Halimbawa maikling kwento na may aral

Financially speaking, should I value practicality or quality?

2024.05.14 14:20 yeahyeahyeah362 Financially speaking, should I value practicality or quality?

I am an incoming SHS student. I do really well in school and is on the higher rank side in my advanced class. My mom is a live seller, her business is going well. Enough to support us and can even buy our "wants" occasionally. My dad is a driver of our own van, yung byahe nya is hindi madalang pero hindi rin madalas pero kapag byahe sya, mataas din naman yung nakukuha nya. I have 4 younger siblings, ako yung oldest, lahat kami nasa public school, yung isa nasa elem na, yung 2 nasa kinder pa.
The school that I want is a private school. Talagang kilala sya in terms of quality education + complete facilities + aircon pa HAHA + magandang services (entrance exam reviewers, work immersion process). However, the tuition is 8k (voucher applied). May iba't ibang mode of payment naman, monthly is 800. Books and uniform pwede ko naman sya maarbor sa pinsan kong dun nag aral (laking bawas na neto). May ipon din ako na 3k pero wala kasi akong cp at tablet lang ni joy gamit ko, though may laptop naman ako at nakayanan ko naman pagtyagaan yung tablet + gusto ko mag paayos ng ngipin HAHA nakakahiya kasi, hilig ko pa naman humalakhak.
Kaya naman daw ni mama yung tuition, nag woworry lang ako kasi baka bumigat yung gastusin ng husto. Ewan ko pa, batak mang guilt trip sila nasanay akong hindi na umasa na maibibigay nila yung luho ko kahit nakakaluwag naman kami + baka isumbat din sakin pag nagaway kami. Nakapasa ako sa exam nila, tingin nyo ba i-go ko na dito? Or should I settle na naman sa public school na pinag-aaralan ko na kinakawawa lang bulsa namin sa research dahil wala silang pondo, pero wala akong tuition na babayaran. Di naman entirely pangit ang experience ko dun pero ang toxic talaga ng environment lalo na yung mga teacher kong pedo at namimilit sa research.
Speaking with no bias, nasa estudyante naman talaga yan at wala sa school pero gusto ko rin dito parang as a treat na rin sa sarili ko kasi ang aga kong naging batang ina sa mga kapatid ko dahil busy pareho kong parents sa trabaho tapos wla rin akong HS life halos dahil strict kuno sila na wala naman sa lugar yung pagkastrikto to the point na di ako marunong makipag socialize HAHAHA. Mamatay nalang talaga HAHAHAHHA. Anywayssssss san kayo mag eenroll kung ako kayo
submitted by yeahyeahyeah362 to studentsph [link] [comments]


2024.05.14 14:05 asianchicc_rose Di ako aattend ng graduation.

4th year college na ako ngayon, waiting na lang ng graduation. Tinatamad na ako mag martsa, pero iniisip ko ganon ba talaga kahalaga umattend. Di rin naman nag eexpect magulang ko na ggraduate ako ngayon, wala rin naman silang imik. Di din naman sila nagpapa aral sakin.
Lintek pa ng OJT yan, binagsak ka pa sa evaluation ng company na pinag ojthan mo dahil lang sa hindi ka sa kanila magtatrabaho. Pagod na pagod ka magpaka alila sa kanila tapos babagsak ka lang. Laging OT hanggang 9pm kahit labag sa loob mo dahil gusto ko matapos na kagad, dahil ayokong may iisipin pa sila bukas.
Running for laude pa naman dahil lang sa OJT na yan na minema ng kompanya.
Nakakapagod sa lahat. Sana talaga hindi na lang din ako nabuhay. Nagtatrabaho na ako ngayon, magpapakapagod na lang ako sa trabaho kesa umattend sa graduation na yan.
submitted by asianchicc_rose to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.14 10:12 Blusy_Addy Should i chose univ or stay here ?

Freshmen Student here. mali siguro ang desisyon kona di ako nag apply sa mga univ school dahil nga sa late ako , same lang naman siguro na may time na nakakaburnout talaga yung system, but just want share my experience sa school ko ( catholic school who offered few courses) nakakaburnout lang kasi ang unti namin sa course namin and lima lang kami, yes lima lang kami and ang bulok lang kasi ang unti namin at kasya lahat ng first year sa isang room huhu sinong di mabuburnout pag ganun ? thats why I'm planning to transfer sa ibang school for a better environment kasi nakakasakal ang system ( mali ko rin na dito ako nag enroll but also thanks for the oppurtunity na makilala ang background behind catholic school , hindi po nakakatuwa na mag catholic school for college . I already told my friend about my situation rn and she said its more better if i detached my self from that school di ko alam di siya holy for me ang negative ng energy ng school or ako ang negative energy ( i have no friends) sino ba kasi makikipag friends sa mga college student na nag aaral sa catholic school na may bisyo, yeah nasa adulting phase na po tayo but sila kasi ang lala and not happy na nakilala sila , sira mental ko sa kanila. But for other na galing univ nag aral may nakaka encountered akong lumipat sa school na to and for me dito ang option nila huhu , runnn save yourself pls . im begging u
submitted by Blusy_Addy to CollegeAdmissionsPH [link] [comments]


2024.05.14 09:54 aspirer_ Problemadong Teenager

Hello, gusto ko na lang talagang ilabas 'to kasi hirap na hirap na talaga ako. Please suggest some things that I can do to lessen my problems, pero sana hindi masyadong harsh hehe.
I'm 18 years old and pakiramdam ko sa lahat ng parte ng buhay may problema ako. Dapat 1st year na ako ngayong AY and turning second year next sem, pero I dropped out first sem pa lang ng freshman year ko. Sinabi ko sa family ko na ittry kong mag-aral mag-code/program (since yung kinuha kong course is Computer Science) and bigyan lang nila akong 1 year, pag nag fail mag-eenroll ako ngayong year. And yun na nga, nag-fail. Wala akong idea sa coding/programming and hindi ako masyadong interested doon, gusto kong makakuha ng IT related knowledge kasi yun ang in-demand ngayon at hindi kami mayaman kaya kailangan kong maging wais sa pagdedesisyon sa buhay. Pero ngayon parang lalo ko pang pinalala ang sitwasyon ko, I tried mag apply sa ibang univs as freshman pero hindi pala ako pwedeng matanggap dahil nakapag-enroll na ako last yr sa ibang school and kailangan tranferee na ako. Kailangan kong makuha yung documents ko sa dating school and malaki yung babayaran. Sinabi ng mga magulang ko na kunin na yung documents at bayaran na lang namin yung balance sa school pero naaawa na talaga ako sa kanila, alam kong pinaghirapan nila yung pera pero parang mawawala lang ng ganon dahil sa mga maling desisyon ko sa buhay. Nag enroll ako sa univ na yon dahil tutulungan kami ng mga pinsan ko (mother's side) sa tuition fee and sa allowance.
Pero here's the real reason why I dropped out of college: - I was pressured, since maraming nag-papaaral sa'kin ang dami kong tao na kinoconsider bago ako makapag desisyon, and I overthink a LOT. - add ko pa rito na I applied for scholarships tapos lagi akong tinatanong kung nakapasa ba ako, sobrang tagal ng resulta and may scholarship na nag-release ng result tapos hindi ako nakapasa so lalo pa akong na-down. (may isang scholarship na nakapasa ako pero too late because nag-drop out na ako when they released the passers.) - medyo strict din yung mga pinsan ko na nagpapaaral sa'kin so medyo napressure din ako don, and they're pretty successful people so yon. - I was shocked, sobrang laking adjustment para sa akin dahil mula elementary - senior high school ay sa lugar lang namin ako nag-aral then biglang nag Manila ako. Nag-adjust rin ako sa environment, kasi sa bahay na ako ng mga pinsan ko nakatira and sobrang nahihiya akong kumilos, tinutulungan na nila ako financially tapos sila pa nag-aasikaso sa akin. - Friends & cousins (not the ones that are helping me, father's side), nung nakapasa ako sa univ na yon my friends and cousins weren't that happy for me, they were asking kung dun na ba ako mag-aaral and all. Ayokong sabihin yung tuition fee sa mga pinsan ko pero nasabi ng nanay ko sa tita ko because natanong sya on the spot so nasabi nya and nalaman ng mga pinsan ko, tapos nung nalaman nila they acted na parang papahirapan ko mga magulang ko (kasi di nga kami mayaman and di namin afford) and they were telling me na gusto ko lang kaya ako papapasukin doon, when in reality gusto ko rin naman talaga pero gusto rin akong ipasok ng mga magulang at mga pinsan ko (mother's side) sa maayos na school.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto kong kausapin yung mga magulang at mga pinsan ko na bigyan ulit ako ng chance na pag-aralin ako at dun ulit sa univ na yon (bc baka mahirapan na akong lumipat) pero hindi ko alam kung papayag pa sila because na-disappoint ko na sila. Sobrang naappreciate ko pa rin talaga silang lahat kasi nung nagdecide na akong ganon hindi nila ako pinagsalitaan ng masama, they even tried things para mas maging magaan yung loob ko kasi lumalayo na ako sa lahat at that time. Sobrang hirap para sa akin kasi pakiramdam ko sinayang ko lang yung pag-aaral ko nang mabuti mula elem - shs, alam ko naman rin na hindi ako tanga pero parang naging ganon na ngayon yung tingin ko sa sarili ko, lol.
I deleted my socmeds when I dropped out, wala akong na akong connections sa lahat ng mga kaibigan ko for the past 8 months.
May nangyayari pang gulo sa pamilya namin ngayon so mas lalo akong nahihirapan pero hindi na ako magdedetail sa part na to.
And I'm also broken hearted rn haha, my ex who is also my best friend is now out of my life. Malaki rin yung naging parte nya sa buhay ko because we've known each other for around 6 years. Ayoko na rin idetalye to kasi baka mabasa nya, gusto ko na lang rin syang hayaan kasi may iba na na nagpapasaya sa kanya. Salamat pa rin sa kanya.
Kailangan ko lang talagang mafigure out yung gagawin ko para makabalik sa pag-aaral kasi nung yun pa lang yung problema ko sobrang sakit na sa ulo, tapos habang tumatakbo yung oras lalo lang nadagdagan yung mga problema.
Sorry pero hirap na hirap na ako, araw-araw na iyakan, sleepless nights, at ngayon hindi na ako makakain kahit ako yung tipo ng tao who loves to eat, lol. Naaawa na rin ako sa nanay ko kasi laging kaming dalawa lang ang magkasama and siya yung nakakasaksi ng mga pag-iyak at panghihina ko. I'm even considering na tapusin na lahat ng paghihirap na to kasi hindi ko naman alam kung worth it ba talaga, kung may liwanag ba talaga at the end of the tunnel. Pero iniisip ko rin na sobrang laki ng mundo, bilyong-bilyong tao ang walang pakialam kung mawawala ako ngayon kaya gusto ko na lang rin sanang maranasan kung paano maging successful at maranasan maging totoong masaya.
Pasensya na po wala na akong ibang mapagsabihan, nakakatakot na rin magtiwala at magsabi sa iba, at least dito anonymous haha.
submitted by aspirer_ to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.14 08:41 Reasonable-Guava-802 Hindi ata ako makakagraduate

my nephew is 5 months old and yung parents nya both working, ung dad nya ofw at ung mom nya ay dito sa ph nag wwork. naiiwan ung nephew ko sa amin ng mom ko kapag pumapasok sa trabaho ung mom nya. kami lang ng mom ko sa bahay and shes approaching 60 already. im graduating na pero may natitira pa akong exams this semester and nahihirapan ako mag aral kasi kelangan ko tulungan ung mother ko mag alaga sa nephew ko. malaking baby sya and hindi kaya mag-self sooth para makatulog so lagi syang buhat ng mom ko para makasleep and minsan hindi sya nagpapababa. at dahil busy ung mom ko sa pag aalaga, ako ang sumasalo lahat ng gawaing bahay and kung minsan, nagsswitch kami ng tasks. hindi ako makapag focus sa mga remaining exams ko dahil doon. although sinasabi ng mom ko na kaya naman nya mag isa pero hindi ko sya matiis kasi lagi ko sya naririnig na masakit ung likod nya kakabuhat :(( naawa ako sa kanya. i told them about getting a babysitter pero ayaw ng mom ko kasi baka daw saktan at ayaw nya pabuhat sa iba ung nephew ko.
mali na isisi ko yun sa kanila kung di ako makapasa at graduate ngayon kaya sinusubukan kong gawin parin ung best ko kahit wala na akong review minsan huhuhu i guess gusto ko lang talaga mag vent kasi wala akong mapag sabihan. sana wag kayo magalit sakin hahahahaha
submitted by Reasonable-Guava-802 to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.14 08:23 Fabulous_Wing2750 Caught my babydaddy having affair with his first cousin

I am F 26. I am a Single Parent since nabuntis. although during the time na buntis ako, di pa kami officially hiwalay (but hindi kami kasal) Our parents agreed na magpakasal kami pero di ako pumayag kasi during the time na nagbubuntis ako, aware akong may mali 💀kaya nag reason out nalang ako na tsaka nalang ang kasal after manganak. Di alam ng family ko na hindi ako tinatrato ng tama ng partner ko. Pinagtakpan ko sya until napansin na ng parents ko na there's something wrong at pinapabayaan niya ko all through out my pregnancy. Kahit nung moment na nanganak ako, he wasn't there. Pumunta lang sya dun nung nakapanganak na ko.
Nung nanganak na ko, wala pang 1 week, nagrereklamo siya sa nanay ko na bakit daw lagi akong tulog at hindi ako kumikilos. Pinaglalaba nya pa ako. When he can do it naman dahil wala naman syang work at wala naman siya ginagawa kundi mag adik sa online games and hello??? I gave birth. Sariwa pa ang tahi at dumadaan pa sa PPD dahil sa pagkakaroon ng iresponsableng partner. Inapelyido ko pa sakanya yung anak ko kasi malaki ang pag asa ko na magbabago siya dahil sa baby. pero i was wrong. wala pa 1 month baby namin naghiwalay na kami.. reasons are irresponsible siya, ayaw magwork mas inuuna ang online games.. at ang pinaka malala third party 💀 anyway so ayun, nakipaghiwalay ako pero umaasa ako na aayusin nya. after 2 months nagmakaawa ako sakanya na ayusin namin yung family.. pero sabi niya, para nalang daw sa bata. lagi sya nagbibigay ng mixed signals. iba iba statements nya sakin. since naghiwalay kami hindi sya nagsusustento, if magbihay man bilang lang sa daliri ko. Binyag ng bata, kahit magulo that time dahil kahit family namin nadadamay sa gulo... still, i invited him and his family to attend my daughter's baptism.. (gastos ko at ng fam ko) but they didn't attend. Since nanganak ako up to 3 months baby ko, family ko ang sumuporta sa needs ng anak ko. Pero nung kaya ko na i did everything para mabuhay ko ang baby ko dahil nahihiya ako sa parents ko na ipa-kargo yung anak ko.
Hindi ako nanghihingi ng tulong sakanya kasi kapag may maayos akong kita hindi talaga ko nanghihingi dahil alam ko naman na wala siyang work. Nakaipon ako ng pera that time dahil pandemic saktong malakas ang food deliveries at kung ano ano din ang binenta ko. Fast forward, first birthday ng baby ko (i'm so proud dahil galing lahat sa bulsa ko ang ginastos ko dun) 🥹 I invited him and his family. Umattend naman sila then after that mejo nagkasundo, nagpunta kami sakanila to celebrate Christmas. Hanggang sa napagkasunduan namin na i-try ulit.. kaso after 5 months, it didn't really work out.
the reason why? alam kong niloloko nya ko at pinipilit nya lang na pakisamahan ako dahil gusto ng parents nya na nasa puder nila yung anak ko (since nagiisang apo) pero sobra sobrang depression yung nararanasan ko sa araw araw na nandun ako. Umalis kami ng anak ko pero maayos naman yung pag alis ko.
Hanggang sa yung hinala ko, unti unting napapatunayan dahil ang daming nagsasabi at nagsusumbong sakin.. he's having an affair with his cousin. FIRST COUSIN 💀 ang tagal nya pinapamukha sakin na baliw ako na pinagiisipan ko sila ng ganun at masyado daw madumi ang utak ko. If hindi totoo bakit naging issue yun dun sa lugar nila? Honestly ang tagal ko kineep sa sarili ko yun. Wala akong pinagsumbungan at pinagsabihan kundi siyang partner ko lang kahit sobrang bigat sa loob ko. kasi inisip ko din na baka isipin ng ibang tao na baliw ako para magisip ng ganung bagay. Dahil yun din ang palagi nya pinapamukha sakin, pero grabe talaga ano? REALLY TIME IS THE ULTIMATE TRUTH TELLER.
Pinatawad ko siya at pinatawad ko din ang sarili ko kung bakit hinayaan kong durugin nya ako ng ganun lang. Sobrang hirap at grabe yung pinagdaanan kong yun kasi nung una nilaban ko talaga. nilaban ko talaga sya sa lahat, everytime papatawarin ko sya halos magalit na sakin lahat ng kaibigan at pamilya ko kasi gusto ko talaga ilaban dahil ayoko magkaroon ng broken family ang anak ko pero thankful ako dahil natanggap ko din na hindi para samin ang buong pamilya, salamat kay God dahil binigyan nya ako ng strength and courage para malagpasan yun.
MAY PART 2 PA TO. AT DUN PAPASOK ANG ABOUT LEGALITIES NA KATANUNGAN KO.
sorry if magulo kwento ko... bawi ako sa part 2 😅
submitted by Fabulous_Wing2750 to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.14 08:18 Strange_Beyond_8370 I started to hate religious Family.

Actually, gusto ko lang talaga mag rant kasi masama loob ko. My Family is very including yung Family side ng father ko. So ngayon, nakatira ako sa tita ko ngayon and ilang weeks palang ako dito. I actually don't like the vibe nung nagstart na siya magsalita nung unang apak ko rito. She's mocking other people, she's preaching bible verse, kinukwento niya pati yung manugang niya na napaka gastos daw niya ganyan tas hindi raw niya siya marunong makisama kasi hindi raw ini-include yung asawa niya kapag kakain sila, kinuwento niya pa yung pinaalis niya yung ano kasama niya sa bahay kasi inuubo like wtf. So the more na nagk-kwento siya, the more na na-off ako sa vibe niya. Syempre ako go with the flow kasi gusto ko mag aral. Yes, sumama ako sakanya kasi gusto ko mag aral.
For the background story saakin, tatlong beses akong nag stop na mag aral and may reason naman ako. Yung una, kasi nagkaroon kami ng alitan nung kaibigan ko sa pera kasi nagpapaliwagan kami noon and ako na yung magsasahod kaso hindi niya binigay yung pera ko na nasa 3k+ sana (Actually may utang pa siya saakin na around 1.5k and hindi niya pa binabayaran hanggang ngayon). Malaki laki na iyon for me kasi hindi naman mayaman yung family ko and nangangailangan din ako during that time. Nung 2017 pa iyon nangyare and nasa Junior High palang ako. Ayun nga nag away kami and pinagbantaan niya buhay ko noon. Natatakot ako syempre kasi kasali siya sa mga frat no'n and hina-hire yung gang nila nung government to delete people. Kaya nag drop out ako haha. Gusto ko pa sanang ipagpatuloy noon kaso sobrang natatakot ako sa buhay ko kahit pinipilit ako ng teachers no'n na pumasok. Hindi alam ng side ng Family ko na nangyari eto pero alam ng Lola ko. Kaya kung ano anong kinukwento nila sa ibang relatives namin. Yung pangalawa naman, pandemic na eto and sobrang depress ko that time. Like, 3 years akong depress noon. So nag stop ulit ako kasi hindi ko gusto yung mga classmates and teachers ko noon kasi sobrang toxic nila and mostly pa nung mga naging kaklase ko noon sila yung mga nang bully saakin nung Junior high (nag aral ulit ako and bumalik ako sa old school ko). Actually, pinilit lang ako ng Mama ko na mag aral doon and kapag di raw ako nag enroll d'on sa school na iyon hindi raw niya ako papaaralin. Syempre natakot ako and kahit ayoko, nag enroll ako ron haha. Kaso nag drop out din kasi sobrang na depress ako. And yung pangatlo is nag drop out ako dahil sinunog nung brother ko yung mga modules, project and work sheets ko. Umiyak ako ng malala noon kasi ipapasa ko na iyon ng friday and nawala lahat. Around 2021 to 2022 nung nangyare iyon. Sinunog niya dahil lang maingay yung volume ng pinapanood kong tiktok noon and naiirita siya dahil don. Ayun lang yung reason niya kaya niya nagawa. Sobrang na discourage akong mag aral ulit kaya nag work nalang ako ng ilang years kahit depress ako. Wala akong Senior High diploma kaya nahihirapan akong pumasok sa ibang trabaho. Yes, ayan yung reason kaya sumama ako sa tita ko dito sa Manila kasi gusto kong mag aral and mag work.
Ilang weeks palang ako sa bahay niya pero pinapalitaw na niya yung totoong ugali niya. Nung unang kita ko sakanya napaka nice niya and approachable. Akala ko nga hindi siya strict e kasi sabi niya nung nag video call sila ng mama ko hayaan daw ako matulog. Pero nung nandito na ako nagrereklamo kapag nasosobrahan tulog ko sa hapon. Tapos ang dami niyang bawal. Gumagawa naman ako ng gawaing bahay and dinidiligan naman yung mga halaman niya. Sumusunod naman ako kapag may inuutos siya. Oo, hindi siya madamot sa pagkain pero napaka damot niya sa mga gamit. Like, example, bawal manood ng TV kasi sayang sa kuryente, bawal mag electricfan kapag di siya kasama kasi sayang sa kuryente, bawal gamitin yung basong ganito ganyan kasi ginagamit nila, pati halaman may bawal diligan kasi raw baka lumambot yung stem niya e di naman niya sinabi anong halaman yung bawal diligan and etc. So ayun nga, kahapon medyo di kami nagkasundo and hindi kami nagpapansinan now. Nagstart uminit ulo ko nung tinago niya yung towel na sana gagamitin ko kasi marumi na yung towel ko and nagkaka breakouts ako dahil don. Di ko pa malabhan kasi kakalaba lang namin nung last week e hindi ko siya nasama kasi malinis naman siya noon. So ayun i have no choice but to use that dirty towel. Tapos ayun nga after ko maligo eh di tumambay ako sa sala kasi gusto kong mapag isa para mawala init ng ulo ko. Kaso pinipilit niya ako na sa kwarto nalang kami kasi para iisa nalang electricfan na gagamitin namin, kaso ako parang bingi bingian. Yes oo, binuksan ko yung electricfan kasi mainit. Tas ayon nagalit siya biglang lumipat ng sala and nagsabi sabi tas inagaw yung buong electricfan, hindi nalang ako nagsasalita pero masama loob ko that time kasi inagaw niya yung electricfan and ako sobrang pinagpawisan that time. Pawisin kasi ako kaya gusto ko naka electricfan tsaka siya naman mismo nagsabi saakin nung nag video call sila ni mama na pwede ko naman gamitin electricfan niya buong magdamag. So ayon, kinausap ko mga kaibigan ko na help ako kasi gusto ko ng lumayas. Ayoko rin ugali ng tita ko since napaka homophobic niya, insecure and pinapalo niya yung mga pusa rito tas once a day lang pinapakain. And nagpapatulong ako sakanya na mag apply ng work around QC kasi wala pa akong alam sa place dito and need ko help niya, ayaw naman niya kasi malayo raw. Sinabi niya rin na tutulungan niya ako magtanong sa Munisipyo about sa ALS, kaso di rin natuloy kasi tinatamad siya. So ano pang gagawin ko dito diba? Tapos ngayon nanonood siya ng TV and naka electricfan pa, tas ako bawal gumamit ng electricfan kasi sayang daw sa kuryente ahahhah. Sinabi ko eto sa Mama ko pero sabi lang niya dun daw ako sa may electricfan hayp. Hinahanap ko nga mga pamaypay, tinago rin niya. Hindi ako mamatay sa sama ng loob dito, kung hindi sa heatstroke.
So ayun, balak kong umalis dito and bumalik nalang sa province ko. Kasi andoon mga friends ko and maraming hiring na work sa province. Alam ko namang maraming hiring sa Manila, pero hindi ko naman alam yung mga sasakyan and pupuntahan lalo na lagi lang kaming nakakulong ng bahay tapos bawal pa akong lumabas, kaya babalik nalang akong province. I hope matuloy yung balak ko bukas na lumayas kasi nauumay narin ako sa kaka preach niya ng Bible verse pati sa Religion namin e hindi naman niya ina apply sa sarili niya. Hindi ako religious na tao, kaya nauumay lang ako sa sinasabi nila. Makikituloy muna ako sa kaibigan ko ng isang month lang hanggang makahanap ako ng work. Hindi narin ako uuwi saamin kasi pagod na ako sa ka toxic-an ng pamilya ko. If want niyo ng background story pwede ko namang i-kwento.
Wish me luck, i hope makahanap agad ako ng work and makapag aral ulit ako :>>
submitted by Strange_Beyond_8370 to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.14 07:56 deokillua What would you do if you had a time machine?

Ewan ba, pero feels like being in 30s is seriously depressing. Lalo pa if hindi ka pa financially free, and in general ang gulo ng buhay mo.
Sa age na ito, hindi na rin ganoon ka effective ang gasgas na mga advice na, "bata ka pa naman," "you have your life ahead of you", kung sa age na ito e wala ka pang ipon, wala pang asawa, wala pang naipundar at kapag di ka nagtrabaho, kakalam ang sikmura mo.
Never thought na ganito pala ka-cyclic, ka meaningless at ka-nakakapagod ang maging adult. Minsan gusto ko na lang umiyak tapos hindi ko alam ang dahilan kasi ang daming problema and di ko alam kung alin sa kanila ang iniiyakan ko.
I know na di ako naging wise sa pera. Until now, after 10 years, ako pa rin ang breadwinner. And I support my family by doing a job that I don't like kasi hindi rin naman ako naka graduate. Sinubukan ko minsan na mag aral ulit pero kung hindi time, pera naman ang issue kasi may medical conditions na parents ko, di na pwede unahin sariling gusto.
Sana totoo ang time machine, ano? Yung pagkapindot ko, magigising na lang ako na 2012 pa pala. Nag a apply pa lang ako sa first company ko sa Manila. Healthy pa at bata. Tapos maaga ako mag uumpisa maghulog sa insurance para after 10 years, which is now, may ipon na. Mag build ng meaningful connections sa mga tao at di yung papauto sa kung sino yung may itsura at maboka, yun ang pipiliin. Aalagaan mabuti ang health ng parents para hindi na i dialysis ang tatay ko, at hindi na maging diabetic ang nanay ko na marami na ring maintenance.
At syempre, gusto ko i-enjoy ulit ang maging bata. Yung malaya pa mag isip. Di pa nilalamon ng sistema. Alam pa kung sino siya at hindi parang nakadikit na sa trabaho at responsibilities ang pagkatao niya. Yung hindi magu guilty pag naglaro ka ng online game o nanood ng anime maghapon, kasi bata ka pa naman. At, kung katulad lang ng panahon ngayon dati, pwede ka kumita sa paglalaro.
Ewan. Di na naman babalik ang dati. Feeling ko, magkaibang tao na rin ang ako ngayon at ako dati. Mas masaya sya at malaya sa nararamdaman niya. Ako, mas responsable at alam ang gagawin sa mga problema. Pero gusto ko ulit maging masaya. 😕
submitted by deokillua to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.14 07:35 Fabulous_Wing2750 Caught my babydaddy having affair with his first cousin

I am F 26. I am a Single Parent since nabuntis. although during the time na buntis ako, di pa kami officially hiwalay (but hindi kami kasal) Our parents agreed na magpakasal kami pero di ako pumayag kasi during the time na nagbubuntis ako, aware akong may mali 💀kaya nag reason out nalang ako na tsaka nalang ang kasal after manganak. Di alam ng family ko na hindi ako tinatrato ng tama ng partner ko. Pinagtakpan ko sya until napansin na ng parents ko na there's something wrong at pinapabayaan niya ko all through out my pregnancy. Kahit nung moment na nanganak ako, he wasn't there. Pumunta lang sya dun nung nakapanganak na ko.
Nung nanganak na ko, wala pang 1 week, nagrereklamo siya sa nanay ko na bakit daw lagi akong tulog at hindi ako kumikilos. Pinaglalaba nya pa ako. When he can do it naman dahil wala naman syang work at wala naman siya ginagawa kundi mag adik sa online games and hello??? I gave birth. Sariwa pa ang tahi at dumadaan pa sa PPD dahil sa pagkakaroon ng iresponsableng partner. Inapelyido ko pa sakanya yung anak ko kasi malaki ang pag asa ko na magbabago siya dahil sa baby. pero i was wrong. wala pa 1 month baby namin naghiwalay na kami.. reasons are irresponsible siya, ayaw magwork mas inuuna ang online games.. at ang pinaka malala third party 💀 anyway so ayun, nakipaghiwalay ako pero umaasa ako na aayusin nya. after 2 months nagmakaawa ako sakanya na ayusin namin yung family.. pero sabi niya, para nalang daw sa bata. lagi sya nagbibigay ng mixed signals. iba iba statements nya sakin. since naghiwalay kami hindi sya nagsusustento, if magbihay man bilang lang sa daliri ko. Binyag ng bata, kahit magulo that time dahil kahit family namin nadadamay sa gulo... still, i invited him and his family to attend my daughter's baptism.. (gastos ko at ng fam ko) but they didn't attend. Since nanganak ako up to 3 months baby ko, family ko ang sumuporta sa needs ng anak ko. Pero nung kaya ko na i did everything para mabuhay ko ang baby ko dahil nahihiya ako sa parents ko na ipa-kargo yung anak ko.
Hindi ako nanghihingi ng tulong sakanya kasi kapag may maayos akong kita hindi talaga ko nanghihingi dahil alam ko naman na wala siyang work. Nakaipon ako ng pera that time dahil pandemic saktong malakas ang food deliveries at kung ano ano din ang binenta ko. Fast forward, first birthday ng baby ko (i'm so proud dahil galing lahat sa bulsa ko ang ginastos ko dun) 🥹 I invited him and his family. Umattend naman sila then after that mejo nagkasundo, nagpunta kami sakanila to celebrate Christmas. Hanggang sa napagkasunduan namin na i-try ulit.. kaso after 5 months, it didn't really work out.
the reason why? alam kong niloloko nya ko at pinipilit nya lang na pakisamahan ako dahil gusto ng parents nya na nasa puder nila yung anak ko (since nagiisang apo) pero sobra sobrang depression yung nararanasan ko sa araw araw na nandun ako. Umalis kami ng anak ko pero maayos naman yung pag alis ko.
Hanggang sa yung hinala ko, unti unting napapatunayan dahil ang daming nagsasabi at nagsusumbong sakin.. he's having an affair with his cousin. FIRST COUSIN 💀 ang tagal nya pinapamukha sakin na baliw ako na pinagiisipan ko sila ng ganun at masyado daw madumi ang utak ko. If hindi totoo bakit naging issue yun dun sa lugar nila? Honestly ang tagal ko kineep sa sarili ko yun. Wala akong pinagsumbungan at pinagsabihan kundi siyang partner ko lang kahit sobrang bigat sa loob ko. kasi inisip ko din na baka isipin ng ibang tao na baliw ako para magisip ng ganung bagay. Dahil yun din ang palagi nya pinapamukha sakin, pero grabe talaga ano? REALLY TIME IS THE ULTIMATE TRUTH TELLER.
Pinatawad ko siya at pinatawad ko din ang sarili ko kung bakit hinayaan kong durugin nya ako ng ganun lang. Sobrang hirap at grabe yung pinagdaanan kong yun kasi nung una nilaban ko talaga. nilaban ko talaga sya sa lahat, everytime papatawarin ko sya halos magalit na sakin lahat ng kaibigan at pamilya ko kasi gusto ko talaga ilaban dahil ayoko magkaroon ng broken family ang anak ko pero thankful ako dahil natanggap ko din na hindi para samin ang buong pamilya, salamat kay God dahil binigyan nya ako ng strength and courage para malagpasan yun.
MAY PART 2 PA TO. AT DUN PAPASOK ANG ABOUT LEGALITIES NA KATANUNGAN KO.
sorry if magulo kwento ko... bawi ako sa part 2 😅
submitted by Fabulous_Wing2750 to AskPhilippines [link] [comments]


2024.05.14 06:47 good_Little_hunt1ng My best friend's dad is celebrating his birthday today and I still recall the time he let me realized what a family man is

My parents' relationship wasn't always the ideal one. I grew up seeing their fights because of past issues like my dad's infidelities, my dad's toxic side of the family, etc. I grew up thinking that was the norm. Pero, hindi pala dapat ganun yung isang pamilya.
I grew up with my best friend pero we mostly spent time together in school since malayo bahay namin sa isa't isa. Fast forward to the time na lumipat sila malapit samin, so I got to spend most of my weekend afternoons with them a lot. That was also the time na kakauwi nina tito and tita from abroad for their house blessing. My HS weekends with them would usually consist of running sa morning tas lunch sa bahay nila. Minsan, hanggang hapon nandoon ako para manood lang kami ng tv sa sala, discuss ng news, mag-aral, tas makipagkwentuhan with the grandparents.
I still recall yung first lunch ko kasama sina tito and tita (since they live overseas for their business and holidays lang sila umuuwi), nanibago talaga pananaw ko about couples. Sobrang sweet nila unlike my parents. Memorize ko pa yung kwento ni tito about sa panliligaw niya kay tita. Super saya niya raw nung sinagot siya ni tita given na puro sulat at papel lang before since hindi pa uso yung phone. May time na he would ride a boat back-and-forth para bigyan lang ng flowers si tita since long distance sila.
That lunch was a full circle moment for me. I began to realize that this is what a healthy family should be. I began to understand what genuine love was.
Of course, nasundan pa yung lunch na yun, even dinners, ganun ako kaclose sa family nila. Still, ganun yung treatment ni tito kay tita. Tito never shied away kung gaano niya kamahal si tita. Tama pala talaga yung best friend ko. Kaya ganun na lang pala siya ka proud sa love story ng parents niya. I admired them as a couple and I admired them more as parents.
Tito, you became one of my dads especially during what I considered as my lowest moment where I thought I was going to lose my mom. I was a high schooler dealing with doctors and nurses' instructions kasi no adult was beside me. The first call I received wasn't even from my dad, it was an overseas call from you asking what assistance I need kasi you'll send someone or anything for me. All night I was stoic, pero I broke down at that hospital corridor at 3 am still in my high school uniform from that call.
So, thank you, tito! I hope you celebrate more of your birthdays pa with tita and your kids! You had sons lang and you wanted a daughter, so I'm lucky you considered me as one.
And sa best friend ko, thank you for sharing your family with me! Bruh, I won't tell this to you kasi iyakin ako pero mas iyakin ka. Thanks for being the brother from another mother.
submitted by good_Little_hunt1ng to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.14 06:45 blepleb Table (human) food vs dog food

I have this friend na ang pinapakain sa dog nya is mga lutong ulam na usually inuulam din ng fam nya. Hindi naman yung mga tira-tira. Like magluluto sila halimbawa ng ulam for lunch, tapos yun na rin yung papakain nila sa dog.
This friend also strongly believes na mas healthy ang lutong bahay sa dogs instead of feeding them yung mga usual dog food. When we had a discussion regarding this, parang medyo na-shame pa ako ng slight kasi hindi ko raw alam na puro processed food lang yung mga dog food na pinapakain ko sa dog ko. Ang stand ko naman, may mga seasoning kasi sa mga lutong bahay na hindi dapat pinapakain sa dogs. At kung sakali man na maglalagay ako ng human food sa bowl ng alaga ko, white meat like chicken lang na walang seasoning. 😅
Kayo ba, what do you guys think? Mas healthy nga ba ang table (human) food for dogs?
submitted by blepleb to DogsPH [link] [comments]


2024.05.14 05:33 CompetitiveFee3025 VA Rants

Hello everyone, pa vent lang ng frustrations ko or pahinga narin ng advice. Basically, I was a full time working student a few months ago but due to stress i decided to leave work and focus muna sa studies(since di narin sapat yung salary sa frustrations ko sa kumpanya) but a lot of things happened and napatigil din ako bigla sa pag aaral. Now, inintroduce sakin ng kuya ko yung VA and I decided na subukan din since wfh siya and baka maka ipon ako dito para makapag aral ulit. I went under a training program for VA's and okay na yung portfolio ko( pero BPO experience lang talaga ang meron akong WORK exp.) and ilang weeks na ako nag a-apply pero puro rejections lang bumabalik sakin and hindi pa ata ako nakakaabot ng ni isang final interview. Napanghihinaan na ako ng loob and mukhang mapapabalik nanaman ako sa BPO industry(ayoko sana kasi mas prefer ko wfh).
Baka po may advices kayo or kind words with my dilemma.
PS. OLJ lang po ako nag a-apply.
submitted by CompetitiveFee3025 to buhaydigital [link] [comments]


2024.05.14 05:21 YesterdayWarm9035 Unacceptable ba talaga kapag naging Jowa ni BFF yung ex mo?

I have a friend (C) who has a BFF na ngayon kinaiinisan na nya. Close na close daw sila ni BFF from HS to college. Nung college may naging BF si C, mga 1yr din ata tinagal nila tapos nag break kasi bata pa daw sila nung time na 'yon. Maayos yung break up since sabi nya okay naman si guy. Maayos, hindi cheater.
Then nung nag wowork na sila, nag sabi si BFF sa kanya na nanliligaw si guy. So eventually naging si guy na at si BFF. Ngayon, sa mga kwento ni C, naiinis sya kay BFF kasi parang walang delikadesa na pinatulan nya yung ex ni C eh alam naman nyang ex yun ng friend nya. Wala na ba daw ibang lalaki sa mundo at pumatol sya don?
On my mind naman, may BF na si C even before maging si BFF at guy so bakit ganon yung reaction? Also, kailangan ba talagang isa alang alang ni BFF yung feelings ni C bago mag jowa? Hindi ba magiging unfair yun sa kanya na she needs to consider someone else's feelings before pursuing her happiness?
submitted by YesterdayWarm9035 to pinoy [link] [comments]


2024.05.14 01:24 MysticalDragoneer 25 [M4A] Hi . . ring Bes AKA Chatmates(with voice calls), Limited Slots (up to 1)

Naghahanap ka ba ng taong maraming kwento and maraming jokes na tiyak makakapagpatawa kay Dolphy? Look no further, this is just for you. See details below.
Environment (me, aka your Bes): - maraming kwento - not in ph - studying somewhere else - will talk about mostly experiences - already has someone i like (will probably talk a lot about this person and ask you if delulu ako) - very healthily not available for landi - happy to listen and talk about mostly anything
Requirements (you): - be willing to listen - fun to talk to - will not be creepy and try to ask information to check the environment(me) out; eg: selfies, height, body build of the environment - will be nicknamed Bes
Phases: - inital: talking and chatting - stable: chats may lessen when busy but nothing has changed - tenured: cat memes may and will be sent
Tara, DM @ my.reddit .
xyz
submitted by MysticalDragoneer to PhR4Friends [link] [comments]


2024.05.13 21:47 Jas02252002 Parents

Hello, gusto ko lang maglabas ng sama ng loob regarding my mother. Alam ko sasabihin nyo na dapat hindi nagtatanim ng sama ng loob pero iba kasi talaga naranasan ko sa mother ko.
Some info: hiwalay na parents ko and both may parehong sariling family na at dahil first apo ako, sa grandparents ako lumaki.
So here is the story. Nagaabroad kasi si Mama and doon nagtatrabaho, syempre dahil OFW, sagot nya pag aaral ko ng college or kahit ambag lang ganon. Pero sobrang hirap nya hingan ng pangbayad ko ng tuition dati. Sa private ako nag aral ng college kasi gusto ng lola at lolo ko and kilala kasi yung school na yon doon sa Major na napili ko. Minsan sa isang sem 1 installment lang binibigay ni Mama, pahirapan pa. Minsan pa sa isang sem, walang binibigay. Sagot lahat ng grandparents ko and ng papa ko yung tuition ko. Minsan nalalaman ko lagi nagpapadala si Mama doon sa bago nyang asawa ng pera tapos nalalaman ko rin na pinangbababae lang non tsaka pinangsusugal at pinangiinom. Naranasan ko rin yung pinsan ni Mama binilhan nya sapatos galing ibang bansa tapos sakin kahit pag bibigyan ako, masama pa loob. Yung tipong magaling ba sa ibang tao pero sa sariling anak, walang amor. Last year nakapunta rin ako sa Ibang bansa kasi kinuha kami ng Tita ko, kapatid ni Mama. Tapos nalaman ko roon sinasabi nya pala sa mga kamag-anak namin sa side nya na ang nagpaaral sa akin noong college is yung kapatid noong bagong asawa nya. Ayon ang kwentong alam ng mga kamag anak namin sa side nila, which is Hindi naman totoo. Ako mismo saksi doon sa nagkautang utang na mga lola ko para lang mapagaral ako.
Naranasan ko rin yung mas papaburan yung mga kapatid ko kesa sa akin. Dati nagpapabili ako ng cellphone kasi wala nga ako gagamitin, syempre gagamitin din for school. Gusto nya bibilhan nya ako yung worth 3K lang daw. Max na daw yon. Eh sa halaga ng cellphone na maayos, ano mabibili ko roon? Tapos malalaman ko bibilhan nya ng iphone yung mga batang kapatid ko na mga nasa elementary pa lang that time. Naalala ko pa dati noong high school ako, dahil ako paborito ng tita ko na nasa ibang bansa, niregaluhan ako ng iphone. Tapos after 2 months lang kinuha ni Mama kasi pinapakuha raw ni Tita. Dahil uto uto ako, naniwala ako tapos binigay ko sa kanya. Hindi ko kasi nakakausap si Tita ng private, kay Mama ko lang nakakausap. Ang ginawa ni Mama at noong asawa nya sa cellphone ko, sinangla. Last year lang din namin nalaman ni Tita na hindi naman pala nya kinukuha yung cellphone sakin kasi nga regalo nya raw yon, bakit nya kukunin.
Last, sobrang dami kasi pero eto na lang, eto kasi pinakakinaiinisan ko talaga, kay Mama tsaka sa asawa nya at sa kapatid ko. Umuwi kasi ng pinas si Mama noong pandemic and pahirapan makabalik sa ibang bansa so nagstay muna sya dito sa pinas. Nauso yung online casino noong pandemic and dahil wala naman kami ginagawa ni Mama, nag agent kami sa online casino. Kumikita naman kami roon, extra income na nga rin. Yung kita nya ginagawa nya pangtustos doon sa asawa nya na walang trabaho at sa mga kapatid ko. Yung akin naman, ako na nagbabayad ng bills sa bahay nila lolo at nagbibigay ako pera kay lolo kapag sinasabi nya na wala syang pera. Yung ibang pera na kinikita ko, pinapautang namin sa mga kaibigan ni Mama. May tubo pero maliit lang at pwede na huhulugan. Tulong na lang kumbaga. Fast forward, may mga naiwan na pautang sa mga kaibigan ni Mama at nalaman ko na kapag nakakasingil sila, hindi binibigay sakin yung pera. May times pa na yung asawa nya yung naniningil tapos ginagamit pang bisyo nya. Pagsinasabi ko kay Mama na need ko yung pera, sasagot lang sakin is wala raw nagbabayad.
Ano kaya pwede ko gawin? Kapag kinakausap ko si Mama at sinasabi mga hinaing ko sa kanya, sya pa magagalit, minsan sasabihin pa sakin sya raw nag ire sakin kaya kulang pa raw yung gastos nya sa akin which is not true, kasi ever since, lola ko na gumagastos sa akin simula bata pa ako.
submitted by Jas02252002 to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.13 20:34 NervousLettypie My Filipino family blamed me for not talking about my rape

I was raped when I was 13 years old by a family member. Hindi sya tumigil dun. After that, everytime he hugged me tsinatsansingan nya private parts ko; minsan nahalikan nya ako sa cheeks to say na proud sya sa achievements ko pero he also kissed the corner of my lips. Then nararamdaman ko rin minsan pag gabi na may naghihimas ng pwet ko tapos I remember na minsan sinisipa ko sya kahit antok na antok ako (maliit lang kwarto namin noon kaya sa paanan sya namin nakatulog) then titigil sya. Then makakatulog na ako ulit at minsan mararamdaman ko naman ulit yun. Like, di ba sya natutulog?????
Ang tao na iyon ay ang ama ko.
Bakit di ko sinabi sa mama ko? Dahil takot ako noon at na feel ko na di ko maaasahan ang sarili kong ina. Sya kasi yung type ng ina na maliit na problema lang nagpapanic attack, nagha-hyperventilate, naoospital, o minsan nagagalit na as in super galit. So minsan makokoksensya ka talaga kaya tahimik nalang. Dapat yung sinasabi ay good news lagi. Like noong nag 3rd honors "nalang" ako sa school instead of 1st or 2nd, grabe yung sermon na naabot ko kasi di daw ako nag-aaral at pinapahiya ko raw yung pamilya. Bawal kaming mga anak na magsalits ng bad words pero sa kanya ko rin naman natutunan ang mga iyon. Bawal din yung sobrang happiness kasi maingay daw at pangit ko daw tumawa eh wala namang dapat ikasiya.
Ilang taon kong tinago ang sakit na nararamdaman ko. Di ko mayakap ang ama ko at iba kong male relatives kasi nandidiri ako. Di na rin ako kumakapit sa kanya tuwing nakamotor, bahala na kung lumipad ako.
Many years later I moved abroad and got married. I found out that my dad also cheated on my mom at sa bahay ko pa niya dinala yung babae. I have a post about that too. It took months to tell that to my mom kasi akala ko rin mamamatay sya habang wala ako sa Pinas. But I finally did through video call. Surprisingly, she took it well. However, later on, they acted like nothing happened at sinasabihan nya pa ako na tatay ko parin yun. She is also trying to make him look good like telling me na sya daw nagpapakain sa mga alaga na naiwan ko, etc. Sinabi ko rin ito sa kuya ko pero sabi nya rin na tatay parin namin yun at nag party party pa sila.
My husband knows about the rape. Sya yung una kong sinabihan kung sino talaga and he got so angry kasi he gave gifts to this person, he paid for the medical needs of this person, etc. He supported me all the way and feel ko sya nalang natitira kong kakampi ngayon.
Just recently, I decided to come out about my rape case to my family pero di ko parin sinabi sa kanila kung sino. Inexplain ko sa kanila na yan yung rason kung bakit ang dali para sakin na mangibang bansa. Yan yung reason kung bakit di na ako yumayakap o tumatawa sa bahay, o nag aattend ng party with relatives. Naging black sheep talaga ako. Pero mahal ko sila. Ako nagbabayad ng pangangailangan nila kahit may mga sweldo naman sila. Di lang namin alam kung saan napupunta yung sweldo nila. Ako nagpapaaral sa youngest namin and in charge of wifi, groceries, medications and birthdays, pero for some reason wala silang pambayad ng kuryente?
My mom recently messaged my husband, may bill daw sya na mga 4000+, pero nanghihingi ng 50k.
After confessing, akala ko noon na they will finally understand na. Pero hindi. Actually, galit sila. Spoiled daw ako at sinabi ko daw yun dahil hindi ko sila mahal at dahil daw galit ako na di ako nakapag-aral sa gusto kong university.
The audacity talaga to tell me na spoiled lang ako after I just spilled all of the pain I felt dahil na rape ako.
My mom and my older brother messaged me and my husband na culture daw namin yun na mga Filipino families at dapat respetuhin ko parin ang pamilya ko. Kasalanan ko daw na di ako nagsalita noon kaya nag-iinarte ako ngayon. Sana daw sinabi ko para napakulong yung tao. Kung sinabi ko kaya kung sino talaga, ipapakulong nga ba talaga nila after nilang paulit-ulit na kinampihan? Sinabi din nila na patawarin ko na daw kung sino man yun kasi Kristiyano naman daw ako and the seed of God‘s word. Sinabihan din nila husband ko na "kahit di kami mahal ni ____ mahal namin sya."
Nagpost din mama ko sa wall ko na pasensya na dahil di ko nabigay mga gusto mo. Baka may iba ka pang gustong sabihin ipost mo na lahat para ang lahat ay magsaya.
Ako talaga pinalabas na masama.
submitted by NervousLettypie to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.05.13 20:07 easykreyamporsale Won Minutes Luzon 2 Review (Part 2/2)

Part 1
Magkakaroon ng Leg 3! Pero sabi ni Anygma, kung talagang suportang lokal ka, hindi mo na kailangang hintayin pang makatapak sa FlipTop yung mga emcees. Walang katapusang dyamante ang matutuklasan sa underground.
7th Battle. Keelan def. Dave Denver. Dikit ang laban hanggang sa dulo. Mas naging entertaining lang siguro overall si Keelandagdag mo pa yung pagkalaglag ng kanyang pustiso HAHA.Pwede mapunta kahit kanino yung laban pero preference ko na lang siguro si Keelan.
Content Flow Performance
Keelan 4 5 5
Dave Denver 4 4 4.5
8th Battle. Bisente def. BLZR. Sobrang dikit ulit ng laban. Lamang sa aggression, energy, at stage presence si Bisente habang sa angles, multis, at wordplay naman lamang si BLZR. Nakatanggal lang siguro sa momentum yung summoning technique rebuttal ni BLZR dahil medyo laylay ang pagkakaspit ng kanyang pinalabas.Kung hindi ka talaga preparado, lalamunin ni Bisente ang kaluluwa mo. Ibibigay ko kay Bisente 'to pero kahit sino pwede rin talaga manalo.
Content Flow Performance
Bisente 4.5 5 5
BLZR 4.5 4.5 4
9th Battle. Supremo def. Philos. Masyado sila maraming 3rdy references at sa tingin ko na-didillute nito ang kanilang performance kung nagiging center of attention yung kanilang kagrupo. Anyway, wala namang duda na malakas sila pareho at obvious naman na bitbit nila ang Motus brand ng pag-battle. Kahit magkagrupo sila, hindi sila prumeno sa mga bara nila. Kahit sino pwede rin manalo. Tabla 'to para sa akin pero parang natahimik yung crowd nang ideklara na 3-0 Supremo ang nanalo.
Content Flow Performance
Supremo 4 4.5 4.5
Philos 4 4.5 4.5
Last Battle. Eveready vs Carlito. Sobrang FlipTop-ready na sila pareho. Sa sobrang lakas ng battle, ginawa na lang promo ni Anygma. Nasa ilalim sila ng poster pero ginawa silang main event. Ganun sila kagaling. Nakakapangilabot si Carlito at nakakatakot ang kanyang stage aura. Nahahaluan niya ng internals mapa-Tagalog or English. Si Eveready naman napakahusay mag-rebut at umanggulo. Para magawa nila 'yon sa maikling format, talaga namang handa na sila sa big stage at hindi nakakapagtaka kung makita na natin sila agad sa Ahon. Promo dahil masyadong malakas walang gusto mag-judge.
Notes:
-Halimaw si Bisente. Mas malupit pa raw aggression nito sa Zaki ng Kumugan.
-Mas madaling makipagkwentuhan sa mga emcee sa ganitong mas intimate na venue gaya ng 88Fryer.
-Based sa perspective ko ang review na 'to. We may agree to disagree. Feel free to comment or DM kung kailangan ng paglilinaw.
Battle of the Night (excluding Eveready vs Carlito kasi ibang lebel na sila): Bisente vs BLZR
Runner-Ups: Kalixs vs Razick, Don Rafael vs Ets
Performance of the NIght: Aubrey
Runner-Ups: Bisente, Don Rafael, Keelan
submitted by easykreyamporsale to FlipTop [link] [comments]


2024.05.13 18:56 Boring_Ad_4447 Is it me or my gf the redflag?

So my gf ako mag 9 months na kami ngayong may 24, she is a transwoman and i am a woman, para sa inyo medyo nakakalito kasi nga transwoman tas babae din ang gusto, para mas madali para syang lalaki na nagpaka lesbian ganon, so nakilala ko sya sa dating app, and eventually nag work nmn yung relationship namin knowing na bilang lng ang mga couples na nagtatagal pag galing ng dating apps, mga 6 months siguro kami nagstart kami mag live in. So nung mga talking stage plng kami she always talks about her exes, kung ano mga nangyari sa kanila, like pano naging sila, pano sila mag sx, pano sila naghiwalay and many more, nagkukwento din sya about dun sa mga naka ano nya sa mga bar, mga friend ng friends nya na may nangyari sa kanila, parang andun padin yung ego ng isang lalaki ganon yung for her pag binrag nya yung about sa mga 9 exes nya parang sa kanya nakaka impress yun. She also always brag about her achievements when she was in shs, she was the SSG Pres, buong jr. and sr. high nya with high honors sya, may sarili syang office dun sa school nila dahil nga she was the ssg pres, nasisingit nya din na her and her ex makes out in her office ganon, she is also a former mayor ng class nila noong 1st year college sya, for me okay lng nmn na proud sya sa nga achievements nya and i am also proud of her and d nmn talaga mapagkakaila na matalino talaga sya, wla nmn akong problem sa pagbrag ng mga achievements nya ang problem lng is kada kwento nya sa mga yan nasisingit nya yung mga exes nya, example nga yan na she was the ssg pres and lagi nya daw pinapatawag yung ex gf nya nun sa office nya para lng mag make out or sx, dun lng nakakagalit kasi everytime nlng na magkasama kami nasisisngit talaga nya mga ex nya, eto pa example nanonood kami ng tv nun tas nakahiga sya sa lap ko, hinawakan ko nun yung adams apple nya sabi ko buti hindi halata adams apple mo, sabi nya "d ko nga naging problem yang adams apple nung nag transition nako, and alam mo ba kink yan ng ex ko, lagi nya ko kinakagat dyan pag nagaano kami" nakaka off diba, yung ang sweet sweet nyo magkasama tas bigla sya sisingit ng ex nya, i told her nmn na ayoko ng ganon na parang nakakabastos nmn sakin and parang d pa sya nakaka move on, sabi nmn nya d na mauulit which is d nmn na talaga naulit. Eto pa bago palng din kami neto, lagi akong nakakakita sa tiktok nya na nagcocomment sya sa mga masc girls na naglilipsync, at dun sa isang not so famous na actress na may parnag gl bait na teleserye sa iwant, one time may comment sya dun sa mga yun na "alam mo mahal ko gf ko pero crush na crush na kita", " mahal ko gf ko pero sobrang ganda mo" mga example yan ng mga comment nya sa mga post ng mga yan, sinabi ko din sa kanya na I don't tolerate that kind of treatment na ginagawa nya sakin, na kung kami na at may crush pa sya bat d nlng kami maghiwalay, and kung ako yung may crush na iba habang kami na I don't think na magugustuhan nya din yun, so nangyari inunfollow nya at binlock yung mga yun. Isa pa lagi namin tong pinagaawayan, it's about masturbating, I don't tolerate masturbating kasi, for me cheating na yun, i know some of you will say na it is normal and I can't do about it, pero masturbating is a big NO for me talaga, some of you might say na baka d ko pinagbibigyan or d ko pinas score, sya ang ayaw mag initiate ng sexual act sakin, ako dahil siguro babae and never ko ginawa ang magaya ng sx sa iba, never ko sya inaya sabi ko nmn sa kanya na kung gusto nya sya ang magaya ang pagbibigyan ko sya kaso wala, so dahil nga transwoman sya d pa sya nagpa surgery meron padin syang pens, so nagmamasturbate parin sya patago nga lng dahil ayaw ko nga, madalas ko sya nahuhuli sa mga stained shirt na pinag gamitan nya, ilang beses na kami nag away about dyan napunta pa sa point na sa before her bday ginawa nya yun and nahuli ko sya for the 4rth or 5th time na ata, at ng reason nya ay dahil daw parang d na nya ako nasasatisfied and baka hanapin ko daw sa iba, muntikan na kami maghiwalay pero d natuloy dahil mahal na mahal ko sya sobra sobra. Aside from all of that she is a good partner, she provides everything i need, she always makes sure na i am happy, sometimes she gives me allowance, and she is also planning to provide for my college tuition. I love her so so so so much that i cut off my cousins, tita's and tito's na binabadmouth sya behind my back.
submitted by Boring_Ad_4447 to adviceph [link] [comments]


2024.05.13 18:39 jj1xo is FEU Tech worth it?

FEU Tech is one of my choices alongside CIIT since they both offer BMMA (multimedia arts).
Inuna kong mag-apply sa CIIT since well-known college sya for bmma (prio course ko), marami ring nag-college dito from the previous batch of our strand (so seniors namin) kaya nasa choices ko tlga. I passed their cet then binigyan ako ng isang buwan to reserve my slot, I asked for an extension and they gave me until april 7. During that time, nagcocontemplate akong tumuloy kasi parang di nman gusto ni mama don hagahahha ndi raw kasi nagpapapunta sa campus do hindi nya ma-vibe check (ewan ko rin guys hagahha) tas hirap daw magtiwala sa ganyan kasi college pa lng tas recent lng din na-establish. So instead of reserving like I initially planned, nag-exam ako sa FEU on april 6, then took my chance for a scholarship. (also note, ndi ako nakapasa sa interweave scholarship ng CIIT so isang factor din un kaya hesitant ako tumuloy)
Nagreserve na ko ng slot sa FEU para maging eligible sa president's scholarship program nila shortly after makapasa sa FEUCAT. It was then when I discoverd how fucking costly FEU Tech is for my course, 60k per sem and trisem sila. There's also a chance na tumaas yon the longer I stayed, so I'm looking at least 180k of tuition fees every academic year. Matagal pa before matuloy i-process ung scholarship application ko sa FEU kasi mga hinihingi nilang requirements ay final na, ung makukuha ko sa grad na; Gr. 12 report card with 1st and 2nd sem, Gr. 12 cert of honor, etc. kaya matatagalan tlga ung results. Hesitant ulit ako kasi hindi uli sure ung scholarship and talagang makakatulong sya kung mabibigyan ako, also nakakakita ako ng mga reklamo na pangit sa FEU and hindi sya worth it.
Now, I have some questions (especially for BMMA students):
FEU TECH
is FEU tech a bad school?
is FEU tech a bad choice for studying multimedia arts?
CIIT COLLEGE
How's the campus overall?
In terms of acads, what should i expect?
Sorry if super dami, wala po kasi akong matanungan eh. Thank you in advance sa lahat po ng makakapagbibigay ng insights nilaa!! <3 <3
submitted by jj1xo to CollegeAdmissionsPH [link] [comments]


2024.05.13 18:00 Hinata_2-8 Baka ganito talaga ang Iglesia aka MCGI:

Baka ganito talaga ang Iglesia aka MCGI:
1) May halay si Jesus, ang Diyos kakaiba itsura. 2) Di nagkamali kailanman sina Brother Eli at Kuya Daniel. 3) Mas mataas ang pagturing sa magtito kesa sa Diyos, let alone Hesus. 4) In denial na kulto rin sila, sabay turo sa iba na kulto sila. They will point anybody except themselves. 5) Wala na sa hulog at Aral ang pinagga gagawa. Wala sa Biblia ang KDRAC, ang Wish Concerts, wala sa Biblia ang quarterly Fiesta. 6) Wala rin sa Biblia ang pagkakaroon ng kalayawan at karangyaan. Mga lider ng Iglesia ng Dios, dapat humility at simpleness ang pinapairal. 7) Marunong tumalima sa nakasulat sa Banal na Aklat, hindi yung may exemption or exception to the rule.
submitted by Hinata_2-8 to ExAndClosetADD [link] [comments]


2024.05.13 17:47 Illustrious_Road5754 Kasalanan mo kung bakit ka nagkaganyan

I don't know what to do with my parents anymore.
After 10 days of knowing that i have MDD and anxiety, my mother is still in denial of my condition and her words are not helping me either. Recently I had a conversion with my mother telling her to call my psychiatrist, para na rin maliwanagan sya sa pinagdadaanan ko.
Sabihan ba naman ako na "kasalanan mo kung bakit ka nagkaganyan" at "Lahat naman ng gusto mo sinusunod namin". Putcha ganito pala ma-gaslight. At that time, hindi ko na alam sasabihin ko. I am beyond speechless, first time ko ma-invalidate. Alam ko, para sa isang ina, na mahirap tanggapin na may sakit sa pag-iisip yung anak mo pero hindi mo naman kailangang pagsalitaan sya ng ganyan. Miserable na nga yung tao, mag-a ambag ka pa.
At heto pa, sabi nya, "syempre masama kami sa paningin mo sa doktor mo, kwento mo yan - ikaw bida dyan". Gusto ko nalang magwala ampotangina.
Ginusto ko bang maging magkaroon ng saltik? Lahat ng GUSTO nyo ginagawa ko, lahat ng mga pangarap ko inayon ko sa gusto nyo.
Para na akong makinang de pedal, hindi gagana kung walang gagamit. Wala na akong pangarap sa buhay, kasi lahat naman ng mga major decision sa buhay ko sa kanila nang gagaling. Wala naman silang pakialam don anyway. Ni hindi nga ako tinanong kung anong gusto kong kurso sa kolehiyo eh.
Tapos sabihan ba naman ako na puro kasinungalin yung mga pinagsasabi ko doktor?! Tang ina, hindi ka naman makakapagsinungaling sa doktor kasi malalaman at malalaman nila kung hindi na totoo or hindi na coherent yung mga pinagsasabi mo. Like WTF, ang hirap talaga makipagusap sa mga boomer.
These kinds of shituations in my life right now make my want to commit the sword sooner than later.
submitted by Illustrious_Road5754 to MentalHealthPH [link] [comments]


2024.05.13 17:24 MISSAEYU ABYG kung sisingilin ko pa 'yong kumupit na dati naming class treasurer kahit sabi nung may-ari ng pera na huwag na?

Long story ahead. Maayos naman grammar kahit papaano hahaha.
Mayroon kasi kaming class treasurer, itago na lang natin sa name na si A (19m). May needed na tag with number (laminated daw) kami sa PE so since ako (19f) 'yong class mayor, ako nag-administer. Since 'yong school namin is known for tapunan ng students na medyo salat-salat or minalas sa school nila, understood ko na maraming hirap makapagbayad lalo pa pag tumaas ng ten pesos 'yong need na halaga. May number kami na printed tapos ila-laminate, na 40 pesos each ang price. Since nasa 40 kami, around 1600 ang presyo no'n at mabuti na lang at sinagot ni Kuya B ang layout, print, laminate. Working kasi 'to kaya hindi napasok. Pinagkatiwala ang collection ng pera sa treasurer. Bakit namin treasurer kamo? May mga kwento kasi siya na may mga allowances siya from other people, scholarship and such at ayaw na ayaw kong humawak ng pera talaga.
Bigla nagchat si Kuya B sa akin after ng preliminary examinations namin if kinausap ako ni A or if may inabot, eh wala naman. Kaya itinanong ko na kung bakit, saka niya in-splook na nagalaw pala ni treasurer itong pera (amounting to 1k since kalahati or 3/4 lang ang bayad) at sinabi na huwag iparating sa akin. Sige, I kept the confidentiality at hindi ikinuwento, hiningi ko na lang without questioning. Naiwanan daw, at nagmessage si Kuya B na iyon nga, i-gcash na lang daw within that day. Dulo ng March nangyari 'yon, at noong April na, wala pa rin 'yong pera. Nakakalimutan daw i-gcash eh nakakapasok nga itong kaklase ko. May daily reminder din naman ako, ano 'yan for two months consistently nakakalimutan? Nag-raise na ako ng concern at kinausap adviser namin, na kinausap din siya kasama ako. Naiwanan daw niya sa bahay, sa tingin ko naman hindi talaga at ayaw niya lang aminin na wala na talaga or malaki na bawas. Unspecified din saan niya nagastos. Sabi ko nitong May 9, gcash within that day or sa prefect of discipline na. Hindi pa rin, sine-seen lang talaga niya kami. Nakakapataka na rin saan siya humuhugot ng kapal ng mukha magpakita araw-araw sa school.
Kanina lang, nagkaroon kami ng meeting. Nalaman ko sa isang mayor (na nagpapaluwagan) na ito ngang si A ay kasali roon, at nangungutang din pala. Sinabi nung mayor na hindi siya nagpapautang, pero palusot lang niya 'yon kasi alam niyang walang pambayad (according to her) si A. Pero, isinali niya pa rin sa paluwagan since according to her, makakautang mga 'yon ng up to 10k. Naalarma na ako, dami pala nitong atraso sa iba. Patong-patong na rin daw utang nito, na ikinagulat ko. So bukas, mag-uusap kami with the higher ups at sinabi ni Kuya B na kakausapin niya pero 'di na pagbabayarin, kasi raw wala naman daw mapipiga na yata. Eh sa perspective ko, baka ma-tolerate at maging habit na no'n tumakas sa responsibilities at obligations. Baka lagi na lang niyang gamitin ang paawa card.
Baka nga gago ako dahil pinipilit ko, at gago rin for making him our class treasurer. Pero, 'di ba? He has the right to refuse the position or i-offer sa iba. I just need your thoughts and insights.
submitted by MISSAEYU to AkoBaYungGago [link] [comments]


http://rodzice.org/