Salawikain tungkol sa nasyonalismo

There's No Antidote For Abusive Marriage But Surely There Is A Preventive Measures

2024.05.29 05:07 Lanky_Rip3302 There's No Antidote For Abusive Marriage But Surely There Is A Preventive Measures

Pag nag divorce kayo ng asawa mo, masakit din naman sa part mo, masakit din sa part ng mga anak. Walang isa sa inyo na di nasaktan. Pag kayo ay nagsasama parin, nasasaktan ang babae o ang abused partner titiisin nya lagi, at ang mga anak habang nakakakita ng violence parang nakakaranas ng mental torture.
So there's still pain mag divorce o hindi. Pero agree ka man o hindi sa divorce alam kong agree ka na dapat mapigilan ang abuses, dapat mapigilan ang sakit na nararamdaman ng mga anak pag naghihiwalay, alam ko na agree ka na wag na sanang umabot sa sakitan at hiwalayan.
As the old saying "PREVENTION IS BETTER THAN CURE"
Well I'm not saying that divorce is the cure, as I said there's no cure or antidote for abusive marriage. So then how can we prevent it? It is upon the responsibility of the parents na turuan ang mga anak nila, dalaga o binata na ang pag aasawa pag di ginawa sa tamang paraan nakakasira ng buhay. As in sirang sira at parang di na maaaring ibalik sa dati. Bigyan natin sila ng tamang paraan, that's why dapat ang pag aasawa ay nasa ilalim ng gabay ng mga magulang, right discernment. Kaso ngayon sa panahon natin, parenting palang di na maayos, dun palang sa parenting naaabuso na ang bata, lumalaki nang may hinanakit, naghahanap ng sense of importance kaya napapariwara nagkakaroon ng maling desisyon. So komo di maganda ang relationship ng parents sa mga anak ang mga anak ayaw nilang makialam ang parents sa buhay pagibig nila. I BELIEVE AND STRONGLY BELIEVE na oras na para maging matured ang parenting style ng mga Pilipino na dapat parents must make a way na hindi mawawalan ng tiwala at openness ang mga anak nila sa kanila. GUIDANCE OF PARENTS TO CHILDREN CONSIDERS THEIR MARRIAGE at para mabigyan ng parents ng guidance ang mga anak nila dapat maayos ang kanilang pagpapalaki at pagdidisiplina sa mga bata.
We can prevent na wag nang hahantong sa abusive marriage ang lahat. And parents have the big responsibility to guide their children na magdesisyon ng maayos tungkol sa pagaasawa. The topic of marriage is also a topic for the significance of family and all issues surrounding it such as the importance of parents and the importance of right parenting. Piliin natin yung wag nang hahantong sa situation na we have to make a painful decision and hurt others and our self and then after all memories are bitter. Simulan ng maayos para matapos ng maayos, there's no problem if we don't do something that will create a problem and that is to abide upon what is right from the first until the last.
submitted by Lanky_Rip3302 to Philippines [link] [comments]


2024.05.29 00:49 Winter_Beginning_197 Sino nakaalala kailan lang yung pinaksa na nagju-justify si Daniel razon bakit mahaba ang pagkakatipon? sarap isampal sa kaniya ngayon yung paksa niya nayun

baka may nakaalala kelan nag justfy yung tatlong itlog tungkol sa mahabang pagkakatipon. hanapin natin video clips at isampal sa mga panatiks... kanina binawasan ng batibot recap ni jmal at one time ko lang nadinig si bondying nag "ganito ganito" haha..
submitted by Winter_Beginning_197 to ExAndClosetADD [link] [comments]


2024.05.28 22:05 xoxefo3952 Lahid PDF at Novel Online ni Rick Resonable na Babasahin nang Libre - Fantasy Mga Kuwento Tagalog

Ang nobelang ito ay pagbalik-tanaw sa taong 1884 kung saan ang Pilipinas ay nasa pamumuno pa ng kahariang Espanya. Ang kuwentong ito ay tungkol sa isang Italyano-Pilipinong mestisa na gustong ibaon sa limot ang pagiging isang bampira at ninais mamuhay ulit ng karaniwan bilang isang tao. Mula sa mga magagandang kuwento ng kanyang yumaong ina, naisipan ni Carmela Salvanza na manirhan at simulan uli ang ibig na pangkaraniwang pamumuhay sa isang bansang tinawag na Felipinas (dating pangalan ng Pilipinas noon), sa bayang ipinangalang Santa Lucia kung saan ang siyang lupang tinubuan ng kanyang ina. Lingid sa kaalaman na siya ay isang bampira, tinanggap siya ng kanyang nag iisang tiyuhin na si Don Graciano Agoncillo kung saan naman nakilala niya at naranasan ang mainit na pagtanggap nang masaya at karaniwang pamilya nito. Nakilala din ni Carmela ang isang Kastila-Pilipinong mestiso na si Eduardo Ramirez na siyang naging kanyang irog at pinakatatanging minamahal. Ngunit sa buong akala ni Carmela ay nalalasap na niya ang inaasam-asam na pamumuhay bilang tao ulit dahil sa nararanasang init ng pagtanggap ng isang pamilya at sa masaya't puno ng pagmamahal na pag-ibig , siya ay madadala sa isang malagim at nakatagong lihim ng Santa Lucia, ang mga sekreto ng mga sumpa at dugo na itinago ng maraming nagdaang taon. Read more
submitted by xoxefo3952 to Novelideas [link] [comments]


2024.05.28 20:32 Professional-Dig-837 Miss Wayne

Year 2016, sa sobrang brokenhearted ko inaccept ko lahat ng FR sakin tapos kasama ka dun. Hindi ko alam kung san mo nakita profile ko, di ko na din naman tinanong sayo. Nung inaccept kita, nagchat ka agad, broken ka din pala. Hanggang sa lagi na tayong magkachat, magkacall, and magkatext. Inisip ko, tama lang dating mo, depressed b!tch ako tapos Psych student ka. Usapan pa nga natin bibigyan mo ko ng free sessions diba?
Naalala ko nung first meet natin sa 5th flr ng Farmers Plaza, naempty nalang phone mo kakaantay sakin. Habang bumibili tayo ng ID lace sa NBS, sabi ko ang tangkad mo pala, di ko nasabing ang ganda mo tignan sa white uniform. Pumasok tayo ng Ministop after, binigyan mo ko ng C2, nagpahinga ka sa lap ko tapos hinatid na rin kita sa sakayan nyo. Alam mo bang kinilig ako at tinago ko yung bote ng C2 pag uwi ko ng bahay?
Second and last meet natin, sinabi ko na sa school lang ako manggagaling pero ang totoo nasa Divi kami ng mga classmates ko. Nag antay ka na naman nang matagal sa 7/11 Farmers. Nakainom ka na, pero ang ganda mo pa rin talaga. Naiinis ka na sakin pero binigay mo pa rin yung pasalubong mong yumburger na tinago ko ulit yung wrapper pag uwi ko ng bahay.
Naalala ko rin kung pano mo ko sinave dun sa nakalandian ko na hinaharass na ko, kinilig na naman ako nung nagpanggap kang girlfriend ko para lang tumigil sya. Well, effective. Haha
Hanggang sa nagulat nalang ako, may girlfriend ka na. Blinock mo pa nga ako diba kasi sabi mo pinagseselosan nya ko.
Inunblock mo ko nung nagbreak kayo, sabi mo sinaktan ka lang nya pero di ko makakalimutan yung sinabi mo, I was too nice for you kaya hindi naging tayo. Naisip ko na naman na ayaw mo ba ng mabait kaya mas pinipili mo yung taong sasaktan ka? Pero kung ako yung tatanungin, you were out of my league. Ang taas ng tingin ko sayo, di rin naman talaga kita maaabot.
Nanahimik ka na naman for years, di ko na din namalayan na nakagraduate ka na. Nalaman ko nalang nagkajowa ka ulit tapos di na naman nagwork kaya nireach out mo ko para sabihing sinaktan ka ulit.
Sobrang frustrated ka, hindi na kita makausap nang maayos. Hindi na ikaw yung babaeng nakausap ko nung 2016 na positive sa buhay at madaming gustong gawin. Ayaw kitang ganyan kaya kinukulit kita kasi alam kong hindi ikaw yan.
Yung huling usap natin, nagalit ka kasi pinagsasabihan kita tungkol sa ex mong niloko ka na pero tinatanggap mo pa din. Gusto lang kitang tulungan pero mali ko kasi napasobra ata. Hindi na tayo nagkausap ulit after nun.
2024 na, sana okay ka na at masaya. Hindi ko man lang nasabi sayo na minahal kita pero promise nakamove on na ko and naalala lang talaga kita.
submitted by Professional-Dig-837 to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.28 20:09 mjxyl I married the wrong person

siguro deserve kong nagttype ako ngayong madaling araw ng entry tungkol sa married life ko kasi pumayag akong magpakasal sa kanya eh.
just when i thought kilala ko na sya, na nakita ko na lahat ng pangit sa kanya, grabe may ilalala pa pala yun? bakit ko ba naisipan magpakasal sa lalaking walang emotional intelligence? kingina lang. i am so fucking tired of communicating my concerns and needs sa kanya tapos wala namang mangyayari. well, to be fair, meron naman. siguro babawi ng isang beses after then here goes the cycle once again.
to you:
i don't regret that i love you pero i regret that i married you. i have my fair share of shortcomings but you do it best. i don't like the person i am now. i don't like how i love you. i don't like you anymore. i think it's only a matter of time before all these hurt turn into just resentment towards you. i don't want that to happen. that's why i try to communicate everything to you so u know what i need and want. but, i guess, after all, communication is not the only key to successful relationship-- it's also one's willingness to understand and compromise.
we've only been married for 2 months pero ganito na agad tayo? i don't know pero i feel like im the only one trying to fix us. kasi if you wanted to, you would've done so already. Kasi alam mo naman ang problema. you know what you should do, but at the end of the day, wala pa ring nangyayari. parang ngayon, tulog ka na, ako magpupuyat na naman. magsosorry ka before you go to work and you'll message me like nothing happened. how do you do it? how do you marry someone you don't love enough to even make an effort to make her feel loved?
in another life, i hope i wouldn't be your girl. i hope we're just strangers or workmates or friends but never lovers.
submitted by mjxyl to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.28 19:05 boysalsaljr Wala akong maisip na title

Wala akong maisip na title
Sana pala di na ako nagmadali tumanda, hahaha!
Nabibili ko na mga gusto ko, nakakakain na rin ako 3 beses sa isang araw, hahaha! Masaya na kami nila ermat at erpat. Pero parang may kulang parin. Pag ibig kaya? Hindi siguro. Sanay na akong mag isa since nag simula akong magtrabaho. Mas maraming kaibigan? Di rin naman, kasi wala akong panahon na makipag usap at communicate constantly.
Pag ang bigat bigat na, nakakatuwa isipin na may mga tao parin na naniniwala sa akin. Di nila pinaparamdam na pabigat lang ako okaya istorbo sa kanila. Meron parin akong "mahiwagang elesi" na handang makinig at ialis ako sa lungkot na kinalalagyan ko.
Sobrang nahihiya ako sabihin 'to, hahaha! Kaya dito nalang. Nakakatuwa rin naman basahin after a year or months mga previous posts ko. Unti unti, nakikita ko yung progress ko(kung meron man.)
Ayoko mag share tungkol sa mga ganitong bagay. Dati, may pag post pa ako sa Facebook pag may gusto akong sabihin. HAHAHA! Tangina nakakahiya, buti nalang di na ako gumagamit nun!
Bukas, nakakatakot nanaman. Di ko alam kung anong mangyayari pero tuloy lang. Nalampasan ko nga yung mga panahong di ko inakala na kakayanin ko. Hahaha! Ang bilis! Ilang taon na rin pala yun!
https://preview.redd.it/nbjlea6f873d1.jpg?width=4000&format=pjpg&auto=webp&s=f0afbbc020300069bdbe4ea53f2c0b1eb2fcc754
Also, ang bilis talaga. Dati, sinasamahan ko pa sya manood ng mga horror movies kahit takot na takot sya, saka maglaro ng mga imaginary foods nya. Ngayon, haharapin na nya bagong stage sa buhay nya. Nakakatuwa lang, dati puro nursery rhymes lang kinakanta namin, ngayon gusto na nya rin Minamahal Kita ng Parokya ni Edgar, Miss Miss sa Loob ng Jeepney, kahit yung 214, haha! Kinakanta nya pag nagro roadtrip kami. Di mawala sa isip ko tong mga bagay na 'to, ayoko na itake for granted mga bagay bagay ngayon. Ang sakit pag na realize mo kung ano yung meron ka pag nawala na.
Sa future na ako, di ko alam kung kelan ka ulit mag la log in. Di na natin babalikan tong linggo na 'to. Pero ngayong gabi, kinaya mo! Sana mabasa mo ulit 'to.
submitted by boysalsaljr to AlasFeels [link] [comments]


2024.05.28 17:45 Hour-Landscape9534 POV ng isang GBF

Magkakilala kami matagal na, dahil magkapit bahay lang kami. Hanggang nagdalaga/binata at naging mag bff.
May mga nagiging jowa sya at meron din ako at hindi ko sya pinapansin unless ininvite ako ng gf nya since alam ng lahat na mag bff kami.
Until may naging jowa ako na sobrang minahal ko, may jowa din sya. Yung gf nya that time(3 or 4mos palang sila) gusto ako mameet and ayun nagkasama kami, naging friends ng konti and naglalabas sya sa sama ng loob nya na parang hindi daw sya mahal and matagal na daw nakikipagbreak sakanya si bff di lang sya pumapayag, e ako naman to si comfort(hindi sa guy ha)
At ayun tuluyan na kami nag hiwalay ng 2yrs kong jowa iyak lang ako at puro mukmok, hindi ako nagpacomfort sa bff ko kasi alam kong taken. Pero nalaman ng tita nya na broken ako at gusto ako isama sa out of town nila, pero shempre humindi ako kasi not invited si gf that time. Pero etong si bff pinipilit ako para layuan na din daw sya ng jowa nya that time kasi ayaw daw sya pakawalan.
Malapit na yung outing hindi pa rin sagot ko. At nagbreak na din daw sila sabi ni bff, pero etong si girl inaway ako na bakit daw ako kasama chuchu e hindi nga ako nag agree. Hanggang sa kung ano ano na sinasabi ni girl sakin and puro parinig sa fb e hindi ko nga pinapansin jowa nya(bff)
Sobrang depress na ko neto kasi nga kakabreak lang namin ng ex ko non, may umaaway pa sakin. Kaya na convince ako ni bff na sumama sa outing nila 1day before umoo ako.
Sa ayon pareho na kami single and after ilang months inamin nya na matagal na nya ako gusto eversince bata pa kami. May mga ex pa syang iba and nagtanong ako para saknila ng “where was I” char. Pero ayun tinanong ko saknila na kung ano alam nila tungkol sa tingin sakin ni bff and yung 2 ex alam na may gusto sakin si bff noon pa, inamin daw saknila pero hindi naman daw sila galit sakin kasi nagdidistance ako pag may jowa sya.
Alam ko nasaktan pa rin yung ex nya nung time na pinursue ako ni bff, di nakakaproud, and lagi ko din sinasabi saknya na hindi maganda yung ginawa nya at may dahilan pala para magselos ung ex nya.
Ayun lang. Skl, this was 10 yrs ago and now we are getting married na.
submitted by Hour-Landscape9534 to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.28 15:03 Dian-afown Any young people still speak Dinabaw in DC?

Hello, survey lang kasi alam ko karamihan sa mga taga-Davao, Binisaya (sinugbuanon) ang ginagamit nila. Pero relatively recent lang ang paggamit ng Binisaya kasi bago pa magkagyera, Dinabaw ang lingua Franca ng mga settler, moro, at lumad. Kung hindi ako nagkakamali, marami pa rin ang gumagamit ng Dinabaw sa DavOr, pero sa DC parang wala na, o konti lang. May nabasa din akong libro tungkol sa kasaysayan ng Davao at ganon din talaga, yung mga settler dati (bale hindi lumad o moro) sa Davao ay gumagamit noon ng East Min language, described in the book as a form of Mandaya (pero I have reasons to believe mas close sya sa Kamayo but anywayz). Karamihan din kasi ng early settlers to Davao ay mga taga East coast
So ayon, ikaw ba marunong ka ba mag-Dinabaw? O may kilala ka ba?
Salamatay!
submitted by Dian-afown to davao [link] [comments]


2024.05.28 14:51 nyxxiefrth Bigla nalang akong iniwasan ng kaibigan ko, hindi ko alam kung ano ba yung ginawa ko sa kanya para iwasan ako

I have this friend of mine na gusto ko. Grabe yung mixed signals niya (matching pfps, wallpaper ako, late night talks, and updates) kahit ibang mga kaibigan ko pinagkamalan pa kaming mag jowa.
Umamin ako sa kanya, para malaman niya kung ano ba yung totoong nararamdaman ko sa kanya. Ang sabi niya sakin hanggang kaibigan lang talaga at hindi pa daw siya ready sa commitment, sana daw ay manatili pa yung friendship namin. At first okay lang naman kami, close pa rin kami. Pero habang tumatagal, nagiging distant na siya sakin. Para na akong naghahabol sa kanya kasi ako na lang laging nag aaproach sa kanya. Kaya naman napagod ako, hindi na kami nagpansinan non.
Ilang araw nakalipas, nag Message siya ulit sakin. Gusto ko sana siyang kausapin tungkol sa mga nangyari. Pero hindi man lang siya naging seryoso. Tinanong ko nalang kung bakit hindi na kami nagkausap, ang sabi niya lang ay nagkahiyaan daw kami. Iniba ko nalang yung topic, kasi halata namang ayaw niyang makipagusap ng seryoso. Kaya naman tinanong ko siya doon sa babaeng nagugustuhan niya. Matagal niya na daw palang gusto yon at ikinuwento niya sakin yung mga gusto niyang gawin kasama yung taong gusto niya. Pero ang nasa akin lang ay bakit yung mga sinabi niya ay nagawa na rin naman namin.
Simula noon, hindi na ulit kami nagpansinan. Nung pumasok kami, nakakaiwasan pa rin kami. Para bang hindi kami nag-usap nung gabing yon. Ang sa akin lang ay bakit hindi man lang niya ako kausapin kung may nagawa ba akong mali sa kanya o kaya naman may bagay siya na ayaw sakin.
Three months na kaming hindi nag-uusap.
submitted by nyxxiefrth to adviceph [link] [comments]


2024.05.28 14:50 arakirumii How do I handle being bullied sa work?

I work in fastfood, and ever since nag start ako parang naa isolate ako sa work. Then I found out na pinagtatawanan at pinagchichismisan pala nila ako while at work. And now dinadala na nila pati sa work gc. Malala pa is managers mismo nagsisimula, kung sino pa ung akala mo mapagkakatiwalaan and ung dapat mag guide sayo, sila pa naninira sayo. TBH sirang sira na mental health ko dahil sakanila. I don't know if it's because I did something wrong. At first nayayamot daw sila kasi mabagal ako, so ngayon binibilisan ko na kilos ko. Then sunod sunod na na "small reasons" tungkol sa actions ko na I change naman din quickly, pero somehow hindi nagbabago pagtrato nila saakin. Parang lumalala pa nga. I treat them respectfully. I do my job. Pero tangina bakit ako lagi tinatarget sa work? Nagpaparinig na nga sila sakin na mag resign na daw ako. Hindi ko na talaga alam ano dapat gawin ko.
submitted by arakirumii to AntiworkPH [link] [comments]


2024.05.28 14:33 arakirumii How do I handle being bullied sa work?

I work in fastfood, and ever since nag start ako parang naa isolate ako sa work. Then I found out na pinagtatawanan at pinagchichismisan pala nila ako while at work. And now dinadala na nila pati sa work gc. Malala pa is managers mismo nagsisimula, kung sino pa ung akala mo mapagkakatiwalaan and ung dapat mag guide sayo, sila pa naninira sayo. TBH sirang sira na mental health ko dahil sakanila. I don't know if it's because I did something wrong. At first nayayamot daw sila kasi mabagal ako, so ngayon binibilisan ko na kilos ko. Then sunod sunod na na "small reasons" tungkol sa actions ko na I change naman din quickly, pero somehow hindi nagbabago pagtrato nila saakin. Parang lumalala pa nga. I treat them respectfully. I do my job. Pero tangina bakit ako lagi tinatarget sa work? Nagpaparinig na nga sila sakin na mag resign na daw ako. Hindi ko na talaga alam ano dapat gawin ko.
submitted by arakirumii to adultingph [link] [comments]


2024.05.28 14:14 viennenna Putangina daw ako, kapatid ko, mama ko, kaming lahat HAHAHAHA

Long post ahead
Shoutout sa mga may galit sa relatives. Alam kong patience is a virtue, pero I can't anymore. I'm SO ANGRY to the point na gusto ko manakit, but I won't.
It all started kasi yung kapatid ko and yung pinsan ko (both M17, same age) gragraduate na ng high school. Close kaming magpipinsan (except sa anak ni tito na babae) to the point na parang magkakapatid na kaming lahat, lumaki kaming magkakasama since mga parents namin former OFWs so grandparents nagpalaki talaga samin.
Yung mga parents namin, apat silang magkakapatid (dalawang nasa States). Ngayon, yung dalawang nasa States nagpadala ng pera para bumili ng gamit at pang celebrate nung dalawa.
Kay mama nila pinadala yung pera kasi yung tito ko (father ng pinsan ko, kapatid ni mama) for some reason, walang pakeelam sa mga lalake niyang anak. All he cares about is his daughter (F12) and yung mga anak ng asawa niya (yes, anak ng wife niya sa unang asawa), dun napupunta yung pera nila. Kaya wala nang tiwala mga tita ko pati si mama na magbigay ng pera sakanya derecho.
Ngayon umaga palang nagusap na silang magkakapatid (mama ko, tito and titas). Buo na usapan, pupunta dito yung pinsan ko para lumakad sila ng kapatid ko bumili ng gamit tas syempre kain sila sa labas. At first, umoo na yung tito ko, edi tuwang tuwa yung mga gagraduate.
Nung magreready na sana sila, bigla namang nagbago nanaman isip ng tito ko. Telling lies na "hindi daw pwede si ** kasi nasa school.." ganto ganyan. We know it's a lie kasi may gc kaming magpipinsan and naguusap currently.
Nung pinush ni mama yung dahilan (kasi nga alam na namin na nagsisinungaling..) ayon nalaman namin na ang dahilan is yung pinsan naming babae.
Yung anak ni tito na babae (F12), na ANG PANGET TALAGA NG UGALI EVER SINCE. Oo bata siya and me(F23) as panganay na apo I know na dapat mahaba pasensya ko, kasi nga bata.
Pero ever since I met this cousin of mine, all she do is to pull my trigger. Lagi siyang sumasabat sa usapan ng matatanda, pakeelamera at nangunguha ng gamit, inggitera, and isa sa recently ko lang nalaman is nangangalikot siya ng chats or information sa devices namin (sakin, mga kuya niya, and even sa phone ng mama ko).
Nung nag stay siya dito sa condo ko, pinagbigyan kong gumamit ng pc ko kasi may games and pwede siya mag netflix or disney or whatever she wanted to do. Pero nahuli ko, nag bubukas ng facebook/discord/and heck pati Viber ko?! Pinagsabihan ko na siya non, and of course- I banned her from entering my room EVER again. Pero hinde, inulit nanaman niya and the second time around sa phone na ng mama ko- reading convos of her and my step dad like- ANO BA TONG BATANG TO?!
Inggitera, pag nakakakita siya ng feminine products such as skincare products, or make-up, lagi siyang mag cocomment ng "sana all" followed by asking if pwedeng "sakanya nalang".
Syempre, I said NO. Bakit? anong gagawin niya sa mga yon? ang bata bata pa niya, hindi pa siya pwedeng maglalalagay ng kung ano ano sa mukha niya. and what did she say? ang SAMA DAW NG UGALI KO KASI MADAMOT AKO. The audacity of this kid-
lastly (eto yung pinaka ayaw ko, at mostly nag cause ng away recently), gusto niya palaging tungkol sakanya. Pag aalis kaming magpipinsan (kaming magkaka age. Hence mga kuya niya, and iba pang pinsan) gusto niya kasama siya, or if bibili kami ng gamit dapat pati siya meron. If not? mag tatantrums. Magdadabog, iiyak, magsusumbong sa tatay niya.
And of course, yun yung dahilan kung bat di nanaman pinayagan yung pinsan ko. Kasi hindi siya kasama. Nag tantrums siya na "bakit di siya ang isasama? bakit kapatid pa niya? kung di daw siya sasama wag daw papayagan kapatid niya, HINDI DAW PWEDE" I was SO PISSED OFF, kaya minessage ko siya sa messenger niya:
Telling her na I won't tolerate her attitude anymore, na HINDING HINDI NA SIYA BABALIK SA CONDO KO(yes, she loves visiting here kasi we have a pool and lagi siyang nakakatikim ng Grab/or lagi siyang kasama if we go shopping and such).
Not just that, hinding hindi ko na siya isasama sa mga gala. Telling her how me, and my other cousins (from States) are very angry and disappointed at her because of her ugly and disgusting attitude.
Kawawa palagi mga pinsan ko sakanilang mag ama. Sa kanilang tatlong magkakapatid (F12, M17, M20) siya ang hindi disiplinado. May time pa na nabubugbog ng tito ko yung dalawa kong pinsan DAHIL SA KAGAGAWAN NIYA, or if ever na nasasama yung dalawa sa gala namin tas siya hinde (OO BINUBUGBOG SILA DAHIL SA TANTRUMS NUNG BATANG YON).
Never pa nakaranas ng palo or anything yung pinsan kong yon, hindi siya nakatikim ng disiplina. Saming magpipinsan, SIYA LANG ANG MAY UGALING GANON! Di na nga nag aaral ng maayos, laging napapatawag magulang sa school (kasi apparently, lagi siyang nananabunot, nananakit ng classmate), and for some reason- IS REALLY INTO ASKING ABOUT STUFF SHE WASN'T SUPPOSED TO KNOW (kissing, relationships, boyfriends, etc..)
Going back to the main story, after I messaged her- tumawag tito ko. SO ANGRY and pinagmumura kaming lahat (naka call silang apat na magkakapatid). P I daw ako, mama ko, kapatid ko, kaming lahat. Bakit? minura ko daw pinsan ko.
I didn't. Buti nalang, as I sent my message- I was also on call with 2 of my other cousins. In fact, some of the message I sent are from them. Pero walang mura sa messages. I sent screenshots to all of them, proving na hindi ko minura ang pinakamamahal niyang anak na babae.
Nakakatawa lang, kasi my tito is such a liar. Still pushing the fact na minura ko yung bata and saying na wag na wag daw ako magpapakita don kung hindi ingungudngod niya daw pagmumukha ko.
Lol, as if he can do that. And if he did, I can report him. Not only if he do something to me, pero I can also report the abuse he's doing to his sons.
Isa pa, wala siyang karapatang pagbawalan ako don kasi HINDI NIYA BAHAY YON. Bahay yon ng grandparents namin, may documents proving that (na kay mama na ngayon). So kung ayaw niya mapalayas don, wala siyang karapatang ingudngod ako LOL. I can go there WHENEVER I WANT.
Syempre galit na galit kaming lahat. Mama ko, mga tita ko, at dahil don-- wala na silang (tito ko at pinakamamahal niyang anak) matatangap na sustento o kahit ano galing sa mama ko o sa mga tita ko (he's jobless, and yung mahal niyang asawa di gaano nagpapadala kasi napupunta sa mga anak niya sa unang asawa).
The audacity for him to get mad. Nilayasan na sila nung isa kong pinsan dati (M20). Bumalik lang dahil sa kapatid niyang isa (M17). Pero he told us na once na nasa edad na kapatid niya, lalayasan na nila sila don.
Couldn't wait for it to happen. As for us? wala na. Di ko na sila kinikilalang tito o pinsan (except sa dalawang lalake kong pinsan). Napatawad ko nga sila dati nung nagpakalat sila ng fake news na buntis daw ako. HAH di naman nila napatunayan. Then magsosorry sila ngayon? DI NA.
Ang lakas pa ng loob niyang sabihin na wala daw akong karapatan na murahin anak niya kasi wala naman daw ako naibigay sakanila- LOL MATAPOS KONG BILHAN NG SANDAMAKMAK NA GAMIT YUNG PINAKAMAMAHAL NIYANG ANAK AT TULUNGAN SILA SA FINANCES NILA, WALA?! Hindi ko sinusumbat pero ang kapal lang na ganon niya kami tratuhin.
Now, he and his precious daughter won't get anything from us anymore. Good riddance.
Edit: Salamat sa pagbasa ng hinanakit ko. Sa mga nagtatanong kung bat di namin kupkupin, tinry ko nang ibring up sa family ko yan (mama, step-dad, mga titas) pero tutol sila kasi di nga naman namin responsibilidad sila. Kung irereport naman namin si tito, ayaw din ng mga tita ko kasi kapatid padin nila, at hindi padin samin mapupunta mga pinsan ko; dun sa mother side sila mapupunta (ayaw din nila don kasi garapal din ugali ng mga yon. Kami lang talaga ang tumutulong sakanilang magkapatid)
submitted by viennenna to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.28 13:24 batuhangacc55 Pwede po bang magpadala ang bangko ng mga tao para kunin ang kahit anong gamit na may halaga para mabayaran ang utang?

Hello po nanghihingi lang po ng advice o ibang kaisipan kasi meron akong kaibigan na may utang sa Metrobank credit card nya at may nagpadala daw ng sulat sa kanya naka envelope pa galing law firm ata kasi hindi nya nasasagot ung mga tawag sa kanya tungkol sa utang nya sabi raw icontact sila para pagusapan payment plans
tapos hndi eto nakasulat dun sa letter pero sabi pag wla daw syang ginawa o hndi rumisponde magffile daw sila ng kaso para may pupunta sa bahay nila at kukunin kahit anong gamit nila na may halaga na pwedeng pambayad sa utang nya
pwede po ba ung ganun? panakot lng ba eto? alam kong wlang nakukulong sa utang kaso nakakatakot rin na pupuntahan sila kasi ung mga gamit raw nilang may halaga pang everyday na gamit kasi lalo na sa anak nyang nagaaral ng computer sapat na po ba na rumisponde nlng sya sa kanila para pagusapan payment plans?
maraming salamat po
submitted by batuhangacc55 to LawPH [link] [comments]


2024.05.28 12:01 anygmonster Patay na patay gf ko sa ibang lalaki

I've been in a relationship with my gf for almost 7 years now. Hindi siya yung tipo ng babae na mahilig sa mga boyband like kpop and all. Pero since February, nung nascroll niya sa tiktok yung SB19, laging yun na lang ang bukam-bibig niya lalong-lalo na yung Felip daw. Pag hinihiram niya cellphone ko para manuod, puro felip or ken na yung nasa search history ng tiktok ko.
I am not against her pagiging "sisiw" (yun daw tawag sa mga fans ni felip) pero kasi medyo naapektuhan na yung relationship namin. Like instead na mag-usap kami, laging nakacellphone na lang siya nanunood ng kung ano-ano tungkol kay felip. Kung mag-uusap man kami, konti lang about sa amin tapos si felip na naman ang topic. Kesyo pogi si Ken. Maangas si ken sumayaw and all.
Parang nakikihati na rin ako sa oras ng gf ko dahil kay felip. I don't know pero nagseselos ako. What should I do?
submitted by anygmonster to adviceph [link] [comments]


2024.05.28 10:56 PieceCapable2765 Stay-at-home mom for 4 years and I'm losing hope

Hi! I need some advice. As the title says I'm a stay-at-home mom for the past 4 years and I'm losing hope in going back to being a working adult. So, for some context, last November 2019, grumaduate ako ng college at nagrest muna ako for 2 months bago nag-apply ng trabaho.
Marami akong inapplyan pero failed lagi sa interview until March 2020, natanggap ako sa trabaho sa isang company. Inasikaso ko na kaagad yung nga requirements para maka simula agad. One week pa lang ako sa trabaho nung naglockdown at since isa ako sa newbie, hindi muna kami pinabalik sa trabaho.
Live-in kami ng partner ko nun. Wala akong trabaho for 3 months pero siya, continuous pa rin yung trabaho niya. June 2020, bumalik ako sa trabaho hanggang sa Sept 2020, nalaman namin na buntis ako. Nag-usap kami ng partner ko at napagdesisyonan namin na tumigil na muna ako sa trabaho dahil sobrang mentally and emotionally draining yung trabaho.
Nagsubmit ako ng resignation letter nung October 2020 at kailangan ko raw muna magstay for 2 weeks (notice period). During the notice period, hindi ko na talaga kinaya yung trabaho kasi nakakaapekto na sa mental health ko yung pakikipag-usap sa mga tinatawagan namin kaya nag- AWOL na lang ako at nagstay sa bahay until manganak.
So, eto ako ngayon, walang trabaho at may 3 years old na baby. Lately, gusto ko na bumalik sa pagta-trabaho kasi minsan naiisip ko na nasasayang yung oras ko. I mean, oo, gusto ko na ako yung magbatay sa anak ko pero meron din akong side na nanghihinayang sa panahon.
Naka usap ko yung partner ko tungkol dito at okay naman sa kanya na magtrabaho ako ulit pero ang problema namin ay kung sino ang magbabantay sa anak namin. Hiwalay na kasi yung parents ko. Yung mama ko ay nasa probinsya, yung papa ko naman busy sa pala-isdaan. Mahirap na rin kasing magtiwala sa mga tao ngayon lalo na yung mga nakikita namin sa balita na hindi maayos yung pagtrato sa bata.
Gusto kong magwork ulit. I'm interested in being a VA pero wala pang equipment and I'm still trying to gain more knowledge about the industry and niche kung ano yung swak para sa skills ko.
I'm most passionate about tourism and hotel industry (my major in college) lalo na working for the airline pero I don't know where to start or kung may lugar pa ba para sa akin na may little to no job experience.
submitted by PieceCapable2765 to adultingph [link] [comments]


2024.05.28 08:39 xoxefo3952 The Revenge of Iza PDF at Novel Online ni smoothiee na Babasahin nang Libre - Romance Mga Kuwento Tagalog

Iza, isang matagumpay na negosyanteng babae na tila nasa kanya na ang lahat - isang mayaman na asawa, isang pamilya, at isang maunlad na karera. Sa araw kung saan nalaman nyang buntis sya ay wala na syang maihihiling pa. Gayunpaman, gumuho ang kanyang mundo nang matuklasan niya na ang kanyang asawa, si Roman, at ang kanyang kapatid na si Rebecca, ay may lihim na pag-iibigan at nagtaksil sa kaniyang likuran. Hindi makapaniwala si Iza at luhaang umalis sa unit ng asawa, hanggang sa maganap ang aksidenteng babago sa kaniyang buhay. Matapos ang anim na taon, nagpasya si Iza na tanggapin ang mga bagay sa kanyang sariling mga kamay. Taglay ang matibay na determinasyon, masinsinan niyang pinaghandaan ang kanyang paghihiganti laban kina Roman at Rebecca. Habang mas lumalalim ang kanyang paghahanap ng kasagutan, natuklasan niya ang lihim at nakatagong motibo na sumagot sa lahat ng inaakala niyang alam niya tungkol sa kanyang mga mahal sa buhay. Dapat niyang harapin ang sariling mga desisyon at makipagbuno sa kumplikadong pag-ibig at pagpapatawad. Sa paghihiganti na hinahangad ni Iza, mahahanap ba niya ang pagmamahal at hustisyang hinahanap, o uubusin siya ng pagkauhaw niya sa paghihiganti, na hahantong sa kanya sa landas na walang kasiguraduhan? Read more
submitted by xoxefo3952 to Novelideas [link] [comments]


2024.05.28 04:53 demonyita666 Losing interest

Just want to get this off me since naaapektuhan na ako lately.
I met my boyfriend online a couple months ago. LDR kami, never pa kami nagkita and only sa videocalls. As someone na ilang relationship na ang napagdaanan, umabot na ako sa point na I've been craving for stability.
Etong boyfriend ko, mabait naman, he's nice and all, gustong gusto magpari sana. Napakainvolve nya sa simbahan at grabe ang faith nya (which is wala naman akong nakikitang mali). Before sakin, may naging girlfriend sya for 3 years, LDR din.
Ganap ko sa buhay before ko sya nakilala is nagfofocus lang ako sa sarili ko and just doing things I want to do (hindi naman ako palalabas masyado and I prefer being alone doing my own thing kesa going out with other people).
Everything was nice and all at first. Curious ako sa mga bagay bagay basta wag lang itong ipilit sakin (wag na wag mong ipipilit na parang inooblige mo ko to know it kasi nawawalan talaga ako ng gana learning about it) just let me do my own thing and wait if I ask you about it. So okay nga nung una, nagcliclick interests namin regarding current issues sa bansa and other topics tungkol sa buhay. Everyday as in everyday kami magkavideocall (pagtulog, pagtae, pagkain, kung di magnonotify phone ko dahil sobrang init d papatayin ang tawag). Wala akong issue sa kanya about pambababae, trabaho at bahay lang routine nya. I thought it was okay at first kasi nasanay ako sa mga ex kong palabarkada which is grabe pag-ooverthink ko everytime lumalabas sila.
Umabot sa point na halos araw araw ay tungkol sa bibliya at mga aral ng Diyos na pinag-uusapan namin. At first curious ako at madami akong tanong din. Hanggang umabot sa point na nadradrain ako. I get it that's his thing, pero I hope na we can take a break muna from it and talk about other things. Nag-open ako sa kanya about it pero nagtampo sya. Alam na alam ko behavior nya pagnagtatampo, pinapatay agad ang camera sa videocall tas magsasabi agad "tulog nalang tayo" and mananahimik. So trying to avoid getting the same reaction from him, the next time na nagdidiscuss na naman sya about it pinipilit kong makinig kahit na antok na antok na ako, hinihintay ko nalang na antukin din sya para manahimik na.
This weekend, nagsabi akong ayoko muna makipagtawagan at gusto ko munang manuod ng kdrama. He wants to watch it with me but said di sya mahilig sa kdramas. Ayokong ipilit sana since di naman sya mahilig dun pero he insists, so we tried to watch it on an app pero it didn't work due to technical issues. Kaya sabi ko if it's okay to have my alone time and I don't want to talk to anyone and he can do his thing muna. He said okay, he understands daw pero damang dama ko sa response nya na nagtatampo sya which is valid naman bat ang cold ng replies.
2 days ang lumipas, nagtetxt lang kami and no videocalls and nararamdaman kong nagrerecharge na ulit ako, unti unting nawawala yung pagod sa sarili ko. Pero bigla syang tumawag, nakipagvideocall, I was reading something nung tumatawag sya, naisip ko nalang baka namimiss ako, tumatawa pa ako nun habang kinakausap sya. He asked what I was doing and I said may binabasa lang ako sana and wala pa ako gaano sa mood makipag-usap ng tao (kahit family and friends ko di ako nakikipag-usap whenever andito ako sa gantong phase nagkukulong lang ako sa kwarto and enjoying my peace and quiet na boring na buhay).
Bigla bigla eh pinasok ang tanong "naniniwala ka ba sa reincarnation?", okay I get it the topic is interesting but nairita ako sobra nasabi ko nalang "ang dami dami kong iniisip idadagdag mo yan?". I know napakagago ko sa part na yun, he said he's sorry and kept quiet. I was waiting for him to read the room so I can continue what I was reading (kasi nagagalit sya pagmagkacall kami tapos may iba kang ginagawa dapat yung focus mo talaga nasa kanya lang, which is sige valid), pero he didn't. He keep on talking random things na naman and I really don't have the energy to use my voice kasi bigla na naman akong nadrain, so I chatted him asking if we can end the call muna and I don't want to talk to people pa napapagod ako nadradrain ako and mag-aaral pa ako for finals (which is alam nyang hell week namin). He said "okay, goodnight" sabay patay ng tawag.
After that I took the time to reflect on myself and nararamdaman ko talagang nawawalan ako ng interest. Napakababaw kung para lang dun naiirita ako noh, sorry. Pero idk it felt like I can't be truly myself. So I'm caught between the thoughts na ipapatuloy ko ba to since mabait naman sya and all or I should stop this since it felt so wrong.
submitted by demonyita666 to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.28 03:13 Classic-Bus-2352 ABYG dahil di ko hinatid yung kaibigan ko?

This happened a couple years ago, 2018 to be exact. This happened abroad, di ko na sabihin anong bansa baka mabasa kc ni ate girl hahaha.
It was my 20th birthday, nag-rent ako ng apartment for my birthday kasi plano namin maginuman and mag clubbing. Para taxi nlng pauwi and malapit lng sa club. There was 6 of us in total, 2 guys 4 girls. I wont be using real names. Me (F20), Nina (F20) and Miggy (M20) ang naghati-hati sa bayad sa apartment. FYI, 2 bedroom apartment siya so yung plan is Miggy takes one room tapos me and Nina will share. Ayaw magbayad nung iba kasi uuwi nlng daw sila. Nung nandoon na lahat nag pre-drinks muna kmi sa apartment tapos punta ng club. Masaya naman lahat, party party lng tapos nalasing yung iba. Around 2am naisipan namin umuwi na kasi sa isip isip ko sobra late na din tapos yung dalawang girls, Mary (F21) and Sunny (F22) uuwi pa. Mag uber or taxi and medyo nagworry din ako kung ano pa mangyari.
Bumalik muna kaming lahat sa apartment para makuha ni Mary, Sunny and Manoy (M19) yung mga gamit nila. On the way sa apartment nagbago isip nung tatlo. Sa apartment nalang daw sila matutulog. Nag okay naman kaming tatlo na nagbayad. Kasi okay lng naman daw kay Miggy na matulog si Manoy sa kwarto kasama niya and may sofa bed naman sa sala para kay Mary and Sunny. So pagdating ng apartment nagayos na kmi para matulog. Kaso nagulat kami nila Nina at Miggy na biglang pumasok sa kwarto yung tatlo na hindi nagbayad. So parang sinolo ni Manoy yung isang kwarto tapos si Mary and Sunny humiga sa kabilang kwarto. So ngayon kaming tatlo na nagbayad yung nagsiksikan sa sofa bed. Di kami nakatulog kasi nagkwentuhan kmi na may halong reklamo tungkol sa tatlo buong magdamag.
Nagising ng maaga si Mary, lumabas siya ng kwarto nagtanong kung ano daw ginagawa namin. Nagtinginan kaming tatlo tapos sabi nlng namin na hinihintay namin mag open yung pool kc magswimming kmi. Para din mawala antok/lasing bago magdrive pauwi.
Sabi ni Mary saakin kung pwede ko daw ba siya hatid sa bahay. That day was my actual birthday. Wala akong tulog and malayo bahay niya sa bahay ko. So sabi ko “sorry bes balik kc ni daddy ngayon gusto daw nila lumabas for lunch” which is true naman gusto ko lng magpahinga bago maglunch since wala din akong tulog doon sa apartment. Sagot niya “sige wag nalang mag bus nlng ako mahal uber”. Rinig mo yung inis sa boses niya. Hinayaan nlng namin.
Nung nag-open na yung pool nagswimming kaming tatlo. Siguro mga 1 hour lng kmi. Pagbalik namin wala na si Mary. Pati gamit niya wala, wala din message na umalis na siya and sabi lng ni Sunny umuwi na daw. That was the last day I talked to her. On my 20th birthday.
A few months past, yung isang mutual friend namin ni Mary na workmate ko kinausap ako. Nagkausap na daw ba kmi ni Mary, umiiyak daw kc di daw namin kinakausap ni Nina. Sabi ko sa workmate ko “Ate honestly di ko alam kung ano nangyare. Siya yung biglang di nagparamdan dahil di ko siya hinatid sa bahay.” Kung magreach out lng siya and sabihin niya na nagtampo siya okay lng sana eh. pwede naman pagusapan kaso nilayo niya sarili niya instead of talking to me.
Yun na yung last na narinig ko tungkol sakanya. Until last year ata or 2 years ago. Naisipan ko mag reach out sakanya. hiningi ko number niya sa pinsan ko kase nagkakausap pa sila. I sent her a text message, just a simple one. Sabi ko “hi bes long time no talk, kamusta ka na?”. nag reply naman siya kaagad okay lng naman daw siya and natutuwa siya na nagmessage ako sakanya. Matagal na daw niya ako gustong imessage kaso baka daw galit parin ako. Sabi ko sakanya, di naman ako galit, di ko nga alam kung ano nangyari kung bakit di ka na nagparamdam. Apparently, nagantay siya na mag message kmi ni Nina nung araw na yun, parang tanungin kung nasaan siya or what happened bakit bigla siya umalis. but we just let it be hanggang sa no contact na kmi. We went out siguro mga 2 or 3 times after reconnecting but the friendship isnt the same anymore. Nagka-falling out din kmi ni Nina but thats a different ABYG story hahaha.
Honestly, i was upset kasi nagbayad ako sa apartment and I didnt even get to rest properly. Nag abot naman ng konti si Manoy for staying the night so thankful kami doon. Matagal na nangyari pero napapaisip parin ako kung mali ba ako doon? dapat ba hinatid ko nlng siya? ayoko lng naman maaksidente. i did offer to pay the uber naman and she ended up taking an uber anyways.
So ngayon, ABYG dahil di ko siya hinatid sa bahay niya?
submitted by Classic-Bus-2352 to AkoBaYungGago [link] [comments]


2024.05.28 02:57 Substantial_Dirt109 I feel like I'm really a very selosa GF

Nagbakasyon boyfriend ko in their province. Since I have a very strict parents hindi na ako nagtangka pa na magpaalam para makasama sa BF ko dahil 5 days yun. (I'm in late 20s na). So instead of me, may sumama sa boyfriend ko in his vacation. His old retired men neighbor. Madalas na nya nakukwento sakin noon yung kapitbahay na ito at panu nya ikwento na parang tatay na nga nya. Minsan kainuman nya or di kaya nagpapa ayos ng cellphone.
One time, nabisita ako sa place ng boyfriend ko and sabay kami ni bf dumating sa bahay nya. Nasa labas ng bahay at naka tambay naman yung old men kasama isa pa kapitbahay. Nung nalaman nya na kasama ako, sabi nya na lang ay sa susunod na tayo mag inuman kasama nya misis nya.
First impression ko, nagulat ako kasi I feel talaga na bakla yung matanda. Mabait naman at mukang may galang. Pero I doubted talaga mukang may something sya sa jowa ko pero yung jowa ko lagi sinasabi na di yun bading and may mga anak at asawa daw pero iniwan na sa bahay.. mag isa na lang daw naninirahan. Naaawa nga daw sya. Anyway pag inuman sagot ni old ang alak.
Fast forward, a day before ng alis nila nag chat si Old sa jowa ko to confirm kung tuloy ba yung byahe and nung nag reply si jowa na tuloy.. agad reply ni Old na excited na daw sya. (Nasa bahay ako ng jowa ko kaya napabasa nya sa akin.)
Bago kami umalis ng bahay ni jowa, dumaan na naman si Old sa bahay nya. Nagkasalubong na lang kasi paalis na kami nun. Di talaga maalis first impression ko na bakla talaga yung kapitbahay nya na yun. Kaya sinabihan ko sya na mag iingat ka sa kasama mo, pakiramdam ko talaga bading sya. ( May bad experience lang talaga ako before kaya pls wag nyo ko masisi if bigla ako nagka doubt sa personality ng kapitbahay).
Okay eto na nga, natuloy vacation nila. Inuman, karaoke and bonding.. marami tao sa bahay ni jowa kapatid, at other ka mag anak. Magka video call kami ni jowa, at lasing sya pero maya maya inoff ko cam ko and nag mute. So parang di na kami magka usap nun kasi nawala na din sa mukha nya tutok ng cam. Akala nya ata bigla ko binaba tawag.
bigla lumapit at tumabi si Old kay jowa, (kilala ko ang boses) nagtatanong tungkol sa pera na kamo sya na daw bahala bukas at kung saan sila kakain bago mag byahe. Mukang alam na nya na short na sa budget jowa ko. Lasing si jowa then yung camera ng phone hindi nakatutok sa mukha nya at napunta sa lap tutok. Bigla ko nakita na nakahawak na sa legs nya yung Old guy. As in na shook ako na nanginginig. Yung hawak na parang nag lalambing pero sa bandang knee na nakahawak. Ang ginawa ko inisscreenshot ko yung video call. Di ko gamit phone ko kasi naglowbat at laptop gamit ko habang kausap sya.
I trust my boyfriend but Wala ako tiwala sa kasama especially na ramdam ko na bading sya. Pero wala naman ako magawa na bawalan sya na isama yun sa probinsya especially parang tatay na Ang tingin nya dun.
I'm not sure kung valid ba nararamdaman ko. And how I will react in the future pa. Nagprepresinta pa naman yung matanda na mag ninong daw sa kasal namin ni jowa.
submitted by Substantial_Dirt109 to CasualPH [link] [comments]


2024.05.28 00:44 No_Office_7136 Does earning ₱70k a month enough to buy/finance a brand new civic or mazda 3?

Want to hear your thoughts lang po tungkol dito kasi medyo newbie pa pagdating sa cars. I'm a 4th year college student pero may business ako that roughly gets between ₱60k-70k per month. Hindi naman expensive operating cost ng business per month and I'm proudly blessed din na my parents insists na wag muna ako mag ambag sa bills ng bahay unless nagka first work na ko. Enough na po ba ito or mas better na grumaduate and work muna para 2 yung source of income ko.
submitted by No_Office_7136 to phcars [link] [comments]


2024.05.27 19:57 jangmi8 ABYG kung pinagpaliban ko muna yung proposal nya

Hi. Im 26(F) and my bf is 28(M). Magkaiba kami ng kinalakihan, strict parents ko that's why I'm very dependent, yung tipong laging may approval dapat lagi ng parents ang bawat big decision while my bf is very independent kasi nung naghiwalay yung parents nya ay sarili nalang nya naasahan nya, naging working student sya hanggang sa makagraduate.
Niligawan nya ako for 7 months at aware naman sya na strict ang parents ko kaya hatid sundo at kapag mag dadate ipagpapaalam pa ako. Nung naging kami na, wala pang 1 month niyaya na nya ako na magpakasal na kami, na sagot nya lahat, parang sobrang bilis ng pangyayari, hindi ako totally humindi kundi nakiusap ako na sana bigyan nya pa ako ng panahon kahit ilang buwan para makapagsabi sa parents ko dahil diko alam kung paano ko ba uumpisahan na after ko sya sagutin at pinakilala na sya sa bahay as my bf, after almost 3 weeks ang ipapaalam ko naman ay mag sesettle na kami?
Mahal ko naman sya, pero andun parin ako sa phase ng buhay ko na ayoko masaktan parents ko kaya gusto ko parin humingi ng approval at gabay sa kanila dahil nirerespeto ko sila. Isa po akong only child.
Na realized ko kapag stable na ang partner mo, parang ready na sila agad para sa future, hindi na ma enjoy yung bf/gf phase kasi iniisip na agad yung future. Alam ko dapat nag uumpisa narin kami mangarap para saming dalawa pero nabibigla lang talaga ako sa sobrang bilis ng pangyayari. Gusto ko naman makipagsabayan sa kanya dahil pinili ko sya ehh, pero mejo nahihirapan pako mag adjust. May own business ang bf ko at ako naman ay working din sa isang in-house company.
Ang hirap kasi parang gusto nya lagi kami magkasama para dun sa ginagawa namin na bagong business pa nya ulit, kinuha nya ako as business partner kahit wala akong money na ininvest, basta tutulong lang ako sa operation, tapos ako minsan di pwede, kaya parang nadedelay sya, kasi hihintayin nya pa ko kung kailan lang ako available. (1 reason na gusto nya magsettle kami para lagi kami magkasama at magkapagplano)
Yung bf ko nagtampo sya maghapon pero kinagabihan nagkausap naman kami ulit na magtitiis nalang daw muna sya hanggang sa gumawa nako ng aksyon para saming dalawa.
Aaminin ko nung una napangunahan ako ng takot at iniisip kung ano magiging reaction ng parents ko, kapag sinabi kong mag settle agad ako, pero paano ko malalaman kung hindi ko susubukan. Legal naman na kami both side, sinabi ko sa bf ko na kakausapin ko parents ko tungkol sa plano namin after ilang buwan para di naman nakakabigla (btw 1st bf ko palang sya at 1st time lang may mapakilala sa kanila). Kumukuha pako ng lakas ng loob na tumayo sa sarili kong mga paa para sa gagawin kong desisyon.
Niyaya nya daw ako kasi parang magkasundong magkasundo na kami sa 7 months na ligawan kaya para sa kanya sapat na yung weeks na kami na para yayain na nya ako mag settle. Di daw sya makapagwork, makafocus o makaplano kapag di kami magkasama at parang nasasayangan sya sa oras bago pa kami mag settle dalawa na dapat nakakapagplano na kami ng para sa future namin, nag sorry din naman sya kasi sabi nya pakiramdam nya minamadali nya ako.
ABYG kung pinagpaliban ko muna na magpakasal kami at nanghihingi pako ng oras para makatiyempo ako na makapagsabi sa parents ko? Parang naguiguilty kasi ako na parang ako pa yung hadlang kaya di nya magawa yung mga plano nya sa future namin.
Pls don't post on other social media. Thank you!
submitted by jangmi8 to AkoBaYungGago [link] [comments]


2024.05.27 17:15 Imadumbass3456 May kwento lang ako (Nagulat ako)

Sumamba ako nun mga between May 1-15 yata, Halatang ano eh false yung tinuturo eh nagulat ako sobra, mga unang turo palang tungkol daw kay Moses, sabi ng unang ministro (Ang rason sa pagkaalis ni Moses sa Egypt at iniwan ang pagiging prince ay nalaman nya ay isang syang Israel at pumunta sa ating sambahan ang Iglesia ni Cristo) sa pagkarinig ko ang dahilan bakit Umalis si Moses sa Egypt ay nalaman daw nya na isa syang Israel at pumunta sa bahay natin which means Iglesia ni Cristo, sa pagkakaalam ko Ang rason sa pagkaalis ni Moses ay Nakapatay s'ya sa Egypt nung nalaman na Ni Pharaoh ang kasalanan nya, Umiwas si Moses at Lumayas sa Egypt para maiwasan ang Death penalty nya (Yun lang)
submitted by Imadumbass3456 to exIglesiaNiCristo [link] [comments]


http://swiebodzin.info