Pahayag ng sosyolohikal

SUNSHINE CRUZ ‘DI NA FRIEND ANG EX-BF

2024.05.01 06:03 artista_ph SUNSHINE CRUZ ‘DI NA FRIEND ANG EX-BF

Natutunan daw ni Sunshine Cruz sa relasyon ang manahimik at huwag itong pag-usapan.
“After the very public relationship I had with my ex, I’d rather keep quiet na lang,” pahayag ni Sunshine nang makapanayam siya ng entertainment press.
Hindi na nga raw sila magkaibigan ng ex niyang iyon, na obvious naman na ang tinutukoy niya ay ang half-brother ng isang aktres.
Inusisa rin si Sunshine kung may bago na ba siyang dini-date?
Sey niya, “I don’t really want to talk about it. So balato ninyo na lang sa akin, I’m turning 47. Mga anak na lang pagkuwentuhan natin.”
Nang may magtanong uli ay iginiit niyang ayaw niyang pag-usapan dahil paliwanag nga niya ay, “Hindi naman kami teenager para pag-usapan and magulo lang… magulo. So whatever I have and what I don’t have, I’d rather keep it private na lang pagdating sa love and personal life.”
Pero kahit ayaw niyang magsalita tungkol sa kanyang love life, paniguradong magre-react at may masasabi na naman ang mga mema at mga Marites.
Anyway, hindi naman nakakagulat kung may manligaw uli sa kanya dahil mukha siyang mas bata sa kanyang edad, ha!
‘Yun nga ang dahilan para mapili siyang brand ambassador ng Thiocell Glutathione Lozenges.
Pero kahit anong ganda at batang tingnan ni Sunshine ay may tumatawag pa rin sa kanya ng ‘lola’, pero dedma nga lang daw siya at kung may time ay nagbibiro na lang siya.
https://youtu.be/IvHBpeSUd4g
https://youtu.be/IvHBpeSUd4g
https://youtu.be/IvHBpeSUd4g
submitted by artista_ph to u/artista_ph [link] [comments]


2024.04.26 09:54 reinsilverio26 NEWS5: May buwelta si dating senador Antonio Trillanes IV sa pahayag ni Sen. Bato dela Rosa na ayaw na lamang siyang patulan, kasunod ng ibinunyag niyang nakikipag-ugnayan na umano ang#ICC sa mahigit 50 opisyal ng #PN P hinggil sa imbestigasyon sa 'war on drugs.' #News5

NEWS5: May buwelta si dating senador Antonio Trillanes IV sa pahayag ni Sen. Bato dela Rosa na ayaw na lamang siyang patulan, kasunod ng ibinunyag niyang nakikipag-ugnayan na umano ang#ICC sa mahigit 50 opisyal ng #PN P hinggil sa imbestigasyon sa 'war on drugs.' #News5 submitted by reinsilverio26 to Philippines [link] [comments]


2024.04.25 12:54 Rauffenburg Pag-unlad ng Doktrina ng "Sugo ng Diyos"(1922)

Pag-unlad ng Doktrina ng submitted by Rauffenburg to exIglesiaNiCristo [link] [comments]


2024.04.22 11:33 gianlucacooper To hear from Newly Baptized Old Brethren 'Bago Mamatay Naanib sa MGCI' Was Amazing Tearjerking Then, But Not Anymore

Napapaluha pa tayo noon kpg nagkkwento si Eliboy o ky yung mga matatandang Latino & Brasiliero na bago sila mamatay ay tinawag ng Dios.
Ngayon mulat na tayo na fraud ang kahit anong religion na ang mga lider nagpapayaman. Wala silang kabusugan, gayong mga mahihirap na miembros ay nagpipilit na mag abuloy kahit pagkaitan ang pamilya sa kakarampot na income nila.
Salamat sa socials nakikita natin ang greediness ng mga lider, pamilya nila't kalaguyo. Salamantalang tayo nagpapakahirap mgwork para makapagbigay ng malaking pera sa church. Sila naman gastus ng gastos.
Kapag nag isip ka pati biblia makikita mo ang mga nakapaloob ditong mga bagay ay malayo pala sa realidad at katotohanan.
Totoo nga ba si Adan & Eva? Gayong may mas mga naunang storya na katulad din ng kwento nila.
Mateo 16:28 ABTAG1978 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, May ilan sa nangakatayo rito, na hindi matitikman sa anomang paraan ang kamatayan, hanggang sa kanilang makita ang Anak ng tao na pumaparito sa kaniyang kaharian.
...HINDI MATITIKMAN SA ANOMANG PARAAN ANG KAMATAYAN, HANGGANG SA KANILANG MAKITA ANG ANAK NG TAO NA PUMAPARITO SA KANYANG KAHARIAN.
Pumanaw mga taong yon at walang kristong dumating. 100s or bala 1000s pa ang mga naging estimate ng mga lider ng religions na nangamatay na ang marami pero ang pagdating ng anak ng tao na si Jesus ay wala pa rin. FRAUD?
Kundi man madalas ay minsan2 ay nakikipag interact ang mga anghel noon simula sa Genesis hanggang Pahayag pa nga ay kasama sa eksena ng kasaysayan ng tao at pagliligtas ng Dios. More than 2 milleniums or 20 centuries na ang nagdaan ni HI or HELLO ng 1 anghel ay walang napabalita.
Kung yung reports ng mga Katoliko & Protestante na mga pagpapakita ng angels ay halatang kasinungalingan at ganun na ganon din pala ang mga kwento ng biblia, SO IT MEANS ANG BIBLE AY FAKE DIN.
Nangyari na ng paulit ulit ang mga warning sa nakasulat sa Mateo 24:3-8:
3Habang si Jesus ay nakaupo sa Bundok ng mga Olibo, nilapitan siya nang sarilinan ng kanyang mga alagad. Sinabi nila, “Sabihin mo po sa amin, kailan magaganap ang mga bagay na ito at ano ang palatandaan ng iyong pagdating, at ng katapusan ng panahon?”
4 Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Mag-ingat kayo! Huwag kayong palilinlang kaninuman.
5 Sapagkat maraming darating na gagamit ng aking pangalan, na magsasabing sila ang Cristo, at marami silang maililigaw.
6 At makaririnig kayo ng mga digmaan at ng usap-usapan ng mga digmaan. Mag-ingat kayo at huwag kayong mabahala, sapagkat kailangang mangyari ito, ngunit hindi pa ito ang wakas.
7 Lulusob ang mga bansa laban sa ibang bansa, at magdidigmaan ang mga kaharian. Magkakaroon ng taggutom at lilindol sa iba't ibang dako.
8 Subalit ang lahat ng mga ito ay simula pa lamang ng paghihirap na katulad ng sa panganganak.
Napagod ang mga Saksi ni Jehovz sa kakahintay kaya nagbago paniniwala nila from pagkagunaw ng mundo to aayusin ang lupa at gagawing paraiso.
Pati si Eliboy yung 5, 10-30yrs na paghihintay nya from Y2K ay naglapse kaya nag iba na rin ang faith sa pagdaring muli ng Panginoon.
submitted by gianlucacooper to ExAndClosetADD [link] [comments]


2024.04.18 15:35 Mr-X199 American Psycho Tagalog Copypasta

Patrick Bateman: Nagustuhan mo ba ang Huey Lewis and The News ?
Paul Allen: Hmm, Sigurado.
Patrick: Ang kanilang maagang trabaho ay masyadong bagong alon para sa aking panlasa. Ngunit nang lumabas ang Sport noong 1983, sa tingin ko sila ay talagang dumating sa kanilang sarili, parehong komersyal at artistikong. Ang buong album ay may malinis, malutong na tunog at isang bagong ningning ng walang kapantay na propesyonalismo... na talagang nagbibigay ng malaking tulong sa mga kanta. ihalintulad siya kay Elvis Costello, ngunit sa palagay ko ay may mas mapait at mapang-uyam na pagpapatawa si Huey.
Paul: Hello, Halberstram?
Patrick: Oo, Allen?
Paul: Bakit may mga kopya ng seksyong "Estilo" sa kahit saan? Ikaw ba... May aso ka ba? Ilang pagkain o ano?
Patrick: Hindi, Allen.
Paul: Cloak ba yan ang suot mo?
Patrick: Oo nga! Noong '87, inilabas ito ni Huey, Fore, ang kanilang pinakakamit na album. Sa tingin ko ang kanilang hindi mapag-aalinlanganang obra maestra ay ang "Hip to be Square", isang kanta na nakakaakit, malamang na karamihan sa mga tao ay hindi nakikinig sa lyrics. Pero dapat nilang pakinganin, dahil hindi lang tungkol sa mga kasiyahan ng pag-alinsunod, at sa kahalagahan ng mga uso, ito rin ay isang personal na pahayag tungkol sa banda mismo. Hoy Paul! SUBUKANG MONG MAG-BOOK NG MESA SA DORSIA NGAYON, PUTANGINANG HAYOP KA! PU-TANG-INANG HAYOP KA!
submitted by Mr-X199 to 2philippines4u [link] [comments]


2024.04.18 13:17 RevolutionarySwim314 Sariling interes o kasarinlan

Marami siguro nagtataka sa inyo kung bakit ito ang pamagat ng aking inilathala, kung kaya sisimulan ko ito sa pangungusap na makapagbabago ng pananaw ninyo bilang Pilipino sa mga dayuhang mananakop.
Kung ang Pilipino ay hindi marunong lumaban para sa tama at nagpapasakal sa sariling interes mula sa dayuhan ay maituturing na kataksilan sa inang bayan.
Mas pinili lang ba ng karamihan sa atin magpasakal sa salapi ng dayuhan, kumpara sa pagsilbihan ang kapwa natin mamamayan? Bakit hindi kayang tumbasan ng mga lokal na kompanya ang salapi na binibigay ng dayuhan? Kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit marami ang nagiibang bansa. Nakakalungkot lang dahil handang iwanan ang pamilya. At isa pa, napapansin ko na kapag lokal na produkto ang pinagmumulan ng pagkakakitaan ay binabarat pa nga. Gawin na lamang nating halimbawa ang nararanasan ng ating mga magsasaka at mangingisda na nagtatrabaho sa ating lupang sinilangan. Ang inaani ng ating mga magsasaka mula sa ating lupa ay binabarat lamang ng ating kapwa mangangalakal na Pilipino. Kesyo sasabihin "oversupply", "maraming importasyon". Eh bakit hindi nililimitahan ang importasyon? Oo nga pala nakalimutan ko nga pala. Na kapag mas malaking tonelada ang dinadala, Ang MIDDLEMAN ang mas malaki kumita. Mas pinangungunahan ang sariling interes at hindi ang malaking sinasakupan. Ang hinuhuli ng ating mga mangingisda mula sa ating karagatan ay nilalamangan lamang ng mga dayuhan dahil sa pananakop nito sa ating karagatan. Ganito yung possibleng mangyari kung nagpapabaya tayo sa pananakop sa ating karagatan. Ang dayuhan ay mangingisda sa ating karagatan. Ang mga hinuling isda ng dayuhan ay magiging importasyon kapag dinala sa ating bansa. Kaya ang lumalabas ay kumikita ang magnanakaw dahil may tumatangkilik sa magnanakaw. Nakilala tayo noon sa pagkakaroon ng mataas na exportasyon ng ating produkto pero bakit ngayon ay hindi na ito nadarama.
Masisisi ko din na ang iba sa mga nakaupo sa itaas ay pinapabayaan ang ating likas na yaman kung kaya ang ating bansa ay nauubusan ng mapagkukuhanan ng produkto. Gawin ko na rin halimbawa ang pahayag na "gentleman's agreement" ng noong Presidente kung saan mas pinili niya ang sariling interes kapalit sa kasarinlan ng mga Pilipino na makapangisda sa sariling karagatan. Nag mukha "tayo" mga tanga sa pamumuno ng dating pangulo. Bakit ko sinabing "Tayo" kahit hindi mo siya binoto? Dahil "Pilipino" ka. May karapatan kang kumilatis noon kung sino ang "iboboto". Dahil "Pilipino" ka. May karapatan kang kumwestyon sa nangyaring halalan. Bakit ka naging duwag? Wala naman karapatan ang dayuhan bumoto sa halalan. Tandaan mo, isa sa kwalipikasyon na bumoto ang maging isang Pilipino. Kaya hindi mo balewalain ang pribilehiyo at karapatan mo para sa bansa na ito.
Ikaw bilang isang mamamayang Pilipino ano ang mailalathala mo na saloobin ukol sa ating bansa?
submitted by RevolutionarySwim314 to Philippines [link] [comments]


2024.04.16 06:59 Kimkim3131 Albie Casiño, di apektado sa mga bashers kaugnay sa pahayag nya sa pagpanaw ng ina ni Andi.

Albie Casiño, di apektado sa mga bashers kaugnay sa pahayag nya sa pagpanaw ng ina ni Andi. submitted by Kimkim3131 to ChikaPH [link] [comments]


2024.04.15 16:21 lyingfluke414 Pahayag ni Rep. Alvarez, pinag-aaralan ng DOJ at PNP kung maituturing na "act of..." 24 Oras

Pahayag ni Rep. Alvarez, pinag-aaralan ng DOJ at PNP kung maituturing na submitted by lyingfluke414 to Philippines [link] [comments]


2024.04.12 07:59 gear_luffy China, inihayag na meron talagang naging Gentlemens agreement between Duterte and China

China, inihayag na meron talagang naging Gentlemens agreement between Duterte and China
Kinontra na ng China ang huling pahayag ni Duterte na wala siyang ginawang "Gentlemens Agreement" noong panahon ng panunungkolan niya.
Mukhang nilaglag na ng China favorite pet nila na si Mao Dee Gong para gamitin yun kasundoan sa pwersang pag aangkin sa mga isla.
submitted by gear_luffy to Philippines [link] [comments]


2024.04.09 07:59 autogynephilic Naibalik na ang kontrol ng Marikina PIO Facebook page sa mga kawani ng Public Information Office ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina.

Naibalik na ang kontrol ng Marikina PIO Facebook page sa mga kawani ng Public Information Office ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina. submitted by autogynephilic to Marikina [link] [comments]


2024.04.07 16:39 prof-dogood Panalangin para sa mga kapatid nating Katoliko sa Diocese of Kabankalan

Nung April 3, may nanloob at sumira sa mga imahen sa altar ng San Isidro Labrador Parish sa Negros Occidental habang nagaganap ang Misa.
Naglabas na din ng official na pahayag si Bishop Galbines ng Diocese of Kabankalan.
Ipanalangin natin sila, ang kanilang kura paroko, at ang kanilang parokya.
Isama na din natin sa dasal ang suspect. Kahit di natin nauunawaan ang kanyang ginawa.
submitted by prof-dogood to Katoliko [link] [comments]


2024.04.07 04:19 James_Readme Karapatang bumoto at desisyong hindi bumoto

Karapatang bumoto at desisyong hindi bumoto
Litong lito na si Sebastian Rauffenburg sa kahahanap ng maibubutas sa aking mga pahayag kaya hindi na niya naiintindihan ang kaniyang pinagsasasabi.
  1. Ang pinapalabas niya, "kung sakaling makikiisa ang mga kaanib na hindi bumoto" kung ito ang pasya ng pamamahala ay pagtanggal daw ito sa karapatang bumoto o right to vote (photo1). Maling mali. Ang mamamayang Pilipino na registered voters ay may karapatang bumoto o pwedeng bumoto kung kanilang gugustuhin.
Ang sabi sa constitution:
"Section 1. Suffrage may be exercised by all citizens of the Philippines not otherwise disqualified by law," https://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/the-1987-constitution-of-the-republic-of-the-philippines/the-1987-constitution-of-the-republic-of-the-philippines-article-v/
Bagamat responsibilidad ay hindi ito mandatory. Ibig sabihin, choice ng isang botante kung boboto siya o hindi. Sa katunayan, merong tinatawag na "voter turnout" kung saan tinitignan kung ilang porsyento ba ng rehistradong botante ang bumoto sa araw ng eleksyon:
"The Philippines has made history during the May 9 national and local elections after 83% or 55,549,791 of the 65,745,512 registered voters cast their ballots in Eleksyon 2022, the highest turn-out in the automated election history in the country." https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/832115/eleksyon-2022-voter-turnout-at-83-highest-in-ph-history/story/
Kaya kung ang isang indibidwal ay hindi makaboto sa araw ng eleksyon sa kung ano mang kadahilanan (hindi nakauwi ng probinsiya, may pasok sa trabaho/eskwelahan, may ibang pinuntahan) ay hindi ibig sabihing wala na siyang karapatan. Choice niya yun. Mawawalan lang siya ng karapatan kung hindi siya pasok sa qualification o kung madedeactivate ang kaniyang registration.
Note: Binanggit ko lang din naman na "kung ang pasya ay hindi boboto" para ipakita na kaming mga tunay na INC ay makikipagkaisa anuman ang pasya.
  1. Dahil walang maisagot na matino sa aking artikulo si Sebastian, ang ginawa na lamang niya ay pagbanggain ang aking dalawang statement at palabasin na may kontradiksyon (photo2). Kung susuriin ay wala namang magkakontra sa aking sinabi, sadyang wala sa kaniyang bokabularyo ang salitang "exemption".
Ang pinipilit kasi niya, kung may unity vote sa Pilipinas ay dapat meron din sa ibang bansa. Kaya hindi niya mabanggit banggit ang isa pang doktrina ng INC na pagpapasakop at pakikiisa sa pamamahala ay dahil hindi ito tutugma sa kaniyang argumento. Tulad na lamang ng pinakita niyang pasugo article (photo3) kung saan in-ignore ni Sebastian ang nabanggit na pagpapasakop sa pamamahala.
Ang tanong niya: Kung ganiyan, may unity ba talaga sa INC o wala?
Ang sagot: MERON! We are UNITED WITH THE CHURCH ADMINISTRATION. Anuman ang pasya, kami ay makikipagkaisa sa pamamahala kaya may pagkakaisa sa Iglesia :)
Sasabihin nila: eh di robot nga kayo wala kayong sariling pag iisip.
Choice nga namin makipagkaisa bakit magiging robot? Sa araw ng eleksyon ikaw lang nakakaalam ng iboboto mo paanong walang kalayaan don? 😅
submitted by James_Readme to TrueIglesiaNiCristo [link] [comments]


2024.04.03 10:20 Rauffenburg A HOUSE BUILT ON SAND: Iglesia Ni Cristo (INC)

A HOUSE BUILT ON SAND: Iglesia Ni Cristo (INC) submitted by Rauffenburg to exIglesiaNiCristo [link] [comments]


2024.04.02 19:31 cryogenic_insomniac What do i even reply to this crazed lunatic

So im in a debate w this OWE on tiktok and uh idk what to reply lol but rn he's literally asleep so I've got time 💀
"εκκλησιαν του χριστου” o “EKKLĒSIAN TOU KRISTOU”
Sapagkat ang nakalagay nga naman daw ay:
εκκλησιαν του θεου” o “EKKLĒSIAN TOU THEOU”
ito ang katunayan na mababasa nga daw. .
Acts 20:28 “προσεχετε ουν ‘εαυτοις και παντι τω ποιμνιω εν ‘ω ‘υμας το πνευμα το ‘αγιον εθετο επισκοπους ποιμαινειν την εκκλησιαν του θεου ‘ην περιεποιησατο δια του ιδιου ‘αιματος” [Textus Receptus]
Pagbigkas:
“prosekhete oun heautois kai panti tō poimniō en hō humas to pneuma to hagion etheto episkopous poimainein tēn EKKLĒSIAN TOU THEOU hēn periepoiēsato dia tou idiou haimatos.”
Na ito ang pinagbabatayan nila sa bat ibang mga salin,isa na Dito ang paborito nilang gamitin ang KJV. .
Acts 20:28 “Take heed to yourselves and to the whole flock, wherein the Holy Ghost hath placed you bishops, to rule the CHURCH OF GOD which he hath purchased with his own blood.” [ KJV]
Pero. itinuro din kaya nila. na ito ay may iba pang salin mula sa Bibliang greek? . .bakit kaya di nila ito pinansin. .ito po basahin natin.
Acts 20:28 “προσέχετε ἑαυτοῖς καὶ παντὶ τῷ ποιμνίῳ, ἐν ᾧ ὑμᾶς τὸ πνεῦμα τὸ ἅγιον ἔθετο ἐπισκόπους, ποιμαίνειν τὴν ἐκκλησίαν τοῦ κυρίου , ἣν περιεποιήσατο διὰ τοῦ αἵματος τοῦ ἰδίου.” (Tischendorf Greek New Testament)
Dito sa Bibliang ito imbes na “IGLESIA NG DIYOS” na sa Greek nga ay:
εκκλησιαν του θεου” o “EKKLĒSIAN TOU THEOU”
Ang nakalagay dito ay:
ἐκκλησίαν τοῦ κυρίου” o “EKKLĒSIAN TOU KURIOU”
na kung sa English “CHURCH OF THE LORD” na pinagbatayan mga salin ng mga Bibliang ito:
Acts 20:28 “Take heed unto yourselves, and to all the flock, in which the Holy Spirit hath made you bishops, to feed the CHURCH OF THE LORD which he purchased with his own blood.” [ American Standard Version]
At maging ng ating PINAKA- LUMANG BIBLIANG TAGALOG – ANG BIBLIA:
Gawa 20:28 “Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang IGLESIA NG PANGINOON na binili niya ng kaniyang sariling dugo.” [ Ang Biblia, 1905 ]
makikita po natin na sa Bibliang Greek ay may DALAWANG VERSION ang Gawa 20:28 , Sapagkat hindi nalalaman ng marami na kung papaanong maraming version ang mga Bibliang English at Tagalog ay gayon din ang Bibliang Greek. ang Mga orihinal na isinulat ng mga apostol mula pa nOon ay hindi na umiral kaya wala nang pinakatumpak kung ang "IGLESIA NG DIOS" ang pinakatumpak na salin. Atin ngayung isa isahin. kung tUmpak kaya ito. .na sa pinanghahawakan nilang salin? balik at unahin natin ang kanilang Saling ginagamit
Acts 20:28 “Take heed to yourselves and to the whole flock, wherein the Holy Ghost hath placed you bishops, to rule the CHURCH OF GOD which he hath purchased with his own blood.” [ KJV]
Sa Filipino:
Gawa 20:28 “Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pamunuan ang IGLESIA NG DIOS na binili niya ng kaniyang sariling dugo.”
BINILI NYA NG KANYANG SARILING DUGO"
may katanungan kaagad sa mga talata na yan,
-kaninung dugo ang binili? -at kaninu binili.?
atin pong suriin at basahin ang mga kasagutan.mula sa aklat ng apocalipsis.
Apoc 5:8-9 “At pagkakuha niya ng aklat, ang apat na nilalang na buhay at ang dalawangpu't apat na matatanda ay nangagpatirapa sa harapan ng CORDERO, na ang bawa't isa'y may alpa, at mga mangkok na ginto na puno ng kamangyan, na siyang mga panalangin ng mga banal. At sila'y nangagaawitan ng isang bagong awit, na nagsasabi, Ikaw ang karapatdapat na kumuha ng aklat, at magbukas ng mga tatak nito: sapagka't ikaw ay pinatay, at BINILI MO SA DIOS NG IYONG DUGO ANG MGA TAO SA BAWA'T ANGKAN, AT WIKA, AT BAYAN, AT BANSA."
malinaw po na binili ng CORDERO sa sarili nyang DUGO. .at ito ay binili nya sa DIOS. at hindi ang mismOng DIOS ang mismung bumili sapagkat ang Dios walang Dugo sagkat Espirito ang kalagayan (juan 4:24 ) sinO itong CORDERO ?
Juan 1:29 “Nang kinabukasan ay nakita ni Juan si JESUS na lumalapit sa kaniya, at sinabi, Narito, ang CORDERO NG DIOS, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan
Ang tinutukoy na CORDERO na bumili ng kaniyang dugo sa Iglesia sa Diyos ay walang iba kundi ang PANGINOONG JESUCRISTO, at hindi ang Diyos. talaga bang si Cristo ay may dugo?mula sa aklat ng HEBREO :
Hebreo 9:13-14 “Sapagka't kung ang dugo ng mga kambing at ng mga baka, at ang abo ng dumalagang baka na ibinubudbod sa mga nadungisan, ay makapagiging banal sa ikalilinis ng laman: Gaano pa kaya ang DUGO NI CRISTO, na sa pamamagitan ng Espiritu na walang hanggan ay inihandog ang kaniyang sarili na walang dungis sa Dios, ay maglilinis ng inyong budhi sa mga gawang patay upang magsipaglingkod sa Dios na buhay?”
Kaya napakaliwanag na ang tumpak na salin sa Gawa 20:28 ay IGLESIA NI CRISTO at hindi IGLESIA NG DIYOS. Balikan natin si LAMSA, anu ba ang kanyang pahayag kung bakit at anung dahilan nya nito sa
The Eastern text reads: "the Church Of Christ which he has purchased with his blood. Jewish Christians could not have used the term “God”, because in their eyes God is spirit, and spirit has no flesh and blood. It was Jesus of Nazareth who shed his blood on the cross for us, and not God.” [George M. Lamsa, New Testament Commentary, pp. 149 - 150]
Sabi sa Eastern Text: “ang Iglesia ni Cristo na binili niya ng kaniyang dugo. Ang mga Cristianong Judiyo ay maaaring hindi ginamit ang terminong “Diyos”, dahil sa kanilang mga mata ang Diyos ay Espiritu, at ang espiritu ay walang laman at dugo. Si Jesus na taga Nazareth ang nagbubo ng kaniyang dugo sa krus para sa atin, at hindi ang Diyos."
Ang Syriac Peshitta Aramaic, na siyang katutubong wika ni Jesus, isang manuskristo sa Wikang Aramaiko, at kaniyang nilinaw na ang nakalagay o nakasulat doon ay CHURCH OF CHRIST
Ang pinagbatayan ng kaniyang saling ito ay hindi ang mga manuskritong Griego kaya mali na ipinang-aatake ng iba, na maling salin daw ito dahil sa hindi nito sinunod ang mga manuskritong Griego, ano naman kaya ang katibayan nila na mali ang manuskritong Aramaiko at hindi dapat pagbatayan? Sa totoo lang walang sino man na makapagpapatunay na hindi authentic ang mga manuskritong ito.
“Ang mga Cristianong Judiyo ay maaaring hindi ginamit ang terminong “Diyos”, dahil sa kanilang mga mata ang Diyos ay Espiritu, at ang espiritu ay walang laman at dugo.” “Si Jesus na taga Nazareth ang nagbubo ng kaniyang dugo sa krus para sa atin, at hindi ang Diyos.”
Ang mga Cristianong Judiyo ay maaaring hindi ginamit ang terminong “Diyos”, dahil sa kanilang mga mata ang Diyos ay Espiritu, at ang espiritu ay walang laman at dugo.” “Si Jesus na taga Nazareth ang nagbubo ng kaniyang dugo sa krus para sa atin, at hindi ang Diyos.”
Ang mga ito ang syang napakatitibay na mga dahilang ito ang kanila munang dapat na patunayang hindi totoo, bago nila sabihin na ang pagkakasalin ng Gawa 20:28 ni George M. Lamsa ay MALI. kaya naway maging malinaw na sa lahat. at sana nakatulong sa mga nagsusuri."
submitted by cryogenic_insomniac to exIglesiaNiCristo [link] [comments]


2024.04.02 16:15 Rauffenburg Refuting Bobby Fernandez (INC Minister)

Refuting Bobby Fernandez (INC Minister) submitted by Rauffenburg to exIglesiaNiCristo [link] [comments]


2024.03.28 11:33 Rauffenburg Daniel 9:11 x Isaiah 43:5-6

Daniel 9:11 x Isaiah 43:5-6 submitted by Rauffenburg to exIglesiaNiCristo [link] [comments]


2024.03.25 07:56 James_Readme Si Ka Felix Manalo ba ay isang literal na anghel? Mas mataas ba ang aming pagkilala sa kaniya kaysa sa ating Panginoong HesuKristo?

Si Ka Felix Manalo ba ay isang literal na anghel? Mas mataas ba ang aming pagkilala sa kaniya kaysa sa ating Panginoong HesuKristo?
SAGOT: HINDI. Ang mga interpretasyong ito ay hindi sa amin nagmula kundi sa mga hindi kaanib ng Iglesia dahil hindi nila naiintindihan ng lubusan ang aming doktrina.
Kinikilala namin si Hesus bilang: 👉Sugo ng Diyos (Juan 17:3) 👉Anak ng Diyos (I Juan 4:15) 👉Tagapagligtas ng Iglesia (Efeso 5:23) 👉Ulo ng Iglesia na kaniyang katawan (Efeso5:23) 👉Pundasyon kung saan itinayo ang Iglesia (I Cor. 3:11) 👉Panginoon at Kristo (Gawa 2:36) 👉Tagapamagitan ng tao sa Diyos (I Tim 2: 5) ▪️Siya ay binigyan ng pangalan na sukat nating ikaligtas (Gawa 4:12) at aming sinasamba sa kapurihan ng Diyos (Fil 2: 9-11).
Kinikilala namin si Ka Felix Manalo bilang: 👉Sugo ng Diyos sa mga huling araw (Isa. 41:4, 9-10) 👉Anghel na umaakyat sa sikatan ng araw (Pahayag 7:2-3) at ang ikatlong anghel sa Pahayag 14:9-11
Siya ay "Anghel" sa tungkulin, hindi literal na Anghel na espiritu na iniisip nating may pakpak.
Ayon sa christiananswers.net (Protestante):
The word “angel” actually comes from the Greek word aggelos, which means “messenger.” The matching Hebrew word mal'ak has the same meaning.
Sometimes, the Bible uses these words for human beings:
▪️ordinary people who carry messages (Job 1:14; Luke 7:24; 9:52) ▪️prophets (Isaiah 42:19; Malachi 3:1) ▪️priests (Malachi 2:7) ▪️church leaders (Rev 1:20) https://christiananswers.net/q-acb/acb-t005.html
Ayon sa catholic.org (Katoliko):
"Although the word "angel" in the Bible, meaning a messenger, nearly always applies to heavenly beings, it can occasionally apply to human messengers." https://www.catholic.org/saints/angels/
Linawin na rin natin na ang pagkilala namin sa ating Panginoong HesuKristo ay hindi "tao lang" kung sabihin ng iba, kundi siya ay TAO SA LIKAS NA KALAGAYAN-- espesyal na tao, ngunit hindi siya Diyos. Meron siyang mga katangian at kakayahan na hindi nagagawa ng ordinaryong tao na tulad natin. Tulad din ng mga taong may mga kakaibang katangian at kakayahan na hindi natin kayang gawin, alam ko nakapanood na tayo non sa mga palabas sa TV, ngunit alam naman nating HINDI SILA DIYOS.
Si Ka Felix Manalo ay tulad lamang din ng ibang taong isinugo ng Diyos na tinawag na anghel tulad ni Juan Bautista (Matt. 11:10 Douay Rheims bible).
Ngunit kung may magpipilit pa rin na kesyo mas mataas daw ang pagkilala namin kay Ka Felix na isang "anghel" samantalang ang pagkilala namin kay Kristo ay "tao". Sige sakyan natin yan, pero ang tanong: MAS MATAAS NGA BA TALAGA ANG ANGHEL KAYSA KAY KRISTO?
Bibliya po ang sasagot:
"palibhasa'y naging higit na mataas kaysa mga anghel, palibhasa'y nagmana ng higit na marilag na pangalan kaysa kanila. Sapagkat kanino sa mga anghel sinabi ng Diyos kailanman, “Ikaw ay aking Anak, ako ngayon ay naging iyong Ama?” At muli, “Ako'y magiging kanyang Ama, at siya'y magiging aking Anak?”" Heb 1:4-5
https://iglesianicristoreadme.blogspot.com/2013/04/si-kristo-tao-si-ka-felix-manalo-anghel.html
https://iglesianicristoreadme.blogspot.com/2012/12/si-kristo-ba-ay-tao.html
submitted by James_Readme to TrueIglesiaNiCristo [link] [comments]


2024.03.23 16:03 Rauffenburg OPISYAL NA DOKTRINA NG IGLESIA NI CRISTO: Bakit kami naniniwalang hindi dako o isang lugal ang tinutukoy ng pariralang "Mga Wakas Ng Lupa"?

OPISYAL NA DOKTRINA NG IGLESIA NI CRISTO: Bakit kami naniniwalang hindi dako o isang lugal ang tinutukoy ng pariralang submitted by Rauffenburg to exIglesiaNiCristo [link] [comments]


2024.03.19 13:46 colorarchives4000 'It's Showtime' sets the internet abuzz with exciting teaser GMA Entertainment

'It's Showtime' sets the internet abuzz with exciting teaser GMA Entertainment
GO, GO, GO! na raw talaga ang pag-ere ng “It’s Showtime” sa GMA 7 na siyang papalit sa dating oras ng natsuging “Tahanang Pinakamasaya“.
Plantsado na raw ang pagpapalabas ng Kapamilya noontime show sa Kapuso Network at anytime soon ay maglalabas na ng official announcement ang GMA tungkol dito.
Sa latest YouTube vlog ng talent manager na si Ogie Diaz na “Showbiz Update” nabanggit nga ang balitang nakapagdesisyon na ang mga bossing ng GMA na ipalabas ang “It’s Showtime” sa iniwang oras ng “Tahanang Pinakamasaya.”
Ang ‘Showtime’ na ang hahalili sa Tahanang Pinakamasaya. Oo! Jusko, ayan! And according to our source from GMA 7 camp, antayin na lamang daw natin this week ang gaganaping mediacon ng mga bossing ng GMA at ABS-CBN.
“Kasama na riyan ang hosts ng ‘It’s Showtime’ para pormal na i-announce ang pagtuntong ng ‘It’s Showtime’ bilang bagong noontime show ng GMA 7 kapalit ng ‘Tahanang Pinakamasaya,’” ang pahayag ni Papa O.
Patuloy pa niyang chika, “Kung block timer ba ang ABS-CBN or revenue sharing ang mangyayari, naku, ayoko nang umepal, ha? Kaya hayaan na nating sila mismo ang mag-announce.”
“Sabi pa ng aking source, plantsado na ang lahat kaya let’s just wait and see kung tama ang aking source, ha!” sabi pa ng content creator.
Ang magiging isyu nga lang daw dito ay kung papayagan bang mag-promote ang mga artista ng ABS-CBN ng kanilang mga teleserye at iba pang projects sa “It’s Showtime”.
Eh kasi nga, ngayong umeere na sa GTV ang “It’s Showtime” ay hindi pwedeng banggitin ang mga shows ng ABS-CBN dahil sister channel ito ng GMA-7.
“Kasi nga, nasa GTV sila, behave sila sa pagbanggit ng title ng show kaya mga padaplis lang, mga pailalim lang ‘yung pagbanggit ng ‘It’s Showtime’ hosts kapag may nagpo-promote.
“Eh, lalo pa ngayon. Kung nasa GMA na ang ‘It’s Showtime,’ lalong hindi sila (pwedeng) mag-promote.
“Kahit nandu’n pa si Kim Chiu, hindi niya pwedeng i-promote ‘yung ‘What’s Wrong with Secretary Kim (bago niyang serye with Paulo Avelino,’” pagayag pa ni Papa O.
Samantala, may mga nakakausap naman kaming mga taga-GMA na nagsabing parang hindi sila aprub na ang “Showtime” nina Vice Ganda, Anne Curtis at Vhong Navarro ang ipalit sa “Tahanang Pinakamasaya.”
Sana raw ay gumawa na lang ng bagong show ang network para na rin sa isyu ng “identity” o di kaya’y i-extend na lang ang oras ang “TiktoClock” nina Pokwang at Kim Atienza.
submitted by colorarchives4000 to GNASIWN [link] [comments]


2024.03.04 11:30 artista_ph JACLYN JOSE, INATAKE SA PUSO SA EDAD 60, PUMANAW NA

JACLYN JOSE, INATAKE SA PUSO SA EDAD 60, PUMANAW NA
Sa isang Facebook live ng ABS-CBN News, ibinahagi ni Andi Eigenmann ang mga detalye ukol sa pagpanaw ng kanyang inang si Jaclyn Jose sa edad na 59.
Noong Lunes, ika-4 ng Marso, nagpahayag si Andi sa publiko ng dahilan ng pagpanaw ng beteranang aktres. Sa kanyang pahayag, sinabi ni Andi, "I announced the untimely passing of my nanay, Mary Jane Guck, better known as Jaclyn Jose at the age of 60 on the morning of March 2nd, 2024 due to myocardial infarction or heart attack"
Bukod dito, nagpasalamat si Andi sa lahat ng nagpadala ng kanilang mga dasal at pakikiramay habang sinusubukan ng kanilang pamilya na harapin ang masamang pangyayari. Nanawagan din siya ng privacy para sa kanilang pamilya sa panahon ng kanilang pagluluksa.
Ayon kay Andi, umaasa siya na ang pagbabahagi niya sa publiko ng dahilan ng pagkamatay ng kanyang ina ay makatutulong na hindi magkaruon ng iba't ibang haka-haka at spekulasyon hinggil sa nangyari kay Jaclyn.
Tandaan na bago pa lumabas sa mga pahayagan ang ulat, inumpisahan na ng management ni Jaclyn ang pagkumpirma sa kanyang pagpanaw.
JACLYN JOSE, INATAKE SA PUSO SA EDAD 60, PUMANAW NA
https://youtu.be/KqKHP590QSQ
https://youtu.be/KqKHP590QSQ
https://youtu.be/KqKHP590QSQ
JACLYN JOSE HEART ATTACK JACLYN JOSE CAUSE OF DEATH andi eigenmann

https://preview.redd.it/gc73kq8moamc1.jpg?width=1920&format=pjpg&auto=webp&s=c79c4779ad762b3c9bd7b62c8bd18fa9a899ae70
submitted by artista_ph to SHOWBIZ_TSISMIS [link] [comments]


2024.03.04 10:26 eloe29 Death and scoop

Death and scoop
Nakailang personalidad at celebraties na namatay pinangunahan ang pamilya sa pag-anunsyo ng kamatayan nila. Lagi tuloy inaccurate ibang info katulad ng edad. Yung kay Ronaldo Valdez nauna pa pulis, mga vlogger sa pag-post at mali edad nito.. Kay Mario Dumawal maling edad din.
submitted by eloe29 to Philippines [link] [comments]


2024.03.03 16:28 LovelyHeartAngeles Learning Log 1: Ang semyotika ay masasalamin kahit saan.

Ang semyotika ay malayo sa mga pilosopikal kong interes. Siguro dahil sa palagay ko noon, hindi ito sing tanyag ng iba pang pilosopikal na tradisyon. Subalit, nababago na ang perspektibo ko ukol rito habang sinusuri ang libro ni Daniel Chandler. Isa sa nakapukaw ng aking interes sa introduksyon nito ay ang pahayag na "semiotics could be anywhere" dahil sinasalungat nito ang dati kong pag-aakala na isa lamang itong pangkaraniwang ideya tungkol sa mga senyales. Ngayon ay nabigyang linaw sa akin na hindi ito nakatali lamang sa mga biswal na senyales dahil ito ay umaabot sa iba't ibang bagay upang saklawin ang mga partikular na disiplina at maging ang mga panlipunang norma. Sinasang-ayunan ko ang pahayag na nagsasabing ang semyotika ay masasalamin o matatagpuan kahit saan sa pang-araw-araw na buhay at kumbinsido ako na ito ay may mahalagang papel sa pag-unawa sa komunikasyon, representasyon, at kahulugan sa iba't ibang konteksto ng kultura, lalo't higit sa pag-asimila sa mundo.
submitted by LovelyHeartAngeles to Semiotics2024 [link] [comments]


http://activeproperty.pl/