. Try mo din kasi mag-solo travel paminsan-minsan.
Di pa din talaga nawawala ngayon ang stigma sa mga nag sosolo travel.
submitted by mhinyunxy to adultingph [link] [comments]


2024.05.19 07:12 narsnurse21293 I am sad

Ang lungkot, sobrang lungkot. Idk how to explain how I feel. Bakit ganun? Bakit parang ang damot damot ng buhay sa akin? Di ba ako deserving na maging masaya? To have a happy family. Di naman ako mapag-hangad. All I want is a happy, stable life with my fam. Bakit parang wala akong choice palagi? Parang kailangan ko lang maging matatag all the time? Ang hirap. Sometimes gusto ko na lang magpakalayo-layo. Leave my family behind. Kaso paano naman ang anak ko? Bakit hindi man lang magawa ng mga tao sa paligid ko na kamustahin ka ako? Di man lang nila ako magawang tanungin if I am okay. Pakiramdam ko palagi ang lungkot ko pero no one notices kasi I am used to show them my strong and jolly personality. Di nila alam I am drowning in frustration and sadness.
I have no one to talked to. Not even my partner. He thinks na everytime I talked to him, nag- nanag lang ako sa kanya. He doesn't understand and doesn't want to understand yung mga nararamdaman ko.
Ang lungkot...
submitted by narsnurse21293 to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.19 07:11 Much_Matcha_Mama If i were you, where would you rather invest?

Hello! For context i am a first time mom with a toddler. I used to be sooo addicted in saving or investing kahit small time lang naman, kahit hindi ganon kalaki sweldo ko unlike others i can save a lot dahil manageable din naman ang luho ko (nothing big, food, coffee, clothes lang dati, now mas lalong naglessen).
Nung naging nanay ako, ofcourse nagbago lahat. Dahil nag shift ang priorities, ganun din sa budget. Nagkaron din ng time na nagalaw ko na ang mga investments ko at naubos na ang supposed emergency fund ko and i haven't rebuilt it yet to be honest. Maliliit na lang yung mga natira kong investments, pag pinagsama sama less than 100k na. Pero may gift ang parents ko sa akin na investment, pero di ko yun cinicount as akin dahil hindi ko naman pinaghirapan yun.
Nagkaron na kami ng mid year bonus, so nagkaron din ako ng chance na bayaran yung mga namiss out ko na bayaran, etc. Tapos binilhan ko na din yung sarili ko ng mga gamit dahil nasira na yung bag na palagi ko lang gamit, yung office clothes ko sobrang paulit ulit lang naman nasisira na yung iba, kung baga due naman na din.
Tapos nagself care din ako dahil medyo matagal na din akong wala nito haha, as a mom. Medyo napamahal lang pero sobrang naramdaman ko yung happiness ko.
During those times, i am genuinely happy kasi finally nabigyan ko naman yung sarili ko ng "treat" though hindi din naman kasi needs din naman yun.
Ngayon, konti na lang natira sa bonus. Ang gusto ko sana initially is hatiin siya to the following
Investment Self care Contingency
Pero if i divide them sa tatlo, masyado nang maliit, pero non-nego yung contingency. So ang tanong ko for advice, alin ang isa ko pa paglalaanan, investment or self care?
Gusto ko malaman opinion niyo para may perspective ako ng iba.
Help your tita out please!
submitted by Much_Matcha_Mama to adultingph [link] [comments]


2024.05.19 07:08 maharlikas how to quit job that's affecting my health

Long post ahead
Hi everyone! I've been working as a VA for a US based ecom for almost 2 years now. At first, the work environment provided for us was really nice despite the fact that pay and benefits aren't really that great. But last year, the micromanaging has really been on a different level and have heard horror stories from co-employees that have been there longer than me that getting a proper pay raise was nearly impossible. Anyway here are some of my gripes and the reasons why I'm really considering on quitting:
Tl;dr: Working for a company that I initially stayed as work environment was nice and the line of work really suited my skills but has now become really micromanaging and is now starting to affect my mental and physical health. Please give me tips on how I can quit this job immediately.
submitted by maharlikas to AntiworkPH [link] [comments]


2024.05.19 07:08 Training_Heron3161 ABYG for cutting my family off?

Me (27F) married to my Husband (29M). Im a single mother to 3 beautiful kids before i knew my husband now. I've always been the breadwinner of our family, When I was a single mom, I'm living with my mother, brother (30M) and his child (12M) together with my 3 kids which I support them all. Ako lahat as in, Bills,rent and foods and other necessities which is understandable nman kase nga tatlo ang anak ko so mas malaki ang konsumo namin.
I've got pregnant again by my husband now, so nag request ako dito nlang kami sa bahay tumira kase nga mas madali for me with the help of my mom. Since most of the time wala ang husband ko dahil seaman sya. Opisyal sya actually so malaki talaga ang sahod nya. Nung nagbuntis ako nag iba ang mother ko compared before. Before she was happy sa mga binibigay ko, since malaki sahod ng asawa ko nag dedemand na sya, kesyo kailangan ni kuya ng ganito, kailangan nung pamangkin ko ng ganito basta other stuffs like that. Kuya ko is may trabaho nman sya pero maliit lang sweldo nya at kulang pa sa sarili nya kaya naiinis ako kasi inasa na nila sakin lahat. Dumating yung time na need ko mag resign sa work due to complications sa pregnancy ko dahil medyo maselan si baby so basically asawa ko talaga bumubuhay samin. Yung responsibilities ko sa mga anak ko (his stepchildren) sya na gumagawa at okay lang naman sa knya. Ngayon yung ate ko pinahabilin pa yung tatlong maliliit nyang anak kay mama kase di na daw nila naaasikaso. (pota kasalanan ko yun?)
This time nagreklamo na ko sa mother ko kase sabi ko nakakahiya na sa asawa ko. Na kung tutuusin hindi nya na responsibilidad sya pa yung sumasalo (which is nagpaparinig na rin naman talaga si hubby kase nga sobra na). Kaso ang mom ko is imbis na unawain yung sitwasyon nmain kinampihan nya pa mga kapatid ko.
Gusto ni hubby na bumukod na kaming anim. (the both of us at yung four kids) Which is okay lang naman sakin kaso nag woworry ako considering na ilang years na silang dependent sakin at for sure pilay sila pag nawala kami. Naaawa ako sa knila pero somehow i know it's my fault kase sinanay ko sila. So ayun, ABYG for cutting them off and choosing my own family first?
submitted by Training_Heron3161 to AkoBaYungGago [link] [comments]


2024.05.19 07:01 Thursday51624 I want to move on na, pero..

Ewan ko. haha! Pakiramdam ko dead end na ko dito
I've been with this company for almost 2 decades na. ( no kidding) I was a csr for about 15 yrs bago nagdecide na lumipat ng company yung account nmin. So some of us were transferred to another account. Ok naman before. Tolerable pa rin and I can say na despite mababa yung basic, bumabawi naman sa mga allowances and incentives na pag ikumpara sa pwede makuha pag lumipat ako company, wala halos pinag iba, so hindi ko naiisip na umalis. Kaso naman biglang nabili ung company by another center. Simula non nagka leche leche na tlaga. yung mga allowances,bonuses, incentives na nakukuha namin as tenured employees sa old company ay bigla nawala. nagdagdag sila ng konti sa basic pero the take home pay from then to now, ramdam mo yung difference. Malaki talaga binaba. Ang dami na nagalisan sa amin and moved on sa ibang centers or yung iba pinasok na ang freelancing. Hindi nako nag ko calls now pero Iniisip ko na umalis kaso natatakot ako dahil ang tagal ko na dito sa company ko ngayon na hindi ko na alam pano galawan sa current BPO setting. Natatakot ako na magumpisa ulit. May pagasa pa kaya ako makaalis o lubog na ko dito.
submitted by Thursday51624 to BPOinPH [link] [comments]


2024.05.19 06:54 Express_Equipment271 Ano ba meron sa hangin at tubig ng California?

Throwaway acc. Bakit ganon, iba talaga itsura or buong aura ng filams??? Little background, I'm in college and I have a friend back in high school na nagmigrate sa California nung grade 8 kami. She is pretty yes pero grabe yung umuwi siya two years ago grabe glow up niya nagkaroon din ng american accent (as in hindi rinig filipino accent niya) parang born and raised siya sa US, amoy balikbayan box siya jk 😭. Tuwing nakikita ko stories niya (puro asians friends niya) sobrang good looking lalo na yung mga filipino rin like grabe sana all??? Ang gaganda ng katawan tapos ang kikinis. Ang dami rin nila tattoo at piercings, helix piercing nga lang nagalit na sa akin nanay ko hahahahaha.
Not to sound a bitch pero may iba rin kaming classmates na lumipat ng ibang bansa pero hindi naman nadevelop overall self charot, naging topic pa nga namin siya (cali girl) and yung isa rin namin na classmate na nasa US pero nasa Maryland siya something, yun naman baligtad pumangit ugali ang yabang ang tigas naman ng accent eme.
Ayun tapos I learned sa tiktok there's thing called socal asians pala HAHAHAHA medyo ang lawak ng topic but in short, ang daming asians sa cali na meron daw silang superiority complex kasi they are the not the "minority" in that place. At tawag pala sa kaibigan ko na yun ABG or asian baby girl HAHAHAHA maraming tattoo, mahaba lashes, party palagi, etc. ayun lang siguro naiingit lang ako sa lifestyle niya, ganda ng ootds tapos palagi nasa gym, parang walang problema sa buhay which is probably not true pero gets niyo na yon. Makapunta rin sana ako ng US HAHAHA 😩
submitted by Express_Equipment271 to FilipinoAmericans [link] [comments]


2024.05.19 06:50 onionriver_ SSS Contributions for OFWs

Hi, hope you guys can help me on this.
My father has been abroad for over 15 years now, pero due to some factors hindi siya nakapagcontribute sa SSS in the past. He’s 51 now and has around 9 years before retirement (base sa 60yo req ng SSS).
Now inaasikaso ko na yung SSS nya and our plan is magbabayad siya annually hanggang sa maka 120 months. But since malapit na siya magstop magwork (around 3 years), sabi ko magtabi na lang siya ng money na icocontribute, para makumpleto pa rin yung 120 months kait /retired/ na siya.
Question:
  1. Will this plan work? Ituloy ba namin pagcontribute nya ng SSS?
  2. Nakabase lang ba yung amount ng pension sa contributions and yrs na nagbayad only or may hinihinging employment record?
  3. Ano yung possible na maging problema sa sitwasyon na to?
submitted by onionriver_ to phinvest [link] [comments]


2024.05.19 06:48 Express_Equipment271 Ano ba meron sa hangin at tubig ng US California?

Throwaway acc. Bakit ganon, iba talaga itsura or buong aura ng filams??? Little background, I'm in college and I have a friend back in high school na nagmigrate sa California nung grade 8 kami. She is pretty yes pero grabe yung umuwi siya two years ago grabe glow up niya nagkaroon din ng american accent (as in hindi rinig filipino accent niya) parang born and raised siya sa US, amoy balikbayan box siya jk 😭. Tuwing nakikita ko stories niya (puro asians friends niya) sobrang good looking lalo na yung mga filipino rin like grabe sana all??? Ang gaganda ng katawan tapos ang kikinis. Ang dami rin nila tattoo at piercings, helix piercing nga lang nagalit na sa akin nanay ko hahahahaha.
Not to sound a bitch pero may iba rin kaming classmates na lumipat ng ibang bansa pero hindi naman nadevelop overall self charot, naging topic pa nga namin siya (cali girl) and yung isa rin namin na classmate na nasa US pero nasa Maryland siya something, yun naman baligtad pumangit ugali ang yabang ang tigas naman ng accent eme.
Ayun tapos I learned sa tiktok there's thing called socal asians pala HAHAHAHA medyo ang lawak ng topic but in short, ang daming asians sa cali na meron daw silang superiority complex kasi they are the not the "minority" in that place. At tawag pala sa kaibigan ko na yun ABG or asian baby girl HAHAHAHA maraming tattoo, mahaba lashes, party palagi, etc. ayun lang siguro naiingit lang ako sa lifestyle niya, ganda ng ootds tapos palagi nasa gym, parang walang problema sa buhay which is probably not true pero gets niyo na yon. Makapunta rin sana ako ng US HAHAHA 😩
submitted by Express_Equipment271 to Philippines [link] [comments]


2024.05.19 06:46 nap0le0na SGE points

SGE points
https://preview.redd.it/yf7gypw5cb1d1.png?width=968&format=png&auto=webp&s=117a9142c89d16e24be283513fd6d96ff4b01477
4th year na ko and if all goes well i think im set to finish everything next term, ang problema is that wala pa kong SGE until now? is this serious kaya? should i panic na?
mej hirap ako maki balita sa mga classmates ko, and wala masyadong na communicate samen about sa SGE so wala ako idea. any suggestions? stories na narineg niyo about this???
submitted by nap0le0na to mapua [link] [comments]


2024.05.19 06:46 Dzero007 Muntik na ko makatama ng bata kanina.

Kinakabahan ako hangang ngayon nakauwi na ko. Pauwi na ko galing sa Sunday morning bike ko. Along Quirino highway ito nangyari malapit sa QCPU. Nasa bike lane lang ako at mabagal na ko kasi pagod na legs ko. Approaching ako sa intersection nakita ko may nakastop na bus katabi ng bike lane. Kita ko clear naman at nasa isip ko kaya nakastop yung bus kasi may tumatawid galing sa kabilang side. Hindi ko alam na nagbababa pala. Wala din yung kunduktor na umaalalay sa mga bumababa. So ako tuloy tuloy lang. Nung nasa may pinto na ko ng bus biglang may tumalon na bata galing sa loob! Naunang bumaba yung bata at yung nanay nasa may steps palang. Naiwas ko yung bike and I am pretty sure di ko tinamaan yung bata. Huminto parin ako para isure na ok yung bata at tinanong ko yung nanay kung tinamaan ko at kung may galos kaso iniirapan lang ako. Di na ko nagbother lapitan kasi baka hampasin ako ng payong. Wala naman din humabol sakin para sabihin na duguan o may sugat yung bata. Kaso di ko lang talaga maalis sa isip ko parang nakakatrauma.
Lesson learned always assume na pag may nakastop na sasakyan sa harap may bumababa. Shnare ko nalang din para awareness sa mga newbie bikers tulad ko.
submitted by Dzero007 to RedditPHCyclingClub [link] [comments]


2024.05.19 06:45 dummpyyy may love pa rin ba??ano nangyari sa atin?

Get a man na kaya kang irespeto. Yung kahit anong galit nya kaya ka pa din nya irespeto,yung kaya ikalma ang sarili kapag galit sya at higit sa lahat yung kaya ibaba ang pride para sayo.
Dont be like me,akala ko magbabago sya.Naniwala ako e,sa palabas lang pala talaga ang ganoon.Akala ko kapag nakita nya na kahit ganoon sya e may magmamahal parin sa kanya na kaya sya tanggapin at naniniwala na kaya nya magbago pero wala e.
Huli na ang lahat,tsaka ko nakita ang totoong sya nung nagkaanak na kami.
Kaya I suggest siguro nga mas maganda yung mag live in muna kayo para makita nyo kung paano kayo kapag galit kayo.
He’s already hurting me mentally and emotionally and umabot na din physically.
Wala syang bisyo at hindi rin sya mabarkada,okay sya pagdating sa ganyang bagay pero pagdating sa ugali nya don sya bagsak. Kung paano nya ako itrato kapag galit sya,kung paano nya ako pagsalitaan at kung paano nya ako sumbatan na ultimo magulang ko nilalagpas-lagpasan nya lang kapag galit sya.
Kung may pinagsisihan man ako,sana pala nung una palang pinakinggan ko instict ko ,na sana pala nilakasan ko ang loob ko na kaya ko naman e kung wala sya baka hindi siguro umabot sa ganito.
Kung may pinagsisihan man ako siguro yun ay yung sya ang naging tatay ng anak ko.
submitted by dummpyyy to adultingph [link] [comments]


http://swiebodzin.info