Buod ng buhay ni lam ang

Awkward encounter with a foreigner last night

2024.05.14 23:33 FreeSpryte Awkward encounter with a foreigner last night

Okay, last night me- along with my mom and brother went out to have dinner sa BGC. Pero dahil bugok ako at yung google maps- napalayo kami ng parking sa dapat kakainan namin so naglakad kami papunta (15 min walk din, sorry na di namin memorize kada street ng bgc no)
Anyway, as we're walking.. may nakasalubong kami na dalawang foreigner (middle aged and young adult yung isa- he cute btw basta yon) then dahil madaldal at kwela yung kapatid kong bano- nag commentary HABANG nasa likod lang namin sila (diba naman timang timang sana inantay niya muna kami makalayo bago siya nag comment)
"yung lalake sa tabi mo te kamukha ni Tommyinnit, hindi lang abnormal" then tumawa siya
[Note: yung streamer kasi na yon- entertaining na hyper- kaya nasabi ng kapatid ko na abnormal]
Ako naman ngumiti lang, diko na sinagot kasi gutom na gutom na kami at medyo badtrip kasi nga anlayo ng pinagparkingan namin sa high street -_-
tas few seconds later, bumilis yung lakad nung middle aged guy na sinabayan kami maglakad tas nagsalita na..
"If you have something shit to say about my son, say it to my face"
Kabado kami ng kapatid ko eh, tas dinagdagan pa niya na- "I can understand some of the words y'all sayin"
yung kapatid ko, nakangiti padin- pero kinakabahan nadin kasi di niya alam pano mag eexplain. Kaya ako nalang nagsorry at nagpaliwanag na hindi namin iniinsult yung anak niya, in fact kinocompliment ng kapatid ko kasi kamukha niya yung streamer na pinapanood namin.
After ko mag explain, nag sorry din kapatid ko- and buti naman after namin mag explain- hindi na siya sumimangot at nag explain nalang din na naiirita na kasi siya sa mga naririnig niya before at pagod nadin kasi galing sila ng anak nila mag tennis.
Anyway, ang ending is- nagchikahan pa sila ng kapatid ko tas ako sumunod na kay mama sa paglalakad.
Moral of the story? lalagyan ko na ng masking tape bibig ng kapatid ko pag maglalakad in public. Mabait kapatid ko guyths- di lang talaga mapigilan bibig niya sa mga commentary niya paminsan minsan. My brother's 17, I'm 23 btw.
Ayon- I just wanna share it kasi kahit naresolve yung issue- it still bothers me kasi ayaw na ayaw ko na maulit yon. Napagsabihan ko nanaman na yung kapatid ko, kasi we'll never know- mamaya kakaganon niya mapunta pa siya sa gulo. Basta yon kabado malala lang talaga kagabi.. buti di kami nahampas ng raketa ng mag ama.
submitted by FreeSpryte to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.14 23:00 Such_Experience_7043 Ang hirap, ang lungkot.. Ano ba talaga.

Hello,
Gusto ko lang i-share yung nararamdaman ko kasi wala akong mapag sabihan even my family, my partner.. I don't have reliable friends either to reach out, walang "one call away".
The more I age the more I get disappointed sa sarili ko, tho nakatapos naman ako, mas stable job, may savings, may kotse.. pero I know sa sarili ko na hindi pa ako kumpleto, hindi ko masabi na masaya. It feels like life is edging my for more than 20 years just to be happy.l and contented. Sobrang nakakatuwa yung mga mas bata pa sakin na nakakapag travel outside the country, with high paying jobs, bnew cars, maraming friends, good looking and marketable, maayos ang lovelife and relationship sa family.
Family wise, my father is already dead.. I can't share what I'm going through to my Mother because she's a Narcissist. I attempted so many times but I only get "Ay ako... Ako nga eh" ending, It's me that I lost my turn to share but I ended listening. I can't even share to my sisters because they also deal with their own problems and I don't wanna add up to those. To my brother, hindi kami close and he's not someone who's willing to listen.. a close minded person.
Lovelife, I have a long time partner.. Magkasama kami sa bahay pero parang wala akong kasama sa bahay kasi he's on his phone and laptop the whole time. I always try to initiate a conversation but nakikita kong parang naiirita sya kasi naiistorbo ko sya. Even in his most free time, he's on his phone then if I try talkkng to him mag susungit sya. Dumating narin ako sa point na nag snap na ako kasi nasasanay sya sa ganun, para akong naiiwan sa ere kasì parang ako na lang yung nagmamahal. Parang housemate lang turing sakin. Pag nag i-snap lang ako tsaka sya mag lalambing, pero after that let's say after a day balik na syansa routine nya. Paano ako magsasabi ng pinagdadaanan ko kung may ganitong klaseng partner ako.
I also had professional help, well.. nag gagamot parin ako for my insomnia and papitik-pitik na lang ng anti depressant pag sinu-sumpong.
I sometimes wish I was dead, kasi parang dead narin ako inside kasi wala akong enough outlet to dump all my thoughts. Siguro this reddit will somehow release like 5% pero some users here with low EQ will bash you instead of understanding you.
Alam ko, marami rin nakakaranas ng ganito. Yung hindi mahanap ang tunay na liwanag ng buhay. Kung maka relate kayo, salamat. Kung warlahin nyo naman ako saying na ungrateful ako, I can't blame you but you're not in my shoes..
Hanggang sa muli, hybernating..
submitted by Such_Experience_7043 to adultingph [link] [comments]


2024.05.14 22:44 cebldn Swimming Lesson

Maliit palang yung anak ko mahilig na sya magbabad sa pool pero never nababasa yung buhok nya, natatakot syang ilubog ang ulo sa tubig lalo pa kung malalim. 4 yrs old sya nung inenroll ko sya sa swimming class, naka 30 sessions rin sya, nawala naman ang takot at nakakalangoy na dog paddle style. Hindi pa sya nakakagawa ng any stroke kasi sa mga susunod na sessions pa yun, structured kasi ang swimming lessons. Malaki laki na rin ang nagastos ko dahil every day yung sessions, pang gas pa, pero para sakin worth it lahat yun at mas naeenjoy ng anak ko ang mga swimming namin. Super happy ko sa progress nya! Medyo nakakarindi lang marinig kasi sa family ni husband halos lahat daw sila ay marunong lumangoy, sila daw ay hinahagis lang sa dagat natuto na at isang maghapon lang daw yun. Pag nakikita nila yung anak ko na hindi pa naman ganun kagaling, sinasabi na sayang lang daw ang binayad ko sa swimming school. Pero sa totoo lang, marunong nga silang lumangoy pero wala pa akong nakitang nakagawa ng strokes talaga sakanila kasi hindi naman sila sa professional trainer natuto. Iba naman ang gusto kong mangyari sa anak ko, formal training talaga. Isa pa, hindi naman well-off to begin with ang family ni husband kaya kung sila yun hindi naman talaga sila gagastos para sa lessons. Minsan gusto ko nalang sabihin na ganyan naman ang sinasabi ng walang pang-enroll, hinagahagis lang natuto na pero ayokong maging tunog mayabang at ayoko rin ng gulo sa pamilya. And this summer, inenroll ko ulit yung anak ko sa swimming lessons para macontinue nya.
submitted by cebldn to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.14 22:03 arignzlz God's plans

Huy share ko lang totoo pala ang chismis na sinasabi ng iba, iba talaga ang plano ni Lord and importante na mag antay tayo sa ibibigay nya especially in love
I used to be the one always making an effort but guess what
i'm not anymore & i feel so much in my feminine energy kasi I feel secured by someone who doesnt question my faith when asked for assurance, ibibigay nya yun ng kusa sayo.
Kaya ikaw mhie, baka naman kaya di makapasok yung mga tamang tao sa buhay mo kasi pinipilit mo ipasok yung maling tao sa space na dapat yung mga taong deserve mo dapat
find your inner peace first and forgive yourself, all will come naturally
submitted by arignzlz to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.14 21:20 Huge-Culture7610 To my abuser

Hindi ako makatulog. You still haunt me. Sobrang pinagsisisihan kong bumaba ako sa level with you. Nahila mo ko sa pagka lugmok mo. Sa pag sagip ko sayo, sabay tayong nalulunod ngayon. Sa tuwing naalala ko kung gaano ka dugyot yung apartment mo naghahalo yung awa at galit ko sayo. Buong buhay ko akala ko sa lalake ako makakaranas ng sexual harassment pero sa kapwa babae ko pala. Putang ina nakakadiri. Sobrang nakakadiri pag one sided lang yung admiration. Tang ina niyo, di ko kayo type.
You almost ruined my life rina. Tang ina mo Narcissist na asal 11 years old. Ang baboy mo na nga, ang baboy pa ng ugali mo at ang baboy pa ng pamamahay mo. Kuskus kubeta muna bago harot at twerk!
submitted by Huge-Culture7610 to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.14 21:03 Chika_langhere89 Paano ba mag first move??

F24 may nakilala akong guy sa dating app nong medyo nabalik na sa normal after pandemic then nag dm ako sa kanya sa IG then ayon nag usap kami putol putol na usap naman yon tapos dumating sa point na nag (SOP) s3ks on phone¿ Tama ba basta ganon tapos ayun na nga hhaha pinapakita nya sakin yung dek nya tbh cute sya na pogi para saakin tapos yung work/career ni guy yun talaga yung gusto ko lol ako naman di ako kagandahan at di rin sexy mej majubis pa nga na maliit…. Going back to story after non sop na yon hindi na kami nag usap minsan nalang rin sya mag view sa story ko kaya ang ginawa ko minsan nalang rin ako mag view ng story nya pero gusto ko talaga sya di na kasi sya nag chat nong nag sop kami 1 time tapos di ko pinakita ang kiffy ko hahahahahaha takot kasi ako sa ganon. should i message him na ba?? Paano pls Gusto ko maging kami XD
*single sya walang jowa sure * nonchalant-ish na maniac * pogi matangkad at maputi * 29 na sya 24 ako // di ko alam kung daks sya kasi wala naman ako mapag compare-an saka videocall lang naman lol
submitted by Chika_langhere89 to dating [link] [comments]


2024.05.14 20:54 mosengmoseng palahinging tita

naiinis na ko sa tita ko na puro hingi akala mo may patago. sa lahat ng kapatid ni mama sya yung kapalmuks, eto namang nanay ko pwede naman sabihing sa susunod na o wala kami.
yung pinsan ko , anak nya at inaanak ko at AKO ay pareho ng bday. BEH UNANG UNANG CHAT SA NANAY KO TUWING BDAY NAMIN, BILHAN NYO NAMAN NG CAKE SI ANO! DI MAN LANG AKO BINATI, BAKA NAKAKALIMUTAN NYA SAME KAMI NG BDAY?! ANO HINGI AGAD? pero kebs lang, wala akong paki kung walang bumati sakin, ANG POINT KO?? DI MAN LANG PARINIG TYPE YUNG HINGI E, PAUTOS BEH. EVERY BDAY GANYAN! OO INAANAK KO SYA PERO REQUIRED BA NA AKO ANG BIBILI NYAN? kay mama sya nagchachat, ano bang lakas ng loob nya manghingi sakin, kay mama makapal mukha nya e.
tapos kada aalis kami like out of town, WALA MAN LANG TANONG TANONG KAMUSTA DYAN GANYN, BEH PASALUBONG DAW HA
tapos naalala ko, hihiramin kotse namin, PAGASOLINAHAN DAW AT GAGAMITIN NILA?! WTF IKAW HIHIRAM KAMI PA MAGPAGASOLINA? SANA OKAY KA LANG
may trabaho sila mag asawa, iisa lang din anak nya, ANO BAT HILIG NYA MANGHINGI? MAS GIPIT PA NGA IBANG KAPATID NI MAMA di naman ganyan kakapal ang mukha minsan hiyang hiya pa manghiram.
GUSTONG GUSTO KONG SABIHAN SI MAMA NA SABIHIN NYA KAY TITA NA NEXT TIME NA. sa totoo lang nakakainis bigyan yung mga taong ganyan, malaki na ang ulo lalo pang la-laki.
tapos eto pa, sa pasukan, ibibili nya na daw ng gamit at kami magbabayad?! GUSTO KO NALANG TALAGA MAGMURA NUNG MABASA KO YUNG CHAT NYA NA YON EH
nakabili na nga sya, naniningil na nga kay mama e PARTIDA MINAMADALI PA NANAY KO MAGBAYAD TANGINA
OO MAY PERA KAMI PERO DI NYA BA ALAM MAY KAPATID PA KONG NAG AARAL?! HINDI BA NYA YON ALAM O WALA LANG SYANG PAKI?! HAYS
submitted by mosengmoseng to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.14 20:49 Typical_Pay_9801 ang inet gusto ko nalang maglaho

pucha minsan talaga hindi maganda na madami kang alam e no. when u become an adult and understand a lot of things and the truth slaps u on the face- on how the world’s system is fucked up- nakaka baliw. i sometimes wanna give up my morality and do what others are doing, cheating the system. pucha halos lahat ng opportunities ngayon, if wala kang connections and network to build the wealth that u want to achieve, useless ang talent mo kahit gano ka kagaling. if wala kang generational wealth and business, olats kadin. if di ka active sa social media pucha walang makakaalam ng art mo. if di mo iflex fes at katawan mo walang papansin sayo lalo na kung least attractive ka. kung ginawa akong extrovert ni Lord siguro mayaman na ko ngayon. ang hirap maging mahirap. jack of all trades na hirap mag focus sa isa kaya ang ending nakahiga lang maghapon. iniisip kung ano na gagawin in dis maderpaking layp. tang inis ang init pa. wala pang aurora borealis dito sa pinas! nakakainit ng ulo sana mamatay na lahat ng tao na di lumalaban ng patas sa buhay na to. pero hindi e, akala ata ng Diyos strongest soldier nya ko simula 2020. anuna! gusto ko nalang maglaho nang di napapansin ng nanay ko at ng mga aso ko
submitted by Typical_Pay_9801 to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.14 20:30 manic_pixie_dust The Kito Family

The Kito Family
Anyone familiar with this Digital Creator? For context, Kim Enson-Lowry is a half-Filipina, half-Turkish/Cypriot (ata) who was raised in England. She used to work as a TV Producer for major networks in the UK. That’s where she met her husband, Tom Lowry who’s a TV Director. They have three kids and moved to the Philippines last year. Kim can speak fluent Tagalog because of her mom and her husband can speak Tagalog, too.
If I remember correctly, I bumped into their YT channel pre-pandemic. 2018 siguro yun tapos mag-boyfriend-girlfriend pa lang sila noon. Anyway, ang gaan ng vibes nila kaya madami may gusto sa channel nila. Tapos since andito nga sila, Tom flies for work every now and then. Say yung project nila is in Africa, lilipad sya dun and will stay for weeks to a month. Parang ganun ata. Anyway, kanina I saw their YT post saying na they will be saying goodbye to YT soon. The reason wasn’t disclosed, though I have a feeling na may problem sila since yesterday merong IG Story si Kim na parang inspirational message for people going through some challenges. Parang sabi pa na the universe daw takes something out of your life to make room for a better one, ganun ang gist. Tapos last post ni Tom sa IG March 2024 pa, wala rin Mother’s Day greeting for Kim kahit IG story. Di pa naman nya pinapalampas ang mga ganitong okasyon. Iniisip ko busy siguro pero nag-like naman sya sa mother’s day post ni Kim for her mom. Tapos sa isang vlog wala si Tom sa thumbnail. Parang feeling ko tuloy there’s trouble in paradise. Naalala ko naman yung Us the Duo dahil dito though sana mali kutob ko. Di na rin kasi ako updated sa kanila so baka kayo dito alam nyo.
P.S. Not sure about the flair but yeah…
submitted by manic_pixie_dust to ChikaPH [link] [comments]


2024.05.14 20:30 stormy_night21 NAKAKATAMPO SI LAZPAYLATER

NAKAKATAMPO SI LAZPAYLATER
So eto na nga, bibili ako ng estetik rice cooker. 😂 Ginamitan ko ng coin method and voucher. Tuwang tuwa naman ang ante niyo dahil malaki talaga ang discount! Upon checking kasi, 30 pesos lang ang overall patong kapag ni 3 month installment kay LazPayLater. So, ni-go ko na! Sadly, hindi nag proceed. PAYMENT UNSUCCESSFUL (Attached photo)
Di ko alam kung nagloloko ba LazPayLater ngayon dahil lulubog lilitaw siya sa payment option ko. Hindi naman din siya naka frozen. Pero, nanghihinayang talaga ako!! Naka pending for payment pa naman yung order ko, so, nitry ko ulit.
Chineck ko ulit installment plans, tumaas ng 60 pesos ang total na patong pag 3 month installment na! At 30 pesos kapag next month na. Dahil sa panghihinayang sa coins and vouchers, which is malaki talaga ang na discount, ni-go ko sa 1 month na lang. And ayun, SUCCESSFUL na siya. 🥹
Wala lang, katampo lang si LazPayLater. Now ko pa lang sana masusubukan ang installment niya, gusto ko rin sana ma try sa big purchases soon like gadgets, ayaw ata ako patikimin. 🤧😂
submitted by stormy_night21 to ShopeePH [link] [comments]


2024.05.14 20:25 PrismaticLeviathan As a glass child

Today, I found out what a glass child is. Basically, ito yung anak na overlooked ng magulang nila kasi may iba silang anak na mas kailangan ng tulong at alaga nila. In other words, ang Bobbie ng pamilya.
I realized I am the glass child despite being the youngest. Akala kasi ng marami pag bunso ka, ikaw na agad ang paborito. In the case of my family, my brother, the middle child and only son, gets to be the favorite of my mom. Ate ko naman, the panganay, is my Dad's favorite.
Ako, hinahayaan lang nila ako kasi ako daw yung independent at di kailangan ng bantay. Ako daw yung may kayang buhatin ang sarili kahit anong mangyari. At ako rin yung madalas nilang takbuhan pag may problema or kailangan sila. Ako yung gigisingin sa madaling araw kasi inaatake ng high blood si mommy, kailangang i-bp at i-treat. Pero ako yung di sinasabihan or inaaya kapag kakain sa labas. Kasi "ayaw ko naman sumama lagi di ba?" Ako yung ayaw pagaralin ng medicine kasi yung pera nagastos na sa tuition ni kuya sa aeronautical school pero pinangbulakbol lang nya. Ako yung nagpakahirap magluto ng noche buena pero dahil sa kampo magpapasko si kuya, iiwan nila ako sa bahay para dalhin yung mga niluto ko sa kanya. Ang ending, ako ang nagpasko magisa. Ako yung magdedebut sana kaso ikakasal si ate so hindi na lang muna icecelebrate birthday ko. Ako yung ayaw magasawa at magpamilya kasi gusto kong maenjoy ang buhay dalaga ko pero dahil naghiwalay ang ate ko at asawa nya, sa bahay sila tumira at ako ang nagalaga sa pamangkin ko. Pati pera ko pangsarili, nagagastos ko sa pamangkin ko kasi ayaw magbigay ni ate minsan ng panggastos.
I moved out of my parents' house last year and this January, my mom said something awful about my boyfriend and I think that was the last straw for me. I cut them off. Ignored lahat ng calls, text or whatever. Nangungulit pa rin mom ko para papuntahin ako sa mga okasyon ng pamangkin ko. Lahat ng messages nya would be like "uwi ka sa weekend, punta daw kayo sa kidzoona ng pamangkin mo." Or "sa Monday graduation ng pamangkin mo punta ka daw bigyan mo sya ng reward may honor sya" or kaya naman "birthday na ng daddy mo dalahan mo regalo uwi ka".
Do you notice anything? Papauwiin lang ako at maaalala lang ako kapag may gusto sila from me. Walang "anak uwi ka na tagal ka na namin di nakikita miss ka na namin. Kamusta ka na?"
Kahit wala na ako sa bahay nila, I still feel sad whenever I think about how they treat me. Ang hirap maging glass child kasi invisible ka most of the time, lagi lang magpaparaya sa kapatid mo kasi mas kailangan nila magulang mo. Ang daya naman? Bakit sila ang nagdedesisyon kung kailangan ko ng mommy at daddy ko or hindi?
Ayun lang, just wanted that off my chest. Sorry sa long post, hahaha!
submitted by PrismaticLeviathan to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.14 20:12 Weary-Ad-0 I am chronically scared of having conflict with my girlfriend

This is my first time posting something like this so please do bear with me and the long post ahead.
I’ve been in a relationship with my girlfriend for 2 years already. So much has happened in the span of our relationship. I can’t count how many waves of ups and downs have we been through already. Aminado ako, kadalasan ako yung nagiging sanhi ng problema sa amin ng girlfriend ko kasi napapagalit ko siya. Pero tuwing nagagalit siya, takot na takot ako sa kanya. Minumura niya ako, pinapakyuhan, namimisikal siya, basta mga bagay na sa tingin ko ay masama naman. Basta talaga pag galit siya, para siyang ibang tao. Inamin niya sakin before na kaya ganun siya kasi may trauma rin siya galing sa mga magulang niya at mahirap daw baguhin ang mga ganung bagay o ugali. Pero kahit ako na may naidulot na trauma ang mga magulang, hindi ko naman yun dinalala o ipinaparanas sa iba. Kaya lagi kong sinasabi sa sarili ko na I will never let my own children experience my childhood and that the family trauma ends with me.
Going back, ayun nga, dahil sa ginagawa ng girlfriend ko ay nagkatrauma na tuloy ako. Masaya kami pag okay kami. But once may magawa akong mali or maski maannoy lamang siya at makita ko yung galit niyang mukha, parang nanginginig katawan ko. Kasi naaalala ko lahat ng mga ginagawa niya sakin pag galit siya. Naalala ko pa yung mga threats niya sakin na kung ano ano lang at natatakot talaga ako don. Nakakalungkot lang kasi di ko alam bat niya ba nagagawa or nasasabi ang mga lahat na yan sakin kung mahal niya ako. Kapag may kasalanan siya sakin, ang dali ko lang siyang mapatawad. Never ko rin siyang sinigawan, minura, pinisikal, etc. Kalmado lang ako pag may problema kami pero siya hindi. Pagnagaaway kami, tinatago ko mga importanteng gamit ko kasi baka sirain niya or itapon or isunog. Naaawa talaga ako para sa inner child ko kasi hindi naman to ang inasa ko sa isang relationship kasi para lang akong palaging pinapagalitan. Naiingit ako sa mga couple na hindi nagaaway. Tulad ng mga magulang ko, hindi talaga sila nagaaway. Pero sa magulang ng girlfriend ko, madalas magaway. Ayoko sanang umabot kami sa point na kasal na kami ay maging parehas kami sa mga magulang niya.
Nagpost ako ng ganito kasi di ako makatulog kasi di ko mapigilang umiyak kasi naaalala ko mga bagay bagay na to. Inisip ko future namin. Date to marry ako at jinowa ko ang girlfriend ko with the thought of marrying her in the future. Pero naisip ko na kung pagbabasehan sa ugali niya kapag galit, parang hindi ko na gusto na siya ang maging kasama ko habang buhay at maging ina ng mga magiging anak namin. Ayoko ko rin na magcause siya ng trauma sa mga future anak namin.
I would consider myself a soft-spoken person kasi introvert ako, opposite naman girlfriend ko. Akala ko magcocomplement kami kasi nga baliktad kami. Pero parang gusto ko nalang din ng soft-spoken tsaka mabait na partner. Yung hindi ako sisigawan, yung hindi ako bibigyan ng silent treatment, yung hindi ako lalayasin tuwing magaaway kami at mas lalong magagalit pag hindi hinahabol. Yung hindi nangungurot tsaka nanunulak. Yung hindi nanununtok. Yung hindi ako itrinatrato na outlet for rage. Mas lalo lang akong umiiyak sa pagsulat ng ending ng post na to. Wala na talaga akong mapagsabihan ng problema ko kaya dito nalang.
Sana maging ayos nalang ang lahat.
Sorry po kung hindi maayos ang pagkakasulat ko. It’s really hard to reminisce, think, type, and cry all at the same time.
submitted by Weary-Ad-0 to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.14 20:02 baller2621 ABYG kung nakakapagod na friendship namin

Meron akong(F) kaibigan(F) na nakilala through another friend, online. Sa COVID pa kami nagkakilala kaya medyo matagal tagal na rin pagkakaibigan namin. Hindi kami same age kaya medyo hindi ako nakaka relate sa mga gusto niya. Kaya nagulat nalang ako kasi tinuring niya na pala ako as best friend at the time.
Story time ng slight. Noong nagkaroon na ng Face to Face, nagkwekwento siya sa fg namin na parang ayaw na sakaniya ng best friend niya (pangalanan nalang natin na si Kimmy). Si Kimmy is nagkaroon ng BF, and dahil sa BF na un nasira ang friendship nilang dalawa. Siyempre ung fg namin cinomfort siya about sa sitwasyon na 'yon, palagi niyang pinapakita sa amin na nasasaktan na siya sa pagkakaibigan nila ni Kimmy. Kaya palagi namin siya kinakampihan pagdating sa mga kwento or away nilang dalawa.
I always give it my all when giving comfort and advice, gusto ko iparamdam sa tao na I care talaga. Kaya siguro dahil do'n tinuring niya akong best friend. Don't get me wrong wala akong problema do'n, I have friends naman, pero iba kasi ung idea niya ng best friends sa akin. Hindi tugma ung ideas namin about that. I have best friends na hindi naguusal for years, pero pag nagusap na, the friendship is still there. Ung sakaniya kasi ang best friends is like always magkasama, palaging magkadikit, kailangan always keep in touch. Gusto ko maging kaibigan na palaging nandiyan para sakaniya.
Long story short, we became best friends, we always hangout each other, palagi nag vo-voice call, palagi nag uupdate about our lives. But this was during the summer, wala pa akong responsibilities kasi super free ang schedule ko. Pero ngayon I have responsibilities kasi kaka start ko lang ng college, hindi na ako masyado nakakaupdate sakaniya or just hangout man lang. Dahil do'n nag ooverthink siya na ayaw ko na sakaniya, na nagsasawa na ako. Palagi ko naman sinasabi sakaniya na may iba lang akong ginagawa or busy that day, pero gano'n pa rin. Nakakapagod na mag explain.
Palagi nalang ako nageexplain ng side ko kung bakit ganito ganiyan. Tapos ang mangyayari is babalik lang about sa nararamdaman niya. Wala man lang pagkakaintindi kung ano nararamdaman ko. Nakakapagod na, gusto ko na sabihin na ayaw ko na, pero sayang kasi ung pinagsamahan namin, lalo na kasama siya sa fg ko, baka masira pa relationship naming isa't isa.
Ba't ko naiisp na gago ako: Palagi niya akong pinapriority kaysa sa iba naming friends sa fg. Sabihin nating mas favor siya sa'kin, kasi nga best friends kaming dalawa. Palagi ako binibigyan ng mga clothes, nililibre minsan, and tbh, sakaniya ko na experience ung iba kong first time. Like first time gumala sa ganitong lugar, first time mag picture sa ganitong machine. Pero nafefeel ko kasi na sobrang unfair na naming dalawa, we have an fg, pero kaming dalawa lang palagi gumagala, hindi naaya ung iba, pinagusapan namin 'to, pero dahil do'n pinipilit niya ung sarili niya "makisama" sa fg namin. Forced ung conversations, interactions. Kahit iba kong kaibigan nagtatanong bakit gano'n behavior niya. She's comfortable around me, pero pagdating sa ibang tao, o iba naming kaibigan, hindi. Gago ba ako?
submitted by baller2621 to AkoBaYungGago [link] [comments]


2024.05.14 19:46 artemisliza grabe kayo!!

sa totoo lang ang pinaka gusto kong kdrama na may reincarnation genre ay yung scarlet heart ryeo, goblin at saimdang’s diaries which naalala ko ung vibes nya dun sa MCAI at sana lang kumikilos-kilos ang netflix na gumawa ng tv series about sa isang babae na sya pala ang makakahanap sa diary ni saint cecilia and the female mc was actually the reincarnation of saint cecilia at if this series and story exists sana makira ko si ateng cecilia na dun sya natutong mahalin ang jusawa nya si valerian.
ending song dun sa series ung “style” ni t.swift
Bakit ang ganda ng mga series na may reincarnation genre?????
submitted by artemisliza to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.14 19:35 CodThis189 hindi na kita maramdaman

i really need to get this off of my chest kasi hindi na ako nakakatulog. nakaka miss yung mga panahong ramdam kong mahal na mahal mo ako, na takot kang mawala ako. nito kasing mga nakalipas na buwan, hindi ko na maramdaman yun. nakakaya mo na lumipas ang isa o dalawang araw na hindi ako kinakausap.
siguro nga naisip mong hindi naman pala ako malaking kawalan. na marami naman iba dyan kung gugustuhin mo. kapag may hindi tayo pagka kaintindihan mas gusto mong sagutin nalang ako ng pabalang kaysa ayusin ang problema.
kapag hindi ako magpa ramdam, wala ka namang gagawin. ilang araw na akong umiiyak ng di ko namamalayan. hindi ko alam kung hanggang saan ba tayo, kung ayos ka na bang ganito nalang tayo parati.
nauubos nako. nauubos na ang pang unawa ko. kahir kitang kita ko namang hindi mo ako kailangan, heto pa rin ako ipinipilit ang sarili ko sayo. kasi mahal kita, pero mukhang mahal mo lang ako kapag gusto mo lang. hintayin ko nalang sigurong mapagod ako. tutal parang yun nalang naman ang hinihintay mo. sana di mo nalang pinilit pumasok sa buhay ko, okay naman ako non eh.
mahal na mahal kita, kahit ang sakit sakit na.
submitted by CodThis189 to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.14 19:24 asiansissysc4rlet do you think I'm gonna experience love?

For the longest of time I've never had any boyfriend, not by choice but circumstance bcs of me and the way i present myself in this world siguro. Life didn't make it easier for me pa since I'm a feminine type of gay hehehe. Tried dating app but ala and no luck sksksksk. Tapos I get jealous and get envy pa whenever i saw lgbtqia+ couples on socmed or irl na magka holding hands and pda hehe like I'm happy for them but I feel bad for myself bcs maybe ndi q na ma eexperience yung mga ganon sa buhay? Like maybe I was put on this world to be adored by ppl but not be romantically loved? But maybe just maybe na I wanna experience to fall in love - to watch sunset/sunrise with someone, to go on a little dates, drink coffee while studying, singing taylor swift songs at the top of our lungs, dancing while we're drunk, kenesu sksksksk. Pero maybe ang goal ko right now is to fall in love with my life bcs honestly nawawalan na ko ng will to live hehehe, pero how? sksksksksksks. :<<<<
***first time to post and baka mabulok sa notes app q hehe pero just wanna share lang kung anong nararamdaman q before and until now skskskskss
submitted by asiansissysc4rlet to phlgbt [link] [comments]


2024.05.14 19:11 Due-Willingness1927 My friends are taking me for granted.

Have 2 bffs here. Both are working and I'm a full time Mom. We've met during collage days. We're classmates until graduation. Lately napansin ko yung dynamics ng friendship namin.Na parang ako lang nag eefort sa friendship. Alam ko bc ang bawat isa samin sa buhay kaya lang kapag sila ang nagchat sakin, instantly nagrereply ako asap. Pero pag ako na madalas inbox zone lang or kung marereply man a month or two na ang lumipas. Last year di ko naman to iniisip. This year lang ako parang nalungkot nung na realize ko na ganito nila ko tratuhin. I tried na intindihin sila kasi nga alam ko na may work and family na. Kaya nga everytime na magkaayaan ako na laging nag eefort mag set at magtanong ng schedule nila. Excited ako kapag nagkikita kita kami. Masaya at maingay ako pag kasama ko sila. Pag kumakain madalas kkb naman unless they insist na ilibre ako or ilibre ko sila. One call away friend ako at alam nila yan. Kahit 3 am pa yan pag kinailangan nila ko at kahit nasan sila basta di naman ako magbabarko o sasakay ng eroplano, pupunta at pupunta ko. No, i do not ask them to do the same nor i expect them. At di rin nmn ako madalas mag chat. Tamang once a week or once every two weeks lang. Kaya di ko magets bat ganun nila ko gino-ghost. Madalas naiisip ko kaya siguro ayaw nila magreply kasi for sure maabala lang sila sa magiging kwentuhan. Masakit pala malagay sa ganitong sitwasyon. Parang invalidated yung feeling ko kasi taong bahay lang ako at alam nila anytime mag rereply ako pero pag ako na kailangan ko silang intindihin na busy kaya di makachat. For the past two months di ako nagchat. Inoobserbahan ko kung how long for them to notice yung absence ko. Yesterday nag chat yung isa sa mga friends ko. Nangungumusta. Nag reply lang ako ng simple "ok lang" afternun di na ko nagreply. She deserve it ba? Siguro nga pero bakit kaya nalulungkot ako ibalik yung action nya sa kanya? Gusto ko syang tawagan. Kaya lang nangingibabawa yung HIYA. Hiya na baka maabala ko lang sya kaya wag na lang. While writing this naiiyak ako kasi feeling ko nag iisa ko. Sila may ibang cicrle of friends while ako waiting lang kung kelan nila mapapansin.
Before anyone ask, nakipagcommunicate na ko sa knila. Last year pa ata nai-open ko na ganun yung feelings ko. Tinanong ko sila kung may nagawa ba ako na na-offend ko sila? Wala naman daw.
Kaya ayun. Kakapagod. Focus na lang muna sa family tutal sila yung andyan.
Kung binasa mo to siguro it's a sign na kumustahin nyo yung mga kaibigan nyo. Baka nag aantay lang din sila sa chat mo.
submitted by Due-Willingness1927 to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.14 18:50 sadpotato08123110 Advise na walang humingi

For those incoming college student, please, piliin niyo yung dream course niyo, something na alam niyong maeenjoy niyo at gusto niyo talaga.
“Sabi kasi ng parents ko...”
“Sabi kasi ng friends ko...”
“Sabi kasi ni ganito/ganyan...”
“For practicality...”
“Yung relative ko kasi ganito din...”
Stop these words,, iba pa din sa pakiramdam na masasabi mo na...
“Dream course ko to.”
“Dito ako magaling.”
“Dito ako masaya.”
Sobrang hirap kumuha ng course na hindi mo naman talaga gusto at naimpluwensyahan ka lang ng iba.
Bukod sa mahihirapan ka at masasayang ang taon, you might end up losing your happiness and yourself by trying and forcing yourself to do things you actually don't like
submitted by sadpotato08123110 to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.14 18:38 Responsible_Candy337 anong gagawin pag chinat ng taong di mo sure if break na sila ng jowa niya

Yung classmate kong guy na di ko naman close nagchat sakin few years ago, saying "imy" and nangumusta pero di ko inentertain kasi aware akong kakabreak lang nila ng ex niyang kakilala ko rin. Inisip ko pa if isusumbong sa ex although (1) wala akong friend na lalake and idk if may ganyan silang topak at randomly nagchachat ng ganyan (2) baka offensive sa ex kasi may ibang ayaw na maupdate about a person that they're trying to heal from (3) inisip ko na ako yung pinaglalaruan dito, baka akala niya papatol ako at pwede niyang paglaruan habang di niya pa makuha ulit si girl. Meaning to say, he's only taking me as a pasttime pero wala talaga siyang pake sakin. (4) Wala siyang inamin directly and di naman nangulit nung di ko nireplyan. I was actually waiting for something like that para hindi ako masabihang delulu kapag pinrangka ko.
Later on, nagkabalikan sila. My initial reaction was like (1) hayop na to, balak pa nga ata akong paglaruan. Super offensive for me kasi inaamagine kong feeling niya joke time lang ako na madaling makuha kahit na never pa pumasok sa relasyon (2) baka fc lang siya at randomly nagchachat ng weird messages.
Mukha naman kasing okay na okay rs nila. The girl is so nice and pretty kaya I really don't want to jump on a conclusion na may meaning yung chat ni guy. Hindi naman sa dinadrag ko yung sarili ko pero di ko talaga maimagine na maghahanap pa ng iba kasi package na si girl. Whereas kaya hindi pa ako pumapasok sa relasyon kasi I'm still far from being the person that I want to be.
Pero this year lang, parang lowkey na sila and idk if sila pa ba pero nagsend siya ng emoji then inunsend rin. Di naman sinundan tas di ko na lang pinansin. I really don't know if maga-ask ba ako para san yon pero di ko na lang ulit pinansin. And if may sinabi, dun na sana ako magrereply.
Nakakainis lang on my part kasi 23 years akong umiwas sa relationship drama para lang mabother sa relasyon ng iba na wala naman akong pake. Hirap din akong magconfront, kaya rin talaga di pa ako pumapasok sa relasyon kasi I still have some inner workings to do. Super frustrating na may ganitong eksena. Parang nakakaguilty kahit na never ko namang inentertain kasi wala talaga akong kapake-pake. Pero dapat ba sinumbong ko yon? Eh wala naman kasing inamin, di naman nangulit tas break na sila non. Tas now, dapat ba isumbong yung unsent emoji? Parang ang weird kasi. Di ba ako magmumukhang delulu pag sinumbong yung putaninang "unsent a message"?
submitted by Responsible_Candy337 to CasualPH [link] [comments]


2024.05.14 18:37 StarofStarlight Am I being dramatic towards sa Mom ko?

Hello! First time posting here in this thread section, please bear with me. I'm 29(f) and currently living at my parent's home. I moved out before but my Mom guilt tripped me into coming back because of my younger sibling who is non-verbal autistic. I recently resigned my job due toxic management and currently taking a break before going back. Don't worry I saved up enough money to pay my own share of rent to my parents.
Recently my Mom got mad towards me because of something and she's blaming me for it. Usually when that happens, I just ignore the words and keep nodding to make her happy. Kasi if I talk back, she'll start ranting and ranting. If I try to explain my side, she'll make snarky comments towards me. I don't know what's gotten with me today (I guess sa init ng panahon) so I snapped back and said bakit kasalanan ko yun. So yeah... lumabas ang mga kampon ni Santanas and nagsagutan kami ni Mom.
Ayun, I brought up the past how she slapped me so many times during my college years because naniwala sya sa mga Marites and yung pinagsasabi nila na buntis ako. I proved her wrong and she never said sorry for it. Her comeback? Masyadong ako OA and dramatic. Hahaha...
Tbh I never moved on from that incident. It's that day I never trusted her ever again. What should I do? Is she right?
submitted by StarofStarlight to adviceph [link] [comments]


2024.05.14 18:31 dontaskmewhy8845 What made you realize that you are silently qutting?

Naramdaman mo na ba yung habang tumatagal, nawawalan ka na lang ng pake? Sa tagal mong nagbbeg at umaasa na magbabago sya, nawalan ka ng gana?
Meron talagang mga taong ang baba ng understanding noh? Yung tipong pinapaliwanag mo palagi kung saan ka naggagaling pero wa epek. Yung wala namang cheating issue pero parang walang plano sa buhay, kampante na kung anong meron sya?
Plus, the taxi cab theory. Kahit gano ka pa magmaakawa na magbago sya, if you are not the woman he wants to spend the rest of his life with, hindi yan kusang magbabago. That hit me.
And I'm slowly realizing that I'm silently quitting. Yung ojay naman kayo, madalas pa rin may away pero wala na yung spark. Not really nafall out of love kasi may natitira pa naman. Pero naubos ka na lang talaga. Paano ba makakaalis sa ganito?
submitted by dontaskmewhy8845 to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.14 18:29 pagamesgames BDO is so unfair!! LOL

BDO is so unfair!! LOL
1st call took almost 1HR without getting anybody 2nd call only took 5mins to get someone to speak to
For context, 1st week of may may tumawag from BDO, offering AMEX Virtual Card as a partner to my current Amex Plat. Dinecline ko un Kinabukasan, tumawag ulit sila and offered 2 other cards, one of which was JCB and some other i forgot, which I agreed to… just because i dont have any JCB cards (MC at Amex lang). After that call, i received an acknowledgment text but no reference number…
Its been over a week and still no updated information mapa text or email, which made me curious kung legit ba un.
I checked online for BDO application status and sabi dun, if walang reference number, i need to call them and to follow the instructions, and so i did…
So I used my cellphone to call them, following the instructions to the T. It doesnt require me to enter my CC info but my TIN number - eto ung 1st screenshot. Dude… its taking forever!!
Tapos i remembered from here na ung mga higher tier cards daw ni BDO, may priority daw… i know my Amex Plat isnt a basic card so I called again SIMULTANEOUSLY using my globe’s wireless DUO landline - eto ung 2nd screenshot.
Since walang CC details sa walkthrough nung website instructions, i opted to choose the normal CS way using the disguise of account inquiry(which is technically true naman). IT ONLY TOOK ME 5MINS to speak to someone!!! (At this point i dropped the call sa CP ko at 58mins mark) Tapos na ung call in less than 13mins. (The call was legit and confirmed 2 CCs are still pending in status)
Hence nasabi ko na napaka unfair naman ni BDO!! I know it’s like a perk for premium card holders pero grabe naman!!! Ang laki ng disparity ng customer service!!
submitted by pagamesgames to PHCreditCards [link] [comments]


http://rodzice.org/