Mga anekdota ni rizal

Nagsawa na akong lumaban.

2024.05.16 21:47 ohredditors Nagsawa na akong lumaban.

Last post ko na to about this man.
I just caught my husband (soon to be ex-husband) 33(M), checking out petite girls here in reddit. Ni hindi ko nga alam kung baka may kachat na to.
May post ako nung isang araw regarding our matumal sex life. Narealize ko na ako siguro talaga may kasalanan.
I'm a mom of one, 28(F). Fulltime mom. Pinangarap ko na magkaanak at magkaasawa ng matino, kaso una palang red flag na to. Bilang mahal ko nga, hinayaan ko lang.
BF/GF days palang, naging kami, not knowing na meron pa pala siyang girlfriend. He insisted na break na daw sila, nakipagbreak na nga daw, at hindi naman ako yung dahilan ng kanilang break-up, pero yun ang naging depensa nung girl.
Nakipagmeet saakin si girl, that time. Teacher na siya and ako, estudyante palang. Imagine how she mocked me and all pero I was younger then, and hindi ako sumagot. I tried explaining things to her and hindi niya naaccept siguro ng maayos kaya dumikit siya saakin, she even insisted to sleep sa bahay namin and after nun, parang may kinalaman siya sa pagkasira ng relationship ko sa Family ko since merong rumor na pumatol daw ako sa lalakeng mas matanda saakin at may anak na.
After a year, magkahawak kami ng kamay when all of a sudden, binitawan niya yung kamay ko with force na as in pabato, na parang may malagkit sa kamay niya na nakakapit, paulit ulit. Yun pala, nakasalubong namin yung kapatid nung ex niya, na apparently, "gusto/type at love" niya pala.
Na kesyo jinowa pala niya si Ex para mapalapit din sa kapatid ni ex. Haha. Gulo ba? Sorry na.
Marami pang nangyare. Mga iniistalk, etc. Maya maya, makikita mo siyang tumitingin sa pwet ng mga future atty. na nakaminidress, naklabas ang cleavage etc. Well, sa lalaki, talaga g head turner naman talaga yung dumadaan, pero yung halos maglaway kana, sundan mo ng mata mo hanggang sa hagdanan, nakakabastos kase yun.
Hindi ako insecure dati, pero with his actions, naopen ko mata ko.
Buntis ako nung 2022. We went to Boracay, may tour kase nun. Kasama ko buong Fam niya. pinauna niya lahat kami bumaba sa cave para makapagswim. Imagine, 6months pregnant ako nun, hindi man lang ako inalalayan sa pababa sa hagdanan. Nainis ako, sinundan ko siya sa taas. Nagpapahuli pala para makita niya yung nakayellow bikini na mejo nasa chubby side para makita yung pwet. Hindi niya alam na bumalik ako sa taas and nawitness ko yun.nakita din ng Father in law ko yung nangyare pero hindi na siya nakialam.
Then this year, iniistalk niya yung atty na niyang senior daw. Kesyo finafollow daw niya yung page para saw may mapuntahan kaming new spot sa Baguio kase nga food blog keme si Atty mo girl. Pero alam mo, wala naman siyang nirecommend na puntahan namin last April 27 na namdun kami. Haha.
So ayun na nga, matumal ang sex life namin. Sabi ko nga maswerte kana sa once a month dahil nga once lang halos sa dalawang buwan. Nagtataka ako, inpossible naman na wala kang need na ganun to satisfy. At eto na nga, natatambay pala sa mga community dito ng mga petite sa Pinas pa ngagusto.
Malay ko ba kung ano na ginagawa neto dito.
Hindi pa ba siya tapos sa phase na ganun? Nakailang babae na siya eh. Ako kase date to marry akong type. I regret, hindi ako nag explore. . Prro alam mo yun, napabayaan ko na kase sarili ko, sa totoo lang. halos parang sa bata ko nalang ibinibigay ngayon sarili ko. Minsan iniisip ko, magpapayat na rin ba ako, gayahin ko ba yung kinababaliwan niya? Kaso iniisip ko palang,"hindi kase ako to". Iniisip ko palang,nasusuka na ako. Tsaka hindi ko rin magawang magpapayat dahil nagbebreastfeed ako ng baby ko.
May kailangan din naman ako, pero bakit hindi niya hanapin saakin yung kailangan niya. Bakit kailangang sa iba. Ahhh. Well, artista nga, naipagpapalit. Paano nalang ako diba?
submitted by ohredditors to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.16 21:45 jaemstang Catfish: The TV Show

Sobrang na-adik ako sa Catfish these days. Wala akong planong magbayad ng isa pang streaming platform kaya pinapanood ko lang mga runthrough ni Jayda Hope on youtube. As in ginagawa ko lang siyang background noise kapag may ginagawa akong chores. Sitcoms who?
Iniisip ko tuloy what if they make a PH Edition HAJAHSHAHAHAHAHA. I think it’ll be so fun considering how Filipinos love chismis and drama. Ma-w-weed out pa mga good-for-nothing catfishes diyan. Panoorin niyo rin kasi ang entertaining promise.
submitted by jaemstang to CasualPH [link] [comments]


2024.05.16 20:42 Thin-Professor-860 Mga nag aral sa Christian school Ano experience nyo

I was grade 9 nung time nayon and may isang teacher kami na asawa ng isa sa mga pastor ng school and nakakainis kasi pinakekeelaman nila yung way of spending ni kuya wil. May na open na topic about bagyong yolanda (not sure kung yolanda) then nabangit nung teacher namin na si kuya wil ang lakas magpatalo sa sugal tapos nag donate lang daw ng 1m like putangina bakit nyo pinakikielaman yung tao eh pera nya yun di nya nga kayo pinakielaman kasi di naman kayo mga board passer need pa ba i reveal yung school?
submitted by Thin-Professor-860 to Philippines [link] [comments]


2024.05.16 20:34 tsinelaskooo Pina-barangay ako ng nanay ko.

This is the last straw for totally cutting them off.
For background, I have been working since 2013 and supported them financially throughout the years hanggang ngayon. I was in my early 20s nung time na yun. I'm exactly 34 years old now, today is my birthday.
I was more than willing to help nung early years na nagta-trabaho ako, sobrang proud pa nga ako sa sarili ko kasi natutulungan ko na sila. Minsan tini-treat ko din sila sa mga mamahaling restaurants at ipapasyal sa mga magagandang lugar, gusto ko kasing iparanas sa kanila yung mga bagay at experiences na hindi namin naranasan as a family. Mahirap lang kami, yung tiyahin ng nanay ko yung nagpaaral sakin at yung kuya ko. Ngayon lang kami naging medyo masagana because of my job.
Things became slowly toxic. Minsan pag binibigyan ko sila, sasabihin nila kulang kasi ganito ganyan although hindi naman palagi, around 6k-8k pesos to.
One time inabutan ko yung nanay ko ng 10k kasi nagkaroon ako ng extra freelance gig, the following months nag eexpect na sya na 10k yung ibibigay ko so pinagbigyan ko.
I developed depression, around 2015 sya nag start and I'm still on medication (escitalopram). Maybe because dumating na sa point na hindi ko na napa-prioritize yung sarili ko at hindi ko din natutulungan yung taong nagpa-aral sakin, hindi na din ako maka-ipon for my future. So I started questioning myself, bakit ganun nalang sila mang obliga? Sinusubukan ko namang tulungan yung sarili ko by exercising regularly and being on meds consistently.
There's a time na bumili ako ng gitara worth 16k (originally 19k pero naka-sale sya). Guess what? naging issue sya sa nanay ko, I still remember how I heard her nung sinabi nya sa ex ko "Sya nga bumili ng mahal na gitara eh!!" as if wala akong karapatan bilhin yung gusto ko with my own money. Eto yung bagay na tumatak talaga sa isip ko, kaya pag nagbibigay ako sa kanila monthly mas mabigat na sa pakiramdam ko.
Cut to the present, yung depression ko naging sobrang lala, may times na pag nagagalit ako hindi ko ma-control yung anger at nakakasira ako ng gamit. Dumagdag pa yung stressful work. Madalas super late night na ako natatapos at walang maayos na tulog.
Back in February this year, meron kaming hindi pagkaka-intindihan. Ugali ng nanay kong makipagtalo at kahit mali sya wala syang pakialam basta hindi sya magpapa-talo, so nabato ko ng susi yung TV at nasira yung screen, ganun kalala yung situation ko to the point na minsan hindi ko maalala yung iba kong ginawa once mag pass yung anger. Pinalitan ko yung TV after 2 months (worth 25k na 50 inches) and then last week, we went on a trip sa magandang beach sa Batangas with the whole family as a birthday gift sa kanya, sagot ko lahat. Why am I still doing this? kasi naaawa ako sa kanila at gusto ko mag build ng memories hanggang nandito pa sila, this was a big mistake.
Dito na nag umpisa yung pagpapa-barangay nya sakin.
The morning after ng beach trip, humirit sya ng 2k kasi wala daw benta sa tindahan nya gawa nung outing. Medyo nainis ako dito kasi feeling ko hindi sya marunong makiramdam na kaka-gastos ko lang ng halos 60k dahil sa TV at family outing namin. So medyo tumaas yung boses ko, sabi ko konting consideration, sana i-timing din yung paghingi. So anong nangyari? nakipagtalo sya then same old sh*t yung nangyari although this time yung electric fan naman yung nasira ko.
Dito na sya pumunta sa barangay kasi sigaw na ako ng sigaw at kung ano ano na nasasabi ko, nagwawala na din ako. Doon sa barangay hall inexplain ko yung side at hinanakit ko: Meron na akong baby. Pagod na ako maging breadwinner. Gusto ko iprioritize yung mag-ina ko at paghandaan yung future namin. Hindi ako maka-usad sa buhay ko dahil sa kanila.
The barangay officials understood naman my side at kung ano yung pinang-gagalingan ko.
Kung tutuusin mabait yung nanay ko, sobrang maalaga. Pero hindi lang talaga sya marunong dumiskarte at tumayo sa sarili nilang paa ni papa. Binigyan namin sila ng opportunities dati ni kuya. Katulad ng pa-lending, loading business, pagsagot nung first 2 months nung alcoholic beverages at cigarettes sa tindahan, burger at hotdog griller, etc. Kaso hindi talaga sila marunong kahit pagpapa-ikot ng pera. Ang ending kami ni kuya yung na-agrabyado.
They are on their early 60s. Tumatanda na sila pero tumatanda na din ako. Naki-usap ako sa kanila numerous times na mag effort sa pagpapa-ikot ng pera pero nakakapagod, sobrang nakaka-drain. Siguro ayaw lang talaga nilang tulungan yung sarili nila kasi alam nilang meron silang maaasahan.
So I'm opting for this, AYOKO NA. Bahala na kayo. This is the only way.
Pasensya na nanay, mahal ko pa din kayo pero napapabayaan ko na yung sarili ko. I've been generous long enough pero feeling ko naaabuso lang ako financially. I'm getting older too.
This time, I realized na kailangan ko talagang maging selfish at pabayaan kayo para maintindihan nyo na may mali din kayo at matuto kayo. Sabi nga ni ate barangay official, unahin ko yung sarili ko. So I will distance myself and I will prioritize my well-being and my family. Sobrang nakakalungkot sa part ko pero I think this is really the only way.
submitted by tsinelaskooo to PanganaySupportGroup [link] [comments]


2024.05.16 20:03 Lumpy-Ant719 ABYG kung hindi ko papansinin tito ko?

My tita is hospitalized and need nya agad dialysis kasi ang lala na nang kanyang kalagayan. Na shock ako kasi sabi ni tito hayaan nalang daw nya si tita (fr na hayaan mamatay) kasi wala daw silang pera, mahal daw dialysis kasi panghabangbuhay na commitment na at kung ano-ano pa sinasabi tungkol sa pera. Pinagsabihan na tito ko na ipagamot na si tita pero ayaw makinig. Aware din mga anak nya pero panig sila kay tito.
May kaya naman status nila. Malaking bahay at may tatlong sasakyan kaya napaisip ako bat ganyan tito ko. Meron silang tatlong anak at may jobs din pero yung isa student pa.
Baka hindi nila gusto alagaan mommy nila? Money over family? Umiiyak ako kasi parang hindi sila tito yung nakilala ko. Grabi ang greedy. Ang sama.
ps: napanaginipan ko si lolo sabi nya ebenta daw yung sasakyan nila para panggamot kaso si tito???? Wala. Walang ginawa.
ABGY kung hindi ko papansinin tito ko?
submitted by Lumpy-Ant719 to AkoBaYungGago [link] [comments]


2024.05.16 19:18 Existing-Quantity-18 I hate my dad and it's really uncomfortable living with him

Hi Reddit,
Bago ako magsimula I just want to say na pwede niyo akong sabihan na masama akong anak. Tanggap ko na. Tanggap ko na ring one day, may balik ito sa akin.
Just a few hours before I made this post, another fight broke between my family. Apat kami: Ako (26F), Parents ko (60F, 51M), at Kapatid ko (18F). Hindi ko na babanggitin ang trigger ng away, kasi maliit lang. Pero it's bound to happen kasi matagal nang nagkikimkim ang kapatid ko ng galit sa magulang namin, lalo na sa tatay ko.
Nangyari ang away sa harap ng hapagkainan. Naoffend ang Tatay ko dahil hindi niya nagustuhan ang response ng kapatid ko sa kanya. In his words, "Puro na lang galit ang meron kayo sa pamilyang to." Sabi ko sa kaniya, "Wag mo nang pahabain, kumakain tayo." Na inagreehan naman ng Nanay ko. Pero nagpatuloy pa ring mag-rant yung Tatay ko, as he always does, at pinipilit na sumagot yung kapatid ko kung bakit siya ganon.
Sumagot naman yung kapatid ko ng, "Gusto mo talaga malaman?" Lalo nang lumala ang sitwasyon. Akmang susugod na ang Tatay ko nung harangin namin siya ng Nanay ko. Laging pisikalan nauuwi ang mga away sa bahay, kaya katawan namin ang lagi naming gamit para tumigil ang gulo. Habang sinasabi ng Nanay ko na "Tama na, tama na!" Sinasabayan ko naman ng "Wag niyo na pahabain, kasi gabi na. Hindi maganda ang kalalabasan nito."
Pero hindi pa rin tumitigil ang Tatay ko. Hinahamon niya ang kapatid ko na sagutin siya sa kung bakit "ganiyan ang ugali" nung bata. In his words again, "Gustong marinig ang sasabihin ng putanginang 'yan."
By this time, nanginginig na ako sa galit. At tulad ng kapatid ko, hindi rin ito ang first time. Ugali naming magkimkim ng galit dahil alam namin ang kinahihinatnan. Walang oras na matino at kalmado ang pag-uusap sa bahay kapag galit na ang pumapagitna sa aming apat. At ang galit ko, may pinanggagalingan.
Ako ang breadwinner ng pamilya ngayon. Mula nung gumraduate ako last year at agad na nakapagtrabaho, naging responsibilidad ko na ang buong pamilya namin. Natanggal kasi ang Tatay ko sa trabaho matapos siyang maospital sa mismong araw ng graduation ko. Basta hindi na lang siya pinabalik sa trabaho, ganun.
Hindi ko kinagagalit na may sakit ang Tatay ko. Kahit ba na kasalanan niya yan, wala naman akong magawa dahil andiyan na. Ang ikinasasama ng loob ko ay bakit ito ang landas ko. Bakit ako ang umaani ng kasalanan niya? Bakit ako, mula pagkabata, ang nagtatagpi sa pamilya namin? Bakit ako, sa kahit anong aspeto, ang lagi nilang kinakapitan? Pero sa mga gantong panahon na kailangan ng may magsasalita, ng may sense, isa lang akong anak, at mababa lang akong miyembro ng pamilya?
Ikinagagalit ko rin na, mula nang makita ng Tatay ko na may anak na siyang nagtatrabaho, kahit buhay pa silang mag-asawa at may pinag-aaral na anak, ay tinanggal na niya ang responsibilidad niyang maging magulang. Na nagiging magulang lang siya sa mga gantong panahon, kung kailan lumalabas na ang sama ng loob ng mga anak niya sa kaniya, at dapat siya ang naghahari sa tahanan. Na, dahil may kapatid at mga tiyahin siyang panaka-nakang nagbibigay sa kaniya ng pambili ng gamot, ay isasahod na lang niya ang mga palad niya at maghihintay ng patak ng grasya.
At marami pang ibang dahilan.
Halos ganito rin ang mga dahilan kung bakit galit ang kapatid ko sa mga magulang namin. Dahil pakiramdam niya na luging-lugi siya sa buhay. Para bang, habang lumalaki siya, dahil andito ako na Ate niya, hindi na nila inaako ang pagiging magulang nila sa kaniya. Hindi naman siya masyadong galit sa Nanay namin. Pero masama pa rin ang loob niya dahil nung nagkaron na siya ng oportunidad na umalis at baguhin ang takbo ng buhay namin, pinili niya pa rin ang Tatay namin. Kaya kahit naiintindihan niya ang pinanggagalingan ng Nanay namin, hindi pa rin maalis ang sama ng loob sa puso niya. Ilang buwan nang depressed ang kapatid ko dahil dito at sa marami pang bagay sa buhay niya.
Kaya nanginginig na ang kamay ko kanina. Sa galit. Sa lungkot. Sa awa sa kapatid ko. At halos 2 buwan ko na to kinikimkim, mula nung nagsimula ako sa bago kong trabaho, dahil mas importante sa akin ang maniwalang may pag-asa pang gumanda ang bukas namin kung maghihintay lang ako ng tamang panahon habang ginagawa ko ang mga dapat kong gawin sa ngayon.
Pero tao lang din naman ako na may limitasyon. At hindi na ako nakapagigil kanina. Hinawi ng Tatay ko ang Nanay ko para sugurin nang tuluyan ang kapatid ko. Kaya kinuha ko ang maliit na galon ng tubig mula sa lamesa at ibinuhos ang laman nito sa kanya. Pinaliguan ko siya ng malamig na tubig. At mula non ay nagsagutan na kami hanggang sa nagpalit ng damit ang Tatay ko at pumasok sa kwarto nila. Natigil lang noong tapos na akong magsalita at kinailangan ko nang pabalikin ang kapatid ko sa pagkain.
Habang nag-uusap kaming magkapatid, nagtatalo naman ang magulang namin sa kwarto. Di rin nagtagal, kumalma na ang paligid. At nakabalik na ako sa kwarto ko para ilabas ito lahat.
May guilt na namumuo sa dibdib ko dahil sa ginawa ko sa Tatay ko. Kinailangan ko ba talagang gawin yon? Para saan ko ba talaga siya ginawa? Dahil gusto kong makaganti sa kanya para sa ginawa niya sa Nanay ko nung isang araw? Para sa hindi niya pagsali sa kahit anong pagpaplano para sa 18th birthday ng kapatid ko nung mga nakaraang linggo? Para sa hindi niya paghingi ng tawad sa akin? Sa kapatid ko? Sa Nanay ko?
Hindi ko alam. Basta sa oras na yon, alam kong kailangan ko siyang pigilan na saktan ang kapatid ko. Dahil hindi ko inoobliga ang sarili ko na maging pangalawang magulang ng kapatid ko para lang saktan niya. Dahil hindi ko isinasantabi lahat ng pangarap at mga kagustuhan ko para lang sirain niya ang kinabukasan ng kapatid ko gamit ang isa pang suntok, isa pang sipa, isa pang sampal. Hinding hindi ko siya hahayaang pagbuhatan ng kamay ang kapatid ko tulad ng ginagawa niya sa akin noon.
Di ko alam kung paano siya haharapin bukas at sa mga susunod na araw. Siguro babalik na naman kami sa dating gawi na palilipasin na lang ang panahon na parang walang nangyari. Ewan ko.
Basta ang alam ko lang, ayaw ko na kanya. At ayaw ko na siyang kasama sa bahay. Sana bigyan siya ni Lord ng lakas para makapagtrabaho ulit at madestino sa ibang lugar. Yun lang ang paraan na mas makakahinga kami nang maluwag.
Amen. Lol.
submitted by Existing-Quantity-18 to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.16 19:10 Try_Life Denying lang ang mga Manalista INC ni Felix Manalo

Denying lang ang mga Manalista INC ni Felix Manalo submitted by Try_Life to exIglesiaNiCristo [link] [comments]


2024.05.16 19:08 Try_Life Denying lang ang mga Manalista INC ni Felix Manalo

Denying lang ang mga Manalista INC ni Felix Manalo submitted by Try_Life to ExKultoPH [link] [comments]


2024.05.16 18:59 Ok_Introduction6367 25F Middle child. How do you handle negative thoughts?

So Im the middle child of the 3 sisters. Ate is a very successful in both career and love. I just graduated and on the job hunt. Youngest just started college.
To make the story short, nag away kami ng bunso. Matagal na kaming magkaaway to the point na natrato ko sya na parang hangin sa buong high school life nya. Something happened when she was in grade 7 and that nailed the coffin na Im never gonna speak with her again. (I think it was when she used my one and only black shoes, and that day I didnt have pe so I have to wear my uniform. Hindi ako nakapasok that day kasi strict ang rules ng school ko regarding uniforms).
I saw her as a bratty spoiled bossy littleshit na dapat lahat ng gusto nya nasusunod. Lagi kaming nag aaway dahil sa ugali nya at sa lagi nyang pangunguha ng gamit ko na ginagamit ko. Ang malala pa ay mababalik nalang sa akin na sira pa. She never apologized, and she even has the gal to raise her tone than mine, as if I was the one in the wrong.
I am sensitive to my own things specially my personal and art materials cause I bought them with my own money/saved allowance. Im a crafty person so i buy a lot of things. Nakikita ko sya as luho so never akong nanghingi pambili ng something I liked.
There were many time na napuno ako and pinapatulan ko na sya. But as always, sya kinakampihan at binebaby ng mama. Every time she used something na consumable or nasira nya, si mama ang taga ayos nya. Para wala daw gulo at tumigil na ako sa immature acts ko. And I think that was not the point? Im talking about her shit personality and not being respected as an older sister. But as always, laging bukang bibig sa akin ay mabibili,mapapalitan yan, matanda ka na, intindihan mo mas bata sayo ganyan ka din dati. I adjusted and put locks on my desk, cabinet and drawer, to no avail. Minsan kinukuha nyang pataho susi ko, or pinipilit nyang buksan.
And sa kwarto, napaka bossy nya. Laging nakakalat yung pinagkainan nya, and it smells, laging nakatapat sa kannya yung electric fan, and all.
Whenever we fight, I was always seen in the wrong. Ako yung sinisigawan pabalik ni mama kapag nasasapak ko na minsan. I know Im a veryyyy patient person. May mga times lang na sobra na akong napupuno, and thats the only time I put her into her place.
And this time, things escalated, at ako na yung pinapalayas since tapos naman na daw ako. Dalhin ko na daw mga gamit ko para wala nang kumuha. To be honest, wala na akong pinipiling trabaho basta may tumanggap lang. Alis na alis na din naman talaga ako. All these time napaka negative nila. Job hunting is really tiring, rejections after rejections, to the point na nawawala na self confidence ko at sobrang negative na ako sa sarili ko. Then negative pa environment ko, which is not really helpful sa pag try ko sa self improvement plan ko. Ate thinks that Im just being too emotional, na i need to grow up since the earth is big and its nonsense.
Was it really my fault? Oa lang ba talaga ako? I also want to change. Ayaw ko naman na din isipin. But whenever I'm alone, not doing anything, like before going to bed... voices just keeps pouring and pouring and I really have no control over it. Lagi akong nagcoconcert ng happy rock songs sa isip ko para lang di ko marinig yung mga shit thoughts.
How can you handle this??
submitted by Ok_Introduction6367 to adviceph [link] [comments]


2024.05.16 18:47 nars_elle Kainggit

Ang hirap nang hindi ko solo sahod ko. Mga kabatch ko nakapasa na as USRN, less than a year palang kameng nurse pero nasundan na agad nila at ready na lumipad, need nalang nila ng experience dito tas pwede na umalis.
Mga senior nurses ko rin dito sa work ngayon, since matagal na silang nurse, mga may ipon na. Sila rin nag aasikaso na mag NCLEX.
Ako, eto, nag aabang lage ng sahod para mabudget for myself and para sa bahay. Kada sahod ko, ubos, walang tira. Just enough to get by. Ni wala akong matabi para makapag asikaso ng papeles man lang kahit sa mismong pagtake ng exam.
Hirap ng ganto na nakapag trabaho ka lang, naging one day millionaire na ang pamilya. Yung tipong inaraw araw na mag aircon, halos buong araw nakabukas. Tapos hindi nagtitipid sa kuryente at tubig. Yung akala nakapag trabaho lang ang anak eh yumaman na.
Kakainggit. Gusto ko nang takasan tong buhay na to at mag abroad. Kaso pag naging selfish ako, nandun yung mentality ng mga pinoy na wala akong utang na loob sa magulang ko.
submitted by nars_elle to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.16 18:42 WritingAsleep3858 tarantadong dorm mate

so basically, may circle of friends akong nag decide mag dorm since malapit na ftf. so lahat kami don magkakakilala not until one day, yung dalawa sa circles namin (anim kami lahat sa dorm) nag decide umalis ng dorm for some personal reasons. edi need namin mapunan yung dalawa pang kulang. yung isang pumalit, hs classmates namin tapos yung pangalawa naman, hindi namin siya totally kilala since ni recruit lang sya nung hs classmates namin. nag-start talaga yung kalbaryo naming lahat nung dumating siya sa dorm.
  1. ang ingay at ang bigat niyang kumilos, walang ka pake pakealam sa mga kasama niya basta makagalaw siya
  2. nairereklamo na kami nung nasa ibabang room namin (2 floors dorm namin) na dati hindi naman. reason bat nagrereklamo, ang ingay raw namin. syempre siya yon kasi siya lang naman yung mabigat kumilos
  3. mga gamit namin na pinapakealaman ng putangina tapos kapag cinonfront mo magdadahilan na kesyo ganyan, bobo amputa di magets na bago mangealam ng gamit ng iba dapat magpapaalam muna
  4. dugyot in all aspects, yung ihi nakakalat sa bowl, yung tabo nasa floor ng cr, nagtatapon ng noodles sa sink ng banyo, hinahayaang mabulok yung mga ulam na niluluto niya sa rice cooker, hinahayaan munang amagin yung mga tambak niyang hugasin bago hugasan minsan kahit i call out mo na wala pa rin ang tigas ng mukha
  5. magnanakaw hahaha
  6. nagdadala ng lalaki sa dorm, magugulat ka wala pang 7AM may kumakatok na samin tapos yung bwisita niyang dala hindi mabawalan sa ingay ng bunganga, parehong mga walang hiya
hindi ko na maisa isa, tina type ko pa lang to kumukulo na dugo ko. ano bang pwedeng gawin sa ganyang klaseng tao/hayop? kahit kausapin namin, wala talagang epekto, lalo lang kumakapal ang mukha. not to mention na transwoman siya hahahaha may kilala akong mga trans pero hindi ganyan, ang lala niya HAHAHAHAHAHA
submitted by WritingAsleep3858 to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.16 18:42 kyutiepotato Matindi daw ugali ko sabi ni Pastora.

Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob. May rentee akong pastora. At first hesitant ako sa kanya kasi I feel like gagamitin nya “word of god” kapag siningilan na sa upa. hahaha But pumayag na rin ako kasi naaawa ako and need nya din agad ng malilipatan. Before sya magmove sa bahay, sinabi ko mga conditions ko. 1. on time magbabayad 2. i-update ako sa paid utility bills 3. needs to pay 1 month advance and 1 month deposit
Nagbayad naman bago makalipat pero mima kulang binayad nya. Nakiusap na January 30 na lang daw bayaran ang balance. (Context: January 17 sya lumipat sa apartment) pumayag ako kasi again “naaawa ako”. Nagbayad naman agad sya ng kulang.
February 17 and March 17, di sya nagbayad ng upa. I assumed ginamit nya na lang ang dvance and deposit. Hindi na rin sya nag update sa status ng bills na dapat gagawin nya monthly.
Sa end ko, okay lang baka busy lang. Buti I have my cousin na malapit sa apartment to check if nagbabayad si pastora ng water and electricity.
April 17, I messaged her para maningil. Ubos na advance and deposit nya kaya need na maningil. Nakiusap sya ulit na sa April 30 na lang magbayad dahil may hinihintay syang allowance. Again, pumayag ako.
May 2, I messaged her again para maningil pero wala pa rin. Waiting daw sya allowance. May 6, nagmessage na naman ako ulit. wala pa rin. hahaha May 8, I sent a formal and direct message with po naman as respect. frustrated and disappointed na ko dito but I kept my message sounds calm.
nagsabi na sya na magbabayad sya sa May 10 and aalis na din this month. Magbabayad na din ulit sya sa May 18 para sa rent. Then, I agreed.
May 10, I messaged her na sa gcash ko na lang ibayad. Hindi ako siniseen. :)) Totally ignored. Bakit ko alam? nagrreply sya sa cousin ko. So hinayaan ko na lang.
earlier kinausap sya ni cousin about sa water and electricity bill. turned out hindi sya nagbayad nung March and April. hahahaha hays.
I messaged pastora about sa agreement namin. Magbabayad sya sa May 18 ng rent and yung deposit nya sa utility gagamitin ko pambayad na lang sa pending nyang bill.
bigla ba naman ako blinock. HAHAHAHA ayaw nya daw kausapin ang taong tulad ko.
“nagchat sya masyadong mapagmataas. matindi ugali. umiikot lang ang mundo natin kaya wag tayo magpakampqnte. Barado ang isip at puso nya kc marka ng utak nya pera. Biblically into last days maraming sakim sa per kaya ganyan sya. ayoko sa ugali ng may ari. sayang Ganda nya.”
dinpwede iattqch convo ni pastora and cousin ko kaya copy paste na lang. hahahaha
naiinis ako sa kanya. naniningil lang naman ako pero ganyan na agad sinabi. hahahaha Ilang beses ko na sya pinagbigyan pero paulit ulit lang pati request nya sa apartment bago lumipat, pinagbigyan ko. Ngayon parang nagmamakaawa pa ko para mabayarqn lang. Akala ko ba madami kang business, pastora.
Pero at least maganda ako sabi nya. Sayang nga lang daw kasi masama ugali ko. Paano naging masama ang maningil? hahahahaha
submitted by kyutiepotato to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.16 18:36 Affectionate_JesM my mom wants to kill herself and i found out

for context my mom has gambling addiction for a decade now, i still don't believe its real but i certainly hope such thing exists kasi how else would you explain how she disregards our family? we've lost millions and currently with tons of debts (family friends). tas for sure may mga utang siya sa mga online loans kaya i get so much calls din, but the extent of these? we don't know.
willing na nga kami ni daddy kalimutan lahat for the nth time again, just so we can keep this family, pero alam mo yun? sobrang selfish niya. puro nalang siya iniisip niya nakakabaliw na. di manlang siya gumagawa ng paraan para tulungan sarili niya habang kami adjust ng adjust sa buhay. lumipat na ko dati from private to public tapos umayos tapos ngayon hindi pa bayad tuition fee ko and hindi ko alam kung makakapagexam pa ba ako ng finals. ako na nga lang mag isang anak nila tas hindi niya pa ko kayang bigyan ng focus
nag away sila ng daddy kanina and di ko yon pinansin kasi tama naman si daddy dapat nadin magising si mommy kung paanong hirap na hirap na kami.
ihing ihi na ko kanina kaya sa cr nila ako dumiretso and nakakita ako ng lubid don. and alam kong siya iyun kasi matagal tagal siya kanina sa cr.
pagod na pagod ako, kanina iniisip ko na kung puwede kayang ako na gumamit nyon? hindi ko alam kung puwede ba na ipakulong nalang siya sa kungsaan para lang umayos siya. mahal na mahal naman namen siya kaya hindi ko maintindihan bakit parang di niya kayang tulungan sarili niya
submitted by Affectionate_JesM to MentalHealthPH [link] [comments]


2024.05.16 18:33 GarbageEquivalent383 Richer Waje: A thread part 2

Siguro some of you hindi kilala kung sino to ano? admin lang naman siya dati at siya ang na gangbang ng grupo ni ~ oppps can't spill. Yan ang reason kaya siya nag resign 🤭🤭🤭 Brainy din siya e kasi she knows na may makakaalam kaya nag resign 🤭🤭 balita ko ngayon nagpopokpok na siya sa mga afam infairness ha lumelevel up ang hustle ni ateng 🤭🤭
submitted by GarbageEquivalent383 to TelrcomDDA [link] [comments]


2024.05.16 18:30 Inside-Ad-3887 ABYG dahil naiinis ako everytime nanghihingi mga kapatid ng partner ko

We are both 24 years old. 4 years in a relationship, 3 years being a live in partner. From a broken family partner ko, mother nya at tatlong kapatid (half sister isa) nasa ibang lugar, while sya, yung father nya at dalawa pa nyang kapatid ay nandito sa province. May work partner ko pero below minimum ang sahod nya. Gets ko na panganay sya kaya may mga responsibilidad pa sya sa mga kapatid nya. Pero mga te, grabe mga kapatid nya, kung makahingi kala mo may pinatago lagi, Mag oorder sila online shops tapos pag malapit na delivery date hihingi sila sa partner ko ng pera kasi wala daw silang pambayad, ayaw ng second hand na phone kasi di pa daw nya nat-try gumamit ng brand new (yung partner ko ilang taon na yung gamit nyang phone, hindi makapagait kasi walang pera) Ang gastos nila kahit alam nilang di kayang isustain ng mother nila. There was a time na binilan namin ng regalo half sister nya dahil birthday nga, ang ending yung dalawang dalaga nyang kapatid nagtampo, bakit daw sila walang regalo. Worth 70 pesos na load, 5 days hindi pinansin ng jowa ko, hindi man lang sila nakaramdam talagang kinulit kulit nila. Ang kinakasama ng loob ko, hindi nila pinapansin partner ko pag wala silang kailangan, ni kumustahin di nila ginagawa, pag naka vc sila nag b-bad finger pa sakanya. Itong rant na to kapatid nya palang na nasa mama, mas grabe ugali nong kapatid nyang nandito.
Abyg kasi naiinis ako kasi ang unreasonable nila, hindi daw sila nanghihingi sa tatay nila dahil nahihiya daw sila, mind you guys mas malaki sahod ng papa nila kesa sa partner ko, kinsenas ng partner ko, isang byahe lang ng tatay nila.
submitted by Inside-Ad-3887 to AkoBaYungGago [link] [comments]


2024.05.16 18:20 Candid-Amphibian-931 is he a Red Flag or Green Flag?

There was this guy who randomly messaged me on facebook. Before, nakikita ko na panay seen sya ng mga myday ko and send heart reactions. I don't mind nung una kasi wala naman yon for me. Pero last April 20, nagmessage siya and everything is smooth naman. We are both 24. He's very open and straightforward. He said he likes me. At the very short period of time, I get to know him. He's an open book person. He told me everything about his life and his dark secrets (vices, etc.) because he doesn't want to hide anything from me. In short, he wants to work our relationship openly. He wants to meet my parents and get to know me more.
After week, we hangout somewhere in Rizal. We had our coffee first date. At first nabigla din ako sa sarili ko, why ako pumayag? Hahahaha nabudol ako sa coffee since favorite ko din kasi and the place was also nice. I can say that date was so fun and chill. We shared a lot of stories and experiences. We also have the same humor. In short, we both happy for our first date since nagclick agad.
So mag 1 month na kaming naguusap, mejo naging busy kami sa mga life namin. Minsan hindi na sya nakakapagreply pero he will message me naman the next day about what happened. Nung nakaraan naman nagkasakit siya, naging inconsistent siya kase nga may sakit siya at di nya nahahawak phone pero nakakapagshared ng videos and post. Nagrereply pa sa comment. Mejo nafeel ko na baka ayaw nya ko kausap? nanawa agad? or baka ayaw nya lang talaga ako replyan. 😅
Minsan nakakatulugan nya ko pero okay lang naman for me kasi nagwowork din naman kasi siya. Pero minsan naman bumabawi siya hinihintay nya ko magsleep.
Also, since may bisyo siya which is alak, every saturday may session sila with his friends. He always ask me if pwede siya uminom. Syempre ako, why not? hindi pa naman nya ako jowa. He should be responsible na with his decisions. And kahit naman na jowa nya ko, not type of person na nagbabawal kase i feel like i took their happiness away from them. So ako syempre 'go' lang.
Now na we are facing problems individually, nawawala na yung consistency nya. I do really understand naman. Pero nakikita ko kasi mga posts nya and seems like he's okay naman kasi you can see naman his comments on each shared post. I feel like tinatamad lang din ako kausapin. So ako naman, i reciprocating lang the energy na binibigay nya sakin. HAHAHAHAHAHA so what do u think guys?
PS: Baka ako yung red flag or no? Hahahaha
submitted by Candid-Amphibian-931 to CasualPH [link] [comments]


2024.05.16 17:42 AlingPooring Jobless and Pressure

Mag 3 years na kong Jobless gawa ng simula nagka baby kami ni hubby. And ung status pa ni toddler ko ngayon is may GDD sya or Global Development Delayed. So parang d ko sya kaya na iwanan sa ibang tao gawa ng may special needs sya. And natatakot ako kumuha ng yaya dahil sa mga napapanood ko online na sinasaktan ang mga bata or nagnanakaw etc. Nahihiya na dn ako kay hubby kasi kahit d nya sabihin alam kong gustong gusto na nya ako mag work. Kung WFH naman, iniisip ko kung GY shift, dapat tulog ako ng morning e parang d ako mkkatulog dahil gising si toddler. If day shift naman, d rn ako mkk work kung active sya and ako working. Haaay, d ko na alam gagawin ko. Nape pressure na dn ako sa mga in laws ko na kahit d nila sabihin, of course pinag uusapan nila ako behind my back. Haaay. anong gagawin nyo if kayo nsa kalagayan ko?
submitted by AlingPooring to pinoy [link] [comments]


2024.05.16 17:38 Adventurous-Arm-2400 Me (17M) and my gf (16M) are planning to start a small business/hustle. Any advice/tips?

Me (17M) and my gf (16M) are planning to start a small business/hustle. In short, our parents supports us, they said pa nga na sila na raw ang bahala when it comes to funding the business. After knowing all that, ginanahan kaming dalawa ni gf na sumubok ng sumubok sa pag b-business, since gusto rin talaga namin na kumilos this coming school vacation. Our parents offered us some opportunities. First, sa side ng parents nya is meron silang printing business, and established na ito for at least 2 decades, her mother wants us to sell their printed t shirts, with this in mind, we're planning on starting a clothing line or at least a customizable t-shirt business and balak namin sya i-market through digital platforms like tiktok, insta, etc ( may slight popularity kaming dalawa sa mga apps nato ). Next is sa side ko nman, my parents are planning and are currently executing a 'bilyaran' business, and they just allowed me na mag add ng beverages sa menu. Coffee lover ang gf ko so it crossed my mind na bakit hindi kami ang maghandle ng coffee beverages dito since magiging 24/7 din ang bilyaran. To add, we also have in mind na if ever magkaroon ng opportunity to expand, we want it to have a seperate coffee brand, kumbaga, gagawan na namin sya ng page sa fb, like some cafe's around some area. Our problem lang sa coffee is pano kung hindi sya maging mabenta, we're both hesitant and scared na baka wala kaming mabenta or at least madisappoint namin sarili namin. Pag dating naman sa clothing brand or sa side ng mother nya, we're scared din na baka walang mag acknowledge ng aming t-shirts or ideas if ever :<. Any tips? We're both unexperienced when it comes to business so we're scared talaga, but we're both determined since gusto na rin talaga namin i-venture this early ang larangan ng pag n-negosyo. :)
submitted by Adventurous-Arm-2400 to phinvest [link] [comments]


2024.05.16 17:28 ResponsibleSlide8053 I have a partner who is depressed

Hi pa vent out lang, for context I have a partner (LDR) who's currently diagnos and also undergoing a treatment for depression. But before naman kami mag kakilala inopen nya na sakin yun and I have no problem about it. Nasa Canada siya right now and ako naman nandito sa PH. Our relationship went well for months, not until lately nagiging MIA na siya. I understand na she have depression and my mga days na low energy siya and need nya ng alone time which I give naman. But lately kasi even pag rereply sa mga chats ko hindi nya na magawa just because she said wala sya energy. Pero yun hindi ko maintindihan ay may time sya makipag bonding with her friends. Kahit wala siya update nakikita ko and aware ako na umalis siya because we have an app called Life 360. I have no problem naman about it and very supportive naman ako. Nagkaroon na rin kami ng confrontation about it before. I kept on asking na naiintindihan ko yung mga days na wala siya energy but not to the point na ni leleft nya unread yun mga chats ko, minsan seen then matatabunan nalang kasi nag update na ko ng panibago. Hindi na rin kami nakakapag usap ng maayos and even calls wala na rin. I really love her, but hindi ko maalis yun feeling na pakiramdam ko ako nalang yun nag eeffort sa relationship namin. And we have no other way para ipa feel yun presence namin sa isa't-isa, tru communication lang talaga. But I guess hindi ko na maramdaman yun partner ko sa part na to. Iniisip ko if deserve ko ba to or may problema lang talaga ako sa pag unawa. Sobra ako nalulungkot right now and hindi ko alam yun gagawin ko.
submitted by ResponsibleSlide8053 to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.16 17:26 j3ckie0714 Sa utang napupunta ang sahod ko

Ako lang ba yung akala na maaahon ko na sa kahirapan yung pamliya ko pero once na magkaroon ng sakit ang isa sa pamilya ay mahirap na makabangon ulit.
I'm currently 25yo right now and masasabi ko lang na mahirap pala talaga bumuhay ng pamilya lalo na at only child pa ako, walang kapatid na katulong sa pagtaguyod ng needs namin. Senior na papa ko and two years ago lang nastroke siya at di na makabalik sa dati niyang ginagawa.
Since then, dun na kami nagkaroon ng mga utang sa mga kaibigan ni mama na never namin talaga nagawa noon kasi sapat lang naman yung sinasahod ko para sa amin. Na-ospital papa ko for about two months at sa private na ospital pa namin siya nadala na pinakamalapit lang sa bahay namin. Umabot ng magiisang milyon yung bill sa ospital kaya tumagal talaga kami ng two months dahil di namin siya mailabas ng walang pera. Buti na lang may mga medical assistance na malalapitan kaya bumaba na lang sa 400k yung natitirang bill. Nagbayad kami ng 100k na parang down muna para makalabas na si papa pero may kasunduan or naka-notaryong kasulatan kami na may 3 months installment kami para mabayaran yung 300k.
Salary loan ko and pension loan ni papa sa sss yung pinaka-una naming option para makakuha agad ng pera para sa natitira. Lahat ng bonus ko sa trabaho sa bayarin lang napupunta. Sa totoo lang, ang pagbenta sa bahay namin na mahigit 20 years na naming tinitirhan ang unang naisip ni mama bago pa makalabas ng ospital kaso walang bumibili sa bahay namin kasi siguro luma na rin at di kami makahanap na bibili sa gusto naming presyo.
Hanggang ngayon nagbabayad pa rin kami ng natitirang 50k balance (fortunately wala pang interest kasama) kasabay pa niyan may mga money loan pa kaming hinuhulugan monthly.
Bilang breadwinner ng pamilya ko, madami na rin akong naging experience na what if hindi ito nangyari sa amin, marami na siguro akong ipon dahil medyo may kakuriputan din ako or madami na siguro akong napundar kung di lang sa utang napupunta yung sinasahod ko. May araw din na sa sobrang overthinking ko umaabot na ako sa thoughts na di ko na kaya, nakakapagod na. Gusto ko na lang matapos lahat ng ito. May times na naiingit ako sa mga friends ko sa social media kasi sila madami nang napuntahan, nabiling gusto ko din at naexperience. Kaya nasanay na rin ako na di masyadong tumitingin sa social media.
Thankful pa rin ako kahit na sobrang tipid namin sa bahay ngayon di pa rin kami napapabayaan ng Diyos. May mga times na sobrang down pero iniisip ko na lang konti na lang malapit na ako sa finish line ng mga due date. Kahit na nag-eenjoy na sana ako living my young life nagpapasalamat pa rin ako kasi kompleto pa kami ng pamilya ko nabubuhay sa hirap man o ginhawa. Ito na lang ang kaya kong isukli sa lahat ng mga paghihirap nila maibigay lang lahat ng mga pangangailangan ko.
Sa lahat ng may struggles sa buhay, madami pa tayong pagdadaanang pagsubok. Di lang natin mararating ngayon yung mga goal na naset natin pero alam kong darating pa rin ang panahon na unti unting mababawasan ang bigat na dinadala natin.
submitted by j3ckie0714 to adultingph [link] [comments]


2024.05.16 17:21 bleepnbloop Whenever I pray it’s like nakikipagchikahan lang ako kay Lord

well the title says it all. Every night bago ako matulog, ever since I was a kid, nagp-pray ako. Nung bata-bata pa ko I think of it as a sagabal sa sleeping time ko kasi dati nung sa kwarto pa ko ng mga magulang ko natutulog, binabantayan talaga ako ni mama to make sure na nagdadasal talaga ako bago matulog. Kaya hanggang sa ngayon na nasa college na ko eh nakasanayan ko na siya. First and foremost pala, di ako religious person ha. Like nagsisimba ako tuwing linggo (Catholic ako) and that’s it. Pero bago ako humimbing imbis na yung mga nakasanayan na Guardian Angel’s Prayer or Our Father or Hail Mary, eh nakikipagchikahan ako kay Lord. As in all out chikahan. I would tell him about my whole day as if nirerecap ko lahat ng juiciest details and Idk it makes sleeping so much lighter for me.
Dati kasi yung prayer ko lang eh yung Guardian Angel’s Prayer lang eh. Ngayon, diretso na ko chika like “Lord bat ganon noh…” o kaya “Grabe Lord ang laro ng mga happenings ko today ha, galing ng pa plot mo this episode” AS IN GANYAN. Ewan parang lang ako nagcacatch up sa bestfriend ko. Try niyo guys makipagchikahan kay Lord. Sa una tingin mo mukha kang tanga na nakikipagchikahan sa hangin ganun rin ako nung una. Pero idk how to explain it pero eventually nafeel ko na pinapakinggan niya talaga ako. Di ko nilalaro si Lord ha, pero I picture him with a mug of coffee or tea seated sa sofa tapos all ears sa kwento ko. Napakacomforting niyang gawin 🫶 I would rate chikahan with Lord 10000/10
submitted by bleepnbloop to CasualPH [link] [comments]


2024.05.16 17:19 breadwinnernijunhui AITA here if I don't wanna be like my mom when I become a parent?

Ayokong maging kagaya ng Nanay ko pag nagkaron na'ko ng anak. Ayokong maging kagaya nya na sa sobrang pagmamahal sa mga anak, yung mga anak nya nawalan na nang sense of responsibility. Ako yung bunso, solong breadwinner. Both of my parents e matatanda na, yung dalawa kong kuya, sobrang binaby ng Nanay ko. Walang alam sa buhay. Kaya nung matanda na sya at wala na syang maisuporta, sakin nya ipinasa.
Yung panganay kong kuya used to be a drug addict, muntik mahuli ng pulis kaya itinago ni Nanay, pina-rehab ko at sa awa ng Diyos, kahit yosi di na sya nakatikim and it's been two years. Ako lahat gumastos non. Kahit paglabas nya sa rehab, ako pa rin ang sumusuporta at yung ipon ko, sabi ni Nanay gamitin daw namin pag-abroad ni Kuya. Inaasikaso ko na yung papers nya nang bigla syang magkasakit, meron syang auto-immune disease at kailangan ng lifetime medication. Lahat ng lab tests at gamot nya, ako ang sumasagot. Normal naman sya aside sa mga flares nya sa katawan. Si Nanay kahit man lang paghugasin ng pinggan hindi nya mautos kay kuya. Sya pa nagtitimpla ng kape. Ako na pagod at puyat, hindi nya makamusta kung okay pa ba lagi syang kawasa naman ang kuya mo, lagi syang hindi natin sya pwedeng pabayaan kase kapatid mo sya. Oo andon na tayo, hindi ako nagkukulang, pero naisip ko nung bang mga panahong malakas si kuya at nagbibisyo, naisip ba nya ko? wala syang naitulong sa pag-aaral ko tapos ngayon obligado akong pasanin lahat kase nakakaawa.
Yung isa ko namang kuya, natalo sa sugal nang hindi alam ng asawa nya, si Nanay pa rin ang nagmakaawa sakin na pahiramin si kuya kase nakakaawa. Laging ganon. Laging nakakaawa. Pano naman ako? Ipon ko yun e. Pinagpuyatan at pinagpaguran ko.
Hindi nawawala ang sama ng loob ko kase bakit kailangang ako lahat? Inggit na inggit ako sa mga ibang bunso kase para silang prinsesa samantalang ako eto porke wala pang asawa, ako na ang kailangan sumalo ng lahat.
Awang awa na rin ako sa sarili ko. Ginagawa ko lahat para sa mga magulang ko pero yung mga kapatid ko pa yung nagiging dahilan bakit sila nagkakasakit.
Wala akong katuwang. Solo lang ako. Ang bigat bigat na.
submitted by breadwinnernijunhui to AmItheAsshole [link] [comments]


http://rodzice.org/