Kuwento tungkol kay zeus

i don't like doing group projects with my cof

2024.05.13 16:10 ningningdungie i don't like doing group projects with my cof

So may group project kami sa MIL na about sa mga Microsoft Office apps. Sabi ni ma'am, kami na raw bahala mag-group sa sarili namin kaya nagdecide kami ng cof ko na kami-kami na lang since sakto na yung bilang namin. Binigyan kami ng 1 week para gawin yung project. after ng uwian namin, nag-chat ako sa GC namin kung paano namin gagawin yung project, at lahat sila ang sumagot na "mamaya na 'yan, matagal pa naman ang deadline" at "paawat ka muna teh, kakauwi lang natin." kaya sabi ko, "sige." tapos, nung 3 araw bago ang deadline, ni-chat ko ulit sila kung kailan namin gagawin yung project, iniba nila yung usapan. Nakakainis kasi gusto ko nang gawin para hindi kami matambakan. Lahat ng mga kaklase namin tapos na, kami na lang hindi pa. Tapos kinabukasan no'n, ni-chat ko ulit sila tungkol dito, pero in-ignore lang nila yung chat ko. Noong nag-reply yung isa kong kaibigan na nagrereklamo kesyo ang dami raw pinapagawa ng teacher namin saka sila nag-chat sa GC, nainis na ako kasi parang wala talaga silang balak na gawin. Kaya tinanong ko yung teacher ko kung pwede ko na lang ituloy mag-isa kasi parang wala pa rin silang balak gawin. Sabi ng teacher ko magcha-chat daw siya sa GC namin. Ito yung chat ni ma'am: "I will remind you all about our project, the deadline is on Sunday. Make sure tapos na kayo ah." Tapos biglang nag-chat yung kaibigan ko sa GC ng cof namin ng "ayan na nagparamdam na si ma'am." kaya tinanong ko sila, "so kailan niyo balak gawin?" pero in-ignore na naman nila ako 😭😭😭. Nainis na ako, kaya nag-open up na ako sa kanila na naiinis na ako kasi malapit na yung pasahan at hindi pa rin kami tapos. Sinabi nila hindi daw kasi nila alam kung paano gawin yung project kasi tulog daw sila nung diniscuss ni ma'am yon. Sabi ko, "madali lang naman 'yon." Biglang sumingit yung isa, "edi ikaw na lang gumawa, alam mo pala e." tapos nag-agree at tumawa 'yong ibang friends ko. doon na talaga ako nainis kaya nag-beg na ako kay ma'am na ako na lang mag-isa gagawa, wala na akong kagrupo. buti na lang pumayag si ma'am. ngayon, no'ng nalaman nila na gumawa na ako at pangalan ko lang nakalagay, nagalit sila kasi ang selfish ko raw 😭😭👊🏻👊🏻
submitted by ningningdungie to studentsph [link] [comments]

2024.05.12 21:49 EPHYM0RPHY Panganay si Nanay

Hello. I just really need to vent out, and feel free to give me an advice but please do avoid "criticisms" because that is not what my troubled mind is needed right now. Sobrsng mahaba ito but if u could bear with me :)
I'd like to tell you about my Mama. Si mama siya lang yung napagtapos nina inay at itay (grandparents). Kaya guess what? Nakatatak na sa utak niya na tungkulin niyang tumulong sa mga kapatid nya dahil "siya lang ang may kakahayan." That she's the only one capable dahil sya lang ang may stable job. Si mama never siya nagmissed tuwing occassions -sa kanya lagi malalaking gastusin/ambag; she rents the place, pays for everyones accomodations, and/or foods. Wala kang maririnig na reklamo mula sa kanya. Why? Dahil sanay siya, and gusto niyang tumulong sa pamilya niya. Each and every "sahod" na marereceive nya lagi sya may bigay na material na bagay sa mga pamangkin and/or sa mga kapatid(8) niya (ages 30-50 na may kanya kanyang pamilya na din) especially sa youngest nila (30M)
Kaso lang.. Nastroke si Mama. Si mama na maingay, di na makapagsalita. Si mama na gala, di na maihakbang ung mga paa niya. Si mama na malakas kumain nangangayayat na. Hindi nya na manguya pagkain niya. Luckily I didn't have to stop schooling para maalagaan siya dahil kasagsagan ng online classes and asynchronous learning noon. I had to bathe and change her clothes/diapers right after magsagot, then feed her while having lunch myself tuwing break time namin of 30 mins. Never ako nandiri sa kanya, and I never will. But di ko maiwasang mag isip why I'm doing it. Ginagawa ko lang ba to as "utang na loob" kay Mama dahil ginawa niya rin para sa akin to nung bata ako? Or am I doing this out of my love for her? (Do tell me what you think about this din po)
Nastroke si Mama. Pero bat ganun? Ung mga kapatid niyang "tinulungan" niya di siya matulungan ngayon? Don't get me wrong. Hindi ko po nilalahat ung mga siblings niya. BUT some of them are. My tita (younger sister ni mama) bought her some fruits and kasama niya si inay, I saw them crying habang kausap si mama na nakangiti lang, then they prayed for her recovery habang hawak nila kamay ni mama. Now onto the main problem ko po. Dumalaw naman yung youngest bro ni Mama. Wala siyang dalang kahit ano. Ni hindi niya kinumusta si mama, tinitigan niya lang. Guess what? Binawasan niya pa yung mga dala ng bumisita kay mama that day. During her recovery, hindi muna nakakapagbigay ng "tulong" si Mama sa kanila. Hindi ko alam kung bawi ba to or what but after her recovery dumagsa bigla ang "may xtra k b dyan?" "pahingi nmn-" "bigyan mo nmn muna-" NI HINDI PA NAKAKALAKAD AT NAKAKAPAGSALITA NG TUWID SI MAMA.
Kaya naman si mama, bumalik na sa trabaho niya miski hindi pa siya fully recovered. Tinanggap siya ng supervisor nila magwork dahil he pitied her. San nalang kami dudukot ng pang kain and baon to go to school? Keri naman masustain ni ate and papa(stroke survivor din) ang pang araw araw namin, "paycheck to paycheck" kumbaga, kaso di matiis ni Mama na di tumulong sa kapatid niyang bunso na nakabuntis at need ngayon ng pera para sa pangsngsnak and pagpspakasal nya sa nabuntis niya.
Now after mamuhay ng paycheck to paycheck, thankfully unti unti n din nagrecover ang finances namin. Kahit 2 na sila mama and papa na need ng maintenance ngayon, at least they can go back to their normal lives na without being hindered "too much" ng physical disabilities nila. But nagulat kami dahil bigla nalang pumapayat na uli si mama and medj sumasakit ang ilang parts ng body nya, kaya binalik namin ang physical therapy niya every day, and ako namsn sng nagmamassage at night. Not until nslaman ko ns tinitipid nya psla sng maintenance niya. For what? PARA MAY MAITULONG SA YOUNGEST BRO NYA NA MAY SARILI NG TRABAHO PERO SA KANYA PA HUMIHINGI NG BAON. I also found out ns everyday na pala humihingi ng pang ulam ung pamilya nila ksy mama. KAYA PSLA SABAW LANG INUULAM NI MAMA SND DI NIYA KINAKAIN UNG MGA MEAT AND VEGGIES FOR HER, PARA AYUN SNG MAIBIGAY NIYA SA KSPATID NIYA. Pati pambaon ng anak nung girl (anak from ex bf) sa kanya din inihihingi. Ultimo pambayad sa mga clearance snd pampamedical nila kay mama sila humingi, tapos si msms di maksbili ng sarili niyang gsmot. How ironic diba?
Hanggang sa hindi na ako nakapagtimpi. Nung gsbing yon, nanghingi nanaman sils ng pang ulam at baon nila sa trabaho st bson na rin ng anak nila sa school bukod p ung meryenda nubg bunso nila (real anak nung bro ni mama). Kaya naman nung nabasa ko ung chat ns yun, dinala ko ung isang kalderong ulam na panghapunan dspat namin at saka ilang balot ng lava cake st dinala lahst yon sa bahay nila. Nagkataong wala ung kapatid nya at may bata kaya hindi ko nagswsng ilabas ung mga sama ng loob ko sa kanilang matagal kong kinimkim! At ang nasabi ko nalang ay "Last nyo na yan ha? Inaraw araw nyo na si Mama. Pati pambaon ng buong pamilya nyo kanya na. Maawa naman kayo please!" I know, ang anti climatic haha. Then lumabas ako and di mna ako umuwi dahil di ko mapigil luha ko sa galit. Then nspansin ni Inay dahil compound yung bahay nila snd narinig niya pala yung sigaw ko. Sino raw yung kaaway ko? Kaya nag open up ako sa kanya, thinking that she'll understand and help mama. But guess what? Sabi niya "Hayaan mo nalang kasi Mama mo ang may kayang tumulong eh" Nagpantig yung tenga ko. Saksi siya sa hirap ni mama nung nastroke sya. Matapos niya marinig mga pinaggagawa kay mama nung kapatid niya, ano? "Hayaan mo nalang-" ayun ang masasabi niya? Why did u shed tears nung nastroke sya? Was it because wala nang tutulong sa bunso niyo kapag hindi gumaling si mama? Paano naman si Mama? Si mama na panganay na mas kuba pa sayo dahil siya ang pinagpasan mo ng mga responsibilidad mo. Di ako nakaimik agad ...
"Inay. Anak mo rin si Mama-"
then biglang pumasok yung isa pang bro ni mama na puro online sabong at utang din kay mama. Pauwiin na daw ako. Chinat nya psla si mama nung nagpunta ko dun at nag iiyak. And pag uwi ko, ayun, nagpang abot nanaman kami.
Alam nyo ba, si mama ang nagpaaral sa bunso niysng kspatid. Kaso di sya nskatapos. Di siya nskatapos di dahil kinapos si mama, di siya nskatapos dahil nagbulakbol siya at naging tambay sa mga com shop. Pero binaliwala ni mama yung mga pinagpagursn niyang pera pang tuition nun. At dahil nga hilig nya sa comp shop, pinakiusapan ni mama yung kapatid ni papa para bigyan ng trsbaho yung kapatid niya na tungkol sa computer. Ksya nsman nagkatrabaho siya. Kaso ano? Hindi na pala pumapasok sa trabaho, kesyo may nsrsrsmdsmsng ganito ganyan, hanggsng ngayon sa bago niyag trabaho ayan lagi dshilsn. Samsntslsng si Mama na pipilay pilay maglakad sy nstitiis tumayo ng ilang oras para makapagtrabaho araw araw nang walang mintis? Tapos siya na walang kapansanan sipunin lang ay tetengga nslang buong araw at manghihingi ng kung anu ano kay Mama na nagsusumikap?
"Ako lang kasi ang nakatapos sa amin-" " Wala pa kasing suwerte yung kapatid ko nak-"
Gusto kong sabihin na wala talagang suwerte. Na yung pagtatapos niya? Pinagsikapan niya yun. Yung oportunidad niya makakuha ng magandang trsbaho? Nakuha niya yun kasi hinasa niya yung sarili niya at naghanda para dun. Gusto kong magalit kay Mama, pero naaawa ako kay mama. Akala ko binti ang problema, pero bakit pati sa mga mata niya may mali na? Hindi niya ba makita o nagbubulag bulagan siya sa mga pananamantalang ginagawa sa kanya ng sarili niyang kadugo?
Ang bait ni Mama... kaya nakakainis si Mama. Nakakainis makita siyang sinasamantala ng sarili niyang pamilya. Nakakainis na sa tuwing kinakausap at pinagsasabihsn namin siya tungkol dito sumasama ang loob niya. Nakakainis kasi di niya makita na kailangan niya unahin tulungan sarili niya bago ang iba. Nakakainis na kinampihan niya ang nanay niyang hinahayaan lang siya. Paano ko ipapaintindi sa kanya ang mga ito ng hindi sumasama ang loob niya? Nagiging kalaban bigla ang trato niya sa amin dahil pinipigilan namin siyang "tumulong" sa kapatid niya. Mahal ako ni Mama, at mahal na mahal ko siya. Pero bakit sa tuwing ito ang usapan ay nskakalimutan niyang anak niya ako at kami ang mga taong habang buhay ay nasa panig niya?
submitted by EPHYM0RPHY to PanganaySupportGroup [link] [comments]

2024.05.12 17:51 Lavenderofthevine r/ABYG para sa pagiging nalinggit ko sa aking ex-bff?

Hi, ako si Lavender. Hindi ko ibubunyag ang edad o pangalan, pero tawagin na lang natin ang ex-bestfriend ko na si Slime at ang boyfriend ko ngayon na si Bee. Pareho kaming nagkagusto ni Slime sa lisang lalaki, pero mas gusto lang pala niya si Slime. Handang gawin ni Slime lahat para sa akin, kahit alam niyang may gusto rin siya kay Bee. Hindi ako pumayag, pero ilang buwan pa lang, umamin si Bee sa akin. Masaya ako, pero may bahagi pa rin sa akin na naapektuhan dahil si Slime ang naunang nagustuhan ni Bee, hindi ako. May insidente na hinalikan niya si Bee sa pisngi, kahit alam niyang may relasyon na kami ni Bee. Hindi ko siya na-confront noon, pero sabi ng isang kaibigan namin, weird daw yun. Naiinggit ako sa closeness nila ni Bee; tuwing mag-uusap kami ni Bee, si Slime na ang nasasangkot, at sila na ang nag-uusap. Ilan buwan pa, naghiwalay kami ni Bee. Sinabi ni Slime na alam na niya noon pa at pinagsisisihan niya yun. Kinabukasan, sa klase, patuloy niyang sinasabi na ramdam niya ang sakit na nararamdaman ni Bee. Tumango lang ako pero sinabi ko rin sa isang kaibigan tungkol dito, at sinabi niya na pansinera si Slime. Sinabi ko na kung ganun rin lang, bakit hindi niya jowain si Bee? Pagkalipas ng isang taon, nagtapos ang pagkakaibigan namin dahil sa ugali niya. Nang sa wakas ay harapin ko siya tungkol sa halik na insidente, napansin ko ang napipilitang tono niya sa sorry. Hanggang ngayon, nakikita ko pa rin siyang nagpopost ng mga ganoon; hindi kasalanan niya kung nainggit ako.
Gago ba ako dahil iniisip ko na hindi talaga ako ang nauna at parang ako pa ang naninira sa kanilang pagkakaibigan?
submitted by Lavenderofthevine to AkoBaYungGago [link] [comments]

2024.05.12 13:03 umiscrptt I think my brother is cheating on her girlfriend

Base sa title alam niyo kung paano magpo-flow ang kuwento.
Ang kapatid ko (27M) ay breadwinner ng family namin dahil wala pa akong trabaho, busy ako sa pag review sa board exam (29F). I met her girlfriend a CPA once, a sweet girl, napakagentle saakin at sakanya. Obvious na maalaga at well, mahal ang kapatid ko.
My brother and I are close, sinasabi ko sakanya ang karamihan na problem ko and he is very supportive sa ambition ko sa life, pati lovelife ko alam niya, infact, siya pa nag promote saakin ng dating app like Tinder, Omegle (nung meron pa) and many more pero dahil ayaw ko magjowa hindi ko pinapansin trips niya however feel ko ang pagiging supportive niya saakin at sa buong family namin.
Until one day, umuwi siya halatang pagod, gabi na nun so ako lang nagasikaso sakanya suddenly, may inamin siya saakin sabi niya "Ate, minsan hindi ako sure kung love ko si *****, minsan oo, minsan hindi. Hindi ko alam" ganun sinabi niya saakin. Hindi ko alam sasabihin ko kasi naawa ako bigla kay ate girl, parang kung saakin gawin yun masasaktan ako, so binigyan ko ng advice na kung ayaw niya na, iwan na, magpa-alam, mag-sorry at mag move on.
Pero that night, hindi ako makatulog, kasi hindi to ang first time na nangyari to, his first girlfriend contacted me few years ago ang sabi saakin, ang kapatid ko raw bigla nalang 'di nagparamdam. Hindi ko alam kung anong trip ng kapatid ko.
I let it go until now sila pa nung jowa niya na CPA pero kinakabahan ako kasi gumawa ako ng Tinder at nakita ko ang profile ng kapatid ko. Andun siya, yung nakasulat sa "bio" niya parang kapatid ko, pati emojis, ang quotes na posted dun ay yun mismong nakapost sa twitter niya. Alam ko sa sarili ko na siya 'yun.
For fuck's sake. Conflicted ako. Tangina. Naiinis ako sa kapatid ko na kung gaano siya kabuting kapatid at anak, ganun siya kabasurang jowa.
submitted by umiscrptt to PanganaySupportGroup [link] [comments]

2024.05.12 12:36 Big-Leather1275 Anong possible legal course of action ang pwedeng gawin against someone na sumugod at nanakit sayo in public?

For background information.
My business partner and I owns a restobar here in the Philippines. I'll refer to my business partner as "Ria" (not her real name.) Ria is in charge of financing the business, while I'm in charge of managing it. She's also not a frequent goer sa restobar kaya hindi siya madalas nakikita ng ibang tao. Ang nakakakilala lang sa kanya sa restobar ay ako, our circle of friends and yung mga staff.
Last week, I celebrated my birthday sa restobar and given that Ria was going to be there, we used a private room. Sa loob ng private room, nandoon ako, si Ria and our other friends. A few hours later, lumabas si Ria ng private room para magcr. Mga 30 minutes yung lumipas hindi pa rin nakakabalik si Ria sa private room kaya lumabas na rin kami para hanapin siya. Dun na nagkaroon ng commotion, kasi yung mga bouncer may inaawat na babae. The girl was yanking Ria's hair, while Ria was experiencing asthma attack. Dinala namin si Ria sa ospital while some of our friends ay naiwan sa restobar to gather information tungkol sa nangyari.
Here's what they found out. 1. According sa staff, Ria was repeatedly telling the girl na hindi niya kilala yung pinapahanap niya. Apparently, the girl was asking Ria if may kilala siyang certain someone (hindi na narinig nung staff kung sino yung hinahanap.) after Ria answered na wala raw lumayo na si Ria para magcr.
  1. Based on CCTV, pagkalabas ni Ria sa cr, sinalubong siya nung girl (the same girl na nagtanong sa kanya) at sinampal siya out of nowhere. Triny ni Ria na iwasan yung girl at lagpasan but the girl pulled her arm at dun na nagsimula yung pagsampal at pagsabunot kay Ria.
  2. Based sa bouncer na umawat dun sa girl, napansin niya na lasing yung girl at posible na pagkamalan niyang ibang tao si Ria kaya niya sinugod. Given that the girl was yelling words such as "mang-aagaw ka" or "alam kong madalas kayong magkita ng bf ko dito" to Ria. Which is impossible kasi nga hindi naman madalas si Ria rito sa restobar, at kung pupunta man siya rito lagi siyang gumagamit ng private room kasi hindi siya sanay sa ingay at yung lighting sa bar nakakahilo raw for her. Ria is also socially anxious kapag may ibang tao kaya I don't think na gagamit siya ng private room with someone else. Kapag pupunta si Ria rito madalas ako lang yung nakakaalam na pupunta siya at hindi rin naman siya kilala ng mga customers ng restobar.
Ano ba yung pwedeng gawin ni Ria against dun sa girl na sumugod sa kanya? Kung meron man.
submitted by Big-Leather1275 to LawPH [link] [comments]

2024.05.12 04:00 taknangmgayawa Maling Akala EP 2 Season 1

Hello mga kababayan, ngayon I kukuwento ko sainyo ang aking STE story at ang title na Ito ay ang maling akala Ito ay base sa totoong storya ko.
Ako ang gumawa ng kuwento na Ito at ngayon ay grade 7 pa lamang ako huwala ako masyadong kilala SA aking mga kaklase at wala akong kaibigan subalit noong sinubukan ko uli mag roblox nakilala ko ang pinaka kaibigan ko SA roblox at yon ay si jam(Di ko na ilalagay user for privacy reason) siya ay aking isang kaibigan SA online game na Roblox Kami ay nag lalaro halos araw araw ng pet simulator X at Kami ay laging sinusubukan lumakas sa laro na yon hanggang na kamit na namin ang aming pangarap na maging mayaman at malakas sa laro na iyon. Subalit ang lahat na iyon ay huminto nuong lumakas na Kami hindi na Kami masyadong nag lalaro dahil para samin ay tapos na ang aming pangarap at nag simulang mag labo, na kaming dalawa ay mag laro at dumating sa puntong hinde ako nag Roblox Ng matagal dahil aa online class iniwan ko muna ang online games para mag aral Ng mabuti at nuong natapos na ang 2nd quarter bumalik ako sa roblox at nakita ko siyang nag lalaro kaya sumali ako pag ka join ko agad siyang nag chat Kung bakit hinde ako nag laro ng matagal, sinabi ko sakanya ang lahat, naintindihan Naman niya at nag laro Kami Ng matagal. Ngayon punta Naman tayo SA ora's na ikinasaya at ikinasira Ng buhay ko, nuong half 3rd quarter na ang aming akademya sinubukan Kong mag seen sa aming online gc na hinde ako nag chachat, at first time ko mag chat nag hi ako tapos may mga bumati saakin don ko rin nakilala si Cedi ang aking naging unang kaibigan. Dahil ako ay may depression nuon at wala akong confidence na makipag usap kahit kanino sa aking kamagag aral. Nag bago ang aking buhay nuong sinubukan ko makipag socialize sa aking mga kaklase at duon sumaya ang aking buhay nakilala ko sina Cedi,Mark, Lawrence,Aaron. naging kaibigan ko sila, Sila ang dahilan ng pagkasaya ng aking buhay subalit ang iba ay nagdulot Ng pagkasira Ng aking buhay. Ngayon punta Naman na Tayo SA recognition day dahil wala Naman importanteng nangyari SA ibang quarter na iyon, nuong pag punta namin SA recognition day nakita ko ang aking mga kaklase at may nakita akong isang magandang babae siya ay Maputi,tahimik,maganda,at siya ay napaka tahimik akala ko nuon siya ay high standards. After ng recognition pag Ka uwi chinat ko agad si Jarsen, aking kaibigan noon. Dahil alam kong siya ang maaring makakakilala sakanya at nuong Una tinanong ko sakanya Kung sino Yong Maputing naka salamin na tahimik na babae at duon ko na nalaman na ang pangalan niya ay ******* nag Ka gusto ako sakanya nuong after Ng recognition day, at lipat naman tayo sa sept 23 7:08pm nag chat ako sakanya dahil nabuo ko na ang aking confidence at nag chat back siya, ayon nag chat kami araw araw Kami nag chachat at sinabi ko kay Sha na crush ko siya at hinde ko akalain na nuong sept 27 ni block ako ni ****, at ako ay halos laging nag papa send Kay Aaron ng mga message tulad Ng Kung ano ang dahilan Ng pag block, pag sorry ko maski wala akong kasalanan,at iba pa subalit, after ilang months ng pighati nalaman ko lang na pinagkalat pala ni Sasha na crush ko siya at nag sabi siya ng mga hinde totoong impormasyon about saakin at ang mga ibang tao ay nagbago ang pag tingin saakin dahil sa pangyayaring iyon. Inakala Ng ibang tao na, nasa gc Kung Saan kinalat ni Sha na ako ay racist,homophobic,etc. Ito ay nagbigay sakin nang masaklap na insecurities, depression, lost of confidence, etc. Ako ay nagalit ng sobra nuong araw na iyon at nag chat agad ako Kay Sha noong ona tinatanggi niya. Pero nag send ako Ng MGA proofs na kinalat niya at nuong una tinuring niyang as a joke yoong ginawa niya at wala siyang pake dahil hinde niya alam kung gaano kalaki maaapektohan ang aking buhay sa kaniyang ginawa ni block ko siya at ako ay laging nag ra-rant kila Aaron at Cedi about doon sa nangyari at tinutulungan naman nila ako. Ngayon naman ay malapit na matapos ang grade 8 subalit nuong December Kami ay nagusap uli ni **** at tumagal ito Ng mahigit tatlong buwan at muntik na kami naging magkaibigan sa personal dahil sinabi ko sakanya Kung pwede ako makipag usap sakanya sa personal sapagkat siya na lang ang aking kaklase na hinde ko pa nakakausap sa personal at siya naman ay sumang ayon na gawin ko ang itong plano ko subalit hinde ko magawa-gawa ito dahil pag sinusubukan ko na kausapin siya subalit bumabalik dila ko dahil hinde ko mabuo ang confidence na makipag usap sakanya, kaya sa chat na lamang ako nakikipag usap sakanya. Subalit nuong march 3 last ko na chat at hinde ako nag chat ng march 4 at march 5 sapagkat ito ay sabado linggo at mami ay lumabas. Nuong march 5 Ng Gabi nakita ko na unavailable na ang kayang account SA akin at ibig sabihin non ay ni block niya ako ule ako, ako ay nanahimik na lamang at hinde na ako umasa uli na ako ay I unblock or kausapin uli. Sinabi ko ito kay Aaron at siya ay nabigla ren dahil maayos naman ang aming pag kakaibigan at walang impormasyon Kung bakit ulit ako ni block. Ngayon naman ay malapit na matapos ang school year 2022-2023 at hanggang ngayon hinde ko na kinausap si ******* muli at ako ay hanggang ngayon walang confidence at balak na kausapin siya sapagkat nahihiya na ako sakanya dahil SA aking nakaraan malapit na ang recognition SA tingin niyo ba may part 2?? Sa tingin ko wala pero hinde natin malalaman ang ating kinabukasan kung hinde tayo pupunta dito. At Yan ang aking grade 8 life ako ay kasulukuyan na masaya dahil SA aking mga kaibigan at hanggang ngayon may poot parin ako kay ******* dahil sa nakaraan salamat sa iyo Kung umabot Ka dito ako ay lubos na masaya dahil na labas ko na ang aking mga nararamdaman salamat ule at paalam SA iyo kababayan. Magandang Gabi kababayan, ngayon ay ako ay nasa ika-9 na baitang na. Madaming nangyari bago matapos ang recognition Ng aming ika-8 na baitang. Bago matapos ang recognition, si Jamal II, ang dati Kong kaibigan ay biglang nag open up sakin, na siya raw ay nag kaka gusto sakin, kung di niyoko kilala, ako ay isang taong hinde alam Kung paano ang gagawin ko pag may mga sitwasyong ganito. Hinde ko na lang pinansin at nanahimik na lamang ako. Sinabi ko Kay Aaron ang nangyari at tinulungan niya akong maka lipas sa problemang Ito. Ngayong pasukan, hinde ko na pinapansin si Jamal II, sapagkat ako'y nakakaramdam ng Sama Ng loob dahil nararamdaman ko na ako ay pinipilit nuong panahong iyon na magustuhan si Jamal II. 3rd week pa lng Ng aming klase, at hanggang ngayong araw hinde ko na muli kinausap si ****, itutuloy ko iyong storya na Ito hanggat sa graduation Ng junior high school. Dito ninyo malalaman lahat Ng aking pinag dadaanan SA buhay, kung pighati ba, pag mamahal, pag kakaroon Ng sama ng loob, isyu, at iba pa. Aking babasahin lahat ng Ito pag dumating na ang tamang ora's at yon lamang sa araw na ito madaming kuwento pa ang aking ibabahagi sa inyong lahat, paalam. Akoy nag babalik ulit mga kababayan ngayon may bago akong kwento, so noong sept 23 sabado biglang nag pop up Yong acc ni Arianne sa fb tapos na curious ako Kung bat nag pop up and chineck ko tapos pag Ka check ko, WTFFFFFF di na ako naka block?????£??'? Nagulat ako Ng sobra pero hinde masaya kasi sa Wednesday eh 1 year na Yong block tapos Di pa pinaabot nagalit ako ng onti that time and parang na weirdan ako dahil bakit suddenly wala na Yong block? Pero Di ko na inalam and di ko na Lng pinansin and may na alala ako habang patulog ako na biglang gumising sakin Ng sobra. Kasi noon guys nong sa alt acc niya ako nag cha-chat may na mention siya na may nag send daw Ng proofs Ng something Kaya siya na creepyhan sakin, and yon ang curious na curious ako gusto kong alamin nang sobra Kung sino yong taong yon kung totoo man sinasabi niya at yon lamang mga kababayan paalam muli pero bago tayo mag tapos para sa isang parte ng kwento na ito may gusto akong sabihin sainyo huwag kayong umaasa pag wala na talagang pag asa di ko sinasabing gusto ko si **** pero mung mangyari man sainyo ito soon wag niyo akong gagayahin dahil masisira ang buhay niyo. Tulad Ng sinabi ni Duterte "huwag mong subukan, masisira ang buhay mo". Hello mga kababayan parehas parin na araw and may nagawa akong katarantaduhan, so mag lalaro dapat kami ni emman Ng valorant at sa maling acc ko na send, hulaan niyo Kung sino, sino pa ba kung di Kay ******* tapos ang nangyari nag react siya ng laugh sa message ☠️☠️☠️ at yon ang nangyari shocking hahahaa yon lng para sa araw na ito kababayan paalam muli saludo sainyo. Magandang Gabi mga kababayan andito muli ako para may sabihin sainyo so chineck ko Yong convo namin ni Arianne kanina dahil noon nag reply siya na Mali daw react niya tapos ginawa ko eh like sinend ko tapos sinend ko Kay franz tinanong ko siya, ano Kaya mangyayari?, tapos Sabi niya possible block ulit then yon nga naka block ulit ako hahhaha Kaka check ko kanina hahahaha, yon lamang para sa gabing Ito paalam mga kababayan. What is up mga kababyan wala pa akong kwento para sa ngayon dahil naubos na ang interesting na storya na nangyari sa buhay ko, ngunit may gusto akong sabihin. Balak kong gumawa ng panibagong mga storya na nilalaman ng mga andito ren na storya ngunit ang mga maikling storya na aking gagawin ay may mga detalye na dagdag na wala dito sa aking "Best selling Novel" HQAHAHAHAHAHA at pag natapos ko na ang itong "Best selling Novel" ay ako ay gagawa ng panigabo muling kuwento at andito ang buong kwento ng aking buhay kung paano nga ba nag simula ang aking buhay simula pagkabata hanggang grade 10 gagawin ko ang storya na iyon pag nag graduate na ako at bakasyon na. Balik tayo sa mga maikling kwento na may padagdag na detalye para sa mga kwento na andito. ang mga title na aking balak ilagay ay 8:37, M.U as magulong ugnayan, martilyo, pananalikod. at madami pang iba, pangako ko sainyo mga kababayan na hinde ako mag tatapos ng aking "Best selling Novel" sapagkat ito na rin ang daan ko upang ma ilabas ko ang aking nararamdaman sa mga bagay na hinde ko sinasabi sa iba na ako man ay, nasasaktan, kinikilig, kinagagalitan, kinaiinisan, at iba pa. ngunit since gr. 5 pa ako last nagalit sapagkat ako ay nagbago nuong nag quarantine. Ito na lamang muna para sa gabing ito paalam muli mga kababayan at ako ay mag hahanda na muna para sa ibang mga storya na aking isusulat Paalam :))))). Ako'y nag babalik mga idol parehas parin na gabi at ngayon gabi ay gusto ko lng masabi ang aking mga nararamdaman. Wala pong confession dito dahil wala naman po akong crus,h almost 1 year na po akong walang crush, pero ang timeline po ng crush mo eh biglaan na lang po ako nag kaka crush sa isang babae randomly at mostly after a few years every time ako nag kaka crus. Mga anim pa lng crush ko buong buhay ko at ni isa doon di ako nag confess dahil ako yong tipong may crush pero ayaw ma crush back dahil ayoko ng relationship, since bata pa ako at hinde ko pa alam ang sarili ko pag dating sa relasyon at mga nararamdaman ko sa mga nagugustuhan ko as a crush.... pero sa ngayon ang aking hinala eh mga senior high or collage na uli ako mag kaka crush dahil wala na akong feelings na mag ka crush ulit sa ibang tao, btw may ikuwento pa ako sainyo guys, si ******* pa lamang ang aking crush na talaga kong minahal, like as in, sa lahat ng naging crush ko siya pa lamang ang nakaramdan talaga ako ng pag mamahal papunta sakanya siya pa lamang ang aking crush na talaga akong nag ka feelings at hinde lamang dahil nagandahan ako, well sa tingin ko nangyari ito since matured na ako ngayon di tulad dati, at mas na iintindhan ko na ang relasyon since ako ay isang teenager na. grabe guys itong gabi na ito andami kong nasulat dahil pag dating talaga sa feelings ko eh hinde ko na napipigilan sarili ko mag salita kapag kinakausap ko sarili ko pag dating sa mga pag kakamali ko sa buhay..... marami akong pag kakamali, pero wala na tayong magagawa doon dahil lahat ng nangyari ay may dahilan at sa huli mo malalaman.
submitted by taknangmgayawa to Storyako [link] [comments]

2024.05.10 21:43 asianwhpre I love listening to people, but when it’s my turn to share, ayaw ko na. Bakit?

I love listening to people, but when it’s my turn to share, I don’t want to. Why?
Let me start this off with: Ayaw ko nang mag share, hindi dahil wala akong tiwala sa kanila; o ayaw ko sa kanila. Ayaw kong mag share kasi hindi ko alam kung paano, o hindi ako sure kung dapat ba akong mag share.
A little background about me ay hindi naman ako private person, hindi ako palatago ng mga ganap sa mga tao sa paligid ko, active ako sa social medias ko sa mga ganap ko sa buhay.
There’s something about listening to my friends and loved one’s stories that tickles my brain, I can’t explain it. I am always excited kasi I’ve got to learn new stuff about them, I’ve got to learn new life events about them.
One time, nag iinuman kami ng bestfriend ko. Tinanong n’ya ako:
“Bakit hindi ka nag kkuwento ng tungkol sa’yo? Hindi ka ba komportable sa akin? Hindi pa ba umaabot sa point ng frienship natin kung saan makakapag kuwento ka na ng buhay mo sa akin? O sadyang madaldal lang ako?”
Nanlamig ako, s’yempre una kong ginawa nireassure ko s’ya na wala sa mga nabanggit n’ya ang dahilan bakit hindi ako nag kkuwento ng ganap ko sa buhay ko sa kanya, sinabi ko na lang na “Wala namang bago sa buhay ko”.
Pero ang totoo, gusto ko nang isabi na:
“Feel ko, wala naman masyadong relevancy ‘yung kuwentong buhay ko”
“Hindi worth ng oras natin ang buhay ko”
“Yung advices n’yo kasi, nasabi ko na sa sarili ko so~ sayang lang sa oras natin both. Kaya ‘yung sa’yo na lang pakinggan ko”
Hindi ko alam. I want to be seen and heard, pero my heart and mind doesn’t let me.
Anyone has the same experience? I want to read your findings and takes about this.
submitted by asianwhpre to MentalHealthPH [link] [comments]

2024.05.10 05:33 PottyLots Got a Job as a Software Engineer, but my mother is not proud.

First of all I am a 24 year old male, still lives with my parents house, the eldest son out of my 2 siblings. And my mother is a single mother and she works abroad. And a little background, dalawang uncle ko is Engineer. Pinsan kong lalake nag aaral ngayon as a Mechanical Engineer.
OFW na siya since highschool pa ako from the time na makapag tapos ako ng pag aaral as a Computer Science Bachelor on 2022. Of Course masaya siya kasi as a single mother na suportahan niya ako. Ngayon dalawang kapatid ko nalang natitira.
I never been so humbled looking for a job, the entry level profession of my degree is very limited. Nahirapan talaga ako mag hanap ng trabaho nakakailang company na inapplayan ko pero di daw open yung position. Pero nag apply ako sa Call Center, kasi ayoko talaga wala akong ginagawa. Few weeks passed hired na ako as a Customer Service Representative. Pero from that time napaka relucted si Mother na nag tatrabaho ako as CSR "wala kang future jan" sabi niya. I agree naman kasi napaka layo ng pinag aralan ko tapos duon ako napunta.
Resigned na ako sa Call Center tumagal ako ng 1 year and a half because i really don't see my future as a CSR. At sinubukan ko ulet mag job hunting for a entry level position (nahihirapan paren mag hanap ng trabaho) and from the time nag announce ako kay Mother na resigned na ako sabi niya "habang nandito pa ako sa abroad at may trabaho mag-aral ka ulet" very willing siya mag aral ako ulet as a Engineer. Since nahihirapan ako ulet mag hanap ng trabaho nag-agree akong mag aral ulet. Pero alam niya naman na sinusubukan ko ulet mag hanap ng trabaho.
Nag aaral ako right now as a Civil Engineer going for my second bachelor's degree. Pero ate kong pinsan tinulugan ako mag hanap ng trabaho. Nakakita siya ng offer sa isang facebook group na nag rerefer para sa isang Developer entry level. Sinubukan kong kunin kasi kung hindi man ako matangap atleast nag aaral pa ako.
I'm so surprised. First time kong maranasan na matulungan at maasikaso ng ganito, ang nag refer saaken he goes great lengths na bigyan ako ng reviewer sa assessment at paano umasal sa interview, pero sigurado akong may iba pa siyang mga ginagawa behind the scenes (ganito pala feeling pag may backer). Tumagal ng 2 months yung mga nilakad ko at nabigyan na ako ng Job Offer at Start Date. Sobrang saya ko! inabot ako ng 2 years para makakuha ang trabaho na gusto ko!
Told my mother the news. At di siya natutuwa. Grabe upset ko sa reaction niya at mga isang lingo kami nag tatalo tungkol dito. At ang mga tumatak na dahilan na hindi ko makakalimutan:
"Sayang yung tuition" "Tapusin mo ang di ko natapos" "Gusto ko isang araw tawagin kang Engineer" "Hindi ka talaga Engineer jan, kasi di ka nag board!" "Kaya ka nag aaral ulet para sa future mo!" "In demand ang Engineer dito" "Bahala kana sa buhay mo"
Umaarte siya na parang tumaliwas ako ng buhay. Kaya kagabi after ng video call namen napaiyak ako sa lungkot. Akala ko matutuwa siya, yun din mostly reaction ng Lola ko. Pero mga kapatid ko sobrang proud sila saaken. My Mother is so blinded na sana meron siyang mapagmalaki na anak na humaba ang pangalan.
Ngayon gusto kuna gawing Career ito at balak kuna mag pa official drop sa school na pinapasukan ko before my start date. Pero ayoko magkaroon kami ng hindi pag kaintidihan ng Mother ko kasi mahal ko paren siya, gusto ko sana maintindihan niya na ayoko na mag aral ulet at mag trabaho para sa pera lang. Kasi pag namatay ako di ko mamadala itong pera, kaya everyday gusto kong maging masaya. At maging masaya and content sa ginagawa ko at nagkakapera at the same time.
TLDR: Computer Science Graduate got a job as a Customer Service for 1 year and a half. Resigned na as Customer Service at nag-aral ulet as Civil Engineer for my second bachelors, but i got a job as a Associate Software Engineer. And my mother is not happy.
submitted by PottyLots to OffMyChestPH [link] [comments]

2024.05.06 18:12 easykreyamporsale Won Minutes Luzon 2 Review (Part 1)

May mga nilinaw si Anygma regarding Won Minutes. Una, manalo o matalo, siguradong makakabattle ulit ang lahat ng sumalang. Pangalawa, ang goal talaga ng Won Minutes ay i-prepare ang mga bagong pasok para sa big stage. Kailangan nilang ipamalas ang creativity sa mas pinaikling oras (16 bars). Maikli rin ang prep na binibigay para sa mga emcee para mapatunayan na kaya talaga nila under pressure.
1st Battle. Aubrey def. Hemp Phil. Malakas sana si Hemp Phil kung hindi nakalimot all three rounds. Entertaining pa rin ang halong freestyle at writtens niya. Pero no match siya kay Aubrey sa gabing 'to. Malakas masyado sa lahat ng aspects. Malayo ang mararating nito sa FlipTop. All three rounds Aubrey para sa akin.

Content Flow Performance
Aubrey 5 5 5
Hemp Phil 2.5 4 3

2nd Battle. Shaboy def. Marichu. Masyadong baboy mga pinagsasabi ni Shaboy. Sinful tumawa sa mga bara HAHA. Nauga siguro sa angles si Marichu kaya parang halos wala rin siyang energy sa battle na 'yon. Na-overwhelm siya ng kamanyakan ni Shaboy. Shaboy para sa akin pero tabla kung pumantay sa energy si Marichu.

Content Flow Performance
Shaboy 4 5 5
Marichu 3.5 3.5 3.5
3rd Battle. Jawz def. Pamoso. Underwhelming performance mula kay Pamoso. Kung na-spit niya nang malinis, baka maging dikdikan sana. Si Jawz naman nagsimula sa storytelling ala Ruffian pero mas nagiging tunog Motus habang tumatagal. Kay Jawz 'to para sa akin pero sa tingin ko interesting yung resulta kung hindi nag-choke si Pamoso.

Content Flow Performance
Jawz 4 4.5 4.5
Pamoso 2.5 4 2.5
4th Battle. Don Rafael def. Ets. Risky yung kinuhang tema ni Ets sa battle. Pinagmukha niyang Motus vs Pulo at nag-backfire 'to. Si Don Rafael naman ay naging effective sa gameplan. Ineengage muna thru comedy ang crowd tsaka papasukan ng teknikalan. Makikita mo rin dito ang pinagkaiba ng Pulo emcees at Motus emcees sa opinyon tungkol sa PSP. May minus points para sa akin si Ets. Pinuna na wrong spelling ang "Organisation" sa Pulo eh wala namang mali doon HAHA. Maganda rin ang pinakitang fake choke ni Don Rafael sa dulo. Don Rafael ang laban na 'to at halata naman sa halakhak ni Ilaya at Sayadd.

Content Flow Performance
Don Rafael 5 4.5 5
Ets 3.5 4.5 4
5th Battle. Kalixs def. Razick. Parehas gutom. Parehas maganda mga baon. Pareho nag-reference sa BLKD-Calix breakup. Lamang sa wordplay at metaphors si Kalixs pero lamang naman sa stage presence at gigil si Razick. Para sa akin, tabla.

Content Flow Performance
Kalixs 4 5 5
Razick 4.5 5 4.5
6th Battle. Crhyme def. Dodong Saypa. Nakakatawa si Dodong Saypa pero lumabas na lesser version lang siya ni Shaboy sa gabing 'yon. Si Crhyme naman kumpleto ang dala na sinamahan pa ng rebuttals. Kay Crhyme yung laban for me at malinaw naman.

Content Flow Performance
Crhyme 4 4.5 4
Dodong Saypa 3 2.5 4

Notes:
-Mas maraming battle rap personalities ngayon compared noong Won Minutes Luzon 1. Na-FOMO siguro HAHA.
-Late si Eveready at Carlito kaya ini-skip muna sila.
-June 1 daw next big event ng FlipTop.
-Based sa perspective ko ang review na 'to. We may agree to disagree. Feel free to comment or DM kung kailangan ng paglilinaw.
submitted by easykreyamporsale to FlipTop [link] [comments]

2024.05.06 03:36 Rauffenburg Pangongopya: VICARIUS FILII DEI (666)

Pangongopya: VICARIUS FILII DEI (666) submitted by Rauffenburg to exIglesiaNiCristo [link] [comments]

2024.05.05 15:25 Uncanny-Pattern8948 Random video na dumaan sa feed ko

Random video na dumaan sa feed ko
Last time, may nag post dito tungkol sa na observe niya na puro na lang sarili niya (Daniel Razon) at di na patungkol kay Kristo ang content ng mga pagkakatipon.
Narelate ko lang sa video na nasa link, yun lang.
submitted by Uncanny-Pattern8948 to ExAndClosetADD [link] [comments]

2024.05.05 10:07 bonkerillos Mga pelikulang tungkol kay Hitler

Adolf Films 😉😉
submitted by bonkerillos to filipuns [link] [comments]

2024.05.05 04:00 taknangmgayawa Maling Akala EP 2 Season 1

Hello mga kababayan, ngayon I kukuwento ko sainyo ang aking STE story at ang title na Ito ay ang maling akala Ito ay base sa totoong storya ko.
Ako ang gumawa ng kuwento na Ito at ngayon ay grade 7 pa lamang ako huwala ako masyadong kilala SA aking mga kaklase at wala akong kaibigan subalit noong sinubukan ko uli mag roblox nakilala ko ang pinaka kaibigan ko SA roblox at yon ay si jam(Di ko na ilalagay user for privacy reason) siya ay aking isang kaibigan SA online game na Roblox Kami ay nag lalaro halos araw araw ng pet simulator X at Kami ay laging sinusubukan lumakas sa laro na yon hanggang na kamit na namin ang aming pangarap na maging mayaman at malakas sa laro na iyon. Subalit ang lahat na iyon ay huminto nuong lumakas na Kami hindi na Kami masyadong nag lalaro dahil para samin ay tapos na ang aming pangarap at nag simulang mag labo, na kaming dalawa ay mag laro at dumating sa puntong hinde ako nag Roblox Ng matagal dahil aa online class iniwan ko muna ang online games para mag aral Ng mabuti at nuong natapos na ang 2nd quarter bumalik ako sa roblox at nakita ko siyang nag lalaro kaya sumali ako pag ka join ko agad siyang nag chat Kung bakit hinde ako nag laro ng matagal, sinabi ko sakanya ang lahat, naintindihan Naman niya at nag laro Kami Ng matagal. Ngayon punta Naman tayo SA ora's na ikinasaya at ikinasira Ng buhay ko, nuong half 3rd quarter na ang aming akademya sinubukan Kong mag seen sa aming online gc na hinde ako nag chachat, at first time ko mag chat nag hi ako tapos may mga bumati saakin don ko rin nakilala si Cedi ang aking naging unang kaibigan. Dahil ako ay may depression nuon at wala akong confidence na makipag usap kahit kanino sa aking kamagag aral. Nag bago ang aking buhay nuong sinubukan ko makipag socialize sa aking mga kaklase at duon sumaya ang aking buhay nakilala ko sina Cedi,Mark, Lawrence,Aaron. naging kaibigan ko sila, Sila ang dahilan ng pagkasaya ng aking buhay subalit ang iba ay nagdulot Ng pagkasira Ng aking buhay. Ngayon punta Naman na Tayo SA recognition day dahil wala Naman importanteng nangyari SA ibang quarter na iyon, nuong pag punta namin SA recognition day nakita ko ang aking mga kaklase at may nakita akong isang magandang babae siya ay Maputi,tahimik,maganda,at siya ay napaka tahimik akala ko nuon siya ay high standards. After ng recognition pag Ka uwi chinat ko agad si Jarsen, aking kaibigan noon. Dahil alam kong siya ang maaring makakakilala sakanya at nuong Una tinanong ko sakanya Kung sino Yong Maputing naka salamin na tahimik na babae at duon ko na nalaman na ang pangalan niya ay ******* nag Ka gusto ako sakanya nuong after Ng recognition day, at lipat naman tayo sa sept 23 7:08pm nag chat ako sakanya dahil nabuo ko na ang aking confidence at nag chat back siya, ayon nag chat kami araw araw Kami nag chachat at sinabi ko kay Sha na crush ko siya at hinde ko akalain na nuong sept 27 ni block ako ni ****, at ako ay halos laging nag papa send Kay Aaron ng mga message tulad Ng Kung ano ang dahilan Ng pag block, pag sorry ko maski wala akong kasalanan,at iba pa subalit, after ilang months ng pighati nalaman ko lang na pinagkalat pala ni Sasha na crush ko siya at nag sabi siya ng mga hinde totoong impormasyon about saakin at ang mga ibang tao ay nagbago ang pag tingin saakin dahil sa pangyayaring iyon. Inakala Ng ibang tao na, nasa gc Kung Saan kinalat ni Sha na ako ay racist,homophobic,etc. Ito ay nagbigay sakin nang masaklap na insecurities, depression, lost of confidence, etc. Ako ay nagalit ng sobra nuong araw na iyon at nag chat agad ako Kay Sha noong ona tinatanggi niya. Pero nag send ako Ng MGA proofs na kinalat niya at nuong una tinuring niyang as a joke yoong ginawa niya at wala siyang pake dahil hinde niya alam kung gaano kalaki maaapektohan ang aking buhay sa kaniyang ginawa ni block ko siya at ako ay laging nag ra-rant kila Aaron at Cedi about doon sa nangyari at tinutulungan naman nila ako. Ngayon naman ay malapit na matapos ang grade 8 subalit nuong December Kami ay nagusap uli ni **** at tumagal ito Ng mahigit tatlong buwan at muntik na kami naging magkaibigan sa personal dahil sinabi ko sakanya Kung pwede ako makipag usap sakanya sa personal sapagkat siya na lang ang aking kaklase na hinde ko pa nakakausap sa personal at siya naman ay sumang ayon na gawin ko ang itong plano ko subalit hinde ko magawa-gawa ito dahil pag sinusubukan ko na kausapin siya subalit bumabalik dila ko dahil hinde ko mabuo ang confidence na makipag usap sakanya, kaya sa chat na lamang ako nakikipag usap sakanya. Subalit nuong march 3 last ko na chat at hinde ako nag chat ng march 4 at march 5 sapagkat ito ay sabado linggo at mami ay lumabas. Nuong march 5 Ng Gabi nakita ko na unavailable na ang kayang account SA akin at ibig sabihin non ay ni block niya ako ule ako, ako ay nanahimik na lamang at hinde na ako umasa uli na ako ay I unblock or kausapin uli. Sinabi ko ito kay Aaron at siya ay nabigla ren dahil maayos naman ang aming pag kakaibigan at walang impormasyon Kung bakit ulit ako ni block. Ngayon naman ay malapit na matapos ang school year 2022-2023 at hanggang ngayon hinde ko na kinausap si ******* muli at ako ay hanggang ngayon walang confidence at balak na kausapin siya sapagkat nahihiya na ako sakanya dahil SA aking nakaraan malapit na ang recognition SA tingin niyo ba may part 2?? Sa tingin ko wala pero hinde natin malalaman ang ating kinabukasan kung hinde tayo pupunta dito. At Yan ang aking grade 8 life ako ay kasulukuyan na masaya dahil SA aking mga kaibigan at hanggang ngayon may poot parin ako kay ******* dahil sa nakaraan salamat sa iyo Kung umabot Ka dito ako ay lubos na masaya dahil na labas ko na ang aking mga nararamdaman salamat ule at paalam SA iyo kababayan. Magandang Gabi kababayan, ngayon ay ako ay nasa ika-9 na baitang na. Madaming nangyari bago matapos ang recognition Ng aming ika-8 na baitang. Bago matapos ang recognition, si Jamal II, ang dati Kong kaibigan ay biglang nag open up sakin, na siya raw ay nag kaka gusto sakin, kung di niyoko kilala, ako ay isang taong hinde alam Kung paano ang gagawin ko pag may mga sitwasyong ganito. Hinde ko na lang pinansin at nanahimik na lamang ako. Sinabi ko Kay Aaron ang nangyari at tinulungan niya akong maka lipas sa problemang Ito. Ngayong pasukan, hinde ko na pinapansin si Jamal II, sapagkat ako'y nakakaramdam ng Sama Ng loob dahil nararamdaman ko na ako ay pinipilit nuong panahong iyon na magustuhan si Jamal II. 3rd week pa lng Ng aming klase, at hanggang ngayong araw hinde ko na muli kinausap si ****, itutuloy ko iyong storya na Ito hanggat sa graduation Ng junior high school. Dito ninyo malalaman lahat Ng aking pinag dadaanan SA buhay, kung pighati ba, pag mamahal, pag kakaroon Ng sama ng loob, isyu, at iba pa. Aking babasahin lahat ng Ito pag dumating na ang tamang ora's at yon lamang sa araw na ito madaming kuwento pa ang aking ibabahagi sa inyong lahat, paalam. Akoy nag babalik ulit mga kababayan ngayon may bago akong kwento, so noong sept 23 sabado biglang nag pop up Yong acc ni Arianne sa fb tapos na curious ako Kung bat nag pop up and chineck ko tapos pag Ka check ko, WTFFFFFF di na ako naka block?????£??'? Nagulat ako Ng sobra pero hinde masaya kasi sa Wednesday eh 1 year na Yong block tapos Di pa pinaabot nagalit ako ng onti that time and parang na weirdan ako dahil bakit suddenly wala na Yong block? Pero Di ko na inalam and di ko na Lng pinansin and may na alala ako habang patulog ako na biglang gumising sakin Ng sobra. Kasi noon guys nong sa alt acc niya ako nag cha-chat may na mention siya na may nag send daw Ng proofs Ng something Kaya siya na creepyhan sakin, and yon ang curious na curious ako gusto kong alamin nang sobra Kung sino yong taong yon kung totoo man sinasabi niya at yon lamang mga kababayan paalam muli pero bago tayo mag tapos para sa isang parte ng kwento na ito may gusto akong sabihin sainyo huwag kayong umaasa pag wala na talagang pag asa di ko sinasabing gusto ko si **** pero mung mangyari man sainyo ito soon wag niyo akong gagayahin dahil masisira ang buhay niyo. Tulad Ng sinabi ni Duterte "huwag mong subukan, masisira ang buhay mo". Hello mga kababayan parehas parin na araw and may nagawa akong katarantaduhan, so mag lalaro dapat kami ni emman Ng valorant at sa maling acc ko na send, hulaan niyo Kung sino, sino pa ba kung di Kay ******* tapos ang nangyari nag react siya ng laugh sa message ☠️☠️☠️ at yon ang nangyari shocking hahahaa yon lng para sa araw na ito kababayan paalam muli saludo sainyo. Magandang Gabi mga kababayan andito muli ako para may sabihin sainyo so chineck ko Yong convo namin ni Arianne kanina dahil noon nag reply siya na Mali daw react niya tapos ginawa ko eh like sinend ko tapos sinend ko Kay franz tinanong ko siya, ano Kaya mangyayari?, tapos Sabi niya possible block ulit then yon nga naka block ulit ako hahhaha Kaka check ko kanina hahahaha, yon lamang para sa gabing Ito paalam mga kababayan. What is up mga kababyan wala pa akong kwento para sa ngayon dahil naubos na ang interesting na storya na nangyari sa buhay ko, ngunit may gusto akong sabihin. Balak kong gumawa ng panibagong mga storya na nilalaman ng mga andito ren na storya ngunit ang mga maikling storya na aking gagawin ay may mga detalye na dagdag na wala dito sa aking "Best selling Novel" HQAHAHAHAHAHA at pag natapos ko na ang itong "Best selling Novel" ay ako ay gagawa ng panigabo muling kuwento at andito ang buong kwento ng aking buhay kung paano nga ba nag simula ang aking buhay simula pagkabata hanggang grade 10 gagawin ko ang storya na iyon pag nag graduate na ako at bakasyon na. Balik tayo sa mga maikling kwento na may padagdag na detalye para sa mga kwento na andito. ang mga title na aking balak ilagay ay 8:37, M.U as magulong ugnayan, martilyo, pananalikod. at madami pang iba, pangako ko sainyo mga kababayan na hinde ako mag tatapos ng aking "Best selling Novel" sapagkat ito na rin ang daan ko upang ma ilabas ko ang aking nararamdaman sa mga bagay na hinde ko sinasabi sa iba na ako man ay, nasasaktan, kinikilig, kinagagalitan, kinaiinisan, at iba pa. ngunit since gr. 5 pa ako last nagalit sapagkat ako ay nagbago nuong nag quarantine. Ito na lamang muna para sa gabing ito paalam muli mga kababayan at ako ay mag hahanda na muna para sa ibang mga storya na aking isusulat Paalam :))))). Ako'y nag babalik mga idol parehas parin na gabi at ngayon gabi ay gusto ko lng masabi ang aking mga nararamdaman. Wala pong confession dito dahil wala naman po akong crus,h almost 1 year na po akong walang crush, pero ang timeline po ng crush mo eh biglaan na lang po ako nag kaka crush sa isang babae randomly at mostly after a few years every time ako nag kaka crus. Mga anim pa lng crush ko buong buhay ko at ni isa doon di ako nag confess dahil ako yong tipong may crush pero ayaw ma crush back dahil ayoko ng relationship, since bata pa ako at hinde ko pa alam ang sarili ko pag dating sa relasyon at mga nararamdaman ko sa mga nagugustuhan ko as a crush.... pero sa ngayon ang aking hinala eh mga senior high or collage na uli ako mag kaka crush dahil wala na akong feelings na mag ka crush ulit sa ibang tao, btw may ikuwento pa ako sainyo guys, si ******* pa lamang ang aking crush na talaga kong minahal, like as in, sa lahat ng naging crush ko siya pa lamang ang nakaramdan talaga ako ng pag mamahal papunta sakanya siya pa lamang ang aking crush na talaga akong nag ka feelings at hinde lamang dahil nagandahan ako, well sa tingin ko nangyari ito since matured na ako ngayon di tulad dati, at mas na iintindhan ko na ang relasyon since ako ay isang teenager na. grabe guys itong gabi na ito andami kong nasulat dahil pag dating talaga sa feelings ko eh hinde ko na napipigilan sarili ko mag salita kapag kinakausap ko sarili ko pag dating sa mga pag kakamali ko sa buhay..... marami akong pag kakamali, pero wala na tayong magagawa doon dahil lahat ng nangyari ay may dahilan at sa huli mo malalaman.
submitted by taknangmgayawa to Storyako [link] [comments]

2024.05.05 02:02 chiscy Ang "Kuya" Ko

Hi, I posted here recently tungkol sa mga nangyari bago mawala ang nanay ko, and this is the continuation of what happened after she passed. The comments from the previous post were very supportive and I appreciate every single one of you who took the time to read it. This time, mas iiklian ko na as best as I can para hindi na mala-MMK na story hahaha.
Alright! So first, i-clear ko lang din ang naging set up, after mawala ng nanay namin, dito pa rin naki-tira si Bong sa bahay namin, andito si Carl, ako at ang tita namin. Ang mga anak ni Bong, at this point, nandito pa rin sa bahay namin, pero after a while, kinuha na din ng nanay nila.
Going back sa mga ginawa ni Bong, ililista ko na lang para mas madaling basahin hahaha
And that's it for now. Andami pang nangyari after non pero tingin ko 'yan na muna dahil ang haba na ulit masyado hahaha. At the time na sinabihan niya akong ampon ako, hindi ako nasaktan non kasi he just proved na wala lang sa kanya ang pagiging magkapatid namin dahil lang sa pera. And after that day, si Carl na lang ang kinikilala ko na kapatid ko. I don't feel bad at all sa mga nangyari at nangyayari kay Bong, kasi lahat ng nangyayari sa kanya ay sya naman may gawa lol. Anyway, thanks again for reading. Until sa susunod na update xD
submitted by chiscy to PanganaySupportGroup [link] [comments]

2024.05.04 11:54 DescriptionFun8780 PALA SIMBA PERO BAKIT GANOON ANG UGALI?

Hi! I am Diane. It's my first time here on Reddit. Ginawa ko to para ishare yung nararamdaman ko.
I am an intro. Yep. Introvert. Bata pa lang ako mas gusto ko na nasa loob lang ako ng bahay nag babasa kesa sa labas na nag lalaro kasama ang ibang bata. Siguro dahil tampulan ako ng tukso dahil ako yung may pinaka batang edad sa klase pero ako yung pinaka matanda tignan. I really hate people. Lalo na yung mga ka age ko kasi napaka bully ng generation namin (Millenial Gen). Kaya ayun, lumaki din akong ayaw makipag friends. Ayokong masaktan.
Until, one day. Nagkaroon ako ng isang group of friends. Napaka close ng puso ko sa kanila kasi bata palang kami magkakasama na kami. Dun lang kami naging close talaga nung nag sisimula na kaming maging teens. Isang araw, may nangyari. Nilaglag nila ako. Nalaman ng pamilya ko yung kasalanang nagawa ko ( di naman crime yun, wag OA in love lang ako na di pa naman dapat ganoon ang dapat atupagin). Ilang taon din bago ko sila kinausap ulit at pinatawad. Kasi, oo nga naman. Kailangan na nila yung tulong ng family ko kasi di nila kaya yung pagka matigas ng ulo ko. Kahit na gets ko yung ginawa nila. Kahit ok naman na ang lahat nag iwan pa rin yun ng trauma sa akin. Natakot ako mag tiwala. Nagalit ako kasi pala simba siya pero bakit traydor?
Kaya nung nagkaroon ulit ako ng dalawa pang grupo ng tropa di na rin ako nag tiwala. Good choice din kasi plastic din naman yung iba. Na swerte lang ako sa isa ko pang group of friends kasi mga God fearing at good influence kaso dahil sa kurso at school na mag kakaiba halos hindi na kami nag kakausap.
I met another group of people. Yung times na takot na talaga ako ma attach ulit eh dumating sila sa life ko. As in, pinilit nila. Kahit umiiwas ako, dadayo sa bahay para makausap ako. Isasama ako palagi kahit ayaw ko. Isasama ako kahit walakompera. Akala ko totoo kasi bruh solid kami. Wala na ngang privacy. Account ng isa, account din ng lahat. Kita nga namin yung body parts na private kasi sabay nag bibihis. Tinanggap ko sila kasi yung dalawa sa tropa kong iyon mga pala simba, mga God fearing, mga active youth, mga active servant sa music department. Hinayaan ko sila na maging parte ng buhay ko kasi sabi ko sa sarili ko. Baka kailangan ko ng friends na may mabubuting ugali, may mabubuting backgrounds, may good names para naman mahila din sa mabangong side yung pangalan ko na andaming issues at para din mapabuti ako kasi nga pariwara ako at lugmok na lugmok na din sa buhay.
Kasama ko sila sa halos lahat. Kahit nga Sabado at Linggo sila pa rin kasama ko. Naging close sila sa akin at sobrang naging close ako sa kanila. Solid na solid yung bond. Proud na proud ako kasi yung isa anak ng negosyante, yung isa ganun din active pa sa church at napaka talented, yung isa anak ng politician, yung isa guitarist sa isang banda, yung isa napaka bait ng parents, habang yung isa tropa ng partner ko. Iba yung pride na nararamdaman ko kasi hindi basta basta sila. Di din naman ako mag papahuli shala shala din work ng parents ko saka meron din akong itsura at talent.
Di ko talaga inasahan na isang araw. Habang kasama ko silang nag lalakad sa daan meron akong nakitang vision. Vision at gut feeling na merong mangyayari na ikakasira namin.
March 5 dumating yung grad gift nang dad ko na bagong phone. Hiraman silang lahat pang selfie. March 13 nagkaroon kami ng final requirement and phone ko yung ginamit kasi yun yung malaki ang storage tapos maganda ang cam. Doon ako naka notice ng mali. Ako yung may ari nung phone pero halos di ko magamit. Hihiramin ko sana pang contact sa mama ko na ipasundo ako pero di ko nagawa kasi lowbat. Nalowbat kakaselfie at kakavideo nung friend ko pero di naman connected sa activity namin. Na discover ko rin na phone ko yung gamit pero deleted lahat yung caught scenes ko kaya wala akong ibang part kundi sa katapusan lang ng activity namin. Kaya kahit basang sisiw ako, bumyahe ako mag isa. Nag hanap ako ng paraan para makauwi. Wala akong contact. Gladly, nakauwi ako ng safe.
After that, tinapos ko yung group thesis. Kasama ko pa rin sila pero wala akong natanggap ni isang tulong. Lahat ng binigay kong parts sa kanila di nila ginawa. Ang pinaka masakit? Sabi nila tutulungan nila akong tumapos nun. Nag agree ang lahat na mag overnight sa bahay para tapusin yung revision ng thesis. Walang pumunta. Sabi nung isa nagka sakit siya, sabi nung isa di siya pinayagan, sabi nung isa busy siya. Maunawain ako kaya ako na gumawa kasi sabi ko maniningil na lang ako. Chinat ko yung prof para ma address yung problema ko na baka di ako maka pasa on time at maka pag defend kasi ako lang mag isa gumagawa. Nag worry din kasi ako. Grades ko din naman yung nakasalalay. Nag ask si ma'am kung nasan mga kasama ko tapos sabi kong "Ma'am palaging may rason eh ayokong mamilit". Sabi ni ma'am sabihan ko daw na alisin ko o sila ang mag defend. Kaya sinunod ko. Nag end up bilang isang palpak na project yung thesis na yun. Nalaman ko pa na ni isa sa mga palusot nila walang totoo. Lumabas pala sila tapos ang paalam nila sa mga pamilya nila ay matutulog sila sa bahay kasi tatapusin yung dapat namin natatapusin para makapag graduate kami. Nasisi ako ni friend kong pala simba. Sabi pa niya "kapag kasi sinabing gumawa, wag unahin ang jowa yan tuloy palpak kami pa napahiya". Takang taka ako kasi siya yung palaging may kasamang lalake, hindi naman ako. Sa amin lahat ako yung di masyado nakakasama ang jowa. Bakit ako yung nasisi? Bakit parang kasalanan ko?
Nasaktan ako ng sobra doon. Sinabi ko sa isang tropa ko yung nararamdaman ko pero yung sagot niya lang "hayaan mo na lang ganoon lang talaga yun". Mas lalo akong nasaktan. Umuwi akong umiiyak. Nag wala ako sa bahay. Kasi sobrang sakit. Lahat sila pinag ba block ko. Gusto ko silang icut off lahat.
Umalis ako sa gc, sa lahat ng gc na kasama sila. Na open ko yung account ng jowa ko at nakita ko na kasama pa pala siya sa gc namin. Nakita ko yung pinag chachat nung God fearing servant of the Lord ko na friend na babae.
Di ko malilimutan yung mga sinabi niya sa akin pati yung iba kong tropa. Pinag usapan ako sa oras na nag leave ako sa gc.
Sabi pa ni God fearing friend "say present kung na block na kayo ni Dee!".
Until naka basa ako ng mga words galing doon sa tropa kong isa , yung tropa na sinabihan ko ng nangyari pero sabi niya hayaan ko na lang daw? Sabi niya "Diba close si ni Yanii bakit pinaparinggan siya ni Yanii sa fb?"
Sabi pa ni God fearing friend ko "Sama kasi ng ugali!"
As far as I can remember sila yung nag sabi sa akin na wag na naming tropahin yung si Yanii kasi lahing chismosa at pakialamera di pa nakaka sama sa mga gala kasi strikto ang pamilya.
Pero ang ginawa nila sinumbong nila ako kay Yanii na ako daw may pakana ng lahat. Ako daw yung rason bakit tampulan ng chismis si Yanii at pamilya niya kahit di naman ako. Lahat naman sila may fair contribution sa nangyari kay Yanii.
Lahat ng naging topic namin sa inuman nag post din tungkol sa akin. Bakit? Kasi si God fearing friend pinag chachat sila isa isa. Ako lang yung sinumbong kahit meron din silang fair share sa chismis.
Kahit yung relasyon ko sa jowa ko sinubukan niya ring sirain. The moment na napuno yung jowa ko sa ginagawa niya sa akin kahit mahirap mag byahe talaga kinumpronta niya si God fearing friend na yun. Sabi pa ni God fearing friend "iwan mo na yan ilang beses na yan na buntis at nag palaglag doon sa baranggay kuan". Saksi ang buhay na Diyos sa langit na di yun totoo kasi alam niya kung gaano ko kagusto maging mommy sa mga anak ko someday.
Kung nag tataka kayo bakit God fearing at nakaka proud kasama yung mga tropa ko tapos may inuman at galaan?
Yun na nga! Na shock din ako kasi buong buhay ko bilang isang Kristiyano ngayon lang ako naka saksi ng mga God fearing and servant of The Lord once a week tapos nasa tagayan at galaan naman kapag di araw ng pag simba. Di ko sila iniwan, tinanggap ko sila. Sinubukan ko maging mature para sabay kaming mapunta sa tamang landas para maging okay yung future namin pero sa huli na misinterpret ni God fearing servant of the Lord yung ginagawa ko at nahikayat niya buong tropa namin na e hate ako kasi hindi ako supportive at napaka kontrabida ko raw na kaibigan kaya ang sama daw ng ugali ko. Lahat ng naging advice ko binalik sa akin at pinipilosopo ni God fearing and servant of the Lord na friend ko yung mga opinyon niya. Talagang pinagtulungan nila ako. Pinag tulungang laitin at siraan.
Sinabihan pa ako nung isang God fearing na servant of the Lord din na friend ko "Wag kang mag popost ng tungkol sa God tapos di mo ma apply sa sarili mo". Grabi yung sakit kasi kahit sila na halos tumira sa simbahan may sideline din sa inuman at adik sa fornication wala naman akong sinabi sa kanila kahit tadtad sila ng bible verses sa social media.
Grabi yung pinag daanan kong depression. Nagka PCOS din ako. Nagkaroon ng sakit sa kidney at atay kakatagay kasama nila. Habang sila patuloy sa pangungutya sa akin sa messenger tapos pinopost sa social media na sila daw yung kinakawawa ko, sinisiraan ko daw.
Tapos kapag titignan mo yung accounts nila habang ginagawa nila yung mga kabulastugan nila sa akin?
Puro positive quotes, puro bible verses, puro videos at picture na kumakanta at nag paparticipate sa Church activites.
Nung sinubukan kong ipagtanggol sarili ko sa maayos na paraan pero mas lalo akong napahiya. Pinost kumpletong pangalan pati pag mumukha ko tapos ako yung ipapabaranggay. Kasi ang main reason niya natatamaan daw sa posts ko. Pinapahiya daw kasi sila at sinisiraan. Yung posts ko puro rants naka lagay pa sa dump account tapos mga friends ko lang nakakakita. Sinali ko sila doon kasi akala ko ayos na kami kasi nag sorry naman na sila tapos biglang makikipag away kasi natatamaan daw sa posts ko, ang sama daw nung ugali ko. Nag wish lang naman ako na dapat mag mature na siya, awat na sa pag papavictim at pag vivictim blaming sa social media kasi malapit na siyang mag 30. Nagalit yung God fearing servant of the Lord ko na friend.
Nung nag try akong mag reason out sinabihan lang ako na sila, siya daw talaga yun. Kahit hindi naman. Hamakin mo kahit rants ko tungkol sa other friends ko, sa ibang classmates ko, sa jowa kahit na sa kapatid ko pinipilit niyang siya daw yung pinapahiya. Kaya sabi ko "kaya blinock kita agad noon eh kasi ayaw mo makinig at gusto mo makipag debate palagi para ma prove na ikaw yung tama.
Ayaw ko lang mag share sa kanila ng full details kasi may history na sila lalo na si Ate Girl na God fearing servant of the Lord na friend ko. History sa pag papakalat ng maling balita para maging mabango sila sa kapwa nila habang sirang sira naman yung hate nila. Kaya dahil doon, nag duda siya na sila daw yung pinapahiya ko hanggang sa every post ko inaabsorb niya.
Nagkaroon ako ng trust issues sa mga taong God fearing tignan sa social media. Umiiwas talaga ako sa mga taong grabi ka linis tignan yung socmed at sobrang bango nung name sa ibang tao.
Nag tanim ako ng galit sa mga Godly youths.
Pinayuhan ako ni mommy na dapat wag ganoon. Focus kay Lord, wag sa tao. Wag daw sana maapektuhan yung faith ko dahil sa ginawa ng mga taong simbahan sa akin. Tao lang din naman daw sila at nag kakamali. Nag sisimba sila kasi mas kailangan nilang mapalapit sa Lord para matama yung landas nila.
Sabi ko "Bakit ganoon? Bakit ako yung kailangang mag tiis para sa spiritual growth nila? Ano yan gagamiting excuse ang pagmamahal nang Ama para paulit ulit manakit sa akin? Kesyo alam nilang papatawarin sila sa mga ginagawa nila sa akin kasi mahal sila nang Lord. Kung nalilito at naliliko ang landas nila bilang isang Kristiyano, bakit ako yung kailangan maapektuhan? Bakit ako yung kailangan saktan paulit ulit para malaman nilang di tama yung ginagawa nila? Pala simba? Active servant ni Lord? Pala basa ng Bible? Bakit di magawa yung tama? Kasi ba tao sila tulad ng iba? Parang walang pinagkaiba sa taong hindi mananampalataya ah! Bakit mukhang walang alam? Kasi kung merong alam dapat hindi ginagawa ang bawal! Strikto ang church nila, lahat ng nasa bible sinusunod, nakikipag debate sa faith ng iba kasi tama daw yung sa kanila, ayaw kumain ng baboy at shellfish kasi takot mag kasala pero yung bibig kahit anong masasama at masasakit na salita ang lumalabas! Bakit ganoon?"
Sobrang sakit. Habang tinitipa ko bawat letra sa babasahin na ito. Nanunumbalik yung sakit. Hanggang ngayon hindi kami ayos.
Sobrang sakit kasi tinuring ko siya, sila na kadugo habang yung turing sa akin gamit lang na pwedeng itapon kapag di na kailangan.
Palasimba? Nag aaral sa Christian school? Bakit yung ugali parang di lang basta taong naliligaw ng landas? Mukhang isang takas sa mental eh. Normal pa na tawaging naliligaw ng landas yung taong alam niyang siya yung nagkamali at naka sakit pero yung sinasabi sa ibang tao ay sila yung nasaktan at ginawan ng mali? Yung di naman malaki yung gulo sana pero sinubukan mong imanipulate ang lahat para di ka layuan at pandirian kapag lumabas yung tunay mong ginawa at ugali! Alam niya talagang mali yung kasalanan pero paulit ulit ginagawa kasi doon siya masaya kahit pa maka sakit pa ng iba! Ugali ba ng God fearing yung mag bibitaw ng mga salita sa kapwa na "Kailangan ko tong gawin para meron akong peace of mind! Yang peace of mind mo wala akong pake! Kung gusto mo kamutin mo utak mo para gumaling!".
Tapos alam ng lahat na ganyan yung ginawa niya sa akin kahit anong buti ko sa kaniya, sa kanilang lahat. Kahit sobrang sama ang bango bango pa rin niya sa ilong ng mga tao. Mahal pa rin siya kahit napatunayan niya yung ugali niya samantalang ako na nasaktan at nag sabi lang kung ano yung naramdaman ko, ako yung nilayuan at pinangdirian.
Pero yung gusto ko pa rin ay healing
Tanggap ko naman na
Tanggap kong may mga taong ayaw tumanggap ng mali, ipipilit na sila yung tama. Hindi ko na mababago yun.
Gusto ko lang malimutan siya pati yung parte ng memorya ko na kasama ko siya at ang iba pa.
Wala eh. Mahal ko pa rin. Kahit na maraming trauma at maraming maling paniniwala ang pumasok sa utak ko dahil sa mga nangyari.
Sa huli, ang Panginoon pa rin ang nakaka alam ng tama at ipapasakanya ko na lang ang pang huhusga.
Bago ako mag tapos gusto ko lang sabihin na wala akong siniraan kasi kung meron baka nag mention na ako ng real name. Base ito lahat sa pinaka mabigat na pinag dadaanan ko.
Mensahi para sa kanila: Mahal ko kayo. Susubukan kong kalimutan yung parteng masakit sa pinag samahan natin. Kahit hindi totoo yung pag hihingi niyo ng tawad sa akin noon. Gusto ko lang sabihin na alam ko lahat ng ginawa niyo aminin niyo man o hindi pero pinili kong manahimik kahit minsan niyong hiniling yung kamatayan ko. Mahal ko kayo. Kasi kung hindi sana ay sinampahan ko kayo ng kaso nung may isa sa inyo na nag bigay ng death threat sa akin at sa mga mahal ko sa buhay. Iniisip ko na baka ginawa ko yun masira kinabukasan niyo at ayokong mangyari yun. Ito yung huling sakripisyo ko sa samahan natin. Hindi ko ilalabas lahat ng proweba ng ginagawa niyo para masira ako kahit pa araw araw akong pinag tatawanan dahil sa mga posts niyo tungkol sa akin. Sana masaya kayo sa ginagawa niyo sa akin. Salamat pala sa friendship at lessons na iniwan niyo. Hinding hindi ko yun malilimutan.
submitted by DescriptionFun8780 to u/DescriptionFun8780 [link] [comments]

2024.05.03 22:56 easykreyamporsale Second Sight 12 In-Depth Review (Part 3/3)

Part 1 Part 2
Last month pa dapat naipost pero na-refresh ko accidentally yung browser kaya nawala yung sulat hanggang sa tinamad na ako HAHA. Pero naisip ko na subukan alalahanin muli since susunod na iuupload ang Second Sight 12 battles.
7th Battle. Ruffian def. Apoc. Malakas mga unang bitaw ni Apoc kaso tulad ng dati, sakit niya talaga ang mag-choke. Pinakatumatak na anggulo niya sa akin yung naka-battle rap mode pa rin si Ruffian during FlipTop Anniversary Party. Pero anggulo lang ang tumatak. Medyo disappointed ako sa pag-construct ng mga linya niya kasi nag-regress ito. Maybe nagpapagpag lang talaga ng kalawang at masyadong overwhelming ang Isabuhay para sa kanyang comeback battle. Litaw pa rin ang aggression at bangis ng delivery pero mapapansin mong bumaba ang kalidad ng kanyang sulat.
Isa si Ruffian sa magagaling gumamit ng storytelling style ng pag-battle. Gaya ng kanyang past battles kung saan hinamon niya si Apoc at Loonie,>! si BLKD naman ang cinallout niya rito. May ilang angles din siya tungkol sa pag-choke, AKT confrontation sa Sunugan, at pagiging sensitive ni Apoc.!< Pinakatumatak sa akin ang kanyang reference sa FlipTop Sign Language na unang nabanggit ni Vitrum on that same night kasi mahusay ang pagkaka-adlib.
7-0 ang boto ng hurado para kay Ruffian pero gaya ng Vitrum vs Marshall, marami ang nagsasabi na baka maging dikit pa ang resulta kung hindi nag-choke si Apoc. Para sa akin, all 3 rounds Ruffian. Rating: 4/5.
Main Event. M Zhayt def. Emar Industriya. Deserving nga ang bansag ni Anygma na "The Terminator" kay M Zhayt dahil walang pinapalagpas at kaya niya gawin lahat sa battle rap. Patunay ang battle na ito kasi maraming nag-eexpect na style clash ang kahihinatnan pero sumabay sa R1 at R3 si M Zhayt sa estilo ni Emar.
Nag-focus si Emar sa Round 1 upang i-haunt si Zhayt ng mga tagumpay niya sa totoong buhay. Masasabi kong tabla ito kasi binulaga ni Zhayt ang lahat nang pumasok siya sa mundo ng Industriya.
Sa Round 2 naman, dito mas lumapit si M Zhayt sa well-rounded style kung saan natin siya mas kilala. Inexpress niya ang pagtutol niya sa pagiging anti-comedy ni Emar. Medyo similar yung idea sa Round 3 ni Shernan versus Sixth Threat.
Sa Round 3, as a fan ng live performances, hindi lang ng battle rap, dito ako medyo na-disappoint. Medyo nawala yung spectacle or mahika ng live battle experience nang biglang umalis sa gitna ng stage si Zhayt para kuhanin ang kanyang phone. Tinulak pa siya ni Anygma papunta sa gitna kasi nagmumukhang walang kinakausap si Emar. Hindi ako sigurado kung may emergency siya pero sana tumungo siya kaagad sa gitna pagkakuha ng phone para hindi nagmukhang walang kalaban si Emar. Mej matagal-tagal din 'yon. At sigurado ako ma-eenlighten tayo ni sir M Zhayt tungkol diyan.
Anyway, sa Round 3, solid ang ender ni Emar sa pagbanggit ng trademark line niya vs Zend Luke, "Patunay na ang pangitain ay kaya kong totohanin at 'yan ang pinagkaiba natin." Dito rin inaddress ni M Zhayt pangkabuuan yung Round 1 ender ni Emar if tama pagkakaala ko. Napakahusay dahil kaya rin pala niya tumapat ng kaliwaan sa isang leftfielder. Bagay na hindi na-penetrate ni Class G kay Emar noong sinubukan nito magmalalim.
Si Emar siguro ang emcee na pinakamahusay gumamit ng figurative language na bihira marinig sa battle. Ang galing niya mag-break ng fourth wall. Tipong in awe talaga yung crowd. Na-master na rin niya ang paggamit ng anadiplosis, anaphora, at epiphora sa battle at lalo na sa kanyang mga kanta. Dahil dito, nagagawa niyang i-manipulate kung patunong anti-climax o climax yung next line at nagkakaroon din ng kakaibang musicality na masarap sa tenga.
3-2 ang boto ng hurado para kay M Zhayt. Para sa akin, kung per round, R1 Tie, R2 Emar, R3 M Zhayt gahibla. Pero mas mainam siya ijudge ng kabuuan kaya tabla talaga 'to. At gaya ng sabi ni Anygma, panalo tayong lahat dito. Rating: 5/5.
Notes:
-Salamat kay u/iamzhayt sa pag-shoutout sa FlipTop subreddit!
-Undefeated as of Second Sight 12 lahat ng nag-shoutout sa FlipTop.
-Nakaka-touch din na all out support at appreciation si 3rdy at Class G kay M Zhayt during the battle. A battle emcee inspiring other battle emcees. Doon pa lang panalo na si M Zhayt.
-We may agree to disagree. Feel free to comment or DM kung kailangan ng paglilinaw.
Para sa akin:
Battle of the Night: M Zhayt vs Emar Runner-ups: Sur vs JR Zero, Romano vs 3rdy
Performance of the Night: Vitrum Runner-ups: Ruffian, SlockOne
Round of the Night: Vitrum's R1 Runner-ups: Romano R1, Emar R2
submitted by easykreyamporsale to FlipTop [link] [comments]

2024.05.03 20:03 imbipolarboy Claudine's first tell-all interview on Rico's death

Claudine's first tell-all interview on Rico's death submitted by imbipolarboy to ChikaPH [link] [comments]

2024.05.03 16:02 Unique_Dig4201 Abyg? Kung ayaw ko na makinig sa mga rants ng nanay ko?

ABYG? Trigger warning.. (F27) Kung naiinis na 'ko kay Mama dahil sa kaka kwento niya sakin ng about sa kupal na bayaw ko? Like gusto ko na sabihin kay mama na wag na niya ikwento sa akin lahat ng ikinaiinis niya sa bayaw ko?
Pangalawang beses na akong nag panick attck dahil sa ganitong scenario. Last week lang sinugod pa 'ko sa ER sa sobrang lala na parang magllock na yung jaw ko. Then kanina muntikan nanaman ako atakihin pero hanggang ngayon parang may naka- bara pa din sa lalamunan ko. Lahat ng marinig niya kwinekwento sa akin. 😭Nasstress kasi ako kapag nagkwkwento si mama ng tungkol sa kanya kasi wala naman akong magawa dahil nakikitira lang kami sa kanila ni ate ko.
Ilang beses na din kasi kami nag decide na humiwalay na. Kahit mahirap kakayanin dahil nga sa bayaw ko. Pero iniisip daw ni mama mga Apo niya kaya ayaw niyang bumukod, sa kanya na daw kasi lumaki. Natry ko na din bumukod noong nag-away kami ng bayaw ko dahil sa mga rants niya naman tungkol sa pagsasaing ni mama na napapanis. Kaloka! Sabi ni mama sa'kin noon, every saturday sakin siya matutulog which is hindi naman natupad dahil sa mga Apo niya. Kaya paanong bubukod?
Though may point naman kasi si mama sa mga sumbong niya sa akin na kesyo hindi man lang siya inaabutan netong mag-asawa kahit siya ginawang labandera at yaya ng tatlo nilang anak. Tapos pagka-uwi pa galing sa work netong dalawang mag-asawa eh hindi pa din inaasikaso mga anak nila. And madami pang sumbong tungkol sa kabastusan ng bayaw ko at hindi man lang daw pagsabihan ni ate itong asawa niya.
Noon guys may pakialam pa ko. Ang ginagawa ko noon kapag may sinabi sa'kin si mama, sasabihin ko kay ate or sa bayaw ko para ma-ayos pero guys ako yung nagiging masama kasi its either iibahin ni mama yung sinabi niya sa akin or sasabihin ng bayaw ko na ako lang may gusto na i open-up yung ganong usapan. Tapos si ate, no comment. Ang lagi niyang linya "hayaan niyo nalang wag niyo nalang pansinin". Ang ending walang maayos na usapan.
Nagkwento na din ako sa pinsan ko regarding this and sabi niya intindihin ko nalang daw si mama dahil wala siyang mapaglabasan ng sama ng loob. Pero kasi madami din akong iniisip at problema na dapar unahin ayaw ko na sana madagdagan pa ng negativity pero naaawa ako kay mama. 😭 Sorry guys medyo magulo yung kwento.
submitted by Unique_Dig4201 to AkoBaYungGago [link] [comments]

2024.05.03 11:23 Puzzled-Topic7742 manipulator, gas lighter and cheater ex boyfriend

Hello, ginawa ko lang ‘to para mag labas ng hinanakit. my ex M19 and i M19 broke up months ago; because of cheating. We've been together for 11 months. We ended up on bad terms. Last year kami nagkakilala sa isang app. By september, talking stage na kami ganon, tapos he gave me his account, i forgot why. Dahil yata sa akala niya nag o-overthink ako or what. Sinabi niya sakin na ako ang first gf niya, kasi lagi raw siyang iniiwan because of his looks, lol. Edi ako naman todo comfort, sabi ko ganito ganiyan. Pero nung pag open ko nung account niya, nakita ko convo nila ng ex niya. He is begging for her to come back, pero april pa naman ‘yon. Baka isipin niyo ang babaw ko. No, kasi he lied. Hindi lang ‘yon, nakita ko rin gc nila ng COF niya, may isa ron is shiniship sa ex ko, tapos ito namang si ex, nag bigay ng clues tungkol sa letters ng name ko na meron din kay ate girl. Edi nag assume naman sila, tapos biglang nag first monthsary kami. Minyday ako ni kuya mo. Dagdag ko lang din pala na minyday niya ako, pero naka custom lang saakin HAHHAHAHAHAHAHA, nakita ko rin story archive niya, puro babae. Tapos ayon diba, minyday ako, edi nahurt naman si ate girl, pati mga kaibigan ng ex ko na kaibigan din ni ate girl, btw classmate sila. Nasaktan ako dito sobra, kasi sinusulsulan pa ng mga kaibigan niya ‘to si ex, SOME OF THEM AY MERON PARTNER. Nasa circle lang din nila mga jowabels nila, ka ts gwnon. Sinasabi nila na dapat yung girl nalang, hindi ako ganon. Tuloy pa rin sila sa pang s-ship sakanilang dalawa. Hindi ko muna siya cinonfront about this, kasi i got shy kasi wala namang kami.
By october, someone messaged me. "hi po, you don't know me pero meron akong gustong sabihin sayo" this is the exact words na sinabi saakin, syempre kinausap ko. Sinabi niya na someone is messaging him using dump account. "it's about your bf kasi e, di ba si [retracted] bf mo? hindi ko intention na siraan siya pero kasi deserve mo rin malaman, it also pains me na meron siyang masasaktan". I found out na meron siyang iba pang account, AND HE IS ASKING FOR NU*ES. He manipulated me. And I got manipulated. I am at my lowest during that time, he knew na sobrang hindi ako okay nung mga oras na ‘yon, he assured me na naiintindihan niya ako, sobra. And I believed him. I messaged him, about sa nangyari. Dineny niya. Wala ako sa mood na makipag talo pa o ano, I asked him and blocked him. He chatted my best friend na baka pwedeng i unblock ko na siya kasi hindi raw siya ‘yon, someone is using his picture raw, his identity. Of course I didn't believe him. Pero I unblocked him. Hinayaan ko nalang, ayoko na dumagdag pa ‘yon sa mga problema ko, hindi kasi siya tumitigil sa pangungulit. Sinasabi niya sakin na alam ko na church boy siya, na president siya ng youth sa church nila, kaya napa isip din ako. Pero alam ko naman na siya ‘yon, malakas instinct ko.
Na open ko rin pala yung ig niya before, nakita ko ron na ang hilig niya makipag d!rty talk and v€s, hilig niya mag aya ganon. Nanghihingi siya lagi ng n/des sa mga nakakausap niya na pinagbibigyan din naman siya. Nabigla ako, of course. TAPOS PALA, may time rin na nag t-take ako ng quiz, before mag quiz, lesson muna, nasa school ako niyan. Last subject na, before mag quiz, I checked his account para mabasa if ano message niya sakin kasi ayoko nga i seen. Tapos pag open ko, may nakakausap siya na babae. AND SCHOOL MATE, cm niya yata rin ‘yon e. He is flirting with that girl. Of course I got hurt. Ito yung unang beses na nalaman ko na he is cheating on me. Nanginginig ako non, tapos bigla pang quiz HAJAHAJJAHAHAHAH calculation pa ‘yon, nanginginig ako habang napindot sa scical ko AHAHHAHAHHAHAHA tapos, ayon, I still managed to get a perfect score kahit akala ko lagapak ako ron kasi wala talaga pumapasok sa utak ko except sa convo nila. Whime i am taking my quiz, naka screen record ako sa account nila, dinedelete niya kasi agad after. Takot mahuli e.
I forgot na sa ibang nangyari BABABBABHABANJJSBHABA, fast forward na, this year lang kami nag break, and after ilang days ng break up namin, nakita ko sa tiktok account niya na may nakakausap siyang babae ron, nanghihingi rin ng nudes, ulit. Pero he ghosted her. Nakipag break ako sakaniya kasi sobrang sakit na, hindi ko na makaya. Sobrang down na down ako, like alam mo ‘yon, nag f-flashback sa utak ko lahat ng ginawa niya. Anyways, na oopen ko pa rin account niya sa fb kasi he forgot the password kaya di niya ma change pass. nababasa ko convo nila ng mga kaibigan niya, ang dami niyang sinasabi sakin, na cheater daw ako ganon. Mga kaibigan niya naka bantay din lagi sa sp ko, sa story ko. Tapos isesend sa gc nila and i b-bash. Sobrang nagalit ako nung sinabi niya na nag f-flashback yung ho3 phase ko at cheater daw ako, kasi nag sasabi ako ng good night na pero online pa rin ako lol. alam niya na hirap na hirap ako matulog sa gabi kasi sa insomnia ko, ayaw ko lang talaga ng makakausap kasi sobrang drained ako. ilang beses ako nakipag break sakanila dahil sa sitwasyon ko. Alam ko na mapapagod ko lang siya dahil sa sitwasyon ko. I told him na hindi ako okay, aware siya sa lahat ng problema ko, lahat ng nangyayari sakin. He knew how many times i tried to kms. Tapos he even said na he shouldn't trust me since day 1, lmao. Sobrang napuno ako, I created a gc, kasama siya at COF niya. Nilabas ko lahat ng galit ko ron, kasama na yung pang loloko niya sakin at panunumbat. Pati na rin yung panunulsol ng mga kaibigan niya sakaniya na hiwalayan na ako, na layuan na ako. HINDI KO ALAM KUNG PAANO NIYA NATITIIS NA LAIT LAITIN AKO NG MGA KAIBIGAN NIYA. Alam niya na sobrang insecure ako, I often compare myself sa ibang tao. Grabe, he treated me so well to the point na I didn't notice that there's another girl. Nung gabi na cinonfront ko siya, don ko nalaman lahat. Hindi naman pala talaga ako una palang. Never naging ako. Ginawa niya akong pampalipas oras. Ang tagal tagal, almost one year niya akong ginagago. It hurts me knowing na he doesn't really love. He never did. Sinabi niya na una palang, si ate girl na talaga. Sinabi niya ‘yon sakin nang harap harapan. Witness yung mga kaibigan niya at kaibigan ko ron. Grabe. Sinabi niya pa saakin na sobrang hirap ko raw i handle. Sobrang nakakapagod daw ako, sobrang toxic ko raw. SOBRANG SAKIT, kasi he made me think na naiintindihan niya ako... Ngayon, masaya siya kay ate girl, habang ako, it still haunts me. Sobrang lunod na lunod ako, hindi ko alam kung paano ako babangon. He is my first boyfriend na pinakilala ko sa mga magulang ko, sa buong pamilya ko pa.
Kung mababasa mo man ‘to, i want you to know that i'm still haunted by the past. Please help me forget you. I asked for a closure, i even apologized to you sa pagkukulang ko sayo, sa lahat ng nagawa kong mali, i'm so sorry kasi hindi ako naging enough sayo. Closure lang hinihingi ko, bakit hindi mo pa maibigay? YOU GAVE ME TRAUMA. Trauma na hinding hindi ko makakalimutan.
Lalabas lang ako sama ng loob, hahahaha.
submitted by Puzzled-Topic7742 to CasualPH [link] [comments]

2024.05.03 08:39 nickimanas IS HE REALLY WORTH IT?

may bestfriend ako tawagin natin syang "Dora". Never kami nag away ng malala tampuhan siguro. We never really had the same circle of friends, now lang nung pinakilala namin sya dun sa kaibigan ng jowa ko, tawagin natin si boy na "Dong". Nagsimula nung nag kwekwentuhan kami nung mga ibang friends namin na may nanotice kami na hindi maganda kay Dong. Very unappreciative nya na to the point pag lalabas kami sya palagi yung freeloader ni singkong duling walang nilalabas which is samin sanay na kami since lahat kami may trabaho sya lang wala pero sya pinaka matanda saming lahat and unang naka graduate ng college. Tas talagang proud pa sya na nakalibre nanaman sya parang huh?? Pero gets siguro ayaw nya pa mag work, so yung nga lalabas kami kakain pero ni thank you wala which is hindi naman mahirap sabihin. Pero it all started nung we all decided na mag out if town, sobrang finafantize ng madami yung outing with friends pero sobrang hirap mag plano pag yung mga kasama mo hindi marunong tumulong sa pagpplano. So kami ng jowa ko, ako and isa pa naming friend na tawagin nating "Morin" ang nag pplansta ng plano from place na pag sstayan sa kakainin and mga iba pang needs, basically si Dora and Dong bibilhin nalang yung nakatoka sakanila. Nung day before na ng outing nagsibilihan na ng need lalo na sa mga karne and sangkap for food itong si Dora ang daming sinabi samin nila Morin na nagrereklamo si Dong na ang dami daw bibilhin and madami pang comments. So nainis kaming tatlo ni Morin and jowa ko kasi and expected ata ni Dong kami nanaman sasagot ng lahat at mag eenjoy nakang sila don. May mga bagay din na sinabi si Dora samin na paninira saming tatlo, sympre unang reaction namin don wtf diba bat di nalang sinabi sa harap namin.
Dumating na sa point na nalasing yung isa naming kaibigan tawagin nating sya "Juan". Si Juan sinabi nya lahat nung pinagusapan naming tatlo pati mga sinabi ni Dora samin. Nung kinonfront ni Dong si Dora dineny nya lahat and ending kaming tatlo ni Morin ang nagmukhang masama na ginagawan saw namin si Dong ng kwento.
Tumwag sakin si Dora para sabihin sakin kinonfront sya ni Dong and wag ko daw sasabihin na sya nagsabi. In short naghuhugas kamay sya ang malala pa don ako yung tinuro nyang gumagawa ng kwento tungkol kay Dong. In the first place naman hindi namin malalaman yung pinagsasabi ni Dong sakanyan and yung mga comments nya tungkol samin kung hindi sinabi samin ni Dora. Ang pinaka ikinainis ko pa nun kineclaim ni Dong na nauubos daw yung pera nya kakalabas namin kasi sya daw nagbabayad ng lahat. Andun na ako sa point na kung gusto nya nagbibilangan ilalabas ko literal lahat ng resibo ng labas namin as proof na kami ng jowa ko nagbabayad nun. Hindi ko alam kung nag papa angas lang sya dahil bago palang sila ni Dora o what.
Ngayon hindi kami naguusap ni Dora pero namimiss ko yung bestfriend ko, gusto ko man sya kausapin pero may punto kasi yung jowa ko and si Morin na kung kakausapin ko Dora and sasabihin ko na aakuin ko nalang yung chaos na dinala nya baka ma salba pa yung pag kakaibigan nung iba naming kaibigan sa circle. Pero sabi ng jowa ko magagalit sya sakin kung aakuin ko yung kasalanan na di ko naman ginawa. Ilang beses kong tinatanong sarili ko kung worth it ba si Dong para ako yung mag mukang mali sa paningin ng iba. Worth it bang itapon yung taon na pag kakaibigan para sa lalake na nakilala nya last month. Anong klaseng kaibigan yung ako yung ipapahamak para lang di sya yung magmukhang gago sa sitwasyon na sya din naman gumawa. Kasi in the first place hindi namin malalaman kung di nya sinabi samin.
submitted by nickimanas to OffMyChestPH [link] [comments]

2024.05.03 08:37 nickimanas IS HE REALLY WORTH IT?

submitted by nickimanas to CasualPH [link] [comments]

2024.05.02 08:46 Turbulent-Brush-3586 sana naging aromantic na lang ako.

gusto ko na etong ilabas kasi kailangan ko pa mag review and gumawa ng requirements for our midterms. Before ako mag grade 12, puros aral lang talaga ako and ang saya saya ko na ron kahit pa nahihirapan ako or madalas akong mag breakdown. Tumungtong ako ng grade 12 sinabi ko sa sarili "bakit kaya di ko subukan kahit crush man lang kasi parang nahuhuli na ata ako" ayon nag ka crush nga ako hanggang sa naging ka talking stage ko siya, ending hindi niya ako gusto. Medyo nasira pa nga pag aaral ko non ei, bumagsak ako sa isang quiz kasi hindi ako nakapag review and mas ginusto kong kausapin siya tas yung poster namin na sobrang pangit since ni rush ko lang kasi that time wala akong ibang inisip kungdi mag confess sa kanya. Simula non hinihiling ko na lang kay lord na maging aromantic na lang ako. Gumraduate ako ng shs and naka with highest honors naman ako, ayon as a reward sa sarili ko pinahinga ko buong bakasyon. Ang ginawa ko lang noon nanuod ako ng mga old hollywood movies tas nag crochet lang ako, syempre tinreat ko rin sarili ko sa labas minsan nga akong naging tambay sa sinehan ei. Pero syempre may times pa rin na nasasaktan ako kasi bakit walang nag mamahal saakin, i mean gusto ko ng payapa na buhay pero i think better rin siguro na magkaroon ng kasintahan kasi hindi ko man lang naranasan yung high school love and hindi ko rin naranasan na isayaw ako sa prom namin hahaha sak8. Yun nga during my vacation before ako mag college inenjoy ko muna sarili ko, like ang saya saya ko non kasi wala akong masyadong problema and iniwas ko rin muna isipin na magkaroon ng rs. Tas nung orientation na namin sa college dumating naman na yung jowa ko ngayon, nawala kasi yung pin ko and sabi niya igift niya raw ako ayon dun na kami nag umpisang mag usap. Ghinost ko sha mga ilang araw kasi nahihirapan akong mag adjust sa college life pero bumalik naman ako sakanya and ayon hinayaan ko sarili kong mahalin siya. Masaya naman kami mga unang buwan namin, like nilibre niya ako ng foods noon, binibili niya rin yung mga cravings ko dati, nag kukwentuhan kami and minsan vinivideo call niya pa ako haha. Niregaluhan niya nga akong ticket sa sinehan ei kaya pinuntahan ko sha, ayon nag gala gala kami eto yung unang meet namin tas hinatid pa ako ng parents niya sa sasakyan ng tricycle. ayon naging official kami by november. Second meet naman namin sinama niya ako sa baguio, sinundo niya ako dito sa province namin with her friends and family tas duon naranasan ko first kiss and binigyan niya ako ng promise ring, bouquet and binilhan niya ako ng plushie while ako cinrochet ko lang sha ng flowers kasi poorita ang ina nio ahahahahahaha. Bandang january may nag bago na. Kung dati lagi shang nag popost about saakin (syempre nag popost din ako) ngayon wala na, ni hindi niya man lang mag react sa post ko about sakanya. Madalas na rin kaming may misunderstandings and hindi na rin siya nakakapag kuwento saakin kaya naging boring na rin usapan namin. Pinupuntahan ko pa rin siya sa manila once a month and nag reregalo rin ako sakanya. Nong valentine's day naman medjo excited ako non kasi first time kong makaranas ng kadate, so inaya ko sha na mag vc kami pag kauwi ko after practice (even tho na hindi niya ako inayang mag valentines nag agree na lang siya saakin). Pinaalam niya saakin na manunuod daw siya ng sine and then ayon hinintay ko siya hanggang sa nakauwi na ako wala pa rin siyang reply saakin kahit nakita ko siyang nag post sa dump niya, hanggang sa nakatulog na ako, ayon pag kagising ko ng madaling araw umiyak ako kasi first time kong mararanasan valentine's day na may jowa pero hindi ko naranasan :(. Wala man lang akong ka date non kaya sobrang inggit ko sa mga mag jowa sa social media kasi gumawa sila ng paraan para lang madate jowa nila hahaha and weeks later nag post siya na best day niya yung valentine's kasi nakapanuod siya ng film ng fave actress niya sabi ko naman sa sarili ko "paano naman ako?". Last week of march pumunta ako sa manila kasi may family problem kami non na kailangang ayusin, and nakipag kita na rin ako sakanya then nanuod kami ng sine nuon kasi inaya ko siya and nilibre ko na rin siya. Nuong pauwi naman na ako nag away yung dalawa sa fam members ko kaya hindi ako nakapag paalam nang maayos sa sister ko kaya iyak lang ako nang iyak hanggang sa makauwi na kami. after that day, nag sabi rin ako sa jowa ko ng mga needs ko and tinanong ko siya bat hindi siya masiyadong nag tatanong tungkol saakin sabi niya hindi raw siya ganon and sinabi niya na i deserve better daw. ayon napatungan yung problema ko haha naging cold na siya saakin after non, one week ko yon tiniis hanggang sa napuno ako. kinonfront ko siya about that and muntik na siya nakipag hiwalay saakin, pero nag agree naman kami na mag start over kami after namin mag agree hindi niya ako nireplyan halos isang araw and kauwi ko tinignan ko socials niya, may nakita akong babae (pro ml player pala siya). sa sobrang gulat ko inakusahan ko siyang cheater tapos nong madaling araw na yon nag reach out siya saakin and inexplain na pro ml player pala yon. Ayon nag sorry naman ako na matino sakanya pero feeling ko may resentment pa rin siya saakin. Nag usap pa rin kami kahit madalas akong mag duda kasi minsan na lang siya nag uupdate saakin. Ngayon nilast chat niya ako kagabi hanggang ngayon di parin siya nag rereply saakin ket nakakapag post siya, nag react lang siya sa message ko.
Sana na lang talaga ginawa na lang akong aromantic ni lord kasi pag mag mamahal naman ako either sasaktan nila ako or masasaktan ko sila, simula non nawala na peace of mind ko haha. Sana na lang din pag papasok kayo sa buhay ng isang tao maging consistent kayo, ngayon feeling hindi na babalik saaking peace of mind ko hahaha :((
submitted by Turbulent-Brush-3586 to OffMyChestPH [link] [comments]

http://activeproperty.pl/