Pabula, ang buwaya at parabola

A Young Politician in the Dirty World of PH Politics

2024.05.12 21:54 kappa_alpha_charlie A Young Politician in the Dirty World of PH Politics

Hello, my name is Coffee and I am a Young Politician started as SK Chairman dito sa Barangay namin sa Province. Now, I am an elected Barangay Kagawad and won the previous Barangay Elections 2023 as the number 1 in ranking. Gusto ko lang iShare yung journey ko and the reality at least dito sa amin locally.
My parents are seperared and I grew up sa Grandparents ko which are both retired goverment workers. Despite my Lolo having significant goverment positions (Not Elected Positions) during his lifetime, they lived normal and simple. Hindi sila pareho ng iba na maraming negosyo o merun mga lupain, obviously malalaman mo na pinag hirapan yung mga position sa buhay. Malaki ang influence nila sa buhay ko lalo na sa decision making at sa lifestyle, happy na ako na comfortable akong maka tulog at makakain ng 3 beses sa isang araw.
Growing up as an teenager, aware na ako sa systema ng politics dito sa amin. Like other Cities or Provinces dito sa Pilipinas, ang may hawak sa politika dito sa amin ay isang Pamilya lang. And dito nakita ko ang disadvantages ng pamumuhay ng mga kababayan ko, ang oppurtunities ng mayaman at mahirap ay masyadong malaki. Si Juan na mayaman pag na hospital at kahit na may pera pero dahil sa koneksyon ay malilibre sa billing at si Pedro na mahirap dahil walang koneksyon ay kailangan umasa sa Certificate of Indigency ng Barangay o di kaya ay hihingi ng tulong sa mga politiko.
Di ko naman pangarap dati na pumasok sa Politika or kahit may interes man lang. But for some unknown reason dahil bored ako that time, I ran for SK Chairman way back 2018 and I won with my uncommon advocacy of voters education. In short, sa speech ko sinasabi ko na "Okay lang matalo ako basta iboboto nyo ang talagang gusto nyong iboto, hindi yung gusto ng tatay/nanay mo or ang gusto ng kapitbahay mo".
Madami akong visions and projects in mind, but then noong nagsisimula na akong manungkulan ay doon akon sinampal ng katotohanan ng politika sa amin. Yung kelangan kong sumakay sa maraming bangka para magawa ko ang mga magagandang projects/activities na gusto ko at gusto ng mga kabataan sa amin. Yung kelangan mo muna ibigay yung gusto nila bago nila ibigay yung gusto mo at kung hindi mo naman ibibigay ay pag iinitan ka nila at wala ka nang magagawa kasi kahit DILG ay kakampi nila.
Sa panahon na yun ay hindi ako mapalagay at palaging nag iisip ng magagawa. Hindi ako makapangyarihan, wala akong connections at lalo na't hindi kami mayaman. Nagsisimula pa lang ako sa journey ko at napaka hirap na ng choices ko. At the end I chose to be like them, sa isip ko kelangan ko maging buwaya para makalaban sa mga buwaya. Kailangan ko maging makapangyarihan para makalaban sa makapangyarihan at maging mayaman para makalaban sa mayaman. Pero paano? Natuto akong magnakaw, but to maintain my sanity lahat ng ninanakaw ko ay binibigay ko pabalik sa community or sa mga kabataan na nasasakopan ko. Even after my evil deeds, I still make sure na more than 20% of my monthly honorarium will be given as charity.
Doon ko naisip na kaya pala nila ginagawang mahirap lalo ang mga mahirap at bobo ang mga kabataan ay para ang mga ito ay sub-conciously lalapit sa mga politiko para humingi ng tulong. At once natulungan sila ay magtatanim ito ng utang na loob at so on and so forth hanggang sa gagamitin sila para sa personal na interest ng mga TRAPO. But during those times, I realized my calling. Gustong gusto ko ng pagbabago, gusto ko na maiba ang systema.
Last election tumakbo akong Kagawad and with the same advocacy during my SK Campaign I made sure na marami ang makakarinig ng boses ko, maraming tao ang ma educate ko na wala tayong utang na loob sa mga politiko. At hindi kailangan botohin ang hindi karapat dapat at kung ano nga ba ang karapat dapat.
Sa ngayon, hindi man ako perpekto at malinis na politiko. Napatunayan ko na hindi kailangan mamili ng boto at manira ng tao para manalo. Ngayon na Kagawad na ako at mainit ang kapitan namin sa akin, gusto ko lang na marami pa akong tao na matulungan na magising sa katotohanan. Gaya nga ng sabi ng aking Lolo "ang serbisyo ay sakripisyo", hindi man madali ang daan na tinatahak ko at sigurado sa impyerno man ang punta ko, isa lang ang hiling ko na sa sana'y maging payapa tayong lahat sa pag iisip at sa gawa. SALAMAT!
submitted by kappa_alpha_charlie to OffMyChestPH [link] [comments]


2024.03.25 00:09 Frosty_Jump_9293 3 gabing puro puyat, tapos pag ebeg...

Kamusta naman ang mga papasok ngayon umaga? May lakas pa ba kayo? Matindi yan samahan na yan, walang konsiderasyon sa buhay ng miembro lalo na sa mga matatanda, estyudyante, mga bata at sa mga trabahador.
Huwag kayo maniwala na sa mga pagpupuyat na yan eh gumagawa kayo ng kabanalan. Magkakasakit lang kayo diyan. Gastos na, puyat ka pa, napabayaan mo lang kalusugan mo pati trabaho mo. Yung pag attend diyan ay isang bagay that is within your control, na ikaw lang makakapagdecision to achieve happiness and freedom. If you have the resources, try niyo mag travel and learn different culture ng ibang lahi, mare realize nyo na false religion yang samahan na yan. Hindi ganyan mabigat ang pamatok ng Kristo ng biblia, maging matalino kayo at mapagmasid kasi kakainin kayo ng buong buo ng mga buwaya diyan. Mga walang patawad yan at walang pakialam kahit mahirapan katawan niyo.
Focus on the things you can control, ignore the rest. - Epictetus
submitted by Frosty_Jump_9293 to ExAndClosetADD [link] [comments]


2024.02.23 08:18 Easy_Cloud_2222 SKL ang hypocrites ng inc

Whole my life I've been an INC may tungkulin ako since 7 years old palang and I've never missed a day. As in lagi kung naririnig sa kanila na tignan nyo iyong building ng ibang simbahan nawawasak ng lindol, nasusunog binebenta nalang satin dahil walang sumasamba at dahil kasama natin ang Diyos hindi mawawasak ang simbahan natin not until narinig ko iyong news na nasunog iyong church sa Nueva Ecija na narealize ko na they're full of lies dahil walang Diyos ang gustong sumama sa buwaya.
Tas iyong payo sakin na maging mabait para iyong hindi ka anib magjoin sa inc.. What diba dapat maging mabait dahil utos ng Diyos. I felt ashamed questioning the inc pero hindi na ngayon nakikita ko na kung gaano sila ka hypocrite.
At ang ganda rin ng ugali ng manggagawa namin sarap sampakin nagreklamo sya na hindi sya binati ng pangit na finance narinig yun ni ate girl as in sinabihan na ngang pangit hindi pa nagsorry hindi na tumupad si ate girl... Good she doesn't deserve it.
submitted by Easy_Cloud_2222 to exIglesiaNiCristo [link] [comments]


2023.11.30 15:46 Greedy_Order1769 SMNI's delulu once again.

SMNI's delulu once again. submitted by Greedy_Order1769 to insanepinoyfacebook [link] [comments]


2023.10.31 15:25 FlechD Pangarap ng munting bata laban sa katotohanan

Ang malayang sanaysay na ito ay requirement sa aming asignaturang Filipino. Kung mayroon kayong mga komento, suhestiyon, at mga puna ay maaari niyo lang pong ipagpaalam sa akin.

Pangarap ng munting bata laban sa katotohanan
Akda ni Flechero, D.

“Bata bata anong pangarap mo paglaki mo?”- katanungan na pinapaulit-ulit na ibinabato sa amin noong ako’y bata pa. Pilit kaming tinuturuan na mag-isip at magplano para sa sariling buhay sa paglipas ng mga taon. Sa murang edad pa lamang ay sinasanay na tayo sa ganitong kaugalian. Isang nakagawian na ng lipunan at pinagpasalin-salin sa bawat henerasyon. Ang paraan ng pamumuhay na iilan lamang ang naiaahon sa hirap na dulot ng malubhang ekonomiya ng bansa mula pa noon.
“Ako si Domakrayo E. Flechero at pangarap kong maging... hindi ko po alam…”
Sa musmos pa lamang ay hindi ko pa alam ang landas na aking tatahakin na tila ba isang bangka sa gitna ng hamog ng kawalan. Ang nasa isip ko lamang na maaari kong maging trabaho sa pagdating ng panahon ay kahit ano basta at kaya ko. Marahil ay sa pagtungtong ko sa edad na iyon ay nabibili ko na ang mga gusto kong bilhin, mga pagkain, laruan, at mga magagandang damit. Ngunit ang lahat ng aking pantasya noon ay kabaligtaran sa katotohanan at taliwas sa kung ano ang tunay na nangyayari sa ekonomiya ng Pilipinas sa loob ng mahabang panahon.
Sa nakalipas na mahigit apat na siglo mula noong nasakop tayo ng mga mananakop na kanluraning dayuhan, kabi-kabilang mga ideyolohiya, pilosopiya, kultura, at mga nakagawian ang itinuro at naimpluwensya nito sa ating lipunan. Kabilang na rito ang edukasyon sa iba’t ibang mga asignatura, pagkakaroon ng gobyernong malaya, mga pagpapahalaga sa mga bagay-bagay at modernisasyon. Kabilang sa mga pagbabagong naimpluwensyahan nito sa lipunan ay ang pagturing sa mga edukadong tao na siyang may kakayahang umunlad sa buhay sapagkat mayroon silang pribilehiyo na pumili ng kanilang trabaho at kumita ng pera. Ito ay tinatawag na “employee mindset”. Ang pag-iisip na ito ay tumutukoy sa kaugalian ng mga Pilipino na itoon ang kalahati ng kanilang buhay upang mag-aral at magsikap upang maging kwalipikado na makapagtrabaho sa mga kompanya at institusyon kapalit ng salapi upang mabuhay. Salapi na inaasahan ng mga Juan Dela Cruz upang matustusan ang pang-araw araw na gastusin at maiahon sa kahirapan ang buong pamilya. Ngunit hanggang saan nga ba aabot ang salaping ito?
Sa bawat pagpatak ng oras, kapalit nito’y sentimo. Ang sentimong balot sa pawis at dugo ng mga manggagawa ay sapat bang kabayaran kapalit sa libo-libong araw sa paaralan at paghasa ng kakayahan ng isang tao? Ang bawat pisong pinaghirapan ba sa buong magdamag ay kayang tumbasan ang kaniyang pangangailangan sa buong araw? Sa sira-sirang ekonomiyang ito na puno ng mga gahamang buwaya na ngumingiti lamang sa isang malinis na silid at patuloy sa pagkamal ng pera, ang mga ordinaryong empleyado na kung ituring ay nagmistulang alipin na sa sistemang bulok na may bulok ring pasahod at regulasyon sa presyo ng bilihin.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), noong 1989, napagtibay ang batas republika bilang 6727 at kilala rin bilang “Wage Rationalization Act” na nagtatag sa mga ahensiya ng gobyerno sa ilalim ng nito kagaya ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) at ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPB) na siyang awtorisado sa pagtukoy ng minimum na sahod sa mga rehiyon sa buong bansa. Sa rehiyon 12, naisulong ng RTWPB-12 ang pagtala sa minimum na pasahod sa mga manggagawa alinsunod sa Wage Order no. 22. Naitalang 347 piso hanggang 368 piso ang minimum na pasahod sa mga kawaawang manggagawa sa buong rehiyon. Hindi hihigit sa sampung libong piso lamang ang maaaring matanggap ng mga empleyado sa loob ng isang buwan ng pagtatrabaho. Ang perang ito ay pilit na ipinagkakasya para sa ikabubuhay ng buong pamilya. Gayun pa man ay nagpapasalamat pa rin ang mga ito dahil sa kahit na papaano ay may natatanggap pa ring pera kahit di kalakihan.
“Mas mabuti na ito kaysa sa wala”, bulong pa ng iilan. Ganyan tayong mga pinoy, mahilig tayong magtiis at makontento sa maliit at pilit pa ring lumalaban kahit di naman patas ang labanan. Dahil sa hirap ng buhay at sa hirap makakuha ng trabaho, iilan lamang ang may lakas ng loob na bumitaw at makipagsapalaran sa lugar na may mas malaking oportunidad. Dito sa lugar na kungsaan nagtataasan ang mga kwalipikasyon sa mga empleyado at siya ring ikinababa ng pasahod, idagdag mo pa ang pagtaas ng gastos ng pamumuhay (cost of living) sa Pilipinas.
Ang di magkapantay na cost of living at minimum wage sa bansa ay nagdudulot ng malubhang kahirapan sa mga mamamayang Pilipino. Ayon sa Philippine Statistics Authority, may mahigit kumulang na 2.4 na porsiyento ang naitalang inflation rate dito sa lungsod ng Heneral Santos sa nakalipas na buwan ng hulyo taong 2023 na nagpapatunay at nangangahulugang patuloy pa rin ang pagtaas ng gastusin sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao. Sa madaling salita, kulang na kulang ang 368 na pasahod sa isang araw. Idagdag mo pa ang gastusin sa pagpapalaki ng mga anak, suporta sa pamilya, at pagkakaroon ng social security na kinakailangan para masustentohan ang pangangailangan ng buong pamilya. Isang kahig isang tuka kung tutuusin, kung kaya’t nalulubog sa utang na walang katapusan ang iilan. Kahirapan sa lugmok na sistema ng ekonomiya ang natatamasa ng mga Juan Dela Cruz ng bayan.
Sa loob ng ilang mga taon ng mahinang pag-usad ng galaw ng ekonomiya, na kung saan ay tamalak ang paghihirap, pang-aabuso, at pang-aapi sa nasa laylayan. Panahon na upang tapusin ito at isaayos ang dapat isaayos. Baguhin natin ang hinaharap at gawin itong maunlad na bayan. Bayan na kungsaan ang lahat ng tao ay may natatamasang kaginhawaan. Maaari nating umpisahan sa paglunsad ng maayos na agrikultura na kayang tumbasan ang demand ng supply at nang sa gayon ay bumaba rin ang presyo ng bilihin at makapagbibigay ng maayos na pamumuhay sa mga magsasaka sa sektor ng agrikutura. Kasunod naman nito ay ang pagsaayos sa sektor ng industriya na kayang magbigay ng oportunidad sa mga manggagawa upang makapagtrabaho at mabuhay ng maayos.
Subalit, may malaking kontribusyon pa rin ang gobyerno sa pagsulong nito. Kung bulok ang pamumuno at pagsasaayos sa galaw ng ekonomiya ng bansa, patuloy pa rin ang mga gahamang ninalang sa pagkontrol sa sistema nito. Dapat ay may striktong pagpapatupad sa batas na naglalayong kontrolin ang presyo ng bilihin. At higit sa lahat ay kinakailangan rin ang kooperasyon ng nakararami upang masugpo ang dahilan ng kahirapan. Maraming mga salik ang nakakapagpapalala ng sitwasyon ng bansa kung kaya’t bilang isang ordinaryong mamamayan ng bansa ay huwag nating dagdagan ang bigat na pasan-pasan ng bayan, sa halip ay tumulong tayo sa pag-unlad at maging kapaki-pakinabang sa bayan. Kaya naman ay nawari ko na kung bakit na pinapaulit-ulit na itinatanong sa akin noong bata pa ako na kung ano raw ang aking gustong propesyon paglaki. Ipinapakita lamang dito na sa murang edad pa lamang ay dapat na nating isipin kung paano tayo maging kapaki-pakinabang na indibidwal sa ating sarili, pamilya, lungsod, at sa buong bayan.
submitted by FlechD to u/FlechD [link] [comments]


2023.10.20 08:02 darrenislivid SK / Barangay Candidate pa lang, corrupt at asal buwaya na. [RANT!]

I'm a notary public, at mas strikto ako sa karamihan ng notaries public dito sa lugar namin. Hindi ako nagnonotaryo kapag wala ang principal signatories, kahit pa affidavit of loss lang yan. Pinapapirma ko lagi sa Notarial Register ko ang signatories at lagi ako humihingi ng valid ID, kahit kakilala ko pa.
Lakompake kung di ako kumita basta wag lang ako masuspend/disbar, or worse, makulong. Also, sumusunod ako sa taripa kaya mas mahal talaga ko maningil kumpara sa iba, kahit wala pa akong isang taon na abogado. Although minsan nagdidiscount naman ako syempre considering yung kalagayan nung tao.
Ngayon, these past few weeks, syempre mag-eelection, maraming nagpapanotaryo ng election related stuff. Usually nilalakad lang ng SK Chairman, or Brgy. Secretary and di pumupunta sa office ko mismo mga signatories. So natural, hindi ako pumapayag sinasabi ko na bawal yan sa Notarial Rules.
So syempre, bilang mga asal buwaya, ang sagot nila kadalasan "Kay Atty. xxx po pwede, bakit sainyo hindi?" and bilang courtesy, di ko naman dinidiin yung kapwa ko Atty., sinasabi ko lang na yan ang nasa rules. Ngayon, kung payag si Atty. xxx, edi sige dun na lang po kayo. And then pinapakita ko sakanila yung mismong rules.
Kahapon may magpapanotaryo sakin SK chairman, para sa mga alipores niya, ang problema wala yung signatories so hindi ako pumayag. Pinakita ko pa sa kaniya codal ko sa Notarial Rules. Nainis siya siyempre kasi corrupt nga eh. So ayun, lumipat sa ibang Notary. Maya-maya, pumunta sa office ko yung secretary nung isang lawyer kasi may ipapareceive, tapos naikwento nya sa akin na pumunta daw sa office nila yung SK na yun, pumayag sila notaryohan yung dala nya, -_- at sabi daw nung SK gusto daw ako ireklamo kasi hindi ako pumayag notaryohan yung dala niya. THE FUCKING NERVE!
Anyway, di naman ako nagworry kasi alam ko na batok-aso lang naman yan at di yan magrereklamo, pero nakakainis lang sa practice dahil talamak nga ang Notaries na hindi sumusunod sa rules, kaming mga obedient ang masama sa paningin ng publiko.
Illegality is the norm na ba talaga mga panye? Barangay / SK candidates pa lang ito pero sa illegal na agad ang pinipili nilang paraan. Alam na nilang illegal, ipinakita ko yung rules, ginawa pa rin. Ang babata pa, corrupt na. Anyway dito ko na lang pinili mag-rant kasi ayaw ko naman i-publicize yung mga ganyang kandidato, mahirap na.
Punyeta hirap maging abogado sa bansa na ang karamihan ay ayaw sumunod sa batas simply because hindi convenient para sa kanila.
submitted by darrenislivid to Philippines [link] [comments]


2023.10.20 07:42 darrenislivid SK / Barangay Candidate pa lang, corrupt at asal buwaya na. [RANT!]

I'm a notary public, at mas strikto ako sa karamihan ng notaries public dito sa lugar namin. Hindi ako nagnonotaryo kapag wala ang principal signatories, kahit pa affidavit of loss lang yan. Pinapapirma ko lagi sa Notarial Register ko ang signatories at lagi ako humihingi ng valid ID, kahit kakilala ko pa.
Lakompake kung di ako kumita basta wag lang ako masuspend/disbar, or worse, makulong. Also, sumusunod ako sa taripa kaya mas mahal talaga ko maningil kumpara sa iba, kahit wala pa akong isang taon na abogado. Although minsan nagdidiscount naman ako syempre considering yung kalagayan nung tao.
Ngayon, these past few weeks, syempre mag-eelection, maraming nagpapanotaryo ng election related stuff. Usually nilalakad lang ng SK Chairman, or Brgy. Secretary and di pumupunta sa office ko mismo mga signatories. So natural, hindi ako pumapayag sinasabi ko na bawal yan sa Notarial Rules.
So syempre, bilang mga asal buwaya, ang sagot nila kadalasan "Kay Atty. xxx po pwede, bakit sainyo hindi?" and bilang courtesy, di ko naman dinidiin yung kapwa ko Atty., sinasabi ko lang na yan ang nasa rules. Ngayon, kung payag si Atty. xxx, edi sige dun na lang po kayo. And then pinapakita ko sakanila yung mismong rules.
Kahapon may magpapanotaryo sakin SK chairman, para sa mga alipores niya, ang problema wala yung signatories so hindi ako pumayag. Pinakita ko pa sa kaniya codal ko sa Notarial Rules. Nainis siya siyempre kasi corrupt nga eh. So ayun, lumipat sa ibang Notary. Maya-maya, pumunta sa office ko yung secretary nung isang lawyer kasi may ipapareceive, tapos naikwento nya sa akin na pumunta daw sa office nila yung SK na yun, pumayag sila notaryohan yung dala nya, -_- at sabi daw nung SK gusto daw ako ireklamo kasi hindi ako pumayag notaryohan yung dala niya. THE FUCKING NERVE!
Anyway, di naman ako nagworry kasi alam ko na batok-aso lang naman yan at di yan magrereklamo, pero nakakainis lang sa practice dahil talamak nga ang Notaries na hindi sumusunod sa rules, kaming mga obedient ang masama sa paningin ng publiko.
Illegality is the norm na ba talaga mga panye? Barangay / SK candidates pa lang ito pero sa illegal na agad ang pinipili nilang paraan. Alam na nilang illegal, ipinakita ko yung rules, ginawa pa rin. Ang babata pa, corrupt na. Anyway dito ko na lang pinili mag-rant kasi ayaw ko naman i-publicize yung mga ganyang kandidato, mahirap na.
Punyeta hirap maging abogado sa bansa na ang karamihan ay ayaw sumunod sa batas simply because hindi convenient para sa kanila.
submitted by darrenislivid to LawStudentsPH [link] [comments]


2023.10.10 05:31 hellotheremiss ABÁ GINOONG BERDENG BUWAYA [tula] ni Rio Alma (Virgilio Almario) 8 Oktubre 2023

ABÁ GINOONG BERDENG BUWAYA [tula] ni Rio Alma (Virgilio Almario) 8 Oktubre 2023 submitted by hellotheremiss to Philippines [link] [comments]


2023.10.10 05:27 hellotheremiss ABÁ GINOONG BERDENG BUWAYA [tula] ni Rio Alma (Virgilio Almario) 8 Oktubre 2023

ABÁ GINOONG BERDENG BUWAYA [tula] ni Rio Alma (Virgilio Almario) 8 Oktubre 2023 submitted by hellotheremiss to Filipinology [link] [comments]


2023.10.10 05:25 hellotheremiss ABÁ GINOONG BERDENG BUWAYA [tula] ni Rio Alma (Virgilio Almario) 8 Oktubre 2023

submitted by hellotheremiss to ph_politics [link] [comments]


2023.10.09 20:58 Boba-Bench Nakakapagod mag-aral

I'm a first year college student in the Philippines, currently taking Educ. Plano ko talaga nung JHS palang is mag-polsci tapos diretso law school kasi typical expectation is mataas sweldo ng abogado and respectable profession pa. Split second decision lang talaga mag-education ako kasi I realized na ang gusto ko talaga is magturo ng kabataan; magbigay ng pangaral at gabay, ganun. Yun talaga gusto ko.
Pero I'm fully aware na mababa ang bayad sa mga guro. May teacher ako nung SHS na passionate talaga. He really wants to change the system pero sinabi nya na rin na sobrang imposible talaga. Gustuhin man nya, sobrang hirap kasi hindi lang sya tambak sa trabaho, kontil lang din ang kita.
I'm so tired. Alam kong parang ang whiny ko masyado by saying that, pero ang hirap kasing hindi mawalan ng gana sa pag-aaral kapag nakikita mo yung kalagayan ng bansa. Sobrang taas ng bilihin, ang 500 kayang kaya maubos sa isang iglap tapos yung gobyerno, patuloy nalang ginagawang katawa-tawa ng mga oligarkong walang pakielam sa bayan. Nakikita ko din yung strain na ginagawa nito sa family ko kahit mid-high income naman kami. What's worse is medyo makitid pa utak ng tatay ko: kahit daw isang milyon ibigay nya, hindi enough para saming magkapatid.
Like hellooo, 125 million nga naubos ng VP in 11 days tapos wala pang resibo yun, kami pa kaya ng college students na tipid na tipid na? Pano pa yung mga taong mas maliit kinikita kesa samin? Hindi ko alam kung pano sila nags-survive pero alam kong hindi dapat ganun ang nangyayari. Hindi dapat maghirap ang taong bayan para lang sa ikabubuti ng nakaka-ilan.
What's the point na mag-aral kung ang ending lang naman ay ikayayaman ng mga buwaya? Pwe. Amidst all this, hindi ko mapigilan magtaka kung hanggang kailan kaya ng buong Pilipinas indahin ang ganitong sitwasyon bago may mag-bago.
Kailan ba ulit magbabago? Ilang tao pa dapat ang masakripisyo?
submitted by Boba-Bench to OffMyChestPH [link] [comments]


2023.09.29 14:03 gaffaboy Can't say I don't agree with BBM's Executive Order no. 41

https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/883642/marcos-suspends-pass-through-fees-for-vehicles-transporting-goods/story/
To be fair, talamak talaga ang lagayan dyan kaya lalong tumataas and presyo ng bilihin. At sino ang nakikinabang? Yung mga hinayupak na mga buwaya sa mga LGUs. At least mabawasan naman ang kinikita nung mga lint*k na nambubulsa ng mga nakokolekta dyan.
submitted by gaffaboy to Philippines [link] [comments]


2023.09.12 20:14 ch0lok0y Okay SenRi roasted SWOH. Now what's next?

To be fair, ang ganda ng response ni Sen. Risa sa statement ni Sara. May visibility, may tapang, may "kagat" sa karamihan kaya pinag-usapan. Di agad naka-porma ang mga trolls. She played fire with fire — something that may seem to be lacking all along with the opposition side (as a whole, esp during "tatay era" and last 2022 elections)
But you know what sucks? Confident at walang paki si SWOH kahit alam nating lahat na nagkalat siya sa budget hearing at statement niya.
WHY? Because she knows that her allies in congress would rally and vote to make sure that OVP/DepEd budget will be approved by hook or by crook, despite having that stupid and questionable confidential funds.
Parang nung eleksyon lang. They really made sure to win by all means.
At the end of the day, it's a number's game, and they have the numbers in congress. May checks and balances at separation of powers nga, pero nagmumukhang for formality na lang kasi magkaka-alyado naman sila.
Everything's working in their favor. That's our reality right now.
Nakaka-panlumo sa totoo lang. Imagine, nagpapaka-pagod tayo araw-araw para sa sahod na kakaltasan ng tax. Tapos yung portion ng kaltas natin mapupunta lang sa confidential funds na hindi ma-explain ng maayos kung san mapupunta?
If only we could turn both houses slightly into our side by having a solid opposition or kahit a group of politicians not affiliated with "any side" lang, that could at least have a significant share of power and control over congress.
Puro buwaya mga nasa kongreso ngayon eh. It really has to start from the local level talaga.
Kung hindi possible sa 2025, kahit sa 2028 na lang.
Baka naman.
submitted by ch0lok0y to Philippines [link] [comments]


2022.12.06 02:51 saintjudas777 Gahaman talaga ang pamilya Romualdez-Marcos

Gahaman talaga ang pamilya Romualdez-Marcos
Sinong niloloko ng mga 'to, guys?! Anong akala ng pamilya nila sa mga Pilipino, mga illiterate na lang ba??? Ginagawa na naman nilang parang one-family rule ang PHL govt. Hindi naman Maharlika Fund ang kailangan natin ngayon, dapat tugunan nila ang high inflation rate sa bansa. Ang daming mga pangunahing problema sa PHL simulan nila sa ekonomiya, edukasyon, at Healthcare system tangina talaga nila mga inutil! Mga buwaya, gahaman talaga!!!!

NoToMaharlikaFund

HandsOffOurPension

P.S. The photo was a screenshot from a tweet of veteran journalist, Raissa Robles.
submitted by saintjudas777 to Philippines [link] [comments]


2022.12.06 02:07 saintjudas777 #NoToMaharlikaFund

#NoToMaharlikaFund
TUTULAN AT LABANAN ANG ANTI-MAMAMAYANG MAHARLIKA INVESTMENT FUND NG MGA ROMUALDEZ-MARCOS! HUWAG HAYAANG KAMKAMIN NG MGA BUWAYA SA GOBYERNO ANG PINAGHIRAPANG PERA NG MGA MANGGAGAWA! IBUNYAG ANG SINUNGALING AT MAGNANAKAW NA REHIMENG MARCOS! NO TO KLEPTOCRACY!

HandsOffOurPension

submitted by saintjudas777 to Philippines [link] [comments]


2022.11.15 00:43 dhrdmnq Tangina ka, get a life. 30 ka na, entitled na tambay ka pang hayup ka!

Bwisit kang hayup ka. Galit ako sayo pero wala akong magawa kundi tumahimik lang. Gago ka. I hope babalik sayo lahat ng ginawa mo sa akin. Nagsisikap ako pero di mo nakikita. Natimingan mo lang akong pagod. Gago ka. Dami mong alam, wala ka namang ambag. Kung makalecture sa akin parang may narating sa buhay? Wala namang trabaho. Pabigat sa bahay ang yawa.
And this family is fvcked up! Like parang wala lang nangyari! People who dont know how to fvcking communicate. Grown ups na pero hindi comfortable sa conflict. Tapos pag ako mag oopen up, igagaslight nyo ako? Tangina. Ni hindi nyo nga masabihan yang anak nyong buang at pabigat? Yawa! What kind of parenting is that? Kaya lumalaking buwaya anak nyo because ginakunsenti nyo?!
Tangina talaga! Now you cannot bend me. I hope makaalis na kami dito malapit sa inyo. I want to live faraway from this dysfunctional family!
submitted by dhrdmnq to OffMyChestPH [link] [comments]


2022.10.08 18:43 SHADOWDRAGONMASTER Saan lugar nanggaling ang pabula na ang aso at ang uwak?

Pls asnwer
submitted by SHADOWDRAGONMASTER to Philippines [link] [comments]


2022.08.25 12:39 No-Gift2709 Transparency sa Paggamit ng Pera mula sa kaban ng Bayan

Hindi natin maitatanggi na talamak ang korupsyon sa ting bansa lalo na sa ating gobyerno. Mahalaga na malaman natin kung saan napupunta ang pondo ng ating bansa. Sa katotohanan na tumataas na ang ating binbayaran na buwis dapat natin na malaman na tama at nakakaunad ang paggamit nito, dahil lata tayo bilang mamamayan ay nagbabayad ng buwis sa kahit anong paraan.
Bilang isang mamamayan na sumusunod sa mga panukala, batas, at naglalaan ng parte ng ating kita para sa bansa, ninanais ko na maloaman na hindi nasasayang ang ating mga pinagahirapan. Kaya’t minamarapat ko na magkaraoon ng mas maayos na transparency ang gobyerno pagdating sa paggamit ng ating pondo mula sa buwis natin. Ito ay dahil na rin sa lumalalang kaso ng korupsyon sa ating bansa sa mga nakaraang taon. Sa pamamagitan ng transparency mas mapapaigting ang pagmomonitor ng ating mga nakalaang pondo. Sa aking pananaw dapat nating bigyan ng pansin tio dahil nakasalalay din dito ang kalagayan ng bansa na malaki ang magiging epekto sa ating pangaraw-araw na buhay. Dahail hindi maari na hayaan na lang natin ang gobyerno ang umayos sa sarili nito kung ito mismo ang sumisira sa sarili. Bilang mga mamamayan ng isang demokratikong bansa may mga karapatan tayo na makakatulong sa atin na itama ang mga kamaliang nagaganap. At bilang isang third world country at tourist spot nangangailanagan tayo ng agarang pagbabago sa estado ng ating lipunan. Hindi lang iisa ang nahihirapan kundi isang bansa.
Hindi ba dapat na kapakanan ng mamamayan ang iniisip ng mga pulitiko hindi pansarling kapakanan? Kung gayon ano ang nagaganap sa ating harapan, isang tahasang pangloloko at pagnanakaw. Hindi habang bukay tayong mahihirapan at maloloko. Bilang hindi lamang isang mamamayan kundi bilang isang tao kapakanan natin ang isa’t-isa at an gating komunidad. Dapat nating ipaglaban an gating karapatan dahil lahat tayo ay dapat tanggapin kung ano ang nararapat sa atin.
-SFX memes
Kung makakagawa lang ang IT ng DOF na magkakaroon real-time ng kung saan napupunta ang tax natin, siguro malalaman na natin kung sino talaga ang buwaya. Tapos kailangan open din sa masa ung mga resibo sa paggastos mula sa mga supplier sa mga proyekto na ginagawa ng gobyerno. Kasi kawawa naman mga middle class, bayad ng bayad ng tax, hindi naman alam kung saan napupunta.
submitted by No-Gift2709 to Philippines [link] [comments]


2022.08.21 21:43 pinktealover77 graphs are the bane of my existence :'D [VENT]

like seryoso, bat ba kasi napakahirap at kailangan manually mo pa gagawin T-T
kung equations lang edi sana mga sandali lang ang nagastos ko, pero dahil sa mga nakakainis na graph sobrang tagal ko magsagot ng mga worksheets amp
ang bagal ko na nga, ang panget pa ng graphsss grrrr.
kapag mga parabola masaya pa mag-graph eh :') pero kapag mga circles/lines/ellipse amppppp ANG PANGETTT TAS ANG HIRAP PAAA HNGGG
nakakainis lang,,, wala lang
kung may provided na cartesian plane na, medyo madali nlng paggawa ng graph... o kaya kung digital... KASO HINDE EH, MANUAL EH. HANDWRITTEN UNG CARTESIAN PLANE AT NAIINIS AKOOOO MUKHANG HATDOG ANG CIRCLE KO DAHIL SA PANGET NA CARTESIAN PLANE KOOO T-T
wala lang. rant over lol
naiiyak ako andami kagad pinapagawa,,,,
submitted by pinktealover77 to studentsph [link] [comments]


2022.07.27 21:53 jsalvi My Filipino Word Bank

So whenever I get the chance, I ask about words I don't know from either strangers from the regions or my family and put it in my word bank. If they don't know, I start searching things up. Sometimes, I'll discover the word in a Facebook group. I wanted to show you guys my word bank in case you have encountered these words or you want to dispute them or even if you want to add them to yours. Anyway, have fun!
LEGEND
Tgl - Tagalog
Seb - Sebwano
Bik - Bikolano
Bis - Bisaya
Kap - Kapampangan
Ilk - Ilokano
Cvt - Cavite
Blk - Bulakan (di ko alam kung bakit ito may k tapos cavite di siya k)
Sp - Spanish
FILIPINO WORD BANK
Payyo - rice field
Malmag/Magmag - Tarsier
Banoy/Banog - Philippine Eagle
Ampiyas (Cvt. Tgl) - spray from the rain carried by the wind; (also known as Angge)
Talamsik - spray from the sea or any water-based spray
Marmol - marble
Daráng - flame
Maanggo - musky smell or taste. Gamey taste or smell of lamb, goat or bull
Alupihan - centipede
Alupihang-dagat/Tatambol - mantis shrimp
Singsing-singsingan/Singsing-pari - millipede
Kamandag - venom
Talukap - eyelid
Kalupi - wallet
Tampal-puki/Pinakas - flatfish/flounder
Kaimito - star apple
Duhat - Java Plum (Lomboy in Ilk.)
Hilís - slant
Pahilís - the ˊ accent mark; comes from the word hilís which means slant. Indicates stressed syllable
Paiwà - the ` accent mark; comes from the word hiwà. Indicates abrupt or glottal stop
Kupya - traditional Tagalog hat
Pakupyâ - the ^ accent mark; comes from the word kupyâ. Indicates both stressed syllable and abrupt stop.
Kamantaha - ghost shrimp
Bulitas - penile implants
Balahis/Pagbabalahis - lethargy (also tamlay)
Alak-alakan - joint opposite of knee or elbow.
Pagay - palay
Inapoy - kanin
Garing - ivory
Kulasog (Cvt. Tgl) - rattan hammock
Kanela - cinnamon
Sigâ - bonfire
Asó/Asap - Usok
Darak - barley or rice husk
Sinimbahanan (Bkl.) - abandoned church building
Ulang - freshwater prawn
Sampamahalaan - commonwealth
Dayami - rice straw
Kopon /Iskuplina - file
Bitsuelas (Sp.) - beans
Alugbati - native spinach
Balisá - anxiety, worry
Gara - incredible magara - nicely dressed
Bagót - boredom
Amin (Bis.) - mano
Pàin - bait
Tayabak - jade vine flower
Buhawi - tornado
Lakanbakod (Tgl ) - "lord of the hedge"; spirits that dwell in bushes
Halimaw - lion/tiger
Gadya - elephant
Bakúlaw - ape/orangutan
Selda - prison cell
Matambok (Bis.) - plump
Lamuda - ang tahi na ginagamit sa swelas
Alamuda - isang klase ng tahi na gagamit ng isang linya ng tahi para sa swelas
Daenya - isang klase ng tahi na gagamit ng dalawang linya ng tahi para sa swelas
De kustura - isang klase ng tahi na pangtapos sa sapatos na nilalagay sa itaas ng swelas sa tabi ng entrada.
Magaareglo - tawag sa gumagawa ng entrada ng sapatos
Alabab (Kap.) - tunog ng buwaya na nag-aaway; idiomatically refers to moon or sunrise
Kinagisnan - nakasanayan
Lampaso -
Casili - Eel; also called igat
Banlog (Bis.) - Eel
Alimuom - petrichor
Nahimasmasan - refreshed
Supbok - Penis piercing; Sakram
Litid - cartilage
Halaan - clam
Ipo-ipo - water spout
Buhawi - tornado
Alimango - mud crab; lives in mangroves; Kagang (Bis.);
Kuray; Kubaw
Alimasag - blue crab; lives in the sea
Talangka - river crab; lives in the river
Tatus- coconut crab
Aligue - taba ng talangka
Tukád (Ilk.) - step or rung of a ladder
Dilaab (Seb.) - strong and bright flame
Maglimbag - mag-print
Lato - seaweed with popping boba like bulbs also called sea grapes
Mambabarang (Blk Tgl.) - male mangkukulam;
Alitangya - black rice bug
Apug - powder coming from shells
Lapnisan - agarwood
Bungar - first alcoholic drink of the day
Bahura - coral reef; nabahura - to get snagged on a reef
Humil - stale
Abdo - gallbladder
Walo-walo - striped sea snake; named aptly due to its venom killing in 8 seconds
Tingga - lead
Malasugi - swordfish
Salungò - sea urchin
Kamanyang - frankincense/incense
Palina - incensing
Sahing - sap
Banghay-aralin - lesson plan
Huwad - peke
Liwayway - dawn
Bukang-liwayway- break of dawn
Gawgaw - cornstarch
Hikit- weaving a (usually fishing) net
Pugita - octopus
Kabayo-kabayohan - seahorse
Anloague - karpintero
Pagal (Cvt. Tgl) - stressed
Tingga - tin
Tibig - type of fig in ph
Sulyaw - malaking mangkok
Nauga - shook
Uga - shake
Tukmol - turtledove
Yaka - cross-legged sit
Maluho- mahilig sa gamit; materialistic
Alapaap - high clouds
Salipawpaw - airplane
Ibid - Philippine sailfin lizard
Busangot - mad face
Simangot - sad face
Saliksik - research
Pagsusuri - Evaluation
Bahing - sneeze
Donsol - sea hare (sea slug)
Lukot - sea hare eggs
Kaltok - opposite of batok (it's on the forehead)
Kutos - side of forehead (compared to kaltok)
Puot - hatred
Bangbang- fire tree
Maral - Visayan Leopard Cat
Kalansay - skeleton
Hihingahan - confidant (literally "to breathe out")
Lubot (Seb.) - sole of a shoe; puwet; in Tagalog it can mean anal sex (alt. to pwinetan).
Wais - wise
Agiw - cobweb
Apura - rush
Darák - rice bran
Tablay - energy
Barangká - gorge
Lumba-lumba - dolphin
Baraniw - tanglad
P.S. yung iba walang palatuldikan kasi sinabi lang sakin at mahina ako sa pag-unawa kapag binibigkas siya. Di pa ako hasa sa ganyang mga bagay. Kung gusto niyo lagyan o bigyan ng pansin, ilagay niyo lang sa comment section hehe. Kung may gusto kayo idagdag, go lang. Open-minded naman ako sa mga ganyan hehehe.
Edit 1: made it more eye-friendly because I just copy-pasted and I didn't know it would turn out differently and I added one more thing sa legend
Edit 2: the same thing happened with the legend. Krazy
submitted by jsalvi to Tagalog [link] [comments]


2022.06.17 09:33 Sad_Supermarket_6659 do you have images of politicians showing their stolen wealth?

Guys im collecting pics to show kung gano kayaman ung mga politiko na galing sa nakaw ang yaman.
If you have references, please post naman sa richpoliticiansph
Mas obvious, mas ayos. Like pag mamaneho ng magagarang sasakyan, bahay, etc...
Para lang may diary tau, at malaman natin sino ung mga mayayaman na buwaya.
submitted by Sad_Supermarket_6659 to Philippines [link] [comments]


2022.05.30 04:34 Advanced_Stranger363 ito talaga bagay ngayon eh. halik ni hudas by wolfgang

Mga asong naloloko, nagpapanggap na tao Pangakong matamis, puro langaw at ipis Sa bawat tabi at sulok, pagkatao'y nabubulok Nakalubog na sa kabaong, lalo pang binabaon Tao sa pangil ng buwaya Kapangyarihan ng halik ni Hudas Ubos na'ng mga bayani, mga duwag ang nalalabi Kunwari'y matatapang, ihahango sa kahirapan Kukunin n'ya lahat sa 'yo, isip at kaluluwa Pagkatao mo'y papasukin, tapos dudurugin Tao sa pangil ng buwaya Kapangyarihan ng halik ni Hudas Magtiwala ka sa akin, kaligtasan mo ako Dito ka susunugin sa aking paraiso Sumunod sa mga utos, mga lason na pangako Ang kanyang mga kamay, mga batong pumapatay Kaibigang nakaitim, dadalhin ka sa dilim Magpailalim sa kanya, nakatali ng kadena
submitted by Advanced_Stranger363 to Philippines [link] [comments]


http://rodzice.org/